sinaunang kabihasnan sa egypt

26
Kabanata4 Aralin 8 Ang Impluwensiya Ng Heograpiya Sa ghubog Ng Sinaunang Kabihasnan Ng Egypt

Upload: twocrowns

Post on 12-Apr-2017

1.286 views

Category:

Education


9 download

TRANSCRIPT

Kabanata4 Aralin 8

Ang ImpluwensiyaNg Heograpiya Sa

Paghubog Ng Sinaunang Kabihasnan Ng Egypt

Ang Heograpiyang Pisikial ng Egypt:Sukat, Lokasyon, at Klima Ang Egypt ay isang malaking bansa na nasa pinakatuktok na bahagi ng hilagang-silangan ng kontinenteng Africa. Ang Libya sa kanluran, Sudan sa timog, Israel at Red Sea sa Silangan, at Dagat Mediterranean sa hilaga.

Ito ay may kabuoang sukat na 386,6 62 milya kuwadrado (1,001, 450 kilometro kuwadrado) at kabuoang sukat ng lupain na 384, 345 milya kuwadrado (995, 450 kilometro kuwadrado).

Sa kabuoang lupain ng Egypt, tinatayang nasa 2.9% lang ang maaaring matanim (arable). Subalit da kabila nito, nakapagtatakang ang malaking bahagi ng lakas-paggawa ng Egypt au nasa sektor pa rin ng agrikultura (32%).

Binubuo ng cotton, palay, mais, trigo, beans, prutas, at gulay ang mga pangunahin nitong produktong agrikultural.

Ang Heograpiyang Pisikial ng Egypt:Sukat, Lokasyon, at Klima Kabilang naman sa mga hayop na inaalagaan dito ang baka, manok, kambing, at tupa.

Saganang-sagana sa iba’t ibang uri ng ibon ang Nile Valley at ang Nile Delta. Kabilang sa mga ibong ito ay ang egret, flamingo, golden oriole, heron, pelican, at stork.

Tumatawid mismo sa Egypt ang Tropic of Cancer na nangngangahulugang ito ay nasa lokasyong tropiko kung saan pinakamatindi ang pagtama ng sikat ng araw.

Ang buong Egypt ay dry desert o tigang (arid) at may klimang napakainit na summer (hot summer) at katamtamang taglamig (mild winter).

Ang Heograpiyang Pisikial ng Egypt:Sukat, Lokasyon, at KlimaUpang mapapabilang sa dry desert o arid climate, ito ay dapat nakatatanggap ng mas mababa pa sa 25 sentimong ulan sa bawat taon.

Sa Cairo, ito ay nakatatanggap lamang ng 0.4 pulgada (inches) o 1 sentimetrong dami ng ulan sa bawat taon. Sa Nile Delta ay nakatatanggap ng 4 pulgada sa bawat taon, at wala pang isang pulgada sa Nile Valley sa may katimugan ng Cairo.

Sa panahon ng tagsibol (springtime), ito ay nagdadala ng mainit na hangin sa halip na malamig na ulan (cooling rains) pakanluran sa buong Egypt, na ang lakas ng ihip ng hangin ay umaabot ng 87 milya (140 kilometro) bawat oras.

Kadalasang nagdadala ng sandstorm at maaaring sumira ng mga pananim at kabahayan ang malakas na nanging ito.

Mga Disyerto at Iba Pang Natural Barriers ng Egypt Ang topograpiya ng halos buong Egypt ay isang napakalawak na kaparangang tigang na walang katao-tao (desolate and barren), na binubuo ng napakaraming burol (hilly) sa silangan at sa may bahagi ng Ilog Nile.

Humigit-kumulang sa 90% ng kabuoang lupain ng Egypt ay natatakpan ng disyerto.

Matatagpuan sa silangan ng Ilog Nile ang Arabian Desert na kilala rin sa pangalang Eastern Desert.

Sa kanlurang bahagi ng Nile ay matatagpuan naman ang Libyan Desert (na kilala rin sa tawag na Western Desert) na umookupa sa halos 2/3 na bahagi ng buong Egypt.

Ang Sahara Desert ay ang pinakamalaking disyerto sa buong daigdig. Ang kabuoang sukat nito ay nasa mahigit 3.5 milyong milya kuwadrado (9 milyong kilometro kuwadrado) .

Mga Disyerto at Iba Pang Natural Barriers ng EgyptMatatagpuan din sa Egypt ang Qattara Depression na nasa 440 talampakan (134 metro) below sea level.

Sa Sahara, ang temperatura ay maaring umabot hanggang 139øF (54øC) kapag summer subalit maaari rin naman itong bumagsak nang below freezing pag winter.

Napakahirap mabuhay ang mga halaman at hayop sa Sahara. Ang vegetation ay karaniwang limitado sa mga damo at maliliit na palumpong. Ang mga halaman at hayop ay karaniwang nagsiksiksikan sa paligid ng mga oasis, kung saan may mga bukal ng tubig. Tanging ilang mga insekto, susô, at maliliit na reptilya ang pangkaraniwang hayop na matatagpuan dito.

Noong sinaunang panahon,ang lupain ng Egypt ay nagmumula sa hilaga sa Nile Delta sa bukana ng dagat Mediterranean patungo sa katimugang bahagi hanggang sa unang cataract ng Ilog Nile.

Mga Disyerto at Iba Pang Natural Barriers ng Egypt Tinatayang may habang 750 milya (1,200 kilometro) at lapad na 10 milya ang sinasakop ng lupain (hangganan ng Red Land) ng Egypt noon sinaunang panahon.

Nagsisilbing natural barrier ang mga disyerto sa paligid ng Egypt tulad ng Arabian Desert sa silangan at Libyan Desert sa kanluran. Dahil sa mga natural barrier na nakapalibot sa buong Egypt, napuwersa nito ang mga Egyptian na manirahan sa napakaliit na bahagi ng kalupaan nito, at nabawasan din nito ang pakikipag-ugnayan ng mga Egyptian sa ibang mga tao at lipunan.

Ang mga Rehiyon at Iba’t ibang Pagkakahati ngLupain ng Sinaunang Egypt

Hinahati ng mga sinaunang Egyptian ang sinasakop nilang lupain noong panahon sa dalawa: ang Black Land at ang Red Land.

Tinawag nilang Black Land ang kalupaan ng Egypt na binubuo ng maitim at matatabang lupa na nasa magkabilang pampang ng Ilog Nile kasama and Nile Delta.

Ang kabilang dako nama’y tinawag na Red Land and mga lugar na natatapakan ng disyerto na karugtong ng Black Land.

Para sa mg Egyptian, and Black Land ay sumisimbolo ng buhay samantalang panganib naman ang simbolo ng Red Land.

Ang Black Land ay hinahati sa dalawang rehiyon: and Upper Egypt at ang Lower Egypt. Ibinatay sa kinaroroonan ng agos ng Ilog Nile and pagkakahating ito.

Ang mga Rehiyon at Iba’t ibang Pagkakahati ngLupain ng Sinaunang Egypt

Ang rehiyon ng Nile Delta ay nagsisimula 100 milya bago pagpasok ng ilog sa Dagat Mediterranean.

Sa Nile Delta matatagpuan and iba’t ibang produktong agrikultural tulad ng trigo, cotton, barley, emmer, at flax.

Ang Ilog Nile Bilang Biyaya ng Egypt Ang Ilog Nile ang kinikilala sa ngayon bilang pinakamahabang

ilog sa buong daigdig. Dito namumula ang tinatayang 85% ng suplay ng tubig ng buong Egypt sa ngayon.

Ito ay may kabuoang haba na 4,160 milya na umaagos mula sa kabundukan ng Central Africa pahilaga patungo sa Dagat Mediterranean.

Kabanata4 Aralin 9

Ang Saligan ng SinaunangKabihasnan ng Egypt

Ang Pagtatatag at Pagkakaisa ng Egypt Bilang Isang Kaharian Iba iba ang mga ritwal, diyos, bersiyon ng wika, kaugalian, paniniwala, at pinuno ang mga rehiyon sa Egypt.

Ang dalawang kaharian ay tinatayang unang napagkaisa noong 3100 BCE. (Subalit ngayon, di parin uko ang impormasyon tungkol dito)

Bilang simbolo ng pagsasama ng dalawang rehiyon, si Narmer ay lumikha ng double crown. Ito ay dalawang korona na pinagsama sa isa.

Ang Pag-Unlad ng Egypt sa Panahon ng KaharianTungkulin at Kapangyarihan ng Pharaoh

> Magkontrol ng ekonomiya at kalakalan>Mamahala sa kanyang nasasakupan>Magpatupad ng mga batas at patakaran.>Magpanatili ng maayos na sistemang pagirigasyon >Mangalaga ng tao sa panahon ng kalamidad at

taggutom.>Magpanatili ang kaayusan at katahimikan ng kaharian.>Manguna sa mga seremonya at panrelihiyong ritwal.>Manguna sa hukbong sandatahan ng Egypt

`````````````````````````````````````````````````````````````````````````Sa panahong 2400 BCE nagpatayo ng malalaking pyramids kabilang ang pinakamalaking pyramid na Great Pyramid of Giza para kay Haring Khufu at ang Step Pyramid sa Saqqara na kinikilala naman bilang pinakamatandang gusaling bato sa buong daigdig.

Ang Pag-Unlad ng Egypt sa Panahon ng KaharianNagresulta ng pagpapalawak ng teritoryong nasasakupan ng mga Egyptian ng pagkakamal ng Egypt ng umaapaw na kayamanan. Sa kauna-unahang pagkakataon, naganap sa panahong ito ang laganap na pang-aalipin (widespread slavery) dahil sa tuwing magbabalik sa Egypt ang mga hukbong nanakop at nakidigma sa ibang lupain, kanilang kasama sa pag-uwi ang kawan (hordes) ng mga alipin na mula sa kanilang mga nasakop.

Nangyari rin sa Panahon ng Bagong Kaharian ang pamumuno ng kauna-unahang babaeng pinuno ng Egypt na si Hatshepsut (1473-1458 BCE) sa loob ng halos 30 taon.

Ang Pharoah Bilang Saligan ng Pamahalaan, Relihiyon, at Lipunan ng Sinaunang Egypt

Ang pharoah ang sentro ng estado ng mga Egyptian. Di katulad ng mga Mesopotamian na itinuturing ang kanilang hari na kinatawan ng diyos sa lupa, ang pharoah sa mga Egyptian ay mga diyos mismo sa lupa o mundo.

Sila ay tinuturing god-king na katulad din ang husay at kapangyarihan ng mga Diyos na nasa langit.

Sila ay tinuturing reincarnation ng falcon god na si Horus, at ang anak ng sun-god na si Re/Ra noong Old kingdom at sky-god na si Amon-Ra noong Midde at New Kingdom.

Ang Estruktura ng Pamahalaan at Sistema ng Pamamahala sa Sinaunang Egypt

Ang ganitong uri ng pamamahalaan na umiral sa Egypt ay maaaring ituring bilang divine monarchy o theocracy.

Divine Monarchy: >Ang namumuno ay hari o reyna > Ang pamilya ay nagmula mismo sa angkan ng mga diyos o ay siyang binasbasan o pinagkatiwalaan ng diys na mamuno sa kaharian

Theocracy: > Tumukoy sa uri ng pamahalaan na ang namumuno ay ang mga pinunong panrelihiyon at ang pamamahala ay batay sa kapangyarihang panrelihiyon.

Ang pharoah ay may ari ng buong Egypt kasama ang lahat ng pinagkukunang-yaman at mga tao rito. Siya ay tinitignann ng mga Egyptians bilang divine king.

Ang Estruktura ng Pamahalaan at Sistema ng Pamamahala sa Sinaunang Egypt

Sa kabila ng kanyang napakalawak at absolutong kapangyarihan, hindi kayang mapamahalaang mag-isa ng pharoah ang kanyang kaharian. Bilang katulong niya sa pamamahala, napapaligiran ang pharoah ng isang matatag na burukrasya o bureaucracy. Ito ay isang maayos na sistema ng organisasyon na binubuo ng mga tanggapan o sangay ng pamahalaan na sumusunod sa hirarkiya o antas ng awtoridad ang mga opisyal at kawani na bumubuo nito. Sa Egypt, karamihan sa bumubuo nito ay mga kamag-anak din ng pharaoh.

Ang posisyon ng divine king o god-king ay pinakamalaking tagapag-ambag sa pagpapanatili ng matinding kontrol at kapit sa kapangyarihan sa pamahalaan at lipunan ng pharaoh.

Relihiyon at Paniniwala ng mga Sinaunang Egyptian

Nasa humigit-kumulang 3000 magkakahiwalay na pangalan ng mga diyos ang natukoy na sa mga sulating Egyptian.

Sila’y nagtatayo ng mga templo bilang pagdakila at pagpaparungal sa kanilang mga diyos. Maliban dito, naniniwala ang mga sinaunang Egyptian sa kabilang buhay (afterlife) matapos ang kamatayan.

Sila’y naniniwala na matapos mamatay ang tao, ang kanyang kaluluwa ay maninirahan at mamumuhay sa daigdig ng mga patay. Dahil dito, nakabuo ng detalyadong ritwal ng kamatayan at paglilibing ang mga Egyptians.

Sila’y naniniwala na ang ating mga kaluluwa ay hindi namamatay kahit sa kabilang buhay (eternal soul or spirits)

Ang Ugnayan ng Paniniwalang Panrelihiyon, Kapaligirang Pisikal,

at Sistemang Politikal ng Sinaunang EgyptKaramihan ng mga impormasyon tungkol sa relihiyon ng sinaunang Egypt ay galing sa mga inskripsyon sa mga monumento at wall paintings sa mga puntod (tombs) ng mga namatay.

Dahil sa pagpapahalaga ng mga Egyptian sa sun-god na si Ra/Re, at ang sky-god na si Amon. Dahil sa pagsamang ito, si Amon-Re ang kinikilalang pinakamataas, pinakamakapangyarihan, at pinakamahalagang diyos ng mga sinaunang Egyptian.

Ang mga diyos ng mga Egyptian ay maaaring nasa anyo na tulad ng isang tao (human) o semihuman. Kapag semihuman, ang anyo ng diyos aypinaghalong katawan ng tao at hayop o puwersa ng kalikasan tulad ng araw at buwan na kanilang sinisimbolo.

Kabanata4 Aralin 10

Ang Buhay-Panlipunansa Sinaunang Egypt

Pag-uuring Panlipunan sa Sinaunang Egypt Ang lipunan sa sinaunang Egypt ay nahahati sa iba’t ibang uring panlipunan. Tignan ang larawan sa ibaba para maintindihan ito.

Kaayusan ng Panahanan at Pamumuhay ng mga Sinaunang Egyptian

Ang mahihirap na pamilya ay nakatira sa mga bahay kubo.

Ang mga panggitnang uri ng nakaririwasang pamilya ay nakatira sa mga bahay gawa sa claybricks na may iilang kwarto.

Ang mga naghaharing-uri ay nakatira sa malaking palasyo na karaniwang matatagpuan sa mga sentro ng siyudad.

Ang mga ginagawa ng mga magsasaka at mahihirap na tao para sa ikinabubuhay nila ay:>nagaalaga ng baka, kambing, tupa, at gansa ng bibe>nangingisda>nanghuhuli ng mga ibong gala>nagtatanim ng trigo, barley, emmer, flax, ubas, at figs

Pang-araw-araw na Buhaysa Sinaunang Egypt

Mahigit 90% ng populasyon ay mga paisano ang mag komunidad sa Egypt ay may makakatulad na kaayusan o pattern at pamumuhay sa pang-araw-araw.

Labis na napapahalaga ang kanilang itsuraat kasuotan. Karaniwang yari ang kanilang damit sa linen o telang gawa naman sa makapal na balahibo ng hayop tulad ng tupa.

Maraming nabibilang sa nakatataas na uri na mula sa magkaparehong kasarian ang nagpapakalbo at gumagamit ng peluka (wig), na ng layon ay bilang pamporma at bilang proteksiyon na rin sa ulo at mukha mula sa sikat ng araw.

Mahilig ang mga sinaunang Egyptian sa sports tulad ng:>wrestling>boating>javelin throwing>pangangaso

Ang Buhay-Pamilya at Katayuan ng Kababaihan sa Lipunan Ang buhay pamilya at pang-araw-araw na buhay sa sinaunang Egypt ay magkaiba sa bawat uring panlipunan.

Karamihan sa mga Egyptian ay namumuhay sa yunit-pampamilya. Maagang nagaasawa ang mga Egyptian para magkaroon ng sariling pamilya. 12 taong gulang sa babae at 14 taong gulang sa lalaki. Ang tatay ay kadalasang nagsisilbing pinuno ng bahay at ang nanay ay tagapamahala sa loob ng tahanan at edukasyon ng kanilang mga anak. Pinapayagan ang diborsiyo pero ipinagbabawal ang pakiikapid. Mahigpit ang parusa sa mga pakikiapid lalo na sa mga babae na maaaring putulan ng ilong at sunugin sa harap ng publiko.

Ang mga babae ay maaring maging:>doktor>pari>mag-mayari at magmana ng ari-arian>pumasok sa kasunduan sa negosyo at kalakalan>magbenta atbumili ng kalakal>dumulog sa hukuman>lumikha ng sariling testamento ng pagmamana

Siyensiya at Teknolohia sa Sinaunang Egypt Ang malaking interes na iniukol ng mga sinaunang Egyptian sa siyensiya at teknolohiya ay masasabing bunga ng praktikal na pangangailangan at konsiderasyon.

Isa sa mga imbensiyong teknolohikal ng mga Egyptian ang paggamit ng shadoof (shaduf) sa pagpapatubig ng kanilang mga sakahan kapag mababaw ang tubig ng Ilog Nile.

Isa rin sa mga nagungunang halimbawa sa imbensiyon ng mga Egyptian na gumamit ng kahusayan sa matematika at sa astronomiya para sa praktikal na aplikasiyon at pakinabang ay ang kalendaryo.

Sa konstruksyon ng mga pyramid at maging sa malalaking palasyo at templo, naipamalas din ng mga Egyptian ang kahusayan sa inhernyeriya at arkitektura sa pamamagitan pagtiyak ng eksaktong bigat at sukat (measurements) na maaaring masuportahan ng mga haligi at dingding upang hindi gumuho at tumagal sa pagkakatayo ang gusali.

Maliban sa arkitektura, masasabing pinakamalaki ang kontribusyon sa larangan ng medesina. Maituturing dalubhasa sa human anatomy ang mga Egyptian dahil sa mummification.

Pagsulat, Sining, at KulturaTatlong sistema ng pagsulat ang ginamit ng mga sinaunang Egyptian.

>HeiroglyphicsNagmula ito sa salitang Greek na hieros at gluph na ang ibig sabihn ay sacred carving. Ito ay isa sa kauna-unahang sistema ng pagsulat sa daigdig na gumagamit ng mga simbolo na kumakatawan sa tunog ng letrang m o maging sa ibon mismo.

>Heiratic scriptIto ay isang cursive na paraan o anyo ng pagsulat na nabuo sa pamamagitan ng pagbabago para maging payak ang mga hugis ng heiroglyphics. Kadalasang ginagamit ang heiratic script sa pangrelihiyon teksto.

>Demotic scriptItong sistemang ito ay madalas ginagamit sa mga kasulatang legal at akdang pampanitikan noong 500 BCE. Dahil simple at less attractive ang mga teksto na kasulatang hieratic o demotic ay bihirang-bihirang iukit sa mga bato.

Sa halip, ang mga kasulatan ay ginagawa sa kahoy, balat ng hayop (leather), banga at papyrus sheets.

Salamat sa pagbabasa nitong presentation ng mga aralin na ito.

Sana ika’y may natutunan at naintindihan, kahit kaunti lamang.

God Bless!