second grading

Click here to load reader

Post on 07-Apr-2015

633 views

Category:

Documents

1 download

Embed Size (px)

TRANSCRIPT

Kabanata XI Ang Mga Makapangyarihan I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Casique Makapangyarihan Masalapi Mayaman Kabusilakan Kabutihan Hinahainan Hinahandaan Puwesto Posisyon Pagkakaunawaan Pagkakaintindihan Hidwaan Away Sinasalubong Ginugunita Paglalasing Paginom ng alak Kinalaban Kinagalit

II.Tauhan Don Rafael ama ni Ibarra na di kinilalang isa sa makapangyarihan kahit na Don Rafael ang tawag sa kanya Kapitan Tiyago Palagiang ginugunita ng maraming tao ngunit may ilan paring patalikod na lumalaban sa kanya Kapitan sa Bayan Nailagay lamang sa puwesto dahil sa pagbili niya sa ito ng halagang P5,000 Pari Salvi Isang payat at paring pransiskano Alperes Kagalit ni Pari Salvi Donya Consolacion - isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha

III. Suliranin Patuloy na pagplaplastikan nina Pari Salvi at ng Alperes sa tuwinang paghaharap nila sa harap ng maraming mga tao IV. Tunggalian Sa pagitan ng alperes at ni Pari Salvi V. Buod Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang Kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero, siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay mayroong

pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi. Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan, siya ay nakatalikod, siya ay tinatawag na Sakristan Tiyago. Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng alkalde mayor. Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si Pari Salvi ay ang Alpares at ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya sibil. Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa. Bagama t may hidwaan ang alpares at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kanikanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa t-isa. Ang alpares at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay mga casique. VI. Reaksyon Kung patuloy paring magtatanim ng galit ang bawat isa maaring magkaroon ng malaki at masamang bunga VII. Paghahambing ng mga pangyayari( implikasyon ) Noon ang mga tao ay plastik kumbaga sila ay naguusap at nagbabatian sa tuwing magkikita ang dalawang magkagalit samantalang sa kasalukuyan ay nagtatanim ng galit ang bawat isa at di nagbabatian. VIII. Aral Maging totoo sa lahat ng bagay at huwag lumaban ng patalikod

Kabanata XII Araw ng mga Patay Buod I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Napakakipot Makitid o Masikip Masukal Malawak Mapakali Matahimik, Matigil Sariwa Bago Pasanin Buhatin Kikilabutan Manginginig Napakaselan Napakamatatakutin, Sensitibo Tanawin Imahe Minarapat Minabuti Nakatitik Nakasulat

II.Tauhan Sepulturero Isang lalaking naglilinis ng sementeryo Isang lalaki Kausap ng sepulturero at di mapakali Padre Garrote Malaking kura

III. Suliranin Patuloy na paglilipat ng mga bangkay sa libingan ng mga Intsik IV. Tunggalian Sa pagitan ng Sepulturero at ng kasama nitong parang bago ( Sinabi ng sepulturero sa kasama nito na sya ay maselan sapagkat siya y di mapakali ) V. Buod Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan. Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan.Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya

matagalan ang gayong tanawin. Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan. Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik. Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote.

VI. Reaksyon Hindi dapat ipinapalipat ng mga padre ang isang bangkay sa libingan ng Intsik kahit na may nagawa itong masama ( Nagiging masama silang halimbawa ng mga padre ) at wala pa silang pahintulot ng mga kamaganak nito. VII. Paghahambing ng mga pangyayari( implikasyon ) Ang mga padre noon ay masasama samantalang ngayon ang mga padre ay lumalaban ngunit sa tamang paraan at sila y mabubuti VIII. Aral Ang pagmamayari ng iba ay hindi dapat pakialaman ng iba lalo na t wala itong pahintulot

Kabanata XIII Mga Unang Banta ng Unos Buod I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Nitso Puntod, Libingan ng isang bangkay Sepulturero Naglilinis ng mga Sementeryo Palatandaan Marka Nasindak Nagalit Pinagtakluban Pinagkaisahan Nilisan Iniwan Baliw - wala sa sarili/wala sa tamang pag-iisip Nangangatal Nanginginig Sigwa Unos Dinaluhong Sabay-sabay na hinanap

II.Tauhan Ibarra Nagalit dahil sa pinagtapat ng sepulturero na itinapon ang bangkay ng ama niya sa lawa dahil sa paguutos ni Padre Garrote Don Rafael Ama ni Ibarra, Itinapon ang kanyang bangkay sa lawa Sepulturero Nagtapat kay Ibarra sa sinapit ng kanyang ama Padre Garrote ( Damaso ) Nagutos sa sepulturero na ilipat ang bangkay ni Don Rafael Pari Salvi Tumangging siya ang nagutos na ipatapon ang bangkay ni Ibarra III. Suliranin Pagkagalit ni Ibarra kay Padre Damaso dahil sa sinapit ng kanyang ama IV. Tunggalian Sa pagitan ni Ibarra at ni Padre Damaso Sa pagitan ni Ibarra at ni Pari Salvi V. Buod Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus. Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na

kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik. Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing. Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.

VI. Reaksyon Napakasama ng ginawa ni Padre Damaso sa ama ni Ibarra sa pagpapalipat ng bangkay nito sa libingan ng Intsik ngunit sa kabigatan at nagdurugo pa ang bangkay nito ay minabuting itapon ito sa lawa ng sepulturero. Dahil doon ay lalo pang naging masama ang sinapit ng ama dahil hindi ito nabigyan ng desenteng libingan. VII. Paghahambing ng mga pangyayari( implikasyon ) Kung mapapansin natin ang ginawa ng padre ay walang pahintulot pero ito ay madalas nating nakikita ngayon, sa medaling salita, hindi parin nababago ang ugali ng mga pilipino na makialam sa opinyon, gamit, o pagmamayari ng iba ( Pakialamero o pakialamera ) VIII. Aral Ang pangingialam ng pagmamayari ng iba ay nagdadala ng iba t ibang masasamang bunga

Kabanata XIV Si Pilosopo Tasyo I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Lansangan Lipunan Nasirang asawa Namatay, Sumakabilang buhay Mangmang Mababa ang kalidad ng kaalaman Baliw Wala sa sarili Babala Banta Unos Sigwa Batingaw Tunog ng kampana Sinalubong Ginunita Purgatoryo Isang lugar na sangagan na kinalalagyan ng mga kaluluwa ng nangamatay sa Mahal na Gracia ng diyos Sinasalitaan - Sinasabayan

II.Tauhan Don Anastacio Kilala sa pangalang Pilosopo Tasyo dahil sa pagkilos nito na parang baliw Don Filipo Isa sa sumalubong sa kay Pilosopo Tasyo at nagtanong sa kanya Aling Doray Asawa ni Don Filipo III. Suliranin Pagkawala sa sarili ni Don Anastacio dahil sa pagkamatay ng kanyang nasirang asawa IV. Tunggalian Sa Pagitan ni Don Anastacio at ng mga mangmang na tao ( Dahil sa pagtawag nito na baliw kay Don Anastacio ) V. Buod Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o baliw.Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpare. Pero, hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan.Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot niya: Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat t ito ang magdadala ng mga lintik na

siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako y pinagtawanan lamang ng lahat. Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata.Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.Pagkuwa y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa. VI. Reaksyon Hindi dapat tawagin na baliw si Pilosopo Tasyo dahil siya y nalulungkot lamang sa pagkamatay ng kanyang asawa at makikita nating mayroon paring kaunting kabusilakan sa kanyang puso dahil nasabi niya na mabuti ang purgatoryo at malaki ang naitutulong nito sa mga tao. VII. Paghahambing ng mga pangyayari( implikasyon ) Ang ugali ng mga tao noon at ngayon ay parehong- pareho, Bakit? Dahil makikita natin sa ngayon na kapag nakita ng isang tao na ang kapwa nito ay may ginagawa o may sinasabing walang kabuluhan ay agad na sinasabi nitong ito ay baliw . Ganoon rin noon kaya masasabing malaki talaga ang pagkakapareho nito. VIII. Aral Huwag manghusga o magsalita ng tapos sa iba sapagkat di natin alam ang damdamin nito

Kabanata XV Ang mga Sakristan I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Binabatak Hinihila Mapagsisino Makikita, Mahahalata Pangamba Pagaalala Kuwarta Pera Hidhid Kuripot Puyos Puno Aginaldo Papasko Kinalag Inalis Padausdos Pakayuskos Pumanhik Pumaroon

II.Tauhan Crispin Isa sa sacristan na kinausap ni Pilosopo Tasyo para sa hapunang pangkura Basilio Kapatid ni Crispin na isa ring sacristan Sisa Ina nina Crispin at ni Basilio III. Suliranin Pagkilala kay Crispin na isang magnanakaw IV. Tunggalian Sa pagitan ng Sakristan mayor at ng magkapatid V. Buod Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan ng sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino na sila ay hilahod sa hirap.Sinabi ni Crispin kay Basilio ng kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya ay hindi mapagbibintangang isang magnanakaw. At kung malalaman ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana magkasakit silang lahat. Ang suweldo lang kasi ni ay dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32.00. lubhang mabigat ito para kay Basilio. Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya. Pero, kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila. Dahil dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na siya sapagkat maililitaw niya ito. At kung papatayin man siya sa palo ng kura at siya y mamamatay magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Nasindak ang huili sa binanggit ng kapatid. Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero,

sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipakikita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang laman kundi isang kuwarta na aginaldo pa niya noong pasko, na kinuha pa sa kanya ng hidhid na kura. Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang makauwi silang magkapatid upang makakain ng masarap na hapunan. Magmula ng mapagbintangan siyang nagnakaw, hindi pa siya pinapakain hangga t hindi niya naisauli ang dalawang onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero at sabungero. Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa palapag na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito sa galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero sinanslaa siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hindi sumasapit ang eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi. Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan hanggang sa sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kanyang palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan siya maaaring magararo sa bukid habang naririning niya ang paghingi ng saklolo ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Nuon ang langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan.

VI. Reaksyon Naging masama sa tingin ng mga tao si Crispin at kung ako ang mapupunta sa kalagayan niya, masisiguro kong ako y magkakaroon ng galit sa loob VII. Paghahambing ng mga pangyayari( implikasyon ) Mapapansin nating si Crispin ay napagbintangang magnanakaw at may ilan tao rin sa kasalukuyan na napagbibintangan rin na tulad niya kaya masasabing ang mga tao noon at ngayon ay medaling magbintang o humusga ng mga taong nakapaligid sa kanila. VIII. Aral Ang madaling panghuhusga sa iba ay madaling paglalapit sa masama

Kabanata XVI Si Sisa I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Nakalatag Laganap Yumao Sumakabilang buhay Kapuspalad Malas Natipon Naipon Sugarol Mahilig sa sugal Kumakalinga Nagaalaga Magbundat Mabusog Gulantangin Gulatin, Biglain Maaliw Masiyahan Pinukulan Pinagtuunan

II.Tauhan Sisa Kapuspalad na ina, Ina nina Basilio at Crispin Asawa ni Sisa Iresponsable, Abusado Basilio Sumigaw sa labas ng bahay ni Sisa III. Suliranin Pagmamalupit ng asawa ni Sisa sa kanya IV. Tunggalian Sa pagitan ng asawa ni Sisa at ni Sisa ( sapagkat inaabuso ng asawa niya si Sisa ) V. Buod Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamaganak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel. Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng

puntahan niya ang mga ito sa simbahan. Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak.Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa. Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

VI. Reaksyon Di dapat inaabuso si Sisa ng kanyang asawa sapagkat ito y may responsibilidad bilang isang ama at asawa VII. Paghahambing ng mga pangyayari( implikasyon ) Ang mga tao noon at ngayon ay madaling maipaghahambing sapagkat sila y magkakaparehas ng ugali tulad na lamang ng pangaabuso ng asawa ni Sisa sa kanya, Ganoon rin ang ilan sa mga ama ngayon. VIII. Aral Ang di maayos na pagpaplano ng pamilya ay nakasisira sa kinabukasan ng isang indibidwal

Kabanata XVII Si Basilio I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Napatigagal Napatigil Dumadaloy Umaagos Kumaripas Dali- Dali Napagbintangan Napaghinalaan Nagpapasan Nakakatikim Awa Simpatya Pagungol Pagsigaw Paglilinang Pagpapaunlad Paglalamay Paglalako Dukha Mahirap

II.Tauhan Sisa Ina nina Basilio at Crispin Basilio isa sa anak ni Sisa Crispin Isa sa anak ni Sisa Sakristan mayor Walang awa, Nagparusa kay Crispin III. Suliranin Patuloy na pagkatakot ni Basilio at hindi nila malaman ang tamang paraan upang matakasan ang kapuspalad na buhay IV. Tunggalian Sa pagitan ng Sakristan mayor at ng pamilya ni Sisa V. Buod Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sa ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang mga dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang

ama. Alam niyang pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka. Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali. Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.

VI. Reaksyon Naging malupit ang sinapit ng magkapatid at ni Sisa VII. Paghahambing ng mga pangyayari( implikasyon ) Napakalupit ang mga parusa noon kaysa sa ngayon VIII. Aral Walang maaalipin kung walang magpapaalipin

Kabanata XVIII Mga Kaluluwang Naghihirap I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Matamlay Walang Sigla Magsermon Magmisa Pinangungunahan Pinamumunuan Gulong-gulo Litong-lito Nangatal Nanginginig Naumid Nakagat Tuliro Tulala Maari Siguro Tila Parang Sariwa Masagana, Bago

II.Tauhan Pari Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso Pari Damaso Isang kurang Pransiskano Crispin Anak ni Sisa Basilio Anak ni Sisa Sisa Isang masintahing ina III. Suliranin Hindi malaman ng mga manang at manong kung sino ang magsesermon sa kapistahan ng bayan IV. Tunggalian Sa pagitan ng mga Guwardiya Sibil at ng magkapatid na sina Crispin at Basilio V. Buod Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng indulhensiya plenarya, na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa. Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa. Dumiretso si Sisa sa

kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila. Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama. Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

VI. Reaksyon Ang sinapit ng mga anak ni Sisa ay maaring maging sanhi ng kanyang pagkawala sa sarili VII. Paghahambing ng mga pangyayari( implikasyon ) Karamihan sa mga tao ngayon at noon ay madaling mapagbintangan ng mga taong nakapaligid sa kanila VIII. Aral Hindi lahat ng ginagawa ng tao ay may katuturan at may kahalagahan

Kabanata XIX Mga Suliranin ng Isang Guro I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Nabagabag Naapektuhan Panig Direksyon Kawalan Kakulangan Nakakabulabog Nakakaabala Sukal Tumatak Isalin Ilipat ng linguwahe Nakatikim Nakaranas Tumutol Tumanggi Napahimuhod Napasunod Tribunal - malaking bulwagang kadalasan ginaganap ang pagtitipon

II.Tauhan Ibarra Binatang nag-aral sa Europa Don Rafael Ama ni Crisostomo Tenyente Guevarra Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama Padre Damaso Isang kurang Pransiskano III. Suliranin Sobra-sobrang pangingialam ni Padre Damaso sa mga ginagawa ng ibang tao IV. Tunggalian Sa pagitan ng kalooban ni Ibarra at ni Padre Damaso V. Buod Kahit na dumaan ang malakas na bagyo, ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing.Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos. Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas.

Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro. Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga magaaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay tagalog. Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila oara sa kanyang oansariling interes.Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang paggamit ng pamalo sapagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya sapagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo,. Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay gumaling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siya ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang kastila. Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka, kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon , ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor.

VI. Reaksyon Hindi dapat gamitin ang pamamalo bilang paraan ng pagtuturo sa bata dahil lalo itong hindi natututo at sa halip sila y nagtatanim ng galit sa kalooban hindi ng kaalaman. VII. Paghahambing ng mga pangyayari( implikasyon ) Madalas nating nakikita na ang mga tao noon at ngayon ay parehas na gumagamit ng pamamalo bilang paraan ng pagtuturo pero sa kasalukuyan at bihira nang makita ito dahil may mga batas na tayong sinusunod. VIII. Aral Ang pagtuturo ng tama at wasto ay nagdadala sa estudyante ng maayos na kinabukasan at mga kaalamang bago.

Kabanata XX Ang Pulong sa Tribunal I.Talasalitaan y y y y y y y y y Bulwagan Gusali Tribunal Isang malaking bulwagan Tipirin Sinupin Nalalabi Natitira Pinamumunuan Pinangungunahan Isinahapag Inilatag Komedya Palabas na nakakatawa Lakarin Gawin Dulaan Tanghalan na may mga karakter na ginaganapan ng bawat miyembro nito

II.Tauhan Ibarra Anak ni Don Rafael Kapitan Basilyo Isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael Don Felipo piyesta III. Suliranin Pagkakaroon ng pagaaway sa pagitan ng mga nagpupulong dahil sa kapistahan IV. Tunggalian Sa pagitan ni Don Felipo at ng Tinyente mayor at ng Kapitan V. Buod Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang dumating sina Ibarra at ang guro, nagsisimula na ang pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta. Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo, isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang binasa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito, isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200. Bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000. Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya t iniatras niya ang mga ito. Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang kanyang mungkahi Tinuligsa niya ang tinyente mayor at kapitan dahil sa malabong paghahanda sa

(1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan. Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang pasya na kura na tungkol sa pista. Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat. Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay.

VI. Reaksyon Hindi dapat ipinahayag ni Don Felipo na ang kapitan at tinyente mayor ay nagkukulang sa paghahanda ng kapistahan. VII. Paghahambing ng mga pangyayari ( implikasyon ) Maiging pinagplaplanuhan ng mga tao noon ang kanilang kapistahan samantalang ngayon ay kinukurakot na lamang ang mga pondo para sa pista. VIII. Aral Pag may tiyaga may nilaga

Kabanata XXI Mga Pagdurusa ni Sisa I.Talasalitaan y y y y y y y y y Lito Gulo Bait Isip Tatakasan Tatakbuhan Sinakmal Inatake Paratang Bintang Malusaw Matunaw Paglipas Pagtapos Nilulukob Nilalamon Kasiphayuan Pagdurusa

II.Tauhan Sisa Ina nina Basilio at Crispin III. Suliranin Paglamon ng pagkabaliw sa kaisipan ni Sisa IV. Tunggalian Sa pagitan ng dalawang sibil at ni Sisa V. Buod Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya ang dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak. Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwarter. Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayanan na.Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatapos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit. Ang buhok naman ay daig pa ang sinabungkay ang dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan. Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ng Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalndra sa isang sulok.Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa

kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulitulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Patakbo siyang bumalik sa bahay. Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahioran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na ang nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan. Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao. Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.

VI. Reaksyon Patuloy ng nababaliw si Sisa dahil sa pagkawala ng kanyang mga anak VII. Paghahambing ng mga pangyayari ( implikasyon ) Ang mga tao noon tulad ni Sisa ay madaling mabaliw kapag nawala ang kanyang anak pero makikita natin ngayon na ang mga magulang ngayon ay parang wala lang sa kanila kahit na mawala ang kanilang mga anak, kaya, masasabi kong magkaiba. VIII. Aral Ang pagkabaliw ay hindi sadya, ito y nakukuha dahil sa iba t ibang kadahilanan tulad ng pagkawala ng anak, paghihirap, pagkamatay ng mahal sa buhay at iba pa.

Kabanata XXII Liwanang at Dilim I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Bukambibig Usapan Sinilangan Pinanganakan Kayumihan Kahali-halinang hitsura Ikinatuwa Ikinasaya Kababata Nakasama noong bata pa lamang Nilulukob Binabalot Malagkit Madikit Lihis Labag Paumanhin Patawad Nakasalubong Nagunita

II.Tauhan Maria Clara Mayuming kasintahan ni Ibarra Tiya Isabel Tumulong sa pagpapalaki ni Maria Clara Padre Salvi - Kurang pumalit kay Padre Damaso III. Suliranin Pagkatakot ni Maria Clara sa kay Pari Salvi dahil sa malagkit nitong pagtingin sa kanya IV. Tunggalian Sa pagitan nina Ibarra at Maria Clara V. Buod Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi. Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria sapagkat makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kanyang dating kababata sa bayan. Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.

Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San Diego. Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kanyang-ulo. Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng kura, kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya. Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga anak. At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.

VI. Reaksyon Tama ang pasya ni Maria Clara na magpaiwan kaysa sa sumama sa kay Ibarra dahil kahit na sumama ito ay mababale-wala rin dahil di niya madadama ang kasiyahan dahil sa pagkatakot. VII. Paghahambing ng mga pangyayari ( implikasyon ) Ang mga tao noon at ngayon ay parehas kung tumingin sa tao dahil madali nating nalalaman ang damdamin ng isang tao. VIII. Aral Magingat sa mga taong masama kung tumingin lalo na t ikaw ay isang babae.

Kabanata XXIII Ang Piknik I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Nakahinto Nakatigil Sunong-sunong Dala-Dalang Nagagayakan Napapaligiran Pinipintuho Iniibig Natameme Natahimik Mayatabong Mataas Nagagapi Natatalo Pinayapa Pinatahimik Natauhan Natigilan Matipuno Makatawan

II.Tauhan Tiya Isabel Hipag ni Kapitan Tiago Ibarra Binatang nagaaral sa Europa Elias Nagsasagwan ng bangkang sinasakyan nila Maria Clara Mayuming Kasintahan ni Ibarra III. Suliranin Tiyak na kamatayan ni Elias IV. Tunggalian Sa pagitan ni Tiya Isabel at ng mga sinasaway niyang maiingay V. Buod Madilim dilim pa nagsigayak na ang mga kabataan, kadalagahan at ilang matatandang babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa,akurdiyon at tambuli. Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsanminsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan. Nag-tigisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito, mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Maria. Si albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga . Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo, matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias. Habang hinihintay na maluto ang

agahan. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda. Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit, kaliskis man ng isda ay walang nasalok. Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng panalok. Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa. Sigawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya. Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga dalaga noon ay hindi marunong mahimatay. Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang gulok. Pamayamaya y lumitaw sina Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito. Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa batisan.

VI. Reaksyon Naging masaya ang kanilang piknik at tiyak na di ito malilimutan VII. Paghahambing ng mga pangyayari ( implikasyon ) Magigiting ang mga kalalakihan noon at parehas naman din ito sa kasalukuyan. VIII. Aral Nasa tiyak man na kamatayan ay may mga oras na hindi pa gusto tayong kunin ng panginoon, sa kabuuan, ito ay pagsubok lamang.

Kabanata XXIV Sa Gubat I.Talasalitaan y y y y y y y y y Nilamutak Pinagtuunan Maulinigan Makita Kamala-mala Pagkaraan ng ilang sandali Tumalilis Umalis Maigting Mahaba Nagtamo Nagkamit Iniwanan Nilisan Tumugon Sumagot Tumampalasan Kumalaban

II.Tauhan Pari Salvi - Kurang pumalit kay Padre Damaso Ibarra Binatang nagaaral sa Europa Maria Clara Mayuming kasintahan ni Ibarra Don Felipo Tinyente Mayor Sisa Ina nina Crispin at Basilio Elias - Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra III. Suliranin Pagkawala nina Crispin at Basilio IV. Tunggalian Sa pagitan nina Pari Salvi at Don Felipo V. Buod Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka y nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang karwahe at nagpahatid sa piknikan. Sa may di kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito. Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.

Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kay Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa. Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Pari Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina Pari Salvi at Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan. Namagitan na si Ibarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang kukupkup kay Sisa. Kadagdaka y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: Ang pangarap ay nanatiling pangarap lamang. Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran. Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kat Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan. Dumating si ari Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito y pawang kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang pangahasan ang hindi kanya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento. Sa darating naman ang apat na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam sa mga taong kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginagulad ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umano y nagtapon din sa labak sa alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita. Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binata ng unti-unting lumalaganap ang dilim sa paligid. Magtatakipsilim na.

VI. Reaksyon Tuluyan ng nawawala sa sarili si Sisa VII. Paghahambing ng mga pangyayari ( implikasyon ) Ang mga tao noon at ngayon ay parehas sapagkat tayo y nagagalit kapag may opinyon tayong di sinasangayunan VIII. Aral May kapahamakan ang pagiging sinungaling at magdadala ito ng sari-saring masasamang epekto.

Kabanata XXV Sa Tahanan ng Pilosopo I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Libutin Ikutin Nagsadya Pumunta Inabutan Nakita Sangguniin Humingi ng payo Bihisan Bigyan ng ibang anyo Tinatangkilik Pinagmamalaki Tunggalian Hidwaan Salin-lahi Henerasyon Payo Mungkahi Kasakiman - Kasamaan

II.Tauhan Ibarra Binatang nagaaral sa Europa Don Anastacio Kinilala bilang Pilosopo Tasyo III. Suliranin Patuloy na pagaaway nina Ibarra at mang tasyo tungkol sa kani-kanilang paniniwala IV. Tunggalian Sa pagitan nina Ibarra at ni Mang Tasyo V. Buod Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya ito ng nagsusulat ng heroglipiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain ang matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra, Sinabi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salin- lahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at malamang hindi nahihimbing sa panahon ng kanilang mga ninuno. Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao.. Kung kaya t isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayon pa rin sa kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hiindi nangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga pinagsangunian. Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo pero mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang lahat ng kanyang

mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan. Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan. Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang di pagdaing ng bayan. Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping buntunghininga y magsisiklab. Ang Bayan ay maniningil ng pautang at sa gayo y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan. Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tinatangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di- papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat ang utos ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra sa usapan. Inungkat muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghariharian.Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ayy sunod-sunod na tanong ang kanyang pinakawalan.(1)Kailangan bang magyuko at mapanganyaya? (2)Kailangan bang maapi upang maging mabutiing kriistiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin? (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na Sapagakat ang lupang pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay! Mariing sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing: humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa libingan. Ako y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon. Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot! Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abng naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa punlong iyon, upang hindi na muling makabangon.Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtutujro ay magiging kaagaw ng kumbwento sa kayamanan ng bayan.Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi naman kastulad ng umusig sa kanyang ama. Ipakikiusap din niya sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra.

VI. Reaksyon Hindi napigilan ng bawat isa ang kani-kanilang emosyon at pahayag VII. Paghahambing ng mga pangyayari ( implikasyon ) Ang mga indibidwal noon ay pinaguusapan ng maigi ang isang problem at makikita rin natin ito sa ilan sa mga tao ngayon. VIII. Aral Nagmula man sa maikli sisibol pa rin at lalaki

Kabanata XXVI Ang Bisperas ng Pista I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Masigla Masaya Kilusan Grupo, Lipon ng mga tao Napapalamutian Nadidisenyuhan Inangkat Kinuha sa labas Inuukol - Pinatutungkol Binurdahan Tinahian Kintab Kinang Nagagayakan Nakakaakit Huwaran Magiting Karaniwan Madalas

II.Tauhan Ibarra Binatang nagaaral sa Europa Padre Damaso Kurang Pransiskano III. Suliranin Pagtanggi ni Ibarra sa tulong ng iba IV. Tunggalian Sa pagitan ni Ibarra at ng mga taong gusting tumulong sa kanya V. Buod Ika-10 ng Nobyembre ang bisperas ng pista sa bayan ng San Diego. Naging masigla sa paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako. Ang mga bintana ng bahay ay napapalamutian ng iba tibang dekorasyon. May nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng musiko. Sa bahay ng mga nakakariwasa, nakaayos ang minatamis na bungang kahoy, may nakahandang pagkain ,alak na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa.Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga,kaibiganokaaway,at sa mga Pilipino, mahirap man o mayaman upang masiyahan sila sa pista. Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay inilalabas din kabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga, belong Ginansilyo ,alpombra,bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan ng tabako, sigarilyo,hitso at nganga. Dahil sa sobrang kintab ng sahig ay pwewdeng ng makapanalamin.Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din. Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan. Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng patyo ng simbahan. Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan upang makadan ang prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga tagaTundo. Madalas na tinutugtog ang kampana kasunod ang mga putok ng mga kuwitis at bomba. Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong oirkestra ang inihanda sa para sa

pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si Carlos na siyang naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa Lipa,Tanauan,Batangas at Sta.Cruz ang inaasahang na darating. Batay sa mga balita Si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga at magiging bangkero naman pagdating ng gabi. Ang mag magbubukid at taga bundok ay naghahanda ng manok, baboy bungangkahoy at mga gulay na dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang sinasaka. Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan. Si Nol Juan, ang nangangasiwa sa mga manggagawa. Habang abala ang mga manggagawa, ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay isang malaking paaralan. Ang isang panig ay para sa mga lalaki at ang ikalawa naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay magiging kauri ng mga modernong paaralan sa Alemenya. Batay sa planong ginawa ni Ginoong A, na siyang arkitekto ,ang tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga batang tamad na mag-aral. Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman samantalang ang kura ay humiling na siya ang gawing padrino at magbabasbas sa paglalagay ng unang bato sa huling araw ng pista. Sa mga pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman simbahan ang kanyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang lahat ng gastos. Dahil dito,siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila. Ginawa siyang huwaran, ngunit karaniwan, ang atin lamang natutularan sa kanila ay maliliit na bagay na kanilang ginagawa at ang mga kasiraan ay napupuna tulad ng ayos ng kurbata, tabas ng kuwelyong damit, bilang ng butones ngtsaleko o amerikana. Nawala sa isipan ni Ibarra ang mga natatakot na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay kanyang nasasbi ngunit tinugon siya nng matanda sa isang aral ni Balagtas na Kung ang isalubong sa iyong pagdating may masayang mukha t pakitang gilliw, lalong pag-ingata t kaaway na lihim siyang isaisip na kakabakahin.

VI. Reaksyon Kung tinanggap ni Ibarra ang tulong ng iba, maaring mabilis na maitayo ang paaralan na proyekto niya. VII. Paghahambing ng mga pangyayari ( implikasyon ) Noon, kahit na malaki ang tulong na ibinibigay sa isang tao ay kanya itong tinatanggihan di tulad ngayon tanggap na lamang ng tanggap ang isang tao. VIII. Aral Mas mabuting magbigay kaysa tumanggap

Kabanata XXVII Sa Pagtakipsilim I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Bihasa Beterano Higitan Lagpasan Nagdahilan Nangatwiran Saliw Tono Hinagkan Dinama Isinubsob Iniyuko Yapak Paahan Ipinatanaw Ipinatingin Naibulong Pagsasalita ng mahina Kulang-palad May sayad, Baliw, Malas

II.Tauhan Kapitan Tiyago Ama-amahan ni Maria Clara Crisostomo Ibarra Binatang nagaaral sa Europa Maria Clara Mayuming kasintahan ni Ibarra Ketongin Lumuhod sa Paanan ni Maria Clara Sisa Ina nina Basilio at Crispin III. Suliranin Pagkabaliw ni Sisa at paglayo ng mga tao sa ketongin IV. Tunggalian Sa pagitan ni Ibarra at Kapitan Tiyago ( Hindi dito sinasabi na sila ay lubhang nagaway sila lamang ay nagtalo kung saan maghahapunan si Ibarra ) V. Buod Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang pinakamalaki. Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa. Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at esmeralda at kapirasong kahoy na mula sa bangka ni San Pedro.Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. May mga ilang kaibigang dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay pinahintulutan naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago

maghapunan si Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiyago si Ibarra na sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon siyang hinihintay na bisita.Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay napagitna kina Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama siya ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni Simang. Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra at pinuri naman si Maria. Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya na sumama ito sa kanya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka sa monte si Padre Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado kung ano ang ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi.Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa saliw ng kanyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kanyang mga kasama. Kinuha ng ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa may harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng mukha si Maria at pinahid ng panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha.Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin. Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta. Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol.Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong kulang-palad.

VI. Reaksyon Magandang asal ang ipinakita nina Ibarra at ni Kapitan Tiyago VII. Paghahambing ng mga pangyayari ( implikasyon ) Malugod ang pagaanyaya sa mga bisita ang tao noon at parehong-pareho din ito sa kasalukuyan. VIII. Aral Ang tunay na paanyaya ay sinasamahan ng hila

Kabanata XXVIII Sulatan I.Talasalitaan y y y y y y y y y Inilathala Ipinahayag Malaganap Malawakan Mabatid Malaman Pagdaraos Pagganap Karangyaan Kayamanan Pagtungo Pagpunta Batikan Kilala Nagniningning Kumikintab Ipinagtulos - Ipinagsindi

II.Tauhan Crisostomo Binatang nagaaral sa Europa Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra III. Suliranin Pagtataka ng mga tao dahil sa di pagdalo ni Ibarra sa tanghalan IV. Tunggalian Sa pagitan ni Ibarra at ng mga taong pumilit sa kanyang tumugtog at sumayaw V. Buod Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walang makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batanggas at Maynila. Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao at at mga makapangyarihan sa kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor at at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago De los Santos upang kunin si Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas. Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa kastila ang kanilang usapan, ang marurunong lamang ng espanyol ang mga nakakaintindi sa palabas. Higit na nasiyahan ang mga Pilipino sa komedyang tagalog. Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng lahat. Alas onse ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista pag nagkatapos ng . Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa ganda. Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na ito y dumalo sa pista upang

makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan tahur na sina Kapitan Tiyago, Pari damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang konsul. Samantala, Tumanggap din ng lihan si Ibarra na dinala ni Andeng. Anang liham:

Crisostomo: Ilan araw nang hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kaya t ipinagdasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila. Ipaabot mo saakin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.. Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya kaysa sa iyong katulong. Maria Clara: Habol: Ako y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. paalam

VI. Reaksyon Hindi dapat pinilit nila si Crisostomo Ibarra na sumayaw at tumugtog, Dahil rito nayamot tuloy siya. VII. Paghahambing ng mga pangyayari ( implikasyon ) Mapilit ang mga tao noon dahil sa kanilang kagustuhan samantalang ngayon ay kabaligtaran. VIII. Aral Hindi lahat ng ugali ng tao ay maganda at masama

Kabanata XXIX Ang Umaga I.Talasalitaan y y y y y y y y y y Bihisan Damit Pumasiyo Pumasyal Hiyas Alahas, Yaman Kabaliwan Kalokohan Kalilibot Kaiikot Binabatak Inaanyaya Nangangasiwa Namumuno Natatangi Naiiba Kapatiran Grupo Nakadungaw - Nakasilip

II.Tauhan Don Felipo Tinyente mayor Pilosopo Tasyo Maalam na matandang tagapayo Padre Damaso Isang kurang Pransiskano Pari Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso Pari Sibyla Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra Kapitan Tiyago Mangangalakal na tiga-Binondo Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo Crisostomo Ibarra Binatang nag-aral sa Europa III. Suliranin Walang magawa si Don Felipo dahil sa kagustuhan ng kapitan at ng kura kahit na sumasangayon siya sa pananaw ni Tasyo. IV. Tunggalian Sa pagitan ni Don Felipo at ng Kapitan at ng Kura V. Buod Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling narining ang tunog kampana at mga paputok. Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tinyente mayor. Sumagot ang Pilosopo na Ang magsaya ay di nangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan. Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at

tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Felipo ay sumang-ayon sa pananaw na ito ni Tasyo subalit wala siyang magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura. Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng mga hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain. Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalam at nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento. Siya ay pinahiram ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak. Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap. Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Pari Salve ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Pari Sibyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan. Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiyago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapintan Tiyago., si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. Si Padre Salve ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na pagkakatayo.

VI. Reaksyon Naging masaya ang pista sa San Diego VII. Paghahambing ng mga pangyayari ( implikasyon ) Lahat ng tao noon ay nakikisaya sa tuwinang pista pero may ilan ding hindi, at mapapansin rin natin ito ngayon. VIII. Aral Ang magsaya ay di nangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan

Kabanata XXX Sa Simbahan I.Talasalitaan y y y y y y y y y Makasawsaw Makiagaw Binayaran Binili Sermon Misa Nagsisigawan Naghihiyawan Pinangungunahan Pinamumunuan Pumanhik Pumunta Kuwaderno Parisukat na talaan Napapalamutian Nadidisenyuhan Magtatanghal - Magpapalabas

II.Tauhan Alkalde Nagsuot ng damit na napapalamutian ng banda ni Carlos III Padre Damaso Kurang Pransiskano Pari Sibyla - Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. III. Suliranin Pagkakaroon ng di maayos na pagsesermon sa loob ng simbahan IV. Tunggalian Sa pagitan ni Padre Damaso at ni Pari Martin V. Buod Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magtatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit. Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi ng kumpisalan. Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na ang alakalde ay isang sibil na nagsuot-komedyante. Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may hawak na kuwaderno. Pumanhik sa pulpito si Pari Damaso at Pari Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol niya kay Pari Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon. Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwaderno upang kumuha ng tala.

VI. Reaksyon Hindi dapat nagging ganoon ang ugali ni Padre Damaso dahil isa siyang pari, Dapat na maging isa siyang magandang halimbawa para sa mga pari. VII. Paghahambing ng mga pangyayari ( implikasyon ) Ibang-iba ang ugali ng mga pari noon sa ngayon dahil tulad ni Padre Damaso nagging mayabang siya sa kapwa niya. VIII. Aral Walang masama sa pagiging mayabang kung ito ay ilalagay sa tamang lugar.