january 2015 issue

8
Sri Gaudiya Darshan Philippines Page 1 Ang Dalisay at Malinis na Pangalan Ang siping ito ay serye nang mga kasagutan ni Śrīla Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswāmī Mahārāj mula sa katanungan ng mga deboto tungkol sa usapin nang pag-usal at pagpadarasal natin kay Śrī Hari-nām. Kahit sino’y maaaring umusal nang dalisay at malinis na Hari-nām, kahit hindi pa sila nabibinyagan, hindi pa nabibigyan nang dīkṣhā [binyag sa gāyatrī], subalit dapat ang pag-usal nila’y walang bahid ng anumang pagkakamali o kasalanan. Dahil hindi ganito ang tunay na pag- usal ng Hari-nām. Kung ganoon papaano natin malalaman kung ang pag-usal nga nati’y wala talagang bahid ng anumang pagkakamali at kasalanan? ādau śraddhā tataḥ sādhu-saṅgo Cc, Madhya 23.14) January 2015 Issue Features: Ang Dalisay at Malinis na Pangalan Ni Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj Holy Engagement In Filipino (Chapter Two) By Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Vani (Instructions for his disciples and followers)

Upload: scsmathphilippines-sri-nama-hatta-center

Post on 17-Jan-2016

28 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Topics on this issue: The Pure Name, excerpts from the book Holy Engagement in Filipino and the divine instreuctions of Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur Prabhupada.

TRANSCRIPT

Page 1: January 2015 Issue

Sri Gaudiya Darshan Philippines Page 1

Ang Dalisay at Malinis na Pangalan

Ang siping ito ay serye nang mga kasagutan ni Śrīla Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswāmī Mahārāj

mula sa katanungan ng mga deboto tungkol sa usapin nang pag-usal at pagpadarasal natin

kay Śrī Hari-nām.

Kahit sino’y maaaring umusal nang dalisay at malinis na Hari-nām, kahit hindi pa sila

nabibinyagan, hindi pa nabibigyan nang dīkṣhā [binyag sa gāyatrī], subalit dapat ang pag-usal

nila’y walang bahid ng anumang pagkakamali o kasalanan. Dahil hindi ganito ang tunay na pag-

usal ng Hari-nām. Kung ganoon papaano natin malalaman kung ang pag-usal nga nati’y wala

talagang bahid ng anumang pagkakamali at kasalanan?

ādau śraddhā tataḥ sādhu-saṅgo

Cc, Madhya 23.14)

January 2015 Issue

Features:

Ang Dalisay at Malinis na Pangalan Ni Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj

Holy Engagement In Filipino (Chapter Two) By Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj

Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Vani

(Instructions for his disciples and followers)

Page 2: January 2015 Issue

Sri Gaudiya Darshan Philippines Page 2

Una, ang mahalaga sa lahat ay magkaroon muna tayo ng

śraddhā, at pagkatapos, sādhu-saṅga. Kung nais mong

makamit ang tunay na binhi ng Hari-nām sa sādhu ka

lumapit. At dapat habang binibigkas natin ang binhi ng Hari-

nām dapat wala tayong nagagawang anumang pagkakamali o

kasalanan; dahil ang bisa nito’y nasa Hari-nām. Kahit ang

dīkṣhā [binyag sa gāyatrī], puraścharyā [mga ritwal sa

paglilinis ng mga kasalanan], at iba pang bagay ay hindi na

natin kailangan. Ang kailangan lamang nati’y itong Hari-

nām, at ito’y sapat na. Ang mahalaga, dapat alinis natin itong

nauusal, sa piling ng sādhu-saṅga.

eka-bāra kṛṣṇa-nāme yata pāpa hare

pātakīra sādhya nāhi tata pāpa kare

Kahit minsan lamang ninyong nasambit ang Kṛṣṇa-nām,

lahat ng nagawa ninyong kasalanan at kamalian ay maaaring

maglahong lahat.

Deboto: Sa ibinigay na aral ni Śrīla Sanātan Goswāmī ginamit niya ang halimbawa nang isang

uri ng bato na kapag ikiniskis, lahat ng klaseng metal o bakal ay nagiging ginto. Sa halimbawang

ito, anya, ito’y tumutukoy sa ating pāpamaya, sa lahat ng klaseng kasalanan. Mabibigat na

kasalanan. Tama po ba?

Śrīla Govinda Mahārāj: Oo, tama, pāpamaya: mga masamang gawain, mga hindi banal na

gawain.

Deboto: Papaano po nangyari iyon, hindi po ba’t ang sabi ninyo, magiging matagumpay lamang

tayo sa pagbigkas ng Hari-nām, Śuddha-nām, kapag wala na tayong bahid ng anumang

pagkakamali at pagkakasala? Kung ganoon, papaano binabago nang Hari-nām ang isang taong

makasalanan?

Śrīla Govinda Mahārāj: Kapag ang pag-usal ninyo ng Hari-nām ay walang-bahid ng anumang

pagkakamali o kasalanan, ang kasalanan ninyo’y mapapawing-lahat.

Deboto: Subalit papaano kung ang taong ito’y sadya talagang makasalanan, isang pāpamaya,

papaano po niya mauusal ang Pangalan nang walang pagkakamali at kasalanan?

Śrīla Govinda Mahārāj: Tama ka. Kailanma’y hindi talaga mauusal nang isang makasalanan

ang Śuddha-nām. Ito ang dapat nating tatandaan. Pangalawa, hindi din kayang arukin ng ating

materyal na pandama ang Hari-nām.

Deboto: Ayon po kay Sanātan Goswāmī, sa pamamagitan ng pagbigkas at pag-usal nang Hari-

nām kahit sinong makasalanan ay kayang linisin at gawing isang dalisay na Vaishnava. Subalit

ayon sa iba, hangga’t ang tao ay makasalanan (aparādh), hindi siya pupuntahan ni Hari-nām.

Page 3: January 2015 Issue

Sri Gaudiya Darshan Philippines Page 3

Śrīla Govinda Mahārāj: Una sa lahat, dapat sādhu ang nagbigay sa atin ng Hari-nām. Ito’y

upang maunawaan natin ang kanyang kahalagahan at kung papaano ito inuusal. Dapat sinusunod

din ninyo ang kanyang mga alitintunin. Sa pamamagitan ng sādhu, malalaman ninyo kung ano

ang sampung pagkakasala kay Hari-nām (Nāmāparādh): “Iwasan ninyo ang mga bagay na ito,

iyan, iyon, ito, at iba pa.” Pagkatapos, maaari na kayong umusal at magdasal ng Hari-nām.

Adau śraddhā: Una sa lahat, dapat may śraddhā na tayo. Ganito na ang paniniwala natin,

“Lahat ng bagay, anuman ito, ay kayang ipagkaloob ni Hari-nām.” Ang tawag sa matibay na

paniniwalang ito’y śraddhā. Kaya kapag mayroon na tayong śraddhā, ibig sabihin, handa na

tayo sa sādhu-saṅga: handa na nating tanggapin ang payo ng sādhu tungkol sa Hari-nām at

sundin ito. Doon pa lamang maaaring dumating sa ating buhay ang Hari-nām. Subalit dapat

nating tatandaan, kailanman, ang Hari-nām ay hindi kayang sambitin ng ating materyal na dila.

Masasambit lamang natin ang Kanyang Pangalan kapag mayroon na tayong tunay na Hari-nām,

at kapag siya’y dumating na sa atin, binabago nito ang dila natin at maging ang lahat ng pandama

nati’y binabago din niya, at ito’y ginagawa niyang transedental—dahil tanging sa pamamagitan

lamang ng transedental na dila natin mauusal ang Hari-nām.

Ni Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj

Purihin ang Kadakilaan ni Sri Guru at ni Sri Gauranga

Ikalawang Kabanata:

Dapat sa halip na sa mga ordinaryong tao tayo nakiki-halubilo dapat doon tayo sumasama

sa matataas na saddhus. Dahil kapag nangangaral tayo o kaya nanghihingi nang donasyon, at

iba pa, kung sinu-sinong tao ang nakakahalubilo natin, at marami sa kanila ang kontra sa

paniniwala natin.

vaco vegam manasah krodha-vegam

jihva-vegam udaropastha-vegam

Page 4: January 2015 Issue

Sri Gaudiya Darshan Philippines Page 4

etan vegan yo visaheta dhirah

sarvvam apimam prthivim sa sisyat

[Upadeshamrtam 1]

Dahil sa payo ni Sriman Mahaprabhu naging

inspirado si Rupa Goswami kung kaya’t inilagay

nito ang payo ni Mahaprabhu sa pamamagitan ng

makatang pananalita.

Vaco vegam—dapat hindi tayo matabil; hindi

dapat madaldal, masama man ito o kaya mabuti, at

kung anu-ano ang mga pinagsasabi. At ang isa pa,

ay ang manasah, dapat nakokontrol natin ang

takbo ng ating isipan. Kadalasan ang nasa loob ng

ating isipan ay palaging sa pakikipagdigmaan,

pakikipag-away, pakikipagtalo, at pagkahilig sa

paghahanap ng mga kamangha-manghang bagay

na natuklasan nang siyensya, ang walang-humpay

na paghahanap ng pera, at marami pang iba. Sa

mga sakim ang gusto nila’y mga milyunaryo ang

kasa-kasama, subalit huwag nating hayaang ganito

din ang hinahanap ng ating isipan. Sa mga taong punung-puno naman ng kalibugan, nang

kamunduhan, ang palagi nilang hinahanap ay iba’t-ibang konsepto ni Narayan. Kaya dapat

nakokontrol natin ang ating isipan at hindi natin hinahayaang mapunta sa pagsasamantala, at

sa mga kaaya-ayang bagay. Kaya dapat huwag nating hayaan na kung saan-saan tayo

hinahatak ng ating isipan.

Krodha-vegam. Minsan nagagalit din tayo, kaya lamang lumilikha lamang ito ng

kaguluhan. Dahil kapag nagagalit tayo hindi kailang ito ay may reaksyon din sa atin, kung

ganoon dapat ito ay kinokontrol din natin. Ganunpaman, lahat ng natira ay gamitin natin sa

paglilingkod kay Krsna.

Kama krsna-karmmapane krodha bhakta-dvesi jane. Ang mga pagbabaka-sakali, ang mga

pagpaplano, atbpa, ay maaaring gamitin din natin sa Paglilingkod kay Krsna. Gamitin din

natin ang ating galit sa pagtatanggol sa mga deboto, dahil hindi magtatagal sa pamamagitan

ng pamamaraang ito, ang galit na nasa loob natin ay mawawala rin. Ang malayang kaisipan

naman natin ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng saddhu-sange harikatha. Ang Prajalpa ay mga walang-saysay at mga walang-kwenang usapan tungkol sa mga makamundong buhay.

Piliin din natin kung sino ang dapat nating makasama kung sila ba’y mga mabubuting tao o

hindi.

7

Page 5: January 2015 Issue

Sri Gaudiya Darshan Philippines Page 5

Jihva-vega ay pagka-akit naman natin sa isang partikular na lasa. May mga taong

mahilig sa mga maaanghang, ang iba naman ay sa mapapait, meron din diyan ang gusto

matatamis naman, ang iba sa maaasim, atbp. Dapat nakokontrol din natin ang ating dila kung

ano ang gusto nitong tikman. Ngunit papaano? Ito ang paraan, bago ninyo ito kainin, dapat

itanong muna ninyo sa inyong sarili kung ito ba’y natikman na nang saddhu, ng Guru, o kaya

nang Panginoon. Dapat lahat ng materyal na bagay ay pumapailalim at ginagamit natin sa

pagsisilbi sa Panginoon at dapat dito nakatuon ang ating isipan, kung ito ba’y nagustuhan ng

nasa itaas natin. Ito ang isang palatandaan kung papaano tayo makakalaya sa materyal na

panlasa.

Lahat ng masasarap na pagkain ay iniiwasan ni Mahaprabhu; “Ako’y isang Sannyasi. Kaya

dapat nagpapakita Ako nang isang halimbawa. Malamang Ako ay kanilang gagayahin kapag

puro masasarap ang Aking kinakain at ito’y makakasama sa kanila.”

Subalit ganito ang naging sagot ni Swarup Damodar, “Ito ang nasa negatibong bahagi,

subalit ang positibong bahagi, dapat ang kinakain natin ay Prasadam. Dapat nating matikman

ang mga inihaing pagkain kay Jagannath.” Kaya magmula sa mundong ating ginagalawan,

magtungo tayo sa mundong minimithii natin sa buhay. At dapat lahat ng damdamin natin ay

ating ipunin at ating gamitin sa masmataas na lupain, at alisin na sa masmababang kapatagan.

Udara-vega. “Gutom pa ako. Hindi pa ako busog, gusto ko pang kumain.” Ang ganitong

pag-uugali na walang kabusugan ay tinatawag na udara-vega.

Jihva-vega ay para sa lasa, sa kalidad, at ang udara-vega naman ay para sa dami, ang

magkamal nang marami. Ang upastha-vega ay pagnanasa na makasama ang mga kababaihan.

Ibinilin sa atin na ang tatlong ito ay nasa iisang linya lamang at magkakaugnay at

nagtutulungan: ang jihva-vega, udara-vega at ang upastha-vega. Kailangang maging maingat

tayo sa pag-aalis ng mga bagay na ito. Dahil ang tatlong ito’y nagdadala o nagdudulot sa atin

ng higit na kapahamakan sa ating buhay. Marami na silang sinirang buhay. Kaya kailangang

maging maingat tayo sa pahihikarap natin sa tatlong bagay na ito.

“Etan vegan yo visaheta dhirah, sarvvam apimam prthivim sa

sisyat. Ang sinumang makakakontrol nang tatlong mahihirap na bagay na ito ay

masasabing tunay na isang Goswami, at ang buong mundo’y maaari na niyang makontrol.

Lahat ng tao sa mundo ay kaya niyang gawing disipulo. Dahil kahit dumami pa ang kanyang

disipulo hindi parin nagbabago ang kanyang paninindigan.” Ito ang mga puntong ibinigay

bilang babala sa mga saddhus sa ilalim ng watawat ni Sri Chaitanyadeva.

Kung ganoon paano natin masusuyo ang isang saddhu?

dadati pratigrhnati, guhyam akhyati prcchati

Page 6: January 2015 Issue

Sri Gaudiya Darshan Philippines Page 6

bhunkte bhojayate caiva, sad-vidham priti-laksanam

[Sri Upadeshamrtam, 4]

Upang mapalapit tayo at mapamahal sa atin ang isang saddhu bigyan natin siya nang

kanyang lulutuin at pagkatapos tanggapin ang kanyang Prasadam—ika nga, bigayan. Bigyan

natin siya nang mga bagay na maaari niyang magamit, at tanggapin ang mga bagay na

kailangan lamang natin, at dapat ito’y dumaan na muna sa kanya.

Huwag nating tanggapin ang anumang bagay na bago, sa halip maghangad tayo sa mga

bagay na ginamit na nang Guru at ng mga Vaishnavas, kahit mga buklaklak pa na isinabit sa

kanyang leeg, mga damit na nasuot na, mga ginamit na dekorasyon, o kahit anupamang

bagay. Kailangang mabuhay lamang tayo sa mga ganoong bagay na ginamit na nang mga

Vaishnavas. Ibigay natin sa mga saddhus ang mga bagong bagay, at mamuhay sa

pamamagitan ng kanilang mga tira-tirahan.

Guhyam akhyati—Dapat nating ilahad sa saddhu kung ano ang ating damdamin: Buhat

sa kaloob-looban ng aking damdamin ganito po ang aking nararamdaman. Masama po ba o

mabuti ang nararamdaman kong ito? At kung ito po’y masama, ano po ang lunas dito?”

Kailangang ilahad natin sa kanya ang nilalaman ng puso natin upang ito’y kanyang masuri at

maayos tayong sumusulong.

Prcchati—magtanong tayo sa saddhu, “Ano po ba ang sikreto ng inyong kabanalan?

Sabihin po ninyo at ito po ang aking gagawin nang makawala din po ako sa kinalalagyan ko.

Papaano po ba kayo nakalaya?” Kaya kailangang kolektahin natin sa saddhu ang sikreto ng

kanyang tagumpay sa buhay. Bhunkte bhojayate caiva—siya ay ating pakainin, at

tanggapin ang kanyang kinakain bilang Prasadam.

Kapag nasunod natin ang mga tagubiling ito mapapalapit tayo sa taong ito. Kapag

masamang tao ang nakasama natin magiging masama din tayo, at kung ito’y mabuting tao,

magiging mabuting-tao din tayo. May dalawang uri ng tubig: malinis at marumi. Ang

maruming tubig ay maaaring linisin parin. Kahit masamang isipan ay kayang alisin ng

matataas na saddhus nang hindi nahahawa. Dahil naninirahan sa puso nila si Govinda. Si

Govinda ay walang-hangganan at kahit anumang dami ng maruruming bagay ay kaya Niyang

inumin, samakatuwid ang puso ng mga saddhu ay hindi nadudumihan.

yare dekha, tare ‘krsna’—upadesa

amara ajnaya guru hana tara ei desa

[Chaitanya-charitamrta, Madhya 7.128]

“Sinuman ang makaharap mo, sinuman ang makausap mo, si Krsna lamang ang ikwento

mo.” Ito ang dapat nating maging motto, o salawikain. Ang sinumang makasusunod sa

Page 7: January 2015 Issue

Sri Gaudiya Darshan Philippines Page 7

kautusang ito ay tunay na tagasunod ni Mahaprabhu—at hindi ni Krsna. Si Krsna ay halos

naroroon lamang sa Kanyang mga ka-grupo subalit noong Ito’y pumanaog bilang si

Mahaprabhu ang Kanyang pangunahing layunin ay buksan ang daan patungo sa Kanyang

Lupain. “Sige ipagsabi ninyo. Sige ipagkalat ninyo. Sa umpisa’y ikalat ninyo ang Aking

katauhan bilang isang tunog. Dahil napakalawak ang bagay na ito, pino at epektibo. Doon

ang lahat ng bagay ay unti-unti ninyong makikita. Ito’y matatagpuan ninyo sa umpisa sa

pamamagitan ng Aking katauhan bilang isang tunog.”

Ang Kanyang katauhan bilang isang tunog ay yumayakap sa lahat ng bagay. Kahit mula sa

napakalayong lugar ito’y nakararating, at ganun din ang Kanyang Pigura, ang Kanyang

Kulay, at ang Kanyang Katangian, ang Kanyang mga Kasamahan, ang Kanyang mga naging

Aliwan. At sa panahong iyon ang deboto ay napapalapit sa isang partikular na gawain kung

saan siya ay sumasali sa Lila ng Panginoon.

Mercy

Question: Are karmic reactions the Lord’s mercy?

Answer: Intelligent persons consider karmic

reactions the Lord’s mercy. They endure them and

live on, having surrendered themselves to the Lord

in thought, word, and deed. They accept whatever

great adversities occur to be the reactions to their

own actions and do not fault the Lord. Rather, they

accept all adversity on their heads as mercy and

become more enamoured with the Lord. This is

the Bhagavat’s teaching.

Page 8: January 2015 Issue

Sri Gaudiya Darshan Philippines Page 8

His Divine Grace

Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Sevaite-President and Present Acharya of

Sri Chaitanya Saraswat Math

The Sri Gaudiya Darshan – the Philippine edition is a free semi-monthly Digital Newsletter-Magazine of the Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines – Sri Nama Hatta Center. Our society is a non-stock, non-profit organization duly registered at the Securities and Exchange Commission of the Philippines since February of 1992. Our Mission is managed by the legitimate initiated Filipino disciples of Their Divine Graces Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj, Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj and Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj and is devotionaly affiliated with the Sri Chaitanya Saraswat Math Nabadwip, India since 1984. For Inquiries:

The Secretariat Sri Chaitanya Saraswat Math

Kolerganj, P.O. Nabadwip, District of Nadia, West Bengal, India741302

www.scsmath.com www.srigaudiyadarshan.com

www.scsmathinternational.com Or at:

Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines Sri Nama-Hatta Center

66-D H. Ocampo St., Pook F. Amorsolo, Barangay U.P. Campus, Diliman, Quezon City, 1101 Philippines

Cellphone: (+63) 0949-8332414 E-mail: [email protected]

Follow us on Facebook: www.Facebook.com/scsmathphilippines-srinamahattacenter

For Free Download of SCSMath Books in Filipino: www.scribd.com/scsmathphilippines/srinamahatta