mga national artist

7

Click here to load reader

Upload: baymax

Post on 25-Nov-2015

92 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

national artist

TRANSCRIPT

FERNANDO AMORSOLOSi Fernando Cueto Amorsolo (Mayo 30, 1892 - Abril 24, 1972) ay isa sa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas.[1] Si Amorsolo ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909.[2][3]Mga pangunahing gawaKabilang sa mga pangunahing gawa ni Amorsolo ang mga sumusunod: 1920 My Wife, Salud (Si Salud, Aking Asawa) 1921 Maiden in a Stream (Dalaga sa Batis) Koleksiyon ng GSIS 1922 Rice Planting (Pagtatanim ng Palay) 1928 El Ciego, Koleksiyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1931 - The Conversion of the Filipinos (Ang Pagbabagongloob ng mga Pilipino) 1936 Dalagang Bukid, Koleksiyon ng Club Filipino

FRANCISCA REYES-AQUINOSi Francisca Reyes-Aquino (ipinanganak noong 09 Marso 1899) ay isang Pilipinong edukador, guro, at nasyonalista, na naging unang babaeng Pilipina na ginawaran ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw sa Pilipinas. Gumawa siya ng malawak at masusing pag-aaral ng mga katutubong sayaw sa Pilipinas at dahil dito, malaki ang naiambag niya sa pagsulong ng kultura ng Pilipino sa larangan ng pagsayaw.Mga isinulat Philippine National Dances (1946) Gymnastics for Girls (1947) Fundamental Dance Steps and Music (1948) Foreign Folk Dances (1949) Dances for all Occasion (1950) Playground Demonstration (1951) Philippine Folk Dances, Volumes I to VI

RAFAEL NEPOMUCENOSi Rafael "Paeng" Nepomuceno ay Pilipinong bowler na nasa unang hanay ng pandaigdigang manlalaro, at maibibilang sa isa sa matatagumpay na atletang nag-ambag nang malaki upang sumulong ang bowling sa Pilipinas. Kinikilala rin siya bilang pinakamagaling na bowler sa buong mundo nang makamit niya nang anim na ulit ang pandaigdigang kampeonato. Mga ParangalHumamig ng mahahalagang parangal si Paeng, at kabilang dito ang medalya ng Legion of Honor mula sa pangulo ng Pilipinas at Presidential Medal of Merit. Ginawaran din siya ng limang ulit na "Atleta ng Taon" ng Philippine Sports Association (PSA), at pagkaraan ay nakamit ang PSA Hall of Fame. Kikilalanin din ng Senado at Mababang Kapulungan ng Pilipinas si Paeng bilang "Pinakamahusay na Pilipinong Atleta sa Anumang Panahon." Ginawaran ni Juan Antonio Samaranch si Nepomuceno ng IOC President's Trophy na kauna-unahan sa kasaysayan ng bowling. Ginawang inmortal naman sa museo ng St. Louis Missouri, United States si Paeng, nang itanghal ang kaniyang pitong talampakang retrato na nakakahon sa salamin para sa karangalang International Bowling Hall of Fame. Noong 1994, inilabas ng Guinness Book of World Records ang mga rekord ni Nepomuceno, nang makamit nito ang pinakamaraming bilang ng World Cup sa loob ng tatlong dekada. Sa edisyong 2003 ng Guiness, kinilala si Nepomuceno bilang pinakabatang nagwagi ng pandaigdigang kampeonato sa edad 19. Samantala, kinilala ng World FIQ si Nepomuceno bilang "International Bowler of the Millennium" upang kumatawan sa mahigit 100 milyong bowler sa buong mundo.

FRANCISCO BALAGTAS

Si Francisco Baltazar (Abril 2, 1788Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunulat. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra.[1]Ang kaniyang mga sinulat Orosmn at\Zafira isang komedya na may apat na bahagi Don Nuo at Selinda isang komedya na may tatlong bahagi Auredato at Astrome isang komedya na may tatlong bahagi Clara Belmore isang komedya na may tatlong bahagi Abdol at Misereanan isang komedya Bayaceto at Dorslica isang komedya a may tatlong bahagi, Alamansor at Rosalinda isang komedya La India elegante y el negrito amante Nudo gordeano Rodolfo at Rosemonda Mahomet at Constanza Claus (isinalin sa Tagalog mula sa Latin) Florante at Laura, isang awit; pinaka-tanyag na gawa ni Balagtas

NAPOLEON ABUEVASi Napolen Isabelo Veloso-Abueva (ipinanganak noong 26 Enero 1930), na higit na nakikilala bilang Napoleon Abueva o Nap Abueva,[1] ay isang tanyag na iskultor na Pilipino. Itinuring siyang Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas. Siya ang pinakabata sa taong 46, at kauna-unaha't natatanging Boholano na nabigyan ng parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng Sining Biswal.[2]Mga likhaKabilang sa mga likha ni Abueva ay: ang nakulutang na iskulturang Moises, 1951, lumulutang sa tubig; Pagtatanim ng Palay, 1952, isang unang makabagong likha na may malaki, matipunong indayog; Salapang Alegorikal, isang likha gawa sa mulawin na lumahok para sa Pilipinas sa Ika-XXXII Dalawahang-Taunang Venesya noong 1964; ang naistilong Anuwang, 1968, sa tanso; Mga Ibon, 1971, sa magisok na marmol; ang maopalesensiya at pipis na Lungsod Alabastro, 1973; at ang kasinlaki ng taong Mula at Hanggang sa Dagat, 1978, na may mga gusgusing lalaki pigura na may buhat na bangka.Nakapaggawa ng mga dambana gawa sa kahoy na may tabas na metal, pinagsamang makabago na may lipi sa tighaw na may maraming palamuti. Ang bilang ng mga aspekto ay gumigitaw mula sa kanyang likha: ang likas na patalinghaga, ang kamangha-mangha, ang konstruksiyonal, ang mataas na nagawing kumbensiyonal, ang basal, at ang hinggil sa gawain.Ang makasining na impluwensiya ni Abueva ay umiiral sa kakayahan bilang propesor at dating dekana ng Dalubhasaan ng Pinong Sining ng UP.