balagtasan
DESCRIPTION
Balagtasan ReportTRANSCRIPT
![Page 1: Balagtasan](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022082315/563db86f550346aa9a93ad1d/html5/thumbnails/1.jpg)
uri ng pagtatalo ng dalwang magkaibang panig ukol sa isang paksa sa paraang patula
inimbento noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, base sa lumang
tradisyon ng makatang pagtatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda at duplo
Balagtasan
![Page 2: Balagtasan](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022082315/563db86f550346aa9a93ad1d/html5/thumbnails/2.jpg)
Sa panig ng pangaral:Emilio Mar. Antonio (makata ng Bulakan)
Sa panig ng pamalo:Teo S. Baylen (makata ng Kabite)
Lakandiwa:Fernando Monleon (makata ng Laguna)
Alin ang nagpapatino sa anak, pamalo o pangaral?
![Page 3: Balagtasan](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022082315/563db86f550346aa9a93ad1d/html5/thumbnails/3.jpg)
Ipinanganak noong Disyembre 11, 1903 sa Bulakan, Bulakan
Yumao noong Mayo 13, 1965Kinilalang “hari ng balagtasan” noong 1954Makatang laureado sa kanyang tulang “Nayon
Ko”Tanyag sa radyo ng ibunsod noon ang
“Balagtasan sa Himpapawid
Emilio mar. antonio
![Page 4: Balagtasan](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022082315/563db86f550346aa9a93ad1d/html5/thumbnails/4.jpg)
Isinilang sa Noveleta, Cavite noong Enero 21, 1904
Naging makata noong 1962 at 1964 ayon sa talaang bughaw ni A.G Abadilla at pinagtibay naman ng Surian ng Wikang Pambansa
500 tula, maikling kwento at mga sanaysay ang kanyang nasulat noong katatapos pa lamang niya sa sekundarya
Isa ring musikero’t kompositor
Teo s. Baylen
![Page 5: Balagtasan](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022082315/563db86f550346aa9a93ad1d/html5/thumbnails/5.jpg)
Ipinanganak noong Oktubre 28, 1912 sa Liliw, Laguna
Kinilalang “Prinsipe ng Balagtasan”Nagtamo ng karangalan mula sa UNESCO
dahil sa aklat niya tungkol kay Francisco Balagtas
Yumao noong Pebrero 2, 1972
Fernando monleon
![Page 6: Balagtasan](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022082315/563db86f550346aa9a93ad1d/html5/thumbnails/6.jpg)
Marangal na Lakandiwa’y mga mahal kong kalahi,
akong anak ng Kabite’y nagbibigay pasintabi;Sa binuksan dito ngayong isang paksang tanging
tangi,Iyang panig ng pamalo ay siya kong pinipili;Mahal ko man ang anak ko (ito’y walang pasubali)Ay hindi ko papayagang maging liko ang ugali;Kaya’t ako’y naririto na ang bao’y hunusdili,Sa tanghala’y papanhikin sakali po’t maaari...
Pamalo (panawagan)
![Page 7: Balagtasan](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022082315/563db86f550346aa9a93ad1d/html5/thumbnails/7.jpg)
Ang makata ng Kabite, ngayo’y nanawagan,Bilang unang paggunita, dito’y aking
papayuhan...Kung ang baon mong tulain at hinaho’y konti
lamang,Umurong ka na pagkat ito’y labanang-kahiyaan;Datapuwa’t handa kang makihamok nang
lutlutanPumanhik ka’t ipagtanggol ang panig mong
pinanigan.
Lakandiwa
![Page 8: Balagtasan](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022082315/563db86f550346aa9a93ad1d/html5/thumbnails/8.jpg)
Muling nagpupugay ako’t humihinging paumanhin,Nang dahilan sa hawak kong pamalo sa aking supling;Ngunit ako’y nananalig, bunso’y upang patinuin,Sa nagawang kasalanan, kailanga’y hagupitin;Si Kristo man noong minsa’y namalo sa Herusalem,Sa maraming nasa templo’y nagtitinda’t naniningil;Ganyan din ang titinigan, sinuman ang kaharapin,Ang pagpalo ng magulang ay tungkuling dapat tupdin.
Pamalo (sa tribuna; may hawak na pamalo):
![Page 9: Balagtasan](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022082315/563db86f550346aa9a93ad1d/html5/thumbnails/9.jpg)
Maginoong Lakandiwa’t nalilimping karamihan,
Ang taal na Bulakenyo’y bumabati’t nagpupugay;
Yamang diya’y may makatang sa Kabite namuhatan,
Na ang dala ay pamalo sa bunsong may kasalanan,
Ako sana’y papanhiki’t ang dala ko’y aklat lamang
Upang iayos ang anak sa matapat na pangaral;Higit itong makatao’t ito’y handang patunayanSukdang dito’y magkahalo ang balat sa
tinalupan.
Pangaral (Panawagan)
![Page 10: Balagtasan](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022082315/563db86f550346aa9a93ad1d/html5/thumbnails/10.jpg)
Sa sumambot kapagkuwan ng Makatang Bulakenyo,
Sasabihin ay gayari at ito may pagpapayo;Sino ka mang nanawagan, buhat ka man sa
palasyo,Ang tuntuning isadiwa’y malinisang pagtatalo;Di anupa’t magtuloy ka at ilahad ngayon ditoAng kahigtan ng pangaral na tinurang makatao.
Lakandiwa
![Page 11: Balagtasan](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022082315/563db86f550346aa9a93ad1d/html5/thumbnails/11.jpg)
Mapapansin naman ninyong ang dala ko’t tangan tangan
Ay dalawang mahalagang gintong aklat na patibay;Una’y Florante’t Laura ni Balagtas ng PanginayAt ang pangalawang ito ay Banal na Kasulatan;Dito’y aking isasalig ang panig kong paniganNa sa bunsong nagkamali’y mahalaga ang
pangaral;Iyang batang nagkasala kapag hindi papayuhan,Paluin man ng paluin ay lalaking lapastangan!
Pangaral (sa tribuna may dalang 2 aklat)