youth situation under aquino (2014)

15
PAMBANSANG KALAGAYAN KABATAAN NG SA ILALIM NG REHIMENG US-AQUINO

Upload: anakbayan-ph

Post on 28-Apr-2017

248 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: Youth Situation Under Aquino (2014)

PAMBANSANGKALAGAYAN

KABATAAN NG

SA ILALIM NG REHIMENG

US-AQUINO

Page 2: Youth Situation Under Aquino (2014)

KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 3

Maunlad at maginhawang kinabukasan – ito ang hangad ng bawat kabataang Pilipino.

Gayunpaman, dahil sa mapaniil at mapagsamantalang sistemang panlipunan na pinatitindi ng mga atake ng mga nagdaang rehimen at ng kasalukuyang rehimeng US-Aquino sa kabuhayan at karapatan ng mamamayan, malinaw na walang maaliwalas na kinabukasan ang naghihintay para sa kabataang Pilipino.

Bilang batayang karapatan, ang bawat kabataan ay nakakatamasa ng de-kalidad at libreng edukasyon sa bansa. Ngunit dahil sa matinding kahirapan at paglalako ng edukasyon sa bansa, kalakhan ng bilang nila ay naitutulak palabas o hindi man lamang nakatutuntong ng paaralan. Sa maagang yugto ng kanilang buhay, binabalikat na nila ang mabibigat na pasanin ng kanilang mga magulang na manggagawa at magsasaka. Maliban sa pagkakait ng karapatan sa edukasyon, biktima ang kabataan sa kanayunan at kalunsuran ng ng kawalan ng lupa, malawakang tanggalan sa trabaho, mababang pasahod, kawalan ng batayang serbisyo sosyal at panunupil ng mga karapatang sibil. Ang ilan sa kanila’y nasisira ang buhay dahil napipilitang masangkot sa mga gawaing anti-sosyal dahil sa kawalan ng kabuhayan.

Mas matinding pagkabusabos ang dinaranas ng kabataan sa ilalim ng rehimen ni Pang. Benigno Aquino III. Matapos niyang tuntungan ang pagkamuhi ng kabataan at mamamayan sa naunang rehimeng Arroyo at mangako ng tuwid na daan tungo sa pagbabago, nagpatupad naman siya ng mga polisiyang katulad at mas masahol pa sa nagdaang rehimen.

Sa kabila ng pagsisikap nito na lumikha ng ilusyon ng pang-ekonomiko, pampulitikal, at panlipunang pagbabago, nalalantad na katangian ng gobyernong Aquino bilang tuta ng US, pahirap sa masa at korap, tiwali’t bulok ang pamamahala. Walang patumangga ito sa pagpapatupad ng mga polisiyang nagsisilbi sa dayuhan at iilan at nagsasamantala sa kabuhayan ng mamamayan.

Pinakamaasahang papet ng US si Aquino na nagtataguyod ng pang-ekonomikong interes nito, at nagbibigay-katwiran sa agresyon nito sa Asya-Pasipiko. Sa kabilang banda, kamay na bakal ang inihaharap ni Aquino sa sinumang magtangkang tumuligsa sa kanyang mga patakaran.

Layunin ng praymer nito na ilahad ang pangkalahatang kalagayan ng kabataang Pilipino sa loob ng isang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan na pinapasidhi ng rehimeng US-Aquino. Higit, dapat magamit ang papel na ito sa pagpukaw sa pinakalawak na hanay ng kabataan at estudyante, kumilos at sumanib sa pambansa demokratikong pakikibaka ng mamamayan.

PANIMULA

MAHAHALAGANG SANGGUNIAN:

National Statistics Office, Estimated Youth Population Ages 15-30 by Region Philippines 2000-2010

http://www.gmanetwork.com/news/story/255959/news/nation/222-private-schools-raise-college-tuition-hikes-average-p41-52-per-unit

National average increase in tuition: P36.93 for 2011-2012; P41.52 for 2012-2013, and P37.45 for 2013-2014. Total is P115.00 increase during the time of Aquino

Conservative estimate of average tuition increase in NCR is P64.04 based on 2013 data. Multiply this by 3 years, P192.12

http://www.nscb.gov.ph/pressreleases/2012/PR-201206-SS2-01_pov2009.asp

Ibon (January 2013) “Yearend 2013: Deepening Crisis and Disillusionment” Economic and Political Briefing

http://www.nscb.gov.ph/ncs/11thNCS/papers/invited%20papers/ips-15/03_Estimating%20Informal%20Settlers%20in%20the%20Philippines.pdf

Enero 2014, ANAKBAYAN “GABAY SA PAGTATALAKAY HINGGIL SA PAG-TAAS NG PRESYO NG KURYENTE, LANGIS, AT PAMASAHE”

Page 3: Youth Situation Under Aquino (2014)

LARAWAN NI MACKY MACASPAC, PINOY WEEKLY

Page 4: Youth Situation Under Aquino (2014)

6 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 7

I. ANO ANG PANGKABUUANG KALAGAYAN NG MAMAMAYAN SA ILALIM NG REHIMENG AQUINO?

Walang pundamental na pinagkaiba ang pamamahala ni Benigno Aquino III sa mga nakaraang Pangulo na itinakwil din ng mamamayan.

Taliwas sa ipinagmamalaking pag-unlad sa ekonomiya sa loob ng nakaraang tatlong taon, walang-habas na masaker sa kabuhayan ng mamamayan ang isinasagawa ng administrasyong Aquino. Nakuha pa niyang tawagin na ‘rising tiger economy’ ang Pilipinas gayong sa kaibuturan ay humaharap sa lumalalang kawalan ng trabaho, kagutuman at kahirapan ang milyun-milyon nating kababayan.

Kung matalas na susuriin ang mga dinuktor na datos ng gobyerno, makikitang tumaas naman ang bilang ng walang trabaho at naghahanap ng dagdag-trabaho sa halos 11.8 milyon ngayong taon . Ito ay halos 30% na ng labor force ng bansa at isa sa pinakamataas sa ating kasaysayan. Ito rin ang pinakamasahol na tantos ng kawalang trabaho sa buong Asya.

Ayon din sa pag-aaral ng IBON, lubhang maliit sa katotohanan ang sinasabi ng gobyerno na 23.7 milyong Pilipino lamang naghihirap o kulang sa P52.00 ang panggastos kada araw. Sa katotohanan, kung P100.00 kada araw ang pagbabatayan, aabot sa 56 milyon ang mahihirap, at tataas pa sa 66 milyon kung P125.00 ang pagbabatayan .

Ang kalagayang ito ay lalong pinasisidhi ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga serbisyo’t mga batayang pangangailangan sa bansa habang di naman

nakasasabay ang sahod ng karaniwang manggagawa. Sa kasalukuyan, mahigit P1,000 ang daily cost of living para sa isang karaniwang pamilya habang nakapako naman sa P466.00 ang minimum na sahod sa NCR. Nakapinto pang magtaas ang presyo ng kuryente, langis, pamasahe sa dyip, at MRT-LRT.

Samantala, tuluy-tuloy naman ang demolisyon sa mga maralitang komunidad ang bigyang-daan ang mga proyektong Public-Private Partnerships (PPP) ng administrasyon. Sa ilalim ng rehimeng Aquino, madudugo at mararahas na demolisyon ang ipinatupad tulad kung saan napakarami ang nasasaktan at namatay.

Walang ring plano ang asyenderong Pangulo na magpatupad ng reporma sa lupa. Sa katunayan, ayon sa IBON research, pinakamaliit ang bilang ng naipamahaging lupa sa ilalim ng rehimeng Aquino kumpara sa lahat ng Pangulo mula nang ipatupad ang CARP. Nasa 14, 942 ektarya kada buwan lamang ang naipamahagi nito at sa katunayan, 66% nito ay government lands. Limang taon nang nahuhuli sa skedyul ng pamamahagi ng lupa kung pagbabatayan ang huwad na batas hinggil sa reporma sa lupa (CARPER) na ipinasa din nila mismo. Samakatuwid, patuloy na nagpapakasasa ang malalaking panginoong maylupa sa inangking mga lupain na dapat ay matagal nang naipamahagi sa magsasaka kabilang na ang Hacienda Luisita.

Lumala ang kahirapan sa kabila ng napakalaking itinaas ng badyet ng CCT. Sa pagitan ng 2009 at 2012, lumaki ang badyet nito ng 407% o P5 bilyon tungong P39.4 bilyon. Dumami ang bilang ng benepisyaryo nito ngunit patunay na hindi nito nasosolusyunan ang kahirapan sa bansa. Sa katunayan, alam ng mga komunidad na pinaglalagakan nito na pinagmumulan ito ng malawakang korapsyon at ginamit para sa bumili ng mga boto para sa May 2013 na eleksyon.

Samantala, napulupot si Aquino sa sariling sapot ng kanyang kasinungalingan sa usapin ng malawakang korapsiyon at katiwalian niya at kanyang administrasyon. Nalalantad nang husto ang kaniyang pagiging maka-dayuhan, maka-iilan, korap, at pasista.

Walang ibang nakikinabang sa ipinagmamalaking paglago sa ekonomiya kundi ang malalaking burgesya komprador, panginoong maylupa, at dayuhang negosyo. Sa katunayan, tumaas nang halos 36.4 bilyon dolyar ang net worth ng 40 pinakamayayamang Pilipino mula nang maupo si Aquino noong 2010 (Figure 2).

Patuloy ang pangingibabaw ng dayuhang negosyo sa ekonomiya. Hawak ng mga Trans National Corporations (TNC) ang 36% ng pinagsama-samang kita ng top 1000 corporations (2011). Sa manupaktura, hawak nila ang 67% ng kabuuang kita (Ibon Foundation).

Ang PPP ni Aquino ay nagbibigay ng mas maraming pagkakataon para ibayo pa silang magpalaki ng yaman. Pinakamalaki ang pakinabang ng mga

Page 5: Youth Situation Under Aquino (2014)

8 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 9

alyado at kaibigan ng pamilyang Aquino (Table 1).

Hinahayaan ng gobyernong Aquino ang garapal na pananamantala ng pribadong kumpanya sa paniningil ng kuryente at tubig. Sa katunayan, napakalaki ng paglago ng tubo ng Meralco (8%), Manila Water (26%), at Maynilad (13%) dahil sa walang tigil na pagtataas ng singil. Sa ngayon, pinakamataas ang presyo ng kuryente sa Manila at panlima naman ang sa tubig sa buong Asya.

Nabasag ang propaganda na “kung walang korap, walang mahirap,” nang matuklasan ng sambayanan na taglay niya ang pinakamalaking pork barrel na pinagkukunan ng ibubulsang pondo ng bayan na aabot sa P1.1-P1.3 trilyon. Labis ang pagkamuhi ng sambayanan sa higit pang natuklasan na garapal na paggamit ng pondo ng bayan upang suhulan ang iba pang opisyal ng gobyerno na itulak ang impeachment ni CJ Corona sa pamamagitan ng DAP. Sa inaprubahang badyet para sa 2014, nagkunwaring tinanggal na ang PDAF ngunit ga-higanteng bahagi pa rin ang inilaan para sa pork barrel ng mismong Pangulong Aquino.

Dahil sa pagpapatupad ng mga pahirap na polisiya para sa kapakinabangan ng dayuhan, malalaking negosyante’t panginoong maylupa, umaani ng batikos at protesta ang rehimeng Aquino. Pinatinding paglabag sa karapatang-pantao, panunupil, at pagpapakatuta sa imperyalistang US ang sagot nito.

Mas masahol pa sa panahon niya ang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. Ayon sa datos ng KARAPATAN, sa unang dalawang buwan ng 2014, halos isang biktima ng EJK ang naitatala kada linggo. Itinulak ni Aquino ang pagpapatupad ng Anti-Cybercrime Law na sumusupil sa malayang pagpapahayag, pagpoprotesta, at pag-oorganisa sa pamamagitan ng internet.

Samantala, upang patuloy na anihin ang suporta ng US, bigay-laya ito sa pagpapapasok ng tropang Amerikano sa bansa. Nakatakdang pirmahan ang kasunduan para sa pagpasok ng mas malaking bilang ng tropang militar ng US na siyang sasadyain pa ni Barack Obama sa darating na Abril.

Mailalarawan naman ng karanasan ng mga biktima ng nakaraang bagyong Yolanda ang pagiging pabaya nito sa mamamayan sa panahon ng kalamidad habang sagad-sagaring korap at garapal sa tubo ng gobyernong Aquino. Hindi naghanda at walang interes ang gobyerno na Aquino na iligtas ang mamamayan ng Eastern Visayas mula sa paparating na bagyo. Mas masahol pa, pagkatapos ng bagyo ay napakabagal ng tulong pangkagipitan sapagkat abala ang kanyang ahensya kung papaano pagkakakitaan at kukulimbatin ang mga donasyon mula sa mga nais tumulong. Ipinakalat din nila ang propagandang tapos na ang panahon ng relief kahit marami sa mga biktima ay wala pa ring estableng pagkukunan ng makakain sa araw-araw dahil sabik na sabik na si Aquino at kanyang mga alyadong negosyante na pagparte-partehin ang pagnenegosyo at kick back sa rehabilitation program ng gobyerno.

Lahat ng ito ay patunay na walang pundamental na pagkakaiba, bagkus pinalala pa ng gobyernong Aquino ang pagdurusa at pagkabusabos ng mamamayan sa ilalim ng bulok na sistema.

Page 6: Youth Situation Under Aquino (2014)

10 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 11

II. ANO ANG PARTIKULAR NA KATANGIAN NG KABATAAN SA LIPUNANG PILIPINO?

Ang mayorya ng populasyon ng bansa ay mga kabataan. Sa pagsusuri ng datos ng projection ng gobyerno , aabot sa halos 38 milyon mula sa 94 milyong Pilipino ang nasa edad 13-35 na itinuturing nating kabilang sa sector ng kabataan. Samakatuwid, binubuo nila ang 41% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.

Partikular din na katangian ng sektor ng kabataan ang pagiging konsentrado sa mga paaralan, pagawaan, at komunidad. Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), 10M (25%) ng mga kabataan ay mga estudyante. Habang 13.2M (34.7%) ng mga kabataan naman ay nagtratrabaho. At sa naturang datos din nakasaad na halos 15.2M (40%) ng mga kabataan ay hindi nag-aaral at hindi nagtratrabaho.

Mula sa bilang ng mga kabataang nagtratrabaho, 3.9M sa mga ito ay nasa sektor ng agrikultura. Habang mas malaking bilang ng mga kabataan (5.6M) ay nasa iba’t ibang sangay ng industriya at 3.5M ay nagtratrabaho sa sektor ng serbisyo.

Samakatuwid, matatagpuan ang kabataan sa iba’t ibang sektor ng lipunan, kaya’t pangunahin ding biktima ng krisis ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan na ibayong pinasahol ng gobyernong Aquino.

Ang pagtatalakay sa kalagayan ng kabataan at estudyante ay pagtatalakay din ng kalagayan ng iba’t ibang sektor sa lipunang Pilipino. Tulad ng nararanasan ng mayorya, lubog sila sa kahirapan, dumaranas ng pagsasamantala, at walang maunlad na kinabukasan sa ilalim ng kasalukuyang lipunan.

Sa ganitong kalagayan, naghahangad ang kabataan ng panlipunang pagbabago. Nagiging katangi-tangi ang papel na dapat gampanan ng kabatan at estudyante sa pagresolba at pagwawakas sa krisis ng lipunang Pilipino.

III. PAANO IPINAGKAKAIT SA KABATAAN ANG KANYANG BATAYANG INTERES SA ILALIM NG REHIMENG AQUINO?

A. ANG PAPASAHOL NA KRISIS NG KOMERSYALISADO, KOLONYAL, AT PASISTANG EDUKASYON

Hindi natatamasa ng kabataan ang karapatan sa edukasyon pagkat ito’y pinatatakbo bilang mga negosyong pinagkakakitaan nang husto. Pinahi-hirapan ang mga kabataang estudyante ng taunang pagtaas ng matrikula at iba pang gastusin, walang-habas na panunupil sa kampus, at ng maka-dayu-hang oryentasyon ng sistema ng edukasyon.

Dahil sa di maampat na pagtaas ng mga bayarin sa eskuwelahan, papalaki din ang bilang ng mga di makapag-aral. Ayon sa datos mismo ng gobyerno , nasa 10 milyon lamang na kabataan ang nakakapag-aral.

Ayon sa datos ng CHED para sa 2011-2012, 3 sa 4 na kabataang edad 16-22 ang di nakakapasok sa kolehiyo. Ibig sabihin, 3 milyon lamang sa dapat na 12 milyong kabataan ang nakakapasok sa kolehiyo.

Higit sa kalahati o 1.7 milyong estudyante (57.74%) ay nakakonsentra sa 2,247 pribadong pamantasan sa bansa . Sa kabilang banda, nagsisiksikan naman ang 1.1 milyon (37.09%) ng mga kabataan sa 111 State Colleges and Universities (SUCs) at may 150,311 naman ang nasa 95 na Local Universities and Colleges (LUCs) sa bansa (Table 2).

Samantala, ayon sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa 6.9 mi-lyon naman ang naka-enroll sa hayskul, konsentrado ang 5.6 milyon nito sa 7,268 na pampublikong hayskul habang nasa pribado naman ang 1.3 milyon. May nasa 4.6 milyong edad 12-15 ang hindi nakakapasok sa hayskul (Table 3).

Page 7: Youth Situation Under Aquino (2014)

12 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 13

Sa madaling salita, halos nasa 13.6 milyong kabataan ang dapat nasa mga hayskul at kolehiyo (edad 12-22) ang pinagkaitan ng karapatan sa edukasyon.

1. KOMERSYALISADO

Ang taun-taong pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin ay dulot ng komersyalisado, kolonyal, at pasistang sistema ng edukasyon sa kabuuan at sinusuhayan ng matitinding patakaran ng komersyalisasyon sa ilalim ng gobyernong Aquino. Sa ilalim ng sistemang ito, ang edukasyon ay hindi karapatan kundi isang pribilehiyo at negosyo ng iilan at dayuhan.

Sa ilalim ng gobyernong Aquino, ipinatupad ang CHED Memorandum 3 (Series of 2012) na lalong nagpatindi ang garapal na paniningil ng matrikula at iba pang bayarin sa mga pribadong paaralan. Ginawa nitong lehitimo ang taun-taong pagtataas ng matrikula, miscellaneous, at iba pang kuwestyonableng bayarin. Ipinanukala nito na anumang pagtataas na dumaan sa konsultasyon ay makatarungang singilin.

Sa panahon ng panunungkulan ni Aquino naitala ang pinakamaraming bilang ng Higher Education Institutions na nagtaas ng matrikula. Sa katunayan, sa ilalim ni BS Aquino, umabot na sa halos P115.00 ang itinaas ng tuition kada yunit o katumbas ng P3,450.00 kada semestre o P6,900.00 hanggang P10,350.00 kada taon para sa mga estudyanteng kumukuha ng 30 units sa mga pribadong unibersidad at paaralan.

Higit pang mataas ang average para sa mga eskuwelahan sa National Capital Region (NCR). Tinatayang aabot sa P200.00 ang itinaas kada yunit sa mga eskuwelahan ng NCR o katumbas ng P6,000.00 kada semestre o P12,000.00 hanggang P18,000.00 kada taon.

Resulta ito ng patuloy na pagtalima ni Aquino sa mga neoliberal na polisiya na nagdidikta ng deregulasyon at pribatisasyon ng edukasyon tulad ng Higher Education Modernization Act of 1997 at ang Education Act of 1982.

May iba’t iba ring mga iskema ng awtomatikong pagtataas ng matrikula. Halimbawa, hindi na kinakailangang idaan sa konsultasyon ang pagtataas matrikula sa mga freshmen kaya awtomatiko na itong tumataas.

Samantala, nasa balangkas din ng komersyalisasyon ang programang Roadmap for Public Higher Education Reform (RPHER). Sa ilalim nito, pinatitindi ang kaltas pondo sa SUCs at pag-engganyo ng pribadong negosyo upang pagkakitaan ang pampublikong edukasyon. Itinutulak ito sa pamamagitan ng tuition and other fees increase, mga kontrata ng serbisyo sa pribadong kumpanya, at pagpapagamit ng mga ari-arian ng mga paaralan para sa negosyong pribado.

Binabalak ipatupad sa masaklaw na paraang ang ‘socialized tuition system’ na tiyak na magtataas ng matrikula sa mga SUCs. Kabi-kabila din ang pagpapataw ng mga bayarin tulad ng miscellaneous fees, developmental fees, laboratory fees, at marami pang iba.

Hindi na rin ligtas ang mga estudyante ng hayskul sa pagtataas ng bayarin sa eskuwelahan. Taliwas sa ipinagmamalaki ng gobyerno ni BS Aquino na libre ang batayang edukasyon sa bansa, sa katotohana’y binabalikat ng mga magulang ang napakaraming iba pang bayarin.

Notoryus ang paniningil sa mga pampublikong hayskul ng mga dagdag na bayarin tulad ng PTA fee, examination fees, graduation fees, at iba pa. Aabot din sa P20,000 ang kinakailangang gastusin sa pamasahe, mga libro at iba pa sa pagpasok sa skwela. Bukod pa ito sa mga nirerequire na bayarin sa mga workbook, project at iba pa.

Samantala, inaasahang ang implementasyon ng K to 12 ay magdudulot ng dagdag bayarin sa mga estudyante at magulang. Marami sa mga pampublikong eskuwelahan ay walang kapasidad na magbigay ng edukasyong pang-senior highschool (Grades 11 at 12) kaya’t ipauubaya ang mga ito sa mga pribadong paaralan na tiyak na garapal na pagkakakitaan na naman ang mga highschool students. Sa katunayan, nakatakda nang maglaan ng P13.2 to P19.8 bilyon ang gobyerno na ibibigay sa pribadong paaralan para pag-aralin sa Senior High ang ilang estudyante mula sa public. Sa P18,000 kada estudyante, tiyak na malaki pa ang dagdag na gagastusin ng estudyante dahil garapal din sa pagtataas ang mga private highschools.

2. KOLONYAL

Kolonyal ang oryentasyon ng edukasyon dahil simula’t sapul, nakatuon ang sistema ng edukasyon sa balangkas ng papaano pakikinabangan ng dayuhan, partikular ng Estados Unidos, ang likas-yaman, lakas-paggawa, at buong ekonomiya ng bansa.

Pangunahing tuon ng sistema ng edukasyon ang paglikha ng malaking bilang ng mura at mapagsasamantalahang lakas-paggawa para sa mga dayuhan na siyang pangunahing itinutulak ng polisiyang K to 12. Ito rin ang dahilan bakit todo ang pagsusulong ng mga kursong magbibigay ng minimum na skills na kailangan at in-demand ayon sa itinakda ng

Page 8: Youth Situation Under Aquino (2014)

14 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 15

dayuhang negosyo.

Laman din ng mga patakarang isinusulong ng mga dayuhan ang pagpapatindi ng komersyalisasyon ng edukasyon sa Pilipinas at sa buong mundo. Walang ibang ibig pakahulugan ang ‘internationalization ng sistema ng edukasyon’ kundi ang pagtalima sa ‘istandard’ upang mabilis na mamuhunan at pagkakitaan ng dayuhan ang ating mga paaralan.

3. PASISTA

Malaki ang pakinabang ng iilan at dayuhan sa ganitong kalakaran. Aabot ilang bilyon ang tubo ng mga eskuwelahan at negosyante sa edukasyon dahil sa taun-taong pagtataas ng matrikula at sa pakikipagtulungan sa mga dayuhang negosyante.

Kaya naman at tinitiyak din nitong nakagapos ang isipan ng kabataan sa pagiging kimi, sunud-sunuran, o walang pakialam. Para sa mga namumulat at nagpapasyang kumilos, mapanupil na mga patakaran naman ang ipinatutupad.

Laganap ang mga patakarang nagkakait ng karapatan na mag-organisa, magpahayag, kumilos, at isulong ang kapakanan ng kabataan laban sa anti-estudyanteng mga polisiya. Dagdag pa ang pagkakait ng otonomiya ng mga konseho at publikasyon, pagtatakda ng iisang standard ng pananamit at hitsura ng mga estudyante, at malaganap na paniniktik sa aktibidad ng estudyante sa pamamagitan ng mga CCTV. Kabilang din dito ang diskriminasyon sa mga LGBT.

B. ANG KABATAAN BILANG BIKTIMA NG BARAT NA PASAHOD AT PRODUKTONG PANG-EKSPORT

Kabilang sa pwersa ng paggawa ang malaking bilang ng kabataan. Sa tala ng gobyerno, binubuo ng kabataang edad 15-30 ang 54.8% (15,257,000) ang kabuuang labor force o pwersa ng lakas paggawa sa bansa.

Kaya naman, pangunahing suliranin ng kabataan ang kawalan ng sapat na trabaho sa bansa. Ayon sa IBON, pumalo na sa 11.8 milyon ang bilang ng walang trabaho at naghahanap ng dagdag-trabaho. Ito ay halos 30% na ng labor force ng bansa at isa sa pinakamataas sa ating kasaysayan. Ito rin ang pinakamasahol na tantos ng kawalan ng trabaho sa buong Asya.

Upang pagtakpan ang kahiya-hiyang 400,000 nalikhang trabaho sa kabila ng ipinagmamalaking paglago sa ekonomiya, lubhang pinaliit ng gobyerno ni Aquino ang bilang ng walang trabaho sa 2.9 milyon sa pamamagitan ng pagpapalit ng pakahulugan sa “unemployed” bilang “nagtrabaho ng kahit isang oras sa nakaraang linggo”. Ayon sa IBON, 4.5 milyon o 10.6% ang tunay na tantos ng walang trabaho sa bansa.

Halos kalahati o 48.5% ng mga walang trabaho ay kabataang edad 20-24. Kapwa nahihirapan ding maghanap ng trabaho ang nasa edad 25-34. Karagdagang patunay ng kakulangan ng trabaho sa bansa ang datos na halos 74.9% ng walang trabaho’y may mataas na pinag-aralan (nakatapos ng hayskul, post-hayskul, o kolehiyo).

Walang sapat na trabaho sa ating bansa sapagkat walang nakatindig na mga empresa’t industriya. Sa katunayan, maraming kabataan ang napipilitang mangibang-bansa upang maghanap-buhay at sikaping iangat ang antas ng pamumuhay ng kanilang pamilya. Aabot sa halos kalahati (46.2%) ng manggagawa sa ibang bansa ay kabataang nasa edad 25-34. Ayon sa report ng International Labor Organization (ILO), nagtatrabaho bilang domestic helpers ang malaking bilang ng kabataang migrante.

Samantala, labis na pinahihirapan ang mga manggagawa, kung saan signipikante rin ang bilang ng kabataan, ng sistema ng mababang pasahod, kontraktwalisasyon, at malawakang tanggalan. Nariyan din ang kakulangan sa benepisyo at serbisyong panlipunan.

Para sa taong 2013, nasa P456 ang minimum wage sa NCR habang P205 ang regional minimum wage rate. Kapwa napakababa nito kumpara sa daily cost of living na nasa P1,033 kada araw.

Di na nga sapat ang sahod, nagpatupad pa ang gobyernong Aquino ng two-tiered wage system (2TWS) na nagtutulak ng ibayo pang pagpapababa ng sahod ng mga manggagawa. Sentral na programa ito ni Aquino na nilalaman ng kanyang Philippine Labor and Employment Plan 2011-2016 (PLEP).

Sa ilalim nito, nagpapataw ng floor wage na nakabatay sa hungkag na depinisyon ng poverty threshold at average wage. Sa esensiya, papababain pa nito lalo ang napakaliit nang sahod sa kasalukuyan. Halimbawa, sa CALABARZON, bababa sa P255 ang minimum na sahod mula sa kasalukuyang P337 sa implementasyon ng nasabing iskema.

Samantala, naka-ayon naman sa ‘performance o productivity’ ang ikalawang bahagdan ng 2TWS. Binibigyang-katuwiran nito ang pang-aabuso ng manggagawa upang itulak silang kamtin ang targets na itinatakda ng kanilang employer na litaw na litaw sa mga BPO, garment industry at pharmaceuticals. Papasidhiin din nito ang kompetisyon sa pagitan ng mga manggagawa.

C. ANG KABATAAN NA NAKAGAPOS SA PAGKAALIPIN AT KAWALAN NG LUPA

Higit na malaking bilang ng kabataan ang mga magsasaka o nagmula sa pamilya ng magsasaka. Sila ang sektor na pinakamahirap sa bansa .

Katulad ng iba pang magsasaka sa kanayunan na aabot sa 75% ng

Page 9: Youth Situation Under Aquino (2014)

16 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 17

populasyon, ang kabataang magsasaka ay pangunahing sinasalanta ng malawakang pangangamkam ng lupa, liberalisasyon ng kalakalan at land use conversion. Nasa balangkas ito na tumugon sa pangangailangan ng pandaigdigang pamilihan habang bumabagsak ang lokal na produksyong pangkonsumo at produksyon ng maliliit na magsasaka.

Sa ilalim ng gobyernong Aquino, nasa 48% lamang ng 1.3 milyong ektaryang target ang napasailalim sa land reform. Ito ang pinakamaliit na rekord ng pamamahagi ng lupa kumpara sa nagdaang mga rehimen.

Lantad din ang kawalang interes na bawiin mula sa panginoong may-lupa ang mga lupain ng mga magsasaka dahil kalakhan ng ipinamahaging lupain ay pampublikong lupain. 30% lamang ng kabuuang 95% na pribadong asyenda at plantasyon ang isinailalim sa CARPer na magtatapos na ngayong Hulyo 2014 Bagaman napatunayan ang kahungkagan ng naturang programa, napipinto pa ang muling pag-eekstend nito.

Patunay ang kaso ng Hacienda Luisita ng hungkag at mapanlinlang na reporma sa lupa ng gobyernong Aquino. Tinatakasan nito ang order ng Supreme Court na ipamahagi ang lupain sa pamamagitan ng tambiolo system kung saan kabilang ang mga ‘pakawalang benepisyaryo’ ng Cojuangco-Aquino. Laganap ang paggamit ng dahas upang patahimikin ang mga magsasakang patuloy na lumalaban at naglalantad sa kanilang anti-magsasakang pakana.

Samantala, laganap sa buong bansa ang land-grabbing, land-use conversion, pagbawi ng mga Certificate of Land Ownership Award (CLOA), Certificates of Land Trasfer (CLTs) at Emancipation Patents (EPs) at pangunahing pwersa sa likod nito ay mga Araneta, Ayala at iba pang malalaking panginoong maylupa.

Laganap ang kahirapan sa kanayunan dahil sa kawalan ng lupa at sa barat na pasahod sa mga manggagawang-bukid. Karaniwang nasa P156.81 hanggang P178.43 ang kinikita kada araw ng mga mangggawa sa agrikultura. Malayung-malayo sa kinakailangan upang mabuhay sila ng disente.

Nananatiling mailap ang kaunlaran sa buhay ng mga magsasaka dahil nasa kaibuturan ng programa ni Aquino ang pagpatay sa lokal na produksyon. Sa katatapos lamang na 9th Ministerial Conference ng World Trade Organization isa ang Pilipinas sa lumagda sa mga kasunduan ng ‘Trade Facilitation’ na naglalayong pabilisin ang proseso at tanggalan ng taripa ang pagpasok ng mga imported na produktong tulad ng bigas.

Naipasa rin ang Agreement on Agriculture (AoA) sa naturang kumperensya. Nililimitahan ng kasunduang ito ang subsidyong maaaring ilaan ng mga mahihirap na bansa sa kanilang agrikultura. Habang walang limitasyon ang suportang pinansiyal ng mga abante’t industriyalisadong bansa sa kanilang pagsasaka, food production, crop protection, atbp. Samakatwid, nanganganib

ang pagbuhos ng mga imported na produkto sa bansa habang pinapatay ang kakayanan natin makapagprodyus at makipagkumpetensiya sa kanilang imported na produkto.

Hindi rin ligtas sa atake ang mamamayang Moro at iba pang pambansang minorya sa kanayunan na sapilitang inaaagaw ang kanilang lupang ninuno at winawasak ang kanilang kulturang kinagisnan.

Sa pagtutulak ni Aquino ng PPP, ibayong ipinatutupad ang Mining Act of 1995 at EO 79 na nagbibigay-katuwiran sa pagpapalayas ng mga minorya sa kanilang lupain ninuno. Sa katunayan, halos kalahati ng 184 mining applications na inaprubahan ng gobyernong Aquino ay mga lupaing ninuno.

Samantala, nagbubuhos ng tropang militar ang gobyernong Aquino sa mga lugar kung saan tinitiyak ang mga proyektong dayuhan at maka-panginoong maylupa. Nagdudulot ito ng malawakang dislokasyon at paglabag sa karapatang pantao na lalong nagpapalala sa lugmok nang kalagayan ng magsasaka sa kanayunan.

Ayon sa datos ng KARAPATAN, aabot na sa 38,836 ang sapilitang lumikas dahil sa militarisasyon sa kanayunan, 9,177 mula sa bilang na ito ay kabilang sa pambansang minorya. Dahil sa desperasyon ni Aquino sa pagpasok ng dayunang mamumuhunan, pinagsasanib nito ang pwersang militar ng estado at ng pribado para protektahan ang interes ng mga namumuhunan. Laganap ang kaso ng pamamaslang at masaker sa mga magsasaka at kanilang mga pamilya.

D. PATUNG-PATONG NA PAHIRAP AT PAGKAKAIT SA BATAYANG SERBISYO

1. DEMOLISYON

Habang nanatiling salat ang oportunidad pangkabuhayan sa kanayunan, marami sa mga maralita sa kanayunan ang nagpapasyang tumungo sa siyudad upang sumugal sa paghahanap-buhay. Higit na pagmamalupit at kasakiman din ang nararanasan ng maralita sa lungsod dahil sa pagkakait ng batayang karapatan sa pabahay at seguridad sa lupang panirikan.

Sa huling tala ng National Housing Authority, may 544,609 informal settler household o 3.3 milyong indibidwal sa NCR pa lamang . Karamihan sa mga ito ay naninirahan sa tabi ng riles, ilalim ng mga tulay, nagsisiksikan sa gilid ng mga estero.

Matindi ang panganib ng pagpapalayas at demolisyon sa mga maralitang lungsod dahil sa programa ng PPP ni Aquino. Pinagsasanib nito ang dahas ng estado, pribadong sektor, at dayuhang namumuhunan upang agawin ang mga lupang panirikan at pagtayuan ng mga business

Page 10: Youth Situation Under Aquino (2014)

18 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 19

district at iba pang istruktura ng komersyo at kalakalan na tiyak paghuhuthutan ng katakut-takot na tubo.

Sa kabilang banda, mapanlinlang naman ang mga programang relokasyon ng NHA at ng gobyerno. Di makatao at binabarat ang mga relokasyon sapagkat pangunahing proyektong kinukurakot din ito nila Aquino, kanyang mga kamag-anak, at kaalyado. Tampok ang pamamakyaw ng New San Jose Builders na pagmamay-ari ng Executive Secretary ni Aquino sa mga kontrata ng demolisyon at pagtatayo ng relokasyon.

Dahil sa malaking interes sa kita mula dito, marahas ang pagpapalayas at demolisyon sa mga komunidad. Sa katunayan, sa ilalim ni Aquino naitala ang mga pinakamadugong pagpapalayas sa mga maralitang lungsod mula sa kanilang mga tahanan. Tampok ang kaso ng Corazon de Jesus, Silverio Compound, Catmon, at San Roque.

2. PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE, PAMASAHE, LANGIS AT IBA PANG BATAYANG PANGANGAILANGAN.

Kapal-mukhang paulit-ulit na nagbabanta ang Meralco ng malawakang brownout kapag hindi ito hinayaang magtaas ng singil ng kuryente matapos na labanan ng mamamayan ang planong dagdag-singil noong Nobyembre 2013.

Halos P500 ang dagdag sa buwanang singil sa kuryente para sa isang pamilyang kumukunso ng hindi tatas sa 200 KW/H ang nakatakdang ipapataw ng MERALCO. Ang palagiang pagtataas ng singil sa kuryente ay mula sa patakarang deregulasyon at pribatisasyon na niligalisa nang husto ng Electric Power Industry Act noong 2001 at ipinagpapatuloy naman ng gobyernong Aquino.

Dahil sa EPIRA, 55% ng suplay ng kuryente sa bansa ay monopolisado ng iilang korporasyon tulad ng San Miguel Corporation (Cojuangco), Meralco (Lopez) at kontrolado ng Aboitiz ang mga kooperatiba ng kuryente sa Visayas at Mindanao kaya’t malaya nilang naitatakda ang presyo.

Dagdag pahirap din sa mamamayang ang naka-ambang pagtaas ng singil sa LRT at MRT. Pansamantalang ipinagpaliban ito ni Aquino sa takot na masuhayan ang galit ng mga mamamayan na nag-aalimpuyo sa galit mula sa kabi-kabilang pagtaas. Hindi ibig sabihin na hindi matutuloy ang pagtaas ang pamasahe. Ang pagtaas ng pamasahe ay gagamitin para sa pambayad-utang at garantiya sa puhunan ng pribado.

Habang pinapahirapan ng walang-ampat na pagtataas sa presyo ng mga pribatisadong serbisyo, naglaaan naman si Aquino ng P30 bilyon bilang regulatory risk guarantee fund na subsidy sa pribadong at dayuhang mamumuhunan kung sakaling kapusin ang kanilang mga tubo.

Samantala, nagpapatuloy ang palagiang pagtaas ng presyo ng langis, dahil monopolisado ito ng iilang dayuhang kartel sa langis na kilala bilang big 3—Shell, Caltex at Petron. Monopolisado nila ang suplay ng langis sa bansa at malayang nakakapagdikta ng presyo nito sa lokal na merkado. Halos tatlong ulit nila pinapatungan ang presyo ng langis, kaya napakalaki ng kita ng mga ito.

3. PAG-ABANDONA SA SERBISYONG PANGKALUSUGAN

Hindi rin ligtas ang serbisyong pangkalusugan mula sa pribadong pagnenegosyo sa ilalim ni Aquino. Isasailalim sa PPP ang halos 29 pampublikong ospital upang pagkakitaan ng higanteng mga kumpanya. Kabilang dito ang Philippine Orthopedic Center, Fabella, Jose Reyes, at marami pang iba.

Ikinakatwiran ni Aquino na mayroon naman umanong PhilHealth, kaya mananatiling abot-kaya (hindi libre) ang serbisyong pangkalusugan sa bansa. Gayunpaman, sa taong 2014, tumaas ang taunang hulog sa PhilHealth mula sa P1,800 tungong P2,400. Idinadahilan nito na hindi sapat ang badyet na inilaan ni Aquino para bayaran ang tumataas na singilin sa serbisyong pangkalusugan sa mga ospital.

E. PAGLABAG SA KARAPATANG SIBIL AT PULITIKAL

Mas masahol at mas matindi ang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng panunungkulan ng gobyernong Aquino kumpara sa nagdaang mga rehi-men. Ayon sa KARAPATAN, umabot na sa 152 ang biktima ng extrajudicial killings, 168 na biktima ng frustrated killings, 18 na enforced disapperances, 358 kaso ng illegal arrests noong pagtatapos ng 2013. Sa unang dalawang buwan ng 2014, may isang EJK kada linggo sa ilalim ng gobyernong Aquino.

Liban sa brutal na pagpapatahimik at panunupil, ipinatupad din sa ilalim ni Aquino ang Anti-Cybercrime Law na layuning takutin at patahimikin ang mga kritiko ng gobyerno at malalaking negosyante. Layunin nitong pigilan ang paggamit ng kabataan ng internet upang ibayong magmulat, mag-or-ganisa, at magpakilos.

Kaliwa’t kanan ang pagbuwag at marahas na dispersal sa mga pagkilos sa lansangan, mga welga, barikada, at iba pa.

Sa loob ng mga paaralan, laganap din ang atake sa demokratikong karapatan ng mga estudyante. Mistulang mga garrison ang mga paaralan kung saan walang karapatan sa pagpapahayag, pagtutol, at pag-oorganisa ang mga estudyante. Sa ilalim ni Aquino, malayang namamayagpag ang represyon sa loob ng mga pribado at pampublikong paaralan kahit malinaw na labag ang mga ito sa konstitusyon.

Page 11: Youth Situation Under Aquino (2014)

20 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 21

Samantala, hindi rin ligtas ang kampus sa pamemeste ng militarisasyon. Sa ilalim ni Aquino, mas naging laganap ang pamamayagpag ng militar sa loob ng mga institusyong pang-sibilyan tulad ng mga ospital, paaralan, atbp.

Sa huling tala ng KARAPATAN, halos 300,000 indibidwal ang apektado sa nasabing abuso ng militar. Imbis na maramdaman ang seguridad, takot ang hinahasik ng detachment militar sa kampus dahil nasasalang sila sa mga sagupaan, engkwentro, operasyon.

Ginagawa ding institusyon ang kaisipang marahas at mersenaryo ng militar sa paglalako ng mga kursong ROTC. Pinalalaganap ng ROTC ang korapsiyon, pyudal na relasyon, at pagiging sunud-sunuran. Ginagamit din ito upang tiktikan ng mga kadete o opisyal ang kapwa nila estudyante. Sa ganitong diwa, makinarya din ang ROTC sa pagpapatupad ng Oplan Bayanihan, at sa esensiyang tagapagpatupad din ng kontra-terorismo, kontra-insurhensiyang programang US Coin Guide.

IV. ANO ANG UGAT NG SULIRANIN NG KABATAAN AT MAMAMAYAN?

Nasasadlak sa walang-kapantay na krisis, matinding kahirapan’t kaapihan ang mamamayang Pilipino dahil sa sistema kung saan kontrolado ng iilang dayuhan at pribadong negosyo ang ekonomiya,

pulitika, at kultura sa ating bansa. Ginagamit nila ang likas na yaman at lakas-paggawa para sa sarili nilang kapakinabangan habang labis na pinagsasamantalahan ang kabataan at mamamayan. Ito ay ang sistemang panlipunan na malakolonyal at malapyudal.

MALAKOLONYAL sapagkat di-tuwiran ang paghahari ng imperyalismong US sa ekonomiya, pulitika, militar at kultura ng Pilipinas. Lugmok na ekonomiya ng ating bansa sapagkat ibinunga ito ng deka-dekadang pagpapatupad ng paatras na patakarang nagsisilbi sa interes ng mga dayuhan at iilang malalaking negosyo.

MALAPYUDAL naman sapagkat pinananatiling atrasado at monopolisado ang lupang agrikultural at di nakasasapat-sa-sarili ang ekonomiya upang patuloy na umasa sa napakamahal na yaring produkto ng dayuhan. Samantala, lumilikha ng mga barat na hilaw o semi-processed na produkto, pinararami ang walang trabaho, at pinabababa ang sahod para pakinabangan ng dayuhan sa kanilang produksyon. Dahil dito, hindi sumusulong ang ekonomiya, walang batayang industriya, matindi ang depisito sa kalakalan, lubog sa utang, at laganap ang kahirapan, kagutuman’t kaapihan ng mamamayang Pilipino.

Itinataguyod ni Aquino ang ganitong sistema at pinatitindi ang kaapihan ng mamamamayan. Patunay ng ganitong balangkas ang kaniyang Philippine Development Plan 2011-2016 na blueprint ng pangkabuuang programang pang-ekonomiya niya. Pangunahing programa sa ilalim nito ang pagpapalaganap ng Public-Private Partnership o PPP, pagtutulak ng liberalisasyon sa kalakalan, at pagpupuspos sa deregulasyon ng presyo’t negosyo.

Pagpupuspos lamang ng programang pribatisasyon ang PPP. Layunin nitong engganyuhin at hikayatin ang dayuhan at lokal na pribadong mamumuhunan sa mga pampublikong serbisyo. Malawakang inilalako ang mga batayang serbisyo tulad ng edukasyon, sektor pangkalusugan, pampublikong trasnportasyon, pabahay, atbp para paghuthutan ng tubo ng iilan. Katumbas nito ang sapilitang pagpapalayas ng mga maralitang lungsod, magsasaka’t mangingisda at pambansang minorya sa kanilang mga tirahan at lupain para ilaan ito sa pribado.

Winawasak din ng mga polisiya ng liberalisasyon sa kalakalan ni Aquino ang anumang batayan para sa pag-unlad ng bayan at ang magandang kinabukasan ng kabataan. Binabansot ang produktong lokal habang

Page 12: Youth Situation Under Aquino (2014)

22 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 23

binubuyangyang ang bansa sa pagbaha ng dayuhang produkto. Nakaasa ang bansa sa kapital ng dayuhan (sa mukha ng mga foreign direct investments) at pag-eeksport ng mga manggagawa sa layunin na magkaroon ng sustinidong suplay ng dolyar para gawing artipisyal na istable ang ekonomiya ng bansa.

Labis na at patung-patong na pahirap naman ang deregulasyon sa presyo ng mga pinribatisang serbisyo at mga nagosyong ipinapasok sa bansa. Inutil at walang hakbang na ginagawa ang gobyernong Aquino upang protektahan ang mamamayan sa labis-labis na paniningil at pag-tubo ng mga dayuhang kapitalista.

Susi ang ginagampanang papel ni Aquino bilang pinuno ng tutang gobyerno upang itaguyod ang mga patakarang ayon sa interes ng mga dayuhang imperyalista at lokal na naghaharing uri na nagpapakasasa sa yaman ng bansa. Ang makauring diktadura ng imperyalistang US at ahente nitong malaking burgesya komprador at alyadong panginoong maylupa ang nagtityak na mapoprotektahan at maitataguyod ang kanilang interes sa sistema ng produksyon at superistrukturang malakolonyal at malapyudal na lipunan.

V. ANO ANG SOLUSYON SA PAPATINDING KRISIS NA NARARANASAN NG KABATAAN AT MAMAMAYAN?

Ang tunay na gulugod ng anumang ekonomiya ay ang industriya at agri-kultura sapagkat lumilikha ito ng pinakamahalagang kalakal na kailangan ng lipunan at tuntungan ng mga serbisyo. Indikasyon din ito ang masiglang produksyon ng malawakan, pangmatagalan at malalimang pag-unlad.

Ang pagwawagi ng bagong-tipo ng pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba ang solusyon sa krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan. Isang pakikibakang naghahangad ng paglaya ng sambayanang Pilipino sa dayuhan at pyudal na pang-aapi’t pagsasamantala.

PAMBANSA ito sa saklaw at katangian. Nananawagan ito sa mamamayang Pilipino sa buong bansa upang ipagwagi ang pagpapalaya’t pagigiit ng pam-bansang soberanya upang pabagsakin ang paghahari ng imperyalismong US sa bansa.

Sa ekonomiya, nangangahulugan ito ng industriyalisasyon at pagtataguyod ng ekonomiyang nakasasapat-sa-sarili upang kumawala sa pagiging palaasa sa dayuhan. Kabilang dito ang pagpapaunlad ng lokal na produksyon sa pamamagitan ng subsidyo at proteksyon.

DEMOKRATIKO ito sapagkat tinutugunan nito ang interes ng pinagsasa-mantalahang mamamayan na bumubuo ng 99% ng populasyon. Pangu-nahing programa nito ang paglutas ng suliranin sa lupa ng malawak na magsasaka upang paunlarin ang lokal na agrikultura, lutasin ang suliranin sa pagkain, at magkamit ng sarplas na magagamit sa pagtaguyod ng mga industriya.

Hinahangad din niton itaguyod ang demokratikong kahilingan para sa edu-kasyon at serbisyong panlipunan, gayundin, ang karapatan ng mamamayan laban sa pasismo ng estado.

BAGONG TIPO ang ating pambansa-demokratikong pakikibaka, bagama’t maituturing na pagpapatuloy ng Rebolusyon ni Bonifacio noong 1896 sapagkat nasa uring anakpawis (proletaryado at mahigpit na alyadong magsasaka) ang makauring pamumuno rito. Ito ay pagkilala na ang uring anakpawis ang siyang pinakadeterminadong ipagtagumpay ang pambansang demokrasya patungong sosyalismo.

SOSYALISTA ang perspektiba ng ating pambansa-demokratikong pakikiba-ka. Sa pagtatagumpay ng pambansa-demokratikong pakikibaka agad nating sisimulan ang sosyalistang rebolusyon at konstruksyon. Ito ang magtitiyak na hindi na makapanunumbalik ang paghahari ng imperyalismo sa ating bayan.

Page 13: Youth Situation Under Aquino (2014)

24 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 25

VI. ANO ANG MGA MAHAHALAGA AT KAGYAT NA TUNGKULIN AT NG KABATAAN?

Mahalaga at mapagpasiya ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng maka-bayan at progresibong kilusang masa upang ibagsak at baguhin ang bulok na sistemang nagpapahirap sa sambayanan.

Ang panahon ng kabataan ang pinakamahusay na edad sa pakikipagla-ban. Katangian ng kabataan ang kasiglahan ng pag-iisip at pagkilos, ang kahandaan na tumanggap ng mga bago at rebolusyonaryong ideya at pamamaraan, ang kapangahasan sa paglaban sa di-makatarungang sistema, ang kagitingan sa paglahok sa pakikibaka at ang pagnanasang maka-likha ng maningning na kinabukasan.

Kaya’t upang ipaglaban ang kaniyang kahilingan at ang interes ng mamama-yan, kinakailangan ng sama-sama, organisado, at militanteng pagkilos ng kabataan. Kailangang labanan ng kabataan ang kultura ng kawalang-pakialam, ng pagkakanya-kanya, ng pagiging kimi, disorganisado’t maka-sarili, at ng pagkalulong sa bulok at dekadenteng gawi na ipinapalaganap ng naghaharing-uri upang ilayo ang kabataan sa landas ng paglaban. Kung hindi mag-oorganisa ang kabataan, madali silang madala ng panlalansi, pananakot at pandarahas ng mga naghahari.

Upang mabaka ang bulok na kulturang ipinapalaganap ng mga naghahari, kinakailangang mahigpit na isanib ang kilusan ng kabataan sa pakikibaka ng masang anakpawis. Dapat magpanibagong-hubog ang mga kabataan at pagsilbihin ang kaniyang pakikibaka sa pakikibaka ng buong sambayanan. Kung hiwalay sa pakikibaka ng masa, nanganganib na humantong ang mga pagkilos ng kabataan sa repormismo o di kaya’y pabugsu-bugsong anarkiya na sinasamantala ng mga naghahari.

1. HUMALAW SA KARANASAN AT ARAL NG KILUSANG KABATAAN

Dapat humalaw ng aral at inspirasyon ang mga kabataan sa magigiting na kilusang kabataan sa ating kasaysayan tulad ng Katipunan noong 1890s at ng Kabataang Makabayan noong 1960s.

Magiting na itinaguyod ng Katipunan ni Bonifacio na pangunahing binubuo at pinamumunuan ng kabataan ang pambansang adhikain para sa kasarinlan mula sa pananakop ng Kastila. Tumpak nilang ipinakita ang kawastuhan na tanging sa rebolusyunaryong pakikibaka ng sam-bayanan at hindi sa reporma makakamit ang inaasam na mahusay na kinabukasan. Kung hindi lamang nagtaksil ang pangkat nila Aguinaldo at ipinagkanulo ang rebolusyon, ganap sana ang tagumpay sa paglaya ng ating bayan noon.

Samantala, sa pagkalipos nito sa diwang makabayan, ipinanata at ipina-

malas ng Kabataang Makabayan (KM) ang pagpapatuloy ng rebolusyon ni Bonifacio sa ilalim ng Pambansa Demokratikong Pakikibaka. Ipinama-las nito ang militansiya, talas at dunong upang labanan ang mga salot sa lipunang Pilipino.

Niyakap ng kasapian ng KM ang diwa at esensiya ng anti-imperyalis-tang pakikibaka na nakaugat sa aral ng unang kilusang propaganda nila Rizal at inspiradong pagtagumpayan ang rebolusyon ni Bonifacio.

Nang itatag ito noong 1964, nalipos ito ng hangarin na wakasan ang lokal at dayuhang pagsasamantala at nagkaisa sa pakikibaka sa bal-angkas ng pambansang demokrasya. Parang apoy na naglagablab sa parang ang bilis at dami ng kasapian unang taon ng pagkakatatag nito sapat para kilalanin ito bilang isang pambansang organisasyon ng ka-bataan at estudyante. Hindi lamang kabataang estudyante ang laman ng kasapian nito, ngunit marami ring kabataang manggagawa ang naging kasapi ng KM.

Dahil sa isang antas ng lapad at saklaw, nagawa ng KM na makapaglu-sand ng mga kampanya at aksiyon masa laban sa imperyalismo at lokal na papet nito. Taong 1968-69 naman nang pumutok ang mga aksiyong masa sa mga pamantasan sa buong bansa na mariing tutol sa iba’t ibang reaksiyunaryong patakaran sa edukasyon na nagbubunga ng pagtaas ng matrikula at bulok na serbisyo sa paaralan.

Nang malimbag ang Makibaka para sa Pambansang Demokrasya taong 1967, ito ang tangan ng kasapian ng KM at laman ng kanilang mga ta-lakayan at umukan. Lalong naglagablab ang diwang palaban at maka-bayan ng kasapian ito.

Ang kilusang edukasyon ay matibay na pundasyon ng kilusan nang sumiklab ang Sigwa ng Unang Kwarto noong 1972. Ang antas ng ka-mulatan ng kasapian ng KM ay sapat para resolbadong tunggaliin nito ang reaksiyunaryong estado sa pamumuno ni Marcos. Dahil kinilalang banta sa pampulitikang lakas ng estado, napilitan kumubli sa under-ground ang KM nang maideklara ang Martial Law. Ginamit naman nila ang pagkakataon na ito para pasiglahin ang kilusan sa kanayunan, at marami sa kanila ay sumanib sa rebolusyong agraryo.

Matapos tuldukan ang diktadura ni Marcos mula sa tagumpay ng paghungos ng libo hanggang daang libong bilang ng mamamayan sa EDSA, nagpatuloy ang KM sa pakikibaka para sa pambansang demokra-sya. Ang katatagan ng KM ay kapwa nagmula sa mga tagumpay nito at maging mga pagkakamali. Hinarap nito ang signipikanteng pagliit ng kasapian sa panahon ng paglihis ng dekada 80 sa ilusyon na mapag-tatagumpayan ang pakikibaka sa palagiang aksiyong masa at gasgasang mga aksiyon.

Page 14: Youth Situation Under Aquino (2014)

26 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 27

Hindi matatawaran ang paglakas ng KM sa kasalukuyan, pinagdaanan nito ang kilusang pagwawasto at nagpapatuloy sa pagpapahusay sa larangan ng politika, ideolohiya at pagpapalawak ng kanyang kasapian. Matatagpuan ang mga balangay nito sa mga sakahan, pagawaan, sa mga komunidad, sa mga hayskul at iba’t ibang pamantasan.

Nanatiling angkop at napapanahon ang esensiya at diwa ng rebolusyu-naryong Katipunan at KM. Sumasahol ang krisis ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunang Pilipino, habang patuloy itong hinuhuthutan ng naghihingalong parasitikong Estados Unidos.

Dapat laksang bilang ng kabataan at estudyante ang sumanib sa pambansa-demokratikong pakikibaka. Tanging sa pagsabak nito sa pakikibaka ng kanyang sektor at mapagpasyang pagsanib sa pakikibaka ng masang-anakpawis nagiging matapang, matalas at napapanday ito bilang isang ganap na pwersa ng pampulitikang pagbabago.

2. PUSPUSAN AT WALANG-IMBOT NA PAGLINGKURAN ANG SAM-BAYANAN: MAGPUKAW, MAG-ORGANISA, AT MAGPAKILOS!

Sa panimula, kinakailangang pumaloob ang mga kabataan sa mga organisasyong masa na nagsusulong ng pakikibaka para sa pambansang demokrasya (PD). Sa ganitong paraan lamang matitipon at masasala-layan ng kabataan ang kanyang organisadong lakas upang labanan ang anumang lokal, sektoral, o pambansang usapin.

Sa loob ng mga organisasyong ito mapapalalim ang pag-unawa sa pambansa-demokratikong pagsusuri at programa. Sa minimum ay pag-aralan at unawain ang oryentasyon at konstitusyon ng mga organ-isasyong nagsusulong ng PD. Maaaring palalimin pa ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkuha ng pampulitikang at teoretikal na mga pag-aaral kabilang na ang pagpapahusay sa panlipunang pagsisiyasat.

Walang silbi ang pampulitikang pag-aaral kung hindi naman ito ga-gamitin upang mag-oorganisa ng sanlaksang masa ng kabataan. Ang pampulitikang pag-aaral ay hindi lamang upang patunayan na tayo ay mas mahusay kaysa sa iba. Ito ay gabay natin para sa epektibong pag-mumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos ng mga kabataan sa papalaki at papasaklaw na paraan.

Absoluto ang pangangailangan para sa solido at tuluy-tuloy na lumala-wak na pambansa-demokratikong organisasyon ng kabataan. Kung mas Malaki ang mga organisasyon, mas lumalaki ang kapasidad natin na hikayatin ang mas malaking bilang ng di pa organisadong kabataan sa ating mga kampanya at mobilisasyon upang labanan ang pagpapahirap sa mamamayan.

Di rin sapat na lumalaki ang mga organisasyon ng kabataan. Kinakailan-gang malakas na makibahagi at makipagtulungan sa organisasyon

ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, maralitang lungsod, kababaihan, propesyunal, at taong-simbahan. Mahalaga ang kabataan sa pambansang pagpapalaya ngunit hindi nito kayang ipagtagumpay ito nang nag-iisa.

a. Dapat pukawin at imulat ang kapwa kabataan at ang mamama-yan sa ugat ng kanilang mga suliranin at sa kawastuhan ng pambansa-demokratikong pakikibaka. Dapat matalas na maiguhit ang ND na pagsusuri sa lahat ng usaping bumabalot sa masa. Dapat pukawin ang mga kabataan na maging kritikal sa mga napapanahong isyung pambayan.

b. Dapat asamin ang bugsu-bugsong (wave upon wave) na pagla-wak ng mga pambansa-demokratikong at pang-masang organ-isasyon. Dapat palaparin din ang network at na-aalyadong mga organisasyon at institusyong pang-estudyante na nahahamig sa balangkas ng pambansa demokrasya. Dapat tanawin ang pagbu-buo ng lakas-opensibang paglawak ng napamumunuan, naiim-pluwensiyahan at nahahamig na organisasyon ng estudyante habang ninyunyutralisa at/o direktang tinutunggali ang mga kontra-ND.

c. Sentral sa paglawak at pagpapasidhi ng pakikibakang ND ang regular (antas-habit), at papataas na antas ng pag-aaral ng mga kurso hinggil sa pambansang demokrasya. Dapat may malinaw at kongkretong balangkas ng pagpapakuha at pagpapatapos sa hanay ng kasapian at sa masang nais nating organisahin. Ang ND pag-aaral ay dapat ituring na sandata, na dapat napapanday sa mga sustinidong pag-aaral at napapatalas sa paglalapat nito sa aktwal kampanya at pakikibakang masa.

May-angking lakas, kasiga-sigan at kasiglahan ang kabataan na likas lamang sa kanya. Nalilipos ito ng hangarin na hindi lamang pansarili, sapat para siya ay taguriang “pag-asa ng bayan.” Nag-uumupaw siya sa mga makabagong ideya, nag-aanak ng mga imbensiyon at inobasyon, mula’t sa mga teorya, at laging bukas sa pagbabago.

Sa kanyang pagkamulat, siya ay nahaharap sa sangandaan—ang piliin ang isang rebolusyonaryong landas o magpatianod na lamang sa agos. Ang kanyang pagpapasya ay katumbas ng kapalaran at kahahantungan ng lipunang kanyang ginagawalan.

Nababalot ngayon ang kabataan sa isang pamibihirang sitwasyon ng ligalig. Laganap ang pang-ekonomiko at pampulitikang krisis. Higit kailanman, hinahamon ang kabataan na mapagpasyang tumindig sa lugar nito sa pakikibaka—sa unahan ng mga kilusang protesta, kakapit-bisig ang malawak na hanay ng masang anakpawis.

Page 15: Youth Situation Under Aquino (2014)

Ang Dokumentong ito ay inilabas ng: Pambansang Himpilan ng ANAKBAYAN

Institute for Nationalist StudiesAbril 2014