group 8 (2)

26
KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Bawal mag walis sa gabi dahil lalabas ang grasya. Bawal na duraan ang apoy na bigla na lamang lumiyab dahil sa ito ay magdadala ng kamalasan. Masamang hakbangan kahit na sino habang natutulog dahil sa mapipigil ang pag-develop ng kanilang katawan. Naniniwala ka pa ba sa mga kasabihang ito o tinatawanan mo na lang kapag ikaw ay pinagsasabihan ng mga ganitong bagay? Ang pamahiin ay isang walang basehang paniniwala hinggil sa mga bagay-bagay na wala namang relasyon sa isa’t isa. Ayaw man nating tanggapin, ngunit malaki ang naging impluwensya nito sa kultura at pamumuhay sa mga Pilipino. Ito ay isang paniniwala na ang mga pangyayari ay naiimpluwensyahan ng mga gawi kahit na wala itong lohikal na koneksyon sa isa’t isa. Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, Ang pamahiin ay isang paniniwala o pagsasagawa na nagreresulta sa kamangmangan, o kawalan ng kaalaman. Ito ay bunga ng takot sa di-tiyak, sa pagtitiwala sa kababalaghan at maling konsepto ng sanhi o pinagmulan ng naturang pangyayari. Ito rin daw ay isang uri ng haka-haka na nananatili hanggang sa kasalukuyan kahit na may mga ebidensyang nagpapatunay na wala itong katotohanan. 1

Upload: jmapazcoguin

Post on 18-Nov-2014

245 views

Category:

Documents


12 download

TRANSCRIPT

Page 1: Group 8 (2)

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Bawal mag walis sa gabi dahil lalabas ang grasya. Bawal na duraan ang apoy na bigla na

lamang lumiyab dahil sa ito ay magdadala ng kamalasan. Masamang hakbangan kahit na sino

habang natutulog dahil sa mapipigil ang pag-develop ng kanilang katawan.

Naniniwala ka pa ba sa mga kasabihang ito o tinatawanan mo na lang kapag ikaw ay

pinagsasabihan ng mga ganitong bagay?

Ang pamahiin ay isang walang basehang paniniwala hinggil sa mga bagay-bagay na wala

namang relasyon sa isa’t isa. Ayaw man nating tanggapin, ngunit malaki ang naging

impluwensya nito sa kultura at pamumuhay sa mga Pilipino. Ito ay isang paniniwala na ang mga

pangyayari ay naiimpluwensyahan ng mga gawi kahit na wala itong lohikal na koneksyon sa

isa’t isa.

Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, Ang pamahiin ay isang paniniwala o pagsasagawa na

nagreresulta sa kamangmangan, o kawalan ng kaalaman. Ito ay bunga ng takot sa di-tiyak, sa

pagtitiwala sa kababalaghan at maling konsepto ng sanhi o pinagmulan ng naturang pangyayari.

Ito rin daw ay isang uri ng haka-haka na nananatili hanggang sa kasalukuyan kahit na may mga

ebidensyang nagpapatunay na wala itong katotohanan.

Ang salitang “superstition” ay pinaniniwalaang nagmula sa mga salitang Latin “super” na

nangangahulugang “over or beyond” at “ste” na nangangahulugang “to stand”. Mula sa kanyang

etimolohiya, mapapagtanto natin na ang mga pamahiin ay maaring pinagbabasehan at

pinagdedependehan ng mga indibidwal sa kanilang mga pang-araw araw na gawain. Ito rin ay

maaring dulot ng pagdadahilan na wala namang lohikal na basehan.

1

Page 2: Group 8 (2)

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng aming pag-aaral ay upang mapag-alaman kung gaano pa karami sa mga

kabataan ngayon ang naniniwala at sumusunod sa mga pamahiin at ang kanilang mga rason.

Hangad din naming malaman kung ano-ano pa ang mga pamahiin na kanilang sinusunod

hanggang sa kasalukuyan. Sa dulo ng aming pananaliksik, hangad naming maliwanagan ang

mambabasa sa katotohanan ng mga pamahiin at pagyamanin ang kanilang kaalaman ukol dito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa aming pag-aaral, makikita natin ngayon na sa ating bansang Pilipinas, maraming tao

pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin dahil sa kawalan ng pag-asa sa buhay. Dito na lang sila

kumukuha ng lakas ng loob at pag-asa upang magkaroon ng pagbabago sa kanilang pamumuhay.

Maaari itong maging gabay para sa susunod na henerasyon lalung-lalo na sa mga kabataan dahil

ang mga informasyon dito ay pwedeng maiaplay sa iba’t ibang sitwasyon.

Mahahalaga ang mga informasyong nandito dahil malaki ang maitutulong nito sa mga

kabataan ngayon at sa hinaharap. Nagbibigay ito ng iba’t ibang kaalaman sa ating mga

pinagdadaanan sa kahirapan o kasiyahan sa buhay. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito,

maraming malalaman sa kakulangan sa kaalaman ng mga kabataan na kailangan nilang

matuklasan upang sila ay makasunod sa nakagawian ng ating mga ninuno. Subalit kung tutuusin,

nakakapagtaka na sa kabila ng pagiging relihiyoso ng mga Pilipino, sobra sobra pa rin ang

paniniwala natin sa pamahiin na wala naman basehan sa bibliya kundi parang gawa gawa lang ng

mga nakakatanda.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahan na ang mga kabataan ngayon ay mas

magkakaroon ng malalim na pag-unawa ukol sa mga pamahiin.

2

Page 3: Group 8 (2)

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pananaw ng mga mag-aaral sa mga pamahiing

kinasanayan noong unang panahon. Saklaw nito ang mga estudyanteng nasa edad 15-18 sa ilalim

ng Kolehiyo ng Narsing ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Nilimitahan namin ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na nasa edad 15-18 ng Kolehiyo

ng Narsing upang mas maging aksesibol at malaman namin ang pulso ng mga kabataan ukol sa

mga matatandang paniniwala.

Definisyon ng Terminolohiya

Superstitious Beliefs – Pamahiin; Mga paniniwalang bunga ng takot sa di-tiyak, sa

pagtitiwala sa kababalaghan at maling konsepto ng sanhi o pinagmulan ng naturang

pangyayari.

Close Family Ties – Malalim na relasyon sa bawat miyembro ng pamilya na nagdudulot

sa pagsasalin at pagpapalit-palit ng mga paniniwala.

Interpersonal Relationship – Panlipunang relasyon na mabubuo lamang kung may

malalim nang pinagsamahan.

“Susubukan ko” – Hindi direktang pagsabi ng mga Pilipino na hindi talaga nila gusto

ang iniaatas sa kanilang gawain.

Pakikisama – Pakikihalubilo para sa interes ng grupong kinabibilanagan.

3

Page 4: Group 8 (2)

KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ano nga ba ang Pamahiing Pilipino?

Ayon kay Dr. Lily R. Torres, dating Guidance Counselor ng Unibersidad ng Pilipinas,

ang paniniwala ng mga Pilipino sa Superstitious Beliefs ay maaring mahanap pa sa mga

kaugalian ng mga katutubo na pagiging ‘animistik’, ang paniniwala sa mga hindi nakikitang

creatures at pagsamba sa mga ito. Kahit pa dumaan tayo sa pananakop ng mga dayuhan, hindi pa

rin ito natinag dahil may matibay na pundasyon dito. Isa pang salik na maaring nakapag-hulma

sa mga ugaling ito ay ang mataas na respeto nang mga Pilipino sa mga matatandang kapamilya,

kung kaya’t sinusunod nila ang kanilang mga sinasabi. Isa pang salik ay ang pagkakaroon ng

close family ties na nakakatulong sa pagpapasa ng ganitong mga paniniwala.

Ang mga Pilipino ay naghahangad ng mataas na pagtanggap sa lipunan. Sila ay

malamang na nagsasabi o gumagawa ng mga bagay na hindi katanggap-tanggap sa modernong

mga Europeans at mga Amerikano, upang maiwasan ang mga sagabal sa magandang

interpersonal o panlipunang relasyon. Ang katapatan ng mga damdamin ng mga Pilipino at

opinyon ay maaaring pahalagahan ng mga hindi Pilipino. Ngunit karamihan sa mga Pilipino ay

sinasabing kasingkahulugan ito ng karahasan. “And to speak frankly is like to provoke offense or

id these, he prefers to tell half truths, outright untruths, or simply withhold hurt feelings. To

avoid these, he prefers to tell half truths, outright untruths, or simply withhold the

truth.”(Hornedo, 2000) Kung ang isang Pilipino ay ayaw gawin kung ano ang nais ipagawa ng

iba sa kanya, siya ay malamang na magsabi ng mga salitang "Susubukan ko." Ngunit ito ay

nangangahulugan na hindi niya ito gusto. “However, to say ‘no’ outright is to be rude. So he

gives an evasive answer. Because the Filipino values smooth interpersonal relations, he

appreciates colleagues with pakikisama. He uses eupheisms to avoid the frankly harsh. So he

says “Siguro nga,” even when he knows it is not true. A social scientist has observed that when a

Filipino says, “Yes,” it is hard to tell which, among some seven possible meanings, the person

really means.”(Hornedo, 2000)

4

Page 5: Group 8 (2)

Ang pamahiin ay isang walang basehang paniniwala hinggil sa mga bagay-bagay na wala

namang relasyon sa isa't isa. Aminin man o hindi, malaki ang nagagawang impluwensiya ng mga

pamahiin sa usaping kultura, buhay, kabiguan, tagumpay, kalungkutan at kaligayahan ng mga

Filipino. Malawak ang nasasakupang aspeto ng mga pamahiin. Apektado nito ang maraming

bagay mula sa pakikipag-isang dibdib, pagdadalantao, pagluluwal ng sanggol, at maging

hanggang sa kamatayan.

Sa kabilang banda, maraming mga indibidwal ang nagsasabi na hindi sila naniniwala sa

mga pamahiin. Ayon kay M.J. Enriquez, “Kung ang katotohanan ang ating hahanapin at

sasaliksikin, ay marami sa atin ang may paniniwala sa bagay na ito ngunit hindi natin

karaniwang ipinakikita o ipinahahalata kaninuman. Ang isang tao ay maaring mayroong ilang

pamahiin na lubos niyang taglay sa kanyang damdamin. Ang iba naman ay mayroon lamang ilan

na kanyang pinaniniwalaan. Subalit ang isang taong masasabi nating tunay na tunay na hindi

naniniwala sa mga bagay na ito ay totoong pambihira sa ating buhay.”

Ang katotohanan, karamihan sa mga pamahiing ito ay nababatay sa mga pangyayari at

tunay na karanasan ng mga karaniwang tao. Ang ating karaniwang naririnig na “huwag” sa ating

mga matatanda ay may mga pinagbabatayan, kaya’t hindi dapat pinagtatawanan. Kung mayroon

diyang mga taong maiingat sa bagay na ito, sila ay nagpapakilalang gumagamit ng mabuting

isipan. (Enriquez, 1949)

Ang mga tunay na katotohanan o dahilan ng maraming pamahiin ay hindi maliwanag.

Subalit ang isang taong maingat ay masasabi nating marunong talaga sa buhay. Kaya’t sa

dinami-rami ng ating mga matatandang pamahiin o paniniwala ay makakapulot tayo ng mga

mabuting halimbawa, gawi, at pag-iingat. Kapag ang mga ito ay binigyan natin nang mabubuting

dahilan at halimbawa ang karaniwang tao ay tungo sa landas ng matahimik at malusog na

kabuhayan. (Enriquez, 1949)

5

Page 6: Group 8 (2)

6

Page 7: Group 8 (2)

Kabanata III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay ginawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptiv-analitik na

pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang pananaw ng mga kabataan

ukol sa mga pamahiin.

Mga Respondente

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa unang taon ng Kolehiyo

ng Narsing ng Universidad ng Santo Tomas sa ikalawang semestre taong 2009-2010.

Sa kasalukuyan, may sampung (10) pangkat ng mga estudyante sa kolehiyo ng narsing. Kumuha

lamang ng dalawpu’t siyam na respondente at labing-dalawang respondent mula sa dalawang

seksyong napili sa pamamagitan ng random sampling. Pansinin ang kasunod na talahanayan:

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondente sa Unang Taon sa Kolehiyo ng Narsing

Pinili ng mga mananaliksik ang mga estudyanteng nasa unang taon sa kolehiyo ng narsing

dahil ang limit ng edad na napili para sa pamanahong-papel na ito ay nakabase din sa

kanilang edad na labing lima hanggang labing walong taong gulang.

7

Seksyon Bilang ng Respondente

1-4 29

1-12 12

Kabuuang dami: 41

Page 8: Group 8 (2)

Instrumentong Pampanaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng isang sarvey-kwestyoner na naglalayong makapangalap ng

mga datos upang masuri ang dami ng mga estudyante sa unang taon ng kolehiyo ng narsing

na naniniwala o hindi sa mga pamahiin, ang kanilang dahilan sa likod nito, at ano ang mga

halimbawa ng pamahiing kanilang sinusunod at pinaniniwalaan.

Nangalap rin ng informasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan tulad ng

mga libro at pamanahong-papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ibang informasyon sa

Internet.

Tritment ng mga Datos

Hindi ginamitan ang pananaliksik na ito ng matataas at kompleks na istatistikal na

pamamaraan sapagkat ito ay isang panimulang pag-aaral pa lamang at hindi isang

pangangailangan para sa pagtatamo ng isang digri. Ang inalam lamang ng mga mananaliksik

ay ang bilang at dami lamang ng mga pumili sa bawat aytem sa sarvey-kwestyoner na

kanilang hinanda. Ang pagtatally at pagkuha lamang ng porsyento mula sa total na dami ng

sumagot ng sarbey ang inalam ng mga mananaliksik.

8

Page 9: Group 8 (2)

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at informasyon:

GRAF I

A.54%

B.46%

Distribusyon ng mga RespondenteAyon sa Kasarian

A. Respondenteng BabaeB. Respondenteng Lalaki

Inalam ang distribusyon ng mga respondent ayon sa kanilang kasarian. Limampu’t apat na porsyento (54%) sa kanila ay babae, samantalang apatnapu’t anim na porsyento (46%) ay mga lalaki.

9

Page 10: Group 8 (2)

GRAF 2

15 16 17 18 190

10

20

30

40

50

60

70

0%

29%

56%

15%

0%

Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad

Limampu’t anim na porsyento (56%) sa mga respondent ay nasa edad 17. Ang dalawampu’t siyam na porsyento (29%) respondent ay nasa edad 16. At ang labinlimang porsyento (15%) sa mga respondent ay pawing nasa edad 18.

10

Page 11: Group 8 (2)

GRAF 3

10%

51%

22%

17%

Pansariling Asesment ng mga Respondente sa Kanilang Paniniwala sa Pamahiin

Naniniwala

Katamtaman lamang na naniniwala

Hindi Naniniwala

Lubos na Hindi Naniniwala

Sa apatnapu’t isang (41) respondente, limampu’t isa porsyento (51%) ang nagsabing katamtaman lamang ang kanilang paniniwala sa pamahiin. Dalawampu’t dalawang porsyento (22%) ang nagsabing hindi sila naniniwala sa mga pamahiin. Labingpitong porsyento (17%) ang nagsabing lubos nilang hindi pinaniniwalaan ang mga pamahiin, samantalang sampung porsyento (10%) naman ang nagsabing naniniwala sila sa mga pamahiin.

11

Page 12: Group 8 (2)

GRAF 4

Hindi Nakakatulong

Kadalasan ay Hindi

Nakakatulong

Walng Lohikal na Basehan

Kabaliktaran ang Nangyayari

Hindi Nakasanayan

Iba pa0

10

20

30

40

50

60

70

80

90

100

6 %0 %

83 %

0%

11 %

0%

Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Naniniwala ang Ilan sa mga Respondente sa Pamahiin

Ang mga respondenteng sumagot na hindi sila naniniwala sa pamahiin ay nagbigay ng kanilang mga rason kung bakt hindi nila ito pinaniniwalaan. Wwalumpu’t tatlong porsyento (83%) sa kanila ang nagsabing walang lohikal na basehan ang mga pamahiin kung kaya’t hindi nila ito pinaniniwalaan. Labing-isang porsyento (11%) ang nagsabing hindi nila ito nakasanayan, samantalang anim na porsyento (6%) sa kanila ang nagsabing hindi ito nakakatulong kung kaya’t hindi nila ito pinaniniwalaan.

12

Page 13: Group 8 (2)

GRAF 5

Madalas Paminsan-minsan Madalang0%

1000%

2000%

3000%

4000%

5000%

6000%

7000%

0%

62 %

38 %

Kalimitan ng Paggawa o Paniniwalasa Pamahiin

Sa mga respondenteng sumagot na naniniwala sila sa mga pamahiin, animnapu’t dalawang porsyento (62%) sa kanila ang nagsabi na paminsan-minsan na lamang nila itong ginagawa, samantalang tatlumpu’t walong porsyento (38%) ang nagsabi na madalang na lamang nila itong gawin.

13

Page 14: Group 8 (2)

GRAF 6

0%10%20%30%40%50% 47%

26%

13% 8%6%

Ilan sa mga Pamahiing Patuloy pa ring Pinaniniwalaan sa Kasalukuyan

Inalam din ng pananaliksik na ito ang ilan sa mga pamahiin na ginagawa pa rin ng mga kabataan ngayon.

Mapapansin sa graf na apatnapu’t pitong porsyento (47%) sa kanila ay ginagawa pa rin ang pagsasabi ng “tabi-tabi po”. Dalawampu’t anim na porsyento (26%) ang naniniwala na kapag nahulog ang kutsara ay may babaeng bisita na darating, kapag tinidor naman ay lalaki. Labintatlong porsyento (13%) naman ang naniniwala na may masamang mangyayari kapag nabasag ang salamin, walong porsyento (8%) ang naniniwala na kapag nakakita ng paru-paro ay may mamamatay na kakilala o kamag-anak, samantalang anim na porsyento (6%) ang naniniwala sa iba pang pamahiin tulad ng paglalagay ng monggo sa medyas upang tumangkad at kapag nakakita daw ng itim na pusa ay mamalasin.

14

Page 15: Group 8 (2)

GRAF 7

Nakasa

nayan

na

Pinipilit ip

agaw

a ng m

ga nak

atatan

da

Wala

ng masa

ma kung g

agaw

in man

ito

Upang m

akasi

guro

Kadala

sang t

umutugma a

ng mga

nagya

yari

Iba pa

0%

10%

20%

30%

40% 40%

3%

33%

15% 9%0%

Pananaw ng mga Respondente sa mga Dahi-lan Kung Bakit Patuloy pa ring Ginagawa at

Pinaniniwalaan ang mga Pamahiin

Hinggil sa palagay ng mga respondente ukol sa mga dahilan kung bakit patuloy pa ring pinaniniwalaan at ginagawa ang mga pamahiin, apatnapung porsyento (40%) ang nagsabing ito ay nakasanayan na, tatlumpu’t tatlong porsyento (33%) ang nagsabing wala naman masama kung gagawin ito, Labinlimanag porsyento (15%) ang nagsabing upang makasiguro lamang, siyam na porsyento (9%) ang nagsabing tumutugma ito sa mga nangyayari sa kanila at tatlong porsyento (3%) ang nagsabing pinipilit lamanng itong ipagawa ng mga matatanda.

15

Page 16: Group 8 (2)

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mapag-alaman ang dami ng mga kabataan sa Universidad ng Santo Tomas ang kasalukuyang naniniwala at sumusunod sa mga nakagisnang pamahiin ng mga Pilipino at ang mga rason sa likod ng mga ito.

Gamit ang disenyong deskriptiv-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sarbey-kwestyoneyr na pinasagutan sa apatnapung (41) respondente, dalawampu’t siyam (29) na respondente sa ika-apat na seksyon, labingisang (12) respondente sa ika-labing dalawang sekyon ng unang taon na kumukuha ng kursong Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Kongklusyon

Batay sa nalikom na impormasyon, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

a. Higit sa kalahati ng mga estudyante ng unang taon sa Kolehiyo ng Nursing sa UST ay katamtamang naniniwala sa mga pamahiin.

b. Pagkawala ng lohikal na basehan ang nangungunang dahilan ng mga estudyanteng kung kaya’t hindi sila naniniwala sa mga pamahiin.

c. Paminsan-minsan na lamang sinusunod at pinaniniwalan ng mga kabataan ang mga pamahiin.

d. Sa binigay na mga halimbawa ng mga mananaliksik sa mga respondente, ang pinaka-tanyag at madalas na sinusunod na pamahiin ng mge estudyante ay ang pag sabi ng “tabi-tabi po” upang makaiwas sa galit ng mga matatapakang duwende o nuno.

e. Ang pangunahing dahilan ng pagpapatuloy sa pagsunod sa mga pamahiin ay sa kadahilanang ito ay nakasanayan na.

f. Nabigyang linaw ang pananaw at konsepto ng kung ano ang pamahiin, ang kabutihan at kapahamakan na maaring maidulot nito.

16

Page 17: Group 8 (2)

Rekomendasyon

Kaugnay sa mga kongklusyong naitala, buong-respetong inirerekomenda ng mga manananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa mga kasalukuyang estudyante, mas palawakin pa ang kaalaman ukol sa mga pamahiin ng mga Pilipino at sa katotohanan ng mga ito upang maging makatwirang basehan ng mga pansariling desisyon.

b. Para sa mga magiging nars sa hinaharap, gawing malawak ang pag-iisip at ihanda ang sarili sapagkat ang bawat tao ay mayroong kanya-kanyang paniniwala. Matutong irespeto ang mga paniniwalang ito ng hindi natatapakan ang sariling paniniwala at hindi naapektuhan ang propesyunal na pagtatrabaho.

c. Para sa mga professor, hikayatin ang pagpapayaman ng kaalaman sa mga pamahiin ng Pilipino sapagkat ito’y isang paraan din ng pagpapayaman sa ating kultura. Ngunit, huwag ipagpilitan ang mga paniniwalang ito sa mga estudyante.

d. Para sa mga magulang, magandang rason ang pagpapayaman at pagpapatuloy ng mga kinagisnang paniniwala ngunit kailangan ding bigyang katwiran ang mga posibleng masasamang epekto sa pagsunod sa mga paniniwalang ito.

e. Para sa iba pang mga mananaliksik, ipagpatuloy pa ang pangongolekta ng mga impormasyon, pag-aaral at pagiimbestiga sa pamahiin, maging sa iba pang mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito ay makakatulong sa pagpapayaman ng kaalaman at pagdedesisyon ng bawat isa.

17

Page 18: Group 8 (2)

LISTAHAN NG SANGGUNIAN

Mga Sangguniang Libro

De Guia, K. (2005). Kapwa, the self in other. Baguio, Philippines: Anvil Publishing Inc.

Enriquez, M.J. (1949). Orakulo ng Kapalaran. Manila, Philippines: Philippine Book

Company.

Hornedo, F. (2000). Culture and Community in the Philippine Fiesta and other

Celebrations.Manila,Philippines: University of Santo Tomas Publishing House.

Mga Sangguniang galling sa Internet

Superstition. (2010). In Merriam-Webster Online Dictionary. Retrieved March 17, 2010,

from http://www.merriam-webster.com/dictionary/superstition

http://fil.wikipilipinas.org/index.php

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Reading_Lessons/

LESSONS/Katutubong_pamahiin.htm

http://enchantress.tblog.com/post/1970020333

18

Page 19: Group 8 (2)

APENDIKS A

Mahal naming Respondente,

Masayang Pagbati!

Kami po ay mga estudyante ng Kolehiyo ng Narsing na kasalukuyang nananaliksik ukol sa mga paniniwala at gawi ng mga kabataang Pilipino na may kaugnayan sa mga pamahiin.

Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoner na ito upang makapangalap ng mga datos na kailangan naming sa aming pananaliksik.

Kung gayon, mangyaring sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging konfidensyal na informasyon ang inyong mga kasagutan.

Marami pong salamat!- Mga mananaliksik

Direksyon: Punan ng angkop na informasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may pagpipilian, kulayan ang mga bilog na tumutugma sa iyong sagot.

Pangalan (Opsyunal): ______________________________________Kasarian: O Lalaki O BabaeEdad: ________

1. Naniniwala ka pa rin ba sa mga pamahiin?o Lubos na naniniwala o Hindi naniniwalao Naniniwala o Hinding hindi naniniwalao Katamtaman lamang

2. Kung hindi ang iyong sagot sa naunang bilang, ano ang dahilan? Pumili ng isa.o Hindi nakakatulong o kabaliktaran ang nangyayario Kadalasan ay mas napapasama o hindi nakasanayano Walang lohikal na basehan o Iba pa: ________________________________

3. Kung oo ang iyong sagot sa unang bilang, ganito mo ito kadalas nagagawa?o Madalaso Paminsan-minsan lamango Madalang

4. Ano-ano sa mga pamahiing babanggitin namin ang madalas at patuloy mo pa ring ginagawa? Maaring pumili ng higit sa isa.o Pag sabi ng “tabi-tabi po” upang makaiwas sa galit ng mga matatapakang duwende o nuno o Paniniwalang may darating na babae kapag nalaglag ang kutsara at lalaki naman kung nalaglag ang tinidoro Paniniwalang may masamang mangyayari pag nabasag ang salamin o Kapag nakakita ng itim na paru-paro, may mamamatay na kamag-anak o kakilala

19

Page 20: Group 8 (2)

o Iba pa: ________________________________________________________________

5. Bakit patuloy mo pa ring ginagawa ang mga pinaniniwalaang ito?o Nakasanayan na lang o Upang makasiguroo Pinipilit ipagawa ng mga nakakatanda o Kadalasang tumutugma ang mga nangyayario Walang masama kung gagawin man ito o Iba pa: _____________________________

20