july issue

8
Educational Awareness and Information Drive sa Buwan ng Hulyo July Issue 2009 Vol. 1, Issue 7 Page 1 Volume 1, Issue 7 One Country… One People… One Army... Kalimitan nating naririnig ang kasabihan “Ang Kabataan, Pagasa ng Bayan”. Sa paglipas ng mga araw at maging sa kasalukuyang panahon, tunay nga na malaki ang papel na ginagampanan ng mga kabataan para sa ikauunlad ng ating bayan. Sa kabuuang bilang ng ating populasyon, binubuo ng mga kabataan ang pinakamalaking porsyento. Sa maraming kadahilanan, pilit itinataguyod ng mga magulang ang pagaaral ng kanilang mga anak sa paniniwalang sila ang magaangat sa kalagayan ng kanilang pamumuhay at malaking tulong din sila sa pagangat ng estado ng ating ekonomiya. Ang mga kabataan ay likas na maabilidad at talentado ngunit kailangan pa rin nila ng tamang gabay at sapat na atensiyon upang hindi maligaw ang landas at hindi magamit ng mga mapagsamantalang mga tao o grupo ang kanilang angking talino. Kaugnay nito, akmangakma ang isinusulong na programa ng CMOBn, Philippine Army na “Information Drive” sa iba’tibang lugar sa kalakhang Maynila. Layunin ng kampanyang ito na gabayan ang mga tao lalunglalo na ang mga kabataan sa pagpili ng mga samahan o organisasyon na susuportahan at sasamahan. Ang mga kabataan, bilang mabisang kasangkapan sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa, sila ang pangunahing target ng mga huwad na grupo na pilit isinusulong at ipinaglalaban ang mga bulok na paninindigan. Bilang pagpapatuloy sa programang “Information Drive”, ang CMOBn ay muli na namang nagsagawa ng programa sa iba’t – ibang lugar at paaralan dito sa Lungsod ng Maynila sa buong buwan ng Hulyo 2009 kung saan, ang halos kabuuan ng nakibahagi ay mga kabataan. Sa kabutihang loob at kooperasyon ni Brgy Captain Dominic Flores, naisakatuparan ng maayos ang programang ito. Pinangunahan ni Arnold Manabat, Presidente ng Youth Alliance Movement Of Kaingin1 (YMOK) ang mga kabataang dumalo at nakilahok sa programa. Buong suporta ding dumalo ang Samahan ng Maralitang Mamamayan ng Kaingin1 sa pangunguna ni President Danilo Balagso. Sa pamamagitan ng programang ito, nabigyan ng kasagutan ang mga agamagam at katanungang matagal ng gumugulo sa isipan ng mga kabataan. Namulat ang kanilang diwa sa tunay na layunin ng mga prenteng oraganisayon ng CPPNPANDF. Ang buong akala daw ng mga tao noong una ay para sa kabutihan ng lahat ang isinusulong ng grupo ngunit namulat sila sa katotohanan noong magsalita sa harapan nila ang dating aktibong rebeldeng NPA na si Bb. Agnes Reaño. Naging inspirasyon nila ang kwento ng buhay ni Bb. Reaño dahil nalaman nila ang mga estratihiyang ginagamit ng mga huwad na grupo upang sila ay maengganyong sumanib sa kanilang puwersa. Sana daw ay mapalawig pa ang programang ito ng mga kasundaluhan dahil marami silang natutulungang mga tao partikular ang mga kabataang katulad nila na malimit napagsasamantalahan at nalilinlang. Marami daw kasi ang naliligaw ang landas at nalilihis ang paniniwala at prinsipyong ipinaglalaban dahil sa propaganda at doktrina ng mga prenteng organisasyon kung kaya’t buong pusong pasasalamat ang mga ito sa mga sundalo dahil nalaman nila ang katotohanan at kailanma’y hindi na sila magpapalinlang. Mga Lugar kung saan Ginanap ang Information Drive Petsa Emilio Aguinaldo College 01 Hulyo 09 Kaingin I, Brgy Pansol, Q.C 12 Hulyo 09 Kaingin I, Brgy Pansol, Q.C 26 Hulyo 09 Si CPT CHICO at si Ms Agnes Reano ay walang sawang nag- bibigay ng “Information Drive” sa mga residente at mismo sa mga estudyante din sa iba’t—ibang paaralan upang maiwasan nila ang pagsali sa sinasabing komunismo, ang CPP/NDF/NPA.

Upload: cmo-battalion

Post on 18-Mar-2016

237 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

Kaingin I, Brgy Pansol, Q.C 26 Hulyo 09 Kaingin I, Brgy Pansol, Q.C 12 Hulyo 09 Volume 1, Issue 7 Petsa Vol. 1, Issue 7 Page 1 July Issue 2009 Si CPT CHICO at si Ms Agnes Reano ay walang sawang nag- bibigay ng “Information Drive” sa mga residente at mismo sa mga estudyante din sa iba’t—ibang paaralan upang maiwasan nila ang pagsali sa sinasabing komunismo, ang CPP/NDF/NPA.

TRANSCRIPT

Page 1: July Issue

Educational Awareness and Information Drive sa Buwan ng Hulyo

July Issue 2009 Vol. 1, Issue 7

Page 1 Volume 1, Issue 7 One Country… One People… One Army...

Kalimitan nating naririnig ang kasabihan “Ang Kabataan, Pag‐asa ng Bayan”. Sa paglipas ng mga araw at maging sa kasalukuyang panahon, tunay nga na malaki ang papel na ginagampanan ng mga kabataan para sa ikauunlad ng ating bayan. Sa kabuuang bilang ng ating populasyon, binubuo ng mga kabataan ang pinakamalak‐ing porsyento. Sa maraming kadahilanan, pilit itinataguyod ng mga magulang ang pag‐aaral ng kanilang mga anak sa paniniwalang sila ang mag‐aangat sa kalagayan ng kanilang pamumuhay at malaking tulong din sila sa pag‐angat ng estado ng ating ekonomiya. Ang mga kabataan ay likas na maabilidad at talentado ngunit kailangan pa rin nila ng tamang gabay at sapat na atensiyon upang hindi maligaw ang landas at hindi magamit ng mga mapagsamantalang mga tao o grupo ang kanilang angking talino.

Kaugnay nito, akmang‐akma ang isinusulong na programa ng CMOBn, Philippine Army na “Information Drive” sa iba’t‐ibang lugar sa kalakhang Maynila. Layunin ng kampanyang ito na gabayan ang mga tao lalung‐lalo na ang mga kabataan sa pagpili ng mga samahan o organisas‐yon na susuportahan at sasamahan. Ang mga kabataan, bilang mabisang kasangkapan sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa, sila ang pangunahing target ng mga huwad na grupo na pilit isinusulong at ipinaglala‐ban ang mga bulok na paninindigan.

Bilang pagpapatuloy sa programang “Information Drive”, ang CMOBn ay muli na namang nagsagawa ng pro‐grama sa iba’t – ibang lugar at paaralan dito sa Lungsod ng Maynila sa buong buwan ng Hulyo 2009 kung saan, ang halos kabuuan ng nakibahagi ay mga kabataan. Sa kabuti‐hang loob at kooperasyon ni Brgy Captain Dominic Flores, naisakatuparan ng maayos ang programang ito. Pinan‐gunahan ni Arnold Manabat, Presidente ng Youth Alliance Movement Of Kaingin‐1 (Y‐MOK) ang mga kabataang du‐malo at nakilahok sa programa. Buong suporta ding du‐malo ang Samahan ng Maralitang Mamamayan ng Kaingin‐1 sa pangunguna ni President Danilo Balagso. Sa pamam‐agitan ng programang ito, nabigyan ng kasagutan ang mga agam‐agam at katanungang matagal ng gumugulo sa isipan ng mga kabataan. Namulat ang kanilang diwa sa tunay na layunin ng mga prenteng oraganisayon ng CPP‐NPA‐NDF. Ang buong akala daw ng mga tao noong una ay para sa

kabutihan ng lahat ang isinusulong ng grupo ngunit namu‐lat sila sa katotohanan noong magsalita sa harapan nila ang dating aktibong rebeldeng NPA na si Bb. Agnes Reaño. Naging inspirasyon nila ang kwento ng buhay ni Bb. Reaño dahil nalaman nila ang mga estratihiyang ginagamit ng mga huwad na grupo upang sila ay maengganyong su‐manib sa kanilang puwersa. Sana daw ay mapalawig pa ang programang ito ng mga kasundaluhan dahil marami silang natutulungang mga tao partikular ang mga ka‐bataang katulad nila na malimit napagsasamantalahan at nalilinlang. Marami daw kasi ang naliligaw ang landas at nalilihis ang paniniwala at prinsipyong ipinaglalaban dahil sa propaganda at doktrina ng mga prenteng organisasyon kung kaya’t buong pusong pasasalamat ang mga ito sa mga sundalo dahil nalaman nila ang katotohanan at kailanma’y hindi na sila magpapalinlang.

Mga Lugar kung saan Ginanap ang Information Drive

Petsa

Emilio Aguinaldo College 01 Hulyo 09

Kaingin I, Brgy Pansol, Q.C 12 Hulyo 09

Kaingin I, Brgy Pansol, Q.C 26 Hulyo 09

Si CPT CHICO at si Ms Agnes Reano ay walang sawang nag-bibigay ng “Information Drive” sa mga residente at mismo sa mga estudyante din sa iba’t—ibang paaralan upang maiwasan nila ang pagsali sa sinasabing komunismo, ang CPP/NDF/NPA.

Page 2: July Issue

Muli na namang nagmarka sa isipan ng mga tao na ang mga sundalo ay kasangga at kaagapay nila sa buhay, mga kaibigang tunay na maasahan at hindi mga kaaway na dapat katakutan.

Ang mga sumusunod ay mga barangay kung saan, inilunsad ng mga sundalo ang programang Libreng Gupit sa mga residente.SL

Hindi lingid sa ating kaalaman na mas marami ang bilang ng ating mga kababayan na naghihirap kaysa sa mga nakakaangat sa buhay kaya marami ang mga kababayan natin na lubos na nangangailangan ng tulong pinansiyal.

Kaugnay nito, ang mga sundalo ng CMOBn, Philippine Army ay muli na namang nakapaghatid ng ligaya at tuwa sa mga residente lalong‐lalo na sa mga kalalakihan at mga bata bilang pagpapatuloy sa nasimulang serbisyo publiko sa ilalim ng programang libreng gupit. Hindi man pinansiyal na tulong ang inihatid ng mga sundalo ngunit maituturing na kahit papaano ay malaking tulong na din ito sa mga kababayan nating naghihirap dahil ito ay libreng inihandog para sa kanila.

Ang libreng gupit ay isa sa mga programang inilulunsad ng Civil Military Operations Battalion sa pangunguna ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL bilang Commanding Officer. Ang programang ito ay pinalawig ng CMOBn sa mga barangay ng Kalakhang Maynila dahil isa ito sa mga pangunahing pangangailangan ng mga residente upang ang kaayusan at kalinisan sa kanilang mga sarili ay mapanatili .

Bago masimulan ang ganitong programa sa bawat barangay, ito ay nagkakaroon muna ng koordinasyon at pakikipagtulungan ng mga local na opisyales, kagawad, at barangay tanod sa pangunguna ng kanilang mga butihing Barangay Chairman. Naging matagumpay at maayos ang pagsasagawa ng proyekto dahil sa kooperasyon at tulong na iginagawad ng mga local na pamahalan at mga tao. Ayon sa mga residente, lubos na kapaki‐pakinabang sa kagaya nilang mahihirap ang ganitong programa ng mga sundalo dahil malaking bawas ito sa kanilang pang araw‐araw na gastusin. Dahil sa hirap ng buhay, marami ang nakakalimot mag‐ayos sa kanilang mga sarili at mismong ang pagpapagupit ng buhok ay kinakalimutan na lang. Kung kaya’t malaking pasasalamat ang naging tugon ng mga residente sa mga sundalo dahil pinalad ang kanilang lugar na mapagkalooban ng ganitong klaseng aktibidad. Halos buong residente ng mga Barangay ang dumagsa sa nasabing programa. Kung dati, ang mga magulang na hindi sapat ang kinikita ay isinasantabi muna ang pag‐aayos sa kanilang mga sarili’t anak, ngayon ay laging nakangiti na sila’t maayos tingnan dahil sila’y malimit ayusin ng mga sundalo sa ilalim ng programang “Sundalo Ang Barbero Ko”.

Page 2 Volume 1, Issue 7

Balitaan sa Barangay

One Country… One People… One Army...

Handog Libreng Gupit ng CMO Battalion

Mga Lugar kung saan Ginanap ang Libreng Gupitan

Petsa

Sitio Tanglaw, Project 4, Q.C 04 Hulyo 09

Brgy Escopa III,Proj 4, Q.C 12 Hulyo 09

Brgy Escopa III,Proj 4, Q.C 14 Hulyo 09

Brgy Bahay Toro, Q.C 17 Hulyo 09

Brgy 125, Tondo, Manila 22 Hulyo 09

Brgy Duyan-Duyan Escopa III 24 Hulyo 09

Hermigildo J Atienza Elementary School, Baseco, Tondo, Manila

24 Hulyo 09

Brgy 275, Binondo, Manila 25 Hulyo 09

Sitio Militar, brgy Bahay Toro, QC

27 Hulyo 09

Brgy Bahay Toro, Q.C 27 Hulyo 09

Lubos na tuwa at kagalakan ang naglalarawan sa mga res-indente na nabahagian ng libreng gupit. Handog ito ng CMO Battalion, Phil Army.

Page 3: July Issue

gresista at pinag‐aaralan ang katotohanan, katapatan at integridad ng isang SONA ng pan‐gulo. Ang simpleng pakikinig ng SONA ay isang patriyotikong gawain bilang isang Pilipino. Ang pakikialam at paghusga base sa ating mga per‐sonal na karanasan ay patunay ng ating pag‐aalaga at pagmamahal sa bayan. Marahil ay marami sa ating kabataan ang nagkaroon din ng sariling opinyon o haka‐haka nang marinig at mapanood ang SONA ng pangulo. Sa bawat SONA na isinasagawa ng ating Pangulo ay ka‐sama ang pahiwatig ng isang malayang bansa na may respeto at malasakit sa karapatan ng kanyang mga mamamayan at pilit na isinusu‐long ang kapayapaan at kaunlaran. Suportahan natin ito. Hikayatin natin ang mga prenteng or‐ganisasyon ng CPP‐NPA‐NDF na ihinto na nila ang pagsuporta dito dahil ang komunismo na kanilang ipinaglalaban ay nakakasagabal sa at‐ing ekonomiya at pag‐unlad. Ngayong malaya na ang ating bansa ay bigyan nating halaga ang mga sakripisyo ng ating mga bayani para ipakita sa buong mundo na kaya nating pamunuan ng matatag ang ating bansa sa ilalim ng demok‐ratikong gobyerno. Mabuhay ang ating bansa! Mabuhay ang Pilipino! - MCSS

KAHALAGAHAN NG SONA

Ang State of the Nation Address o sa Fili‐pino ay Talumpati sa Kalagayan ng Bansa (SONA) ay ginaganap kada isang taon sa Republika ng Pilipi‐nas, kung saan ang Presidente ng Pilipinas ay isina‐saad ang kalagayan ng ating bansa sa nagdaang taon at isinasaad din ang kanyang mga plano para sa kasalukuyang taon. Ito ay isa sa mga tungkulin ng Presidente na nakasaad sa Artikulo VII, Seksiyon 23 ng 1987 Konstitusyon: "The President shall address the Congress at the opening of its regular session. He may also appear before it at any other time."

Noong ika‐27 ng Hulyo 2009, araw ng lu‐

nes, buong Pilipinas ang nakinig at nanood sa ta‐lumpati ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang huling SONA. Maging ang mga Pilipino sa ibang bansa ay nagkaroon ng pagkakataon na ma‐kita at marinig ang ulat ng pangulo – sa tv, radyo at sa mga sumusunod na ulat sa mga pahayagan at maging sa internet. Pero marami din and nagtata‐nong kung ano nga ba talaga ang SONA? Mahalaga ang SONA. Ito ay isang mahalagang ulat tungkol sa mga nagawa ng ating administrasyon para sa ba‐yan, kung ginawa nga ba nila ang kanilang sinum‐paang tungkulin nang may katapatan at dedikas‐yon. Higit sa lahat, ang SONA ay isang mahalagang ulat upang malaman nating lahat kung saan napunta ang pera mula sa kaban ng bayan o tax payers money.

Binibigyang halaga ng Kongreso ang SONA

upang ito’y lubusang maintindihan ng taong bayan. Ito’y masusing pinagtuunan ng pansin ng mga kon‐

E D I T O R Y A L Balitaan sa Barangay

Volume 1, Issue 7 Page 3 One Country… One People… One Army...

Page 4: July Issue

Likas na sa ating mga Pilipino ang sinasabing “MAKABAYAN” dahil nakaugalian na natin ang pagsulong at pagtulong sa kapwa lalong‐lalo na sa mga panahon ng krisis at sakuna. Ito ay isa sa malaking porsyento para makuha ang loob at maging isang mabuting kaibigan sa ating mga kapwa. Isang halimbawa nito ay ang pagtutu‐lungan sa paglilinis sa ating mga Barangay. Matanda man o bata, estudyante, pulis, sundalo, at mga tao na may iba’t ibang propesyon ay nagtutulongan sa pag‐aangat ng magandang relasyon sa bawat barangay.

Ang Civil Military Operations Battalion sa pamu‐muno ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL, ay lalo pang pinagtibay at ipinagpatuloy ang “Operasyon Linis” o “Cleanliness Drive” sa bawat barangay ng Maynila kung saan nakatalaga ang mga kasundaluhan natin.

Maayos at magandang samahan ang nabuo ng mga kasundaluhan natin sa mga residente ng barangay. Naging masaya ang mga residente at ibang local na opi‐syal at taos pusong samahan ang ipinamalas nila sa ating mga kasundaluhan. Ninanais nilang magtatagal pa ang pagkatalaga ng mga kasundaluhan sa kanilang lugar upang maipagpatuloy ang mga gawaing naumpisahan. Hindi lamang pagtutulong sa paglilinis ang ginagawa ng ating mga kasundaluhan, kundi maging ang seguridad din nila sa kanilang lugar ay binbigyang halaga. Maraming nagsasabi na noong dumating ang mga kasundaluhan sa kanilang lugar ay nabawasan ang mga krimen at iligal na gawain.

Ayon kay Aling Mila, nagpapasalamat sila sa mga nagawang kabutihan at pagtutulong ng mga sundalo sa kanila. Dahil dito naging mapayapa ang kanilang baran‐gay. Marami na rin silang natutunan sa mga sundalo ka‐gaya ng paglilinis sa kapaligiran. Dahil sa mga naitulong ng mga sundalo napamahal na rin sila sa mga resindente.

Cleanliness Drive Sa Mga Barangay Kaagapay Ang Kasundaluhan

Volume 1, Issue 7 Page 4

Balitaan sa Barangay

One Country… One People… One Army...

Mga Lugar kung saan Ginanap ang Operasyon Linis

Petsa

Talanay C Brgy, Batasan Hill, QC 01 Hulyo 09

NIA rd, Brgy Pinyahan, QC 04 Hulyo 09

Golden HOA Cmpd, brgy Gulod,QC 04 Hulyo 09

Champaca St, Brgy Sauyo, Novaliches, QC 05 Hulyo 09

SK Hall, Annex 1, Veterans Vil, Brgy Pasong Tamo 05 Hulyo 09

Talanay C, brgy Batasan Hills, QC 06 Hulyo 09

Brgy 621, Sta Mesa, Manila 06 Hulyo 09

Brgy 649, Baseco Port Area, Manila 06 Hulyo 09

Rd 2&3, NDC Cmp, Brgy 628, Sta Mesa, Manila 07 Hulyo 09

Brgy Hall, Brgy 275, Delpan, Binondo, Manila 07 Hulyo 09

Kaingin 1, Brgy Hall, Brgy Pansol, QC 08 Hulyo 09

Veterans Vill, Brgy Pasong Tamo, Qc 08 Hulyo 09

Brgy 627, Sta Mesa, Manila 08 Hulyo 09

Brgy 621, Bacood St, Sta Mesa, Manila 09 Hulyo 09

Gate 17&20, Brgy 20, Parola, Tondo, Manila 09 Hulyo 09

Committee St, Ordinace St, Talanay C, atasan QC 10 Hulyo 09

Brgy 275, Delpan, Binondo, Manila 10 Hulyo 09

Covered Court of Brgy 29, Zone 2, Tondo, Manila 11 Hulyo 09

Brgy Pasong Tamo, Qc 12 Hulyo 09

PUD Site, Escopa III, Project 4, QC 13 Hulyo 09

Finace St, Talanay C, Brgy Batasan Hills, QC 14 Hulyo 09

Block 6, Brgy Damayang Lagi, QC 14 Hulyo 09

Brgy 621, Bacood, Sta Mesa, Manila 15 Hulyo 09

Brgy 120, Caloocan City 17 Hulyo 09

Nuestra Senora Salvacion Groto, Sta Mesa, MAnila 17 Hulyo 09

Brgy Escopa III, QC 18 Hulyo 09

Brgy 29, Tondo, Manila 20 Hulyo 09

Ferm Vill Area 1&2 Brgy Pasong Tamo, QC 23 Hulyo 09

PUP, Campus, Sta Mesa, Manila 26 Hulyo 09

Brgy 128, Balut, Tondo, Manila 27 Hulyo 09

Block 6, brgy Damayang Lagi, QC 28 Hulyo 09

Brgy Hall of Brgy 128, balut, Tondo, Manila 29 Hulyo 09

Operation Linis. Isang serbisyo publiko ng CMOBn na patuloy na isinasagawa sa mga lugar sa lungsod ng Maynila.

Page 5: July Issue

Pangunahing tungkulin ng mga sundalo ang pro‐tektahan ang mamamayan at panatilihin ang katahimi‐kan at seguridad ng ating bayan. Kung dati, ang mga sun‐dalo ay nasa mga kabundukan lang at nakikipaglaban sa mga rebelde, ngayon ay bumaba na ang mga ito sa kana‐yunan upang mas paigtingin ang seguridad ng mga tao. Noong unang lumapag ang mga sundalo sa mga kanay‐unan, marahil ay labis na nagtaka ang mga tao dahil wala naman sa kapatagan ang giyera. Ngunit hindi nagtagal ay lubos ding naunawaan ng mga tao ang tunay na dahilan ng pananatili ng mga kawal sa mga kanayunan. Maliban sa pangunahing tungkulin na magbigay proteksyon sa taong bayan, ang mga sundalo ay tumutok din sa pagpa‐palawig ng mga programang pangkabuhayan na labis nakatulong sa ating mga kababayang walang trabaho at hirap sa buhay. Hindi natin maipagkaila ngayon na ang kasundaluhan ay isang ahensya ng ating gobyerno na nagsisilbing tulay para ang mga tulong at benepisyong pangkabuhayan na iginagawad ng ating gobyerno ay makakarating sa mga tao. Bukod pa sa programang ito, ang pagbibigay ng “manpower assistance” o pag‐aalok ng kahit anong klaseng tulong ay hindi rin ipinagkait ng mga sundalo sa mga lugar na lubos na nangangailan.

Ang mga siyudad ng Manila, Sta. Mesa, Quezon City, at maging ang CAMANAVA ay mga lugar ng National Capital Region (NCR) kung saan nakalapag ang mga ka‐sundaluhan. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga sundalo sa mga lugar na ito dahil sila ay kaagapay ng ating mga kapulisan sa pagpapanatili ng katahimikan at higit sa lahat ay sila ang takbuhan ng mga tao sa kahit anong tulong na kayang maibigay. Halimbawa ng mga tulong ay ang paglilinis sa kapaligiran, pagtulong sa pag‐babahagi ng NFA rice sa mga residente, seguridad sa kahit anong klaseng okasyon, pagkukumpuni sa mga nasirang upuan at lamesa tuwing pasukan, at iba pang tulong sa mga proyekto ng barangay. Tunay nga na ka‐paki‐pakinabang ang presensiya ng mga sundalo sa kana‐yunan kung kaya’t lubos silang minahal at tinangkilik ng mga tao. Kaya suportahan natin at tulungan sila upang manatiling mapayapa ang ating kanayunan at bansa.–SL

Volume 1, Issue 7 Page 5

Balitaan sa Barangay

One Country… One People… One Army...

Pagpapanatili sa Seguridad ng mga Tao, Patuloy na Ginagampanan ng mga Sundalo

Mga Lugar kung saan binibigyan ng Security Assistance ang mga Sundalo

Petsa

Phase 2, Covered Court, Brgy Payatas, QC 01 Hulyo 09

Dubai, San Roque II, Brgy Bagong Pag‐asa, QC 01 Hulyo 09

Kainging I, Brgy Pansol, QC 04 Hulyo 09

Brgy Pasong Tamo, QC 04 Hulyo 09

Lafelonila St., Damayang Lai, QC 08 Hulyo 09

Casanova Drive, brgy Culiat, QC 10 Hulyo 09

Kaingin II, Brgy Pansol, QC 11 Hulyo 09

Brgy Bahay Toro, QC 12 Hulyo 09

Covered court, brgy Escopa III, Project 4, QC 14 Hulyo 09

Block 6, Brgy Damayang Lagi, QC 14 Hulyo 09

Brgy Sauyo, Novaliches, QC 14 Hulyo 09

Sk Bldg Annex 2, Veterans Vill, Brgy Pasong Tamo 17 Hulyo 09

Brgy 20, Parola, Tondo, Manila 18 Hulyo 09

Brgy 49, Caloocan City 19 Hulyo 09

Salumina Cmpd, Brgy Sauyo, QC 20 Hulyo 09

Multipurpose Hall, Brgy Escopa II, QC 23 Hulyo 09

Pasong Tamo Elem School, Brgy Pasong Tamo, QC 24 Hulyo 09

Brgy Central, QC 25 Hulyo 09

Lafelinila St harap sa Brgy Hall, Damayang Lagi,QC 29 Hulyo 09

SK Hall Annex 1, brgy Pasong Tamo, QC 29 Hulyo 09

Ang pagbibigay ng Security Assistance ng mga kasundalu-han ng CMOBn ay hindi lamang sa mga barangay kundi kahit sa mga paaralan.

Page 6: July Issue

Volume 1, Issue 6 Page 6

“Feeding Program” ng CMOBn Patuloy na Inilu-

lunsad

Hindi kaila sa atin na ang kahirapan ang pangunahing problema ng ating bansa. Mahigit kalahati ng populasyon ay nagugutom. Maraming mga bata ang kulang sa nutrisyon at hindi wasto sa timbang. Dahil sa hirap ng buhay, karaniwang ini-hahain ng mga magulang sa hapag-kainan ay mu-rang pagkain na walang sustansiya para sa mga anak. Ang resulta, pagiging matamlay at mapurol na utak ng mga bata. Ang nakakaalarmang katotohanan na ito ang nagbigay-daan upang mas lalong paigtingin at palawigin ang programang libreng pakain ng mga sundalo. Marami ang natutuwa sa programang ito dahil kahit papaano sa simpleng paraan ay naram-daman nila na may karamay sila sa pakikipaglaban sa kahirapan sa buhay. Ang pangunahing pinagtu-tuunan ng pansin ng ating mga kasundaluhan ay ang mga lugar kung saan naninirahan ang mga kababayan nating mahihirap katulad ng Tondo, Manila; Pandacan, manila; Sta. Mesa, manila at maging ang mga situdad ng CAMANAVA. Dito ay nagsisiksikan ang ating mga kababayang salat sa marangyang buhay. Sila ay patuloy na naging in-spirasyon ng mga sundalo upang mas maging ma-sigasig sa pagsulong sa mga programang makakatulong sa kagaya nilang nangangailangan ng gabay at kalinga. Simple lang kung tutuusin ang “feeding program” ng mga sundalo ngunit labis ang pasasalamat nila dahil ramdam nila ang tunay na pagmamalasakit. Ang karaniwang inihahanda ng mga sun-dalo sa programang libreng pakain ay lugaw itlog/arozcaldo at sopas. Murang pagkain lang ito pero masustansiya at makakatulong sa pagdagdag ng timbang ng mga bata. Bukod pa sa mga pagkaing inihahanda, may libreng “tips” din na ibinibigay ang mga sundalo sa mga tao sa paghahanda ng mga pagkaing mura at abot kaya ngunit masustansiya.

Balitaan sa Barangay

One Country… One People… One Army...

Mga Lugar kung saan nilunsad and Programang Feeding ng CMOBn sa mga Barangay

Petsa

Cabuyo, Brgy Sauyo, Novaliches, QC 27 Hulyo 09

Interior Masaya,Brgy Gulod,Nova, QC 27 Hulyo 09

Area 7‐A, Brgy Pasong Tamo, QC 27 Hulyo 09

Sitio Militar, Brgy Bahay, Toro, QC 27 Hulyo 09

Nr ng mga Bata

160

145

159

150

Covered Court, brgy 125, Tondo, Mnl 160 27 Hulyo 09

Brgy Hall, brgy 56, Tondo 200 27 Hulyo 09

Brgy 128, balut, Tondo 170 27 Hulyo 09

Gate 17, Parol, Tondo 160 27 Hulyo 09

Covered Court Brgy 29, Tondo 150 27 Hulyo 09

Brgy Bahay Toro, QC 180 27 Hulyo 09

Matagumpay na inilunsad ang “Feeding Program” sa Baran-gay ng Novaliches, QC. Kabilang na lumahok ang halos lahat ng kabataan maging ang kanilang mga nanay.

Sa pangunguna ng 1CODE Coy, CMOBn, patuloy na inilulun-sad ang programang libreng pakain sa mga bata ng Tondo.

Page 7: July Issue

PINAKAMAHABANG EKLIPSE

NG ARAW

Ang eklipse ng araw na naganap noong Hulyo 22, 2009 ang pinakamatagal na eklipse na naganap sa ika-21 siglo at ito’y mauulit sa Hunyo 2132 ayon sa mga expert. Tumagal ang eklipse ng mga anim (6) na minuto at 39 segundo sa mga baybayin ng Ti-mog Silangang Asya. Ito ang pangalawa sa serye ng tatlong eklipse na naganap sa loob ng isang buwan. (ABC News Australia).

Ang buong eklipse ay nakita mula sa hilagang Maldives, hilagang India, silangang Nepal, hilagang Bangladesh, Bhutan, pinaka-hilaga ng Myanmar, gitnang China at sa Kara-gatang Pasipiko, kasama ang Ryukyu Islands, Marshall Islands at Kiribati.

Nangyayari ang eklipse kapag du-madaan ang buwan sa pagitan ng Araw at ng Daigdig sa gayon, ganap o bahaging natatak-

pan ang Araw. Nangyayari lamang ito kapag bagong buwan at kapag magkasabay ang Araw at Buwan ayon sa pagkakita nito mula

sa Daigdig. Hindi bababa sa dalawa at aabot hanggang sa limang eklipse ang magaganap sa bawat taon sa buong Daigdig, kasama ang sero hanggang dalawang kabuuang eklipse. Gayunpaman, bibihira lamang ang eklipse ng araw sa kahit anumang lokasyon dahil naroon lamang ang kabuuang eklipse sa isang maki-pot na pasilyo sa isang maliit na lawak ng um-bra ng Buwan. Hango sa: www.wikipedia.org.

Volume 1, Issue 6 Page 7

Balitaan sa Barangay

One Country… One People… One Army...

DAGDAG KAALAMAN

B A L I T A A N S A B A R A N G A Y …. TUNGO SA MAUNLAD, MATIWASAY AT NAGKAKAISANG KOMUNIDAD!!!

OPISYAL NA BUWANANG PAHAYAGANG PANG-BARANGAY NG CIVIL-MILITARY OPERATIONS BAT-TALION, CIVIL-MILITARY OPERATIONS GROUP, PHILIPPINE ARMY NA MAY HEADQUARTERS SA JUSMAG VILLAGE, FT. BONIFACIO, TAGUIG CITY. ANO MANG KOMENTO, SUHESTYON O KONTRIBUSYON NA NAIS IBAHAGI AY PWE-DENG IPAHATID SA MGA SUMUSUNOD:

TELEFAX: 845– 9555 LOC 6433 Website: www.cmobn.com

E– MAIL: [email protected] Friendster: [email protected] CELLPHONE:: 09229596385/ 09167703289

ONE COUNTRY… ONE PEOPLE… ONE ARMY!!!

Unang larawan: Ang eklipse na nakita sa Kurigram, Bangladesh. Ikalawang Lara-wan: Ang eklipse na nakita sa Lungsod ng Quezon, Kalakhang Maynila.

Page 8: July Issue

Volume 1, Issue 7 Page 8 Balitaan sa Barangay

Balitaan sa Barangay

Okey sige, walang problema, . Kausapin mo ang taga pune-narya kung papayag silang palitan mo si Oscar sa posisyon niya ngayon,

Ha? Wala ah! Gusto ko lang sana kung pwede po ay palitan ko ang kanyang posisyon ngayon boss.

Oo nga daw eh...pero teka, Bakit mo nga pala tinatanong? Siguro may utang ka sa kanya ano?

Boss, pwede ka bang makausap? Tungkol po ito sa ating manager na si Oscar. Totoo bang namatay na daw siya boss?

Isang araw , isang empleyado ang kumausap sa kanyang amo upang magpasipsip.

Aba! Ngayon lang ako nakakita ng nagvolunteer ng ganito ah. Sigurado kaya ito sa mga sina-sabi niya?

Nay, nahihilo ako. Bun-tis talaga ako.

Sinabi ng hindi ka buntis eh. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?

Ooorrk..!!! Nanay nasusuka ako, buntis ako.

Hindi ka buntis.!

Isang araw, nagsasampay ng damit si aling Nena. Ngunit may narinig siyang kakaibang nangyayari sa kanyang anak.

Isa pa’t dudurugin ko iyang itlog mo, damuhong ka!!

Nanay, gusto ko ng mga maaasim, buntis ako..