lesson 4 pre encounter

6
Lesson 4-Pre-Encounter ANG MALUSOG NA PAGKAING ESPIRITUAL Mat 4:4 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios. 1Pe 2:2 Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas; Lahat halos ay naniniwala sa isang lumang kasabihan, “Kung ano ang kinakain mo, yon ikaw.” Sa madaling salita kung nais mong maging malusog, kumain ka ng malulusog na pagkain. Isang international nutritionist ang nagsabi, “Tayong lahat ay binubuo ng 100 trillion cells sa ating katawan at ang bawat isa’y nangangailangan pangaraw-araw na sustansya upang makapagtrabaho ng mahusay. Naaapektuhan ng pagkain ang lahat na cells na ito na siya namang nagdidikta sa buo nating pagkatao, an gating pakiramdam sa maghapon, kalakasan, gana sa pagkain, pagiisip, pagtulog, sex drive, at pangkalahatang kalusugan. Kung pakanin mo ang iyong katawan ng basura o kung ano-ano lang na pagkain, ito’y magpapahina sa iyo, magdadala ng karamdaman at maging ang iyong pagiisip ay maaapektuhan. Kailangang lagi tayong paalalahanan ng mga katotohanang ito. Ang malusog na pagkain angkailanagansa isang malusog na buhay. Katulad din nito ang buhay esperitual. Maraming Kristiano ang mahina at hindi nagbubunga sa dahilang hindi nila sinusunod ang karapatdapat nag awing ng pagkaing spiritual. Mat 4:4 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios. Ilang beses kang kumakain sa loob ng isang araw? Hindi kukulangin satatlong beses isang araw, ano kaya kung isang beses lamang tayong kumain sa loob ng isang lingo? Tatagal ka kaya? Pero alam na alam natin na ang pangkaraniwang Kristiano ay kasya na sa isang beses kumain ng spiritual na pagkain minsan isang lingo. Maraming hinihintay na lamang ang “feeding program” ng iglesia na ginagawa tuwing linggo. Layunin: 1. Malaman na ang malusog na spiritual na pagkain ay ang pagbibigay ng higit na Kahalagahan sa personal na pagaaral ng Salita ng Diyos. 2. Hikayatin ang pagnanais na lumago at mapatunayan na ang pagnanais ay natutupad sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga Salita ng Diyos. 3. Ipakita na sa pamamagitan ng personal na pagaaral ng Salita , nalalapit at nakikilala nating lubusan an gating Panginoong Hesus. Habang tayo ay lumalago tayo’y pinagpapala upang maging pagpapala din sa iba.

Upload: rogelio-gonia

Post on 14-Jul-2015

121 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Lesson 4  pre encounter

Lesson 4-Pre-Encounter

ANG MALUSOG NA PAGKAING ESPIRITUAL

Mat 4:4 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

1Pe 2:2 Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas;

Lahat halos ay naniniwala sa isang lumang kasabihan, “Kung ano ang kinakain mo, yon ikaw.” Sa

madaling salita kung nais mong maging malusog, kumain ka ng malulusog na pagkain. Isang international

nutritionist ang nagsabi, “Tayong lahat ay binubuo ng 100 trillion cells sa ating katawan at ang bawat

isa’y nangangailangan pangaraw-araw na sustansya upang makapagtrabaho ng mahusay. Naaapektuhan

ng pagkain ang lahat na cells na ito na siya namang nagdidikta sa buo nating pagkatao, an gating

pakiramdam sa maghapon, kalakasan, gana sa pagkain, pagiisip, pagtulog, sex drive, at pangkalahatang

kalusugan. Kung pakanin mo ang iyong katawan ng basura o kung ano-ano lang na pagkain, ito’y

magpapahina sa iyo, magdadala ng karamdaman at maging ang iyong pagiisip ay maaapektuhan.

Kailangang lagi tayong paalalahanan ng mga katotohanang ito. Ang malusog na pagkain angkailanagansa isang malusog na buhay. Katulad din nito ang buhay esperitual. Maraming Kristiano ang mahina at hindi nagbubunga sa dahilang hindi nila sinusunod ang karapatdapat nag awing ng pagkaing spiritual. Mat 4:4 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang

mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

Ilang beses kang kumakain sa loob ng isang araw? Hindi kukulangin satatlong beses isang araw, ano kaya

kung isang beses lamang tayong kumain sa loob ng isang lingo? Tatagal ka kaya? Pero alam na alam

natin na ang pangkaraniwang Kristiano ay kasya na sa isang beses kumain ng spiritual na pagkain minsan

isang lingo. Maraming hinihintay na lamang ang “feeding program” ng iglesia na ginagawa tuwing linggo.

Layunin:

1. Malaman na ang malusog na spiritual na pagkain ay ang pagbibigay ng higit na Kahalagahan sa

personal na pagaaral ng Salita ng Diyos.

2. Hikayatin ang pagnanais na lumago at mapatunayan na ang pagnanais ay natutupad sa

pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga Salita ng Diyos.

3. Ipakita na sa pamamagitan ng personal na pagaaral ng Salita , nalalapit at nakikilala nating

lubusan an gating Panginoong Hesus. Habang tayo ay lumalago tayo’y pinagpapala upang

maging pagpapala din sa iba.

Page 2: Lesson 4  pre encounter

Nakapagtataka ba kung bakit angating mga iglesia ay hindi sumusulong kundi nananatili lamang

humihinga.

1. Ano ang dahilan kung bakit ang iglesia ay hindi sumusulong at hindi masigla?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Hinahamon ka ngayon na magsimula ng isang malusog na spiritual na pagkain. Kailangang matutunan

lamang natin kung paano natin ito sasamantalahin tulad sa Lumang Tipan na ang Diyos ang nagbibigay

sa kanila ng “manna” ang tinapay na galling sa langit na araw-araw ay ibinibigay sa kanila noong sila ay

nasa ilang. May apat na susi kung nais natin na mapanatili ang malusog na pagkaing spiritual.

I. NASAIN:

Ang taong gutom ay hindi mo na kailanagang sa bihang kumain. Kung may pagkain siguradong kakain siya. Nang sulatan ni apostol Pedro ang mga unang mananampalataya tyungkol sa kanilang pagkain ng Salita ng Diyos, nagbigay siya ng isang pamilyar na larawan kung paano ito. 1Pe 2:2 Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain(crave) ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas;

Pansinin natin ang salitang nasain o crave, ang kahulugan nito ay gusting-gusto o naglalaway. Kailan

kayo huling nakakita ng isang batang gutom na gutom. Hindi ito titigil sa kaiiyak hanggang hindi mo

binibigyan ng gatas. Sa mga oras na iyon walang mahalaga sa kanya kundi makadede at mawala ang

kanyang gutom.

Job 23:12 Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain.

Si Job ay isang mahalagang tao sa Biblia. Sa kabila ng lahat niyang naranasan, nawala ang lahat niyang

mga pagaari, ang kanyang mga anak, ang kanyang kalusugan, hindi nagbago ang kanyang pagtitiwala sa

Diyos. Nanatili ang kanyang pananampalataya sa Panginoon hanggang mabalik ang lahat na kanyang

tinatangkilik. Maliwanag na ang kanyang katatagan at tibay ay galling sa kung ano ang higit na mahalaga

sa kanya, ang mga Salita ng Diyos- mas mahalaga ito sa kanya kaysa pangaraw-araw na pagkain. May

isang Chinese pastor ang gumawa ng isang pangako, “Walang Biblia, walang almusal.”

2. Nagnanasa ba tayong bumasa ng Biblia araw-araw?

______________________________________________________________________________

Baka maraming mga tao ang hindi nagnanasa na bumasa ng Biblia, pagkat di nila alam ang kahalagahan

nito sa kanilang mga buhay. Inilagay ni Pablo ang kahalagahan ng Biblia sa ilang mga talata;

2Ti 3:16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

Page 3: Lesson 4  pre encounter

2Ti 3:17 Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

Una sa lahat, ako at kayo ay dapat na kumbinsido na ang buong Biblia ay mula sa Diyos, na ang Diyos ang

nagbigay b uhay ditto katulad ng pagbibigay bhuhay ng Diyos sa tao. Ang Genesis 2:7 ay nagsasabi kung

paano pinorma ng Diyos ang tao mula sa putik at hiningahan ng Niya ang ilong nito upang siya ay

mabuhay. May nagsasabing ang Biblia ay ordinaryong libro lamang. Ako’y hindi sumasangayon ditto.

2Timothy 3:16 ay malinaw na nagsasabi na ang Biblia ay nagtataglay ng hininga ng Diyos, sa kabila na

ginamit Niya ang 40 mga tao na sumulat nito. Sumulat sila sa patnubay ng Banal na Espirito kaya ang

lahat lamang na nais masulat ng Diyos ang kanilang naisulat. Kahit si Pedro ay nagpapatotoo sa

katotohanang ito.

2Pe 1:21 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.

Pagkat ang Biblia ay Salita ng Diyos, sinabi ni Pablo na ito ay magagamit sa pagtuturo, pagsaway,

pagtutuwid at pagsasanay sa ikatututo at kahandaan ng mga Kristiano. Si Dr Warren Wiersbe ay

nagpaliwanag ng pagkakaiba ng apat na gamit na ito ng Biblia.

Para sa: Pagtuturo(teaching) – ituro kung ano ang tama

Pagsaway(rebuking) – ituro kung ano ang hindi tama

Pagtutuwid(correcting) – ituro kung paano ang tama

Pagsasanay(training) – ituro kung paano manatili sa tama

Kailanagang simulant nating pahalagahan ang gamit ng Biblia. Siguro kaya tayo walang pagnanasa ditto

ay hindi natin tinatanggap ang kahalagahan nito sa ating mga b uhay.

3. Gaano kahalaga ang Biblia sa ating mga buhay? Ano ang apat na gamit ng Biblia?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

4. Maari ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa buhay ng magkaroon kayo ng pagnanasa sa

Salita ng Diyos at kung paano ito nakatulong sa paglakad na spiritual sa Panginoon?

II. HANAPIN:

Ang isa pang mahalagang bagay kung bakit kailanagan na tayo ay kumain mula sa Salita ng Diyos ay

nakatutulong ito sa paglalim ngn ating pagmamahal kay Hesus. May malaking pagkakataon na tratuhin

ang Biblia na simpleng pinanggagalingan ng mga inpormasyon kung paano makapamuhay ng mabuti at

may kabanalan. Bagama’t ito’y makatutulong, hindi ito ang pinakamahalagang dahilan kung bakit

nasulat ang Biblia. Sinabi ni Hesus na ang pinakamahalagang dahilan kung bakit isinulat ang Biblia ay,

mahayag Siya sa mga tao.

Page 4: Lesson 4  pre encounter

Luk 24:27 At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.

Joh 15:26 Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin:

Lagi nating ipinapaliwanag na ang pananampalatayang Kristiano ay hindi relihiyon kundi relasyon. Ang ibig sabihin nito’y ang pananampalataya ay hindi mga kautusan (gawin ito at huwag gawin ito), kundi isang intimate na relasyon sa Diyos sa pamamagitan n gating Panginoong Hesus. Tingnan ninyo ang kalagayan ng mga relihiyosong tao ng kapanahunan ni Hesus. Sila’y masikap sa pagsasaliksik ng Lumang Tipan. Pero hindi nila nakilala si HesuKristo hindi sila naligtas. Ganoon din sa ating kapanahunan may mga nagaaral ng Biblia para lamang matutu. Maliban na matagpuan nila si Hesus sa Biblia atg matutunan nilang mahalin ang mga kaalaman nila ay mauuwi lamang sa kayabangan agt kapalaluan at hindi sa buhay na walang hanggan. 1Co 8:1 Ngayon tungkol sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan: Nalalaman natin na

tayong lahat ay may kaalaman. Ang kaalaman ay nagpapalalo, nguni't ang pagibig ay nagpapatibay.

Hindi tayo nagbubulay sa mga Salita ng Diyos upang dumami an gating kaalaman. Kailangang matagpuan natin si Hesus at mapaibig tayo sa Kanya. Hanggang hindi natin natatagpuan si Hesus hindin tayo magkakaroon ng pagnanais na mamuhay ng matuwid. Alam ninyo kung bakit? May isang awit na lagging itinuturo sa Sunday School, “Jesus love me, this I know. For the Bible tells me so.” Habang nakikita mo sa Biblia na mahal ka Niya, lalong napapamahal Siya sa iyo at ito ang nagtutulak na mamuhay ka para sa Kanya.

5. Ano ang pinakamahalagang dahlia na tayo ay magsumikap na pagaralan ang Biblia? Ano ang dapat na maging b unga n gating araw-araw na pagbabasa ng Biblia? __________________________________________________________________________________________________________________________

III. MAGLAAN(devote): Kung nais mong maging mainit sa pagaaral ng mga Salita, kailangang maglaan ka ng sapat na oras at hanapin kung paano mo matutunang mabuti ito. Ginamit ko ang salitang “devote” pagkat nais kong idiin ang idea ng buong pusong pagsisikap na matuto, na kabaliktaran ng alatsamba at walang ingat na pagbasa ng Salita. Ang Salita ng Diyos ay marapat na pagukulan ng pinaka mabuti mula sa atin.

Ang salitang ibinigay ng Diyos kay Joshua ng pangungunahan niya ang mga Israelita sa pagpasok sa lupang pangako ay makabibigay sa atin ng liwanang. Pansinin ninyo na ang pagtatagumpay niya ay nakabatay sa kung paano niya gagamitin ang Kasulatan. Jos 1:8 Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong

pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.

Una, ang mga talatang ito’y nagsasabi sa atin regular na pagbabasa ng salita. Ang inaasahan ng Diyos ay hindi lamang araw-araw, kundi gabi at araw. Nais ng Diyos na tumibay ang disiplina ng pakikipagugnay sa Kanya. Marami sa atin ay walang problema sa oras ng pagkain tatlong beses isang araw, subalit hirap na hirap tayo na humanap ng oras sa pakikipagugnay sa

Page 5: Lesson 4  pre encounter

Kanya.Naniniwala ako na may praktikal na kadahilanan kaya gabi at araw. Araw para masimulan mo ang araw na umaasa sa patnubay Niya, at gabi upang matapos mo ang araw na nagpapasalamat sa lahat ng tulong Niya at buigyan ka ng Diyos ng sapat na pamamahinga at mahanda sa susunod na araw. Marami sa atin ay walang problema sa oras ng pagkain tatlong beses isang araw, subalit hirap na hirap tayo na humanap ng oras sa pakikipagugnay sa Kanya..Lahat tayo ay nangangailangan ng tamang schedule araw-araw upang tayo ay manatiling malusog at malakas espirituali.

Pangalawa paano an gating pagkain? Ang salita ay “meditate” o pagbulayan. Ang salitang ito ay higit sa pagbasa. Ito’y nangangahulugan ng malalim na pagbubulay upan g malaman natin ang mga katotohanang nasa ilalim ng mga salita. Ginagawa mob a ito kung ikaw ay nagbabasa. Ang mga sumusunod ay magagamit natin sa ating pagbubulay.

1. May pangako ban a maari nating hingin? 2. May aral bang dapat matutunan? 3. May pagpapala bang dapat matanggap? 4. May utos bang dapat sundin? 5. May kasalanan bang dapat iwasan? 6. May bago bang kaisipan na dapat kong sdalhin?

Mababasa mo ang mga talata at maitatanong mo ang mga tanong na ito. Alam ko na papatnubayan ka ng Diyos sa maraming katotohanan. Maganda itong mga pasimulang katanungan. Tinatawag natin ang mga personal na pakikipagugnay sa Diyos na personal devotion. Ang mga oras na ginugugol nating kasama ang Diyos azng siyang magpapakita kung gaano kalaki ang pagibig natin sa Kanya.

6.Sa paglalaan natin ng panahon sa Salita ng Diyos, ano ang dalawang katotohanan na dapat nating gawin sa ating pagkaing spiritual? Joshua 1:8 ____________________________________________________________________________________________________________________________________ IV.IPAHAYAG: Mayroong patuloy na katotohanan na inihahayag ng Biblia tungkol sa kalusugang spiritual – pinatitibay ka para maging pagpapala sa iba. Ang pagkaalam ng Biblia ay hindi ang katapusan. Ito ay paraan ng Diyos upang tayo naman ang siyang magakay sa iba. Ito ay mahusay nja ipinapakita ni Ezra, isang escribo na lubos na devote sa kasulatan. Nang malapit nang ibalik ng Diyos ang Kanyang bayan matapos ang 70 taong pagsakop ng ibang bansa, siya ay isa na napagkalooban ng prebelihiyo na manguna. Bakit siya napili ng Diyos? Ang sagot lang ay ang kanyang commitment sa Salita ng Diyos. Ezr 7:10 Sapagka't inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng

Panginoon, at upang gawin, at upang magturo sa Israel ng mga palatuntunan at mga kahatulan.

Ano ang nagging kaibahan niya?Hindi lamang niya pinagaaralan ang salita kundi ipinamumuhay niya at itinuturo niya.Maaari nating pagsamahin ang pamumuhay at paggtuturo. Kung layon mo ay ituro ang natutunan mo, kailangan na ito ay naipamumuhay mo. Kung hindi mo ito magawa magiging katitisuran ka sa mga taong naghahanap sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit noong panahaon ni Hesus, ang maraming tumanggap ng Kanyang pagsansala ay mga tagapagturo ng Biblia. Luk 20:45 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, na naririnig ng buong bayan,

Page 6: Lesson 4  pre encounter

Luk 20:46 Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at iniibig nila ang sila'y pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan;

Luk 20:47 Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao, at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.

Tayo ay pinagsasabihan na “Ilakad ang salita at isalita ang lakad.” Marami sa atin, lalo na yaong matagal na sa pananampalataya ay dapat nang gumawa ng mabuting bagay na ito. Huwag tayong masiyahan sa ating pagkatuto, magsimula na tayong magturo. An gating kalusugang spiritual ay mahahayag lamang kung may mga taong natututo sa atin. Ang sumulat ng aklat ng Hebrews ay nagpahayag ng pagkalungkot na ang mananampalataya ay nanatilin g bata at hindi makapagturo. Heb 5:12 Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan,

ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas.

Heb 5:13 Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.

Heb 5:14 Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama.

Mula sa pagkaing bata, ako at kayo ay dapat na nasisiyahan sa karne. Habang nagpapatuloy na kayo sa matitigas na salita na inaasahan naman ng Diyos, kailangang kayo ay maging tagapagturo na. Magsimula na kayong magpahayag ng Salita ng Diyos. Sana’y tulungan tayo nDiyos na ibigay an gating mga sarili, sa pagnanasa, paghanap, palalaan, at pagpapahayag ng mga Salita ng Diyos!

7. Bakit mahalaga ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos?

____________________________________________________________________________________________________________________________________

8. Ano ang apat na bagay na dapat ay mayroon tayo para sa isang malusog na pagkain ng Salita ng Diyos?

____________________________________________________________________________________________________________________________________