ubd (balagtasan pangkat magalang)

26
Transfer goal Sa pagtatapos ng pag-aaral ng yunit na ito, ang mga mga mag-aaral ay inaasahang makapaglalahad ng tamang pangangatuwiran upang sa hinaharap, sila’y magkaroon ng paninindigan sa iba’t ibang sitwasyon at isyung napapanahon sa paraang mahinahon, lohikal, kawili-wili at may paggalang

Upload: norlan-silao

Post on 28-May-2015

3.057 views

Category:

Documents


20 download

DESCRIPTION

ubd ng grup 4.. credits to ma'am jinky santos!

TRANSCRIPT

Transfer goalSa pagtatapos ng pag-aaral ng yunit na

ito, ang mga mga mag-aaral ay inaasahang makapaglalahad ng tamang pangangatuwiran upang sa hinaharap, sila’y magkaroon ng paninindigan sa iba’t ibang sitwasyon at isyung napapanahon sa paraang mahinahon, lohikal, kawili-wili at may paggalang

Essential questions

Paano mailalahad ang wastong pangangatuwiran ng mga mag-aaral sa iba’t ibang sitwasyon at sa mga napapanahong isyu?Bakit mahalagang magkaroon ng tama at lohikal na pangangatuwiran?Ano ang papel na ginagampanan ng mga pangngalan at pang-uri sa pagpapahayag ng sariling katuwiran?

Essential understandingNailalahad ng mga mag-aaral ang wastong pangangatuwiran batay sa iba’t ibang sitwasyon at napapanahong isyu sa pamamagitan ng paggamit ng mga lantay at matatalinhagang pahayag at may indayog.

Mahalagang magkaroon ng tama at lohikal na pangangatuwiran upang malinaw na mailahad ang paninindigan o pinasusubalian.Nakatutulong sa pagpapabisa at kasiningan ng pagpapahayag ng sariling katuwiran ang mga salitang naglalarawan.

Karamihan sa mga mag-aaral ay hindi pa mulat sa mga kaganapan sa lipunang kanilang ginagalawan na may malaking kaugnayan sa kanila bilang isang indibidwal at mamamayan ng bansa. Kaya bilang tugon sa pagkakaroon ng pagdiriwang ng paaralan para sa Buwan ng Wika, isa sa pinakatampok ng programa ay ang pagdaraos ng pagbigkas, ang Balagtasan.

Magkakaroon ng pangkat ang mga mag-aaral na magtatagisan sa pagbigkas sa napapanahong isyu ng lipunan upang maimulat ang puso at isipan ng mga tagapakinig (magulang, guro, kapwa mag-aaral at mga panauhin).

Gagawa muna ng pananaliksik ang bawat mag-aaral para sa nilalaman o lalamanin, pag-aaralan ang kanilang ipangangatwiran o pasusubalian sa paraang lohikal at masining.

Pagkatapos ng pangkatan, ito’y kanilang bubuuin at itatanghal batay sa kraytirya na ibinigay.

Ang isyung isasagawa sa balagtasan: Pagpasa sa RH Bill bilang batas sa Senado na kung saan hati ang opinyon ng mamamayan lalung-lalo na ang simbahan at pamahalaan. Bagay ito na sinasang-ayunan ng karamihang nasa administrasyon ni Pang. Noynoy Aquino at pinasusubalian ng mga oposisyon lalung-lalo na ang simbahang Katoliko.

Kung kaya magdaraos ng timpalak bigkasan ang mga mag-aaral sa kanilang paaralan upang mapagmuni-muni ng mga manonood at mapagtimbang kung nararapat ba o hindi isabatas ang RH Bill o Reproductive Health Bill.

Pormang grasps

Goal – Makasulat at makapagtanghal ng isang masining na balagtasan hinggil sa napapanahong isyu ng lipunan.Role – Ang papel na gagampanan ng mga mag-aaral (manunulat, mambabalagtas, mananaliksik)Audience – (Mga mag-aaral, magulang, guro at hurado)

Senaryo – Magkakaroon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang paaralan at isa sa gagawing pinakatampok ng programa ay ang Balagtasan hinggil sa napapanahong isyu sa RH Bill na maugong ngayon sa Senado.Produkto/Performance – Pagsulat ng balagtasan pagtatanghal ng balagtasanStandard – Paraan ng pangangatwiran

KaisahanMga ibinigay na argumentoMga ibinigay na argumentoKahusayan sa pagpapahayag

Mga Rubrik

Introduksyon1. Sisimulan ng guro ang klase sa pamamagitan

ng pagpapakita ng isang video tungkol sa bagay na bibigyan ng sariling pananaw/opinyon at katwiran ng mga mag-aaral.*Pag-uusap ng klase sa nilalaman ng video.

a. Ano ang naramdaman mo habang pinanonood ang video? (M)

b. Paano mo ilalarawan ang amang napanood mo sa video at paano mo ito ihahambing sa iyong ama? (T)c. Ano ang kabuuang mensahe ng video sa atin bilang isang anak? (T)

2. Pagdaragdag ng guro ng mga pananaw sa mga naging kasagutan ng mga mag-aaral.

interaksyonMagaganda ang inyong naging kasagutan

at pangangatwiran sa bawat katanungan kaya ito’y ating palalawakin.1. Sa pamamagitan ng pagsulat ng sariling likhang komposisyon na kung saan ang paksa ay tatalakay sa tunay na kahulugan ng pagiging magulang.

a. Para sa iyo ano ang dapat maging katangian ng isang magulang?b. Kung ikaw ay magiging magulang sa hinaharap, paano mo huhubugin ang iyong mga anak?

Magbibigay ang guro ng mga sanggunian kung saan pwede nilang alamin para sa karagdagang kaalaman.

http://en.wikipedia.org/wiki/Parenting

2. Magsasaliksik at magtatalakay ang klase ng pangangatwiran bilang isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mangumbinsi ng kapwa sa isyung pinaninindigan. (A at M)

*Mga prosesong tanong ng guro habang at matapos magsaliksik ang website na ibinigay.a. Ano ang pangangatwiran?b. Ano ang layunin natin sa pagbibigay

ng katwiran?

c. Bakit kailangang magkaroon tayo ng kaalaman at kasanayan sa tamang pangangatwiran?d. Ano ang katangiang dapat taglayin ng isang nangangatwiran? Pangatwiranan ang inyong sagot?e. Anu-ano ang mga elemento ng pangangatwiran?f. Sa kabuuan, ano ang kapangyarihang taglay ng tamang pangangatwiran?

3. Iwawasto ng guro ang ginawang komposisyon sa pamamagitan ng dayad at rubrik.4, Magkakaroon ng argumento at pagtatalo tungkol sa diborsyo dito sa Pilipinas. SusuriinAt pangangatwiranan ng bawat pangkat ang kanilang paninindigan at pasubali. a, Naibibigay ang mga positibo at negatibong idudulot nito sa buhay ng isang indibidwal, pamilya

b. Paano ito nakakapekto sa kalagayan ng pamumuhay ng ating bansa? c. Paano makakaapekto sa ating kalagayang pang-ekonomiya?5. Ibabahagi ng mga mag-aaral ang pangangatwirang ginawa at pagpoproseso ng guro ng mga nilalaman nito gamit ang mga gabay na tanong: a. Makatotohanan ba at kapani-paniwala ba ang mga datos na ibinigay ng bawat pangkat?

b, Nakakahikayat ba sa mga nakikinig ang paraan ng pangangatwirang ginawa ng klase at bakit? c. Ano ang mga anyo ng pangangatwiran na napansin ninyo sa ginawang pagtatalo? d. Sa pagbibigay ng pangangatwiran, mahalaga bang may sapat tayong kaalaman hinggil sa paksa o isyung pinapanindigan. e. Dapat bang maging mahinahon ang isang nangangatwiran? Bakit?

Nabanggit ninyo na mas mabisang nailalahad ang isang pangangatwiran kapag may sapat tayong kaalaman hinggil sa pamamagitan ng paggamit ng mga matatalinhaga at mga maiindayog na mga pananalita kaya sa puntong ito ay susukatin natin ang kakayahan ang mga mag-aaral sa pagmamatwid sa pamamagitan ng isa pang gawain.

INTEGRASYON

1. Pagpaparinig at pagpapanood ng isang awitin, “Kunin Mo Na ang Lahat sa Akin”.

Gabay na Tanong:a. Naranasan na ba ninyo ang

maagawan ng minamahal? Ano ang inyong naramdaman?

b. Balikan ang nilalaman ng awitin. Piliin o tukuyin ang mga pangngalan at pang-uri.

2. Paggawa o pagsulat ng balagtasan gamit ang mensahe o nilalaman ng awitin.

Gabay na tanong bilang pagpoprosesoa. Paano mo proprotektahan ang mahal

mo sa buhay?b. Ipaglalaban mo ba ang taong mahal

mo? Sa papaanong paraan?c. Ano ang layunin ng balagtasang

ginawa?d. Sa kabuuan, ano ang katangiang

taglay ng balagtasan?

3. Ngayong nakabuo na kayo ng isang halimbawa ng balagtasan, ay muli natin itong pag-ibayuhin sa pamamagitan ng kasunod na gawain. May ipapabasang artikulo tungkol sa RH Bill.4. Ang paggawa o pagsulat ng balagtasan sa pamamagitan ng isyung inihain ng guro “Dapat bang maisabatas ang RH Bill o hindi?”. Ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pangkatan.

5. Pangkatang pagpuna ng mga kalakasan at kahinaan ng ginawang pangangatwiran batay sa rubrik.6. Isasaayos na ang nagawang komposisyon na nasa anyong balagtasan. Gagawin ito ng nang pangkatan. Magtutulungan ang bawat isa upang mabuo ang balagtasan.

closureAng balagtasan ay isang uri ng

patulang pagtatalo na nakalilinang ng kaisipan, kaalaman at kamalayan na nangyayari sa sariling lipunan sa malikhain at masining na paraan.

Mahalagang magkaroon ng malawak na kaalaman sa paksa/isyung pagtatalunan upang mapanindigan ang sariling katwiran. Gayundin naman ang mahalagang kaisipan upang maikintal sa isipan ng tagapakinig/ tagabasa ang aral o mensahe nito.