pagpapakilala

2

Click here to load reader

Upload: ricardo-cabezas-abapo-junior

Post on 04-Jul-2015

461 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagpapakilala

Ricardo C. Abapo Jr. June 18, 2012 BM Piano IV Fil 24 N-A

Pagpapakilala Nagsimula ang lahat sa kwentong tuksuhan. Tayong mga Pinoy, grabe ang sobrang hilig nating dito. Crush dito, crush doon. Sabihin mang uso ‘yan ngayon, eh patok na ‘yan kahit pa man noon. Ganyan ang naging simula ng kwentong pag-ibig ng aking mga magulang na humantong sa pitong prutas na bunga ng kanilang pagmamahalan. Corny ano? Sadyang ganyan talaga ang pag-ibig, pagpasensiyahan mo na. Nagkatagpo sila sa lugar ng mama ko. Ito kasing erpats ko, sundalo, tapos parang siya ang commanding officer na na-assign sa eskwelahan ng nanay ko. Oo, estudyante pa nanay ko noong nagktagpo sila at ang tatay ko naman ay sundalo na. Parang child abuse ano? Pero whatever, may bahay kasi na palaging sinisilungan ‘tong nanay ko araw-araw tapos ang headquarters eh nasa harapan tapos ‘tong tatay ko chick-boy kuno, parang pinagtripan ata si mama, nalove-at-first-sight kung baga. Tapos nalaman ng mga kaklase ni mama, ayun, walang pagpakundangang tuksuhan na! Basta, mahabang istorya hanggang sa nagkatuluyan sila at ‘yun nga, bumunga ng bumunga ng bumunga ng bumunga ng bumunga ng bunga. Grabe, ganun karami. sundalo eh. Tapos sa pagpapakasal nila, sa bayan namin sa Pagadian City, ito ay isang siyudad sa probinsya ng Zamboanga del Sur, sila tumuloy at nagtirik ng aming munting tahanan. Sa pitong bunga, dalawa ang sinalanta ng masamang panahon. Di pa man ganap na prutas eh hinarvest na ng panahon. Di rin namin matandaan, eh sadyang kami noon ay batang-bata pa lamang. Sa mga panahong iyon, of course, labis na ikinalungkot ng mga magulang ko ang pangyayaring iyon, pero sila ay nakapagmove-on at tinanggap na ganun talaga ang buhay, paweather-weather lang. So ang natirang bunga ay lima na lamang na kung saan ako ang nasa gitna. Alam naman natin siguro kung ano ang buhay nasa gitna ng magkakapatid, ikaw kung baga ang nagiging neutral kapag may world war sa magkakapatid. Ikaw ‘yung medyo lost kasi parang pair-pair, si ate at si kuya, tapos si dalawang bunso, tapos ikaw na nasa gitna, eh naiwan, ayun naging loner. Pero buti na lang, hindi ako naging loner, buti na lang kahit papano namana ko ang pagiging daldalera ng nanay ko, titser eh. Araw-araw pumuputak iyan. English at Filipino teacher nako, nosebleed talaga. Pero bilang nasa gitna, sabihin man nating cliché ang mga ito, pero sadyang ang karamihan eh totoo, iba naman hindi, kagaya ng ikaw yung parang nagiging pag-asa, pero di naman lahat magagandang katangian, katulad ng ikaw ‘yung nagiging yaya nila. Sa limang magkakapatid, tatlo pa lang kaming nakatungtong sa kolehiyo, ang panganay nami, ang ate ko, nursing kinuha niya pero hindi siya nakapagtapos. Siguro kung ishe-share ko pa sa inyo istroya niya, na influential sa istorya ng buhay naming magpamilya, eh aabutin tayo ng pito-pito sa sobrang haba at pagkakompleks nito, pang Maalaala Mo Kaya ang drama eh. Pero gayunpaman, hindi siya nakapagtapos at parang tinakwil ni papa, sus ang pride nga naman. Ah basta, ‘yun na ‘yun. Ang pangalawa naman eh nasa kolehiyo rin, dun siya sa bayan namin nag-aaral, pero kagaya ng ate ko, lakwatsero din ‘tong taong to. Wala naman siyang barkada pero grabe, adik na adik sa kompyuter! Siya na ang hari pagdating sa ganyang mga bagay, eh total BS IT kinuha eh. Ang dalawang bunso ko eh nasa high school ang sumunod sa akin tapos ang pinakabunso eh nasa elementarya pa, malas lang sila naabutang ng K-12 ngayon, mas mahabang pagdurusa! Well, ako naman, nasa Silliman, anghel kuno, kapal ng mukha, haha, at graduating na ngayong school year, hopefully, depende pa lang kung magagawa ko itong graduation recital ko. Bachelor of Music nga pala ang kinuha ko,

Page 2: Pagpapakilala

Major in Piano. Himala nga eh nakatuntong pa ako dito at natanggap eh hindi naman ako kagalingan, siguro parang pag-pursige lang talaga at determinasyon. Wala pa naming masyadong mahalagang kwento tungkol sa buhay ko, sa murang edad kong 19-anyos eh para kasing nagsisimula pa lang akong mabuhay sa totoong buhay. Kung baga sa pintor, nakapagprepare pa lang ako ng canvass, wala pa mismo ang painting talaga. Kung sa music naman, grand staff pa lang ang nagawa, wala pa mismo ang mga nota. Simula ng makatungtong ako dito ng kolehiyo, naku, ang dami kong natutunan sa buhay. Natuto akong maging mas independent pa, maging responsible sa sarili, at maging sariling magulang ko. Noong una mahirap, pero nakapag-adjust naman. Nakakatuwa ngang isipin kasi noong first year pa ako dito, hindi ko talaga na-miss yung bahay o kahit sina mama’t papa o sino pa. Mas na-miss ko pa mga kaklase ko sa highschool. Huwag niyo naman akong laitin, nagpakatotoo lang. Pero alam niyo, later ko na na-realize at na-miss ng todong-todo pamilya nung nasa ikalawang kabanata na ako dito. Tapos lumala ngayon, sabihin nating “maturity” to. Nakakatuwa nga eh, kasi hindi naman ako sanay magsalita ng ganito pero ngayon parang okay lang sa akin at tila ba parang normal ko tong ginagawa. Siguro nga, tumanda ako kahit papano. Bilang isang estudyanteng piyanista naman, ang dalawa sa pinakamahalagang natutunan ko ay naniniwala ako na ang oras ay hindi ginto lamang, kundi ito ay isang diyamante, at ang pinakamahalagang natutunan ko sa ngayon na tinangi kong mantra ng buhay ko ay “porke’t hindi ko ‘to magagawa ngayon ay hindi nangangahulugang hindi ko ‘to magagawa balang-araw.” Grabe talaga ang impact sa akin niyan ng na-realize at nabuo ko yang mga katagang-iyan. Parang sina-summarize niya ang pagiging piyanista ko, ang lahat ng pagdurusa para lang matugtog ang isang napakagandang likha ng sining ng musiko.