schizophrenia info tagalog version

16
Schizophrenia Pagkawala sa Sarili” Mula sa Kabalikat Support Group

Upload: lunasy

Post on 28-Oct-2014

849 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: Schizophrenia Info Tagalog Version

Schizophrenia“Pagkawala sa Sarili”

Mula sa

Kabalikat Support Group

Page 2: Schizophrenia Info Tagalog Version

Katotohanan

• Isang sakit sa pag-iisip

• Nakaaapekto sa isang bahagdan (1%) ng mga tao sa buong mundo

• Di pa nalalaman ang sanhi

• Maaaring mapangasiwaan gamit ang gamot, pangangalagang pang-sikayatriko, at care provider (tagapag-alaga)

Page 3: Schizophrenia Info Tagalog Version

Schizophrenia“Pagkawala sa Sarili”

• Ang pagkawala sa sarili ay isang seryosong sakitna nakaaapekto sa paraan ng pag-iisip, pakiramdam, at pagkilos ng isang tao.

• Ang isang taong nawawala sa sarili ay maaaringmagkaroon ng kahirapan sa pagtukoy ng kaibhanng kung alin ang totoo at alin ang imahinasyonlamang; maaaring hindi madaling makatugon o laging tahimik; at maaaring mahirapan sapagpapahayag ng mga normal na emosyon samga panlipunang sitwasyon.

Page 4: Schizophrenia Info Tagalog Version

Sanhi ng “Pagkawala sa Sarili”

• Ang sanhi ng pagkawala sa sarili ay may kalabuan pa rin hanggang sa ngayon. Ilan sa mga teorya ukol sa sanhi ng karamdamang ito ay ang mga sumusunod:

– Genetics (pagmamana),

– Biology (kawalan ng balance sa mga kemikal na sangkap ng utak);

– Posibleng impeksyong dulot ng virus at pagkawala ng kaayusan sa sistema ng depensa ng katawan.

Page 5: Schizophrenia Info Tagalog Version

Mga Lunas

• Wala pang panlunas pagkawala ng sarili, subalit ito ay maaaring matagumpay na mapangasiwaan gamit ang gamot, pangangalagang sikayatriko, at suporta mula sa mga taong gaya ninyo.

Page 6: Schizophrenia Info Tagalog Version

Ang mga Sintomas ng Pagkawala sa Sarili

Page 7: Schizophrenia Info Tagalog Version

Ang mga Sintomas ng Pagkawala sa Sarili

• Sa kabuuan, ang mga sintomas ng pagkawalasa sarili ay nahahati sa tatlong kategorya

• Positibong sintomas

• Negatibong sintomas

• Kognitibong sintomas

• Mayroong mga taong may kakaunti lamangna sintomas. Ang iba ay may marami. Ilan sakanila ay maaaring mayroong parehongnegatibo at positibong sintomas na sabay namamamalas.

Page 8: Schizophrenia Info Tagalog Version

Positibong sintomas

• Ang mga positibong sintomas ay binubuo ng mga delusion at hallucination sapagkat nawala na ang pasyente sa kanyang hinagap ang realidad sa iba’t ibang mahalagang paraan.

• Binibigyang-kahulugan ang salitang “positibo” bilang mga kapansin-pansing sintomas kahit hindi ito kailangan.

Page 9: Schizophrenia Info Tagalog Version

Negatibong sintomas

• Kabilang sa mga negatibong sintomas ay angpagkawala ng emosyon o ekspresyon, kawalan ngkakayahang magsimula o makaagapay sa mgagawain, pagsasalita sa paraang maiksi at walang-laman, at ang kakulangan sa interes sabuhay.

• Ang salitang “negatibo” ay tumutukoy hindi saasal ng tao bagkus sa kakulangan ng iba’t ibangkatangiang pangkaraniwang namamalas.

Page 10: Schizophrenia Info Tagalog Version

Kognitibong sintomas

• Ang kognitibong sintomas ay tumutukoy sa proseso ng pag-iisip. Halimbawa nito ay ang kahirapan sa pagbibigay-priyoridad sa mga gawain, iba’t ibang uri ng pag-alala, at pag-oorganisa ng kaisipan.

Page 11: Schizophrenia Info Tagalog Version

Mga Batayang Terminolohiya

Page 12: Schizophrenia Info Tagalog Version

Ang talaan ng mga karaniwang terminolohiya na dapat mong malaman bilang isang care provider ay gaya ng sumusunod.

• Active listening— sadyang pagtuon sa pinakikinggan

• Affective flattening— tumutukoy sa pagbaba sa, o mababang antas ng emosyon ng isang individwal

• Agitated—pakiramdam ng isang di-mapakali at nag-aalala

• Alogia—kawalan ng kakayahan sa pagsasalita dulot ng kakulangan sa pag-iisip, kalituhan, o aphasia

• Avolition—tumutukoy sa kakulangan ng pagkukusa o kasiglahan sa paggawa

Page 13: Schizophrenia Info Tagalog Version

• Caregivers—mga taong nag-aalaga sa isang kaibigan o kamag-anak

• Delusions—isang paniniwalang pinaninindigan sa kabila ng mga katunayang hindi ito totoo

• Depression —isang matinding kalungkutan na may pisikal na sintomas gaya ng kawalan ng gana sa pagkain at pagtulog.

• Disorganized or catatonic behavior—may asal na tila di-mawawaan o walang-katinuan para sa mga nakakakita

• Disorganized speech—pagsasalita nang tuluy-tuloy at wala sa kaayusan kung kaya ito ay walang kabuluhan at katuturan

Page 14: Schizophrenia Info Tagalog Version

• Hallucinations—mga karanasan kung saan ang mga sentido ng isang tao ay napaglalalangan at ang di-makatotohanan ay nagiging makatotohanan

• Impulsive—pagkilos nang hindi muna pinag-iisipan

• Motivation—ang tunay na dahilan ng isang tao upang gawin o sabihin ang isang bagay

• Negative symptoms—kinabibilangan ng affective flattening, alogia, at avolition

• Personal hygiene (self-care)—pagbibigay-pansin sa kaayusan sa sarili

• Positive symptoms —kinabibilangan ng delusion, hallucination, disorganized speech, at disorganized o catatonic behavior

Page 15: Schizophrenia Info Tagalog Version

• Psychotic episode—isang taong kinakikitaan ng mga sintomas ng schizophrenia (pagkawala sa sarili)

• Relapse-kapag ang mga tanda o sintomas ng schizophrenia ay bumalik

• Schizophrenia—isang karamdaman sa pag-iisip na nagdudulot ng matitinding kagambalaan sa pag-iisip at damdamin

• Treatment—medikal na pangangalaga isang karamdaman

Page 16: Schizophrenia Info Tagalog Version

References

• www.mentalhealthamerica.net - Mental Health America

• www.nami.org - The National Alliance on Mental Illness (NAMI)

• http://bipolar.about.com/od/glossary - Glossary of Bipolar Disorder Terms

• Translated by Eufracio C. Abaya, Ph.D., UP Dept. of Anthropology