love the lord your god
DESCRIPTION
TRANSCRIPT
Ibigin Mo ang Panginoon Mong Diyos
Kabanata 16 / Session 13
Part I
Pag-unawa sa mga Utos
Hindi Tamang Pag-unawa
• Ang Diyos, tulad ng isang Hukom na nagpapataw ng Batas, ay palaging nakatingin sa bawat isa at parurusahan ang lumabag sa Batas.
Ang Tamang Pag-unawa
Dahil sa pag-ibig sa Kanyang bayan: “Ang Panginoon, ang inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto at humango sa inyo sa pagkaalipin” (Exodo 20:2).
Ang tanong kay Jesus: “Ano ang dapat gawin upang makamtan ang
buhay na walang hanggan?”
Ang sagot ni Jesus: Pagsunod sa mga Utos ng Diyos.
Para Kay Kristo…
Nakapaloob sa mga Utos ng Diyos ang dakilang biyaya ng pag-ibig ng Diyos.
Ano ang kahalagahan ng Sampung
Utos sa atin
ngayon?
Ang Sampung Utos ang batayang kailangan para sa buhay sa pamayanan.
Ang mga Utos ay mga salita ng Tipan, “Sampung mga
Salita” na nagpapahayag ng gabay ng buhay na kalugud-
lugod sa Diyos.
Ang Sampung Utos ang dakila at mapagpalayang
pagkilos ng Diyos sa Kanyang bayan na siyang sentro ng kasaysayan ng
pagliligtas.
Part II
Unang Utos“Ako ang Panginoon, ang
inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto at humango sa inyo sa pagkaalipin. Huwag kayong magkaroon ng ibang
diyos, maliban sa akin.” (Exo 20:2-3 / Duet 5:6-7)
Dahil iisa ang ating Diyos at Panginoon, wala siyang
kaagaw, dapat lamang natin siyang mahalin nang
buong-puso, lubusan at higit sa lahat.
Ang Bunga ng Unang Utos
Kung iisa lamang ang Diyos na sinasamba ng lahat, ito ay magbubunga ng pagkakaisa ng lahat ng mga bansa, ng lahat ng mga tao.
Pananalangin at Pagsamba
Ang pagsamba ay ang pagkilala na ang Diyos ang Panginoon, na ipinadarama sa ating debosyon at paglilingkod.
Ang unang tungkulin at karapatan ng tao:
Ang ibigin at paglingkuran ang Diyos nang may
pananampalataya at pag-asa.
Nag-uutos / Nagbabawal
• Ang Unang Utos ay nagbabawal na magkaroon ng iba pang diyos bukod sa Panginoon, na ipalit ang anumang bagay na nilikha lamang sa kinalalagyan ng Diyos upang tumanggap ng pagsamba na sa iisang Diyos lamang dapat iukol.
Ang babala ni Jesus: “Walang makapaglilingkod ng
sabay sa dalawang panginoon… Hindi tayo makapaglilingkod
nang sabay sa Diyos at sa kayamanan” (Mateo 6:24).
Mga Diyus-diyosan
KayamananKarangalanTagumpayKapangyarihanSeksBisyo, atbp.
Masasabing ginagawa nating diyus-diyosan ang mga nilikha
lamang, katulad ng tao o bagay, kung ito ay mas binibigyan
natin na mas ibayong pagpapahalaga kaysa sa Diyos
na Lumikha nito.
Labag sa Unang Utos
Black MagicPanggagawayPangkukulamSatanismoAstrolohiyaPanghuhula
Kasalanan Laban sa Unang Utos
Sakrilehiyo: paglapastangan sa mga banal na tao, bagay o lugar
Simoniya: pagtitinda ng mga pang-espiritwal
Ang subukin ang Diyos
Part III
Ang Pangalawang Utos
Exo 20:7 / Deut 5:11 “Huwag
ninyong babanggitin nang walang kabuluhan ang pangalan ng Panginoon.”
Mahalaga ang Pangalan
Kung sa tao, ang pangalan niya ang kumakatawan sa kanya.
Ang “Pangalan” sa Biblia
Kapag tinawag ang pangalan ng Diyos, ang Diyos ay nagiging aktibo at naririto.
Ang pangalan ng Diyos ay biyaya ng Diyos sa kanyang piniling bayan.
Ang panunumpa nang hindi totoo, na ginagamit ang pangalan ng Diyos, ay pagsira sa tipan.
Ayon kay San Pablo (Fil 2:9,11)
“Siya ay itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Anupa’t ang lahat… ay maninikluhod at sasamba sa kanya… at ipapahayag sa lahat na si Jesu-Kristo ang Panginoon!”
Mula sa Aklat ng mga Gawa
Nagpagaling sina Pedro at Juan ng isang lumpo “sa ngalan ni Jesukristong taga Nazaret” (Gawa 3:6).
Mula sa mga Gawa 4:12
Nangaral si Pedro sa harap ng Sanhedrin: “Sa silong ng langit, ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.”
Ang paggamit sa pangalan ng Diyos nang walang
kabuluhan ay katumbas na rin sa pagtangging sumunod
at tumalima sa Diyos.
Sa Exodo 3:14
Tinanong ni Moises ang pangalan ng Diyos, at sinabi ng Diyos: “Ako’y si Ako Nga. Sabihin mong isinugo ka ni Ako Nga, ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno….”
Ayon kay Mateo (Mateo 28:29)
Bilang mga Kristiyano, bininyagan tayo sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo, at naging bahagi tayo ng Katawang Mistiko ni Kristo.
Sa panalanging ni Jesus sa Ama, itinuro niya sa kanyang
mga alagad ang“Sambahin ang Ngalan Mo.”
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Anuman ang hilingin ninyo sa Ama, sa
aking pangalan, ay ipagkakaloob sa inyo.”
Part IV
Ang Pangatlong Utos
Exo 20:8 / Deut 5:12
“Italaga ninyo sa akin ang Araw ng Pamamahinga.”
Ang Araw ng Panginoon ay araw ng pagsamba at pahinga.
Sa mga Kristiyano, ang Sabat ay tinawag na “Araw ng Pamamahinga.”
Ano ang pinaka sukdulang layunin ng Sabat?
Hindi ang paglikha, kundi ang pakikipag-ugnayan ng
tao sa Diyos na Tagapaglikha.
Ang Sabat ay sagisag ng huling pagdiriwang at pahinga na siyang katapusan ng lahat
ng ginawa ng Diyos.
Ano ang ipinagdiriwang sa Araw ng Pamamahinga?
1. Ang araw ng pamamahinga ng Diyos sa ikapitong araw.
2. Ang dakilang paglaya ng Bayang Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto.
Ang Linggo ng Pagkabuhay ang Bagong Sabat
Nagsimula sa mga apostol, ang Linggo ang araw ng pagdiriwang ng muling
pagkabuhay ni Kristo. Ito ang araw na pinagdiriwang ang
muling nabuhay na Panginoong Jesus na nasa Eukaristiya.
Ang Simbahan at ang
Araw ng Panginoon
Ang Simbahan ay may tungkuling sumamba nang sama-sama bilang
isang sambayanan upang maipahayag ang pagkakaisa bilang
isang bayan na pinamumunuan ni Kristo.
(1 Cor 12:27 / Efe 4:4-6)
Tuwing Linggo, ang mga mananampalataya ay
nakatakdang dumalo at makiisa sa Misa. Dapat silang magpahinga sa
mga kaabalahan sa gawain na hadlang sa pagsambang nararapat
sa Diyos.
Pangingilin sa
Araw ng Panginoon
Ayon kay Papa Juan XXIII: “Ang Diyos ay may karapatang
hingin sa tao na maglaan ng isang araw sa isang linggo,
karapat-dapat na pagsamba sa walang hanggang Diyos, malaya
sa mga materyal na alalahanin.”
Sinabi ni San Agustin: “Ang aming mga puso ay hindi mapalagay hanggang ang mga
ito ay mamahinga sa Iyo.”