saannagmulaangbuhay? - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_books/0b/lc_tg.pdf · ramihan sa...

32
Saan Nagmula ang Buhay?

Upload: dinhdieu

Post on 15-Feb-2018

319 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

SaanNagmulaangBuhay?

Pero hindi naman ateista ni panatiko man sa relihiyon ang ka-ramihan sa mga tao, at malamang na isa ka sa kanila yamang bi-nabasa mo ang brosyur na ito. Maaaring naniniwala ka sa Diyosat iginagalang mo ang Bibliya. Pero marahil ay pinahahalagahanmo rin ang opinyon ng mga dalubhasa at maimpluwensiyang si-yentipiko, na hindi naniniwalang may lumalang sa buhay. Kungisa kang magulang, baka iniisip mo kung paano sasagutin ang ta-nong ng iyong mga anak tungkol sa ebolusyon at paglalang.

Ano ang layunin ng brosyur na ito?Hindi layunin ng brosyur na ito na tuyain ang pangmalas ng

mga relihiyosong pundamentalista o ng mga naniniwalang wa-lang Diyos. Sa halip, umaasa kami na mauudyukan ka nito na su-riing muli ang mga batayan ng ilan sa iyong paniniwala. Naglala-man ito ng paliwanag tungkol sa ulat ng Bibliya sa paglalang namalamang na hindi mo pa noon napag-iisipan. At idiniriin nitokung bakit talagang mahalaga ang iyong paniniwala tungkol sapasimula ng buhay.

Maniniwala ka ba sa mga nagsasabing walang matalinongMaylalang at na ang Bibliya ay hindi maaasahan? O susuriin mokung ano talaga ang sinasabi ng Bibliya? Sa aling turo ka dapatmagtiwala at manampalataya: sa turo ng Bibliya o sa turo ng mgaebolusyonista? (Hebreo 11:1) Bakit hindi mo suriin ang mga ka-tibayan?

Anoangpinaniniwalaanmo?Maraming relihiyosong pundamentalista ang nani-niwala na ang lupa at ang lahat ng narito ay nila-lang sa loob lang ng anim na araw—na bawat isa’ymay 24 na oras—mga ilang libong taon pa lang angnakalilipas. Kukumbinsihin ka naman ng ilangateista na walang Diyos, na ang Bibliya ay isangaklat ng mga alamat, at na ang lahat ng buhay aynagkataon lang na umiral.

Cover:Beachand

reef:�

DigitalVision

Ltd/agefotostock

2 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

Watchtower Bible and Tract Society ofNew York, Inc., Wallkill, New York, U.S.A.Made in JapanGawa sa Japan

MgaNilalamanPAHINA 4

Ang Buhay na Planeta

PAHINA 11Sino ang Unang

Nagdisenyo?

PAHINA 18Ebolusyon—Mga MalingAkala at Katotohanan

PAHINA 24Siyensiya at angUlat ng Genesis

PAHINA 29Mahalaga ba Kung Ano

ang Pinaniniwalaan Mo?

PAHINA 30Mga Reperensiya

Hindi ipinagbibili ang publikasyongito. Inilaan ito bilang bahagi ngpambuong-daigdig na pagtuturosa Bibliya na tinutustusan ngkusang-loob na mga donasyon.Para sa donasyon,magpunta sa www.jw.org/tl.Malibang iba ang ipinakikita,ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikangBagong Sanlibutang Salin ngBanal na Kasulatan.Saan Nagmula ang Buhay?Was Life Created?Inilimbag Nobyembre 2016Tagalog (lc-TG)� 2010WATCH TOWER BIBLE AND TRACTSOCIETYOF PENNSYLVANIAMgaTagapaglathala

Angbuhay naplanetaWalang mabubuhay sa lupa kung hindi “nagkataon” na eksakto ang pagkakaayos ngmga bagay-bagay sa kalikasan, na ang ilan sa mga ito ay hindi pa natuklasan ni nau-nawaan man nang malinaw hanggang sa pagsapit ng ika-20 siglo. Kasama rito angmga sumusunod:˛ Lokasyon ng lupa sa galaksing Milky Way at sa sistema solar, pati na ang orbit, pag-kakahilig, pag-inog, at ang di-pangkaraniwang buwan ng planeta

˛ Magnetic field at atmospera na nagsisilbing dobleng pananggalang˛ Likas na mga siklo na nagsusustini at naglilinis sa hangin at tubig ng ating planeta

Habang isinasaalang-alang mo ang mga paksang ito, tanungin ang sarili, ‘Nagkataonlang kaya na eksakto ang pagkakaayos ng lupa o sadya itong dinisenyo?’

4 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

Perpektong “adres” ng lupaKapag isinusulat mo ang iyong adres, ano

ang inilalagay mo? Malamang na isinusulatmo ang iyong bansa, lunsod, at kalye. Ipagpa-lagay nating “bansa” ng ating lupa ang galak-sing Milky Way, “lunsod” ang sistema solar—samakatuwid nga, ang araw at ang mga pla-neta nito—at “kalye” ang orbit ng lupa sa loobng sistema solar. Dahil sa pagsulong sa astro-nomiya at pisika, naging malinaw sa mga si-yentipiko ang bentaha ng espesyal na puwes-tong inookupahan natin sa uniberso.

Halimbawa, ang ating “lunsod,” ang siste-ma solar, ay nasa bahagi ng Milky Way natinatawag ng mga siyentipiko na “habitablezone.” Ang sonang ito ay hindi masyadongmalayo ni masyadong malapit man sa pinaka-sentro ng galaksi at may tamang-tamang daming kemikal na mga elemento na mahalaga sa

buhay. Sa dako na mas malayo sa sentro nggalaksi, napakakaunti ng gayong mga elemen-to; sa mga lugar naman na mas malapit sasentro, napakaraming nakamamatay na rad-yasyon at iba pang panganib. Kaya gaya ngang paglalarawan ng magasing Scientific Amer-ican, “nakatira tayo sa pinakamagandanglote.”1

Perpektong “kalye”: Perpekto rin ang “kal-ye,” o orbit, ng lupa na nasa loob ng ating“lunsod” na sistema solar. Sa orbit na ito, namga 150 milyong kilometro ang layo mulasa araw, hindi sobrang lamig ni sobrang initman. Kaya naman may nabubuhay rito. Bu-kod diyan, ang dinaraanan ng lupa ay halospabilog, kaya hindi gaanong nagbabago angdistansiya natin mula sa araw sa buong taon.

Samantala, ang araw naman ang perpek-tong “planta ng enerhiya.” Hindi pabagu-bagoang antas ng enerhiya ng araw, tama ang lakinito, at naglalabas ito ng tamang-tamang daming enerhiya. Angkop lang na tawagin itong“napakaespesyal na bituin.”2

Perpektong “kapitbahay”: Kung pipili kang “kapitbahay” para sa lupa, wala ka nangmakikitang mas mabuti pa sa buwan. Ang di-yametro nito ay malaki nang kaunti sa sangka-pat ng diyametro ng lupa. Kaya kung ang pro-porsiyon ng laki ng buwan sa iniikutan nitongplaneta ang pag-uusapan, napakalaki ng ating

Maymasmaganda pa bangmapupuwestuhanang lupa upangmasustinihan ang buhay?

&NASA/JPL/Caltech

ANG BUH´AY NA PLANETA 5

buwan kung ihahambing sa iba pang buwansa ating sistema solar. Nagkataon lang? Muk-hang hindi.

Una, ang buwan ang pangunahing sanhi ngpagtaas at pagbaba ng tubig sa dagat, na ma-halaga para manatiling balanse ang mga ele-mento sa kalikasan. Nakakatulong din ang bu-wan para hindi mabago ang pagkakahilig ngaxis ng lupa. Kung hindi ganito ang pagka-kadisenyo sa buwan, magpapagiwang-giwangang lupa, tatagilid, at baka bumaligtad pa ngana gaya ng trumpo! Kapaha-pahamak ang idu-dulot nitong mga pagbabago sa klima, alon ngdagat, at iba pa.

Perpektong pagkakahilig at pag-inog nglupa: Dahil nakahilig ang lupa nang mga23.4 digri, mayroon tayong taunang siklo ngmga kapanahunan, katamtamang temperatu-ra, at malawak na mga sona ng klima. “ ‘Ta-mang-tama’ talaga ang pagkakahilig ng axis ngating planeta,” ang sabi ng aklat na Rare Earth

—Why Complex Life Is Uncommon inthe Universe.3

“Tamang-tama” rin anghaba ng araw at gabi dahilsa pag-inog ng lupa. Kungmas mabagal ang inog nito,magiging mas mahaba angaraw at masusunog ang pa-nig ng lupa na nakaharap sa

araw samantalang magyeye-lo naman ang kabilang panig.

Sa kabaligtaran, kung iinog nangmas mabilis ang lupa, magiging mas

maikli ang araw, marahil ilang oras na langang haba nito, at ang mabilis na inog ng lupaay magdudulot ng walang-tigil na hagupit nghangin at ng iba pang kapaha-pahamak na re-sulta.

Ang pananggalang ng lupaAng kalawakan ay isang mapanganib na lu-

gar dahil sa nakamamatay na radyasyon atmga meteoroid. Sa kalawakang ito dumaraanang ating asul na planeta na waring sumusu-ong sa gitna ng “barilan,” gayunma’y hindi na-pupuruhan. Bakit? Dahil ang lupa ay protek-tado ng kamangha-manghang pananggalang—malakas na magnetic field at atmospera nasadyang dinisenyo para sumustine sa buhay.

Ang magnetic field ng lupa: Ang gitnangbahagi ng ating planeta ay isang umiikot nabola ng tunaw na bakal. Dito nagmumula angmalakas na puwersa ng magnetic field ng atingplaneta na umaabot hanggang sa kalawakan.Ipinagsasanggalang tayo nito mula sa direk-tang tama ng radyasyon galing sa kalawakanat sa iba pang mapanganib na mga elemen-to mula sa araw. Kasama sa mga elementongito ang solar wind, ang tuluy-tuloy na da-loy ng partikula na puno ng enerhiya; solarflare, na sa ilang minuto lang ay nakapaglala-bas ng enerhiyang sinlakas ng bilyun-bilyongbombang hidroheno; at mga pagsabog na nag-bubuga ng bilyun-bilyong tonelada ng mater-ya mula sa corona, o panlabas na rehiyonng araw, patungo sa kalawakan. May makiki-ta kang katibayan na magpapaalaala sa iyo sa

Magnetosphere:N

ASA/SteeleHill;earth

tilt:Basedon

NASA/Visible

Earthim

agery

6 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

proteksiyong dulot ng magnetic field ng lupa.Ang mga solar flare at pagsabog sa corona ngaraw ay lumilikha ng matitingkad na aurora,makukulay na liwanag na makikita sa itaas nabahagi ng atmospera malapit sa magnetikongmga polo ng lupa.

Atmospera ng lupa: Dahil sa mistulang ku-mot na ito ng mga gas, nakakahinga tayo.Nagsisilbi din itong proteksiyon. Ang panla-bas na bahagi ng atmospera, ang stratosphere,ay may isang anyo ng oksiheno na tinatawagna ozone na humaharang sa 99 na porsiyen-to ng radyasyong ultraviolet (UV). Kaya angmaraming anyo ng buhay, kasali na ang mgatao at mga plankton na pinagmumulan ng ma-laking porsiyento ng oksiheno, ay ipinagsa-sanggalang ng ozone layer mula sa mapanga-nib na radyasyon. Pabagu-bago ang dami ngozone sa stratosphere depende sa tindi ng ra-dyasyong UV, kaya ang ozone layer ay isangmabisang pananggalang.

Ang atmospera ay nagsasanggalang din saatin mula sa araw-araw na pagbulusok ng mil-yun-milyong bato mula sa kalawakan, ang ilanay pagkaliliit at ang iba naman ay pagkala-laki. Mabuti na lang, ang karamihan sa mgaito ay nasusunog na sa atmospera, at nagi-ging matingkad na mga kislap ng liwanag na

tinatawag na meteor, o bulalakaw. Pero anginit at nakikitang liwanag, mga radyasyonna mahalaga sa buhay, ay hindi hinaharangng mga pananggalang ng lupa. Ang atmospe-ra ay nakakatulong pa nga para maikalat anginit sa palibot ng globo, at sa gabi, nagsisilbiitong kumot para hindi kaagad makalabas anginit.

Hindi pa rin lubos na maunawaan ang ka-mangha-manghang disenyo ng atmospera nglupa at ng magnetic field nito. Ganiyan rinang masasabi sa mga siklong nagaganap salupang ito na kailangan upang masustinihanang buhay.

Nagkataon lang ba naang ating lupa ay

pinoprotektahan ngdobleng dinamikong

pananggalang?Aurora:Photo:Jan

Curtis(http://latitude64photos.com

);meteorite:ESA,N

ASA

Ang di-nakikitang magnetikongpananggalang ng lupa

Aurora borealis

Ipinagsasanggalang tayong atmospera mula sa

mga bulalakaw

Likas na mga siklo para sa buhayKapag pinutol ang suplay ng sariwang hangin at tu-

big ng isang lunsod at binarahan ang mga imburnal nito,magkakasakit at mamamatay ang mga tao. Pero pag-isipan ito: Ang ating planeta ay hindi naman tulad ngisang restawran na kumukuha ng bagong suplay ng pag-kain sa labas at nagtatapon ng basura nito palabas. Angmalinis na hangin at tubig ay hindi naman natin kinuku-ha mula sa malayong kalawakan at ang mga basura ayhindi natin isinasakay sa rocket para itapon sa kalawa-kan. Kung gayon, paano nananatiling balanse ang lupaat puwedeng panirahan? Ang sagot: likas na mga siklo,gaya ng siklo ng tubig, karbon, oksiheno, at nitroheno, naipinaliliwanag at inilalarawan dito sa simpleng paraan.

Ang siklo ng tubig: Ang tubig ay mahalaga sabuhay. Walang isa man sa atin ang mabubuhay saloob ng ilang araw kung walang tubig. Dahil sa sik-lo ng tubig, may suplay ng sariwa at malinis na tu-big sa buong lupa. Ang siklong ito ay may tatlongyugto. (1) Pinasisingaw ng init ng araw ang tubigpapuntang atmospera sa pamamagitan ng ebapo-rasyon. (2) Nabubuo ang mga ulap dahil sa konden-sasyon ng malinis na tubig na ito. (3) Ang mga ulapnaman ay nagiging ulan, graniso, nagbubuo-buongyelo, o niyebe, na bumabagsak sa lupa, kaya buma-balik ang tubig sa pinagmulan nito. Gaano karamingtubig ang nareresiklo taun-taon? Ayon sa mga pagta-ya, napakarami nito anupat kaya nitong takpan angbuong planeta sa lalim na halos 100 sentimetro.4

Ang siklo ng karbon at siklo ng oksiheno: Gayang alam mo, kailangan mong langhapin ang oksihe-no at ilabas ang carbon dioxide para mabuhay. Perosa bilyun-bilyong tao at hayop na gumagawa nito, ba-kit kaya hindi nauubusan ng oksiheno ang ating at-mospera at hindi naman ito napupuno ng carbondioxide? Ang sagot? Dahil sa siklo ng oksiheno.(1) Sa kamangha-manghang proseso ng potosinte-sis, ginagamit ng halaman ang carbon dioxide na ini-lalabas natin pati na ang enerhiya mula sa arawupang makalikha ng carbohydrates at oksiheno.(2) Mabubuo ang siklo kapag nilanghap uli natinang oksiheno. Ang lahat ng prosesong ito ay nagaga-nap nang walang naaaksaya at walang nalilikhangdumi at ingay.

1

3

2

1Carbondioxide

2Oksiheno

8 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

Ang siklo ng nitroheno: Ang buhay sa lupa ay nakadepende rin sa produksiyon ng organikongmga molekula tulad ng protina. (A) Kailangan ng nitroheno para makagawa ng gayong moleku-la. Mabuti na lang at mga 78 porsiyento ng ating atmospera ay nitroheno. Dahil sa kidlat, angnitroheno ay nagiging mga compound (kombinasyon ng dalawa o higit pang elemento) na mapa-pakinabangan ng halaman. (B) Ginagamit naman ng mga halaman ang mga compound na itopara gumawa ng organikong mga molekula. Kaya nakakakuha rin ng nitroheno ang mga hayopna kumakain ng halaman. (C) Kapag may namamatay na mga halaman at hayop, binubulok itong mga baktirya. Sa prosesong ito, naghihiwa-hiwalay ang compound na nitroheno, at bumaba-lik sa lupa at atmospera ang nitroheno.

Nitroheno ang78 porsiyento ngatmospera ng lupa

OrganikongmolekulaA

Baktirya B

Compound na nitroheno

C

Baktirya

Perpektong pagreresiklo!Taun-taon, ang mga tao ay gumagamit ng

mga teknolohiyang lumilikha ng tone-tonela-dang nakalalasong basura na hindi na maire-resiklo. Pero nareresiklo ng lupa ang lahat ngbasura nito nang hindi nasisira ang kalikasan,gamit ang napakahusay na kemikal na mgaproseso.

Sa palagay mo, saan nagmula ang kakaya-han ng lupa na magresiklo sa sistematikong pa-raan? “Kung talagang nagkataon lang ang ka-kayahan ng Lupa na panatilihing balanse angekosistema nito, imposibleng maging ganitokaperpekto ang paraan ng pagtutulungan sakalikasan,” ang sabi ng manunulat tungkol sarelihiyon at siyensiya na si M. A. Corey.5 Sang-ayon ka ba sa kaniyang konklusyon?

Ano ang sagotmo?˛ Naniniwala ka bang sadyang dinisenyoang eksaktong pagkakaayos ng lupa?Kung oo, alin sa mga nabanggit naebidensiya ang talagang nakakumbinsisa iyo?

˛ Ano ang isasagot mo kapag maynagsabing walang anumang espesyal salupa, at isang lugar lang ito kung saanmaaaring maganap ang ebolusyon?

Stockbyte/Getty

Images

ANG BUH´AY NA PLANETA 9

Lupa: Sa 100 gramo (3.5 onsa) lang nglupa, makakasumpong na ng 10,000 uring baktirya,7 hindi pa kasama ang kabuu-ang bilang ng mga mikrobyo. Ang ilanguri ay nasumpungan pa nga mga tat-long kilometro sa ilalim ng lupa!8

Hangin: Puno ng buhay ang atmospera.Nariyan ang lumilipad na mga ibon, pani-ki, at insekto. Marami ring polen at ibapang espora, pati na mga binhi at libu-libong uri ng mikrobyo. Kung gaano kara-mi ang uri ng mikrobyo sa hangin, ‘gayun-din karami ang uri ng mikrobyo sa lupa,’ang sabi ng magasing Scientific Ameri-can.9

Tubig:Marami pa rin tayong hindi alamtungkol sa karagatan dahil karaniwannang malaki ang gastos sa teknolohiyangginagamit ng mga siyentipiko sa pag-aaral sa malalim na karagatan. Magingsa mga coral reef na nasa mas mababawna bahagi ng karagatan at madalas ma-pag-aralan, may milyun-milyong uri ng or-ganismong hindi pa nakikilala.

Nagkataon lang bang lumitaw ang ka-hanga-hangang pagkakasari-sari ng bu-hay? Marami ang sasang-ayon sa isinulatng isang makata: “Kay rami ng iyong mgagawa, O Jehova! Sa karunungan ay gina-wa mong lahat ang mga iyon. Ang lupa aypuno ng iyong mga likha.”�—Awit 104:24.

� Sa Bibliya, ang personal na pangalan ngDiyos ay Jehova.—Awit 83:18.

Punung-punong buhayWalang nakakaalam kung gaano kara-ming uri ng nabubuhay na bagay angumiiral sa lupa. Tinataya na ang mga itoay 2 milyon hanggang 100 milyon.6 Gaa-no kaya kalawak ang pagkakasari-saring buhay sa ating lupa?

Baktirya sailalim ng lupa

Polen

Anemone

Bacteria: Penn State University, laboratory of Jean Brenchley, and with kindpermission from Springer Science�Business Media: Extremophiles, Novelultramicrobacterial isolates from a deep Greenland ice core represent a pro-posed new species, Chryseobacterium greenlandense sp. nov., January 2010,Jennifer Loveland-Curtze; pollen: � Fotosearch10 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

Sinoang unangnagdisenyo?

Nitong nakalipas na mga taon, hinayaan ng mga siyen-tipiko at inhinyero na ‘turuan’ sila ng mga halaman athayop. (Job 12:7, 8) Pinag-aaralan nila at kinokopyaang disenyo ng iba’t ibang nilalang—isang larangang ti-natawag na biomimetics—sa pagtatangkang makalikhang mga bagong produkto at mapahusay pa ang datinang mga naimbento. Habang binabasa mo ang sumu-sunod na mga halimbawa, tanungin ang sarili, ‘Sino batalaga ang dapat purihin sa mga disenyong ito?’

11

Matuto sa mga palikpikng balyena

Ano ang matututuhan ng mga tagadisen-yo ng eroplano sa balyenang humpback?Mukhang napakarami! Ang isang adultonghumpback ay may bigat na mga 30 tonela-da—kasimbigat ng isang trak na puno ng kar-gamento. Matigas ang katawan nito at maymalalaking palikpik na parang pakpak. Ang12-metrong hayop na ito ay napakaliksi sa ila-lim ng tubig.

Hindi maubos-maisip ng mga mananalik-sik kung paano ito nakakabaluktot nang hus-to kahit matigas ang katawan nito. Natukla-san nilang nasa hugis ng palikpik ng balyenaang sekreto. Ang nasa unahang gilid ng mgapalikpik nito ay hindi makinis, gaya ng pak-pak ng eroplano, kundi uka-uka na may na-kahilera at nakausling mistulang matutulis nangipin na tinatawag na tubercle.

Habang lumalangoy sa tubig ang balyena,mas mabilis itong umaangat dahil sa mga tu-bercle na ito anupat nababawasan ang pagha-tak ng tubig. Paano? Ipinaliliwanag ng Natu-ral History na dahil sa mga tubercle, banayadat paikot na dumadaloy ang tubig sa ibabawng palikpik nito, kahit na lumalangoy nangpaitaas ang balyena.10

Paano magagamit ang natuklasang ito?Ang mga tulad-palikpik na pakpak ngeroplano ay hindi na mangangaila-

ngan ng maraming flap sa pakpak o ng ibapang aparato upang makontrol ang daloyng hangin. Mas ligtas at mas madaling man-tinihin ang gayong mga pakpak. Naniniwalasi John Long, eksperto sa biomechanics, nabalang-araw, “malamang na lahat ng eropla-nong jet ay magkakaroon na ng nakauslingmatutulis na ngipin na gaya ng nasa palikpikng balyenang humpback.”11

Pagkopya sa mga pakpakng seagull

Totoo, ang hugis ng pakpak ng eroplano aykinopya mula sa pakpak ng mga ibon. Peromay mas magandang ginawa kamakailan angmga inhinyero sa pagkopyang ito. “Ang mgamananaliksik sa University of Florida,” ini-ulat ng New Scientist, “ay gumawa ng isang de-remote control na modelong eroplano na pa-rang seagull na umaali-aligid, bumubulusok atmabilis na pumapailanlang.”12

Nagagawa ng mga seagull ang kahanga-hangang pagmamaniobrang ito sa pamamagi-

12 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

tan ng pagbaluktot sa kanilang mga pakpaksa gawing siko at balikat. Bilang pagkopyasa nababaluktot na disenyong ito ng pakpak,“ang 24-na-pulgadang modelong eroplano aynilagyan ng isang maliit na motor na kumo-kontrol sa mga tukod na metal na siyang nag-papagalaw sa pakpak,” ang sabi ng magasin.Dahil sa napakahusay na disenyong ito ngpakpak, ang maliit na eroplano ay nakakaa-li-aligid at nakakabulusok sa pagitan ng ma-tataas na gusali. Interesadung-interesado angilang opisyal ng militar na makagawa ng ga-yon kadaling maniobrahin na eroplano paramagamit sa paghanap ng kemikal at biyolohi-kal na mga sandata sa malalaking lunsod.

Pagkopya sa mga binti ng seagullHindi naninigas sa lamig ang isang seagull

kahit na nakaapak ito sa yelo. Ano ang sekre-to ng nilalang na ito para mapanatili ang initsa katawan? Isa rito ang kahanga-hangang ka-tangian ng ilang hayop na naninirahan sa ma-lalamig na lugar. Tinatawag itong countercur-rent heat exchanger.

Ano ba ang countercurrent heat exchang-er? Para maunawaan ito, isipin ang dalawangtubo ng tubig na itinali nang magkatabi. Mai-nit na tubig ang dumadaloy sa

isang tubo at malamig naman sa isa. Kung pa-reho ng direksiyon ang daloy ng mainit at ma-lamig na tubig na nasa tubo, mga kalahati nginit mula sa mainit na tubig ang lilipat sa ma-lamig na tubig. Pero kung magkasalungat angdireksiyon ng pagdaloy ng mainit at malamigna tubig, halos ang kabuuan ng init mula samainit na tubig ang malilipat sa malamig.

Kapag nakaapak sa yelo ang seagull, pinai-init ng mga heat exchanger sa mga binti nitoang dugo na dumadaloy mula sa mga paanito. Dahil sa mga heat exchanger, hindi naa-aksaya ang init sa katawan ng ibon at hindi lu-malabas ang init mula sa mga paa nito. Inila-rawan ni Arthur P. Fraas, isang inhinyero ngeroplano at makina, ang disenyong ito na “isasa pinakamahusay . . . na heat exchanger”

Plane:KristenBartlett/University

ofFlorida

�Fotosearch

Bagamanlumilipat anginit, nananatiliito sa katawan

Nananatili anglamig sa paa

dahil wala ditong naaaksayang init.13 Napaka-ganda ng disenyong ito kaya kinopya ito ngmga inhinyero.

Sino ang dapat purihin?Samantala, ang National Aeronautics and

Space Administration ay kasalukuyang bu-mubuo ng isang robot na maraming paa nalumalakad na parang alakdan, at ang mga in-hinyero naman sa Finland ay nakagawa nang traktorang may anim na gulong na naka-daraan sa anumang sagabal na gaya ng naga-

gawa ng higanteng insekto. Isang pagawaanng kotse ang kasalukuyang gumagawa ng sa-sakyang kinopya sa boxfish, isang isdang na-kalalangoy nang mabilis gamit ang kauntingenerhiya dahil sa low-drag na disenyo nito. Attinutuklas naman ng ibang mga mananaliksikang pagiging shock absorber ng balat ng aba-loni sa layuning makagawa ng mas magaanngunit mas matibay na baluti sa katawan.

Napakaraming makukuhang magagan-dang ideya mula sa kalikasan anupat naka-gawa na ang mga mananaliksik ng isang da-

tabase ng libu-libong sistemang biyolohikal.Maaaring hanapin ng mga siyentipiko sa da-tabase na ito ang “likas na solusyon sa mgaproblema ng kanilang disenyo,” ang sabi ngThe Economist. Ang likas na mga sistemangnakalagay sa database na ito ay tinatawag napatenteng biyolohikal. Ang may-ari ng paten-te ay karaniwan nang ang tao o kompanyanglegal na nagparehistro ng isang bagong ide-ya o aparato. Sa pagtalakay sa database naito ng mga patenteng biyolohikal, sinasabi ngThe Economist: “Yamang tinatawag na ‘paten-teng biyolohikal’ ang mga malikhaing disen-yong kinopya sa kalikasan, idiniriin lamangng mga mananaliksik na sa diwa, ang kalika-san ang talagang may-ari ng patente.”14

Paano kaya nagkaroon ng ganito kagagan-dang ideya sa kalikasan? Sinasabi ng mara-ming mananaliksik na ang malikhaing mgadisenyong nakikita sa kalikasan ay mula samilyun-milyong taon ng patsamba-tsambangproseso ng ebolusyon. Pero iba naman angnaging konklusyon ng ibang mananaliksik.Ganito ang isinulat ng mikrobiyologong siMichael J. Behe sa The New York Times ngPebrero 7, 2005: “Ang maliwanag na pagli-taw ng disenyo [sa kalikasan] ay nagbibigayng napakasimple at nakakakumbinsing argu-mento: kung ang hitsura, paglakad at [pagku-

Sino angmay-ari ng patente ng kalikasan?

Concept car na ang disenyoay kinopya sa boxfish—isangisda na kamangha-manghaang tatag, gaan, at bilis

Hindi mapantayan ng imitasyong gawang tao ang sonar ng mga dolphin

Boxfishand

car:Mercedes-Benz

USA

14 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

wak] nito ay parang bibi, may basehan tayopara sabihing bibi nga ito, kung wala namangmatibay na ebidensiyang sasalungat dito.”Ang konklusyon niya? “Hindi dapat ipagwa-lang-bahala ang disenyo dahil hindi ito ka-yang itago.”15

Talagang nararapat purihin ang inhinye-rong gumawa ng mas ligtas at mas mahusayna pakpak ng eroplano dahil sa kaniyang di-senyo, gayundin ang nag-imbento ng mas ma-husay na sasakyan o makina. Sa katunayan,kung ang isa ay kumokopya ng disenyo ng ibaat hindi nito binabanggit o kinikilala ang ori-hinal na nagdisenyo, maaari siyang ituring nakriminal.

Ngayon, pag-isipan ito: Pilit na kinokopyang mga dalubhasang mananaliksik ang mgadisenyo sa kalikasan upang malutas ang ma-hihirap na problema sa inhinyeriya. Gayun-man, sinasabi ng ilan sa kanila na ang katali-nuhang mababakas sa mga disenyong ito aygaling sa walang-isip na ebolusyon. Sa tinginmo ba’y makatuwiran iyan? Kung ang isangkopya ay nangangailangan ng matalinong ta-gadisenyo, kumusta naman ang orihinal nito?Sino nga ba talaga ang dapat purihin, ang da-lubhasang inhinyero o ang estudyanteng ku-mokopya lang sa kaniyang disenyo?

Makatuwirang konklusyonMatapos suriin ang katibayan ng disenyo sa

kalikasan, maraming tao ang sasang-ayon samanunulat ng Bibliya na si Pablo, na nagsabi:“Ang di-nakikitang mga katangian [ng Diyos]ay malinaw na nakikita mula pa sa pagkalalangng sanlibutan, sapagkat napag-uunawa angmga ito sa pamamagitan ng mga bagay na gina-wa, maging ang kaniyang walang-hanggang ka-pangyarihan at pagka-Diyos.”—Roma 1:19, 20.

Ano ang sagotmo?˛ Makatuwiran bangisipin na nagkataonlang na lumitaw angkahanga-hanganginhinyeriya na makikitasa kalikasan?

˛ Ano ang isasagot mokapag may nagsabingmukha lang dinisenyoang buhay?

Gecko

foot:�

Fotosearch;hummingbird:Laurie

Excell/Fogstock/agefotostock

Pinag-aaralan ng mga siyentipikoang pagiging shock absorber ngbalat ng abaloni

Nakakakapit ang tuko kahitsa pinakamakinis na mgabagay gamit ang puwersang molekula

SINO ANG UNANG NAGDISENYO? 15

Maynagdisenyobanito?Kung ang isang kopya ay nangangailangan ng tagadisenyo, kumusta naman ang orihinal nito?

Hibla˛ Produkto ng tao: Ang Kevlar ay matibayna hiblang gawa ng tao na karaniwangginagamit sa mga tsalekong di-tinatablan ngbala. Para makagawa ng Kevlar, kailanganng mataas na temperatura at mganakalalasong pantunaw.

˛ Produkto ng kalikasan: Ang orb-weavingspider ay nakakagawa ng pitong uri ngsapot. Ang pinakamatibay sa mga ito ayang dragline silk. Mas magaan ito sabulak pero di-hamak na mas matibaykaysa sa bakal at sa Kevlar. Kungpalalakihin na sinlaki ng palaruan ngfootball ang bahay ng gagambang gawa sadragline silk na isang sentimetro ang kapalat apat na sentimetro ang pagitan ng mgahibla, kaya nitong pahintuin ang isanglumilipad na napakalaking jet! Ang mgagagamba ay nakakagawa ng dragline silk sakatamtamang temperatura gamit lang angtubig.

Hitsura sa mikroskopyo ng sapotna lumalabas sa gagamba

CopyrightDennis

KunkelMicroscopy,Inc.

16 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

Nabigasyon˛ Produkto ng tao: Ang ilang komersiyal na eroplanoay may mga computerized autopilot system na hindilang kumokontrol sa paglipad ng eroplano patungo saibang bansa kundi pati na rin sa paglapag nito. Kasinliitlang ng credit card ang computer na ginamit sa isangeroplanong may autopilot system.

˛ Produkto ng kalikasan: Sinlaki lang ng dulo ng bolpenang utak ng monarch butterfly subalit nandarayuhan itonang hanggang 3,000 kilometro mula Canada patungosa maliit na kagubatan sa Mexico. Umaasa sa araw angparuparong ito sa kaniyang nabigasyon, at nag-a-adjustito sa galaw ng araw.

Lente˛ Produkto ng tao: Nakabuo na ang mgainhinyero ng isang artipisyal na mata, namay mahigit 8,500 lente, at halos sinliitlamang ng ulo ng aspile. Magagamit ang mgalenteng ito sa mga detector na sensitibo samabibilis na galaw at sa pagkaninipis na kamera namakakakuha ng larawan sa iba’t ibang anggulo.

˛ Produkto ng kalikasan: Ang mga tutubi ay may mga30,000 lente sa bawat mata. Kapag pinagsama-samaang mga imahe na nakikita ng bawat lente, nabubuoang isang larawan na parang isang malaking moseyk.Nakikita ng masalimuot na mata ng insektong ito kahitang bahagyang paggalaw.

SINO ANG UNANG NAGDISENYO? 17

Bago natin sagutin ang tanong na iyan,may isang bagay na kailangan munang lina-win. Napansin ng maraming siyentipiko nasa paglipas ng panahon, ang supling ng mganabubuhay na bagay ay posibleng magka-roon ng bahagyang pagbabago. Halimbawa,ang mga nagpapalahi ng aso ay maaaring pu-

mili ng ibang lahi ng aso upang magkaroonito ng mga supling na mas maiikli ang binti omas mahahaba ang balahibo kaysa sa kani-lang mga ninuno.� Tinawag ng ilang siyenti-piko ang bahagyang mga pagbabagong ito na“microevolution.”

Gayunman, itinuturo ng mga ebolusyo-nista na ang maliliit na pagbabago ay unti-unting naipon sa loob ng bilyun-bilyongtaon. Nauwi ito sa malalaking pagbabagona kailangan upang ang mga isda ay ma-ging ampibyan at ang mga bakulaw namanay maging tao. Ang diumano’y malalaking

� Ang mga nangyayaring pagbabago sa pagpapalahi ngaso ay kadalasan nang resulta ng hindi paggana ng ilanggenes. Halimbawa, bansot ang mga asong dachshund dahilhindi nahusto ang paglaki ng cartilage nito.

Ebolusyonmgamaling akalaat katotohanan

“Totoo ang ebolusyon kung paanong totoong mainit ang araw,” ang iginiit ni Propesor RichardDawkins, isang prominenteng siyentipiko na naniniwala sa ebolusyon.16 Siyempre pa, pinatu-tunayan ng mga eksperimento at tuwirang obserbasyon na talagang mainit ang araw. Peromayroon din bang di-matututulang mga ebidensiya mula sa mga eksperimento at tuwirangobserbasyon na sumusuporta sa turo ng ebolusyon?

Si Charles Darwinat ang kaniyangaklat na Originof Species

Darw

in:Fromthe

bookOrigin

ofSpecies,1902;book:AbeBooks.com

pagbabagong ito ay tinatawag na “macroevo-lution.”

Halimbawa, itinuro ni Charles Darwin nakung may naobserbahang bahagyang mgapagbabago, posible ring may naganap na ma-lalaking pagbabago—hindi nga lang naobser-bahan.17 Naniniwala siya na sa paglipasng mahahabang yugto ng panahon—at da-hil sa “bahagyang-bahagyang mga pagbaba-go”—ang ilang diumano’y simple o orihinalna anyo ng buhay ay unti-unting naging mil-yun-milyong anyo ng buhay sa lupa.18

Para sa marami, waring makatuwiran na-man ang pag-aangking ito. Iniisip nila, ‘Kungnagaganap ang maliliit na pagbabago sa isanguri, bakit hindi makakagawa ang ebolusyonng malalaking pagbabago sa paglipas ng ma-hahabang yugto ng panahon?’� Ang totoo,nakasalig sa tatlong maling akala ang turo ngebolusyon. Suriin ang mga sumusunod.

Maling akala �1. Sa pamamagitan ngmutasyon, nagkakaroon ng mga bagonguri.Ang turo ng macroevolution ay nakasaligsa pag-aangkin na nakakabuo ang mutasyon—mga pagbabagong basta-bastang nangyaya-ri sa genetic code ng halaman at hayop—hin-di lang ng bagong uri kundi ng ganap na ba-gong pamilya ng halaman at hayop.19

Katotohanan. Nakadepende ang mara-ming katangian ng isang halaman o hayopsa mga instruksiyong nasa genetic code nito,ang mga blueprint na nasa nukleo ng bawatselula.� Natuklasan ng mga mananaliksik naang mutasyon ay nagdudulot ng mga pagba-bago sa mga supling ng mga halaman at ha-yop. Pero talaga nga bang may mga nabu-buong bagong uri dahil sa mutasyon? Anoang natuklasan sa 100-taong pag-aaral sa la-rangan ng henetika?

Noong huling mga taon ng dekada ng1930, sabik na sabik na tinanggap ng mga

� Pansinin: Binabanggit sa Genesis kabanata 1 na angmga halaman at hayop ay magpaparami “ayon sa uri nito.”(Genesis 1:12, 21, 24, 25) Gayunman, mas malawak angpagkakagamit ng Bibliya sa terminong “uri” at naiiba sapagkakagamit ng siyensiya sa terminong ito.� Ipinakikita ng pananaliksik na ang cytoplasm, mga la-

mad, at iba pang bahagi ng selula ay may ginagampanangpapel sa pagbuo ng isang organismo.

siyentipiko ang isang bagong ideya. Datina silang naniniwala na ang proseso ng natu-ral selection—kung saan ang organismong pi-nakaangkop sa kaniyang kapaligiran angmalamang na mabuhay at magparami—aymakagagawa ng bagong uri ng halaman sapamamagitan ng mga mutasyong basta-bastalang nangyayari. Kaya ipinagpalagay ni-lang mas mahusay ang magagawa ng mu-tasyong artipisyal, o gawang-tao. “Tuwang-tuwa ang karamihan sa mga biyologo atlalo na ang mga dalubhasa sa henetika atang mga nagpapalahi,” ang sabi ni Wolf-Ekkehard Lonnig, isang siyentipiko ng MaxPlanck Institute for Plant Breeding Researchsa Alemanya.� Bakit sila tuwang-tuwa? Ga-nito ang sabi ni Lonnig, na mga 30 taongnag-aral tungkol sa mutasyon sa henetika ngmga halaman: “Inakala ng mga mananaliksik

� Naniniwala si Lonnig na may lumalang sa buhay. Wa-lang kinalaman ang Max Planck Institute for Plant Breed-ing Research sa kaniyang mga komento sa publikasyongito.

Normal

Ang mga langaw na resulta ng mutasyon,bagaman naiba ang hitsura, ay mga langaw pa rin

Dahil sa mutasyon, puwedeng magkaroonng pagbabago sa mga halaman—tuladng malaking bulaklak na ito—peromay limitasyon

Normal

EBOLUSYON—MGA MALING AKALA AT KATOTOHANAN 19

na dumating na ang panahon para baguhinang tradisyonal na paraan ng pagpapalahing mga halaman at hayop. Inakala nila nasa pamamagitan ng pagsisimula at pagpili ngkapaki-pakinabang na mutasyon, makagaga-wa sila ng panibago at mas magandang mgahalaman at hayop.”20 Sa katunayan, umaasapa nga ang ilan na makakabuo sila ng bagonguri.

Ang mga siyentipiko sa Estados Unidos,Asia, at Europa ay naglunsad ng mga pag-sasaliksik na may malaking badyet at gu-magamit ng mga pamamaraang inaasahangmagpapabilis sa ebolusyon. Matapos ang ma-higit 40 taon ng puspusang pagsasaliksik,ano ang naging resulta? Sinabi ng manana-liksik na si Peter von Sengbusch na nabigo“ang pagtatangkang magkaroon ng mas mai-inam na uri sa pamamagitan ng iradyasyon,”bagaman napakalaki ng nagastos dito.21 Angsabi naman ni Lonnig: “Pagsapit ng deka-da ng 1980, naglaho ang pag-asa at pagsasa-ya ng mga siyentipiko sa buong daigdig. Angpagpapalahi sa pamamagitan ng mutasyonbilang hiwalay na sangay ng pagsasaliksik aykinalimutan na ng mga Kanluraning bansa.Halos lahat ng mutant . . . ay namatay la-mang o mas mahinang klase kaysa sa mgauring nasa kalikasan.”�

Magkagayunman, dahil sa datos na nai-pon mula sa mga 100 taon ng pananaliksiktungkol sa mutasyon at 70 taon ng aktuwalna pagpapalahi sa pamamagitan ng mutas-yon, nakabuo ng konklusyon ang mga siyen-tipiko tungkol sa diumano’y kakayahan nitona makalikha ng bagong uri. Matapos suriinang katibayan, ito ang konklusyon ni Lonnig:“Walang kakayahan ang mutasyon na guma-wa ng ganap na bagong uri mula sa orihinalna uri [ng halaman o hayop]. Ang konklus-

� Paulit-ulit na natuklasan ng mga eksperimento sa mu-tasyon na paunti nang paunti ang bilang ng mga bagongmutant, samantalang iisang uri lang ng mga mutant angpatuloy na lumilitaw. Bukod dito, wala pang 1 porsiyentong halaman na sumailalim sa mutasyon ang napili para sahigit pang pagsasaliksik, at wala pang 1 porsiyento sa gru-pong ito ang nakitang magagamit sa negosyo. Wala ni isamang lumitaw na bagong uri. Ang resulta ng pagpapalahisa mga hayop sa pamamagitan ng mutasyon ay mas mala-la kaysa yaong sa mga halaman, at nang maglaon ay kina-limutan na ang pamamaraang ito.

yong ito ay kaayon ng [mga batas ng proba-bilidad at ng] lahat ng naging karanasan atresulta ng pagsasaliksik sa mutasyon noongika-20 siglo.”

Kaya talaga nga bang nakakalikha ang mu-tasyon ng ganap na bagong uri ng buhay?Ang sagot ng mga ebidensiya ay hindi! Na-tuklasan ni Lonnig sa kaniyang pananaliksikna may limitasyon ang naidudulot na pagba-bago ng aksidenteng mutasyon sa isang urina may espesipikong henetikong kayarian.22

Pag-isipan kung ano ang itinuturo ng na-banggit na mga ebidensiya. Kung walang ka-kayahan ang dalubhasang mga siyentipikona makagawa ng bagong uri sa tulong ng ar-tipisyal na pamamaraan ng mutasyon, maga-gawa kaya ito lalo na ng walang-isip na pro-seso? Kung ipinakikita ng pagsasaliksik nawalang kakayahan ang mutasyon na gumawang ganap na bagong uri mula sa orihinal nauri, paano naganap ang sinasabi nilang mac-roevolution?

Maling akala �2. Dahil sa natural se-lection, may nabubuong mga bagong uri.Naniniwala si Darwin na nananatiling bu-hay ang mga marunong umangkop sa ka-nilang kapaligiran samantalang namamataynaman sa kalaunan ang mga hindi marunongumangkop. Tinawag ni Darwin ang prose-song ito na natural selection. Itinuturo ngmga modernong ebolusyonista na habangdumarami at napupunta sa iba’t ibang lu-gar ang mga miyembro ng isang uri, pinipiling kalikasan ang mga miyembrong madalingnakakaangkop sa kanilang bagong kapaligi-ran dahil sa mutasyon ng kanilang genes. Bu-nga nito, ipinalalagay ng mga ebolusyonistana ang napahiwalay na mga grupong ito aynagiging ganap na bagong uri sa kalaunan.

Katotohanan. Gaya ng nabanggit na, ma-liwanag na ipinakikita ng katibayan mula sapagsasaliksik na walang kakayahan ang mu-tasyon na makalikha ng ganap na bagong uring halaman o hayop. Gayunman, ano angkatibayan ng mga ebolusyonista sa kanilangpag-aangkin na pinipili ng kalikasan ang mu-tasyon na makakatulong sa paglikha ng ba-gong uri? Itinuturong ebidensiya ng brosyur

20 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

na inilathala noong 1999 ng National Acad-emy of Sciences (NAS) sa Estados Unidosang “13 uri ng mga finch na pinag-aralanni Darwin sa Galapagos Islands.” Ang mgaibong ito ay kilala ngayon bilang “Darwin’sfinches.”23

Noong dekada ng 1970, pinag-aralan ngisang grupo ng mga mananaliksik na pi-nangunahan nina Peter R. at B. RosemaryGrant ng Princeton University ang mga finchna ito at natuklasan nila na pagkatapos ngisang taong tagtuyot sa mga isla, mas naka-ligtas ang mga finch na mas mahaba nangbahagya ang tuka. Yamang ang sukat at hu-gis ng tuka ng finch ang isa sa pangunahingpagkakakilanlan ng 13 uri ng ibong ito, ini-sip nilang mahalaga ang kanilang natuklasan.“Tinantiya ng mag-asawang Grant na kungmagkakaroon ng tagtuyot sa mga isla minsansa bawat 10 taon, isang panibagong uri ngfinch ang posibleng lumitaw sa loob lamangng mga 200 taon,” ang sabi pa ng brosyur ngNAS.24

Gayunman, hindi binanggit ng brosyur ngNAS na sa sumunod na mga taon pagkata-pos ng tagtuyot, dumami uli ang mga finchna mas maikli ang tuka. Natuklasan ng mgamananaliksik na may panahong mas mara-

mi ang mahaba ang tuka at may panahon na-mang mas marami ang maikli ang tuka de-pende sa klima ng islang iyon. Napansin dinng mga mananaliksik na may ilang “uri” ngfinch na naglalahian at nagluluwal ng mgasupling na mas matagal ang buhay kaysa samga magulang nito. Ang konklusyon nila?Kung magpapatuloy ang paglalahian, magha-halo ang dalawang “uri” at magiging isang“uri” na lang ang mga ito.25

Kaya nakakabuo nga ba ng isang bagonguri ang natural selection? Mga ilang dekadana ang nakakalipas, kinuwestiyon ng biyolo-gong ebolusyonista na si George ChristopherWilliams kung nagagawa talaga ito ng natu-ral selection.26 Noong 1999, sinabi ng teoris-tang ebolusyonista na si Jeffrey H. Schwartzna ang natural selection ay posible ngang tu-mutulong sa mga uri na umangkop sa nag-babagong kalagayan para patuloy na umiral,pero hindi naman ito lumilikha ng paniba-gong bagay.27

Oo, hindi nagiging “panibagong bagay”ang Darwin’s finches. Finch pa rin ang mgaito. At dahil naglalahian ang mga ito, ku-westiyunable ang mga pamamaraang ginaga-mit ng ilang ebolusyonista sa pagklasipika ngisang uri. Bukod diyan, ipinakikita nito ang

Ang napatunayan lang ng Darwin’sfinches ay na kayang umangkop ngisang uri sa nagbabagong klima

Beakdraw

ings:Fromthe

bookJournalofResearches,by

CharlesDarw

in(1873),im

agecourtesy

BiodiversityHeritage

Library

EBOLUSYON—MGA MALING AKALA AT KATOTOHANAN 21

katotohanan na maging ang mga kilalangakademya sa siyensiya ay may kinikilingansa kanilang pag-uulat ng katibayan.

Maling akala �3. Suportado ng rekordngmga fosil angmacroevolution.Ang bros-yur ng NAS na nabanggit kanina ay nag-iiwan ng impresyon sa mga mambabasa namay sapat na mga fosil na natuklasan angmga siyentipiko para patunayan ang macro-evolution. Ang sabi nito: “Napakaraming na-tuklasang mga anyo ng buhay sa pagitan ngisda at ampibyan, ampibyan at reptilya, rep-tilya at mamalya, at sa linya ng angkan ngmga primate anupat madalas na mahirap ti-yakin kung kailan nagaganap ang pagbabagosa isang [uri] at nagiging ibang partikular na[uri].”28

Katotohanan. Nakakagulat ang sinabingiyan ng brosyur ng NAS. Bakit? Inamin ni

Niles Eldredge, isang masugid na ebolusyo-nista, na ipinakikita ng rekord ng fosil nasa loob ng mahahabang yugto ng panahon,“halos wala o talagang walang nagaganap naebolusyonaryong pagbabago sa karamihan ng[uri].”�29

Sa kasalukuyan, ang mga siyentipiko sabuong daigdig ay nakahukay at nakapagta-la na ng mga 200 milyong malalaking fosilat bilyun-bilyong maliliit na fosil. Sang-ayonang maraming mananaliksik na ipinakikitang napakarami at detalyadong rekord na itona lahat ng pangunahing grupo ng mga ha-yop ay biglang lumitaw at hindi halos nagba-go, at ang maraming uri naman na biglang lu-mitaw ay bigla ring naglaho.

“Pananampalataya” saebolusyon

Bakit kaya iginigiit ng maraming promi-

� Pinagtatalunan din maging ang ilang sampol ng fosilna sinasabi ng mga mananaliksik na katibayan ng ebolus-yon. Tingnan ang pahina 22 hanggang 29 ng brosyur naThe Origin of Life—Five Questions Worth Asking, na inilatha-la ng mga Saksi ni Jehova.

nenteng ebolusyonista na totoo ang mac-roevolution? Isinulat ng maimpluwensiyangebolusyonista na si Richard Lewontin nahandang tanggapin ng maraming siyentipi-ko ang di-mapatunayang mga pag-aangkin sasiyensiya ‘dahil may pinaniniwalaan na sila—naniniwala sila sa materyalismo.’� Hindiman lang iniisip ng maraming siyentipikoang posibilidad na may isang matalinongDisenyador, dahil gaya ng isinulat ni Le-wontin, “hindi namin matatanggap na mayDiyos.”30

Hinggil dito, sinipi ng Scientific Americanang sosyologong si Rodney Stark: “Sa loobng 200 taon, pinalaganap ang ideya na kunggusto mong maging makasiyensiyang tao da-pat na maging malaya ang iyong isip sa tani-kala ng relihiyon.” Sinabi pa niya na sa mgaunibersidad ng pananaliksik, “tikom ang bi-big ng mga relihiyosong tao.”31

Kung maniniwala kang totoo ang turo ngmacroevolution, dapat mo ring paniwala-an na hindi pahihintulutan ng mga agnosti-ko ni ng mga ateistikong siyentipiko na ma-impluwensiyahan ng kanilang personal namga paniniwala ang kanilang interpretas-yon sa mga natutuklasan ng siyensiya. Da-pat mong paniwalaan na ang mutasyon atang natural selection ang nagluwal ng lahatng masalimuot na anyo ng buhay, sa kabi-la ng 100-taong pagsasaliksik na nagpapaki-tang hindi nakagawa ang mutasyon ng ka-hit isang ganap na bagong uri mula sa isangpartikular na uri. Dapat mo ring paniwala-an na lahat ng nilalang ay unti-unting nabuomula sa iisang ninuno, sa kabila ng maliwa-nag na ipinakikita ng rekord ng fosil na big-lang lumitaw ang mga pangunahing uri nghalaman at hayop at hindi unti-unting na-ging ibang uri, kahit lumipas pa ang napa-kahabang panahon. Masasabi bang ang ga-niyang paniniwala ay salig sa katotohanan osalig sa maling akala? Tunay nga, ang pani-niwala sa ebolusyon ay matatawag ding “pa-nanampalataya.”

� Ang “materyalismo,” sa diwang ito, ay tumutukoy sateoriya na ang lahat ng nasa uniberso, pati na ang lahat nguri ng buhay, ay umiral nang walang anumang tulong mulasa sinumang nakahihigit sa tao.

Ipinakikita ng rekord ngmga fosil na ang lahatng pangunahing grupo ngmga hayop ay biglanglumitaw at hindi halos nagbago

�Juan

CarlosMunoz/age

fotostock,andcourtesy

ofRoyalTyrrellMuseum

ofPalaeontology

22 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

Ano ang sagotmo?˛ Ano ang isasagot mo kapagmay nagsabing ang mgakatibayang sumusuporta satinatawag nilang microevolutionay nagpapatunay na naganapdin ang macroevolution?

˛ Bakit mahalaga ang ipinakikitang rekord ng mga fosil na angkaramihan sa mga uri ay hindigaanong nagbago sa loob ngnapakahabang panahon?

Kailan ba ang “pasimula”?Simple ngunit mapuwersa ang pambu-

ngad na pangungusap ng Genesis: “Nangpasimula ay nilalang ng Diyos ang langitat ang lupa.” (Genesis 1:1) Sang-ayon angmaraming iskolar sa Bibliya na ang bina-banggit na pangyayari sa talatang ito ay ibasa mga araw ng paglalang na binabanggitmula sa talata 3 patuloy. Napakahalaga ngkahulugan nito. Ayon sa pambungad na pa-ngungusap ng Bibliya, ang uniberso, patina ang ating planetang Lupa, ay umiiral nanang napakatagal na panahon bago pa mag-simula ang mga araw ng paglalang.

Ayon sa tantiya ng mga heologo, anglupa ay mga 4 na bilyong taon na, at ayonsa kalkulasyon ng mga astronomo, ang uni-berso ay maaaring 15 bilyong taon na. Angmga natuklasan bang ito—o ang posibleng

mga pagbabago nito sa hinaharap—ay sa-lungat sa Genesis 1:1? Hindi. Hindi bina-banggit ng Bibliya kung gaano na talaga ka-tagal umiiral “ang langit at ang lupa.” Hindinagkakasalungatan ang siyensiya at angBibliya.

Gaano katagalang mga araw ng paglalang?

Kumusta naman ang haba ng mga arawng paglalang? Literal bang 24 na oras angmga ito? Sinasabi ng ilan na yamang angaraw na kasunod ng anim na araw ng pagla-lang ay ginamit ni Moises—manunulat ngGenesis—bilang parisan ng lingguhang Sab-bath, ang haba ng bawat araw ng paglalangay literal na 24 na oras. (Exodo 20:11) Si-nusuportahan ba ng mga salita sa Genesisang konklusyong ito?

Siyensiya at angulat ngGenesisSinasabi ng maraming tao na pinasisinungalingan ng siyensiya ang ulat ng Bibliya tungkolsa paglalang. Pero hindi ang siyensiya at ang Bibliya ang talagang nagkakasalungatan,kundi ang siyensiya at ang opinyon ng mga Kristiyanong Pundamentalista. Iginigiit ng ilansa mga grupong ito na ayon sa Bibliya, ang paglalang ng lahat ng pisikal na bagay ay na-ganap sa loob ng anim na araw—na bawat isa’y may 24 na oras—10,000 taon na ang na-kalilipas.

Gayunman, salungat sa Bibliya ang konklusyong iyan. Kasi kung hindi, magiging kuwesti-yunable ang Bibliya dahil sa maraming bagay na natuklasan sa siyensiya nitong nakalipasna 100 taon. Kapag sinuring mabuti ang nakasulat sa Bibliya, wala ritong makikitang salu-ngat sa mga katotohanang napatunayan na ng siyensiya. Dahil dito, hindi sang-ayon angmga Saksi ni Jehova sa mga Kristiyanong Pundamentalista at sa maraming creationist.Narito ang talagang itinuturo ng Bibliya.

Nebula:IAC/RG

O/David

Malin

Images

24 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

Hindi itinuturo ng Genesisna ang lupa at ang unibersoay nilalang sa loob lang nganim na araw—na ang bawatisa’y may 24 na oras—mgailang libong taon pa langang nakalilipas

Hindi. Ang totoo, ang salitang Hebreona isinaling “araw” ay maaaring mangahu-lugan ng iba’t ibang haba ng panahon, hindilang ng 24 na oras. Halimbawa, nang ibuodni Moises ang paglalang ng Diyos, tinukoyniya ang buong anim na araw ng paglalangbilang isang araw. (Genesis 2:4) Bukoddito, sa unang araw ng paglalang, “pinasi-mulan ng Diyos na tawaging Araw ang li-wanag, ngunit ang kadiliman ay tinawagniyang Gabi.” (Genesis 1:5) Dito, isang ba-hagi lang ng 24 na oras ang tinukoy bilang“araw.” Talagang walang makikitang ba-sehan sa Kasulatan na nagsasabing 24 naoras lang ang bawat araw ng paglalang.

Kung gayon, gaano kahaba ang mgaaraw ng paglalang? Walang sinasabi angBibliya; pero ipinahihiwatig ng mga salitasa Genesis kabanata 1 at 2 na mahahabangyugto ng panahon ang nasasangkot.

Anim na yugto ng paglalangIsinulat ni Moises ang kaniyang ulat sa

wikang Hebreo at ayon sa nakikita ng isangtaong nasa ibabaw ng lupa. Dahil sa da-lawang bagay na ito, pati na ang katoto-hanang umiiral na ang uniberso bago pamagsimula ang mga yugto o mga araw ng

paglalang, nasagot ang kontrobersiya tung-kol sa ulat ng paglalang. Paano?

Mula sa maingat na pagsusuri sa ulat ngGenesis, makikita na ang mga pangyaya-ring nagsimula sa isang “araw” ay nagpa-tuloy pa hanggang sa sumunod na “araw”o “mga araw.” Halimbawa, bago magsimu-la ang unang “araw” ng paglalang, hindipa makatagos sa ibabaw ng lupa ang liwa-nag mula sa araw na umiiral na noon, ma-lamang na dahil sa makapal na ulap. (Job38:9) Nahawi ang takip na ito sa unang“araw,” anupat nakatagos ang liwanag sa at-mospera.�

Sa ikalawang “araw,” paaliwalas pa rinnang paaliwalas ang atmospera, anupatnagkaroon ng puwang sa pagitan ng maka-pal na ulap sa itaas at ng karagatan sa iba-ba. Pagsapit ng ikaapat na “araw,” umali-walas na nang husto ang atmospera anupatlumitaw na ang araw at buwan “sa kalawa-kan ng langit.” (Genesis 1:14-16) Sa ibangsalita, mula sa nakikita ng isang taong nasa

� Nang ilarawan ang nangyari sa unang “araw,” ang gi-namit na salitang Hebreo para sa liwanag ay ’ohr, o liwa-nag sa pangkalahatang diwa; ngunit sa ikaapat na “araw,”ang ginamit na salita ay ma·’ohr�, na tumutukoy naman sapinagmumulan ng liwanag.

Angmga pangyayaring nagsimula sa isang “araw”ay nagpatuloy pa hanggang sa sumunod na arawo “mga araw”

26 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

lupa, naaaninag na ang araw at buwan.Unti-unting naganap ang mga bagay na ito.

Sinasabi rin sa ulat ng Genesis na nag-simulang lumitaw sa ikalimang “araw” angmga lumilipad na nilalang—pati na ang mgainsekto at mga nilalang na may lamad sapakpak.

Batay sa pananalita ng Bibliya, may posi-bilidad na ang mahahalagang pangyayari sabawat araw, o yugto ng paglalang ay unti-unting naganap sa halip na biglaan, marahilang ilan ay umabot pa nga hanggang sa su-munod na mga araw ng paglalang.�

Ayon sa kani-kanilang uriYamang unti-unting lumitaw ang mga

halaman at hayop, nangangahulugan ba itona ginamit ng Diyos ang ebolusyon paramagkaroon ng sari-saring bagay na may bu-hay? Hindi. Maliwanag na sinasabi ng ulatna nilalang ng Diyos ang bawat panguna-hing “uri” ng halaman at hayop. (Genesis1:11, 12, 20-25) Nakaprograma ba sa ori-hinal na mga ‘uring’ ito ng mga halamanat hayop ang kakayahang umangkop sa

� Halimbawa, noong ikaanim na araw ng paglalang,inutusan ng Diyos ang mga tao na ‘magpakarami at pu-nuin ang lupa.’ (Genesis 1:28, 31) Pero naganap lang itonang sumunod na “araw.”—Genesis 2:2.

nagbabagong mga kalagayansa kapaligiran? Gaano kalakiang puwedeng maging pagba-bago ng isang “uri”? Walang si-nasabi ang Bibliya. Gayun-

man, sinasabi nito na ang mga nilalang nabuhay ay ‘bumukal ayon sa kani-kanilanguri.’ (Genesis 1:21) Ipinahihiwatig ng pa-ngungusap na ito na may limitasyon angpagbabagong maaaring mangyari sa isang“uri.” Pinatutunayan ng rekord ng fosil atng modernong pananaliksik na halos hindinabago ang pangunahing mga kategorya nghalaman at hayop sa loob ng mahahabangyugto ng panahon.

Salungat sa pag-aangkin ng ilang relihi-

yosong pundamentalista, hindi itinuturo ngGenesis na ang uniberso, pati na ang lupaat ang lahat ng nabubuhay na bagay rito, aynilalang sa maikling yugto ng panahon ‘ka-makailan’ lang. Sa halip, ang ulat ng Gene-sis tungkol sa paglalang ng uniberso at sapag-iral ng buhay sa lupa ay kaayon ng ma-raming tuklas sa siyensiya kamakailan.

Dahil sa kanilang pilosopikal na mga pa-niniwala, maraming siyentipiko ang hindinaniniwala sa sinasabi ng Bibliya na nila-lang ng Diyos ang lahat ng bagay. Ga-yunman, kapansin-pansin na sa sinaunangaklat ng Bibliya na Genesis, isinulat ni Moi-ses na may pasimula ang uniberso at unti-unting umiral ang buhay sa paglipas ng mgayugto ng panahon. Paano nalaman ni Moi-ses ang gayon katumpak na impormasyonsa siyensiya mga 3,500 taon na ang nakali-lipas? May isang makatuwirang paliwanag.Ang Isa na may kapangyarihan at karunu-ngan na lalangin ang langit at lupa ang tiyakna nagbigay kay Moises ng gayon katum-pak na kaalaman sa siyensiya. Patunay langito na talagang “kinasihan ng Diyos” angBibliya.�—2 Timoteo 3:16.

Pero baka maisip mo, mahalaga ba tala-ga kung naniniwala ka sa ulat ng Bibliyatungkol sa paglalang? Pag-isipan ang ilangnakakukumbinsing dahilan kung bakit ma-halaga ang iyong pinaniniwalaan.

� Para sa higit pang impormasyon, panoorin ang ma-ikling video na Paano Tayo Nakakasiguro na Totoo angSinasabi ng Bibliya? na available sa jw.org/tl.

Ano ang sagotmo?˛ Ano ang ilang karaniwang maling akala saulat ng Bibliya tungkol sa paglalang?

˛ Bakit kahanga-hanga ang pagkakasuwato ngBibliya at ng siyensiya sa maraming bagay?

Tinitiyak ng modernongpananaliksik na anglahat ng nabubuhay aynagpaparami “ayon sakani-kanilang uri”

Penguins:Bycourtesy

ofJohnR.Peiniger

28 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

Pag-isipan ang ibig sabihin ng mga sali-tang iyan. Kung walang layunin ang buhay,wala kang magiging tunguhin sa buhay kun-di ang gumawa ng kaunting kabutihan at,marahil, magpamana ng iyong henetikongmga katangian sa susunod na henerasyon.Kapag namatay ka, hindi ka na iiral kailan-man. At lumalabas na natsambahan lang ngkalikasan ang iyong utak, na may kakaya-hang mag-isip, mangatuwiran, at magbulay-bulay sa layunin ng buhay.

Hindi lang iyan. Iginigiit ng maraming na-niniwala sa ebolusyon na hindi raw umii-ral ang Diyos o na hindi siya makikialam samga gawain ng tao. At nakadepende na langang ating kinabukasan sa mga lider sa puli-tika, akademya, at relihiyon. Kung titingnanang nakalipas na rekord ng gayong mga tao,talagang magpapatuloy ang kaguluhan, ali-tan, at katiwalian na nagpapahirap sa lipu-nan ng tao. Kung totoo nga ang ebolusyon,mabuti pa palang sundin na lang ang kasabi-han: “Kumain tayo at uminom, sapagkat bu-kas ay mamamatay tayo.”—1 Corinto 15:32.

Pero sa kabaligtaran, itinuturo ng Bibliya:“Nasa [Diyos] ang bukal ng buhay.” (Awit36:9) Napakahalaga ng ibig sabihin ng mgasalitang ito.

Kung totoo ang sinasabi ng Bibliya, na-ngangahulugan iyan na may kabuluhan

ang buhay. May maibiging layunin angating Maylalang para sa lahat ng nagpapasi-yang mamuhay ayon sa kaniyang kalooban.(Eclesiastes 12:13) Kalakip sa layuning itoang pangakong buhay sa isang daigdig nawala nang kaguluhan, alitan, at katiwali-an—wala pati kamatayan.—Awit 37:10, 11;Isaias 25:6-8.

May mabuting dahilan kung bakit mil-yun-milyong tao sa buong daigdig ang nani-niwala na kapag nakilala ng isa ang Diyos atsumunod sa kaniya, ang buhay ay magka-karoon ng kabuluhan na hindi maibibigayninuman! (Juan 17:3) Hindi lang ito bastapangangarap nang gising. Malinaw ang ebi-densiya—may lumalang sa buhay.

Mahalagabakung anoang pinaniniwalaanmo?

Sa palagay mo, may layunin kaya ang buhay? Sinabi ng ebo-lusyonistang si William B. Provine: “Malaki ang epekto sa atinng natutuhan natin tungkol sa proseso ng ebolusyon—apekta-do nito ang pangmalas natin sa kahulugan ng buhay.” Ang ka-niyang konklusyon? “Walang layunin ang buhay ng tao.”32

Ano ang sagotmo?˛ Ano ang pinaniniwalaan mo—produkto lang tayo ngebolusyon o may lumalang saatin? Bakit iyan ang sagot mo?

˛ Ano ang ilang mabubutingdahilan kung bakit dapatmong suriin ang batayan ngiyong paniniwala?

&Faunia,M

adrid

29

Ang Buhay na Planeta1. Scientific American, Special Issue 2008 enti-tled “Majestic Universe,” p. 11.2. Perfect Planet, Clever Species—How UniqueAre We? by William C. Burger, 2003, pp. 24, 34.3. Rare Earth—Why Complex Life Is Uncommon inthe Universe, by Peter D. Ward and DonaldBrownlee, 2000, p. 224.4. The Sacred Balance—Rediscovering Our Placein Nature, by David Suzuki, 2007, p. 102.5. God and the New Cosmology—The AnthropicDesign Argument, by M. A. Corey, 1993,pp. 144-145.

Kahon: Punung-puno ng Buhay6. Wildlife in a Changing World—AnAnalysis of the 2008 IUCN RedList of Threatened Species, editedby Jean-Christophe Vie, Craig Hil-ton-Taylor, and Simon N. Stuart,2009, p. 6.7. Journal of Industrial Microbiolo-gy, “Total Bacterial Diversity inSoil and Sediment Communities—A Review,” by V. Torsvik,R. Sørheim, and J. Goksøyr,Volume 17, 1996, pp. 170-178.8. Science, “Environmental Ge-nomics Reveals a Single-SpeciesEcosystem Deep Within Earth,” byDylan Chivian, et al, Volume 322,

October 10, 2008, pp. 275-278.9. Scientific American, “Microbe Census RevealsAir Crawling With Bacteria,” by David Biello,http://www.scientificamerican.com/article.cfm?id˙microbe-census-reveals-ai.Sino ang Unang Nagdisenyo?10. Natural History, “As the Whale Turns,” byAdam Summers, June 2004, pp. 24-25.11. Science, Random Samples, “FlipperedFlight,” May 21, 2004, p. 1106.12. New Scientist, Technology, “Is It a Bird, Is It aPlane . . . ,” September 3, 2005, p. 21.13. Heat Exchanger Design, Second Edition, byArthur P. Fraas, 1989, p. 2.

14. The Economist Technology Quarterly,Report, “Technology That Imitates Nature,”June 11, 2005, pp. 18-22.15. The New York Times, “Design for Living,” byMichael J. Behe, February 7, 2005, p. A21.Ebolusyon—Mga Maling Akala at Katotohanan16. Natural History, “Darwin & Evolution—The Illu-sion of Design,” by Richard Dawkins, Novem-ber 2005, p. 37.17. Origin of Species, by Charles Darwin, FirstEdition, 1859, Sixth Edition, 1872, pp. 285-286.18. Charles Darwin—The Origin of Species, Intro-duction by Sir Julian Huxley, 1958 for Introduc-tion, First Signet Classic Printing, Septem-ber 2003, p. 458.19. Nobel Lectures, Physiology or Medicine1942-1962, 1999, “The Production of Muta-tions,” by H. J. Muller, 1946, p. 162.20. Mutation Breeding, Evolution, and the Law ofRecurrent Variation, by Wolf-Ekkehard Lonnig,“Expectations in Mutation Breeding,” 2005,p. 48, and interview with Wolf-Ekkehard Lonnig.21. Mutation Breeding, Evolution, and the Law ofRecurrent Variation, pp. 48-51.22. Mutation Breeding, Evolution, and the Law ofRecurrent Variation, pp. 49, 50, 52, 54, 59, 64,and interview with Wolf-Ekkehard Lonnig.23. Science and Creationism—A View From theNational Academy of Sciences, “Evidence Sup-porting Biological Evolution,” 1999, p. 10.24. Science and Creationism—A View From theNational Academy of Sciences, “Evidence Sup-porting Biological Evolution,” p. 11.25. Scientific American, “Natural Selection andDarwin’s Finches,” by Peter R. Grant, Octo-ber 1991, p. 87;Nature, “Oscillating Selection on Darwin’s Finch-es,” by H. Lisle Gibbs and Peter R. Grant,June 11, 1987, p. 511;Science, “Hybridization of Bird Species,” by PeterR. Grant and B. Rosemary Grant, April 10, 1992,pp. 193-197.26. Adaption and Natural Selection, by GeorgeC. Williams, 1966, p. 54.27. Sudden Origins—Fossils, Genes, and theEmergence of Species, by Jeffrey H. Schwartz,1999, pp. 317-320.

Mga Reperensiya

�David

Haw

ks

30 SAAN NAGMULA ANG BUHAY?

ANO BA Talaga

ANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?

28. Science and Creationism—A View Fromthe National Academy of Sciences, SecondEdition, “Evidence Supporting Biological Evolu-tion,” p. 14.29. The Triumph of Evolution and the Failureof Creationism, by Niles Eldredge, 2000,pp. 49, 85.30. The New York Review of Books, “Billionsand Billions of Demons,” by Richard C. Lewon-tin, January 9, 1997, pp. 28-32.31. Scientific American, “Scientists and Re-ligion in America,” by Edward J. Larson andLarry Witham, September 1999, p. 91.Mahalaga ba Kung Ano ang Pinaniniwa-laan Mo?32. Science, Technology, and Social Progress,edited by Steven L. Goldman, “Evolution andthe Foundation of Ethics,” by William B. Pro-vine, 1989, pp. 253, 266.

NASA,ESA,and

theHubble

Heritage

(STScl/AURA)-ESA/Hubble

Collaboration

Tama ba ang sinasabi ng Bibliya pagdating sa siyensiya?Natutupad ba ang mga hula nito?Ano ang kapansin-pansin sa pamamahagi nito?Para malaman ang sagot, panoorin ang apat-at-kalahating-minutongvideo na Paano Tayo Nakakasiguro na Totoo ang Sinasabi ng Bibliya?na available sa jw.org/tl.

Masusumpunganmo rin ang sagot sa sumusunod namga tanong:˛ Bakit tayo nagdurusa?˛ Paano magiging mas maligaya ang ating buhay pampamilya?˛ Ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo?Ang sagot ay makikita sa 224-na-pahinang aklat na Ano Ba Talaga angItinuturo ng Bibliya? Sinasagot din nito ang maraming iba pang tanong.Puwede kang mag-download ng libreng kopya ng aklat na ito sa jw.org/tl.

w

r

lc-T

G1

61

12

0

May lumalang ba sa buhay o nagkataon lang na umiral ka? Napa-kakontrobersiyal ng tanong na ito. Gayunman, napakahalagangmalaman ang sagot dito. Tinatalakay ng brosyur na ito ang sagotsa sumusunod na mga tanong:˛ Dinisenyo ba ang lupa para sa buhay?˛ Ano ang matututuhan natin sa mga disenyong makikita sakalikasan?

˛ Batay ba sa matibay na ebidensiya ang turo ng ebolusyon?˛ Sinasalungat ba ng siyensiya ang ulat ng Bibliya sa paglalang?˛ Bakit mahalaga kung ano ang pinaniniwalaan mo?

s