final draft
DESCRIPTION
Final DraftTRANSCRIPT
Unibersidad ng Pilipinas Los BañosKolehiyong Ekolohiyang Pantao
Departamentong Panlipunang Pagpapaunlad
Pag-aaral sa PamayananBarangay CaloBay, LagunaTaong 2013
Aquino, PaoloBenzon, Louella
Mempin, Ma. ClarizaSotto, Hazel Therese
Marso 2013
Talaan ng NilalamanI. Panimula Pahina
A. RasyonaleB. Layunin ng Pag-aaralC. Suliranin ng Pag-aaralD. Kahalagahan ng Pag-aaralE. Limitasyon ng Pag-aaral
II. Metodolohiya
A. Lugar Kung Saan Naganap ang PananaliksikB. Kagamitan sa PananaliksikC. Pamamaran ng pagpili sa mga nakapanayamD. Kagamitan ng Pagsusuri sa mga Datos
III. Paglalahad at Pagsusuri ng Datos
A. Kasaysayan ng Barangay CaloB. Bio-pisikal na Katangian ng Barangay CaloC. Katangiang Sosyo-demograpiko
a. Katangiang Demograpiko ng Nakapanayamb. Katangiang Demograpiko ng Kasambahayc. Migrasyon
D. Katangiang Sosyo-kultural at Politikala. Estado ng Pangkalusugan at Pangkalinisanb. Partisipasyon sa Komunidadc. Katangiang Pamumuno sa Barangayd. Mga Problema at Isyu sa Barangaye. Pagsasamahan sa Barangayf. Gampaning Pangkasarian
E. Katangiang EkonomikoF. Estadong Pang-Ekonomiyang BarangayG. Pagsasamahan sa BarangayH. Gampaning Pangkasarian
IV. Konklusyon
V. Rekomendasyon para sa Komunidad
VI. Rekomendasyon upang lalo pang mapabuti ang pag-aaralI. Panimula
A. Rasyonale
Ang pananaliksik patungkol sa pamayanan ay isang makabuluhang pagsisisyasat sapagkat sa
pamamagitan nito nadadama o nauunawaan ang pangangailngan ng mga taong naninirahan rito.
Ang kamalayang ibinabahagi nito sa bawat mambabasa ay hindi matatawaran sa kadahilanang
isinisiwalat nito ang tunay na pulso ng mga mamamayan nang walang pag-iimbot o anuman
pagtatakip sa mga kakulangan ng naturang Barangay. Higit pa rito, ang mga pag-aaral na ganito,
lalo’t isinagawa ng mga mananaliksik na pantay ang pagtingin sa pangkalahatang populasyon, ay
inaasahan ng mga mamamayan sa pamayanan na magsilbing tulay sa kanilang mga hinaing
patungo sa mga opisyal na mas maunawaan ang mga nagaganap sa kanilang nasasakupan. Ang
pagtahak ng mga pag-aaral ng pamayanan ay inaasahang magsusulong ng pagbabago sa
pamayanan tungo sa kanilang kaunlaran.
B. Layunin sa Pag-aaral
Ang pangunahin na layunin ng Community Profiling Study (CPS) naito ay mabigyan ng
maganda, matiwasay at mataas na kalidad ng pamumuhay ang mga mamamayan.
Ang mga tiyak na layunin ay ang mga sumusunod:
1. Malaman ang mga problema at pangangailangan ng barangay;
2. Maging basehan para sa mga ipaplanong mga programang barangay;
3. Makalikha ng isang komprehensibong solusyon upang matugunan ang mga natukoy na problema
at pangagailangan ng barangay.
C. Suliranin ng Pag-aaral
Ang layunin ng pagaaral na ito ay maipakita at masuri ang kasalukuyang kalagayang
sosyo-ekonomiko at sosyo-demograpiko ng mga mamamayan ng Barangay Calo, Bay, Laguna
lalo't higit sa kakayanan ng nasabing barangay sa pagtugon sa mga problemang pangkalamidad
at sakuna.
D. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pagaaral sa komunidad partikular na sa Bararangay Calo ay makakatulong sa
pagpapatibay ng mga kasalukuyang programang barangay at pagpapatupad ng mga bagong
programa at proyektong kinakailangan ng barangay. Ang pananaliksik sa kalagayan ng
pamumuhay ng mga mamamayan ng barangay kasama na ang kanilang mga saloobin ukol dito
ay maganda at matibay na batayan sa paggawa ng mga programa para sa pag-unlad ng barangay.
Sa pamamagitan din ng pagaaral sa komunidad ng barangay magkakaroon ng malalim na
pagsusuri sa kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayan nito.
E. Limitasyon ng Pag-aaral
Sa pag-aaral ng mga kakulangan ng barangay sa panahon na may sakuna at mga bantang
kalamidad, ang barangay Calo at ang mga nasasakupan g purok nito ang aming nakapanayam. Ang
kakulangan ng partisipasyon ng mga residente na nakapanayam ay isa sa mga naging hadlang upang hindi
masunod ang itinakdang bilang ng pagitan ng mga bahay sa bawat purok na kinuhanan ng pahayag. Isa
din sa mga naging balakid sa pag-aaral ng barangay ay ang pa iba-ibang panahon at ang hindi
pagkakatugma ng iskedyul ng bawat miyembro ng grupo.
II. Metodolohiya
A. Pook kung saan Isinagawa ang Pananaliksik
Ang pangkalahatang bilang ng populasyon ng Barangay Calo ay 3,576 sa kasalukuyan,
na binubuo naman ng 757 kabahayan na kinabibilangan ng 876 pamilya na naninirahan sa 6 na
purok ng barangay (Talaan Blg. 1.1). Ang karaniwang bumubuo ng sa mga nananahan sa
Barangay Calo ay mga empleyado. Nabibilang din ang mga nagnenegosyo at mga nagsasaka na
mamamayan sa barangay.
Talaan Blg. 1.1. Ang Anim na Purok sa Barangay Calo
Bilang ng Purok Bilang ng Kabahayan
1
2
98
160
3 271
4 130
6 124
Nabibilang ang Barangay Calo sa 15 bayan sa Bay, Laguna na tinatayang 70 kilometro
ang layo mula sa Maynila. Mayroong kabuuang lawak na 1,061,251.25 metros kuwadrados ang
nasasakupan ng Barangay Calo (Larawan Blg. 1.1). Humigit-kumulang 15,680 ektarya ang
nasasakop nitong lupain na ginagamit bilang taniman ng palay na may kasamang niyog, saging
at iba pang prutas. Ang karamihan dito ay kinatitirikan ng bahay at komersiyo na siyang
pinagkakakitaan ng mga nasa barangay.
Larawan Blg. 1.1. Mapa ng Lokasyon ng Barangay Calo
B. Kagamitan sa Pananaliksik
Ang pag-aaral patungkol sa komunidad ng Barangay Calo ay isinagawa sa pamamagitan
ng paggamit ng talatanungan kung saan personal na kakapanayamin ang mga napiling miyembro
ng barangay. Kabilang ang pagtukoy kung orihinal ba ang miyembro ng komunidad sa barangay,
ang mga karaniwang sakit na dinaranas, mga organisasyong kinabibilangan at mga karaniwang
pamamaraan sa paghahanda sa sakuna ay ilan lamang sa mga impormasyong nais makalap ng
nasabing talatanungan. Ang pagkakaparepareho sa ginamit na talatanungan ay siniguro upang
ang pagbabago sa mga makukuhang datos sa bawat kakapanayamin ay maiwasan. Sa Tal. Blg.
1.2 makikita ang pagsasalarawan sa mga pamantayan ng bawat sektor na napapaloob sa
talatanungan.
Talaan Blg. 1.2. Pagsasalarawan sa iba’t ibang sektor na ginamit sa paniniyasat sa katayuan ng Barangay Calo.
Pamantayan Pagsasalarawan
Katangiang Demograpiko Tinutukoy sa bahaging ito ang pangunahing katangiang demograpiko ng mga nakapanayam kung saan nakasaad ang kanilang pangalan, edad, katayuang sibil, relihiyon, bilang ng kasambahay at iba pa.
Katangiang Sosyo-Kultural at Politikal Napapabilang dito ang pagtukoy ng mga sumusunod: kondisyong pangkalusugan/pangsanitasyon, mga organisayon sa barangay, partisipasyong komunidad ng mga nakapanayam, at distribusyon ng gawain ng pamilya.
Katangiang Sosyo-Ekonomiko Ang mga impormasyong nais makalap ng bahaging ito ay ang mga uri at antas ng pinagkakagastusan ng pamilya, mga kasangkapang kanilang pagmamay-ari, estado ng kanilang pamumuhay, at kabilang din ang estadong pang-ekonomiya ng buong komunidad.
Mga Serbisyong Pang-Komunidad
Pagsukat sa Antas ng Kaligtasan ng Komunidad sa Panahon ng Sakuna at Kalamidad
Inilalahad dito ang impormasyon patungkol sa paggamit ng mga sebisyo na para sa kalusugan, edukasyon, relihiyon, pamilihan, pautang, rekreasyon, komunikasyon at transportasyon.
Tinutukoy sa bahaging ito ang mga banta na kinahaharap at nararanasan ng barangay maging ang mga epekto nito sa mga tao at ang mga proyekto na ipinapatupad upang maging handa sa mga darating na sakuna.
Lubos ding nakatulong ang paggamit ng mga sekondaryang datos na ipinagkaloob ng
mga butihing opisyal ng Barangay Calo. Hango sa mga aklat talaan ng barangay ay nakalap ang
mga mahahalagang kaalaman upang maisakatuparan ang pag-aaral patungkol sa kasalukuyang
kalagayan ng komunidad. Isa pang ginamit ay ang pag-oobserba sa mga miyembro ng
komunidad at ng mismong komunidad upang mapagtibay ang pagpapatotoo sa mga makakalap
na impormasyon. Ang pamamaraang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mananaliksik
upang mapabilang at tunay na maramdaman ang pagiging kaisa at pagiging kabilang sa
barangay.
Ang pag-aaral na ito ay ginamitan din ng Focused Group Discussion o FGD sa
pamamagitan ng pagpupulong ng isang grupo na kinabibilangan ng mga miyembro ng
komunidad, mga opisyal at maging ng mga kabilang sa mga pribadong organisasyon na kabilang
sa barangay. Naghanda ng mga tanong ang mga mananaliksik patungkol sa mga karaniwang
likas-yaman na mayroon ang barangay, mga lugar kung saan lubos na nasasalanta ng mga
sakuna, ang pagbabago ng mga paggamit sa lupain ng barangay, at ang pinagmulan kung
papaano naitatag ang barngay. Ang kooperasyon at tiyaga ng mga naging panauhin ay lubos na
nakatulong upang mas pailalimin pa ang pagkakakilanlan ng mga mananaliksik sa pook na
pagdarausan ng pag-aaral.
C. Pamamaraan sa Pagpili ng mga Nakapanayam
Ang mga miyembro ng barangay ay nagkaroon ng pantay-pantay na pagkakataon upang
mapabilang sa mga kakapanayamin sa pagpili sa pamamagitan ng Random Sampling, sa
ganitong paraan maiiwasan ang anumang maaaring mapanigan na maaaring maging sanhi ng
pagbaba ng kredibilidad ng pag-aaral. Ang particular na ginamit ay Stratified Random Sampling
kung saan kinuwenta ang bilang ng mga nakapanayam sa anim (6) na purok na bumubuo sa
Barangay Calo. Ang pagkwenta nito ay nakadepende sa bilang ng mga kabahayan na mayroon
ang bawat purok. Ang ganito pamamaraan ay isinagawa upang magkaroon ng pantay-pantay na
representasyon ang bawat purok upang matiyak ang representasyon sa kabuuan ng barangay.
Naipapakita ang kabuuang sukat ng mga nakapanayam at bahagdan nito sa kabuuang bilang ng
mga nakapanaym sa bawat purok (Tal. Blg. 1.3).
Bilang ng Purok Populasyon Kabuuang Sukat ng Nakapanayam (Sample Size)
Bahagdan ng Sukat sa mga
Nakapanayam (%)1 487 23 11.5
2 764 37 18.5
3 1,206 63 31.5
4 522 30 15
5 294 18 9
6 527 29 14.5
Talaan Blg. 1.3. Bilang ng populasyon sa bawat Purok at ang kabuuang sukat ng mga nakapanayam sa Barangay Calo.
D. Kagamitan sa Pagsusuri ng Datos
Napakalaking kontribusyon ang naitulong at naibahagi ng programang Microsoft Excel
upang malumagom ang mga datos at makabuo ng mga larawang mas madaling maunawaan ng
mga mambabasa. Ito rin ay nagsilbing daan upang mabigyang koneksyon ang bawat sektor sa
komunidad para mbigyang linaw at maipaliwanag ito ng ganap.
III. Paglalahad at Pagsusuri ng mga Datos
A. Kasaysayan ng Barangay Calo
Ayon sa mga kuwento ng mga matatanda at ng mga unang tao sa Calo, ang pook na ito
ay isang kagubatan, kugunan, madawag at pinamumugaran ng mga malalaking ibon, isa na rito
ay ang ibong “Kalaw”.
Sa mabilis na paglipas ng panahon, dumarami ang mga tao, dumami rin ang mga
sasakyang pangkatihan, nililinis ang ibang bahagi ng lupa, upang pagtayuan ng mga bahay. Ang
ibang bahagi ng lupa ay nililinis din upang pagtaniman ng mga gulay at prutas para sa pagkain
ng mga tao.
Ito ang nagiging dahilan ng pag-alis ng mga ibon. Ito rin ang naging pasimula na tawagin
ang lugar na itong “CALO”. Ito ay hango sa pangalan ng ibong “KALAW”.
Si Fred G. Timog ang nagpatibay ng pagkakaroon ng simbolong ibon, para sa barangay
naito. Sa kanyang panunungkulan ay natayo ang rebulto ng ibong “Kalaw” na ngayon ay
makikita sa harapan ng barangay hall ng Calo.
Samantala para naman sa mga nakalap na impormasyon batay sa isinagawang historical
research gamit ang FGD, napagtibay na dating kagubatan ang lupain ng barangay Calo.
Ibinahagi sa pagpupulong ang mga pagbabago sa lupain ng barangay. Ang lupain daw na dating
ginagamit sa agrikultura ay binago upang makapagpatayo ng paaralan. Ayon sa kanila, malaking
kawalan daw ang pagkawala ng mga sinasaka ngunit sa kabila nito ay malaki rin naman daw ang
naitulong sapagkat napalapit ang paaralan ng kanilang mga anak.
Ang ibang mga kabahayan din ay ginagamit na pagkakakitaan sa pamamagitan ng
pagtatayo ng pamilihan na madalas ay sari-sari store. Malaki ang naitutulong nito sa mga
sambahayan upang matustusan ang mga gastusin at para na rin magsilbing libangan ang mga
kababaihang nasa bahay lamang.
Ika-28 ng Agosto ipinagdiriwang ng barangay Calo ang kanilang fiesta kung saan
ginaganap ang street dancing, pageant, singing contest at iba pang mga patimpalak na
ipinapatupad depende sa naisin ng kasalukuyang administrasyon. Hindi rin umano mawawala
ang pagdaraos ng tinatawag nilang ‘Concerto sa Kanto’ kung saan may mga grupo ng banda na
tumutugtog at nagsisikantahan upang ipagdiwang ang pagsalubong sa bagong taon.
A. Bio-pisikal na Katangian ng Barangay Anos
Ang Barangay Calo ay isa sa mga sinasakupan ng bayan ng Bay. Ito ay may lawak na 1,
061, 251, 25 metros kuwadrados, humigit kumulang. At ang 15, 680 hektarya ay taniman ng
palay na may kasamang niyog, saging at iba’t ibang prutas. Ang karamihan dito ay tirikan ng
bahay at komersiyo na siyang pinagkakakitaan ng mga nasa barangay. Dahil sa kaliitan ng lugar,
halos ay dikit na sa kalsada ang ibang naninirahan at walang lugar para magkaroon ng
pagkakakitaan. Mayroong anim na purok ang nasasakupan ng Barangay Calo, eto ang: purok
uno, dos, tres, kwatro, singko at purok sais.
Mula sa aming isinagawang community mapping sa pamamagitan ng Focused Group
Discussion o FGD ay napag-alaman ang iba’t ibang mga imprastraktura at uri ng kabahayan,
serbisyong panglipunan, likas-yaman, at yamang pangpinansyal. Ayon sa mga nakipulong ay
naksentro ang mga serbisyong panglipunan sa Purok 3 sa kadahilanang dito maraming
matatagpuang establisyemento gaya ng funeral homes, gym, junk shop, at hardware store.
Makikita rin sa purok na ito ang barangay hall maging ang pampublikong elementarya, day care
center at covered basketball court. Samantalang ang palayan naman ay nakasentro sa Purok 4 at
Purok 6 kung saan din naroon ang mga rice and palay dealer. Naibahagi din ng mga residente na
dumalo sa FGD ang peste na sumasalanta sa kanilang mga pananim na karaniwan ay kuhol at
tipaklong. Sinosolusyunan na lamang ito ng mga magsasaka sa pamamagitan ng paggamit
umano ng pesticides ngunit sinisiguro nila na may kalayuan ito sa mga kabahayan.
Samantala ang sakuna na madalas danasin ng mga residente ay ang pagbaha dahil sa
kalapit na ilog sa barangay Maitim. Wala namang naitalang insidente ng landslide o ng sunog
nitong mga nakalipas na taon. Ngunit malimit ang mga aksidenteng pambehikulo lalo na sa kalye
sa dako ng Purok 3, ang mga biktima ay mga sasakyan gaya ng dyip, motor o tricycle.
Ang mga natukoy naman na lumalaganap na suliranin ay nakasentro sa mga kabataan
partikular na sa ang mga dalagita na malimit masangkot sa maagang pagdadalantao. Tinukoy din
nila na maraming kaso ang nasa highway ng Purok 3 dahil na rin daw umano sa kapabayaan ng
mga magulang na ang kanilang mga anak ay nasa lansangan pa kahit madaling araw na. Ang
mga kaso naman ng malnutrisyon sa mga bata ay nasabing mataas ang kaso sa Purok 2 dahil
umano sa mga magulang na walang permanenteng trabaho at kahit nais mangalakal ay wala ng
matagpuang makalakal kung kaya’t kapos sa pambili ng maipapakain sa kanilang pamilya.Sa
purok 2 at 3 naman daw nakasentro ang mataas na bilang ng mg bata.
B. Katangiang Demograpiko ng Nakapanayam
Ang mga nakapanayam mula sa barangay ay binubuong 200 katao. May kaliitan ang bilang
kung kaya’t may kahirapan itong gamitin bilang basehan, masasabi pa rin na kaya nitong
irepresenta ang mga katangian ng buong populasyon ng barangay sa tulong ng sistematikong
pagpili.
a. Katangiang Demograpiko ng Nakapanayam
69%
32%
Babae Lalaki
Larawan. Blg. 2.1.a Bilang ng mga babae at lalaking kinapanayam sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 2.1.a, kababaihan ang bumubuo sa karamihan ng bilang ng
mga nakuhang kapanayam; sila ay katumbas ng 68 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga
nakapanayam. Samantalang 32 na bahagdan naman ng mga nakapanayam ay binubuo ng mga
kalalakihan. Ang imporsyang ito ay wala pang anumang implikasyong masasabi sa kabuuang
populasyon sapagkat hindi naman lahat nang nakapanayam ay puno ng kani-kanilang
sambahayan (household heads).
Larawan Blg. 2.1.b Paghahati ng mga edad ng mga kinapanayam sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 2.1.b na karamihan sa mga nakapanayam ay nasa edad 23-35
taong gulang. Pumapangalawa ang bilang ng mga nasa edad 36-45 taong gulang at sumunod
yaong mga nasa 46-55 taong gulang at 56-65 taong gulang. Iilan lamang ang mga nakapanayam
na nasa edad 66-75 taong gulang. Pinaka kaunti naman ang mga may edad na 76 taong gulang at
pataas.
Ang edad ng mga nakapanayam ay may implikasyon sa antas ng kaalaman nila ukol sa
barangay. Maganda na ang karamihan sa mga nakapanayam ay nasa tamang edad na, masasabi
na higit na may kredibilidad ang mga karanasan nila sa paninirahan sa barangay kaysa sa mga
mas batang miyembro ng komunidad.
23%
64%
5%8%
Binata/dalagaMay-asawaHiwalayBiyudo/biyuda
0-12 yrs. old
13-17 yrs. old
18-21 yrs. old
22-35 yrs. old
36-45 yrs. old
46-55 yrs. old
56-65 yrs. old
66-75 yrs. old
76+ yrs.
0
8 9
69
35 33 32
11
3
Larawan.Blg. 2.1.c Katayuang sibil kinapanayam sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 2.1.c, karamihan sa mga nakapanayam ay may-asawa na.
Kinakatawan nila ang 64 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam. Samantala,
pumapangalawa naman ang bilang ng mga binata at dalaga na nakapanayam; sila ang
kumakatawan sa 23 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam. Kinakatawan naman
ng mga biyudo at biyuda ang 8 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam. Pinaka
kaunti naman ang bilang ng mga nakapanayam na hiwalay sa asawa; kinakatawan nila ang 5
bahagdan ng kabuuan ng mga nakapanayam – maliit kumpara sa ibang klasipikasyong
nabanggit. Wala sa mga kinapanayam sa Barangay Calo ang live-in.
Ang mataas na bilang ng mga nakapanayam na kasal o may-asawa na ay implikasyon ng
posibleng pagtaas ng popolusyon ng barangay sa mga susunod na taon.
1%6% 11%
12%
31%
21%
13% 5%1%
No formal educationPrimary LevelElementary LevelElementary GraduateHS LevelHS GraduateCollege LevelCollege GraduateVocationalBelow School AgePost Graduate
Larawan Blg. 2.1.d Antas ng edukasyon na natapos ng mga kinapanayam sa Barangay
Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 2.1.d. na karamihan ng mga kinapanayam sa Barangay Calo ay
nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya; sila ang kumakatawan sa 31 bahagdan ng kabuuan ng
mga nakapanayam. Pumapangalawa naman sa dami ng bilang ng mga nakapanayam ang mga
nakaabot sa kolehiyo; sila ang kumakatawan sa 20 bahagdan ng kabuuan ng mga nakapanayam.
Pumapangatlo ang bilang ng mga nakapanayam na nakaabot sa sekondarya na kumakatawan sa
12 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam. Masasabing mataas ang antas ng
literasiya ng karamihan sa mga nakapanayam sa Barangay Calo.
14%
27%
4%
3%
8%23%
1%6%
2%2%
1%
6%1% 4% Unemployed
HousewifeProfessionalEmployed (white collar)Employed (blue collar)Self-employedFactory WorkerSkilled WorkerTanodLGU OfficialFarmer/gardenerUnderground workerRetiredOFWBelow school ageStudent
Larawan Blg. 2.1.e Uri ng trabaho ng mga kinapanayam sa Barangay Calo.
Tignan ang Larawan Blg. 2.1.e. Ang pinakamalaking bahagdan (27%) ng mga
nakapanayam ay binubuo ng mga housewife habang sunod naman ang mga self-employed
(23%)at ang mga unemployed (15%).
Pumapangalawa sa uri ng trabaho ang mga self-employed na bumubuo sa 23 bahagdan ng
kabuuang bilang ng mga nakapanayam.Dahil sa mataas na bilang ng mga self-employed
aymalaki ang posibilidad na mayroong mataas na revenues o kita ang barangay lalo na kung ang
mga negosyong matatagpuan rito ay malalaking negosyo. Ang mga nasabing negosyo rin ay
mayroon ring epekto sa mga serbisyong mayroon ang mga tao sa komunidad.
Ang mataas na bilang ng mga unemployed ay implikasyon na maaaring limitado ang
trabaho o kabuhayan sa barangay.
b. Katangiang demograpiko ng Kasambahay
55%
45%
Babae Lalake
Larawan Blg. 2.2.a Bilang ng mga babae at lalaking miyembro ng mga sambahayan ng mga kinapanayam sa Barangay Calo.
Bagaman karamihan sa mga nakapanayam ay mga kababaihan (Larawan Blg. 2.1.a)
makikita pa rin na ang karamihan pa rin ng mga bumubuo sa mga sambahayan ng mga
nakapanayam ay mga kalalakihan at ito ay ipinapakita ng larawan sa itaas. Higit na
makatutulong ang impormasyong ito kumpara sa impormasyon ukol sa mga kasarian ng mga
nakapanayam; ito ay mas representibo sa populasyon ng Barangay.
Ang mas malaking bilang ng kababaihan na makikita sa larawan sa itaas ay maaring
mayroong implikasyon sa kalagayang ekonomiko ng mga sambahayan at maging ng barangay.
Dahil karaniwan na ang mga kalalakihan ang naghahanapbuhay, ang mas mababang bilang nila
ay nangangahulugan ng mas mababang komposisyon ng lakas paggawa ng barangay. Kung
malaking porsyento ng mga kalalakihan ay nakapaghahanapbuhay para sa kanilang mga
sambahayan, malaki ang posibilidad na higit na matatag ang estadong ekonomiko ng mga
sambahayan at maging ng mismong barangay.
At dahil karaniwan ring ang mga kalalakihan ang naghahanapbuhay, kung kaya’t sila rin
ang may pinakamalaking bahagi sa desisyon ng mga sambahayan, kumbaga, sila ang kadalasang
mga household heads. At ang mga desisyon ng mga household heads ay mayroong impluwensiya
sa pangkalahatang desisyon ng kani-kanilang sambahayan, na siya rin namang posibleng
magkaroon ng epekto sa partisispasyon ng kani-kanilang sambahayan sa komunidad.
Posible rin na ang mga lalaking residente ng barangay na mga binata pa ay magdesisyong
magkaroon nang kani-kanilang pamilya lalo na kung hindi na sila makatutuloy ng pag-aaral sa
kolehiyo. Dahil dito possible rin na tumaas ang populasyon ng mga barangay sa mga darating na
panahon lalo na kung mapagdesisyunan ng mga ito na sa barangay manirahan.
Sa kabilang banda, sa ganitong kaso kung saan mas marami ang bilang ng kababaihan,
nangangahulugan din ito ng ilang bagay. Isa na rito ang mataas na posibilidad ng paglaki pa ng
populasyon, una dahil sila ang may kakayahang magkaroon ng anak lalo na kapag handa na ang
kanilang katawan. Sa kasamaang palad, nagiging sanhi din ito ng paglaki ng populasyon dahil sa
pagdadalang tao lalo na’t hindi inaasahan ang mga pagbubuntis na ito.
Maaari rin na mayroong implikasyon ang mas malaking bilang ng mga kababaihan sa
katayuang-ekonomiko ng mga sambahayan, na siya rin namang nakakaapekto sa katayuang-
ekonomiko ng barangay. Halimbawa, maaaring mas pinili ng mga sambahayan na ang mga
kababaihan, lalo na yaong may mga anak na, ay hayaan na lamang manatili sa bahay at
pagtuunan ng atensyon ang mga gawaing-bahay kaysa sa mga gawaing produktibo gaya ng
paghahanapbuhay. Bilang epekto, mas maliit ang bilang ng mga naghahanapbuhay at tutustos sa
mga pangangailangan ng mga sambahayan.
Maaaring mayroon pa itong kaakibat na implikasyong kultural: na nainiwala pa rin ang
karamihan, bilang mga Pilipino, na ang lalaki ang syang dapat naghahanapbuhay, at ang babae
ang siyang nasa tahanan. Sa madaling sabi, hanggang ngayon ay maaring naniniwala pa rin ang
karamihan sa mga komunidad sa ating bansa sa pagtutukoy ng mga gampaning pangkasarian na
tumatak na sa ating nakaraan at kasaysayan (gender roles).
Larawan Blg. 2. 1. b. Pagkakalahati ng mga edad ng mga nakapanayam sa Barangay Calo
Makikita sa Larawan 2.2.b. na pinakamalaki o pinakamadami ang populasyon ng mga miyembro
ng samabahayan na may edead na 0-12 taong gulang habang pumapapangalawa naman ang
populasyon ng mga myembrong 22-35 taong gulang. Kaunti naman ang 66-75 taong gulang sa
larawan.
Makikitang maliit lamang ang matandang populasyon sa barangay Calo, kapansin pansin
naman na mataas ang batang populasyon kumpara sa matandang populasyon. Mapapansin din sa
larawan na malaki rin naman ang populasyon ng mga 22-35 taong gulang. Ang pagiging mataas
0-12 yrs. old
13-17 yrs. old
18-21 yrs. old
22-35 yrs. old
36-45 yrs. old
46-55 yrs. old
56-65 yrs. old
66-75 yrs. old
76 + yrs.
232
6957
156
55 6148
1 8
sa populasyon ng mga bata kasama ang nasa grrupong 22-35 taong gulang ay nangangahulugan
na mas maraming kelangan suportahan ang populasyong naghahanap buhay ng barangay.
Bagamat mataas ang populasyong naghahanapbuhay sa barangay ay mataas rin ang populasyong
umaasa rito. At dahil rin mataas ang mga nasa may edad na 0-12 ay dapat dagdagan o palawakin
at pagandahin ang mga serbisyong pang komunidad tulad ng edukasyon at mga programang
pangkalusugan at nutrisyon at mga palaruan para sa mga bata.
4% 4%15%
4%
11%21%
14%
13%
3% 9%2% 1 no formal education2 primary level3 elementary level4 elementary grad5 high school level6 high school grad7 college level8 college grad9 vocational10 below school age11 post doc
Larawan Blg. 2.2. d. Antas ng edukasyon na natapos ng mga myembro ng sambahayan ng mga kina-panayam sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 2.2. d na sa mga myembro ng sambahayan ng mga
nakapanayam, karamihan sa mga ito ay nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya. Inilalahad ng
larawan sa itaas na ang mga ito na nakapag tapos ng hayskul ay bumubuo sa 21 bahagdan base sa
mga datos na nakalap. Sinundan ito ng mga miyembro ng sambahayan ng mga nakapanayam na
nakatuntong at nakapagtapos ng kolehiyo at nakakuha ng diploma. Marami rin sa mga miyembro
ng sambahayan ang nag-aaral pa rin sa elementarya na nagpapakita na marami sa bumubuo ng
populasyon ay mga bata. At dahil dito, lalo lamang pinapatunayan nito na mataas ang antas ng
literasiya sa barangay at mataas ang pagpapahalaga sa mga mamamayan nito sa edukasyon.
Nangangahulugan rin ito na mataas ang kakayahan ng mga mamamayan ng barangay na
magkamit ng mga serbisyong pang-edukasyon.
Bagaman mayroon pa ring maliit na bahagdan ng mga walang pormal na edukasyong
natanggap – na siya naming nangangahulugan na hindi pa rin lahat ay may kakayahan na
tustusan ang edukasyon.
Ang kaantasan ng edukasyon ay mayroon ring implikasyon sa aspetong ekonomiko ng
mga sambahayan. Ang mataas na antas ng edukasyong inabot ay makakatulong sa pagkamit ng
mas maganda at permanenteng trabaho na posibleng mas malaki ang kita.
Talaan Blg. 2. Mga dahilan sa pananatili at pag-alis ng mga tao sa Barangay Calo.
Dahilan ng Pananatili sa Barangay Dahilan ng Pag-alis Mula sa Barangay
Sariling pagmamay-ari na ang tahanan Gusto ng sariling bahay
Dito na lumaki Kapag may oportunidadDito na nasanay Walang hanapbuhayMaayos naman ang lugar Rumerenta lang kaseNarito ang hanapbuhay Pagtumamasa lotto/yumamanWalang ibang malilipatan/pupuntahan Baka biglang mapaalis
C. Migrasyon
Larawan Blg. 3.1. Komposisyon ng mga respondante batay sa pagiging orihinal sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 3.1. na karamihan ng mga nakapanayam ay mga orihinal nang
nakatira sa barangay (80%), samantalang 20% naman ang hindi tubo sa barangay.
Ang mga numerong ito ay maaaring may koneksyon sa antas ng kaalaman ng
nakapanayam ukol sa mga bagay-bagay sa barangay. Ang pagkakaroon ng dayo sa barangay ay
isa ring indikasyon ng estado nito. Maaaring maganda ang posibilidad-pangkaunlaran,
panseguridad, at iba pang serbisyo ng barangay kaya ninanais ng mga tao na lumipat at
manirahan dito.
Mayroong mahalagang implikasyon sa populasyon ng barangay ang migration pattern ng
mga tao sa barangay.
80%
20%
OrihinalDayo
22%
27%12%
22%
12%5%
Ibang barangay sa BayLagunaMetro ManilaLuzonVisayasMindanaoIbang bansa
Larawan Blg. 3.2. Mga lugar na pinagmulan ng mga di-orihinal sa Barangay Calo.
Tignan ang Larawan Blg.3.2. Ang kadalasang tipo ng migrasyon o paglipat ay sarado;
karamihan ng mga lumipat sa Calo ay mula rin sa mga karatig-barangay nito. Magkapantay ang
porsyento ng mga nagmula sa ibang lalawigan ng Luzon at sa karatig-bayan ng Bay - na siyang
kinabibilangan ng Barangay Calo.
Karamihan sa mga nakapanayam na hindi orihinal sa barangay ay nagmula lang din sa
Bay, sa mga karatig-barangay ng Calo, partikular na ang Puypuy. Binubuo nila ang 27% bilang
ng mga hindi orihinal s barangay. Sumunod ang mga lumipat mula sa iba pang bayan ng Laguna
(22%) at ang mga lumipat mula sa ibang lalawigan ng Luzon (22%). Kumpara sa unang tatlo,
ang mga nagmula sa ibang lugar ay kaunti lamang.
Sa madaling sabi, karamihan ng mga naninirahan sa barangay na hindi orihinal rito ay
nagmula lang rin sa mga kalapit-lugar nito.Ito ay maaaring indikasyon na ang barangay ang
angat sa iba nitong mga karatig-barangay kaya’t mas pinili ng mga nakapanayam na lumipat
dito.
Ang iba’t-ibang aspeto ng populasyon ng barangay, kagaya ng dami ng tao, serbisyo at
kita ng barangay, ay maari ring maapektuhan ng migrasyon. Kung mas marami ang mga taong
lumilipat papunta sa barangay kaysa sa mga umaalis upang manirahan sa ibang lugar, ang
populasyon ng barangay ay hindi bababa; ito ay maari lamang manatiling halos walang
pagbabago sa dami o maaari ring dumami pa, lalo na kung karamihan sa mga lumipat ay nasa
reproductive age pa. Ang kaunlaran, seguridad, at iba pang serbisyo ng barangay ay maaaring
nakakaapekto rin sa dami ng tao rito.
22%
78%
May planong lumipatWalang planong lumipat
Larawan Blg. 3.3. Kagustuhan o plano ng pag-alis sa barangay at paglipat sa ibang lugar ng mga kinapanayam sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 3.3 ang karamihan sa mga nakapanayam ay wala ng planong
lumipat (78%), habang mayrooong 22% na nagsabi na mayroon silang planong lumipat sa ibang
lugar. Ang karamihan sa mga nagsabi na wala na silang planong lumipat ng ibang lugar ay
maaaring komportable na ang kalagayan ng kanilang mga sambahayan sa barangay.
D. Katangiang Sosyo-kultural at Politikal
a. Estadong Pangkalusugan at Pangkalinisan
Ubo't sipon
Lagnat
Asthma TB
Hypert
ensio
n
Sakit s
a puso
Diabete
s
Arthriti
s
Sakit s
a bala
t
Tigdas/
bulutong tubig
Malnutris
yon
Pagtata
e
190
170
33
013 6
14 113 0 1 0
Larawan Blg. 4.1. Mga karaniwang sakit sa mga sambahayan sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 4.1 na ang kadalasang sakit ng mga miyembro ng pamilya sa
barangay ay ang pagkakaroon ng ubo’t sipon (190); pumapangalawa naman ang pagkakaroon ng
lagnat (170). At pumapangatlo naman ang pagkakaroon ng asthma, ngunit ang bilang nito na 33
ay maliit kumpara sa mga unang dalawang sakit na nabanggit.
Bukod sa mga naitalang sakit sa Larawan Blg. 4.1, mayroong iilang na nagbanggit ng
mga sakit tulad ng urinary tract infection (UTI), cancer, tonsillitis at kidney diseases bilang
pangkaraniwang sakit sa mga sambahayan.
Ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga nagkakasakit ng ubo, sipon at lagnat ay
maaaring maiugnay sa dami ng bilang ng mga kabataan sa komunidad. Samantala, ang
pagkakaroon ng maliit na bilang ng mga may sakit na hypertension, sakit sa puso, diabetes at
arthritis ay maiuugnay sa kakaunting bilang ng mga matatanda sa barangay.
Ang mga sakit na karaniwang nararanasan ng mga tao sa barangay ay mayroong
implikasyon na maaaring ang mga mamamayan na may matinding karamdaman ay hindi
nakakasali sa gawaing produktibo o pangkabuhayan.
Sariling paggamot
Halamang gamot
Walang preskripyon
Albularyo Doktor Faith Healer Health Center
100
35
47
17
151
2
22
Larawan Blg. 4.2. Pamamaraan ng paglunas ng sakit ng mga mamamayan sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 4.2. na ang pagkonsulta sa doktor ang pangunahing
pamamaraan ng paglunas ng sakit ng mga mamamayan ng barangay. Pumapangalawa naman ang
mga nagsasariling paggamot o self-medication, na sinusundan ng mga bumibili lamang sa botika
ng mga gamot na walang preskripsyon.
Ang mataas na bilang ng mga kumukunsulta sa doktor ay implikasyon na ang mga
mamamayan ng barangay Calo ay mayroong kakayahang magbayad sa serbisyo ng isang doktor.
Tulad ng pagkonsulta sa doktor, ang pagbili ng gamot ay nangangahulugang may kakayahan ang
mga mamayan na bumili ng gamot. Ang parehong pamamaran ng paglunas ng sakit ay
implikasyon na ang mga tao sa barangay ay may matinding paniniwala sa siyensya ng medisina.
Samantala, ang mataas na bilang ng mga nagsasariling paggamot o self-medication ay
maaaring nangangahulugang may kaunting kaalaman sa paggamot ang mga tao o kaya naman ay
nangangahulugan ito na may malaking bahagi ng populasyon ng komunidad na walang
kakayahan na komunsulta sa isang doktor.
83%
15% 2%
De buhosDe flushOpen pitWalang palikuran (nakikigamit)Walang palikuran (sa tabi-tabi lang, flying saucer)
Larawan Blg. 4.3. Klase ng palikuran na mayroon ang mga kabahayan ng Barangay Calo.
Tignan ang Larawan Blg. 4.3. Halos lahat ng mga nakapanayam ay mayroong sariling
palikuran sa kanilang kabahayan; binubuo nila ang 98 bahagdan ng kabuuan ng bilang ng mga
nakapanayam. Ang 98 bahagdan na ito ay nahahati sa dalawang uri ng palikuran; 83 bahagdan
ang kabahayang may de buhos na palikuran at 15 bahagdan naman ang mga may de flush na
palikuran. Ang de flush na palikuran ang karaniwang uri ng palikuran sa kabahayan ng mga
nakakaangat sa buhay o yaong mga kabahayan na mayroong kapasidad na tustusan ang mga
karagdagang gastusin sa tubig. Samantala, ang de buhos na palikuran naman ang karaniwang uri
ng palikuran sa mga kabahayan ng mga hindi gaanong nakakaangat sa buhay o ng mga pinili na
lamang na gumamit ng de buhos upang makatipid sa gastusin sa tubig.
Ang maliit na porsyente ng mga walang sariling palikuran ay implikasyon lamang na
nakakaluwag sa buhay ang mga taga barangay. Wala ring naitalang kabahayan na gumagamit ng
open pit na palikuran; ito ay implikasyon na ang barangay ay mayroong sapat na suplay ng tubig
para sa mga kabahayan.
Kinokolekta Sinusunog Ibinabaon
191
145
Larawan Blg. 4.4. Paraan ng pagtapon ng mga sambahayan sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 4.4 na ang karaniwang paraan ng pagtatapon ng basura ng mga
sambahayan sa barangay ay ang pagkokolekta. 191 o halos lahat ng nakapanayam ay nagsabi
nakinokolekta ang kanilang basura. Samantala, 14 na sambahayan naman ang nagsabi na
sinusunog nila ang kanilang mga basura at 5 ang nagbanggit na ang mga basura ay kanilang
ibinabaon. Maliban sa tatlong paraan ng pagtatapon ay wala ng iba pang paraang nabanggit ang
mga nakapanayam. Mayroon ring ibang nakapanayam na nagsabing dalawang paraan ang
ginagamit, halimbawa, mayroong nagpapakolekta ng mga di-nabubulok na basura lamang at
nagbabaon sa lupa ng mga nabubulok na basura.
Ayon sa mga nakapanayam, ang mga basura ay hindi kinokolekta ng trak kapag ito ay
hindi naipaghiwa-hiwalay ayon sa mga nabubulok at di-nabubulok. Ang mataas na bilang ng
mga nagpapakolekta ay may implikasyon na karamihan sa mga miyembro ng komunidad ay
mayroong disiplina.
Makikita sa larawan na hindi lahat ng miyembro ng komunidad ay nagpapakolekta ng
kanilang basura. Bagama’t ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura, mayroon pa ring 14 na
nagsabing sinusunog nila ang kanilang mga basura. Maaaring ang mga sambahayan na
nagsusunog ng kanilang basura ay may kakulangan sa impormasyon ukol sa tamang pagtatapon
ng basura o di kaya naman ay sadyang malayo ang kanilang lugar kaya’t hindi na ito naaabot ng
mga trak na nangongolekta ng basura.
Ang bilang ng mga nagbabaon ng mga nabubulok na basura ay may implikasyon na ang
ilang miyembro ng komunidad ay nais na makabawas sa dami ng basura kaya’t ginagamit na
lamang nila ito sa magandang paraan gaya ng pagbabaon na maaari ring magsilbing pataba sa
lupa.
Isang beses isang linggo higit 1 beses/linggo hindi nagpapahakot
188
3 9
Larawan Blg. 4.5. Dalas ng pagkokolekta ng mga basura sa mga sambahayan sa Barangay Calo ayon sapagkakaalam ng mga nakapanayam.
Makikita sa Larawan Blg. 4.5 na karamihan sa mga sambahayan sa Barangay Calo ay
isang beses isang lingo kung magpahakot ng kanilang mga basura. Ayon sa mga nakapanayam
ang paghahakot ng basura ay naka-iskedyul tuwing araw ng linggo lamang. Bagama’t isang
beses lamang sa isang linggo nangongolekta ng basura sa barangay, mayroon pa ring 3 na
nagsabi na higit isang beses kada linggo ang pagkokolekta ng basura.
Ang bilang ng mga nagsabing isang beses isang linggo kinokolekta ang basura ay
nangangahulugan lamang na karamihan sa mga miyembro ng komunidad ay may sapat na
kaalaman ukol sa tamang iskedyul ng pagkokolekta ng basura.
44%
39%
18%Nabubulok Di-nabubulok Residuals
Larawan Blg 4.5.a. Karaniwang komposisyon ng mga basura ng mga kabahayan ng mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Tignan ang Larawan Blg. 4.5.a. Makikita sa larawan na pinakamalaki ang porsyento
(43%) ng mga nabubulok na basura sa mga kabahayan ng mga nakapanayam sa barangay. 39%
naman ang mga di-nabubulok at 18% ang mga di-nabubulok na residuals gaya ng mga sachet ng
shampoo.
Makikita sa Larawan Blg. 4.6. na karamihan sa mga nakapanayam ay palaging
nagbubukod ng basura sa kanilang mga kabahayan. Labing-anim (16) ang nagsabi na paminsan-
minsan sila nagbubukod ng kanilang mga basura habang anim (6) naman samga nakapanayam
ang hindi nagbubukod ng basura sa kanilangg mga kabahayan.
Palaging nagbubukod Paminsan minsan Hindi nagbubukod
178
166
Larawan Blg. 4.6. Dalas ng pagbubukod-bukod ng mga sambahayan ng mga nakapanayam.
Makikita sa Larawan Blg. 4.6. na karamihan sa mga nakapanayam ay palaging
nagbubukod ng basura sa kanilang mga kabahayan. Labing-anim (16) ang nagsabi na paminsan-
minsan sila nagbubukod ng kanilang mga basura habang anim (6) naman samga nakapanayam
ang hindi nagbubukod ng basura sa kanilangg mga kabahayan.
Kakulangan sa panahon o oras isa sa mga dahilan ng mga nagsabing hindi sila
nagbubukod ng basura sa kanilang mga kabahayan. Samantalang ang iba naman ay nagsabing
sinusunog lamang nila ang mga basura kaya’t hindi na nila ito pinagbubukod-bukod.
Ang pagkakaroon ng mataas ng bilang ng mga sambahayan na nagbubukod ng kanilang
mga basura ay implikasyon na ang mga mamamayan ng Barangay Calo ay disiplinado pagdating
sa pagtatapon ng basura.
b. Partisipasyon sa Komunidad
Larawan Blg. 5.1. Mga uri ng organisasyon na mayroon sa barangay ayon sa nakapanayam sa Barangay Calo.
Mula sa Larawan Blg. 5.1, naipapakita na ang nangungunang organisayon na pinaka-
pamilyar sa nakapanayam ay ang samahan ng kababaihan, samahan ng kabataan, at ang senio
citizens’ organization. Nilalaman naman ng 30% ang mga nakapanayam na hindi alam ang mga
organisasyon na mayroon sa barangay, ang bilang nito ay 60 mula sa mga nakapanayam.
Ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga nakapanayam na nalalaman ang
pagkakaroon ng samahan para sa mga kababaihan ay nangangahulugan na nangunguna ang mga
proyektong pangkababaihan na ipinapatupad ng barangay. Mataas din ang antas ng
pagkakakilanlan ng mga nakapanayam sa samahan ng kabataan. Mayroong napakalaking
kontribusyon sa barangay kung pamilyar ang mga residente dito ukol sa pagkakaroon ng iba’t
ibang organisasyon na tumutulong upang linangin ang mga kakayahan ng mga mamamayan ng
barangay. Samantala, sa mga nakapanayam na hindi alam kung anu ano ang mga organisasyon
Samah
an ng k
abata
an
Samah
an ng m
ga Kab
abaih
an
PTA
samah
an ng m
agsa
saka
homeowner
's as
socia
tion
Brgy C
ouncil/B
rgy D
ev't C
ouncil
organ
isasy
on sa si
mbahan
NGOsPO's
senior c
itizens'
organ
ization
hindi ko al
am0
20
40
60
80
100
120
140 119134
12
79
3
89
2719 14
99
60
ay maaaring hindi magkaroon ng pagkakataon upang lumahok at makiisa sa mga makabuluhang
gawain na ipinapatupad ng mga organisasyon sa barangay.
Ngunit, sa kabilang banda, hindi nito direktang ipinapahiwatig ng antas ng kaalaman ng
mga tao sa pagkakaroon ng mga organisasyon sa barangay ang kanilang antas ng ng
partisipasyon o pakikiisa sa mga gawain o proyekto ng mga samahan.
21%
79%
Miyembro ng organisasyon Hindi miyembro ng organisasyon
Larawan Blg. 5.2. Bilang ng mga nakapanayam na nagsabi na sila ay miyembro ng mga organisasyon sa Barangay Calo.
Ipinapakita ng Larawan Blg. 5.2 na binubuo lamang ng 21% mula sa mga nakapanayam
ang miyembro ng alinmang organisasyon sa barangay ang mas malaking bahagi na may 79% ay
hindi miyembro ng anumang organisayon sa barangay.
Bagamat mataas ang antas ng kaalaman ng mga tao ukol sa mga organisasyong na
mayroon ang barangay, lubos na kakaunti lamang ang mga kasapi o nabibilang sa mga samahang
ito. Isa pang anggulo na isasaalang-alang ay ang hindi tiyak na pakikiisa ng mga nasabing
miyembro sa mga organisasyong kanilang kinasasapian. Sa kadahilanang may mga
pagkakataong ang iba sa mga miyembro ng organisasyong kanilang kinabibilangan ay hindi
talaga aktibong nakikilahok sa mga programa o proyektong ipinapatupad ng mga organisasyon.
Maaaring ang iba ay nagpupunta lamang upang makilahok kung may gantimpalang
ipamamahagi sa kanila mula rito subalit, kung sa ordinaryong pagpupulong ay nawawala na ang
kanilang presensiya. Kung magpapatuloy ang ganitong huwarang pakikilahok ay mataas ang
posibilidad na unti-unting maubusan at tuluyang mawalan ng mga makabuluhang mga proyekto
na nangangailangan ng mataas na antas ng kagalingang pantao.
Larawan Blg. 5.3. Pakikiisa ng mga nakapanayam sa mga gawaing pambarangay sa Barangay Calo.
Mula sa Larawan Blg. 5.3 ay ang bahagdan ng mga nakapanayam na nakikiisa o hindi
nakikiisa sa mga gawaing pambarangay na nagpapakita na mas mataas lamang ng bahagya ang
mga nakikiisa sa gawaing pambarangay. Halos pantay rin ang pagkakahati ng mga nakapanayam
na nagsabing sila ay nakikiisa o hindi nakikiisa.
Mas makabubuti kung mahihikayat pa ang ibang mga residente ng barangay ang mas
nakakarami upang makiisa sa mga gawaing pangkomunidad na mas lilinang sa kagalingang
pantao ng barangay. Sa pamamagitan nito ay mas nalalapit ang pagsasakatuparan ng layuning
52%49%
Nakikiisa sa gawaing barangayHindi nakikiisa sa gawaing barangay
pangkaunlaran ng komunidad. Ito rin ay isang indikasyon na mas magkakaroon ng mas maigting
na pagnanais para sa karagdagang pang proyekto o programang pangkaunlaran.
Pag-engganyo sa iba na sumali
Pakikilahok sa mga pagpupulong
0
10
20
30
40
50
60
70
17
68
35
31
Larawan Blg. 5.4. Mga uri ng partisipayon ng mga nakikiisa sa gawaing pangkomunidad sa Barangay Calo.
Ang nangunguna sa mga uri ng partisipasyon ng mga nakikiisa sa gawaing
pangkomunidad sa mga nakapanayam ay ang aktibong pakikilahok ng mga proyekto o gawain na
may bilang na 68 na nakapanayam na isinasagawa ito, pakikilahok sa pagpupulong na may
bilang na 35 na nakapanayam, pag-ambag ng perang kontribusyon na may bilang na 31 na
nakapanayam at ang pag-engganyo sa iba na sumali na may bilang na 17 na nakapanayam
(Larawan Blg. 5.4).
Mula rito ay ipinahihiwatig na mula sa kanilang pakikiisa ay pinapaboran ng mga
residenteng Barangay Calo ang aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad.
Naipapamalas na ang kaisipan nila ay nahuhubog sa pagtulong at pakikisalamuha sa ibang
miyembro ng komunidad na bihira ng nasasaksihan sa ibang barangay. Gayundin ang
implikasyon sa partisipasyon sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga pagpupulong na hindi
nalalayo ang bilang sa pag-ambag ng perang kontribusyon.
nagbabahay-bahay pag-aanunsiyo ng mga proyekto
pagsasagawa ng pulong pagbibigay ng sulat0
10
20
30
40
50
60
42 43
51
5
Larawan Blg. 5.5. Mga paraan na ginagawa ng mga opisyal upang mahikayat ang partisipasyon ng mga mamamayan sa gawaing barangay ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Naipapakita naman sa Larawan Blg. 5.5 ang iba’t ibang paraan na ginagawa ng mga
opisyal ng barangay Calo upang mahikayat ang partisipasyon ng mga mamamayan sa gawaing
barangay. Nangunguna ang pagsasagawa ng pulong na may bilang na 51 na nakapanayam, 43
naman sa mga nakapanayam an nakakatugon sa paghihikayat sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo
ng mga proyekto, at napakaliit na bahagi naman na mayroong 5 bilang na nakapanayam lamang
ang tumukoy na nagbibigay ng sulat ang lokal na opisyal upang hikayatin ang partisipasyon ng
mga mamamayan sa gawaing barangay.
Mataas ang bilang ng mga nakapanayam ang tumukoy na nagsasagawa ng pulong ang
mga opisyal upang sila ay hikayatin na makilahok. Dahil dito ay nangangahulugan lamang na
bukas ang kanilang diwa sa aktibong paglalaan ng panahon at lakas sa pagdalo sa ganitong uri ng
paraan upang makahikayat ng mga makikiisa sa gawain. Maging ang pagbabahay bahay at pag-
aanunsiyo ay pamilyar din na paraan na nalalaman ng mga nakapanayam. Subalit ang pagbibigay
ng sulat na malamang ay hindi gaanong naging epektibo sa paghikayat ng mga residente sa
kadahilanang kulang ito sa pagdama ng pakikipagkapwa-tao na naglalayong mag-uugnay sa
pagkamit ng pundasyon tungo sa kaunlaran ng barangay.
Larawan Blg. 5.6. Mga pagkakataon na nagkikita at nagsasama-sama ang mga miyembro ng komunidad ng Barangay Calo.
Tingnan ang Larawan Blg. 5.6 na nagpapaliwanag ng mga pagkakataon kung saan
nagsasama-sama ang mga kasapi ng barangay upang yariin ang isang makabuluhang paghubog
sa pangkalahatan ng komunidad. Muli ay mapapansin na maging sa mga okasyong
nagkakasama-sama ang mga indibidwal sa komunidad ay tuwing magsasagawa ng pulong ang
barangay na pinakamataas, sa bilang na 87 na nakapanayam. Kasunod niyon ay ang pista na
mayroong bilang na 74 na nakapanayam, ang pagtataguyod ng medical and dental mission na
pagpupulong sa barangay
medical and dental mission
gawain sa paaralan
kasal libing pista
87
58
46
5 7
74
may naitalang 58 bilang ng mga nakapanayam at samanatala hindi naman nalalayo ang
pagkakataong magkahalubilo ang mga miyembro ng barangay sa mga ginaganap na gawain sa
paaralan. Napakaliit naman ang saklaw na bahagi ng kasal na may 5 bilang ng nakapanayam at
libing na may 7 bilang ng nakapanayam.
Ang mga pagkakataon na nagsasama-sama at nagkakakitaan ang mga naninirahan sa
Barangay Calo ay may ginagamapanang malawig na ambag sa pagpapalalim ng pangkomunidad
na ugnayan ng magkakabarangay. Maaari itong magsilbing tulay para magkaroon ng
pagkakaakma ng mga wastong pagpapasya ng mga residente upang mas makinabang ang higit na
bahagi ng komunidad dahil sa mga pagkakataong gaya ng mga nabanggit ay lubos pang
makikilala ng isa’t isa ang mga kabilang sa kanila ding nasasakupan.
C. Katangian sa Pamumuno sa Barangay
Kapitan Macahiya
Konsehal Borce
Konsehal Alcantara
Konsehal Garcia
Konsehal Alvarez
Konsehal Aldemita
Konsehal Dimasuay
Konsehal Timog
Barangay Sec. Villena
Barangay Treasurer Padilla
BNS Ebron
162
155
133
129
131
130
136
130
128
118
106
38
45
67
71
69
70
64
70
72
82
94
kilala di-kilala
Larawan Blg.6.1. Antas ng pagkakakilanlan sa mga namumuno sa barangay ng mga
kinapanayam sa Barangay Anos.
Makikita sa Larawan Blg 6.1 ang antas ng pagkakakilanlan ng mga nakapanayam sa mga
opisyal sa barangay. Inilalahad rin ng larawan na ito na karamihan sa mga nakapanayam ay
kilala nila ang mga barangay opisyales pero may mga nagbanggit o nagsabi sa mga
nakapanayam na hindi nila kilala.
Ang datos na ito ay nagpapakita lamang kung ano ang estado ng interaksyon at
pagkakakilanlan ng mga tao sa opisyales ng kanilang barangay. Ang resulta na ito ay
nangangahulugan na maaari silang makadulog agad sa mga opisyales na ito kung sakali mang
magkaroon ng kaganapan sa barangay, sakuna man ito o kahit anu mang hindi pagkakaunawaan
sa barangay.
D. Mga Problema at Isyu sa Barangay
Talaan Blg. 3.1 Karaniwang mga problemang pang-edukasyon ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo.
Edukasyon
1. Maraming “out-of-school youth”
2. Kakulangan sa silid-aralan
3. Kakulangan sa guro
4. Kakulangan sa libro
5. Kakulangan sa scholarship
Makikita sa Talaan 3.1 ang mga problemang pang-edukasyon na pangkaraniwan sa
Barangay Calo ayon sa mga nakapanayam. Karamihan sa mga kinapanayam ay nagsabing ang
“out of school youth” o mga kabataang hindi nakapag-aaral ang isa sa mga pangunahing
suliranin ng Barangay dulot na rin ng kakulangan sa pangangailangang pinansyal. Nasundan pa
ito ng mga kakulangan sa pasilidad at ilan sa mga halimbawa nito ay ang kakulangan sa bilang
ng silid-aralan, hindi sapat na dami ng libro at maging ng mga guro di umano ay hindi rin akma
sa dami ng mga mag-aaral. Bukod sa mga ito ay malimit ding nabanggit ang kakulangan sa
scholarship o tulong pinansyal na napakalaking bagay para sa pag-aaral ng mga kabataan.
Ilan sa mga naging suhestiyon ng mga nakapanayam ay ang pagdaragdag ng mga
Financial Assistance at scholarship upang matulungan makapasok ang mga kabataang
namomobrelema dahil sa kahirapan. May mga nagsabi rin na kailangang magtulong tulong ng
mga mamamayan para mapaunlad ang kanilang barangay ukol sa aspeto ng edukasyon. Isang
paraan nito ang pag-aambag ng mga angkop na aklat. Nais rin ng ilan sa mga nakapanayam na
mas bigyang atensyon pa ng gobyernoang larangan ng edukasyon para sa ikauunlad ng kanilang
barangay at ng ating bansa.
Talaan Blg. 3.2 Karaniwang mga problemang pang-ekonomiya at pangkabuhayan ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo.
Ekonomiya at Pangkabuhayan
1. Kakulangan sa hanapbuhay
2. Kawalan ng hanapbuhay
3. Kawalan ng oportunidad
Ang kakulangan sa hanapbuhay ang pangunahing suliranin ng Barangay Calo sa aspetong
pang-ekonomiya at pangkabuhayan ayon sa mga nakapanayam. Dahil dito maraming
mamamayan ang madalas na nakatambay lamang at kung minsan pa ay nalululong sa iba’t-ibang
bisyo. Subalit ayon din sa mga nakapanayam ay maraming taga barangay Calo ang nahihirapan
ang makakuha ng trabaho dulot na rin sa kawalan nito. Naniniwala ang mga nakapanayam na
mababa ang antas ng ekonomiya ng kanilang barangay sanhi na rin sa kawalan ng oportunidad sa
pagpapaunlad ng kanilang buhay.
Buhat sa mga suliraning ito ay nais isuhesyon ng mga nakapanayam na magkaroon ng
dagdag trabaho sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mas maraming job fair na makapagbibigay
oportunidad sa mga mamamayan ng kanilang barangay. Isa ring paraan ang nakikita ng mga
nakapanayam ang pagsasagawa ng mga livelihood projects na angkop sa mga taga Barangay
Calo bilang manglalahok. Bukod din dito ay nagnais din sila ng pagbibigay puhunan bilang
panimula sa mga nagnanais magnegosyo sa kanilang barangay.
Talaan Blg. 3.3 Karaniwang mga problemang pangkalikasan at kapaligiran ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo.
Kalikasan at Kapaligiran
1. Pagtambak ng basura
2. Polusyon sa hangin at tubig
3. Hindi maayos na paghihiwalay ng basura
4. Mga baradong kanal
Ipinapakita naman ng talaan sa ibabaw ang mga pangkaraniwang suliraning kinahaharap
ng mga mamamayan ng Barangay Calo ukol sa kalikasan ata kapaligiran. Pangunahing problema
dito ay ang pagtambak ng basura sa harapan ng Barangay Hall sa tuwing kokolektahin ang mga
basura ng mga mamamayan sa kanilang lugar. Bukod dito malimit ding nasabi ng mga
nakapanayam ang hindi maayos na paghihiwalay ng basura. Kasama na rito ang hindi
paghihiwalay ng mga nabubulok sa hindi nabubulok na basura at kung minsan pa nga nagiging
problema din sa kanilang lugar ang pagsusunog ng basura. Kaakibat nito ang pagkakaroon ng
polusyon sa hangin at tubig na nagiging sanhi ng pagkalat ng sakit tulad ng mga inpeksiyon at
sakit sa baga. Isang banta rin sa kanilang kapaligiran ang mga baradong kanal na minsan ay
nakapagdudulot ng pagbansa dahil sa di maayos na daanan ng tubig-kanal.
Dahil sa mga suliraning ito ay nagnais ang mga nakapanayam na isuhestyon ang
pagkakaroon ng mga seminar na makadadagdag ng kaalaman sa mga mamamayan ukol sa mga
masamang epekto ng di maayos na pagtatapon ng basura. Nais din nilang magkaroon ng clean-
up drive at pagtatanim ng mnga puno upang mapayabong ang kalagayan ng kanilang kapaligiran.
Isa rin sa kanilang minimithi ang pagkakaroon ng permanenteng tapunan ng basura upang
maiwasan ang pagkalat ng mga ito at maging ang pagsusunog.
Talaan Blg. 3.4 Karaniwang mga problemang kalusugan at nutrisyon ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo.
Kalusugan at Nutisyon
1. Mataas na bilang ng malnutrisyon
2. Kakulangan ng libreng gamot sa Health Center
Sa aspeto ng kalusugan at nutrisyon, pangkaraniwang suliranin sa kanilang barangay ang
mataas na bilang ng malnutrisyon lalo na sa mga maliliit na bata. Ito ay dulot na rin sa
kakulangan ng kanilang pamilya lalo na sa pinansyal na malaking bagay sa paghubog ng
kalusugan ng isang indibidwal. Ang malnutrisyon din ang isa sa mga nakapagpapahirap sa mga
pamilya dito sa barangay dahil nagangailangan ito ng mga nutrisyon na makukuha lamang sa
tamang pagkain.
Isa rin sa nakikitang problema sa barangay na ito ukol sa kalusugan at nutrisyon ayon sa
mga nakapanayam ay ang kakulangan ng libreng gamot sa Health Center. Dahil ditto, nagiging
pasanin pa ng mga mamamayan ang gastos sa gamot na dapat sana ay idadagdag na lamang sa
pambiling pagkain.
Ang nakikitang solusyon sa mga problemang ito ayon sa mga nakapanayam ay ang
pagsasagawa ng feeding session ng madalas at pagdadagdag ng gobyerno sa mga libreng gamot
at pati na rin ang tamang distribusyon ng mga ito sa mga mamamayan.
Talaan Blg. 3.5 Karaniwang mga problemang pangkatiwasayan at katahimikan ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo.
Katiwasayan at Katahimikan
1. Isyu ukol sa droga
2. Kaguluhan tulad ng awayan, suntukan at patayan
3. Kaso ng mga nakawan
Sa aspeto ng katiwasayan at katahimikan naman, ang mga isyu at problema ukol sa droga
ang pangunahing kinahaharap ng barangay ayon sa mga nakapanayam. Hindi naman maiaalis sa
isang lugar ang mga ganitong uri ng problema subalit kailangan pa rin itong bigyan ng higit ng
atensyon upang banta sa mga mamamayan ng kanilang barangay. Bukod dito, ang pagkakaroon
ng sigalot gaya ng mga suntukan, awayan at kung minsan pa nga ay patayan at isa rin sa mga
kaakibat na problema ng droga ay kinahaharap din ng kanilang lugar. Madalas ding nasambit ng
mga nakapanayam ang problema patungkol sa kaso ng nakawan. Maaring ang mga ganitong
krimen ay konektado rin sa droga.
Dahil sa mga problemang ito, ninanais ng mga nakapanayam na magkaroon ng mas
mahigpit na pamamalakad ang local na opisyal upang maitaas ang antas ng seguridad sa kanilang
barangay. Kaakibat nito ang pagkakaroon sana ng 24 oras na pagpapatrol ng mga tanod lalo na
sa gabi at madaling araw para sa maayos at ligtas na pamumuhay ng bawat mamamayan sa
kanilang lugar.
Talaan Blg. 3.6 Karaniwang mga problema sa pamumuno ng lokal na pamahalaan ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo.
Pamumuno ng Lokal na Pamahalaan
1. Kawalan ng opisyales ng barangay sa oras ng kaniyang duty
2. Hindi pantay na pagtingin o pagtulong sa nasasakupan
3. Kakulangan sa aksyon mula sa namumuno.
Ang talaang ito ay naglalahad ng mga pangkaraniwang suliranin ng Barangay Calo ukol
sa pamumuno ng kanilang lokal na pamahalaan ayon sa mga nakapanayam. Makikita rito na ang
kawalan ng opisyales ng barangay sa oras ng kaniyang duty ang pangkaraniwang pinoproblema
ng mga mamamayan dito. Kapag may kailangang asikasuhin na papel o dokumento ay
nahihirapan ang mga mamamayang ito sa paghagilap sa mga opisyal na kanilang kailangan. Isa
rin sa mga naging daing ng mga nakapanayam ukol sa pamamahala sa kanilang barangay ay ang
hindi pantay na pagtingin o pagtulong sa nasasakupan o sa madaling salita ay ang pagkakaroon
ng kinikilingan. Bukod dito, madalas ding masambit ng mga nakapanayam ang kakulangan sa
aksyon mula sa mga namumuno lalo na sa tuwing lumalapit upang humingi ng tulong. Dahil dito
ay may ilang nakapanayam ang humihiling ng pagbabago sa administrasyon at pagpapalit sa mga
opisyales.
G. Pagsasamahan sa Barangay
Meron Wala0
20
40
60
80
100
120
140
160
180
200
21
179
Larawan Blg. 7.1 Pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa barangay ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo.
Ang larawan sa ibabaw ay nagpapakita ng pagtatasa ukol sa pagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan sa barangay. Mapapansin na sa 200 nakapanayam, 179 ang nagsabi na walang
kaso ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang lugar samantalang ang natirang 21 ay nagsabi ng
kasalungat nito.
Batay sa impormasyong nakalap, masasabi natin na ang Barangay Calo nagkakaroon ng
ilang mga hindi pagkakaunawaan. Magpagayunpaman, ang lugar na ito ay masasabing isang
tahimik at matiwasay ng barangay.
H. Gampaning Pangkasarian
Gawaing Produktibo Gawaing Bahay Gawaing Pangkomunidad
71
18 21
35
94
43
93
39
100
Lalaki Babae Pareho
Larawan Blg. 8 Distribusyon ng Gawain sa mga sambahayan ng mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Ang partisipasyon ng mga mamamayan sa kalinangan ng kanilang mga sambahayan at ng
kanilang mismong barangay ay implikasyon ng mga tradisyunal na binibigay na gampaning-
kasarian sa ating kulturang nakasanayan.
Ipinapakita ng larawan sa ibabaw na ang mga gawaing pamproduktibo katulad ng
paghahanapbuhay ay ginagampanan sa kasalukuyan ng parehong lalaki at babae sa pamilya
alinsunod nadin sa nakalap na datos mula sa mga nakapanayam na nagtala ng 93 na bilang.
Ipinapakita lamang nito na ang dalawang kasarian ay may pantay na kakayahan sa ating lipunan
kung gawaing produktibo ang pag-uusapan.
Sa kabilang dako, makikita rin sa larawan na mayroong 94 na bilang ng nakapanayam
ang nagpatunay na kalimitang mga babae ang gumaganap sa mga gawaing bahay. Ito ang syang
pangkaraniwan sa pamumuhay ng mga pamilyang Pilipino at syang resulta ng distribusyon ng
mga gawaing pangkasarian ukol sa ating kultura.
Ipinapakita rin ng larawan ang pangkasariang gawaing pangkomunidad kung saan
makikita na kalimitan sa mga nakapanayam ay nagsabing parehong babae at lalaki ang
gumaganap dito. Base sa mga impormasyong nakalap na ang dalawang kasarian ay may pantay
na abilidad sa pagganap sa mga tungkuling pangkomunidad.
E. Katangiang Sosyo-ekonomiko
a. Katangiang Ekonomiko
9% 12%
50%
28%1%
Elektrisidad Kahoy LPG Uling Kerosine
Larawan Blg. 9.1 Mga gamit sa pagluluto o panggatong ng mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng bahagdan ng mga gamit sa pagluluto o
panggatong sa barangay ayon sa mga nakapanayam. Makikita dito na pinakamarami ang
nagsagot ng LPG bilang gamit sa pagluluto. Maaring ito ay dahil sa heograpikong lugar ng
barangay dahil una, maaring walang suplay na pinagkukunan ng kahoy o uling at pangalawa,
dahik sa tabi tabi ang bahay ay kailangan nilang limitahan ang paglikha ng usok para sa
kaligtasan ng kalusugan at buhay ng mga tao sa kanilang lugar.
Sumunod ang uling na may 28 bahagdan at kahoy na may 12 bahagdan. Ayon sa mga
nakapanayam, kung hindi ito ang pangunahing gamit nila sa pagluluto ay ito ang kanilang pang-
alternatibo sa mga kapanahunang naubusan sila ng suplay ng LPG o kung hindi pa nakabibili.
Ang elektrisidad ay nakakuha ng 9 na bahagdan at ang kerosene naman ay may isang
bahagdan na syang pinakamababa sa lahat. Ito ay maaaring dahil sa kanilang kagustuhan at
kakayahang bayaran ang kaakibat nitong presyo.
Inilalahad ng larawan sa ibaba ang bahagdang pagkakahati-hati ng mga suplay na
pinagkukunan ng tubig na pang-inumin sa Barangay Calo ayon sa mga nakapanayam. Ang
sariling gripo ang may pinakamalaking bahagdan na umabot sa 58. Maaring ito ay dahil na rin sa
ang mga nakapanayam na nagsabi nito ay may sariling gripo na madali para sa kanilang kuhanan
ng maiinom. Sumunod dito ang bottled water na may 20 porsyento at pinangatluhan naman ng
nilalakong tubig na may 13 porsyento. Ang poso naman ay mayroong pitong porsyento na
sinundan naman ng creek at balon na paerhong may tig isang porsyent at pinakahuli sa lahat.
58%
7%
13%
20% 1% 1%
Sariling Gripo Poso Nilalakong TubigBottled Water Creek Balon
Larawan Blg. 9.2. Pinagkukunan ng tubig pang-inumin ng mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Makikita naman sa Larawan Blg. 9.3 ang bahagdan ng pinagkukunan ng tubig na
ginagamit sa mga sambahayan sa kanilang barangay ayon sa mga nakapanayam. Halimbawa sa
mga pinaggagamitan nito ay ang paliligo, paglalaba, paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng
halaman at iba pa. ang sariling gripo ang mayroong pinaka malaking bahagdan na umabot sa 70.
Sinundan ito ng poso na may 20 bahagdan samantalang ang natirang 10 porsyento ay napunta sa
mga natirang pinagkukunan. Dahit dito, masasabi na kalimitan sa mga nakapanayam ay
mayroong sariling gripo at marami rin ang may poso na ginagamit nila bilang alternatibong
pinagkukunan.
70%
21%
1%1%
8%
Sariling GripoPosoBottled WaterTubig UlanBalon
Larawan Blg. 9.3. Pinagkukunan ng tubig panggamit sa mga sambahayan ng mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Pagsasa
ka
Pangin
gisda
Horticulture
Paghah
ayupan
Pagnen
egosyo
Pagtuturo
Factory
Worker
Empley
ado
Konstruksy
on
179
92
12
88
170
125 132153
132
Larawan Blg. 10.2 Mga uri ng trabahong mayroon ang mga mamamayan sa barangay ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Ang larawang ito ay nagpapakita ng bilang ng beses na nabanggit ng mga nakapanayam
ang mga sumusunod na uri ng hanapbuhay. Ang pagsasaka ang may pinakamaraming beses na
isinagot dahil sa ang barangay ay isang pang-agrikulturang lugar. Bukod ditto, makikita rin na
ang pagnenegosyo, pagtuturo, pagiging mangggagawa sa pabrika, pagiging empleyado at
mangagawa sa konstruksyon ay maraming beses rin na nabanggit. Base sa mga impormasyong
ito, masasabi na ang mga klase ng trabahong ito ang syang pangkaraniwang pinagkukunan ng
kita ng mga taga Barangay Calo. May mga ilan ding nagsabi na mayroon ding naghahayupan
subalit limitado lamang at pili ang mga lugar sa kadahilanan ng kaligtasan ng kanilang
kalusugan. Ganundin ang resulta sa pangingisda at horticulture, na ayon sa mga nakapanayam ay
mga mga nagingisda ring taga Barangay Calo subalit sila ay dumarayo pa sa ibang barangay sa
Bay na kung tawagin ay aplaya.
b. Estadong Pang-Ekonomiya ng Barangay
Pagsasa
ka
Pangin
gisda
Horticulture
Paghah
ayupan
Pagnen
egosyo
Pagtuturo
Factory
worker
Empley
ado
Konstruksy
on
178
92
12
87
169
125132
153
132
Larawan Blg. 10.2. Mga uri ng trabahong mayroon ang mga mamamayan sa barangay ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Tignan ang Larawan Blg 10.2. Ayon sa mga nakapanayam sa barangay, ang pagsasaka,
na may bilang na 178, ang pangunahing uri ng trabahong mayroon ang mga mamamayan sa
barangay. Pumapangalawa ang pagnenegosyo na may bilang na 169 at sumunod naman ang mga
empleyado na may bilang 153. Pinakamababa naman ang naitalang bilang ng uri ng trabaho na
may kinalaman sa Horticulture.
Ang mataas na bilang ng mga mayroong pagsasaka bilang uri ng trabaho ay implikasyon
na may malawak na lupang sakahang matatagpuan sa komunidad. Nangangahulugan rin ito na
isa ang agrikultura sa pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Calo.
Ang mataas nabilang ng mga nagnenegosyo ay mayroong implikasyon sa kabuuang kita
ng barangay. Kung marami ang nagnenegosyo sa barangay, malaki ang posibilidad na mayroong
mataas na revenues o kita ang barangay lalo na kung ang mga negosyong matatagpuan rito ay
malalaking negosyo. Ang mga nasabing negosyo rin ay mayroon ring epekto sa mga serbisyong
mayroon ang mga tao sa komunidad.
Samantala, ang mataas na bilang ng mga empleyado ay maaaring may implikasyon rin sa
kanilang partisipasyon sa mga gawain ng barangay. Kung ang mga empleyado ay mayroong
pasok sa araw-araw at kung sila ay namamasukan sa ibang lugar, malaki ang posibilidad na sila
ay walang gaanong panahon upang makilahok sa mga gawaing pangkomunidad.
Mapapansin din sa larawan na mayroon ring mataas na bilang ng factory worker
bagama’t walang namang gaanong factory na matatagpuan sa barangay. Maaaring ang mga
miyembro ng komunidad na nagtatrabaho bilang factory worker ay dumadayo pa sa karatig-
bayan o mas malayo pang lugar upang mamasukan.
Sari-sari store Agricultural Products
Negosyong pangserbisyo
Kainan Resorts Factory
177
113
127
144
2
16
Larawan Blg. 10.3. Mga uri ng negosyong mayroon sa barangay ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 10.3 na ang mga uri ng negosyong mayroon sa barangay Calo
ay binubuo ng mga sari-sari store na may 177 bilang ng mga nakapanayam; sumunod naman ang
mga kainan na mayroong 144 bilang ng mga nakapanayam na sinundan naman ng mga
negosyong pangserbisyo na may 127 na bilang ng nakapanayam. Ang agricultural products
naman ay mayroong 113 na bilang ng nakapanayam. Pinakamaliit naman ang bilang ng mga
nakapanayam na nagsabing may resorts (2) at factory (16) sa barangay.
Ang mga datos na ito ay maaaring may implikasyon sa antas ng kaunlarang pang-
ekonomiko ng barangay.
Wala
Meron
135
65
Larawan Blg 10.4. Mga prokeytong pangkabuhayan na alam ng mga nakapanayam na mayroon sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 10.4 ang dami ng nakapanayam na nagsasabi kung mayroon o
walang proyektong pangkabuhayan ang barangay Calo. Karamihan sa mga nakapanayam (135)
ang nagsabing walang proyektong pangkabuhayan ang barangay. Samantala, mayroon namang
65 na nagsabing mayroong proyektong pangkabuhayan ang barangay.
Ayon sa mga nakapanayam na nagsasabing mayroong proyektong pangkabuhayan ang
barangay, karaniwan nilang ginagamit na halimbawa ang paggawa ng basahan bilang proyektong
pangkabuhayan ng barangay.
Makikita sa datos na maraming kabahayan ang hindi nakakaalam ukol sa nasabing
proyektong pangkabuhayan ng barangay. Maaari itong gawing basehan ng lokal na pamahalaan
na mas palawigin ang information dissemination sa barangay at lalo pang hikayatin ang mga
mamamayan na makilahok sa mga ganitong proyekto ng barangay lalo na yaong mga
nangangailangan ng pagkukuhan ng kabuhayan.
30%
32%
13%
6%
18%
Pagbabago sa klima Paglakas ng mga bagyo Paglala ng mga sakitProblema sa seguridad Limitadong trabaho
\
Larawan Blg. 11.1. Mga banta na kinakaharap ng Barangay Calo ayon sa mga kinapanayam.
Makikita sa Larawan Blg 11.1 ang mga bantang kinakaharap ng barangay Calo. Ang
kadalasang nababanggit ng mga nakapanayam ay ang paglakas ng mga bagyo na mayroong 32
bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam. Mayroon namang 30% na nagsabing
mayroong pagbabago sa klima, na sinundan ng 18% na nagsabing mayroon ring banta salimitado
o kakulang ng trabaho. Mayroong 14% na nagsabing may banta na kinakaharap ang komunidad
sa paglala ng mga sakit at 6% naman ang nagsabi na mayroong problema sa seguridad.
Ang mataas na bilang ng mga nagsabi na mayroong mga banta sa paglakas ng mga bagyo
at pagbabago ng klima ay nangangahulugan na ang mga miyembro na komunidad ay mayroon
ring mataas na kaalaman sa epekto ng climate change. Samantala, ang banta sa kakulangan ng
trabaho ay may epekto sa pangkabuhayan ng kanilang pamilya at komunidad.
Ang mababang bilang naman ng mga nagsabing mayroong problema sa seguridad ang
barangay ay nangangahulugan lamang na ang mga tao sa barangay ay nakakaramdam ng tiwala
at komportable na ang paninirahan sa barangay.
65%5%
17%
14%Pagbaha Landslide Lindol Dengue at iba pang sakit
Larawan Blg. 11.2. Mga sakuna o disaster na naranasan ng barangay sa nakalipas na sampung taon ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 11.2. na 65 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga
nakapanayam ang nagsasabing pagbaha ang karaniwang sakuna o disasterna naranasan ng
barangay sa nakalipas na sampung taon, sinusundan ito ng 17% na nagsabing naranasan ng
barangay ang lindol sa nakalipas na sampung taon. May 14% naman na nagsabi na naranasan rin
ng barangay ang dengue at iba pang sakit habang 4% naman ang nagsabi na naranasan ng
barangay ang landslide.
Mapapansin na ang mga nabanggit na sakuna o disaster na naranasan ng barangay Calo
sa nakalipas na sampung taon ay magkakaugnay. Ang mga pagbaha, landslide at pagkakaroon ng
mga sakit tulad ng dengue ay maaaring maganap dahil sa kalagayan ng klima.
42%
47%
12%
Dumadalas at tumitindi Pareho lang sa nakaraang 10 taonHumihina at dumadalang
Larawan Blg. 11.3 Karaniwang obserbasyon sa dalas ng mga sakuna o disaster sa barangay sa nakalipas na sampung taon ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 11.3 na ang karaniwang obserbasyon sa dalas ng mga sakuna o
disaster sa barangay sa nakalipas na sampung taon ayon sa mga nakapanayam ay pareho lang sa
nakaraang sampung taon. Hindi naman nahuhuli ang porsyento ng mga mga nakapanayam na
nagsabing dumadalas ang sakuna o disaster.
Maaaring ang mga nagsabi na pareho lang sa nakaraang sampung taon ang dalas ng
sakuna o disaster ay nakatira sa lugar na mataas ang seguridad mula sa mga pagbaha. Samantala,
ang mga nagsasabi naman na dumadalas ang sakuna o distaster ay maaaring sila ay may mataas
na kaalaman ukol sa mga pagbabago ng klima.
Pagkasi
ra ng im
prastra
ktura
Pagkasi
ra ng t
anim
an
Pagkaka
sakit a
t pagk
amata
y ng il
ang m
amam
ayan
Pagbab
a ng s
ahod
Walang e
pekto
92
171
93
54
14
Larawan Blg. 11.4. Mga epekto ng sakuna o disaster sa mga mamamayan ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Batay sa larawan, sa mga sakuna na naranasan ng Barangay Calo, ang pinakamadalas
nitong epekto ay ang pagkasira ng taniman. Pumapangalawa ang pagkakasakit at pagkamatay ng
ilang miyembro ng komunidad, sinusundan ng pagkasira ng imprastraktura.
Kung babalikan ang mga nakaraan larawan, makikita na pagsasaka ang isasa mga
pangunahing uri ng trabaho sa barangay kaya’t malaki ang epekto ng mga sakuna sa mga
pananim ng mga magsasaka. Kaugnay rin ng pagkasira ng mga pananim ang maaaring pagbaba
ng kita ng mga magsasaka sa komunidad.
Baran
gay
Offi
cials
National
Gove
rnm
ent A
gencie
s
Sim
bahan
NGO
Paara
lan
Comm
unity O
rgan
ization
Studen
t Org
aniza
tion
156139
82
3947
166
Larawan Blg. 11.5. Mga organisasyong tumutulong sa barangay tuwing pagkatapos ng mga sakuna o disaster ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 11.5 na ang karaniwang organisasyon na tumutulong sa mga
mamamayan ng barangay pagkatapos ng mga sakuna o disaster ay ang mgaopisyales ng
barangay at ang National Government.Ang pagtulong ng mga opisyales ng barangay at ng
National Government ay nagpapataas ng kahandaan ng barangay sa panahon ng sakuna at
kalamidad.
67%
34%
Handa Hindi handa
Larawan Blg. 11.6. Kahandaan ng barangay sa mga sakuna ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo
Makikita sa Larawan Blg. 11.6 na 66% ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam sa
Barangay Calo ang nagsasabi na handa ang barangay sa anumang sakuna o kalamidad na
darating sa komunidad; 34% naman ang nagsabing hindi handa ang barangay sa anumang sakuna
o kalamidad na darating.
Ang mataas na bahagdan ng mga nagsasabing handa ang barangay sa anumang sakuna o
kalamidad ay maaring implikasyon na ang lokal na pamahalaan ng Calo ay mayroon talagang
ginagawang paghahanda sa anumang sakuna o kalamidad na darating.
9%
31%
39%
21%
Mga bangka at kagamitang pangsagipMga pangkat na nakatutok sa disaster responseMay mga lugar na paglilipatanEarly warning system
Larawan Blg. 11.7. Mga bagay at proyekto na mayroon sa barangay na makakatulong upang maging handa sa anumang sakuna o disaster ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Tignan ang Larawan Blg. 11.7. Ayon sa mga nagsabing handa ang barangay sa anumang
sakuna o disaster, mayroong 39% na nagsabing mayroong lugar na paglilipatan sa barangay;
31% naman ang nagsabing mayroong pangkat na nakatutok sa disaster response; 21% ang
nagsabing mayroong early warning system sa barangay at 9% ang nagsabing may bangka at
kagamitang pangsagip ang barangay.
27%
22%16%
35%
Mga bangka at kagamitang pangsagipMga pangkat na nakatutok sa disaster responseMay mga lugar na paglilipatanEarly warning system
Larawan Blg. 11.8. Mga bagay at proyekto na dapat mayroon sa barangay na makakatulong upang maging handa sa anumang sakuna o disaster ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Makikita naman sa Larawan Blg. 11.8 na 35% ang nagsabing dapat mayroong early
warning system sa Barangay Calo upang maging handa sa anumang sakuna o disaster;
sinusundan ito ng 27% na nagsasabing dapat mayroong mga bangka at kagamitang pangsagip
tuwing bumabaha. 22% naman ang nagsabing dapat mayroong pangkat na nakatutok sa disaster
response at 16% naman ang nagsasabing dapat mayroong mga lugar na paglilipatan.
Mapapansin na halos magkakapantay lamang ang pangangailang sa apat na mga bagay at
proyektong nabanggit ng mga nakapanayam sa barangay. Nangangahulugan ito na ang bawat
bagay at proyektong nabanggit ay mahalaga upang maging handa ang barangay sa anumang
sakuna o disaster.
G. Mga kailangang Pagsasanay at Proyekto para sa Kaunlaran ng Barangay
Kailangan Di kailangan
69
131
Larawan Blg. 12.1. Pangangailangan ng pagsasanay ng mga miyembro ng sambahayan ng mga nakapanayam sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 12.1. na 131 nakapanayam ang nagsabing di kailangan ng
pagsasanay sa pangkabuhayan o pagnenegosyo samantala, 69 naman ang nagsabi kailangan pa
ng pasasanay ng mga miyembro ng sambahayan.
Ang mataas na bilang nang nagsasabing di kailangan ng pagsasanay ay maaari
implikasyon na ang mga taga-barangay ay mayroon namang sapat na kaalaman ukol sa mga
gawaing produktibo ngunit nagkakaroon lamang ng problema sa kakulangan sa mga trabaho sa
komunidad.
22%
21%
18%11%
14%
14%
Pang-edukasyonPangkabuhayanPangkapaligiranLupa/bahayPangkalusugan at nutrisyonPangseguridad
Larawan Blg. 12.2. Mga proyekto na nais ng mga nakapanayam na magkaroon sa Barangay Calo.
Makikita sa Larawan Blg. 12.2 na 22 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga
nakapanayam ay nagnanais na mas mapaunlad at mas matutukan ang mga serbisyong pang-
edukasyon. Nais nilang magkaroon sana ng mga scholarship dahil maraming mga batang hindi
nakakapag-aral bunsod ng kahirapan.
Pangalawa sa mga nais nilang magkaroon ang kanilang barangay ay ang proyektong
pangkabuhayan gaya ng pautang sa negosyo at pagsasanay sa negosyo. Ayon sa kanila, sa
ganitong paraan ay mas matutulungan nila ang mga sambahayan lalo na yaong mga walang
pinagkukunan ng kabuhayan. Dagdag pa nila, kapag ang mga magulang ay may pinagkukuhanan
ng kabuhayan, mababawasan ang mga batang hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan.
Pangatlo sa mga nais nilang paunlarin sa kanilang barangay ay ang proyektong
pangkapaligiran. Isa sa mga natukoy na problema ng barangay ang mga maruming kapaligiran.
Ayon sa mga nakapanayam, ang mga basurang kinokolekta ay hindi agad naididiretso sa landfill
kaya’t natatambak muna ang mga basura sa gilid ng barangay. May mga nagsabi rin na nais
nilang magkaroon ng mga proyekto tulad ng tree planting.
Magkapantay naman ang porsyento ng mga nagnanais na mas paigtingin ang seguridad sa
barangay at dagdagdan ang mga proyektong pangkalusugan at nutrisyon.
Ayon sa mga nakapanayam, dapat mas maging mahigpit ang mga tanod na rumoronda
gabi-gabi dahil maraming mga kabataan na ginagabi sa lansangan.
Nais naman ng iba na dagdagan ang mga feeding programs/medical and dental missions
para mas maging malalakas at malulusog ang mga mamamayan ng barangay.
Kakaunti naman ang nagnanais ng mga lupa’t-bahay dahil karamihan sa mga
nakapanayam ay nakatira at komportable na sa kani-kanilang mga sariling kabahayan.
Yamang -Pantao
Yamang-Panlipunan
Yamang-Pangpinansyal
Yamang-Pisikal
Yamang-Natural
Solo ParentsMother ClassSenior Citizens’ Assoc.Calo Youth ClubDay Care Center
Health CenterPampubliko at pribadong paaralanKiskisan o gilingan ng palayPunerarya (Funeral Parlor)
KABALIKATCard Bank
IlogBukid (Palayan)
MangangalakalEmpleyadoNegosyanteMagsasaka
BARANGAY
CALO
Mga Natukoy na Yaman sa Iba’t ibang Sektor ng Barangay Calo
Barangay Calo
PagbahaPambehikulong aksidente
SISTEMA“Land Transfer” (Land Reform Program): Sariling bukid na ipagkakaloob sa mga magsasakaOrdinansa: Bawat pinto sa mga pinauupahang bahay o apartment ay may pataw na halagang Php150.00.
SAKUNA (Vulnerability/Hazards)
IV. KONKLUSYON
Kung tatalakayin ang partisipasyon ng mga residente sa mga gawaing pangkomunidad,
nangunguna ang kanilang kaalaman at pagiging pamilyar sa samahan ng mga kababaihan na
nagpapahiwatig na maaaring higit na marami ang mga proyekto at programang ipinapatupad ng
nasabing organisasyon. Maaari rin na higit na marami ang miyembro sa samahang
pangkababaihan kaya’t mataas ang antas ng pagkakakilanlan nito sa buong barangay. Mula rin sa
pag-aaral ay napag-alaman na lubos na mataas ang mga mamamayan na hindi kasapi sa mga
kasalukuyang organisasyong naitatag sa barangay. Ang mga hinaing ng mga residente ay may
kaugnayan sa paraan ng paghihikayat ng mga opisyal. Marami ang may hinaing sapagkat ayon sa
kanila ay pinipili lamang ang maaaring isinasama upang mahikayat na makisama o magkaroon
Barangay CaloMGA STRATEHIYALivelihood Projects/ProgramsKaragdagang basurahan at dalasan ang paghahakot sa basura
MGA PANGARAPPagkakaroon ng hanapbuhayKalinisan sa kapaligiran Mas pinalawak na espasyo para sa Day Care Center at sa Health Center
ng partisipasyon kaya’t sa limitadong bilang lamang ng tao ang pinaglalaanan ng panahon na
makatugon sa mga nasabing organisasyon.
Subalit sa kabilang banda naman ay napag-alaman na nasa kalahati ang antas ng nakikiisa
sa mga gawaing pangkomunidad na tumutukoy na ang pagpapahalaga sa mga gawaing
pangpamayanan at pagtulong ay ilan sa mga mabubuting kaugaliang namamayani sa naturang
barangay. Mula rin sa kaalamang ito ay maaaring ipakahulugan na marami ang nagnanais na
maging kasapi sa mga organisasyong mayroon ang barangay kung sila lamang ay makakabilang
sa mga taong hihikayatin na maki-ambag ng kontribusyon na kanilang makakaya.
V. REKOMENDASYON PARA SA KOMUNIDAD
Mula sa nakalap na impormasyon ay magkakaroon kami ng rekomendasyon mula sa mga
partikular na nakikita o napapansin ng mas nakakaraming residente sa barangay. Una ay ang
pagnanais nilang pagtugon sa suliraning pangkapiligiran ukol sa mga tambak na basura na
nagkalat. Kanilang iminumungkahi na magkaroon ng mas maraming wastong tapunan o
basurahan na ipakalat sa pangkalahatan ng barangay. Isa pang mungkahi ay tungkol sad alas ng
paghahakot ng basura na kung maaari sana ay mas dalasan na mula sa isang beses lamang sa
isang linggo ay maaaring gawing dalawa o tatlong beses para hindi natatambakan ng basura ang
mga residente dahil nagiging suliranin ang paghahalungkat ng mga hayop gaya ng aso at pusa sa
mga basura kaya ito ay napapakalat.
Isa rin sa nais matugunan ay ang suliranin sa pangkabuhayan na madalas idinadaing ng
mga mamamayan sa barangay na ayon sa kanila ay kapos na kapos para bigyang oportunidad
ang mga maralita na magkaroon ng pagkakakitaan. Marami ang hikahos sa buhay na nais
magkaroon ng hanapbuhay ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataon gaya ng pansimulang
puhunan sa negosyo o mabilang man lang na maging empleyado. Maaaring mas damihan pa ang
mga proyektong pangkabuhayan, gaya ng pagbibigay ng pansimulang puhunan at pagpapatupad
ng mga workshop para maturuan ang mga mamamayan tungkol sa mga negosyong maaaring
pagkakitaan at makabubuti rin na magsagawa ng job fair para sa barangay. Napakarami sa mga
nakapanayam ang ganito ang hinaing kung kaya’t nararapat lamang na simulang tugunan ng mga
opisyal ang suliraning pang-ekonomiya at ilagay dapat sa mga pangunahing layunin ang pagtaas
ng antas ng buhay ng mga maralita upang maging kaisa sila sa gawaing produktibo ng
komunidad. Mula rito ay maipapakahulugan na kinakailangang maging una parati ang
pagsasaalang-alang na mapagaan ang uri ng kabuhayang mayroon ang mga mamamayan sa
barangay.
Maging ang pagkapantay-pantay ng pagtingin at pakikitungo sa mga miyembro ng
komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang serbisyo para sa mga nangangailangan.
Sa ganitong pamamaraan maipapadama ng mga opisyales ng barangay ang pagpapahalaga sa
mga mamamayan na magiging daan upang maging mas mataas ang pagkakakilanlan ng mga tao
sa kanila. Napag-alaman kasi na ang kapitan ng barangay at mangilan-ngilan lamang sa mga
barangay kagawad ang kilala ng mga residente. Makabubuting mas mapaigting ang relasyon ng
mga mamamayan sa mga opisyales upang mas matugunan nila ang nararapat na pangangailangan
ng pamayanan. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang
maaanyayahan ang nakararami sa mga residente at kanilang masisilayan ang personal na
pamumuno at pakikilahok ng mga opisyales ng barangay sa mga ito.
Ang karagdagang rekomendasyon ay kaugnay naman ng problemang pang-edukasyon na
ayon sa mga nakapanayam ay hindi natustusan nang maayos ng lokal na pamahalaang barangay
sapagkat mataas na porsyente ng mga nakapanayam ang nagsabing marami ang hindi nakakapag-
aral. Iminumungkahi na damihan pa ang mga scholarship programs para sa mga kabataan,
karagdagang pagtugon din na kanilang naisin ay ang karagdagang gamit para sa paaralan para sa
mga mag-aaral at gayundin para sa guro upang maayos na makapaturo.
VI. REKOMENDASYON UKOL SA PAGPAPABUTI NG PAG-AARAL SA
PAMAYANAN
Upang mas maging maayos at mapagtibay ang kredibilidad ng isinasagawang pag-aaral
ng pamayanan, iminumungkahing itaas ang bilang ng mga kakapanayamin. Mula sa mga
literatura ng siyentipiko at sosyolohiyang pag-aaral, ang resulta ng mga nakalap na impormasyon
ay mas mapapagtibay kung ito ay magmumula sa mas malaking bahagi ng populasyon.
Iminumungkahi rin ang paggamit ng teknolohiya sa pagtukoy ng mga eksaktong
lokasyon ng mga kabahayang magiging bahagi ng pag-aaral at ito ay maisasakatuparan sa
pamamagitan ng paggamit ng Global Positioning System o GPS. Bukod sa nabanggit, ang GPS
din ay makakapagbahagi ng distansya ng mga kabahayan at iba pang mga heyograpikong
impormasyon na lubos na makakatulong sa pag-aaral.
Iba pang karagdagang rekomendasyon ay ang mas matibay na relasyong propesyonal ng
mga mananaliksik sa mga namumuno sa barangay. Mula rito ay dadaloy ang komunikasyong
bukas at maayos na magsisilbing tulay sa pagkalap ng mas marami pang impormasyon na
magkakaroon ng mahalagang bahagi sa pag-aaral. Sa tulong din ng mga opisyal ay mahihikayat
ang mas maigting na kooperasyon ng mga residente sa naturang barangay upang makapagbahagi
pa sila ng kanilang mga saloobin na patungkol sa pamayanang kanilang kinabibilangan.
APENDIKS
FOCUSED GROUP DISCUSSION (FGD) GUIDE
Community Mapping
1. Identify resources
Infrastructure, housing
Social services
Natural resources
Financial resources
Social resources
Guide:
o Saan nakasentro ang mga imprastraktura?
o Saan marami o nakasentro ang kabahayan?
o Saan nakasentro ang serbisyong pangsosyal ng komunidad?
o Saan makikita ang karamihan sa mga likas-yaman ng komunidad?
o Saan nakasentro ang kalakalan o komersyo ng komunidad?
o Anu-ano ang mga pangunahing likas-yaman na matatagpuan sa komunidad?
o Saan makikita ang mga pinagpupulungan o ang mga opisina ng mga organisasyon ng
komunidad?
2. Identify hazards
Flood-prone
Landslide-prone
Fire-prone
Accident-prone
Earthquake-prone
Guide:
o Saan madalas binabaha?
o Saan madalas may nagaganap na sunog?
o Saan madalas may landslide?
o Saan madalas may naaaksidente(vehicular)?
o May parte bang madalas yanigin ng lindol?
3. Identify vulnerable areas
Guide:
o Saang parte ng komunidad madalas nagkakaroon ng problema?
o Saan marami ang bata at matanda?
o Aling kabuhayan ang madalas salantain ng peste o kalamidad? Saan ito nakapuwesto?
Historical Research
4. Explain the origin of the barangay.
Guide:
o Paano nabuo ang barangay?
o Saan nagmula ang pangalan ng barangay?
o Sino ang unang nanirahan dito?
o Kailan naitatag ang barangay?
o Ano ang nakaapekto upang isulong ang pagtatatag ng barangay?
o Sino ang unang namuno sa pagpapalakad ng barangay?
5. Identify landscape changes.
Guide:
o Ano ang nakaraang kalagayan ng barangay (gubat, palayan…)?
o Anu-ano ang mga pagbabago sa paggamit ng lupa sa komunidad?
o Saang parte ng barangay ang pinakamaraming naranasang pagbabago sa paggamit ng
lupa?
o May mga naranasan bang suliranin ang barangay kaakibat ng pagbabago sa paggamit ng
lupa?
o Sino ang grupong pinakanaapektuhan ng mga pagbabagong ito?