ang sinaunang kabihasnan sa ehipto

38
araling panlipunan III ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA EHIPTO

Upload: harold-siapo

Post on 15-Jun-2015

51.888 views

Category:

Education


6 download

DESCRIPTION

Mga kaalaman tungkol sa sinaunang Egypt

TRANSCRIPT

Page 1: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

araling panlipunan III

ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA

EHIPTO

Page 2: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

EGYPT – "Ang Regalo ng Nile"

Noong 3200 BCE, ang Ehipto ay nahati sa dalawang kaharian:

Mataas na kaharian

Mababang

Kaharian

Page 3: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

MAPA NG SINAUNANG EGYPT

Page 4: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

PHARAOH – ang tawag sa pinuno ng mga Ehipsiyano. Sa katunayan ay hindi raw ito talaga ang tawag nila. Nanggaling ang salitang ito sa Bibliya kaya tinanggap na. Ito ay galing sa salitang “Pero” na nangangahulugang “Dakilang Tahanan” o “Dakilang Tirahan” (Great House sa Ingles).

Page 5: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Magkontrol sa ekonomiya at kalakalanMamahala sa kanyang mga nasasakupanMagpatupad ng mga batas at patakaranManguna sa hukbong sandatahan ng EgyptMagpanatili ng maayos na sistemang pang-

irigasyonMangalaga sa mga tao sa panahon ng

kalamidad at tag-gutomManguna sa mga seremonya at

panrelihiyong ritwalMagpanatili ng katahimikan at kaayusan sa

kaharian

Mga Kapangyarihan at Gawain ng Pharaoh

Page 6: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Ang mga dinastiya sa Ehipto

Page 7: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto
Page 8: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Panahong ArchaicLumang KaharianUnang IntermediateGitnang KaharianIkalawang IntermediateBagong Kaharian

Mga Yugto sa Kasaysayan ng Ehipto

Page 9: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Bago pa ang 5000 BCE ay nanirahan na ang mga Paleolithic hunters at gatherers sa Nile Valley.

Dahil sa lupaing laging binabaha ay tumaba ang lupa dahil sa banlik at natutong mamuhay ang mga tao sa permanenteng lugar kaya nag-evolve sa pagiging Mesolitiko hanggang sa Neolitiko ang pamumuhay ng mga Ehipsiyano.

Panahong Archaic

Page 10: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Sa panahong ito ay nahilig na rin ang mga Ehipsiyano sa paggawa ng mga figurines at statuettes ng mga hayop at tao at mga palayok.

Ilan sa mga gamit gaya ng kutsilyo na may hawakang garing at mga palettes ay nagpapakita mga seremonya na kanilang ginagawa.

Ang mga digmaan, pangangaso at mga seremonya ang paborito nilang ililok.

Page 11: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Haring Narmer – pinuno ng Mataas na Egypt na sinasabing nag-unite ng Egypt. Tinawag siyang “Menes” ng mga Griyego na nangangahulugang “founder”.

Lumang Kaharian – "Panahon ng mga Pyramid"

Sa panahong ito ay naging abala ang mga pinuno ng Egypt sa pagpapagawang mga pyramid. Mahigit 80 ang nagawang pyramids sa panahong ito.

Page 12: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Ito ay nagsisilbing libingan ng mga PharaohIto ay nagsisilbing tanda pagkatapos

bumaha ang Ilog Nile.Ito ay nagsisilbing parangal sa diyos ng

arawIto ay sumisimbolo ng pagkalalaki (fertility)Ito ay nagpapakita ng kadakilaan ng isang

PharaohIto ay sumisimbolo sa kalakasan at

kapangyarihan ng estado ng Ehipto.

Anu-ano nga ba ang mga dahilan kung bakit gumawa ng napakaraming

Pyramids sa panahong ito?

Page 13: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Zoser – isa sa mga naging Pharaoh sa panahon ng lumang kaharian. Nagpatayo siya ng pyramid na ngayo’y tinatawag na “Step Pyramid”. Ito’y pinagawa noong 2650 BCE. Ito ay may taas na 62 metro(190 ft).

Khufu (Cheops) – ipinagawa niya ang pinakatanyag na pyramid sa Giza na itinuturing na pinakamalaki sa lahat na may volume na 2.59 milyon metrong kubiko. Ito ay ipinatayo noong 2600 BCE.

Page 14: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Unang Intermediate

Noong 2300 BCE, nagsimulang humina ang kapangyarihan ng mga paraon. Naging laganap ang digmaang sibil bunga ng pag-aagawan sa kapangyarihan ng mga lokal na gobernador. Bunga nito sumailalim ang Ehipto sa 200 taong panahon ng kaguluhan.

“ANARCHY”

Page 15: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Gitnang Kaharian– "Panahong Feudal”

Pinapalagay na nagsimula ang Gitnang Kaharian noong 2040 BCE .

Nakilala ang Thebes bilang kabisera nito.

Hindi katulad ng Lumang Kaharian, mas binigyang tuon ng mga paraon ang mga bagay na kapaki-pakinabang kaysa sa pagpapagawa ng mga piramide. Mas binigyang importansya ang pagpapagawa ng mga kalsada, dike at sistemang irigasyon.

Page 16: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Amenemhet I – siya ang nagtayo sa Thebes bilang bagong kabisera ng Ehipto. Nasugpo niya ang mga mapanggulong maharlika.

Amenemhet III – anak ni AI na sinasabing nagpagawa ng kanal na nagdurugtong sa Ilog Nile at Red Sea. Dahil dito ay umunlad ang Ehipto sa larangan ng kalakalan.

Sa panahong ito ay naitayo ang imbakan ng tubig na tinawag na Faiyum.

Page 17: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Sa huling bahagi ng Gitnang Kaharian ay sinakop ng mga Amorites mula sa Fertile Crescent ang Ehipto noong 1730 BCE.

Tinawag silang mga “Hyksos” ng mga Ehipsiyano na nangangahulugang “Rulers of Foreign Land”.

Mahigit sa 150 taon nilang pinamunuan ang Ehipto.

Page 18: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Bagong Kaharian– "Panahon ng Imperyong Egyptian”

Sa panahong ito ay hindi naging kuntento ang mga pinunong Egyptian sa teritoryong sakop ng kanilang kaharian kung kaya’t nagsimula nang manakop ng lupain. Pinagbayad nila ng buwis (sapilitan) ang kanilang mga nasakop.

Page 19: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Mga Tanyag na Pharaoh ng Bagong Kaharian

Thutmose II – naging pharaoh noong 1512 BCE. Idinagdag niya ang Nubia sa Egypt at sinakop niya ang Palestine at Syria.

Hatshepsut – tinaguriang “kauna-unahang babaeng pinuno sa kasaysayan”. Napalago niya ang kalakalan. Naging tanyag ang Egypt dahil sa mga ekspedisyong kanyang ipinadala.

Page 20: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Thutmose II I– isa sa dakilang pharaoh ng Egypt. Siya ang tinaguriang “Alexander the Great ng Egypt”. Pinagtuunan niya ang pakikipaglaban at pagpapalakas ng kanyang hukbong militar.

Amenhotep IV - naging tanyag dahil sa pagtatatag niya ng iisang relihiyon na sumasamba sa iisang diyos na si Aton. Pinalitan niya ang kanyang pangalan sa Akhenaton. Namatay siya noong 1362BCE.

Page 21: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Rameses II – namahala sa Egypt ng halos 70 taon. Sa panahon ng kanyang pamamahala naganap ang mahigit 15 taon pakikidigma sa mga Hittites na nasa Asia Minor. Siya ang isa sa huling dakilang pharaoh ng Egypt. Pinalitan siya ng mga mahihinang pinuno na naging dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga nasasakupan ng imperyo.

Page 22: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Kontribusyon ng mga Egyptian sa Daigdig

Paggawa ng papel (papyrus), stylus

Sinaunang kalendaryoPyramidsGeometryLarangan ng Surgery at AnatomyShadoof at LoomMummificationHieroglyphics

Page 23: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

A

PICTURE

PAINTSA

THOUSAND

WORDS

EGYPT

Page 24: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

AKO AY SI NARMER YOU CAN ALSO

CALL ME MENES. ASTIG NO?

Page 25: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

HEY WAZZUP? BY THE WAY I’M

ZOSER, ADD NIYO KO SA FRIENDSTER

HA?

Page 26: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Great Pyramid

Page 27: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

HYKSOS

Page 28: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Hieroglyphics

Page 29: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto
Page 30: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Amenemhet III

Page 31: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Amenhotep IV

Page 32: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Hatshepsut

Page 33: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Nefertiti

Page 34: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Thutmose III

Thutmose I

Page 35: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Tutankhamen

Page 36: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

Rameses II

Page 37: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto
Page 38: Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto

UFC Ketchup Lotion for my body

555 Sardines for my hair

Microsoft Corporation for my teeth

Belo shoes

McDonald’s Innerwear

Philippine Hairlines

Pond’s Bagoong

Sunsilk Patis

ALL RIGHTS RESERVED July, 2008

We would like to thank our sponsors: