athens vs sparta

Post on 23-Jun-2015

283 Views

Category:

Education

10 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ang Mga Ang Mga Lungsod-Estado Lungsod-Estado ng Greece..ng Greece..

ATHENS

ANDSPARTA

ATHENS

Athens: Modelo ng Demokrasya

Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng monarko o hari. Pumalit dito ang siyam na mayayamang pinuno na kung tawagin ay ang arkon (archon). Ang mga arkong nanungkulan nang isang taon ay halal ng isang Asamblea.

Ang Asamblea (Assembly) ay binubuo ng mga taong may pag-aaring lupa. Hindi na napabuti ang kalagayan ng higit na nakararami at marami ang napilitang maging alipin ng pamunuang Athenian. Upang maiwasan ang paglala ng lumalakas na sentimyento at pagtutol ng mga tao laban sa pamahalaan, ang mga pinuno ay nagsagawa ng mga pagbabagong nagbigay-daan tungo sa pagtatag ng demokrasya.

Mga Taong Nagsulong ng Pagbabago

• Ang unang kinikilalang nagpalabas ng reporma ay ang aristokratang si Draco. Noong 621 B.C. pinasinop at naisulat ang mga batas na titiyak na ang mga ito ay ipatutupad sa lahat. Mahigpit at malupit ang mga parusang iginawad sa nagkasala.

• Sumunod ni Draco ay si Solon na nagpautos ng pagpapawalang-bisa ng utang ng mga magsasaka at pagpapaalis ng pang-aalipin dahil sa pagkakautang. Nilagyan din niya ng limitasyon ang laki ng lupang maaaring ariin ng mga mayayaman. Kasabay ng pagbabagong pangkabuhayan ay ang repormang pampulitikang ipinatupad niya.

Binigyan niya ang Asamblea ng karapatan

sa pagtutol sa mga batas na ipinasa ng

konseho.

• Ang pangatlong nagsulong ng pagbabago ay ang pinunong si Pisistratus. Inalis niya ang batas na nagsasabing ang mga may-ari ng lupa lamang ang maaring maging mamamayan at magkaroon ng karapatang bumoto. Dahil dito, dumami ang bilang ng mamamayang Athenian.

Sa Athens, ang mga mamamayang lalaki ay sangkot sa pagtalakay, pagpapasya, at paggawa ng batas. Ang mga kababaihan ay hindi itinuturing na mamamayan at walang pulitikal na karapatan. Ito ay nangangahulugang hindi sila kasali sa pagpapasya at pagboto ng mga pinuno.

SPARTA

Kaiba sa Athens, ang pamahalaang Sparta ay nasa ilalim ng pamumunong awtoritayan ng iilang tao. Ang kapangyarihang pulitikal ay nasa kamay ng Konseho ng mga Nakatatanda na binuo ng 28 mayayamang Spartan na ang edad ay 60 pataas. Ito ay tumatayong korte suprema at ito din and nagmumungkahi ng batas sa Asamblea. Taun-taon, ang Asamblea ay pumipili ng limang katao upang mamuno at mangasiwa sa polis.

Hangad ng estado ang pagpapanatili ng kaayusan at maiwasan ang mga pag-aalsa. Tungo dito, kailangan nila ng malakas at disiplinadong hukbo. Kaya’t bata pa lamang ang isang Spartan ay dumaraan na sa masusing pagsasala. Ang mga mahihina at mga may kapansanan ay iniiwan sa burol upang mamatay at ang mga malulusog ay ibinabalik sa pamilya.

Ang mga pitong taong gulang na mga bata ay nagsisimula na ng pagsasanay-militar. Matindi ang ginagaang pagsasanay sa mga ito. Pinahihirapan at sinasaktan sila nang husto upang masubok ang kanilang kakayahang magtiis nang hindi nagrereklamo. Pinagsusuot sila ng manipis na damit at hinahayaang nakayapak upang maging matatag sa lamig.

Inaasahang magiging mahusay na mandirigma ang isang Spartan na

taglay ang pagiging matapang, matiisin, disiplinado, at maalam sa iba’t ibang taktika sa pakikipagdigma. Dahil dito, bantog ang Sparta sa pagkakaroon ng mahusay na hukbo sa Greece.

Women also had training to go through, very hard, although more self focused. Their life goal was to have healthy baby boys, so that these children could go into the military. The women had to train, as well, keeping their bodies fit, and strong They ate healthy and exercised on a regular basis, not for their own benefit, but for the up coming of their child. Like other Greek women the Spartan women obeyed their fathers and husbands. Unlike most, the Spartan women had the ability to hold and inherit land property. Because the men were training and fighting, the women ran the family estates.

THE EEENNND!!

THIS IS..

top related