q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

15
TIMELINE NG MGA PATAKARANG KOLONYAL

Upload: elsa-orani

Post on 23-Jun-2015

2.575 views

Category:

Documents


16 download

TRANSCRIPT

Page 1: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

TIMELINE NG MGA

PATAKARANG KOLONYAL

Page 2: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

Naging patakaran ng Estados Unidos na unti-

unting ilipat sa kamay ng mga Pilipino ang iba’t-

ibang sangay ng pamahalaan upang

masanay sila sa sariling pamamahala

Page 3: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

Kontekstong historikal ng mga patakarang kolonyal:1. Iniutos ng Gob.-Mil. Ang paglikha ng korte suprema na may 9 na kasapi, 6 na Pilipino at 3 Amerikano dalawang taon pagkatapos, ipinasa noon ang mga batas na nagrereorganisa ng mga hukuman,naging 6 ang Amerikanong kasapi at 3 lamang ang Pilipino

Page 4: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

2,Inaprubahan ng komisyon ng Pilipinas ang Civil Service Act (Blg. 5) na naglagay ng lahat ng kwalipikadong empleyado sa lahat ng dibisyon at ahensya ng mga pamahalaang insular, panlalawigan at munisipal sa ilalim ng kontrol administratibong kawanihan ng Serbisyong Sibil. Binigan ng pagsusulit ang gustong maging empleyado ng pamahalaan.

Page 5: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

Kontekstong historikal ng mga patakarang kolonyal:3, Inaprubahan ng Komisyon ng Pilipinas ang Batas Blg.74 na nagtatag ng isang sentralisadong sistema ng mga pampublikong paaralan,

Page 6: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

Kontekstong historikal ng mga patakarang kolonyal:4, Inaprubahan ng Pangalawang Komisyon ng Pilipinas ang Kodigong Munisipal (Batas Blg,82) ayon sa instruksyon ni Mc. Kinley na payagan ang mga Pilipinong pamahalaan ang sarili nilang mga gawain5. Itinalaga ang pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng isang lupong binubuo ng gobernador,, ingat-yaman, at superbisor. Pilipino ang gobernador samantalang Amerikano naman ang ingat-yaman at superbisor. 6. Hinirang na kasapi ng komisyon ng Pilipinas sina Trinidad H. Pardo de Tavera, Benito Legarda, at Jose Luzuriaga bilang karagdagan sa limang kasapi nito.

Page 7: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

Kontekstong historikal ng mga patakarang kolonyal:7. Nilagdaan ni Pang. Roosevelt ang Philippine Bill of 1902, Inaprubahan ng batas ang mga pagbabagong pulitikal sa Pilipinas,, Boinigyan ang Pilipinas ng Bill of Rights na kapareho ng declaration of rights na ginawa ng pangalawang komisyonng Pilipinas8. Ipinatupad ni Gob. William H. Taft ang patakarang Pilipinas para sa mga Pilipino.

Page 8: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

Kontekstong historikal ng mga patakarang kolonyal:9. Ipinasa ng komisyon ng Pilipinas ang isang batas na nagtatakda na gawing Pilipino ang Ingat-yaman, kaya nagkaroon ng mayorya ang mga Pilipino sa lu[pong panlalawigan, Itinakda rin ng batas na ito ang paghahalal ng isang pangkalahatang halalan ng gobernador at ng isa pang kasapi ng lupon.10. Humingi ang mga gobernador na panlalawigan sa pamumuno ni Sergio Osmena ng mas malawak na awtonomiya.11. Pinasinayaan ang Asambleyang Pilipinas na binubuo ng mga delegadong inihalal ng mga botante, Si Sergio Osmena ang napiling Speaker, Si manuel Quezon ang majority floor leader, sa pamamagitan ng Asamblea nakibahagi ang mga Pilipino sa paggawa ng batas.

Page 9: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

Kontekstong historikal ng mga patakarang kolonyal:12. Hinirang si Gregorio Araneta bilang kalihim ng pananalapi.13. Hinirang na kasapi ng komisyon ng Pilipinas si Gregorio Araneta pagkatapos ng 1907, humawak ng mahahalagang posisyon sa komisyon sina Gregorio Araneta, Victorino Mapa. Juan Sumulong, Jaime C. de Veyra, Vicente Singson Encarnacion, Rafael Palma, at Vicente Ilustre. May mga katungkulang lehislatibo ang mga Pilipino.14. Ginawa ni Gob. Harrison na maging mayorya ang mga Pilipino sa komisyon ng Pilipinas.15. Tinanggal ang ingat-yaman sa lupon at pinalitan ng isang bokal na hihirangin ng isang gob.-hen. Mula sa mga pangulo ng mga munisipyo.Nagpasa ang komisyon ng batas na naghahalal sa bokal, inihalal ng mga botante ng mga lalawigan ang 3 kasapi ng lupon. (Nakumpleto ang pilipinisasyon sa lalawigan)

.

Page 10: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

Kontekstong historikal ng mga patakarang kolonyal:16. Ipinasa ang Civil Retirement Act (No. 258)na nagbigay ng retirement allowance sa mga magreretiro bago dumating ang Hulyo 1916, Maraming Amerikanong Empleyado ang nagretiro at pinalitan sila ng mga Pilipino.17. Nilagdaan ni Pang, Woodrow Wilson ang Batas Jones; Ito ang unang batas na nangakong kikilalanin ang kalayaan ng Pilipinas at nagpahayag na dapat bigyan ang mga Pilipino ng mas malawak na kontrol sa pamahalaan.

.

Page 11: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal
Page 12: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

Sagutin: (Mula sa timeline)1. Kailan iniutos ng gobernador-militar ang paglikha ng Korte suprema na may siyam na kasapi? a, 1899 b. 1904 c. 1909 d. 19142. Kailan itinatag ang sentralisadong sistema ng mga pampublikong paaralan? a. 1900 b. 1901 c. 1904 d. 19033. Alin ang pinakauna sa mga sumusuno na panyayari? a. Paghirang kay G. Araneta bilang kasapi ng komisyon ng Pilipinas b. Paghingi ng mga gobernador na panlalawigan ng mas malawak na awtonomiya c. Pagpasa sa Civil Retirement Act d. Pagpapatupad ng patakarang Pilipinas para sa mga Pilipino

.

Page 13: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

Sagutin: (Mula sa timeline)4. Anong mahalagang pangyayari sa Pilipinisasyon ng pamahalaan ang naganap noong 1907? a, Pagtatakda na gawing Pilipino ang ingat- yaman b. Paghirang kina de Tavera, Legarda atbp C. Pagpapasinaya sa Asamblea ng Pilipinas d. Pagiging mayorya ng mga Pilipino sa komisyon ng Pilipinas5. Kailan nilagdaan ang ang batas nangakong kikilalanin ang kalayaan ng Pilipinas? a. 1916 b. 1918 c. 1910 d. 19116. Mula 1899, mga ilang taon ang lumipas bago naging mayorya ang mga Pilipino sa komisyon ng Pilipinas? a. pito b. walo c. labing-tatlo d. labing-apat

Page 14: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

Sagutin: (Mula sa timeline)7. Kailan humingi ang mga gobernador na panlalawigan ng mas malawak na awtonomiya? a, 1902 b. 1904 c. 1907 d. 19088. Alin ang pinakahuli sa mga sumusunod na pangyayari? a. Nahirang na kasapi ng komisyon ng Pilipinas si G. Araneta b. Pinasinayaan ang Asamblea ng Pilipinas c. Inaprubahan ang kodigong munisipal d. Inaprubahan ang Civil Service Act9. Kailan pinalitan ang Amerikanong Ingat-yaman ng isang Pilipinong bokal? a, 1912 b. 1915 c. 1917 d. 191910. Alin ang nangyari pagkatapos na pagkatapos maaprubahan ang kodigong munisipal? a. Pag-apruba sa Civil Service Act b. Pagtatag ng isang sentralisadong sistema ng pampublikong paaralan c. Paglalagay sa pamahalaang panlalawigan sa isang lupon na binubuo ng gob,, ingat –yaman at superbisor

Page 15: Q3 m2l1 timeline ng mga patakarang kolonyal

INIHANDA NI :ELSA O. LANSANGAN

I