panitikan bago dumating ang mga kastila

28
G. MERLAND ALVAREZ MABAIT Philippine Science High School-Main Campus KATUTUBONG PANITIKAN BAGO PUMASOK ANG IMPLUWENSYA NG KANLURAN

Upload: merland-mabait

Post on 24-May-2015

8.312 views

Category:

Education


98 download

DESCRIPTION

Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila

TRANSCRIPT

G . M E R L A N D A LVA R E Z M A B A I TP h i l i p p i n e S c i e n c e H i g h S c h o o l - M a i n C a m p u s

KATUTUBONG PANITIKAN BAGO PUMASOK ANG

IMPLUWENSYA NG KANLURAN

PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

Dalawang Bahagi ng Matandang Panitikan

KAPANAHUNANAN NG MGA ALAMAT

‡ Ang panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa panahon ng pagdating ng ikalawang pangkat ng Malay. Ang kanilang panitikan ay pasalita lamang na binubuo ng mga mitolohiya, alamat, kwentong bayan, mahiya, seremonya sa pananampalataya sumasambala sila sa punongkahoy, sa araw at sa iba pang mga anito. Naniniwala rin sila sa pamahiin.

KAPANAHUNANAN NG MGA EPIKO

‡ Nagsimula sa pali-palibot ng mga taong 1300 A.D. at nagtatapos sa panahon ng pananakop ni Legazpi noong taong 1565.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG

KAPANAHUNAN NG MGA ALAMAT

PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Ang mga Ita o Negrito ●●● Indonesyo ●●●

●●● Bumbay ●●● Arabe at Persiyano

ANG MGA ITA

• Unang nanirahan sa ating mga pulo.• Nakilala sa tawag na ita, ayta o agta

at kung minsa’y baluga.• Sila ay walang pamahalaan, panulat,

sining, siyensya, bagamat sanay sa gamit ng busog at pana sa paghahanap ng makakain

ANG MGA INDONESYO Nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na.

• Nang sumapit sila rito’y may malalaking pangangatawan, maitim na balat, makapal na labi, malaking ilong at

pangahan• May kabihasnan silang higit sa mga Negrito.

-may pamahalaan

-Nagsusuot ng damit

-nagluluto ng pagkain

-nagsasaing sa tukil -marunong magpanginas ng apoy

Mayroon silang alamat at mga epiko, mga pamahiin at mga bulong na pangmahiya.

ANG MGA BUMBAYAng mga Bumbay o Hindu ay nakarating sa

Pilipinas noong ika-12 siglo. Ang unang sapit ng mga Bumbay ay nanggaling sa Borneo at sila’y nagdala ng pananampalatayang Budismo, Epiko at Mahiya.

Ang Ikalawang sapit ay nanggaling sa Java at Borneo din noong ika-14 na siglo, nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko, awiting bayan atliriko. Marami ding mga salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga ito’y, guro, bansa, mukha, likha, hukom, dukha at iba pa.

ANG MGA ARABE AT PERSYA

Dumating ang mgaArabe sa Pilipinas noong ika-12 siglo, ngunit ang nagdala ng pananampalatayang Muslim ay ang tinatawang na “Hadramaut Sayyids”

mga misyonerong Arabe na nanggaling sa Malaysia at dumating sa Pilipinas

noong ika 16-siglo.Kasama nila ang maraming

mangangalakal na Arabe at Persiyano, sila’y nanirahan sa Mindanao at Sulu.

Nagdala rin sila ng mga Epiko, Kuwentong Bayan, Dula at Alamat.

MGA KATANGIAN NG KAPANAHUNAN NG MGA ALAMAT

1. Ang mga nakatira sa kapuluang ito noong Kapanahunan ng mga Alamat, bagama’t hindi tahasang gala, ay walang panatilihang tahanan.

2. Kung nasa isang pook ay pangkat-pangkat at sila ay may sariling pamahalaang ksaundo o kaaway ng mga kalapit-pangkat.

3. Ang panitikan noon ay saling-dila o lipat-dila, na ang nagpapahayag ay ang mga apo, na karaniwang puno ng baranggay o pinaka-pari ng kanilang relihiyon.

4. Ang relihiyon noon ay ang pagsamba sa araw, punungkahoy o anumang kalagayan ng kalikasan at ang lahat ng mga kababalaghan ay gawa ng mga mabubuting hilagyo (spirit) na tinatawag nilang “anito” .

MGA KATANGIAN NG KAPANAHUNAN NG MGA ALAMAT

5. Binubuo ang panitikan ng mga bulong na pangmahiya (incantations), kwentong-bayan (folktale), alamat (legend).

6. Ang karamihan ay salig sa pananampalataya at pamahiin.

7. May mga mananaliksik na nagsasabing ang mga taong ito ay mayroong ilang tulang panrelihiyon.

Kaligirang Pangkasaysayan Ukol sa Kapanahunan ng mga

Epiko

PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Ang mga Malay ●●● Instik ●●●

Impluwensiya ng Imperyo ng Madyapahit●●● Ang

Kaharian ng Malacca

ANG MGA MALAYTatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa

Pilipinas

1. (kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo.) Ang mga Malay na ito’y nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting pangrelihiyon. Sila’y nangagtira sa kabundukan ng Luzon at sila ang mga ninuno ng mga Igorot, Bontok at Tinguianes.

2.  (100 hanggang 1300 taon pagkamatay ni Kristo.)  mga  ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano at mga iba pa. Sila’y  may dalang wika, alpabeto, awiting bayan, kuwentong bayan, mga alamat at mga karunungang bayan. Ang mga ito bagama’t mga tubong Malaysia ay kung saan-saan nanggaling na mga kalapit bansa gaya ng Borneo, Malacca at Indonesya at pagdating sa Pilipinas ay kumalat sila sa iba’t ibang lalawigan ng Luzin at Visayas. Sila ang nagdala ng Baranggay.

ANG MGA MALAYTatlong pangkat ng mga Malay ang

nakarating sa Pilipinas

3. Ikatlong pangkat ay ang mga Malay na Moslem. Nagsidating sila noong 1300 at 1500 taon. Nanggaling sila sa Malaysia at nanirahan sa Mindananao at Sulu. Nagdala sila dito ng Epiko, Alamat, Kuwentong-Bayan at Pananampalatayang Moslem.

ANG MGA INSTIK Ang mga Intsik ay nakarating sa Pilipinas sa

pagitan ng ikatlo hanggang ikawalong siglo. Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika-

kaya’t mahigit sa 600 salitang Intsik ay bahagi na ng wikang Pilipino.

Ang mga salitang gusi, susi, mangkok, talyasi,  kawali,  kawa, bakya, tingi, Ingkong, Impo,  bayaw, inso, kuya, diko, sangko at mga iba pa ay nanggaling sa Intsik. Ang ilang kaugaliang sosyal ay galing din sa kanila. Ang Pilipinas ay

nasakop ng mga Intsik noong taong 1405 hanggang 1417 noong panahon ni Yonglo.

Impluwensiya ng Imperyo ng Madyapahit / Kambodya

Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa Indonesya ay

naging napakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang

nasakop. Kabilang dito ay IndoTsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kaya’t ang Pilipinas ay

nagkaroon ng impluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo na sa

panitikan. Ang mga kuwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay katulad ng mga kuwentong bayan ng

mga nabanggit na mga bansa.

Ang Kaharian ng Malacca

Sa pagbagsak ng Imperyo ng Madjapahit ay ang Imperyo naman ng Malacca ang naging makapangyarihan

sa Silangan. Nagtatag sila ng pamahalaang pinamunuan ng mga

Sultan o Rajah. Tumagal ang kapangyarihan ng Malaca ng may 20

taon mula noong 1430 hanggang 1450. Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng mga Sultan o Rajah. Sin

asabing ang karaniwang pahayag na “Alla-eh” sa Batangas ay impluwensiya

ng Imperyo ng Malacca.

MGA PANITIKANG UMUSBONG

PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Alamat ∞∞∞ Epiko ∞∞∞ Bulong ∞∞∞ Kwentong

Bayan ∞∞∞ Bugtong

Awiting Bayan ∞∞∞ Salawikain ∞∞∞ Palaisipan

Unang Dulang Pilipino ∞∞∞ Sawikain ∞∞∞

Kasabihan

Karaniwang pumapaksa ng isang bagay, pook, kalagayan o katawagan.

Ito ay l ikhang isip lamang kaya’t salat sa katotohanan at di kapani-paniwala.

ALAMAT

ito ay kwento ng kabayanihan. punung-puno ito ng mga

kagila-gilalas na pangyayari.

EPIKO

isang uri ng tradisyonal na dula at ito’y labis na

pinaniniwalaan ng mga unang pilipino. isa pang

pagbulong ay paghingi ng pahintulot sa pinaniniwalaan

nilang nuno sa punso.

BULONG

Ito ay nagpapasalin-salin sa bibig ng tao. Madalas itong nangyayari sa paligid-ligid lamang ng ating lugar. Ang mga kwentong ito ay nauukol sa pakikipagsapalaran,

pag-iibigan, katatakutan. Nakatutulong ang mga kwentong ito upang mapahalagahan natin ang kapaligiran, makilala ang

ating katauhan at maiayos ang ating pananaw sa buhay.

KWENTONG BAYAN

Uri ng panitikan na kawili-wili. Ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan at pagsasanay sa

mabilis na pag-iisip na nagpapasalin-salin sa bibig ng mga

ninuo.Ito ay may tugma at talinghaga at kapupulutan ng mahalagang butil

ng karunungan.

BUGTONG

tuloy-tinig (survival) ng dating kalinangan sa pamamagitan ng

saling-dila.Ito ay kasasalaminan ng

kalinangan ng lahi

AWITING BAYAN

1. Ang mga kantahing bayan ay nagpapakilala ng diwang makata.

2. Ang mga kantahing bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng lahing Pilipino.

3. Ang mga kantahing bayan ay bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming galing sa puso at kaluluwang bayan.

TATLONG DAHILAN NG KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

NG MGA KANTAHING BAYAN

ay maiigsing pahayag ng mga pangkalahatang katotohanan, mga

batayang tuntunin, o mga alintuntunin ng kaasalan. Ito ay

maaaring patula o tuluyan. Ang may-akda ay hindi matunton at ang mga

ito ay pasalin-salin sa mga lahi.Tumutukoy sa kasikhayan, kasipagan, kaagapan, at katipiran; kalinisang at

katimpihan; pagpapaumanhin at pagtitiyaga; pamimitagan at

mabuting kamihasnan; pagbibiro; at mga kaagapay na katotohanan sa

buhay.

SALAWIKAIN

ginagamit sa pagpuna sa isang gawi o kilos ng

isang tao.

KASABIHAN

ay nasa anyong tuluyan. ito’y gumigising sa isipan ng tao

upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. kahit na sa paaralan ngayon

ay ginagamit na ang palaisipan sapagka’t ito’y isang paraan upang tumalas ang isipan ng

mga mag-aaral.

PALAISIPAN

ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang

patalinhaga ang gamit. ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang

kahulugan.

SAWIKAIN