isang pagsusuri sa kaugaliang pilipino

69
ISANG PAGSUSURI SA KAUGALIANG PILIPINO AMA UNIVERSITY – FAIRVIEW CAMPUS COLLEGE OF ENGINEERING ISANG SULATING-PANANALIKSIK NA IPINASA BILANG ISANG BAHAGI SA PAGSASAKATUPARAN NG ASIGNATURANG FILI0209 ADRIANNE EUMAGUE I-EA ABRIL 2012

Upload: nathan-eumague

Post on 21-Apr-2015

14.478 views

Category:

Documents


180 download

DESCRIPTION

Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino Isang Filipino-subjected based thesis na aking ginawa upang ma-fulfill ang requirements sa aming asignatura sa Filipino. Please lang, huwag kopyahin ang buong content, instead, you may refer to this thesis if kailangan niyo ng reference :DChapters I-V

TRANSCRIPT

Page 1: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

ISANG PAGSUSURI SA KAUGALIANG PILIPINO

AMA UNIVERSITY – FAIRVIEW CAMPUS

COLLEGE OF ENGINEERING

ISANG SULATING-PANANALIKSIK NA IPINASA BILANG ISANG BAHAGI SA

PAGSASAKATUPARAN NG ASIGNATURANG FILI0209

ADRIANNE EUMAGUE

I-EA

ABRIL 2012

Page 2: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

ISANG PAGSUSURI SA KAUGALIANG PILIPINO

Isang sulating-pananaliksik bilang pangsakatuparan sa asignaturang FILI0209: Pagbasa at

Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

______________________________________________________________________________________

TALAAN NG NILALAMAN

I. UNANG KABANATA: Suliranin at Kaligiran Nito

Rasyonal

Layunin

Kahalagahan ng pananaliksik

Makikinabang sa pananaliksik

Kadahilanan ng Kapakinabangan

Batayang Konseptwal

Batayang Teoretikal

Kaugnay na Baryabol sa Pag-aaral

Kadahilanan sa Paghahanap ng mga Panibagong Datos

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Pinagganapan ng mga Nakilahok

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik

Saklaw ng Pag-aaral

Pagbibigay-kahulugan sa mga Salita

II. IKALAWANG KABANATA: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Mga Kaugnay na Literatura

Mga Kaugnay na Pag-aaral

III. IKATLONG KABANATA: Metodo at Pamamaraan

Metodolohiya

IV. IKAAPAT NA KABANATA: Presentasyon, Pagsusuri, at Interpretasyon ng mga Datos

V. HULING KABANATA: Lagom, Konklusiyon, at Rekomendasyon

Page 3: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

DEDIKASYON

Hindi makukumpleto ang pananaliksik na ito kung wala ang mga

taong nagbigay sa akin ng panahon upang matapos ko ang pananaliksik na ito

sa pagbibigay ng tulong pampinansiyal at kaunting suporta.

Una kong pinasasalamatan ang aming propesor sa Filipino, si Bb.

Pamela Zuniga, sa pagiging matulungin sa lahat ng oras na ibinigay sa amin

upang matapos ng buong klase ang kani-kanilang thesis, lalo na sa aking thesis;

at pinapasalamatan ko si G. Reinille Mendoza bilang panelist at nagbigay ng

suhestiyon sa aking paksa.

Pinasasalamatan rin ang tindera namin sa AVA Store na si Regine

de Guzman, sa pagpapaliwanag sa akin ng mga given phrases na hindi ko

maintindihan habang ginagawa ko ang aking pananaliksik upang hindi nakalilito

sa paggawa.

Pinasasalamatan ko rin ang aking kapatid na si Angelica Eumague-

Buban, para sa pagbibigay ng panahon sa akin sa paggawa ng thesis na ito

habang hindi ako nagtitinda sa kanyang tindahan, at sa aking hipag na si Loina

para sa tinta ng aming company printer.

Nais ko ring bigyang-kredito ang aking mga kaibigan sa pangkat ng

engineering, mga kaklase ko, at mga kamag-aral ko sa ibang programa sa buong

AMA Fairview. Sila ang tumulong sa akin sa pagsagot ng mga talatanungan.

Nais ko ring pasalamatan ang aking ina na nagbigay sa akin ng

gantimpala upang makapagpagawa ng salamin sa mata sa pagkakapasa sa mga

kabanata ng pananaliksik na ito.

Higit sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Dakilang Maykapal sa

pagbibigay ng oras at lahat ng lakas upang matapos ang pananaliksik na ito, at

maipasa ang asignaturang FILI0209: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa

Pananaliksik.

- Nathan -

Page 4: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

UNANG KABANATA

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Ang kaugaling Pilipino ay sadyang likas na sa ating lahat. Kung

ating susuriin ang ating mga ikinikilos bilang mamamayang Pilipino, marahil ay

naituro na sa ating lahat ang iba’t-ibang kaugaliang Pilipino na ating kinagisnan.

Ngunit sa makabagong panahon ngayon, tila nag-iiba na ang kaugaliang

nakakasanayan na ng ilan sa atin.

Ang unang bahagi ng pananaliksik na ito ay patungkol sa suliranin

at kaligiran tungkol sa paksa. Dito na rin nakalathala ang iba’t ibang detalye

patungkol sa napiling paksa.

RASYONAL

Bakit nga ba kaugaliang Pilipino ang tema o paksa ng pananaliksik

na ito?

Sa makabagong panahon ngayon, ang kaugalian ng Pilipino ay

nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin. Karamihan sa atin ay itong

ipinepreserba bilang isang pamana sa mga susunod na henerasyon. Magandang

paksain ang kaugaliang Pilipino dahil dito natin malalaman kung ang kaugaliang

Pilipino ay kanais-nais, hindi kagandahan, at mga ugaling sakaling mababago sa

ating lahat.

Nasasalamin sa tesis na ito ang bawat detalye ng kaugaliang

Pilipino – ang magandang kagiliran nito, ang mga hindi magagandang kagiliran

Page 5: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

nito, mga ugaling sakaling mabago sa mga malilipas na panahon, at iba pa. Sa

bawat kaugalian ng Pilipino na nakalathala sa tesis na ito ay may iba’t-ibang

paglalarawan ayon sa gawi ng ating buhay.

LAYUNIN

Ang pakay ng pananaliksik na ito patungkol sa kaugaliang Pilipino

ay ang maimulat ang mga Pilipino sa mga maganda at hindi magandang ugali na

ating namana sa ating mga ninuno. Karamihan sa mga kaugalian ng Pilipino ay

ang mga magaganda, ngunit ang mga hindi kagandahang kaugaliang ating

nakasanayan ay pilit nasisira ang mga magagandang kaugalian.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang maipabatid sa mga

Pilipino kung gaano kahalaga ang isang kaugaliang nakasanayan. Sa bawat

baitang ng ating buhay, may mga ugali na naituturo sa atin mula pa sa mga

ninuno ng mga mas nakatatanda sa atin. Naituturo na sa ating kung gaano

gumalang ng tao, mapagmahal, matulungin, at iba pa.

Ang pangalawang layunin ng paksain na ito ay ang maimulat ang

mga Pilipino sa mga maaaring kalabasan ng kanilang mga ginagawa sa tuwina.

Sa tuwina na sinasabing ito ay ang mga ugaling ipinapamalas natin sa mga

nakakasalamuha natin sa buhay, na nakikita nila sa araw-araw.

Ang maipabatid sa mga tao ng ating bansa na ang kaugaliang

Pilipino ay hindi bina-bale wala, at ito’y pinapahalagahan natin pamula sa ating

mga ninuno. Ilalantad ng pananaliksik na ito ang mga kaugalian ng Pilipino na

igaganda ng kanilang ikinikilos, ang mga kaugalian ng Pilipino na ikasisira ng

kanillang ikikilos. Sa pananaliksik na ito makikita ang mga ugali ng Pilipino na

maaaring mabago sa kung ano mang magiging takbo ng panahon.

Page 6: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Sa makabagong panahon at henerasyon, marami na ang mga

taong naeenganyo sa gadgets, pag-ibig, karahasan, at iba pang bagay na

nagaganap sa ating bansa sa mga panahong nagdaan. Sa makabagong

panahon at henerasyon na ito’y karamihan na sa ating mga kababayang Pilipino

na ang tila ‘nakakalimot’ na sa kaugaliang ating nakasanayan pamula sa ating

mga ninuno, ngunit meron pa ring mga Pilipino ang hindi pa nakakalimot at

magpahanggang-ngayo’y sinsasanay rin nila ang kanilang mga kamag-anakan

sa kaugaliang nakasanayan na.

Bakit nga ba kaugaliang Pilipino ang napili para sa pananaliksik na

ito? Karamihan sa mga tao ngayon, pampubliko man o pribadong lugar, tila

nakakalimot nang magpasalamat sa mga nagbibigay sa kanila ng kahit ano’ng

bagay na mayroon sila o kaya’y natatanggap; hindi na nagbibigay-respeto sa

mga taong kalugda-ludga o kaya’y mataas ang katungkulan; nagsasalita na ng

hindi magagandang salita ang mga tao, kaya pati mga kabataan ay nagaya na

rin sa kanila; at iba pang bagay na hindi kanais-nais na makita ng ating mga

mata sa ngayon.

Sa pananaliksik na ito imumulat ang mga tao sa nangyayari sa

mga kaugaliang ating nakasanayan, na tila binabale-wala na lamang, o hindi

kaya’y nakakalimot na ang karamihan sa atin. Ito ay mailalantad sa

pamamagitan ng mga makakapanayam na magbibigay ng kanilang opinyon,

mga datos, at mga sanggunian na makukuha mula sa Internet at mga libro

patungkol sa pananaliksik na ito.

Page 7: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

MAKIKINABANG SA PANANALIKSIK

Kung ating susuriin ang kaugaliang Pilipino, sino ang maaaring

makinabang ng pananaliksik na ito upang maimulat ang kaisipan nila sa

nagaganap sa lipunan.

Mga estudyante. Sa makabagong panahon ngayon, hindi natin

maiiwasan na ang karamihan sa mga estudyante ay hindi nagagawa ang tamang

respeto sa mga tao. Habang sila’y nag-aaral, kailangang mahasa ang kanilang

isipan patungkol sa pagkatuto ng kaugaliang Pilipino.

Mga guro. Ang mga guro ay ang pangalawang magulang natin,

hindi ba? Sila ang isa sa mga makikinabang ng pananaliksik patungkol sa

paksaing ito. Sila ang nagtuturo sa atin ng tamang pagkilos ayon sa kaugaliang

ating nakasanayan. Sila na rin ang nagtuturo ng ating ginagawa sa tuwina.

Mga ordinaryong tao. Karamihan sa mga makikinabang ng

pananaliksik na ito ay ang mga ordinaryong tao na minsan ay maaari nating

sabihin na aware sila sa kaugaliang Pilipino habang ang iba’y hindi. Sa

pananaliksik na ito imumulat nila ang kanilang isipan kung ano ang tama at mali.

KADAHILANAN NG KAPAKINABANGAN

Page 8: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Ang mga kaugaliang Pilipino ay sadyang napakayaman para ating

lahat. Ngunit ano nga ba ang mga naangkop at hindi naangkop sa atin, at dito na

rin makikita ang mga kaugaliang Pilipino na may iba’t-ibang kahulugan ayon sa

ating nakagisnang buhay.

Ang Kaugaliang Pilipino: Likas na Katangian, Konteksto, at Konstelasyon

Ano nga ba ang kaugaliang Pilipino, at ang katangi-tanging mga

kaugalian sa ating sistema? Ang kaugaliang Pilipino ay ating nakuha ayon sa

ating kulturang nakagisnan, paraan ng pamumuhay, at mga katiyakan na tayo’y

mga tao sa kasalukuyang panahon. Banggitin natin ang kaugaliang Pilipino sa

fourfold sense.

Una, bagamat nagbibigay ng universal na kaugaliang pangtao ang

sankatauhan, ay mayroong pagkakaiba ang mga kaugaliang Pilipino ayon sa

panlasa ng kaugalian. Kung ang mga Griyego ay may meden agan o ideal of

moderation, ang medio stat virtus ng mga Romano, at Doctrine of the Middle ng

Buddhist at Confucians, mayroon naming walang labis, walang kulang,

katamtaman lamang ang mga Pilipino.

Pangalawa, kapag sinasabi ang kaugaliang Pilipino ay hindi ibig

sabihin na ito’y liban sa mga kaugalian ng ibang bansa. Kung ang mga

Amerikano, Intsik, Hapon, at iba pang mga dayuhan ng ibang bansa ay may

sariling istilo sa pagkain, musika, at iba pa; hindi nagpapahuli ang mga Pilipino

dahil mayroon tayong sariling kultura kagaya ng mga mayroon ang ibang bansa.

Pangatlo, ang universal na kaugaliang pangtao sa kontekstong

Pilipino (gaya ng historikal, kultural, sosyo-ekonomikal, politikal, moral, at

relihiyon) ay katangi-tangi sa ibig pakahulugan at motibasyon ng Pilipino.

Page 9: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Ang kaugaliang Pilipino ay hindi kailanman mapapahalaga o

hindi, at hindi ito umiiral ng mag-isa. Ang mga kaugaliang Pilipino tulad ng

bahala na, utang na loob, hiya, pakikisama, pakiusap ay tinipon sa paligid sa

mga sentro ng kaugalian tulad ng social acceptance, seguridad pang-ekonomiya,

social mobility, at ang palaging matatagpuan sa isang tiyak na konteksto o hanay

ng mga pangyayari. Parehong positibong kaugalian at negatibong kaugalian ay

sama-sama na bumuo ng isang katangian na konstelasyon sa paaralan (aralan

sa dasalan [pag-aaral at pagdarasal ng], kuwentuhan sa laruan [nagsasabi ng

kuwento at laro], inggitan sa tsismisan [envying at gossiping]), na naiiba mula sa

configuration na matatagpuan sa mga government offices (pagkakaisa

[pagkakaisa], pagkabayani [kabayanihan], intriga [intriga], palakasan [palabas ng

kapangyarihan], sipsipan [pagsuhol], palusot), sa business firms (palabra de

karangalan [sumpa], delicadeza [pagkapino] , "komisyon", "pagsasauli", padulas

[grease money], lagay [suhol]), o sa mga barrio (paggalang [honoring],

pagdadamayan [umaaliw], bayanihan [kooperasyon], ang bahala na [dumating

kung ano ang maaaring], utang na loob [pagtanaw ng utang na loob], hiya

[bigyan ng kahihiyan] / pakiusap [lumitaw], palakasan [palabas ng

kapangyarihan]). Upang baguhin ang isang balangkas ng mga kaugalian,

maaaring ito ay kinakailangan upang baguhin ang konstelasyon at konteksto ng

mga negatibong kaugalian na humahadlang sa pag-develop ng Pilipino at

Kristiyano.

Ikaapat, maaaring masabi na ang historical na pagsusuri sa

kaugalian ay nasa sa atin. Ang konsepto ng hustisya ay nagbago mula sa hindi

pagkakapareho sa pagkakapantay-pantay, at sa karangalan ng tao; mula sa

angkan, sa pamilya, at sa bayan. Ang kamalayang Pilipino sa mga iba't ibang

mga kaugalian na ito ay nag-iiba-iba sa iba't ibang mga panahon ng ating

kasaysayan. Ito ay nangyari lamang sa huling dalawang dekada na ang mga

Pilipino ay naging mas nakakamalay ng overpopulation at pagpaplano ng

pamilya, environmental pollution, ang wildlife conservation, ang mga paglabag ng

mga karapatang pantao, active non-violence, at People Power.

Page 10: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Ngayong nalaman na natin ang konstelasyon, likas na katangian, at

konteksto, ano nga ba ang nilalaman ng bawat kaugaliang Pilipinong dapat

nating malaman? Unahin natin ang mga positibong ugali ng mga Pilipino.

Ayon sa sangguniang Tagalog bersyon na WikiAnswers, ang

pagkakaroon ng respeto sa lahat ng tao ay nagpapakita ng kung ano ka –

ano’ng pagkatao ang mayroon sa kada indibidual. Kung ano isang tao ay

marunong lumugod sa mga taong kanyang nakakasalamuha, siya ay kalulugdan

rin ng mga taong kinalulugdan niya. Naisasama na rito ang paggalang sa mga

matatanda at nakatatanda, kung saan may mga katawagan tayong inuuna

bago ang kanilang pangalan, gaya ng kuya, ate, manong, manang, o alinmang

katawagang angkop sa kasarian. Mayroon rin tayong mga salita o katagang

nakakadagdag ng ating pananalitang-paggalang, kagaya ng po at opo. Ang

dalawang nabanggit patungkol sa paggalang sa mga mas nakatatanda sa atin ay

nagpapatunay lang na marunong magbigay ng respeto ang mga Pilipino.

Ang pagiging matibay ang pundasyon ng pamilya ay

nagpapatunay na ang Pilipino ay likas na mapagmahal sa kanyang pamilyang

kinagisnan, lalo na’t may mga anak silang nagsi-asawa na’y pumupunta pa rin sa

kanila para manatiling buo ang pamilya.

Ang pagkakaroon ng takot sa Diyos (o minsan ay tinatawag na

rin na may pananalig sa Diyos) ay nagpapatunay lamang na ang tao’y nananalig

sa Diyos sa araw na may dinadala siyang problema, nakatatanggap ng mga

biyaya, o hindi naman kaya’y gustong makatanggap ng kapatawaran sa lahat ng

nagawang sala sa buhay. Kapag wala na’ng pag-asa ang isang tao ay humihingi

ito ng tulong sa ating Panginoon para maresolbahan ang kanyang dinadalang

‘pasanin’ sa buhay.

Page 11: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Ang bayanihan naman ay naglalarawan ng pagtutulungan ng

mga Pilipino tungo sa isang magandang bukas, kagaya ng simpleng pag-aani ng

mga itinanim na mga palay sa palayan, paglilipat ng mga bahay-kubo,

pakikipagtulungan sa oras na kailangan ng tulong, at iba pa. Dito sa bayanihan

na ito nakukuha ng mga Pilipino ang kooperasyon sa kada tao na kasapi ng

kanyang komunidad.

Ang pagiging matulungin ng mga Pilipino ay isa sa mga

magandang kaugalian ng ating bansa dahil ito ay nagbibigay ng kooperasyon sa

pagitan ng tao sa kapwa tao, tinutulungan ang bawat isa sa panahon ng sakuna

o problema. Marami nang napagdaanan ang ating bansa pagdating sa suliraning

kalamidad at iba pang problema ng bansa, ngunit ang pagtutulungan at

pagkakaisa ng bawat Pilipino ang nagpapa-init ng ating mga damdamin,

maaaring ihalintulad na ito sa bayanihan na ginagawa pa noong unang panahon.

Kahit ano’ng laki ng problema ng bawat isa sa atin ay nagagawa pa ng ibang tao

na tulungan, o gumawa ng paraan upang matulungan ang isang tao.

Sa isang pamilya, isa sa mga anak nila ay kailangang magkaroon

na ng kabiyak para mas matulungan pa nila ang kanilang pamilya, at higit sa

lahat ay makumpleto ng isang kasapi ang kanyang buhay-pag-ibig. Dito papasok

ang sinasabi nilang pamamanhikan, kung saan ang lalaki noon ay nagtatrabaho

sa bahay ng babae sa loob ng isang taon para mapayagan ng pamilya kung ang

lalaki’y karapat-dapat na ibagay sa kanilang anak. Hindi na siguro nauuso pa ang

ganitong istilo ng pamamanhikan, ngunit ang nagaganap sa ganitong kaugalian

ay ang pagpapakilala ng pamilya ng mapapangasawa sa bago nitong

kabibilangang pamilya, at pagiging mainit o matibay ang samahan sa pagitan ng

pamilya ng dalawang pamilya.

Tuwing sumasapit ang araw ng mga patay, ang isa pang

kaugaliang Pilipino ay ang pag-alala ng mga tao sa kanilang mahal sa buhay

na yumao na. Ang paghahandog ng mga bulaklak, nakasinding kandila, mga

Page 12: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

pagkain, at masasayang kuwentuhan ng mga natirang mieymbro ng naiwan ang

kadalasang ginagawa ng mga tao sa tuwing sasapit ang araw ng pag-alala ng

kanilang yumaong mahal sa buhay.

Ngayong nabanggit na ang mga positibong kaugalian ng mga

Pilipino, ano naman ang kanyang mga kasalungat na kaugalian?

Ayon sa sanggunian sa Internet na Kuro-Kuro.org, may mga

kaugaliang Pilipino na labis na hindi kagandahan na makita sa araw-araw. May

mga taong kadalasan ay naninira ng personalidad ng iba, at mayroon naming

namana ayon sa kultura ng mga Kastila. Heto ang ilan sa kanila:

1. Ang colonial mentality. Ang mga Pilipino ay likas na nanggagaya ng kahit

anumang bagay na mayroon ang mga banyaga, ngunit karamihan sa mga

Pilipino mula noon hanggang ngayon ay tila ‘nahuhumaling’ sa gawang-banyaga.

Hindi natin maaaring itanggi na tayo’y sinakop ng tatlong nasyonalidad: Kastila,

Hapon, at Amerikano, ng ilang taon. Nakuha natin sa kanila ang iba’t-ibang

bagay na mayroon sila. Ano nga ba ang ibig sabihin ng colonial mentality? Ito ay

ang isang ugali ng tao na mas gusto niyang i-patronize ang produkto ng ibang

bansa kaysa sa kanyang bansang sinilangan. Dito na pumapasok ang

produktong stateside na binibili ng mga tao, panonood ng mga hi-tech na

pelikula, pagkakaroon ng imported na gadgets, at iba pa.

2. Ang crab mentality. Kung ang isang tao ay palagiang umaasenso sa

kanyang buhay sa sikap at tiyaga, mayroon ring mga tao na gustong sirain ang

pagkatao, o hindi naman kaya’y hinihila ng naninira ang estado ng isang tao

pababa. Ito ang tinatawag na crab mentality, kung saan ang isang tao’y hindi

masayang makakita ng taong umaasenso sa buhay.

Page 13: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

3. Padrino system. Ano nga ba ang ibig sabihin ng Padrino system na ito? Ito

ay ang pagpapakilala ng isang tao sa isa pang tao na ito ‘raw’ ay matulungin o

kayang tumulong sa mga problema ng isang tao.

4. Mapanghusga. Ang mga Pilipino sa ngayon ay kadalasang nanghuhusga ng

ugali o ng pagkatao ng isang indibidual. Alam naman natin ang kasabihan sa

Ingles na ‘don’t judge a book by it’s cover’ na nagpapakahulugan lamang na

huwag tignan sa pisikal na anyo kundi sa loob nito; ngunit mayroon talagang

mga tao na pilit pinipintasan ang bawat taong may kaunting mali sa kanila.

5. Pagkalimot sa nakaraan (short-term memory). May mga kasalanan tayong

nagawa sa isang tao, isang grupo, o sa buong bansa kung ikaw ay isang

presidente ng bansa. Marami sa mga pulitiko ang ganito, ngunit mayroon ring

mga tao ang ganito ang ikinikilos. Ito ay isang kaugalian na hindi malaman kung

sa positibo o negatibong ugali ito nabibilang, dahil pagkatapos ng naganap ay

nakakalimutan nila ito.

6. Matigas ang bungo/ulo (hard-headed). Alam na nating lahat na may taong

minsan, o kadalasan, matigas ang ulo. Hindi sinasabi na matigas ang bungo o

ulo ng isang tao, kundi ang utak na ginagamit sa pag-iisip. Marami sa mga tao

ang matitigas ang ulo dahil isang simpleng babala lang ay pilit nilang sisirain ang

babala, gaya ng ‘huwag magtapon ng basura’ pero makikita mo’y puro basura.

Pilit sinisira ng tao ang isang bagay na para sa kanyang sarili.

7. Nagkukulang sa disiplina at aksyon. Ang disiplina at pag-aksyon ay itinuturo

na sa atin pamula sa ating mga paaralan, ngunit may mga taong nagkukulang sa

disiplina at pag-aksyon. Ihalimbawa na lamang natin na may napatay na obrero,

imbes na tulungan o idala ang report sa himpilan ay pababayaan nila ito kung

saan ito nakahandusay, hindi sila gumagawa ng aksyon. Ang pagiging matigas

ang ulo ay ang resulta ng pagkawala ng disiplina sa sarili.

Page 14: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

8. Ningas cogon. Ang kaugalian ng Pilipino na dapat nang mawala sa ating

dahil ito ay parang isang cogon na damo. Ang cogon ay isang damo na madaling

mabuhay at madaling mamatay. Ang tao ay mabilis gumawa’t mabilis mapagod.

Ang ningas cogon ay isang uri ng ugaling Pilipino na sa una’y masisipag

gumawa ng maraming hangarin at sa pagtagal nito’y nagsasawa na rin silang

gawin.

9. Pagiging racist. Kung akala natin ay mga Amerikano lang ang mga ganito,

marami rin sa atin ang ganito ang ugali. Ang racism ay isang uri ng hindi

magandang ugali na kung saan parang ‘nandidiri’ ka sa isang tao na siyang dugo

mo, dugo ng bayang sinilangan. Kagaya na lamang ni Angie Ligot na nag-post

sa Facebook, sinasabi niya na tayong mga Pilipino’y sadyang pango ang ilong,

hindi kaputian ang kulay, at iba pa. Siya marahil ang isa sa mga halimbawa ng

mga racist.

10. Manana habit. Ito ay nanggaling sa Kastila, na ang ibig sabihin ay

prokastinasyon, o ang pagpapaliban sa pinagagawa sa kanya at mabilis na

gagawin ito pagdating ng eksaktong araw upang magkaroon lamang ng isang

bagay na kabilang sa pinagagawa sa kanya. Maraming tao sa gobyerno,

paaralan, pamantasan, bahay, at iba pang lugar ang gumagawa ng ganito, na

akala nila’y maganda ang dulot nito sa kanila.

Ngayong nabanggit na ng pananaliksik na ito ang mga positibo

at negatibong kaugalian ng mga Pilipino, tignan natin ang maaaring mabago sa

ating kinasanayang kaugalian, ayon sa binasa ni Ginoong Tomas Andres na

Emerging Filipino Values na pamula sa tesis ni Mila Llacuna:

1. Ang pagkawala ng pagiging mainitin ang pagtanggap sa mga bisita. Kung

ang ikinaganda ng kaugaliang ito ay ang pagbibigay ng kahit ano’ng bagay na

maaari nilang iuwi, o kahit ano’ng pagkain na inihanda sa kanila, ang kasalungat

nito’y marahil ay ang pagkababa ng kanilang pinansiyal na bagay-bagay, upang

Page 15: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

magkaroon sila ng oras at panahon sa pagtitipid. Hindi gaanong nagpapahanda

ng sobra-sobra ang mga Pilipino pagdating sa pagdating ng mga bisita, dahil na

rin sa nagbabagong ekonomiya ng ating bansa, o financial status ng nasabing

pamilya.

2. Ang katapatan (loyalty) sa tao base sa utang na loob. Ang pagkakaroon ng

utang-na-loob sa isang tao ay maaaring maabuso sa kahit ano’ng pagkakataon.

May mga naimbentong salita kagaya ng balimbing at sipsip ang nasasabi ng

mga tao sa tuwing nagkakaroon ng masyadong katapatan ang isang tao sa

kanyang kinalulugdan.

3. Ang mga Pilipino ay nagkakaroon ng hiya sa kanilang sarili upang isigaw

ang kanilang nararamdaman. Mayroong mga tao na nais nilang magpahayag

ng kanilang iniinda, o opinyon patungkol sa mga nangyayari sa ating bansa sa

ngayon. Ang mga ito’y naghahangad ng magandang bukas sa ating bansa sa

pamamagitan ng kanilang boses-hinaing, ngunit ang iba’y walang lakas ng loob

na ihayag ang nararamdamang hindi tama sa mga nangyayari.

4. Ang tinatawag na sipsip. Ang sipsip noon ay tinatawag sa isang tao na gusto

niyang makakuha ng mas mataas na kahit ano’ng bagay sa kinalulugdan niya,

bagkus, ito’y isang insulto sa isang tao. Sa makabagong panahon, ang sipsip ay

ginagamit na salita sa pagkakaroon ng pagtitiyaga o perseverance. Ito’y

ginagamit na salita para maiahon ang mga tao tungo sa pagbabago.

5. Ang pagkakanya-kanya. Bawat isa sa atin ay gustong gawin ang nais gawin,

ngunit may mga taong tila depende ang gagawin nila sa isang tao. Ang sariling

sikap (self-reliance) ay isang uri ng kaugaliang Pilipino na maaaring gawin ng

isang tao para matapos niya ang isang gawaing naka-destino sa kanya’t

maisagawa ito sa ayos sa sariling tiyaga, habang ang nakasandal sa pader

(parasitism) ay ang isang hindi kagandahang kaugalian ng Pilipino na ang isang

tao’y nakadepende sa gagawin ng isa.

Page 16: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

6. Pagkakaisa na karamihan ay ating ginagawa. Siguro naman ay hindi natin

makakaligtaan ang ginawa ng mga tao noong Pebrero 1986 na pagkakaisa sa

pagpapatalsik kay Presidente Marcos at pagkakaroon ng bagong bukas sa

pamamagitan ng ‘walang bahid ng dugong labanan’ na People Power sa

pangunguna ni Presidente Aquino (Cory)†. Dito sa nangyaring People Power,

nagkaisa ang sambayanang Pilipino na magkaroon ng magandang bukas.

Ipinapahiwatig ng kaugaliang ito ang pagtutulong-tulong ng mga tao na

magkaroon ng magandang bukas.

7. Ang lakas ng loob. Ang mga Pilipino ay sadyang malakas ang loob kahit ano

ang problemang danasin ng ating bansa o hindi kaya’y ng kanyang pamilya. Ito

ay isang batayan ng tao upang mabuhay sa pabago-bagong panahon at

modernisasyon.

Nailathala na rito sa pananaliksik na ito kung anu-ano ang mga

inilalarawan ng bawat kaugalian ng Pilipino. Bawat ugali na nabanggit ay may

positibo o negatibo na epekto sa ating nakasanayan, ngunit nasa tao pa rin ang

pasya.

Page 17: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

BATAYANG KONSEPTUAL

Unang paglalarawan: Ang proseso ng kaugaliang Pilipino

KAUGALIANG PILIPINO

INPUT PROSESO AWTPUT

Page 18: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Pangalawang paglalarawan: Paano naipapasa/naipapamana ang kaugaliang

Pilipino.

KAUGALIANG

PILIPINO

Ang kaugaliang Pilipino ay isang kultura ng

ating bansa kung saan ipina-pamalas ng

bawat tao sa ating bansa ang mga nakasanayang

kaugalian na maaaring makabuti o hindi

makabuti sa kanilang buhay. Ang karamihan

sa mga kaugaliang Pilipino ay namamana mula sa mga ninuno at

ang iba’y sa mga banyagang sumakop

sa ating bansa.

Paano nga ba naipapasa ang mga

natututunan natin na mga kaugalian?

Ito ay karaniwang itinuturo sa atin ng

ating mga nakatatanda habang

tayo ay maliit pa. Bukod sa mga pangunahing

kaugaliang itinuturo sa atin, sinasanay na rin

nila tayo sa mga kaugalian kapag may

tradisyon sa mga bayan.

Ang isang Pilipino ay nagkakaroon ng

mabuting pakikitungo sa ibang tao, at kung

anuman ang ginagawa niya’y babalik rin sa

kanya.

Kapag hindi naturuan ang isang tao na matuto ng dapat

matutunan, nag-iiba ang kaugaliang

kanyang nakakasanayan.

Page 19: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Ang mga flow charts na nakalarawan patungkol sa paksa ng

pananaliksik na ito ay may mga ibig iparating sa atin, ngunit ano nga ba ang ibig

sabihin ng mga nakapa-skil na paglalarawan patungkol sa paksa?

Suriin ang ikalawang flow chart. Dito nakasentro ang kaugaliang

Pilipino, at ang mga proseso na kanyang daraanan. Sa unang kahon, dito

nakikita ang kanyang input. Ang kaugaliang Pilipino ay isang cultura ng ating

bansa na kung saan ito ay ating natututunan sa ating mga tahanan, at itinuturo

ng ating mga nakatatanda. Sa input na ito nag-sisirkulasyon kung ang

kaugaliang Pilipino na kanyang namana ay nakabubuti sa kanya o hindi.

Mayroong mga kaugaliang Pilipino na pamula sa ating mga ninuno ay ating

namana, kagaya ng respeto sa matatanda, pundasyon ng pamilya, pagiging

matulungin, at iba pa; at hindi magandang kaugalian kagaya ng manana habit,

ningas kugon, padrino system, colonial mentality, crab mentality, at iba pa.

Sa ikalawang flow chart pa rin, ating suriin ang ikalawang kahon.

Dito nababase kung paano napo-proseso ang kaugaliang Pilipino. Siguro noong

inyong kabataan ay naitatanong ninyo kung bakit kailangan nating matutunan

ang kaugaliang Pilipino. Sa prosesong ito maipapaliwanag ang ating

katanungan.

Sa ating mga tahanan, may mga mas nakatatanda sa atin na pilit

tayong tinuturuan ng mga kaugaliang kailangan nating maisanay upang

pagdating ng panahon ay maituturo na natin ito sa mga susunod na henerasyon.

Itinuturo sa atin ang mga kaugaliang Pilipino, sa maganda’t sa hindi kagandahan,

upang tayo ay magkaroon ng sariling disiplina sa ating mga ikinikilos. Ito ang

nagpapatunay na ang isang tao ay naturuan ng maayos na kaugaliang

kailangang maisanay at nagpapatunay na rin na namana niya ang isang bahagi

ng kulturang Pilipino.

Page 20: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Ating suriin muli ang ikalawang flow chart, at suriin ang ikatlo at

huling kahon. Ano nga ba ang posibleng awtput ng kaugaliang Pilipino?

Ang mga posibleng awtput ng paksang ito ay ang: (1) posibleng

pag-adopt ng isang Pilipino ang mga kaugaliang kailangang masanay upang

magkaroon ng mabuting personalidad, at (2) ang posibilidad na hindi ma-adopt

ng isang Pilipino ang mga kaugaliang kailangang masanay, o kung ito’y nasanay

man, may mga taong nag-udyok sa kanya na huwag gawin ang nakasanayan.

Sa paglaki ng bawat tao sa ating bansa ay nakikita sa kanilang ikinikilos kung

ang kaugaliang naituro sa kanila ay naisanay nang mabuti o hindi.

BATAYANG TEORETIKAL

Ang Hiyerarkiya ng Pangangailangan ni Maslow ay isang teorya sa

sikolohika na ipresenta ni Abraham Maslow sa kanyang inilathala noong 1943 na

A Theory of Human Motivation.

Ang teorya ni Abraham Maslow ay nagkaroon ng epekto sa pag-

aaral ng mga kaugalian ng tao at kinakailangang matutunan ito ng bawat tao sa

atin. Ang paglalarawan ng Hiyerarkiya ng Pangangailangan ay ating tignan:

Page 21: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Ating suriin ang diagram na ginawa ni Abraham Maslow patungkol

sa Hiyerarkiya ng Pangangailangan, kung saan makikita natin ang limang

baitang ng nasabing diagram.

Unang suriin ang pangangailangang sikolohikal (physiological

needs) na nasa ilalim ng diagram. Ito ay ang mga pangunahing pangangailangan

ng tao, kagaya ng pabahay, pagkain, tubig, pagtulog, paghinga, at iba pang

bagay. Ito ay ang pangunahing sangkap ng isang tao para mabuhay sa mundo.

Ikalawa naman ang pangangailangang seguridad (safety needs).

Ano nga ba ang nakapaloob dito? Ito ay ang mga bagay na dapat nating ingatan

sa buhay – ating sarili, ating pamilya, ating mga ari-arian, at ating kalusugan.

Hindi tayo basta-basta mabubuhay kung an gating sarili o ang inaalagaan nating

mga bagay-bagay ay napapabayaan nang walang proteksiyon.

Ikatlo ay ang pagiging mainit ang pagmamahal sa ating mga mahal

sa buhay (belongingness and love needs). Tayong lahat na Pilipino ay may kani-

kanyang pamilya na inaalagaan, at dito na tayo natuto ng kailangang matutunan

sa buhay, naisasama na rito ang kaugaliang Pilipino. Tayo ay ipinanganak na

dapat matuto ng pagmamahal sa isa’t-isa sa ating pamilyang nakagisnan. Sa

baitang na ito natin natututunan ang pagmamahal sa ibang tao na ating kilala.

Ikaapat na bahagi ng hiyerarkiya na ito ay ang esteem. Ano nga ba

ang salitang esteem? Ito ay ang nagsusukat ng ating sarili, ang mga ugaling

ating ikinikilos sa araw-araw na buhay. Ang isang tao ay kailangang may

panatag na loob, kalakasan ng loob, respeto sa sarili at sa ibang tao, at

pagkakaroon ng sariling tiyaga tungo sa tagumpay. Sa baitang na ito nai-

dedevelop ang ating pagkatao ayon sa ating ikinikilos.

Page 22: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Ang huling baitang ng hiyerarkiya ng pangangailangan ni Maslow

ay ang self-actualization. Dito na natin ginagawa ang mga bagay na dapat nating

ikilos ay naaayon sa ating iniisip. Ang pagiging malikhain, ang pagiging open-

minded sa mga nagaganap, pagtanggap sa katotohanan, pananagutan, at iba

pang bagay, ay naisasaloob sa baitang na ito. Bawat bagay na ating ginagawa

ay ginagawan ng desisyon bago isagawa ang dapat.

Ang Social Learning Theory ni Albert Bandura

Pinag-aralang mabuti ni Albert Bandura ang pundasyon ng pag-

aaral patungkol sa pagkatuto ng mga tao at tendensiya ng mga kabataan at mga

matatanda sa pag-imita ng mga kaugaliang kanilang nakikita.

Ang Pag-aanalisa ng Agresyon

Ang pananaliksik ni Bandura kasama ni Richard Walters na

humantong sa kanyang unang libro, ang Adolescent Aggression noong 1959, at

sa isang kasunod na libro na pinamagatang Social Learning Analysis noong

1973. Sa isang panahon na pinangungunahan ng behaviorism sa moldihan ni

B.F. Skinner, si Bandura ay naniniwala na ang tanging asal na nagmo-modify ng

gantimpala at kaparusahan sa klasikal na operant conditioning ay hindi sapat

bilang isang framework, na ang maraming pag-uugali ng tao ay natututunan mula

sa ibang tao. Si Bandura ay nagsimulang pag-aralan ang mga paraan ng

pagtrato sa sobrang pagka-agresibo ng mga kabataan sa pamamagitan ng

pagkilala sa mga mapagkukunan ng karahasan sa kanilang buhay. Ang unang

pananaliksik sa lugar ay nagsimula noong 1940’s sa ilalim ni Neal Miller at John

Dollard; ang napagpatuloy na trabaho ni Bandura sa linyang ito sa paglaon ay

nakulmina sa eksperimentong Bobo Doll, at noong 1977 na dominanteng

treatise, ang Social Learning Theory. Karamihan sa mga inobasyon ni Bandura

ay dumating mula sa kanyang pokus sa obserbasyon, pagsisiyasat, at mga

Page 23: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

pagsisiyasat na maaaring ma-replika, na kung saan ay salungat sa isang field ng

sikolohika na pinangungunahan ng mga teorya ni Freud.

Ang Eksperimentong Bobo Doll

Noong 1961, si Bandura ay gumawa ng isang mapagtatalunang

eksperimento na kilala sa eksperimentong Bobo Doll, para pag-aralan ang

pagkakaparehas ng mga ugali, nang hindi bababa sa bahagi, ng Social Learning

Theory, at ang pag-uugali na natututunan sa pamamagitan ng mga indibidwal na

humuhubog sa kanilang sariling pag-uugali matapos ang pagkilos ng mga

modelo. Ang eksperimento ay hinusgahan sa pamamagitan ng ilan sa wastong

lugar para sa mga batang nagsasanay patungo sa agresyon. Ang mga resulta ni

Bandura sa Bobo Doll ay nagbago ang kabuuan ng modernong kaisipan, at

malawak na kredito para sa pagtulong sa pagbabago ng pokus sa akademikong

sikolohiya mula sa dalisay na behaviorism na nagbibigay-malay sa sikolohiya.

Ang eksperimento ay kabilang sa mga pinaka-lauded at tanyag sa mga

eksperimentong pang-kaisipan.

KAUGNAY NA VARYABOL SA PAG-AARAL

Ang kaugnayan ng Hiyerarkiya ng Pangangailangan ni Abraham

Maslow sa kaugaliang Pilipino ay ang ugali ng isang tao. Bakit nga ba naiuugnay

ito sa tao? Nasa tao ang desisyon kung susundin niya ang kaugaliang Pilipino na

kanyang kinamulatan sa buhay. Sinasabi sa baitang na self-actualization na ang

isang tao ay handa nang gumawa ng mga bagay na una niyang

pagdedesisiyunan bago isagawa ang gawain.

Isa pang kaugnayan dito sa paksa na ito ay ang belongingness and

love needs na nasa ikatlong baitang ng hiyerarkiya. Ang isang Pilipino ay

kailangan ng pagmamahal na nagmumula sa kanyang pamilya at ibang tao, at

Page 24: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

bawat taong nakakasalamuha niya’y may naituturo sa kanya na kung ano ang

dapat gawin at hindi dapat gawin.

Ayon kay Dr. Tomas Andres, ang hiyerarkiya ng pangangailangan

na ito ay maaaring iugnay sa mga nakasanayan na kaugalian ng mga Pilipino:

1. Pagiging malapit ang loob sa pamilya. Ito ay ang pangunahing kaugalian ng

Pilipino na kung saan ay ang isang pamilyang Pilipino ay malapit sa isa’t-isa. Dito

naisasanay nila ang kanilang mga sarili sa paggawa ng mga bagay-bagay na

nagkakaroon ng desisyon bago gawin ang isang bagay.

2. Reciprocity. Naiuugnay rito ang utang-na-loob na ating nakasanayang mga

Pilipino. Dito madalas naiuugnay ang pagkakaroon ng pagbibigayan sa bawat

isa, na kung saan ay nakikita natin ito sa mga pista-opisyal sa mga lugar. Dito

natin naipapamalas ang pagbibigay ng utang na loob sa bawat taong ating

nakakasalamuha.

3. Pakikisama. Ang bawat isa sa atin ay may mga taong nakakasalamuha.

Karamihan sa atin ay may mga kaibigang handing tumulong sa atin sa oras ng

problema. Kahit ano pa man ang ating itsura o kahit ano’ng mali sa atin ay

kanilang tinatanggap, dahil sa iisa ang ating dugo.

4. Pag-unlad. Sabihin natin na naghihirap ang karamihan sa atin, ngunit may

mga taong kahit naghihirap na sila ay gumagawa at gumagawa sila ng paraan

upang makaligtas sa pagsubok sa buhay. Ang mga taong walang magawa sa

buhay nila ay gumagawa ng diskarte upang mabuhay sila sa kanilang

pinagdaraanan.

5. Self-esteem, pagkamagaling, pagkabayan. Ang isang Pilipino ay gustong

magkaroon siya ng respeto sa ibang tao at gayundin sa kanya. Kung ang isang

tao ay marunong rumespeto sa ibang tao, gayundin ang babalik sa kanya.

Page 25: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

KADAHILANAN SA PAGHAHANAP NG MGA PANIBAGONG DATOS

Ang mga teorya patungkol sa kaugalian ng tao ay nabanggit na sa

pananaliksik na ito, ngunit paano naman masusuri ang kaugaliang Pilipino sa

tunay na buhay.

Ang pananaliksik na ito ay kumuha ng humigit-kumulang na tatlumpung

tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng questionnaires upang masagutan ang

mga sumusunod:

1. Inaamin mo bang sibilisado ka na ng makabagong panahon?

2. Dapat ba nating tangkilikin an gating kultura pagdating sa mga ugali?

3. Ano ang nagustuhan mong kaugalian ng Pilipino na ginagawa hanggang sa

panahon na ito?

4. Ano naman ang hindi kanais-nais na kaugalian ng Pilipino na ginagawa

hanggang sa panahon na ito?

5. Bakit kailangang matutunan ng mga susunod na henerasyon ang kaugaliang

Pilipino?

Ang naturang katanungan sa questionnaire ang mag-gagabay sa mga

nakilahok sa pagsagot ng katanungang ito, at magkakaroon ng ideya ang taga-

saliksik kung ano sa dalawang kasagutan ang mas lalamang at makukuha ang

porsyento.

Page 26: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mga kaugalian ng Pilipino.

Ang pag-aaral, pag-aanalisa, paglalathala, pagbabasa, at iba pang bagay na

naisagawa sa pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa mga magagandang

kaugalian ng Pilipino, mga hindi kagandahang kaugalian ng Pilipino, mga

maaaring mangyari sa kaugaliang ating nakasanayan, mga teoryang pumapaksa

sa maaaring epekto ng kaugalian ng tao, at kung bakit kailangang maimulat ang

mga tao sa ganitong bagay.

Ang kaugaliang Pilipino ay isang likas na kultura ng ating bansa na

isa sa mga pinagbibigyan natin ng halaga. Ito ay natututunan sa ating mga

tahanan noong mga bata pa tayo, at itinuturo ng ating mga magulang.

Ano ang mga posibleng maaaring problema ng pananaliksik na ito?

Karamihan sa mga Pilipino ay hindi nakasusunod sa kaugaliang

Pilipino na kanilang natutunan noong kanilang kabataan. Marami sa kanila ang

pagpapabaya ng kanilang ginagawa, hindi na nagbibigay-daan o respeto sa mga

nakakasalamuha nilang tao, napapabayaan na ang sariling pamilya, at iba pang

maaaring problema ng kaugaliang Pilipino.

Page 27: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

PINAGGANAPAN NG MGA NAKILAHOK

Ang mga nakilahok patungkol sa paksaing ito ay ginanap sa

pamamagitan ng pagbibigay ng mga questionnaires sa AMA Fairview Campus.

Ang naitanong sa paksain na ito ay kung ano na ba sa kanila ang

kaugaliang Pilipino sa makabagong panahon at henerasyon.

Napili ng mananaliksik ang questionnaires dahil ito ay madali lang

ipasagot sa mga tao, at upang makita ang frequency at porsyento ng mga mga

taong sumagot sa isa sa mga kategorya.

INSTRUMENTONG GINAMIT SA PANANALIKSIK

Ang mga instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito patungkol sa

pangunahing paksain ay ang mga sanggunian sa Internet; sanggunian na mga

libro, gaya ng Filipino at Values Education; mga taong maaaring makasagot sa

mga itinatanong ng paksain na ito.

Upang matunghayan naman ang paggalaw ng mga kinakailangang

datos, gagamit ang mananaliksik ng mga questionnaires na may limang

katanungan na may relasyon sa paksain.

Page 28: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

SAKLAW NG PAG-AARAL

Ang saklaw ng pag-aaral patungkol sa kaugalian ng Pilipino ay ang

mga sumusunod:

Ang paglalahad ng mga kaugaliang nakasanayan na ng mga Pilipino: ang

mga kanais-nais na ugaling Pinoy, mga hindi kanais-nais na ugali ng

Pinoy, mga posibleng mabago sa ugali ng tao.

Mga posibleng teorya na maaaring tumalatalakay sa ugali ng isang tao,

gaya na lamang ng hiyerarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow

at ang Social Learning Theory ni Albert Bandura.

PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA

1. Gadget

Ang gadget ay ang mga bagay na nilikha sa tulong ng teknolohiya.

Ito ay ang mga bagay na ginawa ng iba’t-ibang tao upang mapabilis ang kanilang

pakikipag-panayam sa kanilang gustong kausapin, mapadali ang kanilang mga

gawaing-pambahay, maalis ang kalungkutan, at iba pang bagay na maaaring

magawa nito.

Ang gadget ay maaaring makaapekto sa ating pangunahing gawain

gaya ng paglilinis ng bahay, pag-aaral, pag-ibig, oras sa pamilya, at iba pa.

Kadalasan, ang mga ito’y nakasisira ng konsentrasiyon ng pag-aaral sa mga

estudyante. Ito’y nakasisira rin ng relasyon ng dalawang nagmamahalan.

Page 29: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

2. Facebook

Ang Facebook ay isang social-networking website na ginawa

noong mga bandang taong 2004 hanggang 2005, ni Mark Zuckerberg, kasama

ang kanyang mga kaibigan. Ito ay nagmula sa isang tesis na kanilang ginawa na

nalaon sa isang website.

Ang naturang social-networking site ay mayroong mga nilalaman

na kung saan ay nae-engganyo ang mga tao na gawin ito sa mga wall ng mga

tao, gaya ng Like, Share, Poke, mga laro na nasa naturang website, mga sulatin

(notes), at pagpo-post ng mga status. Nakikita sa website na ito ng mga tao ang

kanilang mga mahal sa buhay o hindi kaya’y nagging parte ng buhay nila.

3. Internet

Ang internet ay ang termino sa mga maliliit na kung tawagin natin

ay networks upang magkaroon ng access ang mga tinatawag na networks sa

pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang tao sa malalayong lugar.

Ang internet ay ginagamit sa pakikipag-komunikasyon sa isa’t-isa

noong panahon na nagkakaroon ng giyera sa ibang bansa, o ginagamit siya

bilang communication device sa mga unibersidad ng Amerika. Sa panahon

ngayon, ang internet ay ginagamit na rin upang maghanap ng mga bagay-bagay

na maaari mo nang makita, kahit ang mga karahasan na ginagawa sa internet.

4. Social networking sites

Ang mga social networking sites ay ang mga pahina sa Internet

na siyang nagbibigay ng kulay sa ating tinatawag na virtual world. Naipapaloob

ang social networking sites bilang isang rekreasyon ng isang tao.

Page 30: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Isang halimbawa ng social networking site ay ang Facebook, na

siyang isa sa mga naging instrumento ng pananaliksik na ito. Ang ibang mga

naturang bagay ay ang Twitter, Myspace, Tumblr, at marami pang iba.

5. Mass media

Ang mass media ay tumutukoy sa lahat ng pang-teknolohiya na

media devices na inilalaan upang maabot ang malaking madla sa

pamamagitan ng pakikipag-komunikasyon sa masa (o sa tinatawag natin na

mass communication).

Ang mga broadcast media (o mas kilala bilang mga elektronikong

kagamitan sa media) ay inihahatid ang kanilang mga impormasyon at ito’y

binubuo ng telebisyon, radio, pahayagan, pelikula, CD, DVD, at iba pang mga

gadgets katulad ng mga kamera at ibang consoles.

Page 31: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

IKALAWANG KABANATA

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga impormasyon patungkol

sa mga lathaing sanggunian na ginamit upang magkaroon ng buhay ang

pananaliksik na ito. Dito nakalagay ang lahat ng mga librong nagamit sa

pananaliksik at ilang pahina mula sa mga web pages.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang bahaging ito ay naglalaman ng ilan sa mga literatura na

ginamit sa pananaliksik na ito. Dito rin nakalagay ang ilang sanggunian mula sa

mga web pages.

Mga librong sanggunian

Ang social learning theory ay pumopokus sa atensyon ng mga

kondisyon na nakaaapekto sa acquisition, kasanayan, at kaayusan ng pag-

uugali. Sa obserbasyonal na pagkatuto o paghulma, ang mga tao ay maaaring

makakuha ng kumplikadong pagkakaparehas na pag-uugali kahit hindi

magkaroon ng gantimpala. Albert Bandura, Personality 2nd Edition,

Limpingco at Tria

Ang Emerging Filipino Values ay isang master’s thesis ni Gng.

Mila Llacuna na kung saan nakalagay ang mga posibilidad na maaaring mabago

sa pag-uugali ng Pilipino, gaya lamang ng pagkakaroon ng katapatan, lakas ng

loob, pagkakanya-kanya, pagiging sipsip, kakulangan sa pagsigaw ng hinanakit

sa demokrasya, at iba pa. Dito rin inihalintulad ni Dr. Tomas Andres ang kanyang

Page 32: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

hierarchy of needs bilang pagkakaroon ng posibilidad na pagiging simple ng mga

Pilipino sa hiyerarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow. Tomas Andres,

Steward on Earth 2nd Edition, Ma. Victoria Tuvilla

Mga sanggunian sa web pages

Ayon kay limarx214 sa Kuro-kuro.org:

“Sa pagpapalit ng bagong pangulo ng bansa marami ang umaasa

ng pagbabago; pagbabago sa sistema ng gobyerno, sa ating

pamumuhay, sa ekonomiya at sa marami pang iba. Nabuhay na

muli ang pag-asa ng mga Pilipino na matagal ding natulog at

naudlot. Ang penomenal na pag-upo ng bagong pangulo ay

nagdulot sa Pilipino ng kakaibang damdamin patungkol sa bago at

mabuting Pilipinas na hindi natin naramdaman sa mga nakalipas na

namumuno. Ngunit ano ba ang pwede nating gawin para

makasabay sa pagbabagong nais natin? Ano nga ba ang ugaling

Pinoy na dapat nang baguhin?”

“Ilan sa mga nakasaad dito ay malamang na likas na ugali mo o

maaring nagawa mo na ng hindi mo sinasadaya o namamalayan.

Hindi ito maiiwasan dahil ang ilan dito ay sadyang nasa dugo na ng

Pinoy. Maaari ding marami sa kaugaliang ito ay isa sa mga dahilan

kung bakit tayong mga Pinoy ay hirap na umasenso gayun din ang

bansang Pilipinas. Siguro kung mababago natin ang kaugaliang ito

malaki ang possibility na magbago rin ang kalagayan ng bansang

Pilipinas.”

Link sa webpage: http://kuro-kuro.org/archives/3310

Page 33: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Ano ang kaugalian ng mga Pilipino? Ito ay ang pagiging may

pagtitiwala sa Maykapal, pagbubuklod ng mga kamag-anak, pagiging

matulungin, paggalang, pamanhikan, at pag-alala sa yumao.

Link sa webpage:

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kaugalian_ng_mga_Pilipino

Noong 1961, si Bandura ay gumawa ng isang mapagtatalunang

eksperimento na kilala sa eksperimentong Bobo Doll, para pag-aralan ang

pagkakaparehas ng mga ugali, nang hindi bababa sa bahagi, ng Social Learning

Theory, at ang pag-uugali na natututunan sa pamamagitan ng mga indibidwal na

humuhubog sa kanilang sariling pag-uugali matapos ang pagkilos ng mga

modelo. Ang eksperimento ay hinusgahan sa pamamagitan ng ilan sa wastong

lugar para sa mga batang nagsasanay patungo sa agresyon. Ang mga resulta ni

Bandura sa Bobo Doll ay nagbago ang kabuuan ng modernong kaisipan, at

malawak na kredito para sa pagtulong sa pagbabago ng pokus sa akademikong

sikolohiya mula sa dalisay na behaviorism na nagbibigay-malay sa sikolohiya.

Ang eksperimento ay kabilang sa mga pinaka-lauded at tanyag sa mga

eksperimentong pang-kaisipan.

Link:

http://en.wikipedia.org/wiki/Albert_Bandura#Bobo_Doll_experiment

Page 34: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Sa bahaging ito ng kabanatang ito ay makikita natin ang ginamit

na thesis upang mas makabuluhan ang pagtalakay sa paksaing napili upang

saliksikin.

Ayon kay G. Vitaliano Gorospe:

“What are Filipino values? What is distinctly Filipino in our value

system? The Filipino value system arises from our culture or way of

life, our distinctive way of becoming human in this particular place

and time. We speak of Filipino values in a fourfold sense.”

Sinasabi ng talatang ito na ang kaugaliang Pilipino ay mayroong

fourfold sense, ibig sabihin, maaaring sabihin natin na ang kaugalian ng Pilipino

pagdating sa apat na sulok ng likas na katangian nito, ang konstelasiyon, at

konteksto.

Sanggunian:

Gorospe, Vitaliano. Chapter VI: Understanding the Filipino Value

System

http://www.crvp.org/book/Series03/III-7/chapter_vi.htm#N_1_

Page 35: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

IKATLONG KABANATAMETODO AT PAMAMARAAN

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pamamaraan at metodo

upang makalap ang mga datos na kinakailangan sa pananaliksik na ito sa

pagsusuri ng kaugaliang Pilipino.

METODOLOHIYA

Lugar ng pag-aaral. Ang kabanatang ito ay ang magsasabi kung

ano ang ibig pakahulugan ng paksang “Isang Pagsusuri sa Kaugaliang

Pilipino.” Sa titulo pa lang ng paksa, sinasabi rito na ating susuriin ang

porsyento ng mga taong tila nakalimot na sa kaugaliang Pilipino na

nakasanayan, at ng mga taong hindi ito nakakalimutan. Ito ay maaaring

gumamit lamang ng mga aparato (o ating tinatawag na instrumento) ng

pananaliksik na naaayon lamang upang mapunan ang mga kinakailangang

datos.

Sa paksa pa lamang, nagkaroon ng dalawang seleksyon ang

mananaliksik upang mapagkuhanan ng mga datos na kinakailangan.

Tatlumpung (30) katao ang hihingan ng tulong upang masagutan ang mga

itinatanong sa questionnaire.

Disenyo ng pananaliksik. Dito pumapasok ang metodong survey

research method upang magamit bilang pagkuha ng mga naaayong datos.

Ano nga ba ang survey research method?

Ang metodong survey research ay maaaring i-conduct sa

pamamagitan ng mga questionnaires, kung saan maaaring sumagot ang mga

tao sa pamamagitan ng mga papel na aangkop ang mga katanungan sa

paksa.

Page 36: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Technique sa pagpili ng populasyon. Ang kaugaliang Pilipino

ay sadyang likas na sa ating lahat dito sa ating bansa. Siguro kalahati ng

populasyon ay maaaring nakakalimutan na ang nakasanayang kaugalian, o

ang iba’y ito’y sinasanay pa rin sa makabagong panahon.

Sa sinasabi ng paksain, hahagilap ang mananaliksik ng mga tao na

maaaring makasagot ng mga katanungan na naka-ayon sa talatanungan

(questionnaires) patungkol sa paksa.

Mga kalahok sa pag-aaral. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,

ika ni Dr. Jose Rizal. Kung kabataan ang ating pag-asa, sila ang magiging

kalahok sa pag-aaral na ito. Bakit? Ang kabataan ang maaaring magbago ng

maling kagawian ng tao pagdating sa kanyang ikinikilos o sila na rin ang

magbabago ng pagpapabuti ng kalagayan ng ating bansa.

Mga instrumento ng pananaliksik. Bukod sa mga questionnaires

na ipinamigay sa mga taong nahagilap upang masagutan ang survey

patungkol sa pagsusuri ng kaugaliang Pilipino, gumamit ang pananaliksik na

ito ng participant observation kung saan ang mananaliksik ay magiging

participant upang matignan ang mas nananaig sa magkaibang aspeto ng

paksa.

Kagamitan ng pananaliksik. Isa sa mga kagamitan ng

pananaliksik na ito ay ang mga tanong na nakalathala sa mga questionnaires.

Sa kagamitan na ito malalaman ang porsyento ng mga datos na nakalap

mula sa mga taong nakasagot ng naturang instrumento.

Page 37: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Instrumentong statistikal. Ang pinaka-common sa lahat ng

pagkuha ng porsyento mula sa mga instrumentong ginamit sa pagkuha ng

datos ay ang frequency table. Ito ay may pormula ng matematika na ang

Porsyento (%) = frequency x 100 / bilang ng mga sumagot

na kung saan:

frequency – sagot ng bawat litanya (o kategorya) sa isang chart

100 – usual na isinasagot sa porsyentong paraan

Bawat litanya o mga kategorya ay may sarili itong bilang at mga

porsyento na ibibigay. Ang mga kategorya ay nakabase sa mga

instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito.

Hakbang sa paglikom ng datos. Naisaad na rito sa kabanatang

ito ang mga uri ng instrumento ng pagkuha ng datos. Maaari nang ilahad ang

mga hakbang upang makuha ang mga datos na kinakailangan ng

mananaliksik:

1. Mag-setup ng oras na ilalaan upang makumpleto ang survey patungkol sa

pagsusuri ng kaugaliang Pilipino. Habang hindi pa naiko-conduct ang survey,

mag-isip na ng itatanong sa mga tao sa pamamagitan ng talatanungan (o

questionnaire) at mag-isip na ng mga itatanong. Limang tanong lamang ang

nakahanda upang masagutan ng mga respondents:

1.1 Inaamin mo bang sibilisado ka na ng makabagong panahon?

1.2 Dapat ba nating tangkilikin an gating kultura pagdating sa mga ugali?

1.3 Ano ang nagustuhan mong kaugalian ng Pilipino na ginagawa

hanggang sa panahon na ito?

Page 38: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

1.4 Ano naman ang hindi kanais-nais na kaugalian ng Pilipino na

ginagawa hanggang sa panahon na ito?

1.5 Bakit kailangang matutunan ng mga susunod na henerasyon ang

kaugaliang Pilipino?

2. Ipamahagi na sa mga respondents ang mga talatanungan. Dapat sabihin

ang panuto bago sagutan ang talatanungan upang maiwasan ang multiple

erasures. Ang tatlong pagbura sa sagot ay ayos na, ngunit kapag marami ay

hindi na kaaya-aya. Tignang mabuti ang mga sagot nila.

3. Matapos ang pamimigay ng talatanungan sa mga respondents at pagsagot

nila sa mga ito, suriing mabuti ang kanilang mga sagot, at kung ilan ay tanong

ay gagamit ng table chart depende sa sagot bawat tanong. Halimbawa:

1.1 Inaamin mo ba’ng sibilisado ka na ng bagong panahon?

Bawat katanungan na may kasagutan ng iba’t-ibang tao ay dapat

bilang ng mananaliksik upang makuha ang kinakailangang datos.

4. Ilathala ang mga nakuhang datos ayon sa mga computations ng bawat

sagot sa bawat tanong sa talatanungan. Ito ay bibigyang kahulugan sa

susunod na kabanata ng pananaliksik na ito.

MGA SAGOT BILANG PORSYENTO

OO 7 77.78

HINDI 2 22.22

TOTAL 9 100%

Page 39: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Statistical tools. Sa pagsusuri ng mga datos na nakalap mula sa

mga iba’t-ibang sagot ng mga nahagilap na tao sa survey, ginamit ang

frequency table upang mas maayos ang pagkaka-tally ng mga katanungan sa

survey kada kategorya. Sa susunod na kabanata ay makikita ang resulta ng

mga datos na nakalap.

Pamamaraan at kung paano ito gagamitin. Ayon sa mga

nakalap na datos mula sa mga talatanungan, ang mga limang tanong na

umangat ang porsyento ay ang mga sumusunod:

1. Ang unang katanungan ay kung ang isang tao ay sibilisado na ng kanyang

bagong panahon. Ayon sa survey, 83.33% ng tao ang sumagot ng OO, hindi

mapagkakailang ang isang tao’y naapektuhan ng bagong panahon.

2. Ang ikalawang katanungan ay kung ang isang tao ay tinatangkilik ang

kanyang kultura pagdating sa ugali. Lumabas na 93.33% ng tao ang sumagot

ng OO dahil ang kaugalian ay maraming aspeto at ito ay naging parte na ng

ating kultura.

3. Ang ikatlong katanungan ay kung ano ang nananaig na mabuting

kaugalian ng Pilipino hanggang sa panahon na ito. 36.66% ng katao ang

nagsasabing ang pagiging mapagmahal sa kanilang pamilya ay ang

pinakamagandang ugali ng Pilipino na hanggang ngayo’y buhay pa rin.

4. Ang ikaapat na katanungan ay kung ano naman ang nananaig na hindi

kagandahang kaugalian ng Pilipino hanggang sa panahon na ito. 53.33% ng

Page 40: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

katao ang sumagot ng walang disiplina dahil sa panahon ngayon ay marami

pa ring tao ang hindi sumusunod kung ano man ang ipagawa sa kanila.

5. Ang huling katanungan ay kung bakit kailangang malaman ng tao ang

patungkol sa kaugaliang Pilipino. Ayon sa survey, 46.67% ng tao ang

sumagot na dapat unawain ang kaugaliang Pilipino para magkaroon ng bukas

ang ating bansa. Sabi nila, magsimula sa sarili bago simulan sa iba.

Page 41: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

IKAAPAT NA KABANATA

PRESENTASYON, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga bilang at porsyento ng

mga respondents na sumagot ng mga katanungan sa talatanungan. Dito rin sa

kabanatang ito makikita ang interpretasyon ng bawat datos na nakalap.

UNANG PRESENTASYON NG DATOS

Bilang at Porsyento ng mga Taong Naniniwalang Sila ay Sibilisado ng

Makabagong Panahon

MGA KASAGUTAN BILANG NG SUMAGOT PORSYENTO

OO 25 83.33%

HINDI 5 16.67%

TOTAL 30 100%

Ang unang katanungan sa talatanungan ay kung ang isang tao’y

naapektuhan ng makabagong sibilisasyon sa bansa. Ayon sa unang kabanata,

may mga oras na hindi namamalayan na unti-unting nagbabago ang kaugalian

ng tao ayon sa panahong ginagalawan. Ang dalawang katanungan ay ang

katagang OO at HINDI, kung saan ito’y sinagutan ng 30 katao. Ayon sa survey,

25 katao na may 83.33% na porsyento ang lumalabas na sila’y sibilisado na ng

bagong panahon, at maaaring hindi alam kung ang kaugaliang nakasanayan ay

nakalimutan na o hindi; habang ang 5 katao na may 16.67% na porsyento ay

tumatapat sa mga taong sumagot ng katagang HINDI sa talatanungan.

Page 42: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

Lumalabas sa survey na ito na ang mga sumagot ng katagang OO

ay naniniwalang sibilisado sila ng bagong panahon, ngunit hindi alam ang

nagbabagong ugali sa kanila.

IKALAWANG PRESENTASYON NG DATOS

Bilang at Porsyento ng mga Taong Naniniwalang ang Kaugaliang Pilipino

ay Parte ng Ating Kultura

MGA KASAGUTAN BILANG NG SUMAGOT PORSYENTO

OO 28 93.33%

HINDI 2 6.67%

TOTAL 30 100%

Ayon pa rin sa batayang konseptwal sa unang kabanata, ang

kaugalian ay isang tradisyon ng isang tao sa kanyang bansang kinabibilangan.

Ang kaugalian ay kasama ng kulturang kanyang nakagisnan. Sa ikalawang

tanong sa talatanungan, itinatanong roon kung ang isang tao’y tinatangkilik ang

kanyang kultura pagdating sa ugali ng tao. Ayon sa survey, 28 katao na may

93.33% na porsyento ang sumagot ng katagang OO habang dalawang (2) katao

na may 6.67% na porsyento ang sumagot ng katagang HINDI.

Lumalabas sa survey na ito na ang mga sumagot ng katagang OO

ay naniniwalang tinatangkilik nila ang kaugaliang nakagisnan, at itinuturing na rin

ito bilang parte ng ating kultura.

Page 43: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

IKATLONG PRESENTASYON NG DATOS

Ang Magandang Kaugalian ng Pilipino Magpahanggang Ngayon

MGA KASAGUTAN BILANG NG SUMAGOT PORSYENTO

MATULUNGIN 8 26.67%

RESPETO 3 10%

MAY TAKOT SA DIYOS 8 26.67%

PAGMAMAHAL SA PAMILYA 11 36.66%

TOTAL 30 100%

Isinasaad ng kadahilanan ng kapakinabangan sa unang kabanata

na may mga ugali ng Pilipino na natural sa ating lahat. Ang mga magagandang

ugaling ito ay may relasyon sa presentasyon na ito. Ayon sa ikatlong katanungan

sa talatanungan, itinatanong kung ano ang napupusuan ng tao na magandang

ugali ng Pilipino na hanggang ngayo’y sinasanay pa rin. Ayon sa survey, 8 katao

na may 26.67% na porsyento ang sumagot ng pagiging matulungin; 3 katao na

may 10% na porsyento sa respeto; kaparis ng bilang at porsyento sa matulungin

ang kategoryang may takot sa Diyos; at 11 katao na may 36.66% na porsyento

ang sumagot ng pagmamahal sa pamilya.

Lumalabas dito na ang pagmamahal sa pamilya ang pinaka-

importanteng ugali ng isang Pilipino dahil ang pamilya ang nagsisilbing

pundasyon tungo sa magandang bukas. Lumalabas sa survey na 36.66% ang

sumagot ng kategoryang ito.

Page 44: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

IKAAPAT NA PRESENTASYON NG DATOS

Ang Hindi Magandang Kaugalian ng Pilipino Magpahanggang Ngayon

MGA KASAGUTAN BILANG NG SUMAGOT PORSYENTO

COLONIAL MENTALITY 2 6.67%

CRAB MENTALITY 6 20%

PROCRASTINATION 4 13.33%

PADRINO SYSTEM 2 6.67%

WALANG DISIPLINA 16 53.33%

TOTAL 30 100%

Isinasaad pa rin sa kadahilanan ng kapakinabangan sa unang

kabanata na bukod sa magandang ugali ng Pilipino, mayroon namang mga ugali

na hadlang sa magandang pakikitungo ng isang tao. Ito ay ang mga hindi

kagandahang ugali ng Pilipino, at ilan ay napili sa kanila para sa talatanungan.

Ang ikaapat na tanong sa talatanungan ay kung ano ang hindi

magandang ugali ng Pilipino na hanggang ngayo’y existed pa rin sa tao. Ayon sa

survey, lumalabas na dalawang (2) katao na may 6.67% na porsyento ang

sumagot parehas ng mga katagang colonial mentality at padrino system; anim

(6) na katao na may 20% na porsyento sa kategoryang crab mentality; apat (4)

na taong may 13.33% na porsyento sa procrastination; at 53.33% na may 16 na

katao ang sumagot ng walang disiplina.

Kahit saan man tayo magpunta, may mga taong walang disiplina

kahit saan mang aspeto. Ito ang sinagot ng 16 katao na may porsyentong

53.33% sa kategorya ng walang disiplina.

Page 45: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

HULING PRESENTASYON NG DATOS

Bilang ng Taong Kailangang Matutunan ang Kaugaliang Pilipino

MGA KASAGUTAN BILANG NG SUMAGOT PORSYENTO

…UPANG MAGKAROON NG

MAGANDANG BUKAS ANG

ATING BANSA

14 46.67%

…NAGKAKAUNAWAAN ANG

MGA TAO SA ARAW-ARAW

NA GINAGAWA

12 40%

…I-PRESERBA ANG

KAUGALIANG PILIPINO

4 13.33%

TOTAL 30 100%

Isinasaad ng rasyonal, layunin, at kahalagahan ng paksa sa unang

kabanata na bakit kailangang matutunan ng isang tao ang kaugaliang

nakagisnan. Hindi man siguro nabanggit ng mananaliksik ang patungkol sa mga

sagot sa talatanungan, bigyang-daan ang mga tatlong importanteng bagay kung

bakit nga ba kailangang matutuhan ng tao ang kaugaliang Pilipino.

Ayon sa survey, 14 katao na may 46.67% na porsyento ang

naniniwalang kaya kailangang matutuhan nila ang kaugaliang Pilipino ay dahil

upang magkaroon ng magandang bukas ang ating bansa; 12 katao na may 40%

na porsyento naman sa mga naniniwalang nagkakaunawaan ang mga tao sa

ugali sa araw-araw na gawain; at apat (4) na katao na may 13.33% na porsyento

naman para sa mga naniniwalang dapat i-preserba ang kaugaliang Pilipino.

Lumalabas sa survey na ito na mas marami ang naniniwalang

kailangang matutuhan ng Pilipino ang ating kaugalian ay dahil upang magkaroon

ng magandang bukas ang ating bansa tungo sa pagbabago.

HULING KABANATA

Page 46: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

LAGOM, KONKLUSIYON, AT REKOMENDASYON

Ang huling kabanatang ito ay naglalaman ng buong lagom ng

pananaliksik, ang kanyang mga konklusiyon, at rekomendasyon.

LAGOM

Nagsimula ang pananaliksik na ito sa layunin ng mananaliksik na

suriing mabuti kung ang kaugaliang Pilipino ay nawawala na o tila nasa tao pa rin

ang tradisyon ng pagsasanay ng kaugaliang nakasanayan. Sa makabagong

panahon at sibilisasyong ating ginagalawan, nagkakaroon ng tendensiya na

magbago ang ugali ng isang tao na maaari siyang gumawa ng mali o tama.

Sa pananaliksik na ito ay kumuha ang mananaliksik ng ilang

reperensiya sa Internet, gaya ng mga blog sites, search engines, artikulong

maaaring mabasa; mga aklat na lathain patungkol sa kaugaliang Pilipino na

nakalathala sa mga asignatura ng Filipino, Sibika at Kultura, at Pagpapahalaga

sa Sarili (Values Education); at isang lathain na tila iyon ay pag-aaral ng

kaugalian ng Pilipino. Sa pananaliksik na naganap, nabuo ang konsepto kung

paano susuriin ang kaugaliang Pilipino – kung ito’y nawawala o hindi nawawala

sa tao.

Upang malaman ng mananaliksik ang kanyang paghahanap ng

mga datos, nagpamahagi ang taga-saliksik ng tatlumpung (30) kopya ng

talatanungan sa tatlumpung katao sa loob ng AMA Fairview Campus. Ang

talatanungan ay may limang katanungan na may dalawa (2) hanggang limang (5)

katanungan na maaaring hanapin sa ikatlong kabanata. Karamihan sa mga

sumagot ng mga tanong ay kung ano rin ang isinagot ng ibang tao, gaya ng

pagiging sibilisa ng panahon, may pagmamahal pa sa pamilya, at iba pa. May

mga naniniwalang kailangang matutuhan natin ang kaugaliang Pilipino ay

sapagkat may magandang bukas itong maidudulot sa ating bansa. Sabi nga ng

isang commercial sa telebisyon, “Ang korapsyon ay nagsisimula sa pamilya.”

Kung ang sinasabi ni Dr. Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ay

dapat magpatuloy, ang kabataan dapat ang gumagawa ng kilos para mapabuti

Page 47: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

ang ating bansa. Siguro iyan ang pananaw ng mga nakasagot ng nasabing

kasagutan sa talatanungan.

Pagkatapos makuha ang mga kinakailangang datos para sa

pananaliksik na ito, ito’y inisa-isang kalkulahin ng taga-saliksik at ito’y kanyang

binigyang bilang at porsyento kada kasagutan sa talatanungan. Matapos ang

proseso na nakalathala sa ikatlong kabanata (at ginawa para sa ikaapat na

kabanata), ito’y inisa-isang ililahad sa pamamagitan ng tabulated form ng bilang

at porsyento ng mga sumagot ng tanong sa talatanungan.

Nakuha na ng mananaliksik ang kanyang pakay patungkol sa

paksang ito na pinamagatang “Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino”, na

kung ang ugali ng tao ay nawawala o tila nasa kanila, pero patuloy na ginagawa.

KONKLUSIYON

Nakita na ng mananaliksik ang kanyang mga datos at mga

interpretasyon nito, at siya’y humantong sa pagkakaroon ng konklusiyon. Heto

ang mga sumusunod na konklusiyon:

A. Ang pagiging sibilisado (civilized) ng isang tao ay nakaka-apekto sa pag-

uugali na kanyang nakasanayan. Ito ay maaaring mabago sa pamamagitan ng

kanyang lugar na ginagalawan.

B. Ang kaugaliang Pilipino ay tinuturing pa rin na isang parte ng ating kulturang

Pilipino. Noong kabataan nati’y tinuturo na sa atin kung paano gawin at kung ano

ang ibig pakahulugan ng mga kaugaliang Pilipino. Sa HeKaSi (Heograpiya,

Kasaysayan, at Sibika) at inilathala ng mga awtor kung ano ang mayroon sa

bansang Pilipinas – kultura, kaugalian, at iba pa.

C. Ang ama ay ang pundasyon ng pamilya. Ang ina ay ang ilaw ng tahanan. Ang

mga anak ang nagpapasaya sa pamilya. Hindi natin maiiwasan na mahalin natin

Page 48: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

ang ating pamilya. Kahit magkaroon pa ng problema ang buong pamilya, ito ay

hanggang ngayo’y ginagawa pa rin ng karamihan sa mga Pilipino.

D. “Hindi ka tatantanan!” Ito ay isang phrase na sumikat mula sa isang GMA-7

news anchor na si Mike Enriquez sa kanyang sikat na late-night documentary

show na Imbestigador, kung saan pinapalabas ang mga taong walang disiplina.

Ibig sabihin, ang kawalan ng disiplina sa bawat isa’y hanggang ngayo’y hindi pa

rin nawawala sa sirkulasyon ng hindi magagandang kaugaliang Pilipino.

Karamihan sa mga taong sumagot ng nasabing kategorya ay naniniwalang wala

pa ring disiplina ang karamihan sa atin.

E. Matuwid na daan. Ito ang sinabi ni Pangulong Aquino (Noynoy) noong siya ay

nangangampanya. Ang pagkakaintindi ng mananaliksik sa phrase na ito ay ang

magkaroon ng magandang bukas ang ating bansa. Karamihan sa mga tao ay

naniniwalang magkakaroon ng magandang bukas ang ating bansa sa

pamamagitan ng pagkakaroon ng kaugaliang nakasanayan.

F. Hindi pa talaga nawawala ang kaugaliang Pilipino, kahit saan mang aspeto

natin ilagay. May mga taong gumagawa pa rin ng magagandang kaugalian na

kanilang nakasanayan, habang may mga taong gumagawa ng mali na

ikapapahamak pa ng ibang tao. Ayon sa ikatlo at ikaapat na katanungan sa

talatanungan, bawat katanungan ay may pinakamataas na sagot bawat isa.

REKOMENDASYON

A. Hindi natin maiiwasan na maging aware sa mga makabagong bagay sa ating

makabagong panahon. Ang panahon na ating ginagalawan ay may mga bagay

na maaaring mabago, pero ang nakasanayan at hindi dapat mabago, at hindi

dapat mawaglit kailanman. Malay nating lahat, ito ay magiging instrumento ng

pagkakaisa sa bawat isa.

Page 49: Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino

B. Sa mga taong walang disiplina kahit saan man sila ilagay, dapat ay matuto

ang mga tao sa kanilang mga mali. Ang bawat bagay ay may kaakibat na

kabutihang dala patungo sa isang magandang bukas sa ating sarili. Sabi nga ng

mga nagpapaliwanag, intindihing mabuti ang sinasabi nila dahil para sa mga tao

ang kanilang sinasabi at hindi para sa kanila.

C. Sa mga mapagmahal sa pamilya, ipagpatuloy lamang ang mga ginagawa

dahil ang pagmamahal sa pamilya ay sadyang maganda. Ang pamilya ay

sigurong tinatawag na modelo ng isang bansa dahil matindi at mainit ang

kanilang samahan. Kaya ang mga mapagmahal sa pamilya, ipagpatuloy ninyo

lamang ang inyong ginagawa at kahit may problema, lutasin ito ng matiwasay.

D. Kahit hindi na tinuturo sa atin ang kaugaliang Pilipino sa mga asignatura ay

dapat magkaroon ng muwang ang mga tao sa mga mabubuting ugali na ating

ginagawa. Ipagpatuloy ang magagandang ugali at iwaglit ang pangit na ugali ng

ating bansa.

E. Sa mga kabataan ng bagong henerasyon, inyong marapatin lamang na kayo

ang itinalaga bilang pag-asa ng bayan. Sa inyong sarili pa lamang ay magsimula

na ang bawat isa ng pagbabago tungo sa magandang bukas. Huwag tumulad sa

mga walang patutunguhan sa buhay, dahil ang bawat isa’y may tadhana sa

buhay upang magbago.