modyul sa filipino v

13

Upload: asa-net

Post on 02-Jul-2015

1.463 views

Category:

Education


128 download

DESCRIPTION

para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama. kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito: [email protected] [email protected] maraming SALAMAT PO!

TRANSCRIPT

Page 1: MODYUL SA FILIPINO V
Page 2: MODYUL SA FILIPINO V

Ang Modyul na ito ay sadyang nakalaan

para sayo. Mahalagang pag aralan mo ito

dahil makatutulong ito sa iyo sa pag aaral ng

pang abay. Nakapaloob dito ang siyam na

uri ng pang abay sa pamamagitan ng mga

Gawain sa pagkatuto.

May mga pagsasanay kang sasagutin upang

masukat mo ang iyong kaalamang nalinang

sa modyul na ito.

Page 3: MODYUL SA FILIPINO V

Pagkatapos mong pag aralan ang modyul na ito

, ikaw ay inaasahang :

1. Makilala ang mga pangabay.

2. Matukoy ang siyam na uri ng pang abay.

Page 4: MODYUL SA FILIPINO V

1. Sagutin ang unang pagtatayang pagsusulit

pagkatapos sagutin,iwasto ito.

2. Basahin at unawaing mabuti ang mga gawain

sa pagkatuto atsagutin ang mga pagsasanay at

iwasto rin ang mga ito. Kunghanda ka nang

sagutin ang pangkalahatang pagsusulit. Kung

hindinaman, muli mong balikan ang mga

gawain sa pagkatuto at sagutinmuli

ang pagsasanay.

3. Iwasto ang mga gawain sa pagkatuto at

ang kasagutan sapangkalahatang pagsusulit o

pagsasanay.

4. Maaari mo nang kunin ang susunod na

modyul kung

mataposmaunawaan nang lubos ang mga gaw

ain.

Page 5: MODYUL SA FILIPINO V

Piliin ang tamang sagot.

1. Nagsasaad kung kalian ginanap ang kilos.

a. Pamanahon

b. Panlunan

c. Pamaraan

d. Pang agam

2. Tumutukoy sa pook/lugar kung san naganap ang kilos.

a. Pamanahon

b. Panlunan

c. Pamaraan

d. Panang ayon

3. Pang abay na nagsasaad ng walang kat iyakan ng isang kilos.

a. Pamaraan

b. Pang agam

c. Panunuran

d. Panulad

4. Pang abay na nagsasaad ng pag sang ayon.

a. Pamamaraan

b. Pang agam

c. Panang ayon

d. Panunuran

5. Pang abay na nagsasaad ng paggalang.

a. Pamitagan

b. Panlunan

c. Panggaano

d. Inglit ik

Page 6: MODYUL SA FILIPINO V

Mga Uri ng Pang Abay :

PANG-ABAY NA PAMANAHON

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o

magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may

pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas. Halimbawa ng may

pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, t uwing, buhat , mula, umpisa,

at hanggang. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na

pamanahon na mayroong pananda ang "Kailangan mo bang

pumasok nang araw-araw". Ang walang pananda ay mayroong mga salitang

katulad ng kahapon, kangina, kanina,ngayon , mamaya, bukas, sandali, at iba

pa. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na

walang pananda ang "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal

ng dulang Pilipino." Ang pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay

mayroong mga salitang katulad ng araw-araw, t uwing umaga, t aun-taon, at

iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "Tuwing buwan

ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan."

PANG-ABAY NA PANLUNAN

Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng

lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi

kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang

pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng

kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak

upang dalawin ang kanilang mga kamag-anak."[3] Karaniwan ding ginagamit

sa pangungusap na mayroong pang-abay na panlunan ang mga

pariralang sa,kina o kay. Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay

isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Samantala, ginagamit

Page 7: MODYUL SA FILIPINO V

naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na

pangalan ng isang tao. Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming

masasarap na ulam ang it init inda sa kantina." at ang "Nagpaluto ako kinaAling

Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan mo."

PANG-ABAY NA PAMARAAN

Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung

paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng

pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga

panandang nang, na, at -ng. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap

"Sinakal niya ako nang mahigpit ."

PANG-ABAY NA PANG-AGAM

Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o

kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa

pangungusap ang mga pariralangmarahil, siguro, t ila, baka, wari, parang, at

iba pa. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Marami

na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."

PANG-ABAY NA PANANG-AYON

Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit

dito ang mga salitang oo, opo, t unay, sadya, t alaga,syempre at iba pang

halimbawa. Halimbawa ay "Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan."

PANG-ABAY NA PANANGGI

Ang pang-abay na pananggi ay ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi

o pagtutol. Nilalagyan ito ng mga pariralang katulad ng hindi, di at ayaw. Halimbawang pangungusap para rito ang "Hindi pa lubusang nagamot ang

kanser.". "Hindi ako papayag sa iyong desisyon".

Page 8: MODYUL SA FILIPINO V

PANG-ABAY NA PANGGAANO O PAMPANUKAT

Ang pang-abay na panggaano o pang-abay na pampanukat ay nagsasaad

ng t imbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa

tanong na gaano o magkano ang halaga. Halimbawang pangungusap para

rito ang "Tumaba ako nang limang libra."

PANG-ABAY NA PAMITAGAN

Ang pang-abay na pamitagan ay ang pang-abay na nagsasad

ng paggalang. Halimbawang pangungusap para sa pang-abay na ito ang

"Kailan po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo ?”

PANG-ABAY NA PANULAD

Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga

bagay. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Higit na magaling

sumayaw si Armando kaysakay Crist ito."

Page 9: MODYUL SA FILIPINO V

Panuto : Isulat sa patlang kung anong uri ng pang abay ang may salungguhit.

1.__________ Tuwing alas singko ng umaga gumigising si aling Dina.

2.___________ Naglalaba ng mga damit si aling Dina araw-araw.

3.___________ Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa t indahan.

4,___________ Si ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.

5.___________ Darating na mayamaya ang mga bata sa paaralan.

Page 10: MODYUL SA FILIPINO V

Panuto : SaLungguhitan ang mga pang abay sa pangungusap.

1. Sadyang matigas ang ulo ng bata.

2. Mahirap magtahi sa lugar na madilim.

3. Ang magnanakaw ay tumakbo ng mabilis.

4. Si mang Teodoro ay maingat magmaneho ng dyip.

5. Mainit ng bahagya ang tubig sa bukal na ito.

Panuto : Tukuyin kung anong uri ng Pang abay ang mga may salungguhit

sumusunod .

1. Pumunta muna si allen kina Jack dahil may hihiramin siyang aklat.

2. Nagsisimba ang pamilya tuwing Linggo.

3. Binibisita nila ang kanilang lolo at lola buwan-buwan.

4. Nakarating ang lolo at lola nila sa isang subdibisyon sa barangay ng San

Martin.

5. Masayang nakipagkwentuhan si lolo Pedring sa kanyang apo.

Page 11: MODYUL SA FILIPINO V

Natatandaan mo ba ang iyong napag-aralan sa

modyul na ito? Naging matiyaga ka ba

at nagging masigasig sa iyong pagsagot sa mga

pagsasanay?Nauunawaan mo bang mabuti ang

mga aralin? Kung oo, binabati kita dahil

natapos mo ang modyul naito nang may

kasiyahan at puno ng kaalaman. Sana ay

maging kapaki-pakinabang ang susunod

namodyul na katulad nito sa patuloy mong

pagkatuto.

Page 12: MODYUL SA FILIPINO V

Unang Pagtatayang Pagsusulit

1. Pamanahon

2. Panlunan

3. Pang agam

4. Panang ayon

5. Pamitagan

Pagsasanay I

1. Pamanahon

2. Pamanahon

3. Panlunan

4. Panlunan

5. Pamanahon

Pagsasanay I I

1. Sadyang

2. Mahirap

3. Mabilis

4. Maingat

5. Bahagya

Pagsasanay I I I

1. Pamanahon

2. Pamanahon

3. Panlunan

4. Panlunan

5. Panguri

Page 13: MODYUL SA FILIPINO V