sa pagpaplano at paggawa ng mga patakarang pangwika

14
Ang Linggwistika sa Paglinang sa Wikang Pilipino Nang talakayin natin ang kahalagahan ng linggwistika sa guro ng wika ay nailahad na rin natin , kahit hindi tuwiran ang naiaambag ng linggwistika sa paglinang o pagpapaunlad ng Pilipino. Biibigyang-diin natin ang mga aklat sa balarila na inihanda at inihahanda ng mga linggwista na siyang pinaghanguan ng mga sumusulat ng mga aklat upang magamit ng guro sa pagtuturo ng wika. Ang gayon ay isang malinaw na ambag ng linggwistika sa paglinang sa wika. Bumanggit pa tayo ng ilang halimbawa:

Upload: david-goodman

Post on 05-Nov-2015

1.046 views

Category:

Documents


14 download

DESCRIPTION

pagpaplano

TRANSCRIPT

Sa pagpaplano at paggawa ng mga patakarang pangwika

Ang Linggwistika sa Paglinang sa Wikang PilipinoNang talakayin natin ang kahalagahan ng linggwistika sa guro ng wika ay nailahad na rin natin , kahit hindi tuwiran ang naiaambag ng linggwistika sa paglinang o pagpapaunlad ng Pilipino. Biibigyang-diin natin ang mga aklat sa balarila na inihanda at inihahanda ng mga linggwista na siyang pinaghanguan ng mga sumusulat ng mga aklat upang magamit ng guro sa pagtuturo ng wika. Ang gayon ay isang malinaw na ambag ng linggwistika sa paglinang sa wika. Bumanggit pa tayo ng ilang halimbawa:Sa pagpaplano at paggawa ng mga patakarang pangwikaBilang mga guro at administrador ay alam natin kung ano ang pinakasuliranin natin sa wika: kung papaanong mapangangalagaan ang mga wika ng pook na kinatataniman ng tunay na kulturang Pilipino, kung papaanong mapauunlad ang wikang Pilipino bilang isa sa mga tatak at kasangkapan natin sa pag-uugnayan bilang isang malayang lahi , at kung papaanong mapananatili ang Ingles bilang wikang tulay natin sa pagdukal ng karunungan at pakikipag-ugnayang pandaigdig.Sa mga pagpaplano kung papaanong gagamitin ang mga wikang ito sa paaralan ay alam nating malaki ang naitutulong ng mga pangunahing linggwista ng bansa. Ang pinakahuling patakarang pangwika ( Dept. Order No. 25, s. 1974) sa pagpapairal ng bilinggwalismo sa ating sistema ng edukasyon, halimbawa, ay bunga ng pananaliksik at pag-iisip ng mga kinikilalang eskperto sa linggwistika at sa pagpaplano ng wika.MGA BATAYAN SA PAGTUTURO NG EDUKASYONG BILINGUWAL 1974panahon ng aktibismo at demonstrasyon- simula ng pag-unlad ng wikang pambansa.Sa UP pinagtibay ng dating Presidente Salvador P. Lopez ang tinaguriang malayang bilingguwalismo. (paggamit ng Pilipino bilang midyum ng pagtuturo at ang sinumang estudyante sa UP ay makagagamit ng Ingles at/o Filipino sa anumang asignatura/aralin)Noong1969pinagtibay niPangulong Ferdinand E. Marcos ang Executive OrderNo.202na bubuo sa Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) upang gumawa ng masusing pag-aaral sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon tulad ng inaasahan. . .ang wika ng pagtuturo ang siyang nakita ng komisyon na nangangailangan ng atensyon.Pinagtibay ng PCSPE na:(1) ang Pilipino ang pangunahing midyum sa elementary, at ang bernakular ay pantulong na wika sa unang dalawang taon sa mga lugar na di-Tagalog(2) ang Pilipino at Ingles ang mga midyum sa sekundarya at tersiyarya

IMPLEMENTASYON NG EDUKASYONG BILINGGUWAL 1974Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ay naglagda sa pamamagitan ngKautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal. Ayon sa panuntunang ito:Ang edukasyong bilingguwal ay binibigyan ng katuturang magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura, sa pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar na itoy kinakailangan.Ang implementasyon ng Edukasyong Bilingguwal ay binubuo ng apat na taong transisyon (1974-1978) na uumpisahan ang paggamit ng Pilipino bilang midyum sa mga asignaturang tulad ng A.P (Social Studies), Agham Panlipunan (Social Science), Edukasyong Panggawain (Work Education), Edukasyon sa Wastong Pag-uugali (Character Education), Edukasyong Pangkalusugan (Health Education).Simula 1978 hanggang 1982 magiging sapilitan na ang paggamit ng Pilipino sa mga paaralan sa mga Tagalog na lugar at sa mga lugar na nagsisimulang gumamit nito noong 1974-1975.

Sa paghahanda ng mga kagamitang panturoNang pairalin ang patakarang bilinggwalismo sa ating sistema ng edukasyon ay lumitaw ang ga-bundok na suliranin: ang kakulangan ng mga kagamitang panturo sa mga asignaturang ituturo sa Pilipino. Bunga ng pangangailangan ay isinilang ang EDPITAF ( Educational Development Projects Implementing Task Force) ng kagawaran ng Edukasyon at Kultura upang siyang maghanda ng mga kailangang aklat at iba pang kagamitang panturo. Hinati sa apat ang paghahanda ng mga materyales. Ang tungkol sa araling panlipunan ay inihahanda ng Dibisyong Pangkurikulum ng kagawaran ng Edukasyon at Kultura , ang tungkol sa edukasyong panggawain ay inihahanda ng Philippine College of Arts and Trades, ang tungkol sa agham at matematika ay inihahanda ng Science Education Center ng Unibersidad ng Pilipinas, at ang tungkol sa wika ( Pilipino at Ingles) ay inihahanda ng Language Study Center ng Dalubhasaang Normal ng Pilipinas. Ang mga direktor ng PNC-EDPITAF ay sina Dr. Bonifacio P. Sibayan at Dr. F. T. Otanes, kapwa mga kilalang mga linggwista. Ang pagkakaroon ng guro ng kaalaman at malawak na pananaw sa kalikasan ng wikaMangyari pa, kapag malawak ang pananaw ng isang guro ng wika, kung ang lahat ng salik ay patas, magiging higit siyang mabuting guro kaysa iba na walang gayong uri ng pananaw. Nagkakaroon ng lalim o depth ang pagtuturo ng isang guro kapag may malalim siyang pagkakaunawa sa kalikasan at kakanyahan ng wika. Ang kaalaman sa linggwistika ay nakakatulong sa isang guro sa pagtukoy sa mga layunin sa pagkatuto, sa pag- alam sa mga paraan o pamaraan sa pagtuturo, sa pagtaya sa kaangkupan ng isang pagbabago sa pagtuturo ng wika, sa pag-aayos ng mga dapat ituro sa wika, atb.Pansinin na dahil sa kawalan ng pundasyon ng guro sa linggwistika ay pikit-mata niyang tinatanggap ang anumang pagbabagong dala o uwi sa Pilipinas ng mga iskolar at edukador buhat sa ibang bansa. Kung ang guro ay may mayamang kaalaman sa wika, mauunawaan niyang hindi ngayot ng isang teknik sa pagtuturong wika sa ibang bansa ay naging matagumpay, ang nasabing teknik ay magiging angkop ding gamitin sa pagtuturo ng Pilipino.Anupat kung gagamit tayong muli ng analohya, ang isang tao na marunong magmekaniko ay mabuting di hamak sa isang taong pagmamaneho lamang ang alam. Gayon din naman, ang isang gurong may nalalaman sa linggwistika at sa teknik sa pagtuturo ay higit na magiging matagumpay sa kanyang gawain kaysa isang gurong mga teknik lamang ang alam.PAGLALAGOMSa kabuuan, ang linggwistika, bilang isang agham ay naglalayong malinang ang mga paraan sa mabisang paglalarawan sa wika. Hindi nilalayo ng linggwistika na tumuklas ng mabibisang paraan o hakbang sa pagtuturo ng wika. Ang mga data sa linggwistika ay maaaring magamit ng guro ng wika nguit ang mga iyon ay dapat niyang ayusin o modipikahin ayon sa kanyang pangangailangan bilang guro. Kaugnay nitoy narito ng sabi ni Direktor Pineda ng Surian ng Wikang Pambansa sa kanyang artikulong Aghamwika sa Pilipino (SUPLING, 1970)Magkaiba ang mga layunin ng guro ng wika at ng liguist. Subalit silay may gantihang pakinabang.ang mga teknika at pamamaraan ng linguistics ay makakatulong sa pagpapaunlad sa gawain ng guro ng wika hindi siya maaring magkibit-balikat sa hitik na bunga ng linguistics- ang maagham na pag-aaral ng wika.Binibigyang-diin natin sa ating talakay ang papel na ginagampanan ng linggwistika sa pagsulat ng mga aklat pambalarila, gayon din ang kahalagahan ng pag-aangkin ng guro ng wika ng kaalaman sa linggwistika upang magkaroon siya ng kakayahang magpasok ng kinakailangang mga pagbabago sa mga aklat na ginagamit niya sa pagtuturo.

Marami-rami na rin tayong nababasa tungkol sa malaking ambag ng linggwistika sa pag-aaral ng wikaAkoy naniniwalang ang isang guro ng wika na may kaunting pag-unawa sa kalikasan ng wika ay higit na makapagtuturo nang mabisa at makapaghahanda ng mg araling kinakailangan ng kanyang mga mag-aaralHindi kaya mainam na magkaroon tayo kahit bahagyang kaalaman sa siyensya ng wika upang tayo namang mga guro sa Pilipino ay hindi maiwan sa malungkot na pag-iisa.