kultura ng mga romano

19
Ang Kulturang Romano

Upload: greg-aeron-del-mundo

Post on 12-Jun-2015

21.952 views

Category:

Education


27 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kultura ng mga Romano

Ang Kulturang Romano

Page 2: Kultura ng mga Romano

Ang Kabihasnang Romano ay isa sa dinadakila ng sandaigdigan na naghatid ng maraming impluwensya lalo na sa larangan ng kultura na hanggang ngayon ay pinahahalagahan pa ng kasalukuyang henerasyon.

Lipunan at Kulturang Romano

Page 3: Kultura ng mga Romano

Tinawag na kulturang Greco-Roman ang pinagsanib na kulturang Griyego at Romano. Hinangaan ng mga Romano ang pagbubuhos ng kasalukuyan at katwiran ng mga Griyego sa anumang larangan. Idinagdag nila ang kanilang kasanayan sa organisasyon, pagtatayo ng gusali, at karunungan sa paggawa ng batas at pamamahala.

Lipunan at Kulturang Romano

Page 4: Kultura ng mga Romano

Sa panahon ni Augustus namayani ang panitikang Greco-Roman. Sa utos niya, gumawa si Virgil, isang makata, ng tulang epiko, ang Aenid, na pumupuri sa kakayahan ng Roma sa pamamahala. Naging isa itong obra maestra na nagsasalaysay tungkol kay Aeneas at ang kanyang salinlahi na pinaniniwalaang pinagmulan ng Roma.

Panitikan

Page 5: Kultura ng mga Romano

Panitikan

Virgil

Page 6: Kultura ng mga Romano

Si Horace ay isa ring mahusay na makata na tumuligsa sa kasakiman ng mayayamang Romano na naging sanhi ng kaguluhan sa mga estado.

Samantala, si Ovid naman ang naglahad ng pamumuhay ng mga taong nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Karaniwang tema ng kanyang likha ay may kinalaman sa kayamanan, romansa, moda, at iba pang karangyaan.

Panitikan

Page 7: Kultura ng mga Romano

Panitikan

Horace Ovid

Page 8: Kultura ng mga Romano

Yari sa bronse at mahahalagang bato ang mga alahas at pampalamuting bagay sa Roma. Ipinakikita ng mga Romanong iskultor ang kakaibang katangian ng tao. Maging ang kulubot at kulot ay hindi nakalampas sa mata ng iskultor. Ang wall painting ay isa ring hinahangaang sining sa Roma. Sa magagarang tahanan, karaniwang makikita ang makukulay na sining sa mga dingding nito tulad ng pinta ng karagatan o iba’t ibang tagpo sa mga alamat.

Sining at Arkitektura

Page 9: Kultura ng mga Romano

Ang mga arkitektong Romano ay mahuhusay ring inhinyero. Sila ang nagdisenyo ng mga amphitheater, public bath, at templo na may kahanga-hangang column, arch, at dome. Magaling din sila sa pagpapatayo ng mga daan, tulay, at aqueduct (lagusan ng tubig na dumadaloy papunta sa malalyong lugar).

Sining at Arkitektura

Page 10: Kultura ng mga Romano

Si Ptolemy at Galen ang dalawa sa mga siyentipikong itinatanggi nang panahong Greco-Roman. Sila ay nabuhay noong ikalawang siglo A.D si Ptomely.isang Mathematician,heograpo,at astronomo na naghahanapbuhay sa Alexandria,Ehipto noong 150 A.D ang may akda ng 13-tomong Almagest (isang salitang griyego na nangangahulugang the greatest-“pinakadakila”)na isang buod ng sinaunang kaalaman tungkol sa astronomiya at heograpiya.

Agham

Page 11: Kultura ng mga Romano

Si Galen ay isang Griyego. Ang kanyang mga teorya ukol sa medisina ay namayani sa Roma. Hiniwa niya ang katawan ng hayop upang pag-aralan ang sistema ng pangangatawan nito. Gayong may mga mali sa mga teorya ni Galen, naging batayan ito ng pag-aaral ukol sa medisina ng mga Kanluranin.

Agham

Page 12: Kultura ng mga Romano

Agham

Ptolemy Galen

Page 13: Kultura ng mga Romano

Marahil, ang sistema ng pagbabatas at karunungan ang pinakadakilang ambag ng Roma sa sibilisasyong kanluran. Ang kasalukuyang batas sa Italya, Espanya, Pransya, at Latin Amerika ay batay sa batas ng Roma. Naniniwala ang mga Romano na ang batas ay dapat nakabatay sa katwiran at karunungan at may layong ipagtanggol ang karapatan at pag-aari ng mga mamamayan.

Batas

Page 14: Kultura ng mga Romano

Isa sa tanyag na pahayag ni Cicero ay ganito: “Tayo ay alipin ng batas upang maging malaya tayo.” (We are the servants of the law in order that we may be free.)

Batas

Page 15: Kultura ng mga Romano

Batas

Ptolemy

Page 16: Kultura ng mga Romano

Isa sa mga tanyag na libangan ng mga Romano ang Chariot race. Gayundin, ang paglalaban ng mga gladiator. Ang mga naglalaban dito ay mga alipin o kriminal at ang armas nila ay espada o sibat. Kung walang mamatay, maaaring hilingin ng manonood ang kanilang kamatayan o kalayaan para sa mananalo. Mayroon ding labanan ng mga hayop tulad ng tigre.

Ipinatayo ang colosseum na maaaring maglaman ng 50,000 manonood para sa ganitong paligsahan.

Libangan

Page 17: Kultura ng mga Romano

Ang mga sinaunang Romano ay naniniwala sa maraming diyos. Sa bawat tahanan ay may rebulto ni Vesta, ang diyosa ng dapugan (hearth). Bukod dito, si Jupiter ay kilala ring diyos ng langit; si Mars, diyos ng digmaan; si Diana, diyosa ng buwan, at marami pang iba.

Nang lumaon, nanghinawa ang mga Romano sa maraming diyos. Marami ang naniniwala sa bagong relihiyosong pinuno. Hindi nagtagal, lumaganap ang Kristiyanismo.

Relihiyon

Page 18: Kultura ng mga Romano

Relihiyon

Vesta Jupiter

Page 19: Kultura ng mga Romano

Relihiyon

Mars Diana