aralin 1 second grading

Post on 11-Apr-2017

926 Views

Category:

Education

21 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Paksang-Aralin Paksa: Alamat Kasanayang Panggramatika: Mga Pang-ugnay sa

Paglalahad Teksto: Ang Alamat ng Baysay

(Bahagi ng The Beautiful Bungangsakit)salin ni Reynaldo S. ReyesMula sa “The Legend” by Damian L. Eugenio, UP

PressSanggunian:

Grade 7 Kurikulum Guide (2013)Kalinangan (Rex Bookstore)www.rexinteractive.comwww.youtube.com

Aralin 1

ALAMAT

(BAHAGI NG THE BEAUTIFUL BUNGANGSAKIT)

SALIN NI REYNALDO S. REYES

MULA SA “THE LEGEND” BY DAMIAN L. EUGENIOUP PRESS

Alamat ng Baysay

Balik-aral

Ano ang paborito ninyong laro at bakit?

LUGAR MO! HUHULAAN KO!

Pagganyak:

Kikilalanin ninyo ang mga larawan na ipapakita ko.

Tanong???

1. Napuntahan na ba ninyo ang mga lugar na ito?

2. Alin dito ang hindi pa ninyo nadadalaw/ napupuntahan? Bakit?

3. Paano nakatutulong sa programang panturismo ang mga pook na ito?

4. Ano ang maaari mong gawin para mapaunlad ang bayan ng Santa Barbara?

Paghahawan ng Sagabal

Panuto:Gamitin sa sariling

pangungusap ang mga sumusunod na ayon sa sariling pagkaunawa.

(Prior Knowledge)

 

1. Kuta2. Nagtatag3. Bukana4. Vinta5. Kublihan

 

Paglalahad ng Aralin

(BAHAGI NG THE BEAUTIFUL BUNGANGSAKIT)SALIN NI REYNALDO S. REYES

MULA SA “THE LEGEND” BY DAMIAN L. EUGENIOUP PRESS

Alamat ng Baysay

Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita, ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag na kuta na yari sa mga batong adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy, at Tomas Makahilig. Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, sila’y nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay na may kahulugang “maganda” bilang parangal at sa alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit.

Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ay hindi sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip, sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi, na may kahulugang “Ang Pinakamaganda” bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit. Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol na binubuo ng matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang ang mga tulisang-dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat at upang mamatyagan ang paparating na mga vinta.

Noong 1832, ang ilang piling lugar sa Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mga Heswita. Subalit sa kakapusang-palad, ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang buong kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-ulan nang malakas na may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ng ilang araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na kumitil sa napakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian. Sapagkat walang matirahan ang sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na naninirahan sa Baysay ay nagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing pananggalang sa malalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kinalalagyan ng bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol. Isa sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag may malalakas na bagyo.

1. Bakit nagtatag ng matibay na depensa ang mga naninirahan sa Balud?

Pagtalakay sa Teksto:

2. Ano-anong mga pag-unlad ang naganap sa mga mamamayan sa kuwento?

3. Bakit hindi naging matagumpay ang pagtatayo ng Simbahang Katoliko sa kanilang lugar?

4. Paano nakayanan ng mga mamamayan ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay?

5. Alin sa mga pangyayari sa akda ang kapani-paniwala? Alin naman ang hindi kapani-paniwala?

Kapani-paniwala Di-kapani-paniwala

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

Pagpapahalagang Pangkatauhan

 

Kung ikaw ang mapipiling pinuno ng Baysay, paano mo pamumunuan ang iyong mamamayan?

Kasanayang Pampanitikan

KALIGIRAN NG ALAMAT

Ang alamat ay likhang kuwento na pasalindila na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay nagmula sa wikang Latin na legenda na nangangahulugang “upang mabasa.”

Layunin ng alamat na magpaliwanag ng pinagmulan ng mga bagay sa iba’t ibang paraan. Hindi man makatotohanan ang mga alamat, naging instrumento naman ito ng pagtuturo ng wastong asal, paghahanap ng katotohanan, at pagpapayabong ng kultura ng ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyang panahon.

Sanggunian: Ilaw: Pinagsanib ng Wika at Panitikan Baitang 7,Leonora dela-Cruz Oracion, Innovative Educational

Materials, Inc. 2012

ELEMENTO NG ALAMAT

1. Tauhan – ang mga gumaganap sa isang alamat; ang nagbibigay buhay sa temang nais na iparating ng alamat.

2. Tagpuan – ang bumubuo ng imahinasyon ng mga mambabasa; nagpapakita hindi lamang ng lugar at panahon kung kalian at saan naganap ang alamat kundi naglalarawan din ng paraan ng pamumuhay o estado ng mga tauhan sa lipunan.

3. Banghay – ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa isang alamat na nahahati sa tatlong bahagi:

 Simula – inilalarawan ang tauhan at tagpuan ng

alamat

Katawan – inilalahad ang mga pangyayaring nagpapakita ng pag-iisip at kaugalian

ng bawat tauhan at ang suliranin at paraan ng pagharap ng tauhan sa suliranin

Wakas – ang kinahihinatnan ng kuwento o naging resolusyon

Sanggunian: Manwal sa Pagsasanay sa Pilipino-Panitikan Ikatlong

Taon ng Mataas na Paaralan, DECS-FAPE-PNC Programa sa Pagsasanay sa Filipino, 1991

Pagtalakay Panggramatika Pahambing o Komparatibo

ito ay mga pahayag na

ginagamit sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay, lunan o pangyayari.

Dalawang Uri ng Pahambing:

1. Pahambing na magkatulad

2. Pahambing na di-magkatulad

Pahambing na magkatulad

naghahambing ng dalawang bagay na may parehong timbang o kalidad, ginagamitan ito ng mga salitang pareho, tulad, gaya ng, kamukha ng, kapareho, magkasing-, magsing- at iba pa.

Halimbawa:

1. Parehong maunlad ang barangay na Buyo at Jibao-an kung pagbabatayan ang mga nakatayong istruktura.

2. Maganda ang pagpapalakad niya sa barangay katulad din ng pagpapalakad ng kanyang ama bilang barangay kapitan.

Pahambing na di – magkatulad

pahambing na nagpapakita ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat.

Nauuri ito sa dalawa:

Ito ay palamang at pasahol.

Ang palamang ay may higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.

Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang lalo, higit, di-hamak, mas, at iba pa.

Halimbawa:

1. Higit na matamis ang mangga ng Guimaras kaysa sa ibang probinsya.

2. Mas marami ang tao sa plaza kaysa sa simbahan.

Ang pasahol ay may higit na negatibong katangian ang inihahambing sa pinaghahambingan. Gumagamit dito ng di-gaano, di-gasino at di-masyado.

Halimbawa:  

1. Di-gaanong malawak ang sementeryo ng Buyo sa sementeryo sa bayan.

2. Di- masyadong marami ang tao sa palengke kung Martes ikumpara sa araw ng Biyernes.

Gawain sa Pagpapahalaga

Pangkatang Gawain

Balikan ang Alamat ng Baysay, isasalin ninyo ito sa anyong komiks. Gawin itong malikhain at makulay. Maaaring sa computer o guhit kamay ang gagawing komiks.

Pamantayan 5 Puntos 4 Puntos 3 Puntos Marka

Nilalaman ng Komiks

Maayos at maganda ang nilalaman ng komiks. Malinaw ang mensahe na nais iparating nito.

May mga bahaging hindi maayos ang nilalaman at mensaheng nais iparating.

Magulo ang nilalaman ng komiks at hindi malinaw ang mensaheng nais iparating

 

Kaangkupan sa Paksa

Napakaangkop ng tema ng ginawang komiks

May kaangkupan ang tema ng ginawang komiks

Hindi angkop o walang kaugnayan ang nabuong komiks sa tema

 

Pagkakabuo (guhit kamay/computer)

Napakaangkop ng ginawang disenyo at nilalaman ng komiks. Epektibong nagamit at nakapupukaw ng atensyon

May kaangkupan ang disenyo ngunit hindi gaanong nagamit nang wasto ang mga larawan

Walang kaangkupan at hindi nagamit nang wasto ang nilalaman at disenyo ng guhit

 

Paraan ng Presentasyon

Maayos at maliwanag ang paraan ng presentasyon

May bahaging magulo sa paraan ng presentasyon

Hindi maayos at maliwanag ang paraan ng presentasyon

 

Pamantayan: Rubrik sa Pagmamarka sa Paggawa ng Komiks

Pagtataya A 

Panuto: Ihambing ang binasang alamat sa iba pang alamat na nabasa ninyo. Gumamit ng mga pangungusap na may pahambing na magkatulad at pangungusap para sa pahambing na di-magkatulad. Gamitin ang grapikong pantulong sa ibaba.  

  Alamat ng Baysay Ibang Alamat na Nabasa

Tema    

Tauhan    

Tagpuan    

Banghay    

Aral na Natutuhan    

Paghahambing ng Alamat

Pagtataya B 

Panuto: Tukuyin kung palamang o pasahol ang mga salitang pahambing na ginamit sa pangungusap.

Iloilo Golf and Country Club

Kinilala bilang pinakamatandang golf course sa Pilipinas. Napatunayan ito dahil sa mga nahukay na dalawang bola na may markang Wright and Ditson at Spalding and Pat na kapwa may ukit na taong 1899. Itinatag ito ng 13 inhenyerong taga-Scotland habang ginagawa ang Proyektong Philippine Railway System na dadaan sa bayan ng Santa Barbara. Binuo ang Santa Barbara Golf and Country Club para lamang sa mga taga-Britanya at Amerika. Naging kasapi ng Royal and Ancient Golf Club of St. Andrews Fife, Scotland at tumanggap ng mga Pilipinong kasapi noong 1920. Sinunog ito ng mga Hapon ang Club House noong 1941 at nagsilbing kuwartel ng mga sundalong Pilipino at Amerikano noong 1945.

Kasunduan

Pangkatang Gawain

Panuto:

Bumuo ng isang alamat kaugnay ng larawang ito. Sikaping gumamit ng mga salitang pahambing.

Pamantayan: Rubrik sa Pagmamarka

Nilalaman/Kuwento - 30%Kasiningan at Kaayusan ng Banghay - 30%Kaangkupan ng Salitang Ginamit – 20%Pagpapalutang ng Kultura – 20%

100%

Maraming Salamat

Pamela S. CadayTeacher IITagsing-Buyo National High School

top related