sir calma-presentation mga pangulo ng ikatlong republika

Post on 01-Dec-2015

1.158 Views

Category:

Documents

63 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Hulyo 4, 1946 – natapos ang Pamahalaang Komonwelt sa pagsilang ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.

Mga Pangulo sa Ilalim ng Ikatlong Republika

1. Manuel A. Roxas 2. Elpidio E. Quirino 3. Ramon F. Magsaysay4. Carlos P. Garcia5. Diosdado P. Macapagal6. Ferdinand E. Marcos

Marso 28, 1946 - Abril 15, 1948

Manuel Acuña Roxas

Abril 23, 1946 – tumiwalag sa Partido Nacionalista sina Senador Manuel A. Roxas at Elpidio E. Quirino at itinatag ang Partido Liberal.

Mayo 28, 1946 – nanumpa si Roxas bilang huling Pangulo ng Komonwelt.

Pagbabagong tatag ng Kabuhayan

Batas Bell

Batas Republika Bilang 34

Programang Amnestiya

Tinangkilik ni Pangulong Roxas ang patakarang panlabas ng Estados Unidos. Isa sa mga kasunduang panlabas na nilagdaan ng dalawang bansa ang Treaty of General Relations. Nagkabisa ang kasunduang ito noong Hulyo 4, 1946. Sa ilalim nito, binawi at isinuko ng Estados Unidos “ang lahat ng pag-aari, pangangasiwa, sakop, kontrol o soberanya” sa Pilipinas, maliban sa mga base militar na kakailanganin nito para sa proteksyon kapwa ng Estados Unidos at Pilipinas.

Mga Kasunduang Nilagdaan ng Pilipinas at Estados Unidos

War Surplus Property Agreement – Setyembre 11, 1946

Kasunduang Militar – Marso 14, 1947

Military Assistance Agreement – Marso 27, 1947

Maagang Pagkamatay ni Pangulong Roxas

Hindi matuturingan ang katapatan ni Pangulong

Roxas sa layunin nitong iahon ang Pilipinas mula sa mga epekto ng

digmaan. Ngunit ang anim na taon sanang panahon ng

pagsasakatuparan ng kanyang programang rehabilitasyon at

pagtatayo ng bansa ay hindi naganap. Noong Abril 15, 1948,

inatake siya sa puso habang bumibisita siya sa Clark Airbase sa

Pampanga.

Elpidio Rivera Quirino

Abril 17, 1948-Disyembre 20, 1949

Disyembre 20, 1949-Disyembre 20, 1953

Pangasiwaan ni Pangulong Elpidio E. Quirino (1948-1953)

-Nanumpa si Pangalawang Pangulong Elpidio E.

Quirino bilang Pangulo noong Abril17, 1948, dalawang araw

pagkamatay ni Pangulong Roxas. Tinapos niya ang nalalabing

panahon ng panunungkulan ni Pangulong Roxas. Sa halalang

pampanguluhan noong Nobyembre 8, 1949, nagwagi si Elpidio

Quirino, kasama si Fernando Lopez, bilang pangalawang pangulo.

Mga Programa ng Pangasiwaang Quirino

Kapayapaan at Kaayusan

Rehabilitasyong Pangkabuhayan

Pagpapanumbalik ng Pagtitiwala sa Pamahalaan

Ugnayang Panlabas

Nobyembre 15, 1950 – nilagdaan ang Kasunduang Quirino –

Foster. Layunin nito na maipatupad ang mga mungkahi ng Misyong Bell batay sa sumusunod na mga kondisyon:

Pagpapatupad mula Enero 1, 1951 ng makatarungang programa ng pagbubuwis upang makalikom ng P565 Milyon at mahadlangan ang pagtaas ng presyo.

Pagpapatibay ng batas sa pinakamababang pasahod para sa mga manggagawang pansakahan.

Pagpapatibay ng Kongreso ng Pilipinas ng resolusyong magsasagawa ng mga hakbang para sa pangkalahatang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

Ramon del Fierro Magsaysay

Disyembre 30, 1953 - Marso 17, 1957

Pangasiwaan ni Ramon F. Magsaysay (1953 – 1957)

-itinuturing na pinakatanyag na Pangulo ng

Pilipinas

-nanalo sa pampanguluhang halalan noong

Nobyembre 1953

-naging gabay sa pangasiwaan ang katagang

“Those who have less in life should have more in Law”

Mga Programa ng Pamahalaang Magsaysay

Pagpapaunlad ng Kabuhayan

Kampanya Laban sa mga Huk

Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa

Pagpapaunlad ng mga Baryo/Nayon

Disyembre 15, 1954 – itinatag ang Kasunduang Laurel – Langley

isang bagong kasunduang pangkalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Magna Carta of Labor – talaan ng mga karapatan, pakinabang at

tungkulin ng mga manggagawa.

Lupa para sa mga walang lupa – ipinatupad ni Pangulong Magsaysay kung

binigyan ng libreng lupang sakahan ang mga dating Huk sa Isabela at lambak ang Koronadal sa Cotabato.

Setyembre 8, 1954 – itinatag ang Southeat Asia Treaty

Organization (SEATO) sa Maynila. Binubuo ito ng Estados Unidos, Britanya, Fransya, Australia, New Zealand, Pakistan, Thailand at Pilipinas na nagkasundong magtulungan sa paglaban sa komunismo.

Mayo 9, 1956 – nilagdaan ang Reparations Agreement sa

Japan. Itinakda sa kasunduang ito na babayaran ng Japan ang mga pinsalang nagawa sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa loob ng 20 taon.

Mga Batas na Naipasa sa Panahon ng Pangasiwaang Magsaysay

Batas sa Pangungupahang Pansakahan ng 1954

Batas sa Reporma sa Lupa ng 1955

Agricultural Tenancy Act (R.A. 1199)

Mga Naitatag na Ahensya sa Panahon ng Pangasiwaang Magsaysay

Social Security System (SSS) National Resettlement and Rehabilitation Administration

(NARRA) Agricultural Tenancy Commission Community Development Planning Council Agricultural Credit Cooperative Financing Administration

(ACCFA) Presidential Assistance on Community Development

(PACD)

Pagluluksa ng Taumbayan

Marso 17, 1957

– bumagsak ang pampanguluhang

eroplanong sinasakyan ni Pangulong Magsaysay, ang Mt.

Pinatubo, sa Bundok Manunggal sa Cebu.

Carlos Polistico Garcia

Marso 18, 1957-Disyembre 30, 1957

Disyembre 30, 1957-Disyembre 30, 1961

Pamamahala ni Carlos P. Garcia

Marso 18, 1957

– nanumpa bilang pangulo ng Republika ng

Pilipinas si Pangalawang Pangulo Carlos P. Garcia. Tinapos

niya ang siyam (9) na buwang nalalabi sa panunungkulan

ng nasawing Pangulong Magsaysay.

Nobyembre 12, 1957 – tumakbo at nagwagi si Garcia bilang

Pangulo.

Mga Programa ng Pamahalaang Garcia

Programa sa Pagtitipid

Patakarang “Pilipino Muna”

Pagbabagong-sigla ng Kultura

Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa

Hulyo 31, 1961

– kasama ang Pilipinas sa pagbuo ng

Association of Southeast Asia (ASA).

Diosdado Pangan Macapagal

Disyembre 30, 1961-Disyembre 30, 1965

Pamamahala ni Diosdado P. Macapagal (1961-1965)

Nobyembre 14, 1961

– nagwagi si Diosdado Macapagal bilang

ikalimang Pangulo ng Republika at si Emmanuel Pelaez

bilang Pangalawang Pangulo.

Mga Programa ng Pamahalaang Macapagal

Reporma sa Lupa

Pagsupil sa Katiwalian

Pagpapa-unlad ng Kabuhayan

Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa

Pilipinismo

Agosto 8, 1963

– nilagdaan ang Agricultural Land Reform

Code o Batas sa Reporma sa Lupang Sakahan.

Pangunahing layunin nito na mabigyan ng sariling lupa

ang mga magsasaka at kasamang walang lupang sakahan.

Hinati at ipinamahagi sa mga kasama ang mga lupa ng

pamahalaan na hindi nagagamit. Binili rin ng pamahalaan

ang malalaking pribadong lupa at ipinamahagi sa mga

magsasaka upang bayaran nila nang hulugan.

Ilan sa mga katiwaliang nilayon niyang mawakasan ay:

Nepotismo o pagtatalaga sa pamahalaan ng mga kamag-anak kahit na walang kakayahan.

Panunuhol o pagbibigay ng salapi o regalo bilang kapalit ng hinihinging tulong

Pagpupuslit sa bansa ng mga ilegal na kalakal Pag-iwas sa pagbabayad ng buwis Pagpapayaman samantalang nasa pwesto sa pamahalaan Pangingikil o paghingi ng salapi kapalit ng serbisyo

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

Disyembre 30, 1965-Enero 17, 1973

Pamamahala ni Ferdinand E. Marcos (1965-1971)

Nobyembre 9, 1965

– nahalal bilang ikaanim na Pangulo ng Republika

si Ferdinand E. Marcos. Naging sentro ng programa niya ang “This

Nation can be great again”.

Mga Programa ng Pamahalaang Marcos

Kasapatan sa Bigas

Kampanya Laban sa Krimen

Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa

1966 – ipinadala ng pamahalaan ang Philippine Civic Action Group (PHILCAG), isang pangkat ng mga sundalo, sa South Vietnam upang tumulong sa pagbabagong-tatag nito.

1967 – kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nagtatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Pangunahing layunin nito ang magtulungan sa larangan ng pagsasaka, industriya, at kalakalan.

top related