lesson 6 pre encounter

8
Lesson 6 – Pre-Encounter NAGKAKAISA SA BAUTISMO Mat 28:18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. Mat 28:19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Mat 28:20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. Rom 6:1 Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Rom 6:2 Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? Rom 6:3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? Rom 6:4 Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay. Rom 6:5 Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli; Layunin: 1. Upang maunawaan ng mga alagad na ang bautismo ay ibinigay na kautusan ng Panginoon, na ipinapahayag natin sa lahat an gating natamong kaligtasan sa pamamagitan ni Hesus, at an gating commitment na mabuhay para sa Kanya. Hindi ito isang pangangailangan sa ikaliligtas, subalit hindi rin naman ito dapat bale-walain. 2. Upang patibayin na ito ay ginaganap sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig, pagkat ito ang nagpapakita ng kamatayan, pagkalibing, at pagkabuhay na maguli n gating Panginoong Hesus. 3. Upang ipaalam nan g tanggapin natin an gating Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas sa ating puso, tayo ay binautismuhan ng Banal na Espirito sa buong katawan ni HesuKristo. Ang bautismo sa tubig ay dapat agad ganapin matapos nating maipahayag sa lahat an gating kaligtasan, pagibig, at commitment, na siyang nagsasama sa atin local na Iglesia n gating Panginoong Hesus.

Upload: rogelio-gonia

Post on 23-Jun-2015

246 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: Lesson 6  pre encounter

Lesson 6 – Pre-Encounter

NAGKAKAISA SA BAUTISMO

Mat 28:18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.

Mat 28:19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

Mat 28:20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Rom 6:1 Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana?

Rom 6:2 Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan?

Rom 6:3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?

Rom 6:4 Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.

Rom 6:5 Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;

Layunin:

1. Upang maunawaan ng mga alagad na ang bautismo ay ibinigay na kautusan ng Panginoon, na ipinapahayag natin sa lahat an gating natamong kaligtasan sa pamamagitan ni Hesus, at an gating commitment na mabuhay para sa Kanya. Hindi ito isang pangangailangan sa ikaliligtas, subalit hindi rin naman ito dapat bale-walain.

2. Upang patibayin na ito ay ginaganap sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig, pagkat ito ang nagpapakita ng kamatayan, pagkalibing, at pagkabuhay na maguli n gating Panginoong Hesus.

3. Upang ipaalam nan g tanggapin natin an gating Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas sa ating puso, tayo ay binautismuhan ng Banal na Espirito sa buong katawan ni HesuKristo. Ang bautismo sa tubig ay dapat agad ganapin matapos nating maipahayag sa lahat an gating kaligtasan, pagibig, at commitment, na siyang nagsasama sa atin local na Iglesia n gating Panginoong Hesus.

Page 2: Lesson 6  pre encounter

Sa isang Valentines banquet para sa mga magasawa, nagkaroon ako ng pagkakataon na hamunin ang mahigit na 50 magasawa na muling sariwain ang kanilang sumpaan sa isat-isa. Nais kong ibalik ang kanilang ala-ala ng silay kasalin, na ang lahat na naipangako nila sa isat-isa ito ay pananagutan nila sa harap ng Diyos. Sa pagtatapos ng mensahe, ang lahat ay muling nanumpa sa harap ng lahat. Napakagandang tanawin na habang sila’y magkakahawak kamay at nakatingin sa isat-isa ay muli nilang binanggit na sila’y magmamahalan hanggang sa kamatayan. Sa paglipas ng panahon lalong gumaganda ang kanilang pagsasama kung palagiang sasariwain ang kanila mga sinumpaan.

Ang singsing din ay isang simbolo na nagpapaalaala sa magasawa ng kanilang sumpaan na magmamahalan habang nabubuhay. Kapag ito’y isinusuot, ito’y nagpapahayag na ang kanilang pagibig ay may nagmamayari na.

Sa buhay espiritual ito’y katotohanan din, ng tayo ay maging Kristiano. Nang isuko natin ang buhay natin sa ating Panginoong Hesus, ang Diyos ay nagbigay ng simbolo na ang ating buhay ay pagaari na ni Jesusristo. Ang simbolong ito ay ang bautismo.

Kung babalikan natin ang ilang talata sa Bagong Tipan, nais kong bigyang pansin ang apat na mahahalagang bagay tungkol sa bautismo.

I. ITO AY ITINATAG:

Kapag pinaguusapan natin ang tungkol sa bautismo, linawin natin na ito ay hindi lamang bahagi ng mga tradisyon na pinasimulan ng iglesia, ito ay isang gawaing itinatag at pinatibay ng Panginoong Hesus sa Kanyang iglesia.

Ang Mathew 28:18-20 ay tinatawag na “Great Commission” na ibinigay sa mga alagad bago umakyat sa langit ang ating Panginoon. Bago Siya umakyat sa langit, inipon Niya ang mga nauna Niyang mga alagad at inutusan sila na ipangaral ang Ebanghelyo sa lahat ng bansa. Bahagi ng kautusang ito ay; “bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Banal Na Espirito.

Una, tingnan natin ang talata 18 na sinabi ni Hesus, “ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay na sa akin.” Makikita natin ang bigat at kahalagahan ng utos na ito:

A. Bilang Diyos at Panginoon ng buong sanlibutan, ibinigay ni Jesus sa atin ang kautusang ito. Hindi niya ito ipinakikiusap o tayo’y hinihikayat kundi inuutusan. Kung hindi natin ito gawin, tayo ay nagkakasala.

B. Isa pang mahalagang katotohanan mula sa great commission ay ang mga salitang ito. “at narito ako’y sumasainyong palagi hanggang sa katapusan ng panahon.” Maliwanag, sinasabi ni Hesus na ang kautusang ito ay kailanagang ganapin hanggang katapusan ng mundo. Hanggang ang mga tao ay nagiging alagad ni Hesus, kalooban Niya na ang iglesia ay bautismuhan sila. Lahat ay kasama s utos na ito.

1. Bakit kailangan nating seriosohin ang kautusang ito?______________________________________________________________________________

Page 3: Lesson 6  pre encounter

Kung babasahin natin ang book of Acts, bago dumating ang Banal na Espirito sa chapter 2, si apostol Pedro ay nagkaroon ng pagkakataong mangaral sa libong katao tungkol sa ating Panginoong Hesus. Kung titingnan natin ang verse 41, makikita natin na ginawa ng mga alagad ang ipinaguutos sa kanila.

Act 2:41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa.

Bakit meron ngayon na gusto nilang tanggapin si Hesus bilang Tagapagligtas, pero ayaw namang magpabautismo? Nais kong ulitin na ang bautismo’y kung ayaw ay pwede. Ito’y kautusan kaya ito ay dapat sundin, kung ayaw mong sumunod, sinasabi ni Hesus na ito’y nagpapakita ng kawalan mo ng pagibig sa Kanya. Joh 14:15 Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.

Umaasa ako na ang ating pagkamasunurin sa Panginoon ay magdala sa atin sa isang buhay na puno ng ligaya, at mabunga sa ating paglilingkod sa Kanya. Ang hindi pagpapabautismo ay tinatawag na “sin of omission.” Kung nais natin na dinggin ang ating mga panalangin kailangang sundin natin ang Kanyang mga kautusan. Kadalasan nagtataka tayo kung bakit hind natin nararanasan ang mga pagpapala ng Diyos. Siyasatin ninyo ang inyong buhay kung ang bagay na ito ay dapat ninyong ituwid.

Ang pagpapabautismo ba ay kailangan sa isang mananampalataya?

___________________________________________________________________________

II. TO AY PAGTUBOG:

Ang isang mahalagang katanungan tungkol sa bautismo ay, anong klase ng bautismo ang itinuturo ng Biblia? Ito ba’y pawisik, pabuhos o patubog? Kung masusi nating pagaaralan ang Biblia, ang pagtubog ang nagiisang paraan na dapat sundin ng tunay na iglesia ni Kristo. Ito ang mga dahilan:

A. Ang salita mismo ay nangangahulugan ng itubog.

Ang ginagamit nating salita ay bautismo, na sa English ay baptism na galing naman sa salitang Griego na baptizo na ang kahulugan ay ilubog, kailangang gawin nati ang ibig sabihin ng salita. May ibang salitang Griego na epicheo na ibig sabihin ay buhusan at rhantizo na ibig sabihin naman ay wisikan. Ang mga salitang ito ay hindi nagamit pamalit sa salitang baptizo na ang kahulugan ay ilubog kung Bibliua ang paguusapan.

B. Halimbawa ng bautismo sa Bagong Tipan

May dalawang halimbawa ang Bagong Tipan sa paggamit ng bautismo na ang kahulugan ay ilubog. Una ay ang bautismo ng ating Panginoong Hesus;

Page 4: Lesson 6  pre encounter

Mar 1:9 At nangyari nang mga araw na yaon, na nanggaling si Jesus sa Nazaret ng Galilea, at siya'y binautismuhan ni Juan sa Jordan.

Mar 1:10 At karakarakang pagahon sa tubig, ay nakita niyang biglang nangabuksan ang mga langit, at ang Espiritu na tulad sa isang kalapati na bumababa sa kaniya:

Kung papansinin natin ang talatang 10, “At karakarakang pagahon sa tubig,” ito’y nagpapakita na si Hesus ay inilubog sa tubig, kung Siya ay umahon mula sa tubig nangangahulugan na galing siya sa tubig.

Alam ba ninyo kung bakit sa ilog nagbabautismo si Juan? Ito ang pahahayag sa atin:

Joh 3:23 At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka't doo'y maraming tubig: at sila'y nagsiparoon, at nangabautismuhan.

Si Juan ay nagbabautismo sa ilog sa dahilang maraming tubig doon. Kung nagbabautismo siya ng pabuhos o pawisik, ang isang pitsel ng tubig ay maaari nang makabautismo ng isang libong katao.

Ang pangalawang halimbawa ay matatagpuan natin sa book of Acts. Nang ang unang iglesiaaymagpasimulang bumautismo, sila rin ay nagbautismo ng pagtubog. Sa Acts 8:38-39, makikita mo na si Philip ay binautismuhan ang Ethiopian eunuch na nadala niya sa Panginoon. Pansinin ninyo na ang talata ay gumamit ng katulad nan a salita na, “ At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila'y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya. At nang magsiahon sila sa tubig, ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon; at hindi na siya nakita ng bating, sapagka't ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa.”

Muli, makikita natin si Philip at ang Eunoch na lumusong sa tubig para magbautismo at nagsiahon sila mula sa tubig na nagpapahayag na paglubog sa tubig. Mula sa halimbawang nabasa natin ay maliwanag na ang pagbabautismo ay sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig.

2. May pagkakaiba ba kung tayo ay inilubog o winisikan sa ating bautismo.” Bakit?

__________________________________________________________________________________

III. PARA SILA MAISAMA(identification):

Mahalaga ito para sa mga tunay na mananampalataya na pumailalim sila sa kautusang ito ni Hesus aty dapat nila itong gawin sa oras na sila’y sumasampalataya. Sa Romans 6:3-5, ipinaliwanag ni apostol Pablo sa mga mananampalataya sa Roma na sila ay naisama sa pagkamatay, pagkalibing at pagkabuhay na maguli ni Kristo sa pamamagitan ng bautismo. Sa pagbabautismo, ito ay isang pagpapahayag na siya ay kabilang na kay Hesus at siya ay sumasampalataya sa Ebanghelyo. Alam ba ninyo kung ano ang ating Ebanghelyo?

Page 5: Lesson 6  pre encounter

1Co 15:1 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan,

1Co 15:2 Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.

1Co 15:3 Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,

1Co 15:4 At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan; Ang ating kaligtasan ay nakabatay sa ating pananampalataya sa kamatayan, pagkalibing at

pagkabuhay na maguli ni Kristo. Ang bautismo natin ang sumisimbulo sa Ebangheyong nakapagliligtas. Nagbibigay din ito ng halaga sa paraang paglulubog sapagkat ito ang naglalarawan ng pagkamatay, pagkalibing at muling pagkabuhay na hindi natin makikita sa pagbuhos o pagwisik ng tubig.

Sa simbolong ito nagbibigay din ng liwanag na ang bautismo ay hindi nakapagliligtas. Sa bautismo ipinapahayag mo ang isang bagay na nangyari na sa iyo. Sa pamamagitan ng pananampalataya mo sa kamatayan ni Kristo sa krus at sa pagtanggap mo sa Kanya bilang Panginoon ng iyong buhay at Tagapagligtas, ikaw ay ay binigyan ng buhay na walang hanggan at naligtas sa kaparusahan ng impyerno. Ang bautismo naman ang paraan ng iyong pagpapahayag ng bagay na ito na nangyari na sa iyo. Ang pagkakaayos sa Bagong Tipan ay ganito, ang tao’y kailangang sumampalataya, ipinagkakaloob sa kanya ng Diyos ang buhay na walang hanggan, at ipinapahayag niya ito sa pamamagitan ng bautismo.

Act 2:41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa.

Sa kabanatang ito, nangaral si Pedro tungkol kay HesuKristo, yaong mga tumanggap kay Kristo ang siyang pinagbabautismuhan. Naaayon din ito sa isang texto sa Romans na ang bautismo ay isang pagpapahayag lamang sa pakikipagkaisa kay Kristo na Siyang Tagapagligtas.

Ang bautismo rin ang nagbibigay ng pagkakataon na lantarang maipahayag ang tungko lsaatingPanginoon at Tagapagligtas. Nagbigay ng babala si Kristo kung ano ang mangyayari sa mga taong ikinahihiya Siya, Mat 10:32 Kaya't ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit. Mat 10:33 Datapuwa't sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay

ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit. Hindi natin dapat ikahiya ang ating Tagapagligtas na napakalaki ang nagawa para sa atin. Sa

pamamagitan lamang ng Kanyang ginawa sa krus tayo ay naligtas. Kung tayo ay mayroong bagong buhay, bagong pagasa ang lahat ng ito ay sa pamamagitan lamang ng ating Panginoong Hesus.

3. Kaya mo ba na ipahayag at ipakita sa lahat ang bago mong buhay at katapatan sa isang nagligtas sa iyo, ang Panginoong Hesus?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 6: Lesson 6  pre encounter

I. ITO’Y PARA SA PAGANIB

Ang bautismo ang siyang naglalagay sa mananampalataya bilang kaanib sa katawan ni Kristo. Makikita natin ito sa Act 2:41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa.

Act 2:42 At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.

Ayon sa talata 41, matapos tanggapin ng mga tao si nKristo, sila’y binautismuhan, at nadagdag sila sa iglesia, sa talata 42, sila’y nakisama at nakiisa sa buhay ng iglesia. Ganito ang makikita nating kaayusan, Sila’y sumampalataya, sila’y binautismuhan at sila’y naanib sa iglesia.

Sa katunayan ang nangyari sa kanila na pisikal ay nangyari na spiritually sa pamamagitan ng Banal na Espirito. Itinuro ni apostol Pablo ang doktrinang ito sa mga taga Corinto.

1Co 12:13 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

Ang kahulugan ng pagbabautismo ng Banal na Espirito sa talatang ito, ay ang paglalagay sa isang taong sumampalataya sa pangkalahatang katawan ni Kristo sa pamamagitan ng Banal na Espirito. Mayroon lamang isang Iglesia na pangkalahatan na ang lahat na mananampalataya kay HesuKristo sa buong daigdig ay kaanib. Kung ang bautismo nating espiritual sa pamamagitan ng Banal na Espirito ay naglalagay sa atin bilang kaanib ng pangkalahatang Iglesia, ang bautismo naman ng pastor ang siyang naglalagay sa atin sa local na iglesia tulad ng Morong Bible Church. Kaya nga ang bautismo sa tubig ay isang panglabas na pagpapakita sa isang uri ng bautismo na nauna nang nangyari sa atin sa pamamagitan ng Banal na Espirito.

Ayon sa pagtuturo ng Biblia, ang bautismo ay nangyayari sa oras na tayo ay sumampalataya, ganon pa man ang pagiging bahagi natin ng isang iglesia ay napakahalaga sa ating paglago at pagiging mabunga kaya ito ipinagutos ni Kristo. Kaya Niya ito ipinagutos ay dahil mahal Niya tayo, alam Niya na ang ating paglago ay nakasalalay lamang sa mga taong ibinigay Niya sa mga iglesia upang turuan at sanayin ang mga mananampalataya sa kanilang bagong buhay kay Kristo.

4. Hand ka na bang pabautismo? (Kung nais mong magpabautismo tiyakin mo na ito ay personal mong pagpapasya na malagay ang pangalan mo sa talaan ng mga kaanib ng Morong Bible Church?

Page 7: Lesson 6  pre encounter