tula · 2 days ago · tula ang tula ay pagsasama ng mga piling salita na may tugma, sukat,...

Post on 17-Mar-2021

23 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

TULA

FIL6 WEEK30

Pagsulat ng

Tula

Tula

Ang Tula ay pagsasama ng mga piling

salita na may tugma, sukat, talinghaga,

at kaisipan. Ito ay nadaramang mga

kaisipan, nakikita ng mga mata,

nauunawaan ng isip, at tumutuloy sa

damdamin. Ang mga sangkap ng tula.

1. Tugma Pagkakatulad

o pagkakahawig ng

mga tunog sa huling

pantig ng bawat

taludtod ng tula.

Halimbawa:

Sa loob at labas ng bayan kong sawi

Kaliliuha’y siyang nangyayaring hari,

Kagalinga’t bait ay nalulugami

Naamis sa hukay ng dusa’t pighati

Tugmaang Patinig

pagtutugma ng tunog na kung

saan ang salita ay nagtatapos sa

patinig.

Tugmaang Katinig

pagtutugma ng tunog na kung saan

ang salita ay nag tatapos sa katinig

Nagtutugma: b, k, d, g, p, t, s

Nagtutugma: l, m, n, ng, w, r, y

Sukat

Bilang ng pantig sa bawat taludtod.

Ang mga tradisyonal na anyo ng

tula ay may sukat na 12, 14, 16. Kung

lalabindalawahin ang sukat, ang

sesura o hati ay nasa ikaanim na

pantig.

Halimbawa:

Ang lahat ng ito / maawaing langit,

Iyong tinutunghay /, ano’t natitiis?

Paksa/Kaisipan

Mga nabubuong kaalaman o

kaisipan, mensahe, pananaw,

saloobin na nais iparating

Tono

Damdaming nakapaloob sa tula na

maaaring pagkalungkot, pagkatuwa,

pagkagalit.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBIGKAS AT

PAGBUO NG TULA

1. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay

naaayon sa nilalaman at paksa ng

tula.

2. Masining ang tula kung ginagamitan

ng tayutay. Nakatutulong ito upang

maging mabisa at kaakit-akit ang tula.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBIGKAS AT

PAGBUO NG TULA

3. Sa maayos na pagbabasa ng tula ay

nagiging mabisa at kapupukaw ng interes ng

mambabasa.

4. Sa pagbuo ng tula, dapat isaalang-alang

ang mga tuntunin sa pagbuo ng tunog o pag-

uulit ng mga inisyal na tunog-katinig o tunog-

patinig.

top related