thesis sa filipino

21
Kabanata I KALIGIRAN NG PAG-AARAL Panimula Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahahalagang desisyon na dapat isalang-alang ng mga kabataan ngayon. Upang makatulong at makapagbigay ng linaw sa mga kabataang magdidisisyon sa kanyang papasuking kurso sa kolehiyo. Dahil naniniwala ako na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang edukasyon lalung-lalo na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikable ang sistema ng ating economiya para sa ating mga mamamayan dito. Kayat ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na

Upload: treszmeih-jhet

Post on 02-Oct-2015

2.560 views

Category:

Documents


282 download

TRANSCRIPT

Kabanata IKALIGIRAN NG PAG-AARAL

PanimulaAng pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahahalagang desisyon na dapat isalang-alang ng mga kabataan ngayon. Upang makatulong at makapagbigay ng linaw sa mga kabataang magdidisisyon sa kanyang papasuking kurso sa kolehiyo. Dahil naniniwala ako na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang edukasyon lalung-lalo na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikable ang sistema ng ating economiya para sa ating mga mamamayan dito. Kayat ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na maibabalik kung sakaling nagunita mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala ito ang nais mong kurso.Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon.Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang batang magtatapos sasekondarya ay ang pagdedesisyon sa kung anong karera ang nais niyang tahakin o kunin sa kolehiyo. Sapagkat, ang desisyon na iyon ay makakaapekto sa magiging buhay nilapagkatapos ng kolehiyo.Ayon kay Rodman Webb at Robert Sherman (1989) Ang salitang career ay maaaring tumutukoy sa isang linya ng trabaho o sa kurso ng propesyunal na buhay ngisang indibidwal. Ang dalawang kahulugan ngsalitang ito ay nagbigayliwanag na ang karerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinagiisipan at binuo ayon sa sariling kagustuhan at sa pangangailangan ng lipunan samakatuwid, iba-iba ang batayan ng bawat indibidwal ukol sa kung anong karerang nais niyang tahakin. Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din sa isang bokasyon-bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili pang hubugin ang kaalaman at asal ng mga mag-aaral na siyang pagasa n gating bayan.

BALANGKAS AT TEORETIKAL AT KONSEPTWALSa pananaliksik na ito pinagsisikapan ng mga mananaliksik na makahanap na mga materyales para sa teorya at konseptwal na maaring pagbatayan sa paksang pinag-aralan.Maraming problema ang kinakaharap ang mga mag-aaral na maari rin ihalintulad sa mga estudyanteng ICT sa unang taon. May mga pangumaghing problema ang kinakaharap ng mag-aaral sa kolehiyo. Una ang problema sa pera, nagiging problema ito ng mga mag-aaral sa kolehiyo sapagkat nauubos ang peran ng mag-aaral dahil sa maraming pinaggagastusa, minsan pa ay hinde alam kung ng mga estudyante kung kalian darating ang pera na ipinadala ng magulang nila kaya kung minsan ay nangungutang na lamang siya sa kalapit na kaibigan. Ang mga mag-aaral sa kolehiyo ay mahilig gumimik at magbarkada na hindi talaga maiiwasan kapag nandiyan ang pera na binigay ng magulang imbes na ilaan ang pera sa paggagastusan sa pag-aaral ang iba ay ipagbibili ng luho nila o kaya maglaro ng internet o games sa internet sa computer shop. Itong problema na ito ay maaring ihalintulad sa estudyanteng ICT sa unang taon.Ikalawa ang problema sa paaralan at klase, itong problema na ito ay maihahalintulad din sa mga estudyanteng ICT sa unang taon, nagiging problema ito ng mag-aaral dahil kadalasan ay hindi maiiwasan ang matambakan ng Gawain tulad ng takdang aralin, proyekto, research o tesis na minsan ay dahilan ito para mapuyat at minsan mahuli sa klase at inaantok tuwing leksyon ng kanilang propesor lalo sa bigayan ng grado kung hindi pasang-awa na ibibigay minsan dalawang asignatura ang bagsak at uulitin ito sa susunot na semester.SULIRANIN Bakit nahihirapan ang mga estudyante na pumili ng kanilang kurso sa kolehiyo?Anu-ano ang mga balakid sa pagpili ng kurso?Bakit mas pinili nila ang medaling kurso kahit hinde in-demand?Makakaapekto bas a buhayy ng estudyante ang napiling kurso?

LAYUNINSa Pagaaral na ito ay inaasahan ng mga mananaliksik ang?1.) Mabatid ang sa pagpili ng kurso2.) Maisaalang-alang ang sa pagpili ng kurso3.) Maunawaang pahalagahan ang kursong pipiliin4.) Mabatid ang pagpili ng kurso sa:a.) Estudyanteb.) Magulangc.) Komunidad

HAYPOTESISMalaki ang epekto ng pagpili ng kurso ng mag-aaral sa RTU Laboratory High School.Sapagkat ditto nakasalalay ang kanilang kinabukasan at susi sa rurok ng tagumpay ng kanilang buhay. Ito rin ang maaaring mag-ahon sa kahirapan ng kanilang magulang. Higit sa lahat, ito ang mag-aangat ng estado ng komunidad ng kanilang kinabibilangan.

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa saloobin at mga salik nanakaiiimpluwensya sa pagpili ng kurso ng mga mag-aaral. Sakop ng pag-aaral na ito namakapangalap ng mga impormasyon at datos tungkol sa mga naiisip at nararamdaman nila dulot ngpagpilingkurso bilang propesyon, ano-ano angpersonal nasaloobin ng mga mag-aaral ukol sa magiging bunga ng pagpili nila ng kurso sa kolehiyo, at sa kung ano-ano ang nakaiimpluwensya sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kursongkinuha. Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa limampung (50) mag-aaral ng Kolehiyo sa unang taon sa Rizal Technological University sa taong 2014-2015.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito na ukol sa mga saloobin at impluwensya ng pagpili ng kurso ay inaasahang magbibigay ng kapakinabangan sa mga sumusunod:

Sa Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaralupang mabatid nila kung sila ay tunay na desidido sa kursong kanilang napilia

MgaMagulang. Ang pagaaral na ito ay makatulong upang mas maunawaan nila ang saloobin ng kanilang mga anak ukol sa kurong nais kunin.

Sa Mga Instruktor ng Kolehiyo ng Edukasyon. Ito ay magbibigay sa kanila ngkaalaman kung paano nila gagabayan ang kanilang mga mag-aaral. Gayundin, kungpaano nila matutulungan ang mag-aaral upang mahikayat na ipagpatuloy ang kursongnasimulan.

Sa mga manunulat. Ang pagaaral na ito ay maaaring magbigay ng sapat na impormasyon sa kanilang pananaliksik ukol sa lagay ng mga estudyante na kasalukuyang pumipili ng kurso.

KABANATA II

KONSEPTWAL NA LITERATURA

Ang mga mananaliksik ay kumalap ng mga batayan o pundasyon kaugnay sa paksa na kanilang pinagaaralan:

Batay sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik inilathala ni Doris Franche-Borja sa pahayagan na Pilipino Star Ngayon na nararapat na pumili ng kursong may mataas na sahod ang piliin ayon sa pahayag ng DOLE Sec. Rosalinda Baldoz. Pilliin ang mga kurso na nagbibigay sa kanila ng magandang pagkakataon at mataas na sweldo.Ginagawa ng kalihin ang pahayag dahil na rin sa napipitong graduation ng daan-daang libong estudyante ng sekondarya ngayong marso 2015. Payo pa ng kalihim, huwag gayahin ng mga estudyante ang kanilang mga kaklse sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo, kundi ang isaalang-alang ay mga in-demand na kurso.

I also advice them to refrain from choosing courses based on whats in vogue or fashionable or to use the popular social lingo of the youth, whats trending and popular. Just because a neighbors son or daughter will take up this or that course does not mean you should follow suit. Paliwana g ni Secretary Baldoz. Binanggit ng kalihim ang 10 kursong may highest paying jobs base sa report ng bureau of local employment gaya ng aviation. Banking and finance, business process outsourcing, creative industries, cyber services, manufacturing at mining.

Inihalimbawa ng mga kalihim na ang isang art director na nasa ilalim ng creative industries ay tumatanggap ng median salary na php69,286 kada buwan, habang ang geologist ay nasa php64,889. Ang aircraft pilot, navigator, flight engineer ay nasa php57,789 kada buwan. Ang mining engineer ay php55,638 kada buwan at ang computer programmer ay nakakasweldo ng php43,573 kada buwan. Naniniwala si Sec. Baldoz na maiiwasan ang problema sa labor mismatch kung ngayon palang ay nagiging matalino na sa pagpili ng kurso ang mga mag-aaral.

SINTESIS

Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabukasan ng estdyante. Kaakibat nito ng pagpili ng kursong tatahakin sapagkat ito ang nagiging kaakibat ng indibidwal sa kanyang panghinaharapna pamumuhay. Kaya nga ang unang taon ng estudyante sa kolehiyo ay isang mahalagang panahon para isipin nito kung tama ba o hindi ang kursong una nilng pinipili. Maraming tanong ang maaaring pumasok sa isipan ng tao sa bawat hakbang nito sa buhay at nasa sarili rin natin kung paano natin itoaaksyunan.Kung mararamdaman nilang tama ito, marapat lang na itoy kanilng ipagpatuloy, ngunit paano kung hindi tama ang pakiramdam nila sa kursong pinili? Dito pumpasok ang paglipat ng kurso o shifting. Ang pagpalit ng kurso ay talamak na usapan hindi lamang sa mga estudyante, kung hindianrin sa mga guro at mga magulang ng mga taong sangkop sa usapang ito. Marami kasing magkakaibang opinion ukol sa paksag ito, positiboman o negatibo. Maraming sitwasyon na ibat iba sa bawat indibidwal ang maaaring magingdahilan ng paglipat nito ng kurso. Ang iba ay nagpapaliapt ng kurso dahil gusto nila ang kursong lilipatan, ang ilan ay dahil sa kahirapan, at mayroondin naming trip triplamang.

KABANATA III

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamaraan upang makalap ang mga datos sa pananaliksik na ito. Pinili ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sapagkat nababatid namin na kailangang masukat ang porsiyento ng bawat katanungang aming inilahad sa respondante

INSTRUMENTO NG PAG-AARAL

Ang instrumentong ginamit ng mananaliksik sa kanilang pag-aaral ay paglikha ng talatanungan upang makalap ang tamang impormasyon nakinakailangan. Ang instrumento na kanilang isinasagawa upang masagot ang mga katanungan patungkol sa mga magaaral.

MGA RESPONDANTE NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay pumili ng 50 respondante. Ang mga respondante ay ang mga mag-aaral ng magsisipagtapos ng hayskul sa RTU Laboratory High School.

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang mananaliksik ay nagpresinta ng sarbey sa mga piling estudyante at kinalap ito matapos nilang sagutan ang bawat katanungan nakapaloob sa aming talatanungan. Hiniling ng mga mananaliksik na punan ang lahat ng mga nakalap na datos. Nagtakda rin ito ng petsa ang mga mananaliksik sa mga piling tao na kanilang kakapanayamin.

ISTATISTIKAL TRITMENT NG MGA DATOS

Gumamit ang mga mananaliksik ng percentage formula para makuha ang mga datos.P = f / n

Na kung saan :P = porsyentof = frequencyn = kabuuang bilang ng respondante

PARADIMO NG PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito, ipinapakita ng pigura 1 ang persepsyon ng mga mag-aaral tungkol sa tamang pagpili ng kurso ng mga mag-aaral na magsisipagtapos ng hayskul sa RTU laboratory Highschool (S.Y 2014-2015)

Pigura 1Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga mag-aaral na magsisipagtapos ng hayskul tungkol sa pagpili ng kanilang kursong kukunin. Sa pamamagitan ng istatistikang gawain, pinagsama-sama ang nakalap na datos mula mula sa mga talatanungang ipinasagot sa mga mag-aaral.

PAGLALAHAD NG HAYPOTESIS

Ang pag- aaral na ginawa sa pananaliksik na ito ay lubhang napakahalaga upang maunawaan at mas mapalawak pa ang ating kaalaman sa tamang pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo.

TERMINOLOHIYANG GINAMIT SA PAG-AARAL

LHS (Laboratory High School) Isang mataas na paaralan sa Rizal Tehnological Highschool.Career - Ang salitang career ay maaaring tumutukoy sa isang linya ng trabaho o sa kurso ng propesyunal na buhay ngisang indibidwal. - Rodman Webb at Robert Sherman (1989).Kolehiyo Pinakamataas na antas ng pag-aaral.Edukasyon Tumutukoy sa akademikong pag-aaral.Kabataan- mga taong nasa edad nasa 17 taong gulang pagbaba.

PAGPILI NG KURSONG KUKUNIN SA KOLEHIYO NG MGA MAG-AARAL SA RTU LABORATORY HIGH SCHOOL: ISANG PAG-AARAL

Isang Panukalang Tesis na Iniharap sa Fakulti ng Kolehiyo ng Sining at Agham ng Rizal Technological University Mandaluyong City

Bilang Bahagi ng Pagtupad Sa Pangangailangan sa Asignaturang Filipino II sa ilalim ni Dr. Dolores Sunga Tanawan

CALZADO, JUDITH ANN G.RAMOSO, DAVE A.ESCRIBE, ROBEL NOLITO B.SEBUCAO, QUEENIE ROSE N.GUIMERA, GEORGETTE (MARSO 2015)