kasaysayan ng pilipinas

25
Ang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nangangahulugang ang Pilipinas ay itinuring na isang teritoryo ng Estados Unidos ay magmula 1898 hanggang 1946. Bukod sa ilang mga retensiyonista o mga tao na nais panatilihin ang Pilipinas bilang isang nasasakupan ng Estados Unidos, ang balak ng mga naging Pangulo ng Estados at ng mga kinatawan (representatibo) ng Estados Unidos hinggil sa kanilang misyon ng pangongolonya ay ang pag-iiwi (tutelahe, o pangangasiwa ng kapuluan ng Pilipinas hanggang sa maabot na nito ang ganap na gulang o tamang panahon ng pagpapalaya), na naaayon sa kung kailan at sa anong mga katayuan at mga kasunduan.[1] Unang tumuntong sa kapuluan ng Pilipinas ang mga sundalo ng Estados Unidos noong 1898, subalit ang unang hakbang sa kanilang pamumuno sa Pilipinas ay nagsimula noong 1899, nang itinalaga ng Pangulo ng Estados Unidos na si William McKinley ang Unang Komisyon na pang- Pilipinas o Komisyon ni Shurman (First Philippine Commission o Schurman Commission) noong 20 Enero 1899, na nasundan ng iba pang mga Komisyon.[1] Unang Komisyon (1899)[baguhin | baguhin ang batayan] Ang Komisyon ni Shurman o Unang Komisyon ng Estados sa Pilipinas ay isang komisyon na binubuo ng limang mga Amerikano at pinamunuan ni Jacob Schurman. Kabilang sa mga kasapi nito si Admiral Dewey at Heneral Otis. Layunin ng Komisyon na alamin ang kalagayan ng kapuluan. Kabilang sa ulat ng Komisyon, pagkaraan ng isang taon, na ang mga Pilipino ay naghahangad ng kasarinlan at kalayaan; at kabilang sa kanilang mga mungkahi ang (a) pagiging hindi pa handa ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng kalayaan at kasarinlan, (b) ang paglulunsad ng pamahalaang sibilyan sa halip na pinangangasiwaan ng isang gobernador na militar, (c) pagtatatag ng lehislaturang bikameral (ang lehislatura ay ang kapulungan ng mga tagapaglagda ng mga kautusan o batas), (d) paglulunsad ng mga pamahalaang mayroong awtonomiya sa mga antas na panlalawigan at pangmunisipyo, at (e) pagtatatag ng isang sistema ng walang bayad o libreng publikong mga paaralang pang-elementarya.[1]

Upload: julan-uy

Post on 24-Dec-2015

289 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

pananakopamerikanotidbits

TRANSCRIPT

Page 1: Kasaysayan Ng Pilipinas

Ang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nangangahulugang ang Pilipinas ay itinuring na isang teritoryo ng Estados Unidos ay magmula 1898 hanggang 1946. Bukod sa ilang mga retensiyonista o mga tao na nais panatilihin ang Pilipinas bilang isang nasasakupan ng Estados Unidos, ang balak ng mga naging Pangulo ng Estados at ng mga kinatawan (representatibo) ng Estados Unidos hinggil sa kanilang misyon ng pangongolonya ay ang pag-iiwi (tutelahe, o pangangasiwa ng kapuluan ng Pilipinas hanggang sa maabot na nito ang ganap na gulang o tamang panahon ng pagpapalaya), na naaayon sa kung kailan at sa anong mga katayuan at mga kasunduan.[1]

Unang tumuntong sa kapuluan ng Pilipinas ang mga sundalo ng Estados Unidos noong 1898, subalit ang unang hakbang sa kanilang pamumuno sa Pilipinas ay nagsimula noong 1899, nang itinalaga ng Pangulo ng Estados Unidos na si William McKinley ang Unang Komisyon na pang-Pilipinas o Komisyon ni Shurman (First Philippine Commission o Schurman Commission) noong 20 Enero 1899, na nasundan ng iba pang mga Komisyon.[1]

Unang Komisyon (1899)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Komisyon ni Shurman o Unang Komisyon ng Estados sa Pilipinas ay isang komisyon na binubuo ng limang mga Amerikano at pinamunuan ni Jacob Schurman. Kabilang sa mga kasapi nito si Admiral Dewey at Heneral Otis. Layunin ng Komisyon na alamin ang kalagayan ng kapuluan. Kabilang sa ulat ng Komisyon, pagkaraan ng isang taon, na ang mga Pilipino ay naghahangad ng kasarinlan at kalayaan; at kabilang sa kanilang mga mungkahi ang (a) pagiging hindi pa handa ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng kalayaan at kasarinlan, (b) ang paglulunsad ng pamahalaang sibilyan sa halip na pinangangasiwaan ng isang gobernador na militar, (c) pagtatatag ng lehislaturang bikameral (ang lehislatura ay ang kapulungan ng mga tagapaglagda ng mga kautusan o batas), (d) paglulunsad ng mga pamahalaang mayroong awtonomiya sa mga antas na panlalawigan at pangmunisipyo, at (e) pagtatatag ng isang sistema ng walang bayad o libreng publikong mga paaralang pang-elementarya.[1]

Ikalawang Komisyon (1900)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Ikalawang Komisyon ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nakikilala rin bilang Komisyon ni Taft (Taft Commission), sapagkat ang pinunong komisyonero nito ay si William Howard Taft (si Taft rin ang unang gobernador na sibilyan ng Pilipinas), ay itinalaga ni McKinley noong 16 Marso 1900. Binigyan ito ng kapangyarihang gumawa ng mga batas (umabot sa 499 ang bilang ng mga batas na nagawa mula 1900 hanggang 1902) at ng kapangyarihang magpatupad ng mga batas, kabilang na ang paglulunsad ng isang sistemang panghukuman, ng serbisyong sibil, ng kodigong legal, ng kodigong munisipal, ng Konstabularyo ng Pilipinas bilang isang puwersang pambuong kapuluan (Hulyo 1901).[1]

Page 2: Kasaysayan Ng Pilipinas

Ang tatlong pangunahing mga haligi ng palatuntunan o programa ng pag-iwi ng Komisyong Taft sa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga sumusunod: (a) kaunlarang pang-ekonomiya, (b) edukasyon, (c) paglulunsad ng mga institusyong kumakatawan o representatibo.[2]

Batas Organiko ng Pilipinas (1902)[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Hulyo 1902, ipinatupad sa Pilipinas ang tinatawag na Philippine Organic Act (Batas Organiko ng Pilipinas) na maglulunsad ng nahalal na Kapulungan ng Pilipinas (Asamblea ng Pilipinas, o ang Mababang Kapulungan) at ng Mataas na Kapulungan na binubuo ng Komisyon ng Pilipinas na itinalaga ng pangulo ng Estados Unidos at may kakayahang magpasa ng batas hinggil sa mga Moro at mga taong hindi Kristiyano. Dahil sa batas na ito, umiral sa Pilipinas ang Tala ng mga Karapatan (Bill of Rights) na umiiral na sa Estados Unidos, at nakapagpapadala ang Pilipinas ng dalawang komisyonerong residente sa Washington, DC na luklukan ng pamahalaan ng Estados Unidos na dadalo sa mga sesyon ng Konggreso ng Estados Unidos. Naganap ang unang halalan para sa Mababang Kapulungan noong Hulyo 1907. Ginanap ang unang sesyon nito noong 16 Oktubre 1907.[1]

Noong 1902, binuwag ng Batas Organiko ng Pilipinas ang katayuan ng Katolisismong Romano bilang relihiyong pang-estado ng Pilipinas. Batay sa naging kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng Estados at ng Lungsod ng Batikano, magkakaroon ng unti-unting pagpapalit ng mga prayleng Kastila na ang mga hahalili ay mga paring Pilipino at hindi Kastila, at ang pangunahing bahagi ng mga lupaing pag-aari ng mga prayle (na humigit-kumulang sa 166,000 mga hektarya) ay ipinagbili noong 1904 sa administrasyon ng Estados Unidos sa halagang US$7.2 mga milyon na ipinagbili naman pagdaka sa mga Pilipino.[1]

Sistema ng politika[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa sistemang pampolitika na ginamit ng Estados Unidos sa Pilipinas ay ang tinatawag na "patakaran ng pag-akit" (policy of attraction), kung kailan inakit ng mga Amerikano ang mga pili na mga Pilipino (ang mga elite), partikular na ang mga ilustrado (na binansagan bilang "oligarkiya ng intelihensiya"), na mas nais na makipagtulungan sa Espanya o kaya sa Estados Unidos dahil hindi nila pinagkatiwalaan ang Katipunan at sila ay mga rebolusyanoryong nag-aatubili. Kabilang sa mga ito sina Trinidad H. Pardo de Tavera (isang inapo ng maharlikang Kastila) at Benito Legarda (isang kapitalista at may-ari ng lupa), na kapwa umayaw sa pamahalaan ni Emilio Aguinaldo noong 1898 dahil sa hindi pagkakaroon ng mga kasunduan kay Apolinario Mabini.[3]

Bilang pakikiisa nina Pardo de Tavera at Legarda sa mga Amerikano, nakiisa sila sa mga Komisyon nina Schurman at Taft at tinangkilik ang pagtanggap ng mga Pilipino sa Estados Unidos. Noong Disyembre 1900, tinangkilik nila ang pagiging isa sa mga estado ng Pilipinas ng Estados Unidos sa ilalim ng Partidong

Page 3: Kasaysayan Ng Pilipinas

Pederalista (Federalista Party). Naitalaga sila bilang unang mga kasaping Pilipino ng Komisyong Pilipino na pambatas. Noong 1905, binago ng partidong ang kanilang palatuntunan, dahil sa kawalan ng kasunduan sa mga pinuno nito, upang tangkilikin ang pagkakaroon ng Pilipinas ng "lubos na kalayaan". Binago ng partido ang pangalan nito upang maging Partido Nacional Progresista (National Progressive Party).[3]

Noong 1907, inilunsad ang Nacionalista Party (Partido Nasyonalista) at nangibabaw sa larangan ng politika sa Pilipinas hanggang sa pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kabilang sa mga kasapi nito ay mga hindi ilustrado. Isa sa mga pinuno ng partido ay sina Manuel Quezon at Sergio Osmeña. Ang naging plataporma ng Partido Nasyonalista ay ang pagkakaroon ng "kaagad na kalayaan" para sa Pilipinas. Dahil sa paglitaw ng Partido Nasyonalista, nagkaroon ng sistemang may partido sa Pilipinas, subalit walang naging kalaban sa politika ang Partido Nasyonalista magmula 1916 hanggang 1945. Lumitaw lamang ang Liberal Party (Partido Liberal) noong 1946.[3]

Pamana ng patakaran ng pag-akit[baguhin | baguhin ang batayan]

Mayroong tinatanaw bilang tagumpay at kabiguan ang "patakaran ng pag-akit". Ang tagumpay nito ay ang pagkakabigay sa mga Pilipino ng Estados Unidos ng "edukasyong pampolitika". Ang kabiguan naman nito ay ang pagkakaroon ng hadlang (dahil sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang malakas na partidong pampolitika) sa mga hangarin o interes ng mga hindi elite o hindi pili sa lipunan. Hindi nagkaroon ng pagtuon sa repormang panlipunan, pag-aari ng lupain, pangungupahan sa lupain, at hindi patas na pagkakamudmod ng yaman.[3]

Batas Jones[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagkaroon ng pagtutulungan sa pagitan ng mga panig ng mga Amerikano at ng mga Pilipino noong maging Gobernador-Heneral ng Pilipinas si Francis Burton Harrison (1913-21), isang pinuno na inilarawan bilang isang "monarkang pangkonstitusyon" na namamahala ng "pamahalaan ng mga Pilipino". Naging liberal si Woodrow Wilson, na nasa ilalim ng Democratic Party (Partido Demokratiko), sa pakikitungo sa mga Pilipino. Noong 1913, nagtalaga si Wilson ng 5 mga Pilipinas bilang miyembro ng pambatas na Komisyong Pilipino (unang pagkakataon na nasa mayorya ang bilang ng mga Pilipino sa nasabing Komisyon). Isinakatuparan ni Harrison ang Pilipinisasyon ng serbisyo sibil, na mas dumami ang bilang ng mga Pilipinong opisyal ng pamahalaan kaysa sa dami ng mga Amerikano. Sa panahong ito, nangingibabaw ang Nacionalista Party ng mga Pilipino.[4]

Noong 1916, ipinasa ng Konggreso ng Estados Unidos ang Batas Jones (Jones Act), ang pangalawang organikong batas na may kaugnayan sa Pilipinas, at pumalit sa Batas na Organiko ng 1902. Isinasaad dito

Page 4: Kasaysayan Ng Pilipinas

na may layunin ang Estados Unidos na palayain ang Pilipinas kapag nakapagtatag na ito ng isang matatag na pamahalaan. Napalitan ng Senado ng Pilipinas ang Komisyon ng Pilipinas sa pagganap bilang Mataas na Kapulungan na pambatas. Ang Mababang Kapulungan ay pinalitan naman ang pangalan upang maging Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives). Dahil sa Batas Jones, ang sangay na lehislatibo o pambatas ng pamahalaan ay napunta sa kontrol o pagtaban ng mga Pilipino, bagaman ang mga hukom ng Korte Suprema (Kataastaasang Hukuman) ay nananatiling mga Amerikano.[4]

Mula 1921 hanggang 1927, ang naging kapalit ni Wilson bilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas ay si Heneral Leonard Wood, isang pinuno na hindi naniniwala na dapat lisanin ng Estados Unidos ang Pilipinas dahil sa mga interes ng Estados Unidos sa pook ng kanlurang Pasipiko. Hindi katulad ni Wilson, ginamit ni Wood ang kaniyang kapangyarihan sa paggamit ng veto (pagtutol) na umabot sa 126 na mga ulit sa loob ng kaniyang anim na taon sa panunungkulan bilang gobernador-heneral ng Pilipinas. Noong 1923, maraming mga Pilipino ang umayaw sa kanilang mga tungkuling pampamahalaan, na hindi napunuan hanggang sa kamatayan ni Wood noong 1927. Dahil dito, binaligtad ng mga naging kahalili ni Wood bilang gobernador-heneral ang kaniyang mga patakaran at naglunsad ng mabuting pakikitungo sa mga Pilipinong nanunungkulan sa politika.[4]

Katayuan ng Mindanao at Sulu[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 1914, umiiral sa pamahalaan ng Pilipinas ang tinatawag na Kagawaran o Departamento ng Mindanao at Sulu. Noong panahong iyon, sa pananaw ng mga Pilipinong Moro (Pilipinong Muslim), isang panganib para sa kanilang katayuan sa politika ang mabilisang Pilipinisasyon ng serbisyong sibil at ang pagkakaroon ng sasapit na kalayaan ng Pilipinas, dahil sa ang pamahalaan ng isang malayang Pilipinas ay mapapangingibabawan ng mga Kristiyano. Noong panahong iyon, wala pang pambatas na pagkilala sa mga kostumbre at mga institusyon ng mga Muslim sa Pilipinas.[4]

Sampamahalaan ng Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 1935, dahil sa isang lehislasyon na ipinasa ng Konggreso ng Estados Unidos noong 1934, nailunsad ang pagiging Sampamahalaan o Komonwelt ng Pilipinas.[4]

Nang panahong iyon ay hindi gaanong naging mahalaga sa mga manunulat na Pilipino kung hindi pa rin sila ganap na malayang makasulat ng talagang nais nilang isulat. Katulad ng isang maliit na ibong matagal na nakulong, nang bigyan ng laying lumipad ay nasiyahan na muna sa palipad- lipad sa labas sa labas ng hawla at hindi makapangahas lumipad sa malayo.

Page 5: Kasaysayan Ng Pilipinas

Para sa mga manunulat na Pilipino, ang pinakamahalagang naganap ay nakakawala sila sa galamay ng kaisa-isang paksang maari nilang talakayin sa panahon ng Kastila at ito ay ang pagpuri’t pagbibigay- karangalan sa kanilang relihiyong Kristiyanismo.

Kahit na nga sila’y ginapusan ng bagong panginoon ng mahigpit na tanikala ng batas ng sedisyon. Makakasulat sila ng tungkol sa kahit na ano, lao na ang tungkol sa pang-aabuso’t pananampalasan ng kanilang mga dating panginoon, ang mga Kastila.

Sa ilalim ng batas sedisyon ay hindi sila maaaring magsulat nang lantaran ni sa paraang pahiwatig ng kahit na angong makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Amerikano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa mga Amerikano, laban sa kanilang mga pagmamalabis laban sa kanilang mga layunin na hindi naman pawang sa kapakanang Pilipino.

Mahahati ang panahong 1901 -1942 sa tatlo: (a) Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan; (b) Panahon ng Romantisismo sa Panitikan (c) Panahon ng Malasariling Pamahalaan.

A.Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan

Sa tanglaw ng kasaysayan ay higit ngayo’ng maliwanag ang pagsususri sa mga naganap nang panahong iyon. Nabigyan ng kalayaan ang mga Pilipino subalit katakatakang may malaking balakid na humadlang sa pagsupling ng panitikang makabayan. Unang- una, dapat na sumibol na uri ng panitikan sa panahing iyon ay nakukulayan ng nasyonalismo: pagmamahal sa bayan, sariling kalinangan, panitikan at wika.

Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang mga “paghihimagsik” tulad ng masaksihan sa Tanikalang Ginto ni Juan K. Abad at Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino.

Subalit dahil nga sa batas ng sedisyon at dahil sa pangangalaga ng mga Amerikano sa sarili nating kapakanan at sa katuparan ng kanilang mga mkasariling layunin, naiba ang takbo ng panitikan.

B. Ang Romantisismo sa Panitikan.

Page 6: Kasaysayan Ng Pilipinas

Naging isang mabisang kasangkapan ng mga Amerikano ang pagpapalaganap ng romantisismo sa kanilang lahatan at mabilisang pagbabago sa katutubong kamalayang Pilipino. Ito an uring nahihimig sa Romantisismo ng Kanluran--- lubhang emosyunal, malabis ang pagkamoralistiko, sadyang sumusumang sa hindi kayayang abutin ng isipan, dumadakila sa kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, gumagamit ng matayog na imahinasyon o guniguni at bumabandila ng tungkol sa kalayaang sarili.

Masasabing bagaman dinampot ng panikiang Pilipino ang romantisismong banyaga ay hindi naman lubus-lubusan. Isang katangian ng manunulat na Pilipino ang kakayahang ihalo ang ‘hiniram’ na katulad ng romantisismo sa pansariling elemento na angkop lamang sa kulturang Pilipino.

Talakayin natin ang mga katangiang romantiko na napaloob sa mga pampanitikang sulatin noon.

Unang- una, masasabing nagasgas nang husto ang paboritong paksa, ang pag-ibig. Sa tuwi- tuwina, binibihisan lamang ng iba’t ibang anyo’t kulay, ito’y tungkol sap ag-iibigan ng isang mahirap at isang mayaman.

Ang ganitong kalakaran ng paksa ay malinaw na mababakas sa mga kuwentong lumitaw sa Mga Kuwentong Ginto: Katipunan ng Pinakamahusay na Katha Mula sa 1925- 1935. Ito’y tinipon at ipinalagay na pinakamahusay nina Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla.

Isa pang katangian ng panitikang romantiko ay ang pagpaksa sa katutubong buhat sa mga lalawigan, lalo na sa malalayong nayon. Sa isang tagalunsod na mambabasa, ito’y tila ba isang pagganyak na iwan ang buhay na iyon at lasapin ang sarap ng buhay sa piling ng mga bukiring namamango sa hinog na play at kalabaw sa ilalim ng punong mangga: ngangasab- ngasab at kontentong- kontento.

Pinalutang din ang mga tauhang kahanga-hanga, ang maiinam na mga katangaian o iyong tinatawag na mga romanikong bayani.

Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nagbibigay ng aral batay sa mga ipinangangaral ng relihiyong Kristiyanismo. Sa tuwina’y ikinikintal sa ispan na ang masama’y pinarurusahan at ang mabuti’y tumatanggap ng karampatang ganitmpala.

Page 7: Kasaysayan Ng Pilipinas

C. Mga Samahan ng mga Manunulat

Mahahati ang panahng ito batay sa mga itinatag na mg asamahan ng mga manunulat noong. Ang Aklatang- Bayan (1900- 1921), at Ilaw at Panitik (1922-1934).

Panbahon ng Aklatang Bayan (1900- 1921)

Ang Pasingaw at Dagli

Sang-ayon kay Lope K. Santos, ang maikling kathang Tagalog ay matutuntong na nagsupling sa anyo ng panitikang tinatawag na Pasingaw. Ito’y kadalasang tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan, sinasamba nang lihim o pinaparunggitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sap ag-uugali o sa hitsura. Kaya ang kadalasang nagsusulat nit ay mga lalaking manunulat na nagkukubli sa ilalim ng mga sagisag dahil na rin sa “kaselanan” ng mga paksang tinatalakay.

Ang pasingaw ay naging dagli. Sa tiyakang pagbibigay ng kahulugan , ang dagli ay isang maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa.

Ang Tula sa Panahon ng Aklatang Bayan

Yumabong nang husto ang tula sa panahong ito ng Aklatang- Bayan.Masasabi pa ngang sa lahat ng panitikan ng panahong iyon ay sa tula nanaig nang ganap ang romantisismo

Si Francisco Balagtas ay hindi maikakailang produkto ng kaniyang panahon. Sa kaniyang mga isinulat na hindi nasunog at sumapit sa kamay ng mga sumunod na henerasyon ay ganap na mababakas ang labis na sentimentalismo ng kaniyang panahon.

Ang mga Manunulat ng Panahon:

Page 8: Kasaysayan Ng Pilipinas

Jose Corazon de Jesus- ang “Makata ng Puso” ang siyang higit sa kaninoman ay nkamana ng korona’t setro, ng pinsel at papel ni Francisco Baltazar. Hindi kailanman magiging ganap ang anomang pagsusuri ng tulang Pilipino sa kahit anong panahon kung hindi babanggitin ang pangalan ni Huseng Batute, ang “Makata ng Puso”.

Lope K. Santos ang “Makata ng Buhay” sa kaniyang mga tula, mababakas ang pagkamakata sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga bagay- bagay sa buhay, lalong- lao na iyong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid. Dalubhasa ang panulat ni Lope K. Santo sa paglalarawan ng kahit na itinuturing na walang kuwenta at fi pansing mga bagay. Hindi rin lumihis si Lope sa kalakaran ng pangangaral. Katunayan, may kalipunan siya ng mga kuwentong tula na hango sa mga katutubng salawikain

Pedro Gatmaitan- nagpakita ng pag-unawa sa kalagayang panlipunan ng kaniyang paligid. Taong 1913 nang kanyang paksain ang tungkol sa maselan na temang nauukol sa lipuang feudal. Sumulat din siya ng mga nauukol sa pagmamahal sa bayan.

Iñigo Ed Regalado (1855- 1896 ) siya ay isa ring kuwentista, nobelista at mamahayag ngunit ang buong linamnam at tamis ng kaniyang pagkamulat ay sa kaniyang mga tula malalasap. Tinalakay niya sa kaniyang mga tula ang buhay sa daigdig, ang mga bagay- bagay sa kapaligiran at ang mga di mapapasubaliang katotohan ng buhay.

Florentino Collantes (1896- 1951)- kapanahon ni Jose Corazon de Jesus at mahigpit niyang nakaagaw sa titulong Hari ng Balagtasan.

Julian Cruz Balmaceda (1885- 1947) kilalang mandudula, mananalaysay, nobelista, mananaliksik wika at makata. Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa hanggang sa mamatay sa taong 1947.

Nobela

Inilalahad sa nobela o kathambuhay ang kawil- kawil na mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan. Ang mga kawil- kawil na pangyayaring ito ang siyang bumubuo naman ng isang tiyak na pangyayaring ito ang siyang bumubuo naman sa isang tiyak na balangkas. Ang pinkapangunahing sangkap ay ang mahigpitang pagtutunggali ng mga hangarin ng pangunahing tauhan at ng iba pang mga tauhang may iba naming hangarin ng pangunahing tauhan at ng iba pang mg atauhang may iba naming hangarin.

Masasabing ang nobela ay unang ganap na nakakita ng liwanag sa pagsisimula ng panahon ng Aklatang- Bayan, 1900. Sa loob ng panahong ito na sumasakop sa loob ng dalawampung taon, mahigit na

Page 9: Kasaysayan Ng Pilipinas

limampung nobela ang nasulat at halos lahat ng ito ay orihuinal ng may-akda at hindi hango sa mga kathambuhay na Ingles at Kastila.

Ang Dula at Dulaan

Salawang uri ng paghihimagsik ang ipinamals ng mga mansusula sa kanilang mga sinula. Ang una’y paghihimagsik sa kalupitan at pagmamalabis ng mga KAstila. Ito ang uri ng pinakamakabayang hangad ng mga Amerikano. Ang labis nilang ipinagbawal sabihin pa ay ang paghihimagsik sa pamamagitan ng panulat laban sa pamahalaang Amerikano.

Mga Manunulat ng Dula

Severino Reyes (1861- 1942). Taong 1902 nang simulan niyang mag-ukol ng panahon para sa pagsulat at pagpapaunlad ng dulang Tagalog. Para sa kaniya, ang moro- moro o comedia ay walang idinudulot na anomang kapakinabangan sa mga manonood kaya’t pinagsikapan niyang ito’y palitan ng inaakala niyang higit na mapagkukunan ng aral at karikitan ng sambayanang manonood. Mula nang pasukin niya ang makabagong uri ng dulang tagalog, ang sarsuwela, wala nang dulang nakahigit sa kaniya. Siya ang may-akda ng pamosong Walang Sugat.

Patricio Mariano( 1877- 1935). Siya ay nakapag-ambag na sa iba’t ibang larangan ng panitikang Pilipino. Siya’y kinikilala hindi lamang sa pagsusulat ng dula kundi gayon din sa pagiging isang batikang makata, mamamahayag, nobelista at tagapagsalin ng mga sulatin mula sa wikang Kastila.

Balagtasan- isang patulang pagtatalo o debate na higit na nakilala sa pagtangkilik ng dakilang Sinse ng Panginay na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Ang kaunaunahang balagtasan ay ginanap sa bulwagan ng Instituto de Mujeres noong 1924, Abg nga nakatabg nagtagisan ng talino ay sina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes.

Blagtasan- Balitaw- isang anyo ng dulang Cebuano na pinagsanib ang duplo at balitaw. May mga pagkakataong ang banghay ng pagliligawan sa balitaw ay nagiging sanligan ng pagtatalo sa isang paksang hindi romantiko.

Batutian- isang mimetiko at satirikong pagtatalong patula na may kayarian ng isang dula na pinangalanan sa makatang si Jose Corazon de Jesus na higit na kilala sa sagisag panulat na Huseng Batute.

Bukanegan- isang mimetikong pagtatalong patulang nagbuhat sa pangalang Pedro Bukaneg na itinuturing na “Ama ng Panulaang Ilocano.” Kahawig ito ng Balagtasa at Batutian ng mga Tagalog.

Page 10: Kasaysayan Ng Pilipinas

Crissotan- isang mimetikong pagtatalong patulang buhat sa pangalang Crisostomo Sotto, ang Ama ng Panulaang Pampango. Isa itong pagtatalong kahawig ng Balagtasan at Batutian ng mga Tagalog at Bukanegan ng mga Ilokano.

Panahon ng Ilaw at Panitik

Ang Panahon ng Ilaw at Panitik ay nagsimula sa paglitaw ng magsaing Liwayway noong 1922. Ito’y nakilala muna sa tawag na Photo News noong mga unang taon nito.

Maliwanag na mababakas sa mga pangyayari ang paglitaw ng magasing Liwayway ay nagdulot ng si gaanong pampasigla sa panitikan. Janggang sa sumusunod na panahon ay patuloy itong nanatili sa sirkulasyon habang ang ibang nauna o kasabay nito ay naglahong parang bula.

Ang Panahon ng Ilaw at Panitik aynagwakas sa taong 1932, sa pagkakaatag ng Panitikan, isang kapisanang itinuturing na siyang sakdalista at aristokrata ng panulatang Pilipino.

Katangian ng Pampanitkan

Tinatawag itong panahon ng pagpapalaganap o popularisasyon. Sa panahong ito, patuloy pa ring kinawiwilihan ng mga mambabasa ang mga kuwentong nauukol sa tapat at dakilang pag-ibig. Namayani pa rin ang romantisismo bagam’t masasabing may mga manunulat ng nagkaroon ng pag-iisip at lakas ng loob na kabakahin ito at gumawa sila ng mga hakbang upang maiangat ang pamantayan at pataasin ang kilatis ng mga nasusulat ng panahong iyon.

Maikling katha

Masasbi na ring masigla at masigabo ang pagsulat at pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa maikling katha bagamat patuloy ang pamamalasak ng romantisismo. Dahil sa Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo, nagkaroon ng pagpili sa mga akdang sa palag niya’y pinakamagagaling na katha ng mga buwan at taon.

Page 11: Kasaysayan Ng Pilipinas

Dahil sa siyam na taong ito ng matiyagang pagsala ni del Mundo sa inakala niyang pinakamahusay na maikling katha, masasabing tumaas ang kilatis ng maikling katha. Nagkaroon ng inspirasyon ang mga manunulat at naging masigla sila. Nagkaroon sila ng matibay dahilan upang paghusayin ang pamamaraan ng kanilang pagsulat at naging masigla sila. Nagkaroon sila ng matibay na dahilan upang paghusayin ang pamamaraan ng kanilang pagsulat at palawakin ang tema na hindi naman pawang sa pag-ibig.

Ang Tula

Ang paglabas ng Liwayway noong taong 1922 ang siyang higit sa lahat ay nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino ay nagpasigla sa mga sangay ng panitikang Pilipino lalo na sa tula.

Ang mga Makata:

Amado V. Hernandez- ang makata ng Manggagawa. Ang mga tula niya ay naglalantad ng tunatawag na kamalayang panlipunan. Tinatalakay niya sa kaniyang mga tula ang iba’t ibang bahagi ng buhay: tao, makina, bayani, gagamba, langgam, panahon at pati aso.

Julian Cruz Balmaceda- Itinuturing na haligi ng panitikang Pilipino. Siya’y isang makata, mandudula, kuwentista, mangangatha, dalibwika at naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa.

Ildefonso Santos- hinangaan siya sa kanya bilang makata ang kariktan ng kaniyang mga pananalitang ginagamit ngunit kakambal nito ang katayugan ng diwang ipinahayag.

Ang Nobela

Tunay na ang paglitaw ng magasing Liwayway sa panahong ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mga nobelista na makapaglathala ng pagyuyugto- yugto ng kanilang mga isinulat ngunit dahil sa mga pagpiling ginawa at pagbibigay ng gantimpala sa mga marikit na maikling katha ng taon, hindi gaanong naging masigla ang pagtanggap sa mga nobela.

Ang Dula

Page 12: Kasaysayan Ng Pilipinas

Kung gaano kasigla ang pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa mga sarsuwela noong unang taon ng mga Amerikano o sa panahon ng Aklatang- Bayan ay siya naming panlalamig nila sa panahon ng Ilaw at Panitik. Hindi masisi ang mga mandudula sa panahong ito sapagkat ginawa nila ang makakaya upang mapanatili ang sigla ng mga dula. Subalit sadyang ang pagbabago’y dala ng panahon.

C. Panahon ng Malasariling Pamahalaan

Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong nalalapit nang magwakas ang pananakop ng mga Amerikano hanggang sa panahon ng Hapon. Sa panahong ito, nabigyan ng Malasariling Pamahalaan ang mga Pilipino sa pangungulo ni Manuel Luis Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya ang nagpunyagi upang magkaroon ng Wikang pambansa ang Pilipinas sa panahong ito.

Ang Maikling Katha

Taglay ng panahong ito ang tatak ng mga pampanitikang katangian ng nagpapabukod- tango sa mga maiikling kathang nasulat sa panahong iyon. Ganap nang nababakas ang tinatawag na katipian sa larangan ng paglalarawan at ganoon din sa pagpapahayag ng nadarama. Ang larawan at ganoon din sa pagpapahayag ng nadarama. Ang mga kuwentista ay nagsimula na ring gumamit ng mga panauhan sa kuwento.

Ang Tula

Ang panahong ito ay ay pinaging makulay ng tintawag na “paghihimagsik “ ni Alejandro Abadilla. Sa biglang tingin, ang pinaghimagsikan” ni Abadilla ay ang porma t hitsura ng tula lalong- lalo na ang kanyuang nagtataglay ng “sukat at tugma” subalit panahon at kasaysayan ang nagpbulaan dito. Winasak niya ang matibay at makipot na bakod na kinapapalooban ng magandang panualan. Nilagot niya ang matibay na kadenang sumasakal sa kalayaan ng pagpapahayag ng masalamisim na guniguni. Ang tula’y nagkaroon ng bagong hugis, ng bagong anyo; tila rumaragasang tubig na tumatalunton sa mga bundok at kapatagan at ang ibinunga’y magkahalong katuwaan at pag-aagam- agam sa sambayanang mahilig tumula.

Ang Dula

Page 13: Kasaysayan Ng Pilipinas

Bunga ng mga kadahilan ang hindi naiwasan, nanlupaypay ang anyong ito ng panitikan ng mga sumunod na taon. Nauso ang bodabil sa stage shows at halos ay nawalan ng pagkakataon ang pagtatanghal ng dula. Dumating ang mga pelikulang galling sa Amerika at ganap na narahuyo ang mga tao sa panonood ng mga ito sa halip na dula.

Ang Nobela

Katulad din ng dula, kung ano ang sigabo at siglang ipinamalas ng mga nobelista sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano ay ganoon sin ang panlulupaypay at halos paglalaho nito nang sumunod na panahon.

Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noongPebrero 4, 1899, matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan. Naging mas magastos at mas marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga kasapi. Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.[12] Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong Marso 31, 1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[12]Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng katapusan ng digmaan.[12] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.[13]

Pananakop ng Amerikano sa Pilipinas

Pananakop ng Amerikano sa PilipinasDecember 4, 2012

Page 14: Kasaysayan Ng Pilipinas

Ang pananakop ng mga Amerikano ay isang pagbabalat-kayo, na sa umpisa ay nagkukunwaring mga tagapagligtas ng kalayaan ng Pilipinas, ngunit sa bandang huli ay unti-unting nagtanggal ng maskara.Sabi sa aklat ng Sa Kuko ng Limbas na isinulat ni Dr. Nemesio Prudente, ang paghahari at pananakop ng mga imperyalistang Amerikano sa Pilipinas, ay nahahati sa dalawang panahon o yugto:¨       Ang una ay lantarang pananakop, kasama na ang panahon ng Komonwelt.¨       Ang ikalawa ay ang hindi tuwirang pananakop na nagsimula pagkatapos na “ipagkaloob” noong Hulyo 4, 1946 ang kunwa-kunwariang kalayaang pulitikal (neocolonialism)Sinabi din sa akda na hindi totoong aksidente ang pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas.   Ang kanilang pagpasok sa Pilipinas at sa buong Asya ay udyok ng makasariling hangarin.  Noong daw mga panahong yaon, humihina na ang mga dating kolonyalistang bansa tulad ng Espanya, Portugal, Pransiya at Olanda.  Dahil dito, madaling naisagawa ng Estados Unidos ang pagpapalawak ng kanyang impluwensyang pangkabuhayan.  Napadali ang pagtatatag nila ng pamilihan sa iba’t-ibang bansa sa Asya na napagdadalhan nila ng kanilang produktong industriyal at agrikultural na labis sa pangangailangan ng kanilang mamamayan.  Ayon pa sa may-akda, inihandang mabuti ng Estados Unidos ang kanyang sistemang gagawin na may hangarin sa Asya.  Pinalakas ang kanyang hukbong dagat at militar upang hindi malamangan ng iba pang mga bansang imperyalista.  Inihanda ang ganitong hukbo, hindi lamang laban sa kapwa imperyalista, kundi upang matiyak ang tagumpay ng pananakop kung tututol ang sasakupin o kung ang mga ito naman ay maghihimagsik kapag nasakop na.  Binigyan-diin din ni Prudente na ang pagpapalakas na ito ng kanilang sandatahang lakas ay hindi dikta ng “dangal at tungkulin” ng kanilang bansa, kundi ng mga monopolistang Amerikano na nagbubukas ng bagong gawain sa Amerika- ang imperyalismong pandaigdig.Isinalaysay din sa akda ang mga hindi magagandang ginawa ng mga Amerikano, tulad ng panloloko nila kina Aguinaldo, brutalidad at ang hindi makataong pagpaparusa sa mga Pilipino.  Ilan pa sa mga kalupitang ito ay ang mga sumusunod:¨       Tinutubig ang mga nahuhuling rebolusyunaryong Pilipino.¨       Ang lahat ng bayan na hindi nakikiisa sa mga Amerikano ay kanilang sinunog at pinagsisira.¨       Sila ay parang mga sadistang pumatay nang walang kabuluhang pangmilitar.Inisa-isa din sa aklat ang mga Amerikanong opisyal na nagpahirap sa mga Pilipino tulad nina Hen. Wesley Meritt, Hen. Arthur MacArthur, Hen. Douglas MacArthur, Koronel Jacob Smith at Hen. Frederick Funston.  Sa kabilang panig, nabanggit din dito ang mga kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban sa mga Amerikano para sa pagpapanatili ng kapayapaan tulad ni Gregorio del Pilar na nagbuwis ng kanyang sariling buhay.  Binigyang-halaga din sa aklat ang mga naitulong ng mga kaibigang Intsik tulad ni Jose Pawa at Dr. Sun Yat Sen na nakaambag sa pakikipaglaban sa mga Amerikano.Ipinaliwanag din ng aklat ang mga batas na ipinatupad noon ng mga Amerikano na nagpapatunay na nais nilang sakupin ang Pilipinas tulad ng batas sedisyon at iba pa.  Inilarawan din dito kung paano gumawa ng paraan ang mga Amerikano upang wasakin at baguhin ang kultura at edukasyong Pilipino sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga gurong Amerikano sa Pilipinas at ang paggamit ng Ingles bilang wikang panturo na naglalayong magkaroon ng agwat ang uri ng mga Pilipino.  Ayon sa aklat, ito ay taktikang imperyalista: ang pagpapalubha sa pagkakahati at hindi pagkakaunawaan ng sambayanan.Sinimulan din, ayon kay Prudente ang pagpapadala sa mga pensiyunadong Pilipino sa Amerika upang makalikha ng mga Pilipinong Amerikano na magtatanggol sa interes ng mga Amerikano sa bansa.  Layunin din, ayon pa sa may-akda ng pagpapadalang iyon ng mga pensiyunado sa Amerika na makabuo ng mga burukratikong Pilipino na higit pang kakampi sa mga imperyalista kaysa sa mga Pilipino.Ang pagpapasok ng sistema ng edukasyon batay sa mga Amerikano ay isang paraan ng mga imperyalista upang masaklaw hindi lamang ang mga katawan, kundi upang burahin pa rin ang bahid ng nasyonalismo sa isipan ng bawat Pilipino.  Samakatwid, ayon kay Prudente, kinasangkapan ng mga Amerikano ang edukasyon sa pagsakop sa Pilipinas.Bukod dito, hinayaan ng mga Amerikano na mamatay ang mga industriyang pangkamay o

Page 15: Kasaysayan Ng Pilipinas

pambahay sa Pilipinas, na dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga yaring produktong Amerikano aynatatalo sa kompetensya.  Ang ganitong paraan ng pagpatay sa industriyang Pilipino, at ng patuloy na pagdagsa ng mga produktong Amerikano ang naging dahilan ng patuloy na pagkakaroon ng buhay ng piyudalismo na siyang sanhi kung bakit ang mga magsasaka at manggagawa sa Pilipinas ay nananatiling dukha at api.Ang imperyalismong Amerikano ay hindi makapananatili nang matagal sa Pilipinas kung wala silang kasabwat at kapanalig sa bansa.  Sa larangang pangkabuhayan, ang mga imperyalista ay may mga alipures- mga panginoong maylupa at komprador na siyang tuwirang nakikinabang sa kanilang tuwirang pananakop na iyon.  Ang lagi nang biktima ng koloyalismo ay ang maraming bilang ng mga magsasaka at manggagawa.  Dito sumipot ang neo-kolonyalismo, isang antas ng panloloko ng imperyalismong Amerikano, ngunit siyang pinakamataas.  Ang neo-kolonyalismo o ang makabagong paraan ng pananakop ay isang kilusang kontra- rebolusyunaryo; isang paraan ng paggamot upang mapigil ang paglakas ng kilusang mapagpalaya, lalo na sa dakong Asya.Ang imperyalismo ay siyang balakid kung bakit hindi maaaring makasunod ang isang bansang hindi maunlad sa daan ng kapitalistang pag-unlad.  Dahil sa patuloy na pananatili ng imperyalismo sa Pilipinas, ang lipunang nabuo at tumibay sa bansa ay isang lipunang malakolonyal at malapyudal.   Ayon sa aklat, ito ang talagang nais na mangyari ng Amerika- na ang balangkas ng kabuhayan ng Pilipinas ay maging pyudal upang sa habang panahon ay maging tagatustos na lamang ito ng mga hilaw na kalakal at tagaangkat ng mga yaring produkto.  Ang mga burukratang kapitalista, partido pulitikal ay nagsilbing kasabwat ng mga imperyalista.  Lahat ng mga kautusan at batas na kanilang nililikha at ipinatutupad ay mga batas na ang mga imperyalista at ang kanilang uri lamang ang siyang nakikinabang.Ang pambansang krisis na ito, ayon kay Prudente ay mawawakasan lamang sa pamamagitan ng pagbuwag sa hindi pantay na kasunduan ng mga Pilipino at Amerikano na pinagbabatayan ng mga imperyalistang Amerikano sa Pilipinas.  Nararapat din ayon sa may-akda na magkaisa ang mga manggagawa sa ilalim ng patakarang demokratikong makabayan.  Ang pamamahala ng mga Amerikano sa mga negosyo dito sa Pilipinas ay dapat nang ipasakamay sa mga Pilipino.At ang pinakaimportante sa lahat, ayon pa kay Prudente ay ang pagbabago sa edukasyon, kailangan itong sumailalim sa Pilipinasyon upang makatulong sa pagbuwag ng imperyalismo sa bansa.Kung may katotohanan o wala ang mga naisulat ni Prudente sa akdang sa Kuko ng Limbas, bilang mga Pilipino, nararapat lamang na pangalagaan natin ang ating bansa at proteksyunan natin ito sa mga gawain ng dayuhan na maaaring umagaw uli ng ating kalayaan.  Nawa’y matuto tayo sa nakaraan at iwasan na natin ang paggawa ng mga desisyong magpapahamak sa ating bansa.  Ang Pilipinas ay ating bansa, ito ay para sa atin at tayo bilang mga Pilipino ay para sa kanya.  Sa ano mang ginagawa, isipin natin ang ikabubuti nito sapagkat ang Pilipinas lamang ang nagbubukod tanging Inang Bayan natin.

“Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas”Posted by Ang Sayote on January 19, 2014

Motibo at Layunin sa Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas

Destiny / Manifest destiny – ang paniniwala ng mga Amerikano na sila ay itinadhanang lahi na magpapalaganap ng

kanilang sibilisasyon sa mundo. Sila ang mag-aangat sa katayuan ng mga inferyor na bansa sa mundo.

Defense – tumutukoy sa layunin ng Estados Unidos na maisulong ang kanyang interes na pangmilitar sa mundo.

Kailangan nitong magkaroon ng mga kolonya at base-militar upang mapangalagaan ang kanyang mga interes pang-

ekonomiko sa bansa.

Page 16: Kasaysayan Ng Pilipinas

Deity - Tumutukoy sa motibong panrelihiyon sa pagpapalawak ng Estados Unidos. Partikular ito na tumutukoy sa

hangarin ng pamunuan ng iba’t-ibang sekta ng relihiyong Protestantismo.

Dollar – Pangunahing motibo sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Ang pagsusulong nito nga mga interes pang-ekonomiko sa Silangan lalo na sa bansang Tsina.

 

Duty - Tungkulin ng bawat mamamayang Amerikano na sumuporta at maglingkod sa patakaran sa pagpapalawak ng

Estados Unidos. Ito ay tungkulin nila sa bansa bilang mga Amerikano at Kristyano.

 

Mga Patakaran at Batas na Sumupil sa Nasyonalismong Pilipino

 

Batas Sedisyon – Itinatag ng Philippine Commission noong 1901. Pagbabawal sa panghihikayat at lahat ng uri ng

pagkilos na magsusulong sa kalayaan ng Pilipinas.

Batas sa Panunulisan – pagbabawal sa pagsapi sa anumang pangkat na gumagamit ng armas laban sa mga

Amerikano. Kamatayan ang parusa sa sinumang lalabag.

Batas Bandila – pagbabawal sa pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas sa anumang pamamaraan.

El Renacimiento – ang pahayagang pinaglathalaan ng isang editoryal na pinamagatang “Aves de Rapina” o Ibong

Mandaragit.

Aves de Rapina – tahasang bumabatikos sa gawain ng ilang Amerikanong opisyal at negosyante.

Martin Ocampo – may-ari ng pahayagang El Renacimiento.

Teodoro Kalaw – patnugot ng pahayagang El Renacimiento.

Macario Sakay – tagapagtatag ng Republika ng Katagalugan at nahatulang bitayin sa harap ng publiko dahil sa

paglabag sa Batas sa Panunulisan.

 

Patakarang Pilipinisasyon at iba pang Patakarang Pampolitikang Ipinatupad ng mga Amerikano

Tatlong Uri o Yugto ng Pamahalaang Amerikano sa Pilipinas

1. Pamahalaang Militar

2. Pamahalaang Sibil

3. Pamahalaang Commonwealth

Benevolent Assimilation – ipinatupad ni Pangulong William McKinley noong Disyembre 21, 1898-ipinalalabas ng

mga Amerikanong sila’y nagtungo sa Pilipinas upang iangat ang buhay ng mga Pilipino at hindi para sakupin ang

mga ito.

Pilipinisasyon – pagbibigay karapatan sa mga Pilipinong pamunuan ang sariling bansa.

Batas Cooper o Philippine Bill of 1902 – nagtatadhana sa pagtatatag ng isang Pambansang Asamblea na bubuuin

ng mga Pilipino na hahawak ng mga posisyon, sa isang kondisyon at ito ang pagtitigil sa mga pag-aalsa laban sa

pamunuang Amerikano sa bansa.

Francis B. Harrison – naging gobernador heneral ng Pilipinas noong 1913 at nagpalit ng uri ng pamahalaang umiiral

sa Pilipinas mula sa pagiging “Pamahalaang Amerikano na katulong ang mga Pilipino” tungo sa pagiging

“Pamahalaang Pilipino katulong ang mga Amerikano.”

Batas Jones – sa pamamagitan ng batas na ito ay naitatag ang Senado na pinamumunuan na ng mga Pilipino.

Naging kwalipikasyon sa pagboto noong panahon ng mga Amerikano

1. Kinakailangang lalaki at ang gulang ay 23 taon pataas.

Page 17: Kasaysayan Ng Pilipinas

2. Dapat nakahawak na ng posisyon sa pamahalaan bago o sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.

3. May ari-ariang lupain na nagkakahalaga ng 500 piso o nagbabayad ng taunang buwis na umaabot ng tatlumpung

piso.

4. Nakapagbabasa, nakapagsusulat at nakapagsasalita ng wikang Ingles o Espanyol.

Patakarang Malayang Kalakalan at Iba pang Patakarang Pang-Ekonomiya ng mga Amerikano

Matatandaan na Dollar ang pangunahing layunin ng mga Amerikano sa pagsakop sa Pilipinas, kung kaya’t

natural lang na magpatupad sila ng mga patakaran at batas pang-ekonomiko.

Free Trade o Malayang Kalakalan – nagtatakda sa malayang pagpasok ng mga kalakal ng EU at Pilipinas sa

pamilihan ng dalawang bansa.

Mga Patakarang Pangkalakalan na Ipinatupad ng mga Amerikano sa Pilipinas

1. Payne Aldrich Tariff (1909) – nagtatadhana na ang mga Amerikano ay maaaring magpasok ng mga kalakal sa

pamilihan ng Pilipinas nang walang limitasyon. Taliwas sa naging karapatan ng Pilipinas na magpasok ng mga

kalakal sa EU na may kota o limitasyon particular na sa mga pagunahin nitong produkto.

2. Underwood Simmons Act (1913) – pagtatanggal sa kota o limitasyon na ipinataw ng mga Amerikano sa mga

produktong Pilipino. Subalit ang mga Pilipino ay hindi maaaring makapagluwas ng mga yaring produkto o

manufactured goods. Layunin nitong hadlangan ang Pilipinas na magsimula ng industriyalisasyon.

(Lihim na layunin ng mga Amerikano nag awing isang bansang agricultural ang Pilipinas upang maging tagabili

lamang ng mga niyaring kalakal ng mga pagawaan at industriya ng Estados Unidos)

3. Land Registration Act o Torrens Title Act – itinadhana na ang sinumang nagmamay-ari ng lupa ay dapat

iparehistro ang kanilang lupain at kumuha ng titulong tinatawag na Torrens Title.

4. Homstead Act – pinayagan ang sinumang magsasaka na makabili ng lupang publiko.

5. Friar Lands Act – ang mga magsasaka ay maaaring bumili ng lupa sa pamahalaan mula sa mga lupaing nabili

nito sa mga ordeng relihiyoso.

6. Rice Tenancy Act –  nagtatadhana ng pantay na hatian (50-50) sa pagitan ng nagmamay-ari ng lupa at ng

magsasaka.

Dahil sa tuluyang pagsandal ng ekonomiya ng Pilipinas sa ekonomiya ng EU, tuluyang nalimitahan ang kakayahan

ng Pilipinas na lumikha ng sarili niyang gawang produkto. Resulta nito maraming maliliit na industriya sa Pilipinas ang

nalugi sanhi ng patuloy na pagpasok ng mga produktong Amerikano sa bansa.

Ito rin ang naging punto kung kailan ang mga Pilipino ay tuluyan nang nahilig sa mga stateside products.

 

Mga Patakarang Pangkulturang Ipinatupad ng mga Amerikano sa Pilipinas

Mga Pagbabago sa Arkitektura

Daniel Burnham – nakilala sa pagdidisenyo ng mga lungsod ng Baguio at Maynila. Lumikha ng iba pang mga

disenyo ng iba’t-ibang gusali sa Pilipinas na nakabatay sa estilong neoklasikal.

Neoklasikal (Neoclassical) –  tawag sa isang uri ng disenyong pang arkitekturang nauso sa Estados Unidos noong

panahon ng pananakupan nito sa Pilipinas.

Chalet –  (tsalet) – isa pang uri ng arkitekturang ipinakilala ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ang disenyong ito ay may

isang palapag lamang na kinatatampukan ng isang magarang beranda sa harapan o sa paligid ng bahagi. Ang

bubong ay yari sa yero (galvanized iron), ang mga haligi ay maaaring kahoy o konkretong semento at ang dingding

ay karaniwang yari sa table.

Mga Pagbabago sa Panitikan

Page 18: Kasaysayan Ng Pilipinas

Dalawang Grupo ng mga Pilipinong Manunulat sa wikang Ingles na Nagsusulong ng Magkaibang Kaisipan sa

Pagsusulat

1. Pinangungunahan ni Jose Garcia Villa – naniniwala na higit na mahalaga sa literatura ang craftsmanship at

lenggwahe kaysa nilalaman.

“Hindi kinakailangan ng literatura na makisangkot sa usaping pampolitika at panlipunan at dapat sumunod

lamang sa panuntunan ng ‘art for art’s sake.’

2. Philippine Writer’s Club sa pangunguna ni Federico Mangahas, Salvador Lopez, Jose Lansang at I.P.

Caballero –

“Ang panitikan ay may mahalagang papel sa paghubog ng kaisipang panlipunan at pagmumulat sa

mamamayan sa kaapihan, kawalang katarungan at kamalian sa lipunan.”

Iba pang Impluwensyang Kultural ng mga Amerikano

Pag-iksi ng mga damit tulad ng bestida na dati’y mahahabang saya sa panahon ng mga Espanyol.

Pagsusuot ng mga lalaking Pilipino ng mga Amerikano at kurbata samantalang mga sapatos na may takong naman

sa mga babae.

Iba’t-ibang sports tulad ng basketball, boksing, football o soccer at softball.

Pagkatuto ng mga Pilipino ng iba’t-ibang sayaw sa saliw ng blues, jazz, cakewalk, charlestone, rock and roll, foxtrot,

at boogie.

Pagkatuto sa ibang mga libangan tulad ng panonood ng sine at telebisyon.

Pagkakaroon ng mga appliances na de kuryente

Naging popular ang mga awiting opera at mga pangkat musikal na banda at rondalla.

Rondalla Ideal – pinakatanyag na rondalla sa panahon ng mga Amerikano.

Guillermo Tolentino – lumikha ng Bonifacio Monument sa Kalookan at Oblation na naging sagisag ng Unibersidad

ng Pilipinas.

Paghiram sa mga salitang Amerikano gaya ng titser, hayskul, dyip, bulakbol, basketbol, bistek, telepono, tren at iba

pa.

Maging ang pagbabago sa pagpapangalan tulad ng Mary, Peter at Joseph.

Mga Pagbabago sa Edukasyon, Kalusugan, Lipunan, at Imprastraktura

Mga Pagbabago sa Edukasyon

Thomasites – dahilan sa kakulangan  nagpadala ang mga Amerikano ng 600 guro na sakay ng SS Thomas kung

kaya’t nakilala ang mga ito sa katawagang Thomasites.

Pagkakaiba ng Sistemang Pang-edukasyon na ipinatupad ng mga Espanyol at Amerikano sa Pilipinas

Sa panahon ng mga Amerikano naging libre ang pag-aaral.

Mas binigyang pagpapahalaga ang pag-aaral sa pagkamamamayan at sistemang demokratiko kaysa relihiyon.

Philippine Normal School – itinatag ng Philippine Commission noong 1901, para sa pagsasanay ng mga gurong

Pilipino.

Pensionados – tawag sa mga Pilipinong pinag-aral ng Estados sa kanilang bansa nang walang bayad. Sa

pagbabalik ng mga ito sila ay namuno sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan kabilang ang pagiging guro sa mga

pampublikong paaralan.

Unibersidad ng Pilipinas – itinatag noong 1908

Centro Escolar University – itinatag noong 1907

National University – itinatag noong 1900

Siliman University – itinatag noong 1901

*Ang mga pagbabagong naganap sa panahon ng mga Amerikano ang nagbigay daan sa pagkakaroon ng mga

Pilipino ng kaisipang kolonyal – higit na pagpapahalaga sa kaisipan, produkto, at mga bagay na gawang dayuhan

lalo na ang nagmula sa Estados Unidos.

Page 19: Kasaysayan Ng Pilipinas

 

Mga Pagbabago sa Relihiyon

Separation of Church and State – paghihiwalay ng simbahan sa pamahalaan, taliwas sa naging patakaran noong

panahon ng pananakupan ng mga Espanyol sa bansa. Sa pamamagitan nito ay binigyang karapatan ang mga

Pilipino na mamili ng kanilang relihiyon.

Protestantismo – naniniwala sa mga turo ng bibliya at kumikilala kay Kristo bilang Panginoong Diyos, subalit sila ay

walang kinikilalang pagkalahatang pinuno tulad ng Papa sa Roma ng mga Katoliko. Binubuo ng iba’t-ibang pangkat

tulad ng mga Lutheran, Methodist, Anglican, Presbyterian at iba pa.

 

Mga Pagbabago sa Kalusugan

Quarantine – ginamit upang pigilan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit at upang limitahan din ang pagkilos

ng mga rebolusyonaryong Pilpino.

Board of Health for the Philippine Islands – tagapangasiwa at tagapagpatupad ng patakaran at programa sa

pagpapabuti ng kalusugang pampubliko. Nagpapadala ng mga nars at doctor sa iba’t-ibang lalawigan upang magturo

ng wastong pangangalaga sa kalusugan at katawan.

Philippine General Hospital – itinatag ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Culion Leper Colony –(1905) pagamutan ng mga may ketong sa Palawan.

 

Mga Pagbabago sa Transortasyon at Komunikasyon

Pagdating ng mga bagong uri ng sasakyan tulad ng trak at kotse mula sa dating paggamit ng kalesa at karwahe.

(1903 – pagdating ng unang kotse sa Pilipinas)

Pagbubukas ng mahigit sa isandaang daungan sa bansa para sa lokal na paglalayag.

Pagpapalawak ng mga kalsada at lansangan.