start of a dream (completed)
TRANSCRIPT
AUTHOR’S NOTE:
*Ang kuwentong ito ay Hindi Lang BASTA Love Story, marami sa nilalaman nito ang base sa Totoong
Buhay na hinaluan na lamang ng imahinasyon/pantasya ng may-akda.
Dahil kwela naman ang kuwentong ito ay paumanhin kung mukhang eengot-engot/luka-luka
minsan(baka madalas pa) ang bida :D
Nais ring sabihin ng bida ang isang bagay na lubos niyang pinanghahawakan.."Hindi ko siya hinanap,
NAHANAP niya ako"
At ito nga ang Pagsisimula ng isang Panaginip(Start of a Dream)
Ang pagsisimula ng isang panaginip (start of a dream)
~INTRODUCTION~
Makinis na kutis, mapulang labi, matangos na ilong, mapungay na mga mata na tila nangungusap,
nakakalokong ngiti at ang boses....ang boses ay parang... “pika pika pika pika, ” si pikachu, paulit-ulit na
tunog ng aking cellphone, hanobayan o, nagising tuloy ako nang di oras. Si pikachu? You mean parang
pikachu ang boses ng lalaki sa aking dream? Cannot be! Hindi bagay sa kaniyang beautiful face. Ayoko
munang bumangon, aalalahanin ko munang mabuti ang kaniyang hitsura, para pala siyang Koreano.
Hay.. crush na crush ko kasi ang mga Koreano, naiisip ko pa nga minsan na sana magka-boylet ako ng
tulad nila. Pero imposible naman iyown e, dito na nga lang sa Baguio e mga suplado sila. Well, ang
balon.. Kahit imposible, sana makita at makilala ko ang lalaki sa aking panaginip, malay natin di ba? Base
on his features that i remembered ay mukhang napakacommon naman ng kaniyang hitsura, andami
kayang Koreano dito! Parang depende nalang sa tingin at feeling ko kung siya na ba talaga kapag
nakakita ako ng ka-feature niya. Kaso missing link parin ang kaniyang boses kasi nga hindi ko narinig
dahil sa pag-interrupt ni pikachu. At dahil diyan ay kailangan ko ng maligo dahil umaga na naman at
pasukan na naman. Kain, gastos, tulog. Teka bakit parang kulang ata, walang…
Aral? Ah oo nga no, e iyon naman ang pangunahing dapat ginagawa pag may pasok. E kasi naman
nakakatamad kaya bukod sa nakaka-drain ng utak at energy. Tapos wala rin namang inspirasyon sa
campus, kaunti na nga lang ang gwaping, majority pa ay bading.. buhay nga naman. Makaligo na nga, as
usual, ako ay late na naman. Hindi ako nakakakain ng breakfast tapos tumatakbo pa ako papuntang
campus. Hay, napapagod na ako, kelan kaya ako magbabago?. :D
FIRST CHAPTER~
Inhale, exhale. Ohmigoshes, kinakabahan ako. May graded recitation pala kami ngayon at nakalimutan
kong magbasa ng mga readings at mga eklavu na ni-require sa amin. Kaya nga readings para basahin di
ba? Pero hindi kasi ganun ang nangyayari, nagpapa-photocopy lang naman kami para masabing may
readings. Yes, tama ka diyan sister! Hay, ugali ko talaga, o back to reality na, masyado nang nag-enjoy
ang utak ko sa pagliwaliw. “Ms. Dominguez, did you hear me?” (isa pa) “Ms. Dominguez, Ms.
Dominguez” Saka lang ako natauhan ng kinurot ako ni Harra, si Harra ang aking seatmate turned friend,
naks naman, umikot lang siya friends na kami, korny korny :D. “Ah yes, Sir, Ma’am, ako pala iyon, ano po
iyon?” ang sabi ko bigla, nakakahiya naman yun kaya ako ay namula. “I said what can you say about the
fast rate of language death? Any ideas how did it happen? And what is your reaction to this
phenomenon?” tanong ni Prof. Anadee, sa abroad siya nag-aral pero hindi siya yung tipong with accent
magsalita, pinoy na pinoy pa rin. Ano raw, death ni Whitney Houston? Ano ba iyan, bakit kasi hindi ako
nagbasa ng readings, badtrip, ayoko kayang mapahiya. “Ahm, it’s shocking and sad, Ma’am. It is
unexpected and such a great loss” ang sabi ko naman raw (with matching sad face ). “Ah, yes, it is
indeed sad. How about you Ms. Maceda, what can you say? How did this happen?”Naku hindi ko pala
nasagot yung isang tanong! Buti nalang at iba na iyong tinanong ni Ma’am at hindi siya namamahiya,
kaya naman isa siya sa mga peyborit kong Prof eh. Napaka-nonsense pa ng sinabi ko pero medyo
related naman kasi sa death, malamang kapag death malungkot diba? Ang safe kaya parang showbiz
lang, safe answer. :P
Tiktok. Katagal naman ng oras, may lakad pa ako mamaya, pupunta kasi ako sa mall, hindi para mag-
shopping kundi para maglaro sa Quantum. Antagal talaga men, bakit kasi pag hinihintay mo ang oras e
matagal, kapag ine-enjoy mo naman ang moment ay mabilis, feeling mo kulang pa ang oras. Sige na nga,
kunyari ay makikinig muna ako. Sabi ni Ma’am, “Class, every two weeks, a language dies, it is faster than
the extinction of animals, plants.” Whatta? Ganun? E may umiiyak rin kaya pag natsutsugi ang language,
at may burol din ba? Puro naman kasi kalokohan ang naiisip ko, palibhasa dakilang pilosopo ako, mag-
Major in Philosophy nalang kaya ako?Hehe. And now, tapos na ang class, nagsasaya ang aking puso pero
bigla ring nalungkot kasi first subject palang pala itey, may apat pa.. Well, ang balon.
Kasama ko si Harra habang kami ay naglalakad papunta sa aming next subject. Nagmamasid ako sa
paligid, at nahagip ng tingin ko ang isang guy, mukhang seryoso at mukhang hindi marunong ngumiti.
Pero impernes, aminin, ang gwaping ng dating ng boylalu na ito, mukha pang matalino. Kontento na ang
beauty ko na masilayan lamang siya from a distance, ayoko kasing makilala pa siya baka may hindi ako
magustuhan sa kaniyang ugali. And I believe na kapag crush mo siya, crush na lang teh, wag nang umasa
pa na maging close kayo kasi mas may thrill kapag you don’t know each other ang drama. Pero hindi ko
siya crush ha, inappreciate ko lang ang kaniyang kagwapuhan. Inalis ko na ang tingin ko sakaniya at
kinausap nalang si Harra. Eto naman si Harra, sobra problemahin ang lablyp, ke paano raw malaman
kung gusto ka ng guy, o sabihin ang iyong feeling. Syempers ay expert ako sa mga bagay na iyan kaya
todo advice naman daw ako, iyon nga ang weird e, kasi sarili mong problema hindi mo maayos.
SECOND CHAPTER~
“LJ!” narinig kong tawag sa akin ng aking kaibigan na si Shanel nang paalis na kami sa canteen, dumaan
muna kasi kami saglit ni Harra para bumili ng pagkain. “Oh hi shanelbelles, ano ang maipaglilingkod ng
iyong mabeauty na kaibigan?”sabi ko naman daw. As usual pokerface lang itong si Shanel, hindi mo
talaga basta-basta mapapangiti, parang napakamahal kasi ng ngiti niya e (bagay ata sila nung guy na
nakita ko kanina)“I just want to ask if you have heard of the news about Liwynn, you know, she and her
boyfriend just broke up,”ang sabi ng inglesera kong friend. “Ah, really? I do not know about it until now,
all I can say is it is a verygood news! ”sagot ko na may kasamang kindat at super-wide smile,
gayunpaman, tila wa epek parin ito kay Shanel kaya nagpaalam na ako kasi may klase na ulit kami at
hinihintay na ako ni Harra.
Nasa loob na kami ng classroom pero ako ay nagmumuni-muni sa mga bagay sa mundo, paano kasi ay
mid-sem na pala pero parang hindi ko ramdam. Hindi naman ako masyadong naging busy, hindi rin
masyadong na-stress, parang may kulang na element sa aking college life at ito ay.. PAPA! Tama,
kailangan ko ata ng papables, pero hindi naman kasi ako iyong tao na maghahanap eh, pag meron e di
meron, wala di wala, go with the flow lang kasi ako. “Oist, ano na naman ang iniisip mo diyan?”bulong sa
akin ni Harra, isa din itong si Harra e, hindi nakikinig, mas gusto raw niyang makipagdaldalan sa akin kaya
pinagbigyan ko nalang ulit. At natapos na ang klase na kaming dalawa ay nagdadaldalan, at natapos na
rin ang isa pa, at isa pa. Hanggang sa huli na naming klase ang aming pinasukan, eto yung klase na
parang gusto mong tulugan kasi ang boring. Tapos ang bait pa ng Prof kaya imbes na makinig ka ay
aabusuhin mo yung kabaitan niya kaya hindi ka talaga makikinig.
Dubdub.dubdub. ang bilis naman ng tibok ng puso ko, anong meron? Baka andito na ang aking prince
charming? Sana nga. Come to think of it, hindi ako masyadong nagmamasid sa klase lalo na ito kaya
habang maaga pa ay makapag-sight seeing nga baka may magandang view. Cannot be, cannot be,
cannot be, puro naman cannot be, ayoko na nga, makapag-Cr muna. Nang papasok na ulit ako sa room
ay may nakabunggo sa akin, ang lapad ng katawan,at mukhang malaking lalake. Nakasimangot na ako
kasi may mga dala pa siya na nalaglag at bumagsak sa paa ko. Tinulungan ko nalang siyang pulutin ang
mga iyon at nang ibinalik ko na sakaniya, saka ko palang nasilayan ang kaniyang mukha. Ang GWAPO,
shocks, bakit parang ngayon ko lang ata siya nakita? Wait, parang may hawig siya...HUH? Huwag mong
sabihin na siya iyong nakita ko kanina? Ganito pala ang kaniyang hitsura kapag close-up, oh no, cannot
be ito, kailangan mag-borrow. Teka, makapag-isip nga ng maayos, naku, hindi naman umeepekto.
“Sorry miss, okay kalang ba?”narinig ko siyang nagsalita, napakalumanay, at the same time napaka
powerful ng kaniyang voice. Ang weird naman ata ng description ko sa boses niya, ah basta, eto yung
boses na tatatak talaga sa utak mo.
Pero dahil ayokong magmukhang na-mesmerize ay sinungitan ko siya, kahit gwapo siya, hindi ako
magpapa-kyut no! “Hello?ano kamo okay lang ako? Ay oo, okay na okay ako. Try mo kaya no na
mabangga ng mas malaki sa iyo tapos mabagsakan pa ng gamit sa paa, sa tingin mo magiging okay ka?
Hmp” sabi ko nalang at biglang pumasok sa room.
Napansin ata ni Harra ang pamumula ko kaya agad siyang nagusisa. “O anung nangyari sa iyo Ms.
Cosplayer?” sabi niya, tinawag na naman niya ako na Cosplayer. Hanggang ngayon hindi parin niya
makalimutan noong tinawag ako ng ganun ng isa naming Prof, hay, e hindi naman kasi ako nagco-
cosplay. Anyways, nakatingin lang ako sakaniya nang matagal at saka palang ako nakasagot. “Wala ah,
inaantok lang ako” sagot ko na hindi nakakakumbinsi. “Weh? E bakit ka namumula? Siguro may ginawa
ka na naman no?” pangungulit ni Harra. Nainis ako kaya nasabi ko tuloy na, “Hay naku, wala nga e,
makinig ka na nga lang for a change.” Tumahimik siya at tumalikod sa akin, habang ako naman ay
nakatitig sa kawalan.
THIRD CHAPTER~
“Uy Harra, sorry kanina ha?” bigla kong sabi kay Harra nang nakalabas na kami sa room. Tumango lang
siya at nagpaalam na kasi may pupuntahan pa raw siya. Sigh. Ano ba naman kasi ako, pwede ko namang
sabihin ng maayos yung kanina kaso nasa state-of-shock pa raw kasi ako. I-eexplain ko nalang kay Harra
sa Wednesday, hindi kasi kami everyday classmates, every other day lang. Garabe lang talaga, hindi pa
rin ako makaget-over sa nangyari, ang gwapo kasi nung nakabangga sa akin. Naalala ko tuloy ang aking
panaginip, OH_em! Hawig niya ang aking prince charming.. hindi kaya...? Masyado naman ata akong
umaasa, baka masaktan lang ako, naks. Pero winner na winner ang boses ni kuya, palung-palo! Siya na
the best! Singer siguro siya? Ah, basta mukha siyang Koreano, tsuk!
Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa tambayan naming magkakaibigan para sumagap ng chismis.
“LJ namiss kita!” ang salubong sa akin ni Ilary, tama, Ilary hindi Hillary. “Eto naman, maka-hug ka lang ha,
wagas!” ang biro ko sakaniya. “Namiss nga kita eh, matagal ka na kaya naming hindi nakasama, busy ka
ata ha?”sabi ni Ilary. “Busy-busihan lang iyan” sabat naman nitong si Nelia, Nel for short, isa pa, hindi
raw niya feel na tawagin siyang Nelia, ang baduy daw. “Olryt, hindi ako busy, tinatamad lang ako
lumabas kaya umuuwi ako agad (iyon pala ay pupunta sa Quantum mamaya)” sagot ko. Sumali na rin sa
usapan si Shanel, “I told Lj na about Liwynn and her ex, would you mind telling us the whole story
Liwynn?” sabi ni Shanel sa kararating lang na si Liwynn. ”Pwede bang umupo muna?” sabi naman ni
Wynn. “Ay, okay lang hindi naman kami nagmamadali e” sagot nitong si Nel. Naku naman tong si Nel,
gusto kong batukan, aalis kaya ako, ish. At nang nakaupo na siya..“Ganito kasi iyon..”pagsisimula ni
Wynn.
“Bye guys, mauuna na ako” paalam ko sa kanila. Sa wakas ay makakapunta na ako sa Quantum, yey!
Habang naglalakad ay iniisip ko yung revelation ni Wynn kanina, may boylet pala siya kaya naman okay
lang na mag-say goodbye siya sa kaniyang bf. Pero mas okay na iyon kasi parang di naman siya
pinapahalagahan ng kaniyang bf dati e, hindi rin naman siya kagwapuhan kaya it’s his loss, not my
friend’s. At dahil ako ay masyadong excited mag-Quantum, tumakbo na ako. Di ko naman naisip na sa
pagtakbo kong iyon ay may mabubunggo ako. “IKAW??????!” ang sabi ng nabunggo ko. What? Siya na
naman? ang sabi ko rin sa sarili ko. Atleast now we’re even, although hindi ko naman talaga sinasadya.
“Alam kong hindi ka okay, I’m sorry” pinangunahan ko na siya, baka ibalik niya sa akin iyong sinabi ko
kanina sa kaniya e. Buti nalang wala siyang dala at nagmamadali rin ako kaya tumalikod na ako at
lumakad papalayo.
FOURTH CHAPTER~
IN HIS PERSPECTIVE..
“Hello?ano kamo okay lang ako? Ay oo, okay na okay ako. Try mo kaya no na mabangga ng mas malaki
sa iyo tapos mabagsakan pa ng gamit sa paa, sa tingin mo magiging okay ka? Hmp”
Nag-eecho parin sa isip niya ang boses ni LJ, at naisip na nakakatuwa siya magsungit. “Matagal ko rin
siyang hinanap, dito lang pala kami sa campus magkikita, akalain mo yun?” sabi niya sa sarili. “Hoy pre,
nababaliw ka na ata diyan” biro ng kaibigan niyang si Miko. “Naaalala mo ba iyong nakwento ko sa iyo
dati na crush ko noong elementary, tol?”tanong ni Moshy. Siya si Moshy, cute na pangalan para sa
malaking tao, six-footer pa si Mosh at mukhang suplado. “Oh bakit pare? Nakita mo na ba siya?” sagot ni
Mik. Tumawa ng malakas si Mosh, “Hindi lang nakita, nakausap pa pare” ngiting-ngiting sagot niya sa
kaibigan. Grabe ang lakas ng tama nito, naisip ni Mik, “Tapos anung nangyari? Nakilala ka ba niya?
Malamang hindi, gwapo mo na ngayon pre, kumpara dati.” Binato ni Mosh ng lapis si Mik, “OO na,
pangit ako dati, mataba. Hindi niya ako nakilala kasi hindi naman kami nagkausap ng maayos. Basta pre,
makikita mo, magiging girlfriend ko siya.” “Lakas ng loob mo pre, pano kapag may syota? Kung ako sayo,
huwag ka ng umasa” sagot ni Mik. Hindi na sumagot si Mosh, bagkus ay binato ng eraser si Mik.
BACK TO DECEMBER, ESTE BACK TO HER (LJ)
Napagod ako dun ah, pero okay lang, atleast nakapag-labas ako ng lakas ng loob. Well, ang balon..Asan
na kaya iyong mamang iyon? Akalain mo yun, dalawang beses pa kaming nagkita? Tila ba pinagtatagpo
kami ng kapalaran.. Naisip ko habang naglalakad pauwi sa aking bahay the second (boarding house),
umiiling-iling pa ako sa daan kaya mukha akong ewan. Nakarating na ako sa bahay at sa dami ng iniisip,
hindi ko napansin ang boardmate kong si Ate Lets. “Uy, LJ, parang wala ka sa sarili mo ah,” sabi ni Ate na
may kasamang pagkiliti sa aking tagiliran. “Ate naman e, may iniisip lang kasi ako. Kasi naman.. Hay ate
alam mo ba may ikkwento ako..” at sinimulan ko na ngang ikwento ang naganap kanina.
“Alam mo ba yung pangalan niya?” tanong ni Ate pagkatapos kong magkwento. “Unfortunately, hindi
ate e, hindi ko talaga siya kilala” sagot ko. “Ako, alam ko ata ang pangalan niya, nararamdaman ko” sabi
ni Ate Lets “Nagsisimula sa letrang M at nagtatapos sa letrang Y.” Huh? Ano naman kaya yun, Manny?
Sabi ko sa loob-loob ko. “Yun lang ba ate?” tanong ko ulit, at doon ko lang napansin na nakatulog na pala
si Ate sa kaniyang kama, hay si Ate talaga, oo. May alam nga kaya siya? O baka echos niya lang iyong
mga sinabi niyang clue? Hmm. It doesn’t matter for now, papangalanan ko nalang muna siya ng.... Lee!
Lee? Bakit Lee ang naisip ko? Tutal mukha naman siyang Koreano, oops! pang-chinese pala yun diba?
Ah basta, cute naman yun at mukhang bagay sa kaniya. Idagdag pa natin ang clue kanina, dahil M___Y +
Lee, parang MY LEE lang ha? Except na may space pa sa gitna ng M at Y. So much for this, makatulog na
nga rin muna, baka mapanaginipan ko ang aking prince charming.
FIFTH CHAPTER~
Tumatakbo ako sa campus, walang anu-ano’y napatigil ako para umupo sa bench sa Court A. Tila ako ay
may hinihintay na katagpuin, sino? Hindi ako sigurado. Maya maya ay may lumapit na isang lalaki,
pamilyar ang mukha, parang siya ang laman ng aking panaginip noong isang gabi. Umupo siya sa tabi
ko at tumingin sa akin. Hayan na naman ang nangungusap niyang mga mata, habang ako ay nakatitig
lang sa kaniya. At hindi ko namalayan na umuurong na pala ako palayo sa kaniya, hanggang sa...
KABLAGGGG!!! Aray ko naman, nalaglag ako sa kama! Ano kaya ang susunod na mangyayari sa
panaginip ko? Malamang malalaglag ako sa bench tapos sasaluhin ako ni prince charming! Weh?
Makapang-imagine naman ako oh. Naku! Late na pala ako, napasarap kasi ang tulog ko. Sino ba naman
kasi ang gugustuhing magising mula sa isang panaginip na ang makikita at makakasama mo ay isang
makisig na nilalang? Sinooo? Sinoooooooooo? At sino rin ang may sabi na pwede akong ma-late ngayon
e meron pala kaming quiz? Quiz? Paktay, wala akong alam.
Tumakbo na naman ako papuntang campus, at parang sa panaginip ko, natigilan ako. Hindi para umupo
sa bench sa Court A, kundi para tingnan lamang kung merong tao doon. Saka lang ako natauhan nung
kinalabit ako ng kaibigan kong si Nel. Hala, late na nga ako, nakatunganga pa ako dito. Dali-dali akong
tumakbo papasok sa aming classroom, pansamantalang kinalimutan ang nangyari sa aking panaginip..
17/20. Not bad para sa hindi nagreview, buti nalang at medyo nakinig ako nung last meeting kaya may
nakuha naman ako sa quiz. Hay, lunch break na pala at kumakalam na ang aking sikmura. Nasa canteen
lamang ako at hinihintay ang pagdating ng aking mga kaibigan. In the mean time, makapag-eavesdrop
nga muna.. dito nalang sa mga freshmen na malapit sa counter.
“Alam mo may crush na crush ako dito sa campus! Ang hot nya mare! Lagi nga akong tumatambay sa
Court A kasi doon siya nagbabasketball!!!”narinig kong sabi ng freshie, iyon ang tawag namin sa mga
bagong salta dito sa campus. Grabe naman siya makapag-react, sabagay, bata pa kasi. “Sino ba siya?
Kilala mo? Parang may narinig na kasi ako dati na parang ganyan, describe mo nga siya” sagot naman ng
isa ring freshie. “Matangkad siya, malaki ang katawan, maputi, YUMMY. Regarding his name, hindi ko
sure, ang alam ko lang Lee ang surname niya” sagot niya sa kausap. Lee? Parang familiar ang name ah,
parang... yung ano..tulad ng.. Naputol ang pag-iisip ko nang dumating na sila Nel, Wynn, Ilary, wala si
Shanel. “Bakit wala si Shan?” ang tanong ko sa kanila. “May lunch date raw with her Dad”sagot ni Ilary.
“Ahem ahem. And i quote..’Guys, i’ll be having a lunch date with my Daddy, please don’t wait for me
‘coz it’ll took long. Don’t worry I’ll buy you nalang some food when i’ll get back. See you!’” ang sabi ni
Nel, ginaya pa ang maarteng pagsasalita ni Shan. “Haha loko ka talaga Nel!” sabi naman ng tawang tawa
na si Wynn. “Ah ganun pala yun, so pwede na ba tayong kumain? Gutom na gutom na ako eh”
pagtatapos ko sa usapan at dali-daling pumunta sa counter para bumili ng lunch.
SIXTH CHAPTER~
“Grabe ka LJ, ilang araw ka bang hindi kumain?”pagbibiro ni Nel. “Isang buwan ata” matipid kong sagot
habang ngumunguya ng banana cue. “May problema ka ba tol?”tanong ni Wynn. “Wala naman, may
iniisip lang”sagot ko. “Uy may lovelife ka siguro no?”pang-iintriga naman ni Ilary. “Ako? Joke ba yan? Ni
wala ngang makita na gwapo dito e. Galing mo talaga magbiro” sabi ko kay Ilary. “Basta pag meron ha,
pakilala mo agad sa amin”singit ni Nel. “Oo nga, tapos yayain natin gumimik” pagsang-ayon naman ni
Wynn. “Sige, pero pustahan tayo, ga-graduate na tayo at lahat ay wala parin siya..”pangontra ko naman.
Hindi ko inaakala na nandiyan lang pala siya sa tabi-tabi na nagmamasid at naghihintay sa akin...
Hapon na at palabas na ako ng campus. Gusto ko ng mahiga agad kasi inaantok ako.
Haaaaaaaaaaaaaaaah. Humikab ako ng matagal na matagal habang patuloy na naglalakad. Pagdilat ko
ng aking mata ay nakita ko si mukhang koreano. Nakangiti siya sa akin na para bang close kami, pero
kumpara noong una ko siyang nakita ay tila kakaiba siya ngayon. Parang iba ang aura niya, mukha siyang
masayahin at approachable. Pero looks can be deceiving, kaya hindi ako magpapaloko sa nakakaloko
niyang ngiti. Inirapan ko lang siya, what does he expect? I’ll smile back? Neknek niya! So hayun, patuloy
lang ako sa paglalakad, hindi ko alam na sinusundan pala niya ako.
“Kailan.. Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong aking gawin, di mo pinapansin,”narinig
ko nalang na kinakanta ng isang nilalang malapit sa akin. Parang pamilyar ang boses, kaboses nung
Koreano. Haha, imposible naman yatang siya to. Why the heck would he be here? Following me? Sus.
Assuming naman ako masyado. Pero nang lingunin ko na ang misteryosong nilalang ay lumaki ang mata
ko sa aking nakita! Si Koreano nga! Dahil inaantok ako ay hindi ako nakapag-isip agad ng aking gagawin
kaya naman nagulat na lamang ako sa sunod na nangyari. Kinuha niya ang bag ko at dinala ito saka
nagsimulang humakbang sa unahan ko. Muntik na akong sumigaw ng ‘magnanakaw!’ pero nawalan ata
ako ng boses. Maski ang boses ko ay nagulat kaya ayaw lumabas, nahiya ba. Kaya naman hinayaan ko
nalang na bitbit niya ang bag ko, tutal kanina pa nga ako nabibigatan doon e. Lumingon si Kpop at
tinanong kung saan daw ba? Anong saan naman kaya ang sinasabi nito? Nasabi ko sa sarili ko. Buti
nalang at inulit niya at sinabing, “Saan ba ang bahay niyo?” saka lang naging malinaw sa akin na yun pala
yung tinanatanong niya. Tinuro ko lang sa may kanan at patuloy kaming naglakad na malayo ang
distansya sa isa’t isa.
Nasa labas na kami ng bahay, kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam. Papasok na ako sa pinto nang
marinig ko siyang sumigaw ng, “Bukas ulit ha?” ano na naman kaya ang sinasabi niya? Muli ay kinausap
ko ang aking sarili pero dahil inaantok na ako ay hindi ko na yun inisip. Dumiretso na ako sa kama at
nahiga.
SEVENTH CHAPTER~
Nagising ako ng madaling araw. Napahaba ang tulog ko at hindi na ako nakakain ng dinner. Nagutom ako
kaya lumabas ako sa kwarto. Naabutan ko sa sala si Ate Sha, boardmate ko mula sa isang kwarto. “Until
what time bukas ang office mo ate?”pagtatanong ko, mukhang magpupuyat na naman kasi si ate. As
usual, ang sagot niya ay indefinite ang bukas ng kaniyang office. Ngumiti na lang ako at naghanap ng
makakain. Buti nalang at mayroon pa akong bread kaya yun ang kinain ko saka ako uminom ng gatas e di
solve!
Dahil kagigising ko lang ay naghanap na lang ako ng pagkakaabalahan. Kinalkal ko yung mga gamit ko at
naghanap ng mababasa. Napansin ko ang isang piraso ng papel na lukot na lukot, hindi ko maalala na
may nalagay ako sa bag ko na ganun. Ano naman kaya ang nakasulat dito? Nagulat na naman ako. “I like
you ” Hay naku kung may sakit lang ako sa puso ay malamang naatake na ako, kanina pa ako nagugulat
e! Sino naman kayang baliw ang nagsulat nun? Hindi rin naman pala ako nakakasigurong para sa akin
yun kasi walang pangalan. Malay natin may nagtapon lang nun sa bag ko, akala basurahan. Wala
namang ibang naghawak ng bag ko di ba? Hmmm. Wala nga ba? Parang may nakalimutan ako ah. Ano
na yung nangyari kanina..?
Ohmyshoes! Ngayon ko lang naalala. bakit ba kasi wala ako sa sarili ko kanina?! Nakakahiya naman yung
kanina, pinagbitbit ko ng bag ko yung di ko kilala. Pero siya naman ang nagkusa eh, kaso hindi pala ako
nakapagpasalamat, super fail lang talaga oh! Teka, may nabanggit ata siyang Bukas ulit, kaya bukas
nalang ako magte-thankyou sa kaniya. Hay.. ano ba bukas? Wednesday pala, mag-eexplain din ako kay
Harra at kukwentuhan ko nalang rin siya tungkol sa nangyari sa akin kanina at nung isang araw. Wala
naman yatang masyadong gagawin bukas este mamaya sa mga subjects ko eh kaya parang natutukso
akong mag-absent. Oh tukso, lumayo ka sa akin, mabilis lang akong matukso, parang awaaaaaa.
Napagpasiyahan kong matulog na ulit at inisip si Koreano. Kamusta na kaya siya? Bakit niya kaya ako
sinundan kanina? Kilala ba niya ako? Hay andaming tanong sa aking isip. Mamaya rin ay dapat yun
masagot kasi kukulitin ko siya. Kaya kelangan ko na matulog para hindi ako antukin mamaya at
makapag-isip ako ng mabuti.
WHAT HE THINKS..
Magtatapat na ako sa kaniya bukas, sasabihin ko na ang lahat at yayayain ko siyang makipag-date.
Hindi ko na siya papakawalan pa, sana ay wala siyang mahal na iba.Pero willing naman akong maging
kaibigan muna siya kung yun ang gusto niya, wag lang ulit siya mawala sa akin..
EIGHT CHAPTER~
Hindi isang makisig na mukha ang nanggising sa akin kundi ang matinis na boses ng aking boardmate
na si Trix. “Lj wala ka bang pasok?” paulit-ulit na tanong niya sa akin habang inuuga ang aking kama.
Pikit mata kong sinabing meron akong pasok at nagtanong kung anong oras na. “Alas-otso na”matipid
niyang sagot habang pakanta-kanta pa. Agad akong napabangon sa kama dahil 8:30 ang pasok ko, 30
minutos na lang. Habang nagpapainit ako ng tubig na panliligo ko ay namili na ako ng aking isusuot.
Hmm. Will i go for the rockstar type? O yung mukhang dalaga? Or let’s go for the anime type! Pero yung
simple na lang kaya? I know yung pambata nalang! Tama! keri ko naman kasi mukha pa rin akong bata.
Minsan nga napagkakamalan pa akong elementary or highschool, dahil na rin siguro sa height ko, but it’s
okay, atleast hindi mukhang matanda. Eeeeeeeeeeng. Kumukulo na yung tubig, ligo na raw ako sabi ni
Mr.teapot.
Pa-easy easy pa akong naglalakad habang nakikinig ng music, bahala na, feel ko magpabagal eh. At
dadaanan ko na naman ang court, imbes na mga nagba-basketball ay mga nagte-tennis ang nandito,
sabagay, masyado namang maaga para mag-basketball. Lalalalalalalalalalala, ang ganda ng sikat ng
araw, nakikiayon sa aking nararamdaman. Hay.. bakit ba ako masaya? Lagi naman akong masaya eh,
wala namang dahilan para hindi. Hayan, lahat ata ng nakakasalubong ko nginingitian ko, feeling close na
ako. Hanggang sa..... Ay butiki! Muntik na akong madulas dahil hindi ko napansin yung lumot na umepal
sa may hagdan. Anech ba itey, muntik na ko doon ah, sayang naman ang “sunshine aura” ko kung
ganoon. Well, ang balon..
Tapos na ang first subject at agad ko nang kinuwentuhan si Harra. Nahawa ata siya sa good vibes ko kaya
bati-bati na uli kami. Sabi ko sa kaniya mamaya na ang tanong kapag tapos na akong nagkwento, hindi
ko naman inakala na napakarami pala niyang tanong. Naubos ang oras sa aming dalawang subject na
iyon parin ang pinag-uusapan namin, ang OA di ba? Pero totoo yun, madaldal kasi si Harra, e lalo naman
ako. Hehe. So last subject na, hindi ko alam kung bakit parang kailangan kong tumingin sa paligid. Kaya
naman nilibot ko ang aking tingin sa room, yun pa rin naman ang mga kaklase ko, wala namang bago.
Except siguro parang ang konti namin ngayon, siguro tinamad silang pumasok. Sabagay, ako rin naman
tinatamad eh, kung hindi nga lang ako nasasayangan sa percentage ng attendance at dahil na rin sa
pangongonsensya ni Harra, e malamang umabsent na ako. Magche-change topic na sana kami kaso bigla
akong napatunganga sa nakita ko. “Si koreano nandito” halos pabulong kong nasambit.
“Asan siya? Asan?”tanong ni Harra. “Sinong nasaan?”sabi ko na tila wala sa sarili. Heto ang lalaking
laman ng diskusyon namin kanina, malamang ay ilang ulit nang dumugo ang kaniyang labi sa ilang ulit
naming pagbanggit sa kaniya. Kaya pala ang pula ng labi niya.. hay.. HOY! Panggigising sa akin ni Harra.
“Ha anung nangyari, may sunog saan?” maski ako naguluhan kung bakit ko yun nasabi pero salamat kay
Harra at normal na ulit ako, Welcome back to me! So what’s next? Alangan namang lumapit ako sa
kaniya, nakakahiya naman. Kunyari na lang ay hindi ko siya nakita para hindi dyahe, eeeeh, ano ba
kasing dapat gawin? Bahala siya, kung kakausapin niya ako e di lumapit siya, di ba?
NINTH CHAPTER~
Natapos na ang klase at wala pa ring nangyayari. Ah alam ko na, kukulitin ko muna si Harra na ilibre nya
ako sa canteen. Isang hakbang na lamang at makakalabas na ako sa room nang biglang may humawak
sa braso ko na parang pinipigilan ako. At sino naman tong ugok na to, hadlang to sa kaligayahan ko ah.
Haharap na sana ako at susungitan kung sino man ang taong ito kaso nagsalita siya bigla. “Hi LJ,”
pamilyar na boses ang narinig ko, si...?”Koreano,” pagkukumpleto ni Harra na nasa labas na at tinitignan
pala ako. Ayoko munang lumingon, hindi prepared ang face ko sa moment na ito kaya naman nag-hello
ako habang nakatalikod at sinabing “puwedeng sa labas na lang?” with matching ‘hehe’ na halatang pilit.
Hanobayan.
Hindi na natuloy ang pagpa-palibre ko kay Harra at hindi man lang siya nagpaalam sa akin, hmp. Well,
ang balon. Ano na? Dead air. Magsasalita na sana ako, kaso ano naman ang sasabihin ko? Kamusta ka,
ganon? Bakit mo ako ihahatid, ganyan? Hay. Labo, sige na nga, pasubok. “Heler? Salamat pala kahapon
sa pagbitbit ng bag ko, hehehe. Nakalimutan kong magpasalamat” sabi ko na mukhang energetic, at the
same time apologetic. “Okay lang iyon, nag-enjoy naman akong kasama ka” sagot niya. At nambola na
agad ang manong. “Teka bakit mo naman ako hinatid? Hindi nga tayo magkakilala eh” pagtatanong ko.
“Kilala kita, crush kita noon eh” pagtatapat niya. Natigilan ako, sino nga ba tong lalaking to? Bakit niya
ako kilala? Crush daw? Hindi kaya maniac to? O baka naman may balak siyang masama sa akin?!?
“Parang awa niyo po. Huwag po, menor de edad pa ako. Hindi pa ako nakakapagparami ng lahi, madami
pa akong gustong gawin”pagmamakaawa ko kay Koreano turned stalker, teka crush lang stalker na
agad? Hindi ba puwedeng.. uhm. Nevermind. Natuwa ata siya sa mga pinagsasabi ko at napakalutong ng
tawa niya. What’s funny dude? Ansarap batukan nito ah, natatakot ako hindi nagpapatawa.
“Schoolmate mo ako dati sa Eastside Christian Academy, sinusungitan mo nga ako dati eh” sabi niya.
Schoolmate? E wala naman akong maalala na mukhang Koreano dun ah, at tsaka bata pa ko nun, hindi
ko masyadong ma-recall. “Binigyan pa kita ng sulat dati at sinabing I like you kaso hindi mo na ako
pinansin pagkatapos nun.. sinusundan din kita dati, pero bigla ka namang nawala sa school” dagdag
niya. “Ah, nag-transfer kasi ako e..” sagot ko. “Kaya pala, ang tagal kitang hinanap..” sabi pa niya. Hindi
ako makapaniwala sa mga narinig ko, may nagkakagusto sa akin dati at naalala pa niya ako ngayon,
wow, amazing. Pero bakit ngayon lang at bakit naman kaya? Parang ilang taon na kasi ang lumipas mula
nun, nakapagtataka lamang at dito sa campus pa kami muling nagkita. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa
kaniya dahil sa sobrang daming tumatakbo sa isip ko. “Hey, nakikinig ka ba? I know na nakakagulat ang
mga narinig mo but please maniwala ka sa akin, i’m not lying” sabi niya sa akin nang mahalata ang
pananahimik ko. Heler ulit, ano siya? Syempre dinadamdam ko muna ang mga pangyayari, masyado
akong na-overwhelm. Teka, inhale exhale ulit at talon talon muna para makapag-isip ng mabuti.
Nakamasid lamang siya sa akin habang hindi ako mapakali at biglang niyang sinabing, “Ang cute mo pa
rin tulad ng dati.” Inayos ko na ang hitsura ko saka siya hinarap. Ngumiti, at sinabing... “Salamat dahil
hinanap mo ako. ”
TENTH CHAPTER~
Napagkwentuhan na ata namin lahat ng pwedeng mapagkwentuhan noong kami ay bata pa. Ibang
comfort pala ang nararamdaman kapag may kasama kang schoolmate mo ngayong college.. E wala kasi
akong schoolmate nung high school na dito nag-aaral sa university e, atleast meron siya, kahit
elementary schoolmate pa. At dahil sa daldal niya, hindi namin namalayan na andito na pala kami sa
bahay, nag-enjoy akong kausap siya, impernes. But it’s time to say goodbye na, may gagawin din kasi
ako eh. (Ano naman daw? Ang isipin lahat ang sinabi niya, hehe kala mo kung ano no?) “O dito na ako,
salamat sa paghatid” sabi ko sa kaniya. Pero parang ayaw niya pang umalis kaya tinulak tulak ko siya na
para bang pinagtatabuyan. Kaso hindi ko siya matulak ng buong buo kasi naman ang laki niyang tao.
Nagulat na lamang ako nang yakapin niya ako. Once again, i’m not prepared for this moment, tigidig
tigidig my heart. Gusto ko sanang magbiro at sabihing kakasuhan ko siya ng harrassment pero tila ba
ayaw kong magsalita at ramdamin na lamang ang sandaling nasa bisig niya ako. Naks naman, makata na
pala ako ngayon. Ilang segundo rin niya akong yakap bago niya ako tuluyang bitawan at sinabihang mag-
ingat ako. Patawa naman siya, nandito na ako sa bahay pero ako pa ang sinabihan niyang mag-ingat, e
siya dapat kasi uuwi pa siya. Teka, san nga pala siya nakatira? Sa tagal naming nag-usap ay hindi ko
natanong. At ang mas importante ay ano ang pangalan niya?
Kanina pa pala siya nakaalis at naiwan akong nakatunganga sa labas ng bahay. Kung hindi pa umambon
ay hindi pa ako aalis sa aking kinatatayuan, naman kasi bakit ang hilig kong matunganga? Dali-dali na
akong pumasok sa bahay dahil lumalakas na ang ulan at nang bubuksan ko na ang pinto ay.... nadulas
ako! Eto na yung naudlot kanina na aking pagdulas sa campus, buti na lang at dito na sa bahay. Tawa ako
ng tawa dahil naalala ko ang sinabi ni Koreano kanina, na mag-ingat ako, nakakatawa naman, dapat pala
nag-ingat ako. “Neng, ilan ang nahuli mong palaka?” pagtatanong ng landlady naming si Tita Flor, na
agad akong pinagbuksan ng pinto. “Tita naman eh” sabi ko saka sinundan ng tawa. “May nadulas bang
masaya?”sabi naman ng isa ko pang boardmate na si Ate Jess. (Ayan, kumpleto na, bale lima ang
boardmates ko-si Ate Lets, Ate Sha, Ate Jess, si Trix and ofcourse si Tita Flor. O diba happy family kami?)
Back to the story.. “Wala ate, may naisip lang kasi ako” sabi ko naman. “UY si LJ, lalaki na naman ba
iyan?” pang-aasar naman ni Trix. “Oy hindi ah, pag may naisip lalaki agad?” sagot ko naman daw. “O sige
na neng, magpalit ka na ng damit mo kasi ang dumi mo oh” pagtatapos ni Tita, buti na lang to the rescue
siya kung hindi, hindi ako titigilan nitong si Trix.
Gabi na at sa wakas ay nag-dinner ako. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagluto dahil busy-busihan
kuno. Ngayon ay nasa mood ako kasi inspired ako, patunay ang masarap na luto kong adobong manok.
Minsan kasi ay maalat, o kulang sa lasa ang mga luto ko kaso ngayon ay perfect lamang sa aking taste.
Nabusog ako ngayong araw na to, hindi lang sa pagkain kundi sa kasiyahan.
CHAPTER 11: WHERE WILL IT LEAD?
"What's the matter, peanut butter?" sabi ko sa nakasimangot na si Ate Lets. Ke aga aga nakasimangot
siya, come on life is beautiful! "Nakakainis kasi yung si Jef hindi pa nag-send ng powerpoint, kagabi ko
pa hinihintay. Paano ko magagawa yung group report namin?" sagot ni Ate. Haynako, kulangot sa pader
talaga yang kuya Jef na yan, laging paimportante, feeling VIP.
"Ano ba number niya ate at pasasabugin ko ng mga text ang inbox niya?" pagbibiro ko, hoping I could
lighten up her mood. "09265382917"-siya. "Yan na ba talaga ate? Ney globe siya ah, pa-text na lang ako
ate, hihihihi"- ako. "Naniwala ka naman na ibibigay ko yung number niya? Uto-uto ka talaga. Maligo ka
na nga, late ka na naman"- siya
Ouch that hurts. Talaga nga namang truth hurts. Mabilis kasi akong maniwala sa sinasabi ng mga tao,
lalo na kung ka-close ko pa. I think I just trust them much not to even doubt them, minsan hindi ko na
alam kung ano yung totoo sa hindi! Atleast she's smiling, that's the least I can do for her not to spoil her
morning. Well, ang balon.
<<IN SCHOOL>>
"Goodmorning!" masaya kong bati sa aking mga ka-org/ friends. Wala kasi kaming organization na
sinalihan so we decided to make our own, ang HAPPINESS ORG! Yeah, and I am a proud member kaya
naman as a member I should embody the name. HAPPINESS! That's why I always make myself happy
kahit na minsan mukha na akong krung-krung sa mga pinaggagagawa ko. :')
"Wazzup LJ!" bati ni Wynn. "Morning too" si Shanel. "Blooming ka ngayon ah" sabi ni Ilary. "Kainis"
biglang sabi ni Nel. "Anyare Nel? Galit ka ba sakin?" tanong ko sakaniya. " 'di, kainis kasi yung mga
boardmates ko ang ingay kagabi. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos " sagot ng naghihikab pa na si
Nel.
Ah, I see. Kala ko naman may kasalanan na ako. You see, with this things I'm much sensitive. Kung
tungkol sa friends ay overly concerned ako, I don't want anyone to feel bad or get angry because of me,
I dislike negative feelings. Though as humans, we are inescapable of feeling emotions, whether
it'll be gooc or bad. And as humans, we are bound to err. But knowing this as a fact does not give us
enough excuse of committing a sin, right?
So there, nag-lecture na naman ako. Anyways..
"Lipat ka nalang Nel, may mababakante sa amin" sabi ko na lang at hindi na ginatungan ang kaniyang
negative feelings. "SIge, tara punta tayo maya sa inyo. Pero sino ba aalis, may ga-graduate na sa inyo?"
tanong ni Nel. "Well.." after a long, long pause...
..AKO"
CHAPTER 12: MY HAPPINESS
There was silence. Nabigla ata sila lahat sa sinabi ko, teka, I shouldn't have said that. Hmm. At bigla,
sabay-sabay silang nagsalita. Hindi ko sila maintindihan, parang iba't ibang lenguahe ang mga salita
nila. "Come on you guys, easy lang, I was just kidding" sabi ko. "Hey, it's not a nice joke" si Wynn. "Akala
ko iiwan mo na kami, di ba sabay-sabay tayong ga-graduate?" maluha-luhang sabi ni Ilary. "Makagawa
ka lang ng eksena ha" si Nel. "Hehe" pa-kyut kong sagot.
Pero si Shan..nag-walk out. "Halakata, si Shan o, umalis" sabi ni Nel na ang tingin ay sa akin. "Bakit mo
naman kasi yun sinabi Tol?" si Wynn. "Biro lang naman iyon e, you know that I would never leave you
guys." Little did I know that the joke I made will soon be real.
Nang walang anu-ano'y biglang umalis si Ilary, nag-walk out din? "Nge, anyare naman sa dalawang yun?"
pagtatanong ni Nel. "Hala ako, nu ba naman ang aking nagawa? KAinis, bat ba kasi kahilig ko sa joke"
sabi ko. "Ok lang naman magbiro e, but you must choose your jokes and see to it that it's appropriate
para sa mga taong pagbibiruan mo" pangangaral ni Wynn. Huminga ako ng malalim. I should not
overthink this, they'll be back soon...
I was right. Dumating si Ilary at kasama na niya si Shanel. Itong si Ilary talaga ang kasundo nitong si Shan
since sila talaga ang naunang naging friends. At kahit medyo mahirap ispellingin itong si Shan ay lagi
siyang naiintindihan ni Ilary.
I began to stare at these people I consider my friends. Each of them has certain qualities that
distinguishes them from one another. Yeah, let's start off with Shanel, since siya ang nag-walkout.
(konek?)
Si Shanel ay ang mayaman at sosyal namang kaibigan. Despite of her wealth, she is never arrogant,
although maarte talaga siyang magsalita. Kaso matampuhin itong si Shan at tahimik lang rin siya. Also,
she seldom smiles kaya nagmumukha siyang masungit. But Shanel has a kind heart. A kind heart that
cares for everyone even though hindi siya pahalata kasi mahiyain rin siya. Medyo nahihirapan din siyang
makisama minsan sa amin kasi naman wala siyang kapatid, and her parents are also busy working. Noon
nga ay lagi lang siya sa kwarto niyang nagkukulong, thanks to Ilary at medyo naging mas outgoing siya.
Ilary is a sweet girl. MInsan nga ay parang sumu-sobra na but it's okay, atleast she is very concerned.
Compared to Shan, madaldal si Ilary. But most of her stories are about herself, minsan pa ay sobrang
manhid niya kasi kahit ayaw na naming marinig ang mga kuwento niyang paulit-ulit ay go parin siya ng
go. While Shan keeps her feelings, si Ilary naman ay madrama. Pwede nga ata siyang mag-artista sa
galing niyang mag-emote e. Nakakatawa rin si Ilary kasi trying hard mag-joke, mas nakakatawa pa yung
mga bigla niyang sinasabi kesa sa pinagiisipan niya. Ang weird lang dahil ang mahirap pangitiin na si Shan
ay napapatawa ni Ilary, kahit na super corny ng mga joke niya. Maybe that's also the reason why close
sila ni Shan, they are different from each other.
Rock en roll to the world naman ang motto nitong si Liwynn. She is indeed a music lover, and
she can sing well. Peyborit niya ang mga pinoy music and pinoy rock bands. Medyo kakaiba rin si
Wynn kasi minsan napaka-abstract ng mga sinasabi niya, parang out-of-the-world. Kahit ganun ay
madaling makasakay sa trip ng iba si Wynn at masayahin din siya. Sa amin, siya lang ang may lovelife and
we're happy for her. Totoo, walang halong biro :)
Si Nelia naman or Nel nalang (kasi nga raw ambaduy) ang artistic sa amin. Siya ay dakilang litratista at
mahilig siyang magdoodle. Try mong hiramin ang notebook niya at makikita mo na puro doodle at hindi
mga notes ang nandoon. Si Nel rin ang pinaka-liberated sa amin, kumbaga dapat rated PG palagi or SPG
pala dapat, ahaha, at ang morbid niya rin mag-isip. Matalino si Nel kaso tamad at napaka-negative mag-
isip. She doesn't believe in herself, parang lagi ngang puno ng negative force ang kaniyang paligid.
Kaya naman nandito ako, ang tagapag-bigay ng pag-asa sa sangkatauhan! OOps, ang O. A ata, hehe.
Ako kasi yung nag-eencourage sa kanila kasi most of the time ako yung optimistic. So there. They're my
HAPPINESS. And because of them, I am happy.
**okay, tapos na ang tour, zumzum, let's go back..
Ako na pala ang magsasalita. "Hey Shan, I was just kidding a while ago" sabi ko sa nakabalik na na si
Shan. "Really? You don't mean it? You won't leave us?" si Shan. Sumabat naman tong si Nel, "Subukan
niyang umalis at ililibing ko siya ng buhay" as expected from her. "Ofcourse I won't, takot ko lang na
ilibing ng buhay no. I'm still young and fresh" haha minsan naman ay nasasakyan ko ang kalokohan ni
Nel.
"Sige guys mauna na pala kami ni Shan kasi may klase pa kami" si Ilary. "Ako rin, sa kabilang building pa
ako" si Wynn. "At ikaw naman Nel?" sabi ko. "Ahmmm. diyan lang sa tabi-tabi.." sagot niya. "Ows?
Talaga? MAy balat ka pa sa puwet, kulay bayolet. ahahha" saka ako tumawa, evil laugh. "Can we
continue this asaran later? let's go!" si Shan. Ohyess princess, your wish is our command. palihim akong
tumawa, sama ko no?
"Hep,hep. May nakalimutan ata kayo" sabi ni Ilary. Saka lumapit isa-isa sa amin...
FISTBUMP. :)
CHAPTER 13: THURSDAY~ MY UNLUCKY DAY~
Nakaalis na silang lahat, except for me and Nel. "Oy Nelia, hindi ka na naman papasok no?" sabi ko.
"Sssh. wag ka maingay. Saka Nelia ka jan."-siya. "So, where are you heading today? sama ako"-ako.
"Duh? wag ka nga, ayaw kitang mahawa sa pag-aabsent ko no, baka sabihin nila BI ako. And besides,
ayaw kitang makasama, baka mawala ka pa"-siya. "Hoy Nelia ha, sumusobra ka na. eeeeh, san ba kasi
ang lakad mo?" pangungulit ko habang hinihila ang damit niya. "Tumigil ka nga bata, hindi ka bagay dun,
partey-partey yown"
Sumimangot ako. "Kala mo naman matanda ka no ui. Hoy miss, wala ka pang disi-otso! party party ka
diyan, sumbong kita sa dad mo eh" Now it's a blackmail. "Yeah? hindi kita isasama kasi nga ayoko mag-
baby sit ngayon kaya dito ka nalang at maghanap ng fafables"-siya. But i'm determined. "NO, i won't let
you go without me, ble!" :P "Kulit mo, ilang beses ka ba pinanganak ha? sabi nang hindi e"-siya
"Ah basta, kung ayaw mo ko isama isusumbong kita. You know, your Dad is just a text away" Ngumiti
ako, evil smile. "Stop it, okay, sama ka na nga"-siya. FiNALLY! YE~hey! "Talaga? Talaga? Talaga?"-ako.
"Hay angkulit, gusto mo maiwan ka nalang?"-siya. "Hindi na po, to naman highblood. Meron ka ngayon
te? oops, jokejoke!" Super smile ako :D.
"Teka, san nga pala yun? Malayo ba?"-ako ulit. "Kitamo to, gusto sumama hindi pala alam kung san ako
pupunta. Doon sa Chicharific BAr"-siya. "Wahahahhahahahhahaha. Chicharific? parang pagkain lang ah,
sigurado ka bang bar yan? Baka lafangan naman yan Nelia. HHAhahahahha"-ako. "Sige tumawa ka
diyan, iwanan kita e" –siya. "Di na po boss, masyado ka naman serious. Pero yung totoo nga, bar ba
talaga yun? Sang lupalop naman ng mundo yun ha?"-pangungulit ko. "Sa may Marcoville yun, ano
sasama ka ba? Nagtetext na yung mga kasama ko o"-siya. "Comeon, comeon!"-ako, excited XD
Tumakbo pa ako sa sobrang excitement. Kaso BAR? UMAGA? ARE YOU KIDDING ME? Naloko na naman
ako. "Nelia, kainis ka, alam ko uto-uto ako pero kelangan mo ba akong saktan ng ganito? Ohmy, masakit
ang puso ko, I think I'm gonna faint" pag-dadrama ko. "E bakit ka kasi naniwala?"-siya. Now, it's my
fault. Yeah, ako na kasi ang dakilang uto-uto. Kasalanan ko bang may tiwala ako sa kapwa ko tao?
masama ba ha?
Pero, kasalanan ko ata. Hindi naman rational na mag-bar sa umaga e. Ang engot ko talaga, hehe. "Fine
kung ayaw mo ko sama, di wag. Alis na 'ko"-tampo effect ko raw. At ako naman ang nag-walk out.
(Nasiyahan ako sa chapter na ‘to, kabaliwan kasi hahah. And, walang totoo dito sa chapter na to :D.
Pawang ka-echosan lamang, epal lang na kabanata para masaya XD)
CHAPTER 14: STILL THURSDAY
Leche.... flan. Teka, san ba kasi ako pupunta? pagkatapos kong mag-walk out di ko pala alam kung san
ako pupunta.. Hmm. vacant period ko pa kasi e, mamaya pa class ko. Hindi ko naman classmate si Harra
kaya wala akong makadaldalan. CourtA. Hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito. First time ko na
tumambay dito ngayon and honestly hindi ako nandito ngayon para maghanap ng gwaping. Dito ako
dinala ng paa ko e, malay ko ba. Umupo na ako sa bench then I brought out my earphones and started
listening to music. So, eto na naman ang Most played song sa Music library ko, "It Will Rain" by Boyce
Avenue. Hanggang ngayon LSS parin ako dito ha. Hindi ko pa kasi kabisado yung lyrics kaya paulit-ulit
kong kinakanta. Akala ko ganun lang kasimple ang buhay ko dito kaso hindi eh..
"BOOG!" on my head. Kung hindi ba naman engot yung naghagis ng bola. At talagang sa akin pa ha, e
hello? Nandito kaya ako sa bench, farther rightside, at anluwang ng court. Chances na matamaan ako ng
bola are just 15 percent, tapos sa direksyon ko pa talaga! Grr. KUng bakit pa kasi ako dito tumambay,
kainis badtrip na nga ako dahil sa panloloko ni Nelia sakin tas matatamaan pa ako ng bola.
"Sorry MIss"-siya. "Sino ka?" I said, playing amnesia, although hindi ko naman talaga siya kilala. Tae
niya, masakit kaya yun at naalog ata ng kaunti yung utak ko. Let him worry. "Naku pasensya na talaga, di
ko sinasadya. Tara samahan kita sa clinic"-siya. Bigla nang dumating ang ibang basketball players, they're
all around me. Hey, nasu-suffocate ako no! Sorry boys, I'm not in the mood for sight-seeing today. "No
thanks, bayaran mo nalang yung damage sa ulo ko" sabi ko, with my masungit look. "Pero-"-siya.
Nang may biglang sumabat. "LJ okay ka lang?" Hambalusin ko kaya tong taong to? Natamaan ako sa ulo
tapos tatanungin kung okay ako? What the.. Teka, parang si Koreano lang, when he asked me if I'm okay
after he bumped into me. Funny. Pero si Koreano nga! Siyang tunay! Dahil na rin sa dami nilang players
na nag-form ng circle around me, hindi ko agad napansin yung nagsalita.
What's he doing here? Malamang court to e di nagba-basketball siya, yun, ako ang sumagot sa tanong
ko. Wait. Don't tell me siya yung YUMMY na pinagtstsismisan nung mga freshie na narinig ko sa
canteen? Then I gazed at this tall guy, really, what a hunk. But the fact-of-the-matter is that this man
hugged me and had a crush on me. It feels like it's been long time when he confessed to me even if the
encounter was just yesterday. And it felt like he was still a stranger, since I don't even know his name...
So, anyway, my head hurts and I don't know what to do. Pakarga kaya ako kay mamang pogi na hindi ko
alam ang pangalan? Teka, owver the rainbow naman! Pa-assist nalang tutal nahihilo naman ako. But I
don't have the nerve to say those things, hiya daw si ako for a moment. Buti nalang at nagkusa siya at
inalalayan ako. He got my bag and we left the court.
Time check, it's 10:30 A.M. Mamayang 11:30 na ang class ko kaya kelangan ko na mag-lunch. Kaso,
parang ayoko pa kasi ambango bango niya, sisinghutin ko pa amoy niya. Wala rin ako sa mood para
magsalita kasi nga, badtrip ako, ay, paulit-ulit lang? "Feeling better now? Upo ka muna dito, I'll go get
some drinks" sabi niya pagkatapos niya akong inalalayan patungo sa round table. Ouch. Kaysakit parin
hanggang ngayon, buti na lang at may magandang view, atleast ay nakakagaan ng feeling. Teka, san nga
raw siya pupunta? Bibili ng maiinom? Libre ba yun? Sana libre para masaya, at sana naman mahiya
siyang ipabayad pa sa akin diba?
Dumating na siya at pinagbuksan niya ako ng bottled water. Linaklak ko na agad yung tubig kasi
nauuhaw ako. "Bente pesos"-siya. "Huh? ang alin?"-ako. "Yang iniinom mo" sabi niya. "Waait.
ipapabayad mo sa akin to? di ko naman sinabing bilhan mo ko ah. Eto, kalahati pa yung tubig, para
sampo nalang babayaran ko" –ako. "Are you serious? Nagbibiro lang ako. Bakit ko naman ipapabayad
sayo?I just want to make sure you're okay. At ngayong nagsusungit ka na, I'm sure you're very fine, am I
right or am I left?"-siya. "Hehe, corny mo. Thanks for assisting the disabled, chos. Salamat rin sa libreng
tubig na bente pesos" I smiled for the first time since Nel fooled me this morning.
But hey, it's still morning, what tragedies and disasters await me?
:)
CHAPTER 15: HIS NAME-FINALLY!
San ka nga pala nakatira?” tanong ko sa kaniya. “Uhm, diyan lang sa tabi-tabi”-siya. “Ey, andaya mo
naman. Ikaw alam mo kung san ako nakatira tapos ako di ko alam sayo. No fair!” sabi ko saka
sumimangot. Kaso di ata epektib ang charm ko ngayon kasi tumawa lang siya. Bat kaya etong taong to,
kahilig tumawa e di naman ako nagpapatawa? Hay ewan, siguro masayahin lang din siya gaya ko, mas
malala nga lang compared sa akin. Pero impernes, cute siya tumawa, kahit may sungki sa gilid.
“Una na ko ha, may practice pa kasi kami” sabi niya. “Ay ganun, thanks sa time ha? Magre-research
nalang ako kung san ka nakatira.” Saka ako kumindat, ay, nagpakyut ba, di naman bagay. “No prob, ingat
ka diyan. Galingan mo ha?”-siya. And then he left.
I glanced at my wristwatch and oops! 11:00 na, I only have 30 minutes left before my class starts. Sa
canteen na lang ako kakain, ang original plan kasi ay uuwi ako sa bahay but because of what happened,
dito na lang tuloy ako sa campus . Pssh. Naisip ko lang, kanino naman ako magtatanong tungkol kay..
teka! Pano naman ako magtatanong tungkol sa kaniya kung maski pangalan niya e hindi ko alam? What
failure! Nakaligtaan ko na namang tanungin ang pangalan niya, antagal pa namin nag-usap kanina.
Hayst, buhay nga naman. Mailagay nga sa memo ko to.. “The next time you see Korean heartrob, ask his
name, ask his name, ask his name.” O yan, natype ko na sa phone, siguro naman di ko na to malilimutan.
For the meantime, makapunta na nga sa canteen. Kakain ako ng marami para mabawi ko ang lakas ko,
let’s get it on! Nasa counter na ako, kaso di pa ko umu-order kasi may hinihintay ako.
“Hi ading, one rice?” sabi ni ate sa counter. “HI hello ate, one and a half rice po saka eto po” sabay turo
sa chopsuey at beefsteak, gulay at karne para balanced. “Thank you!” dagdag ni ate. “You’re welcome
po!” sagot ko. Ahem, siya nga pala, ang hinintay ko kanina ay yung batiin ako ni ate, demanding no?
Well, di naman, routine na kasi nilang bumati sa mga customers kaya kahit naman may foodcourt dito sa
campus ay mas gusto ko dito sa canteen kasi naman, ang bait nila saka masayahin.
Pagkatapos kong umorder ay pumwesto ako sa table na malapit sa bintana, pang-isahan lang ang pinili
ko kasi ayoko muna ng may kausap o katabi, ‘coz I’ll be busy eating. Ang tendency kasi kapag may
kasama ako ay mas marami pa yung daldal ko kesa sa subo ko kaya huli akong natatapos. E hindi yun
puwede ngayon kasi I’m in a hurry.
At sa wakas at naubos ko na ang masarap na pagkain, yum yum, thank you for the food! I was about to
stand up to get some water nang biglang may dalawang babaeng lumapit sa akin. And just who the hell
these people are? Etong isa, sobrang payat parang laging nagda-diet. Sobra pa sa make-up, ang kapal ng
foundation. “Excuse me miss, di ba ikaw yung kasama ni Moshy kanina?” sabi ni thin girl, thin hindi slim.
Sino daw? Sinong Moshy naman iyon. Wala naman na akong kasamang iba except si... “Hey answer her,
we saw you with Moshy, inaalalayan ka pa niya” sabi nung isa. Eto naman ubod naman sa taba at hapit
na hapit ang damit. Ano kayang size ng damit niya haha. Oops, mas nag-pay attention pa ako sa hitsura
nila kesa sa sinabi nila. Ano nga ulit yung sabi?
Kung kasama ko daw ba yung Moshy? Ah. Si Koreano. So that was his name, sa iba ko pa talaga
nalaman. And so? Ano naman pake ng mga to? Walang kwents, makaalis na nga. Daan na lang ako
mamaya sa foodcourt para bumili ng tubig. “So? Ano naman? He was my schoolmate. Now, if you’ll
excuse me, I gotta go” I said, got my things then left the table. “Huwag kang bastos, we’re still talking to
you” sabi ni thin girl sa akin nung tumalikod ako. Nakakahiya, nakaagaw tuloy ng atensyon. Ayoko ng
ganito, buti na lang konti ang tao. “O yeah? Like this is even a conversation. Come on, kung wala kayong
magawa sa buhay niyo, huwag kayo mandamay, may klase pa ako. K bye!”
“Wait, are you his girlfriend?” sabi naman ni fat girl. Napatawa ako ng sobrang lakas sa sinabi niya.
“What? Are you kidding me? Magkasama lang kanina ay magboyfriend/girlfriend na? NI hindi nga kami
sweet eh, don’t tell me girlfriends niya kayo? Pero sige na nga para matahimik ang kaluluwa niyo, NO,
he’s not my boyfriend. So will you stop bugging me?” Akala ko at akala din nila tapos na ako kaso imbes
na tumuloy na ako sa paglakad ay bumalik pa ako sa harap nila saka sinabing..
“P.S. huwag kayo masyado magtatabi ha? Mukha kasi ngayong number ten, hihi, peace” Then I left, this
time for real na kasi five minutes left na lang. Haha, nagawa ko pa mang-asar! Well, bakit kasi istorbo
sila, panira pa ng moment. Totoo naman, mukha silang number ten! Iyong payat, parang number one,
then the other one na bilog ay parang zero, so 1+0= 10. GALING KO SA MATH NO? Hehe.
Dumaan na ako sa foodcourt at nakabili na ng tubig. Dahil sa sobrang pagmamadali ko ay namali ang
apak ko sa hagdan, nauna ang sakong ko, at nadulas ako, kaya naman.. TOINKS! Nag-landing ang puwet
ko sa step ng hagdan. Hindi lang ang puwet ko ang nasaktan pagkatapos kong mapaupo kundi pati ang
paa ko dahil nabigla sa pag-apak ng hagdan. Awts men, masakit to, mas masakit kesa matamaan ng
bola. Kung bakit naman kasi ako tumakbo e naka-heels ako, shunga shunga lang. Iika-ika tuloy akong
maglakad papuntang klase ko, naman kasiii, why oh why did this happen?
KARMA ba? Ano sa tingin mo? :D
One pm. Buti na lang hapon na. Atleast malapit nang matapos ang araw na to. I really hate Thursday,
puro na lang kasi kamalasan. Feeling ko pa parang ang haba ng araw ko pag thursday, andaming
nangyayari sa akin buti naman sana kung magaganda. Nakayuko at dahan-dahan lang akong naglalakad
patungo sa next class ko kaya di ko napansin si Liwynn. "Wazzup LJ!" bati niya. "Oh Wynn, ikaw pala.."
sabi ko nang may malungkot na tinig. "Hey, anong problema mo?"-siya. "Naku, mahabang kwento
Wynn. Besides may klase pa ko kaya ikkwento ka nalang pag may time"-ako. "Shiz. Dude, basta text mo
lang ako pag kelangan mo ng tulong"-siya. "Sure" matipid kong sagot. Bumuntong-hininga ako, malalim.
Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah.
Wala pa akong ka-close dito sa klase na to, walang mapaglabasan ng sama ng loob. Pero ayos lang pala
kasi wala rin ako sa mood makipag-usap, baka masungitan ko lang. "Class, bring out a half sheet of
paper, we have an activity " sabi bigla ng Prof namin. "Miss may bolpen ka?" sabi naman ng katabi kong
babae na naka-make up, lagpas ang lipstick. Bakit ba maraming nagme-make up dito? San ba sila
pupunta? Sa party o sa school? TSss. Lahat na naman napansin ko, buti na lang at may kaunti pa akong
kabaitan kaya naman...
"Ah meron ata. Heto o" saka inabot sa kaniya ang aking tentenetentenen! "magic pen" MAgic pen kasi it
comes with an eraser na pwede mong pambura sa kahit anong isulat mo gamit ang pen na ito. Astig, di
ba? "Thank you" sabi niya. I somehow managed to fake a smile. Pero teka, wala pala akong papel kaya
tinanong ko siya.. "May papel ka ba?" Kaso.. "Wala e, hiningi ko lang ito"-siya. Ganun ba, sige, thank
you" Kahit deep inside ay asar na asar ako. Wala siyang UTANG... NA LOOB. Not that I expect something
in return kasi nga nagpahiram ako ng ballpen. Ang kaso naman sana ay ma-move naman siya na
tulungan ako. Kung ako naman kasi ang nasa sitwasyon na yun syempre I'll find ways to pay back a good
thing that has been done to me. Sad to say, I'm not in that situation right now, and I need a paper!!!!
Kinapalan ko na ang mukha ko na manghingi sa iba kaso walang nagbigay kaya nagpunit na lang ako ng
isang page sa notebook ko. ASAR >,"< Oh well, ganito talaga ang buhay, mahirap humingi ng papel kasi
marami ring humihingi. This is a proof na mahirap talaga ang buhay ngayon, ultimo papel hindi
makabili. :P And this is a reality na hindi lahat ng mababait ay nagwawagi.
CHAPTER 16: END OF THURSDAY
Nakasimangot akong umalis ng campus, dala ng mga kamalasang nangyari sa akin sa pagkahaba-haba ng
araw na ’to. Habang pauwi ako sa bahay ay may nadaanan akong aso, sa sobrang kadesperaduhan na
may makausap ay.. tumigil muna ako at napagpasiyahang kausapin siya.. Buti ka pa, wala kang
problema.. Parang ansaya saya mo.. Samantalang ako.. Alam mo ba ang pinagdaanan ko ngayong
araw? Una, nagsinungaling lang naman ang kaibigan ko sa akin, kahit na joke joke man yun, masakit
yun no! Pangalawa, natamaan ako ng bola sa ulo.. pero dahil dun ay nakita at nakausap ko si Lee (kaso
saglit lang) Pangatlo, nadulas ako sa hagdan. At ang huli, eto ako ngayon..Para akong baliw na
kinakausap ka..
Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko ha? HA? HA? SUMAGOT KA! Hmp. Tse, walang kwentang kausap,
makaalis na nga..“Ang baho mo, ble!” huling hirit ko sa aso. Tinahulan ako ng aso at mukhang nagalit,
Although for sure ay hindi niya naman naintindihan ang sinabi ko.:p Pero nagulat ako ng bongga dahil
hindi pala siya nakatali kaya naman..
TAKBOOOO! Oopsie!Wrong move. Dapat pala hindi ako tumakbo para hindi niya ako habulin. Pero
hinahabol na niya ako e kaya kumaripas na ako ng takbo patungo sa boarding house... Comeon, ilabas na
ang running skills mo LJ, malayo pa ang tatakbuhin mo! Huh. Sumali kaya ako sa marathon, 100 meters
nga lang pero yun. Lumingon ako at hinahabol parin ako ng aso, matibay tong isang to, kelangan ata
gamitan ko ng ibang style. Kahit malaki ang tsansang gula-gulanit na ang damit ko at may rabis na ako
kinabukasan ay..
Huminto ako at sumayaw ng teach me how to dougie. Ohyeah, come on, gumana ka sa asong to.. Hindi
ito magic ha kaya wag kang mag-expect na sasayaw yung aso.. HUMINTO YUNG ASO.. “Brownie! Tu tu
tu tu” tawag ng isang lalaking may edad na. Sana ito na yung may-ari ng aso please.. “Oh nandito ka
pala, anong ginagawa mo dito? Bakit umaalis ka nang walang paalam?” pagkausap niya sa aso.
Hooray! Hindi na ako hahabulin ng aso dahil dumating na ang kaniyang sundo! At hindi lang ako ang
baliw dahil maski siya ay kinakausap ang aso niya. Mwahahaha. “Tara na brownie (tapos harap sa akin)
pasensya ka na bata sa aso ko, mahilig kasi siyang sumunod sa mga bata at makipaglaro” At umalis na
nga sila.. But this is unforgivable! Bata? Ako? Hey! Mukha naman akong dalaga ngayon!! Kapag ba
maliit, bata na? Hindi ba pwedeng kulang lang talaga sa height?! Kainis ka koya, pero okay lang atleast
wala na ang mabaho mong aso. Hmp. Ayheyt your dog and Ayheyt you too manong.
Maya-maya ay nakarating na ako sa boarding house.. kaso may problema na naman.. Sarado ang bahay
at..WALA AKONG SUSI! O sige na, ako na po talaga ang malas ngayon. Pagod pa naman ako, gusto ko
nang humilata sa kama. Haaaaay.. Ilang minuto rin akong nakaupo sa labas ng gate nang dumating na si
Tita Flor, ang aming landlady. “O bakit andito ka sa labas neng?” “E tita naiwan ko po kasi yung susi ko
e”-sagot ko. Binuksan na ni Tita ang pinto at pumasok na kami.. “Naiwan o iniwan?”-tanong niya.
“Iniwan po hehe”-sabi ko. “Ikaw naman neng, masyado bang mabigat yung susi mo at ayaw mong
dalhin?” –siya. “Hindi naman po, kaso.. huhu Tita” Hindi ko na napigilang umiyak, yung iyak ng maarteng
bata na hindi napagbigyan sa gusto niya...
“O anong problema mo?”-tanong ni Tita. “Naiinis lang po talaga ako tita e. Kasi naman po..” At
nagkwento na ako, kahit talaga pagod ako ay nagagawa ko paring magkwento no? Pero okay lang,
medyo nabawasan naman ang stress na aking nadarama, naks! “At yun nga Tita, hinabol pa ako ng aso..
buti hindi niya ako naabutan” –pagtatapos ko sa kuwento. “O ano ba kasi ang ginawa mo neng e alam
mong hindi nakatali yung aso?”-siya. “Hindi ko naman po napansin e saka.. uhm.. kinausap ko lang
naman po tapos tinahulan ako kaya tumakbo ako”-ako. “Neng ang aso hindi yan nakakapagsalita,
nangangagat yan” –pangangaral ni Tita. “Sabi ko nga po tita, hehe sige po magpapahinga muna ako. ” At
saka ako pumasok sa kwarto, humiga sa kama at natulog.
Alas sais nang naramdaman kong may pumasok sa kwarto. “LJ” narinig kong sabi ni Ate Lets. “Ay tulog,
may ikkwento pa naman sana ako” Bigla akong bumangon. “Ano yun ate?”-ako. “O bigla kang nagising
ha. Haha. Tungkol dun sa ikwinento mong lalaki dati”-siya. “Hay naku ate, alam ko na ang pangalan
niya”-ako.
Ako & Ate Lets: MOSHY LEE
“Pano mo nalaman ate?”-ako. “Kasi siya pala yung kaklase namin na crush ni Belle”-sagot niya. (Si Ate
Belle ay kaibigan ni Ate Lets) “Ah, alam mo ate ngayon ko lang na-realise.. diba nagsabi ka dati ng clue
na.. Nagsisimula sa letrang M at nagtatapos sa letrang ang pangalan niya?”-ako. “May sinabi ba ako?
Tsamba lang siguro yun. Haha. Hay naku, patay na patay si Belle sa Lee na yun”-siya. “Ganun ba ate?
Hmm. Nagkausap kami kanina ate e”-ako. “Talaga? Nag-date kayo? Uyy. Kapag nalaman to ni Belle
siguradong magseselos siya”-pang-iintriga ni Ate. “Chika naman ‘tong si Ate, huwag mong sabihin ah.
Hmm. Hindi kami nag-date.. ganito kasi yung nangyari..” At muli ay ikwinento ko ang aking experience
ngayong araw..
“Hahaahaha ang malas mo naman”-siya. “Kaya nga ate, nakakainis.. Hmm. Maiba ako ate, ano naman
yung kwento mo tungkol kay Lee? ”-tanong ko. “Yun nga, na kaklase namin siya at crush siya ni Belle.. ”-
siya. “Ah.. hmm. Madaldal ba siya sa klase ate? Kasi kapag magkasama naman kami e makulit siya at
salita ng salita”-ako. “Hindi e, tahimik lang siya tsaka mukhang suplado”-siya ulit. “Yun nga rin ang first
impression ko sakaniya ate e pero hindi naman pala”-ako na naman. “O kamusta na kayo ngayon?
Lumelevel-up na ba ang relationship status? Hehe”-tanong niya. “Chos. Naku ate, nasa “getting to know
each other” stage pa lang kami no saka wala naman akong balak magkaboypren.. you know naman me..
mabilis magsawa”-pagtatapat ko. “Wag ka nga, madami ang may crush dun sa lalaki mo no baka
maagawan ka pa niyan haha”-siya. “Correction hindi ko siya lalaki no, si ate talaga.. Schoolmate lang
kami, dun nalang muna”-ako. “Sabi mo eh”-siya.
Ngumiti nalang ako bilang sagot..Hay.. Ayoko muna kasi ng boys sa aking life, sabi ko nga dati.. hindi
naman ako naghahanap pero kung sakaling may dumating ay okay lang. Isa pa, hindi ko naman kasi
lubusang kilala yung si Moshy.. Hindi ko rin alam kung totoo ba ang mga sinabi niya.. Masyado nang
matagal nung elementary no! Waler na akong maremember. Kung andiyan siya e di nandiyan.. Kung
wala e di wala..Hindi ko naman siya hinanap.. At hinding-hindi ko siya hahanapin kapag nawala siya..
CHAPTER 17: FRIDAY.. BIG EVENT
Nagdedebate ang cells ko sa utak kung manunuod ba ako ng pageant mamayang gabi.. Isa iyon sa mga
event na organized ng iba’t ibang organization(org) sa university. Kj na kung Kj pero ‘di ko feel ang um-
attend ng mga events sa school, mabibilang ko nga lang yung mga times na dumalo ako e, madalas ay
dahil required or kung may plus points :P
Parang gusto ko na parang ayaw ko..E ano ba naman ang gagawin ko dun? Papalakpakan ang mga taong
‘di ko naman kilala? Tapos hahangaan ang kagandahan at kagwapuhan nila? Tsaka mag-eenjoy ng kaunti
at maglalaho na parang bula? Sus. Wag na. Mas gusto ko pang matulog na lang or manuod ng movie
kasama ang boardmates ko. O kaya magbasa ng mga readings para kunyari naman maaral! Pero ‘di ata
bagay yun sa akin, kaya option1 nalang ako baka rin kasi ‘bz’ ang boardmates ko kaya ‘di rin kami
makakapag-jamming jamming. Hmm.
Bigla ay kinausap ako ng kaibigan kong si Shanel. “Daydreaming again?” Tumingin lang ako sakaniya.
Kasi pinag-isipan ko pa kung nag-iisip lang ba ako o nagde-daydream ako..“AH.. maybe” sabi ko nalang,
as usual, anlabo ko talaga. “Di ba ngayon yung pageant?” pagtatanung naman ni Nel. “Manunuod
kayo?” sabi ko. “Punta nalang tayo sa gig mamaya” si Wynn. “Pass kami ni Shanel, may lakad kami.
Don’t worry, may pasalubong kayo hehe” si Ilary. “Sama nalang din ako sayo Wynn, date tayo haha” sabi
ni Nel. So in the end, wala akong kasama kung sakaling manunuod ako. “How about you Lj?” si Shanel,
mukhang concerned na mag-isa ako. “Hindi ako manunuod, wala naman talaga akong hilig sa mga
ganiyan ganiyan.” Natuwa naman sila sa sinabi ko dahil atleast hindi sila magi-guilty na may lakad sila.
“Sama ka nalang din kaya sa amin tol” si Wynn. Nag-isip ako. Parang wala ako sa mood pumunta sa gig
ngayon..“Hindi nalang siguro.. nexttime nalang.” Hapon na at nakaupo ako sa grounds, nakaalis na si
Ilary at Shanel, si Nelia at Wynn naman ay hindi ko alam kung nasaan.. Hayst. Bakit napapa-emote ako
ngayon? Anyare sakin? Hoy Lj umayos ka. UMAYOS KA, ISA! Kasi naman e, nakakagulo naman yung
panaginip ko..eto lang naalala ko..
Nasa bus na daw ako, sa tabi ng bintana nakaupo. Mag-isa ko lang daw sa bus na parang naka-reserve
para sa akin..Syempre merong driver at conductor pero ‘di daw nila ako siningil. Saya naman neto, libre
eh! Kaso ang creepy, baket invisible na ako ganon? Medyo malayo na raw ang narating ng bus pero
mag-isa ko paring pasahero.What’s happening with the world? To the society? To the environment? To
the people of the world? Yung totoo.. asan sila? Nagtitipid ba at ayaw sumakay sa bus? Pwede rin, air-
conditioned pala tong nasakyan ko..
So anyways.. Yun nga..At pagkababa ko sa destinasyon ko ay may isang lalaki na sumalubong sa
akin..Syempre sino pa ba? Ang lalaki sa aking panaginip..Yung mukhang koreano na hawig ni Moshy Lee.
Yeah, hawig lang kasi imposible naman na siya yung nasa panaginip ko no! It’s so surreal..o diba san
ko napulot yan? Hehe. SURREAL. Tapos ay bigla akong niyakap ni “boy in my dreams” Teka, ano to?
Bakit may ‘tears effect’ pa? Feeling ko ay buhay naman ako at safe kaya bakit siya umeepek ng ganyan?
At sinabi niya, “Kanina pa kita hinahabol” Ngew. Ano raw? Habol? Hindi naman ako tumakbo. “Baka
yung bus ang hinabol mo” sagot ko.
Which reminds me of..Yung eksena sa meteor garden, hinabol ni Barbie si Jerry Yan. Este hinabol ni
Barbie ang sinasakyan na bus ni Jerry Yan. Saka pinagsisigaw ang pangalan niya, nadapa pa nga ata siya
e. Tinignan ko ulit siya, panaginip ba ito? Oo panaginip nga ito pero ang ibig kong sabihin ay.. Panaginip
ba ito sa loob ng panaginip??! Ang labo ko no, kasinlabo ng hamog sa bintana niyo. Magsasalita pa sana
siya e..Ang kaso hanggang dun na lang ang naalala ko. Grr. Bakit hindi ko na maalala? Bakit bitin? Para
akong binigyan ng kendi saka binawi rin.. Di bale na nga..Tama na nga muna ang panaginip.
Sa isang iglap nagdilim ang paningin ko! Literal na nagdilim kasi nga wala akong makita, may nagtakip
kasi sa aking beautiful eyes. “Hu u? Txtback. Tut. tut” sabi ko. “Secret” sabi niya. “Ah secret ha, gusto
mo makatikim ng suntok?”-ako. “Eto highblood, si Jomar to”- siya. “Ows? E di naman ganito si Jomar,
tahimik lang yun at hindi magulo”-ako. Binitawan na niya ang aking glittering eyes, pumunta siya sa
harapan ko saka lumapit sa aking fes ng suuper lapiiit. “Long time no see Lj”- si Jom nga! Grabe. Amoy
ko na hininga niya, amoy kendi na menthol. Si Jom na nga ba ito? Gwapo na niya ha. Well si Jomar o
Jom ay close friend ko. Dito rin siya nag-aaral pero ngayon lang kami nagkita ulit after how many
months. At mahiyain siya dati kaya ewan ko kung siya ba talaga to :D
“Naengkanto ka ba?” tanong ko. “Anung naengkanto? Matagal tayong hindi nagkita tapos yan ang
itatanung mo? Hindi ba pwedeng BAKIT ANG GWAPO MO NA?”- Jom. “Wow, may dumaan na bagyo,
signal number 5! Huy Jomar, sinapian ka ba? Bakit naman yata nagiba ka na”-ako. “Hindi ako sinapian..
Nagpapraktis lang akong lakasan ang loob ko kasi sasali ako sa pageant mamaya”-Jom. “Huh? Ano
naman nakain mo at sasali ka? Sigurado ka? Baka mautal-utal ka pa run haha”-ako. “Pinilit lang kasi nila
ako.. Ayaw ko naman talaga.. pero hindi na pwedeng umatras”-Jom. “
Yan kasi. Kasalanan mo yan”-ako. “Sisisihin mo nalang ba ako? Hindi mo ako tutulungan?”-Jom. “At ano
ang maitutulong ko aber?”-ako. “Kelangan ko ng suporta mula sa isang taong lubos na nakakakilala sa
akin”-Jom. “O sige na, you have my support. GO GO GO. Wag mo ipahiya sarili mo ha? hehe”-ako. “Ah.
Lj.. ang totoo niyan. Kaya kita pinuntahan ngayon kasi.. ah.. kailangan ko ng inspirasyon”-Jom. “Asuus,
ikaw talaga. O nakita mo na ako, siguro naman sapat na yan”-ako. “Wala kasi akong makakasama at..
naisip ko na..”-Jom. “Na ano?”-ako. “Samahan mo ako”-Jom. “Jom naman, ayoko”-ako. “Sige na,
ngayon lang naman Lj. Maawa ka na sa akin o, may pinagsamahan din naman tayo diba? Nakalimutan
mo na ba nung-”-Jom. “O sige na ho, sasama na. Wag ka na mangonsensya. Kung bakit kasi ang bait ko
naman”-ako. “Salamat Lj, hoo loveyou!”-Jom.
8pm. Nasa loob na ako kung saan gaganapin ang event. Doon ako pinaupo ni Jom sa harap para daw
kitang-kita niya ako.. Maya maya ay rumampa na ang mga contestants. Nanlaki ang mata ko nang
makitang kasali pala si Lee!..NO COMMENT NALANG. Ayun si Jom! Ngiti ako ng ngiti sakaniya para
mahawa siya, obvious kasi na kinakabahan siya at tensed. Aysus ka Jom, wag ka naman sanang
mapahiya.
Then, talent portion na pala, ambilis! Kakanta siguro siya, nuon pa man ay mahilig na siyang kumanta e.
At nung turn na niya, kumanta nga siya! May nalalaman pa siyang palapit-lapit sa akin na para bang ako
ang inaawitan niya, syempre role kong palakasin ang kaniyang loob kaya naman sumigaw ako ng.. “Ang
galing mo! I love you JOM!!” Inpernes sakaniya, di siya tinablan ng hiya. Maayos naman ang
performance niya at maraming girls ang nagtilian..Hindi ko na idedetalye ang ibang nangyari, andito lang
naman ako dahil kay Jom. At masaya naman akong nakatulong ako kahit papano.
Tenenen! This is the moment! Announcement na ng winners at mga awards. “And Best in Talent goes
to..Number 9” 9? Sino ba yon? Bakit hindi si Jom? Siya ang pinakamagaling ah. Teka, ano nga uli number
niya? Huy siya si number9! Nagtatalon ako sa tuwa! Sino naman ang hindi matutuwa? Sigurado ay
ililibre niya ako mamaya o bukas hehe. Tapos na ang patimpalak at hinihintay ko na lamang si Jom sa
backstage. Nagsisialisan na ang mga tao nang may kumuha ng mikropono at nagsalita.. “Ang award na
ito ay para sa iyo, ikaw ang dahilan kung bakit ako sumali dito” Ay. Kasweet naman. Kilig to the bones
siguro yung pinagsabihan, ako na nga lang e naiihi na sa sobrang kilig e.
Muli ay nagsalita siya.. “Pero mukhang may boyfriend ka na.. sayang naman.. pero gusto ko lang sabihin
that I love you and this is for you LJ” L.L.L. ano? J.J.J. LJ daw? L at J? As in.. Like my name? Ah hindi baka
katunog lang diba, ehhee. Dali akong tumakbo sa pinanggalingan ng magical words.. And I saw HIM.
:))))))))))))))))))))))))))))))))))
CHAPTER 18: AM I DREAMING?
Am I dreaming? One two three. Someone please pinch me or slap me in the face (pero yung slight lang
ha para di masakit :D) Siya ba talaga to? As in si MOSHY LEE and NOT JUST THE BOY IN MY DREAM?
Weh? Di nga? Si Lee nagtatapat ng pag-ibig sa akin? Sa harap ng maraming madlang people?! Crush niya
ako, alam ko. Pero.. LOVE? Tss. He looked at me & smiled.. Sino nga naman ang hindi maiinlove
sakaniya? He’s so handsome! Still, di ako convinced that he loves me. Oh come on, kelan lang kaya kami
nagkita! Even if he says we’re classmates before, he doesn’t know me well! So saan nanggaling ang
ILOVE YOU niya?
Nganga lang na naman ako habang dina-digest ang mga pangyayari.. At na-realize ko na ang haba pala
ng hair ko, buti di ko pa natatapakan :P “Will you let me cater to you LJ?” sa mikropono parin. Ano to?
Catering services? Hmm. Sosyal, cater, pagsilbihan daw. Bakit di na lang kaya siya nag-apply ng homeboy
kung ganon pala haha. Malalaglag na ata tong puso ko, buti nalang mahigpit tong damit ko.. Hooh. Unti-
unti may mga usisero at usisero na sa tabi. Naghihintay sa aking mahiwagang sagot. Teka, pressure lang
ganon? E di sila nalang sumagot no! Hmp.
Let me think first..Ano ba ang puno’t dulo nito? Wells, it started in a dream.. One night..I dreamt of a
‘korean guy’ Then.. shing! Surprise! When I woke up from that dream.. I met the boy in my dreams!
Well, assuming lang ako na siya talaga yun and i believe that ‘twas a sign.. So yun nga.. I saw him at
school, nagkabungguan kami on the first day..Next day ay hinatid niya ako sa bahay. Although antok nga
ako nun kaya walang malay sa mundo. Tapos nagchika-chika kami pagkatapos niya uli akong ihatid sa
bahay nung Wednesday lang. And pinagtapat niya na crush niya ako dati at niyakap niya ako. At ang
latest nga bago itong “big event” na ito ay nung.. Inalalayan niya ako nung nabato ako ng bola sa aking
head.
So, what shall I say? Masyado na atang napahaba ang pag-iisip ko, baka makatulog na sa paghihintay
ang mga fans namin, chos. Pero ano ba ang dapat isagot? Alangan namang tanggihan ko siya? Kawawa
naman siya baka mapahiya siya..Pero hindi naman ibig sabihin na ayaw ko..Ahm. Masyado kasing mabilis
ang mga pangyayari sa mundo e di ako makasabay.. ‘though I must admit, i’m very flattered,
overwhelmed and all.. Nararamdaman ko ang pagtalon ng aking puso sa sobrang kagalakan. Gusto ko na
nga mag’YES’ but I know it would be unfair to him and to myself also. Hindi kasi ito yung tanong na
basta basta sinasagot, na basta ka lang papayag kasi naeexcite ka sa pwedeng mangyari o sobra kang
natuwa dahil sa harap ng maraming tao ay isang makisig na nilalang ang naghahayag ng kaniyang pag-
ibig sayo.
Kaya naman, i decided..That..Ang sasabihin ko sakaniya ay.. eto na.. “Hindi ka pa ba uuwi?” Ngew. Ano
raw? Come again? Pakikonek po? Anong sabi ko? Nagtanong siya saka ako sumagot ng isang tanong,
nice one. Well, ganiyan talaga ang life.. Minsan maayos, madalas magulo :D Siguro marami ang naiinis sa
akin ngayon sa ginawa ko, syempre I believe they would want to trade places with me dahil nais nila na
sila ang masabihan ng ganung romantikong words. Tapos ganun ganun ko lang papalampasin ang
pagkakataon at tila binalewala ang sinabi niya. E kasi kung ikaw nasa posisyon ko..Papayag ka ba agad?
What’s the purpose of saying I LOVE YOU..Kung hindi mo kilala masyado yung tao? What’s the use of
saying I LOVE YOU TOO kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo? Makes sense? Anyways, hindi ko
naman siya tinanggihan e..Iniwasan ko lang yung “million dollar question.”
Hindi ko na alam ang gagawin so my eyes searched for Jom, kaso hindi ko siya makita sa kapal ng taong
pumaligid sa akin. Nahiya naman na akong tumingin kay Lee dahil nga sa hindi ko pagsagot ng maayos..
Then Lee spoke.. with a weird look on his face, halatang naguluhan sa sinabi ko. “Ah eh.. uuwi na.. sabay
na tayo” Uh-oh, please don’t do this to me, kasama ko si Jom, dyahe naman kung tatanggihan na naman
kita.. Lumingon ako, Jom magpakita ka na please.. Take me awaaaay!
Kumurap lang ako saglit at may humila na sa akin..“Tara na” bulong ni Jom. Hala ano gagawin ko mga
friends? Sasama kay Lee o kay Jom? Hindi na ako nabigyan ng sapat na oras magdesisyon dahil agad
akong inakay ni Jom paalis sa kinatatayuan ko. “I’m sorry..” ang tanging nasambit ko para kay Lee
habang hawak ni Jom ang kamay ko. Bakit nanginginig si Jom? At mukhang galit? Don’t tell me nagje-
jelly jelly siya? Ow you’re making me laugh, he never liked someone else except for that pretty young
lady he saw in a candy shop. I know about it, sinamahan ko nga siyang i-trace ang tinitirhan ni girl..
Unfortunately, ‘di namin siya nakita.
Nasa labas na kami ng event center and I managed not to look back. And just to break the silence,
nagsalita ako.. “O bakit ka tahimik? Diba dapat nagbubunyi tayo ngayon? Asan na libre mo?” No
response. Kaya ako ulit, “Galit-galitan ba tayo ngayon? Hmm. Bakit ka ba ganiyan Jom? Maayos naman
ang performance mo ah” At hanggang sa ihinatid niya ako sa bahay ay wala paring kibo si Jom.. “Uy Jom,
ano ba nagawa ko sabihin mo na please?” But wala talaga, hindi ko talaga siya mapilit magsalita.
Bakit kaya siya ganon? Ano sa tingin mo?
CHAPTER 19: A PHONE CALL...
Malapit nang sumapit ang hatinggabi at gising na gising pa rin ang aking diwa. Paano naman kasi ako
makakatulog e di parin daw ako makaget-over kay Lee! “... I love you and this is for you LJ” Hay! Kaloka
to death talaga ang ginawa niyang pagpapahayag ng feelings sa akin. Perstaym ko yun! As in! Wala
kasing lalaking nangahas na magtapat sa akin sa publikong lugar.. Yung tipong parang sa pelikula lang,
daming tao pero parang kayong dalawa lang.. *.*
Hoo! Ganoon pala ang feeling no? Kasi kung ano man ang meron sa isang sari-sari store, sari-sari rin ang
emosyon na naramdaman ko kanina. Tuwa, pagkagulat, pagtataka, kilig, lahat na talaga no! Saka
super proud ako kaya lumaki ata bigla yung ulo ko parang hydrocephalus :D Akalain mo yun, mukha lang
akong eengot engot na bata pero isa palang makisig na nilalang ang mabibighani sa charm ko? Sus, you
can never tell nga naman. O’well, sensya mga girls, ifi-feel ko muna ang pansamantalang kagandahan ko,
ble :P
Kaso baka galit siya sa akin ngayon kasi napahiya siya dahil sa akin.. Pano kaya ako makakabawi
sakaniya? Dapat pa ba? O iiwas nalang ako sakaniya? Tss. Kaya ayoko sana ma-involve sa mga lalaki e..
Yun pang aalalahanin ko, imbes na sana ‘at peace’ ako ngayon at nagbebeauty rest na! Hayst. Isa pa
naman ‘tong si Jom di ako pinansin kanina, ano naman kaya ang problema niya? Bakit biglaan naman ata
at ayaw pa niya i-share?Hmp.
Bigla ay nag-ring ang aking celpon, Unknown number calling. Alae sino naman kaya ang tatawag ng
ganitong oras? Sasagutin ko ba? Sige na nga baka importante.. “Hello? Nak.nak hus this?”-ako. (Tahimik
sa other line) Ay walang sagot? “Naku! Sayang naman po ang load niyo kung hindi kayo magsasalita!
Alam niyo ba maraming tao ang walang load kaya kung ako sainyo susulitin ko tong tawag..” Wala pa rin,
wa epeks ang pangongonsensya ko. Hay bahala siya. “Hay wrong number po ata sila, sige ibababa ko na
ho..”
Unknown caller: “Saglit lang.. ” “Oh magsasalita din pala pinatagal pa, sino po ba hanap nila?”-ako.
“Asan po si LJ?”-siya. “Speaking, sino po sila?”-ako. “Hulaan mo”-siya. “Ay may ganun daw? ginawa
akong manghuhula? Uhm. Brad Pitt? Tom Cruise? ..Ahy hindi?..e sino?”-panghuhula ko. “Nagkita lang
tayo kanina”-siya. “Naku naman Jom, ikaw pala yan! Kung sinabi mo sana agad di tapos na, dami pa
kasing pasikot sikot! Eh? Nagpalit ka na ng number? Bakit? Masyado nabang maraming nagtetext sa
iyong fans? Naks. Hmm. O siguro magsosorry ka na no kasi di mo ko pinapansin kanina? Ano ba kasi
nangyari sayo? Maganda naman performance mo a. Ikaw nga pinakagwapo e, true! Hindi man ikaw ang
title holder, ikaw ang winner para sa akin :)) Uyy ililibre na niya ako hehe. Basta peace na tayo ha? Kahit
di ko alam kung bakit mukha kang inis o galit kanina”-tuloy-tuloy kong sinabi.
“Kaanu ano mo ba si Jom?”-siya. “Ano bang klaseng tanong yan? Syempre friend, close friend kita
Jomar. At bilang close friend, obligasyon mong i-share ang problema mo sakin at ang award mo nadin
hihi”-ako. “Hindi mo ako gusto?”-siya. “Huh? Syempre gustong gusto kita bilang kaibigan.. Gusto ko
yung pagiging mahiyain mo e kasi dahil dun lumalabas pagka-bully ko haha. Bakit mo naman biglang
natanong yan? Nakainom ka Jom?”-ako. “Hindi ako si Jom”-siya. “At anong trip naman ngayon yan ha
Jomar? Kanina niyaya mo akong samahan kita sa pageant na yan para lang palakasin loob mo..At nung
tapos na, bigla mo akong hindi pinansin na parang walang nangyari a.. ni thankyou, wala at sasabihin
mo pang hindi ikaw to. Ewan ko na talaga sayo! Pero dahil mabait naman ako ngayon e patatawarin na
kita.. Basta sabihin mo nalang sa akin ang problema mo kung meron man ha, Jom?”-dire-diretso ko uli
na sinabi.
“Hindi nga ako si Jom, si Moshy Lee to”-siya. “Wow grabeng sikat talaga ng taong yun no? Fan ka na rin
ba niya ngayon? Sabagay gwapo naman talaga siya.. at deserve niya maging winner although sabi ko nga
ikaw nanalo para sa akin! Pero sa totoo lang.. nabaliw talaga ako sa ginawa at sinabi niya kanina.. alam
mo yun? Nag’iloveyou’ siya sa akin? Kalokohan. Inisip ko tuloy baka wala lang siya magawa sa buhay
niya at ako ang napag-tripan niya”- sabi ko. “Ganiyan ba talaga tingin mo sa akin?”-tanong niya. “Ano
ka ba? Syempre hindi, ang sinasabi ko yung si Lee. Parang ambabaw naman niya.. Mahal na daw niya
ako agad e wala pa nga atang limang beses kaming nag-usap e. Mukhang hindi makatotohanan, di ba?”-
tanong ko.
(Mahabang katahimikan..) Ano ba naman itey, naantok na ako.. Haaaah. Ayaw pa niya magsalita, sige
matutulog na nga ako.. “Ge nextaym nalang tayo mag-usap ha? Baka pagod ka lang, sige antok na ko.
Nayt, nayt Jom” Pipindutin ko na sana ang end call button, pero.. “Will you stop it?”-siya. “Ay, sosyal
napapa-english ka Jom ha? Uhum, anong meron? Ka-weirdo mo talaga ngayon, hirap mong igets. Hmm.
Teka, stop what?”-engot-engot-an ako. “Yang pagsabing ako si Jom”-siya. “O e bakit? Nag-change ka
na ba ng name? Hay oo sige na, ano na name mo ngayon? Peter pan? Pero oo nga no, ngayon ko lang
napansin.. parang iba ang boses mo ngayon, parang.. masarap pakinggan haha”- pagbibiro ko.
“Pagong ka ba?”-si Jom na hindi raw pala, (huh?) “Ay biglang pick-up line? Bakit?”-ako. “Kasi ang slow
mo e”-sagot niya. “Wow masakit ha.. pero true naman, slow ako minsan hehe. Pero ano namang konek
nito sa pinag-uusapan natin?”-slow ko talaga. “Nakakainis ka na, hindi nga ako si Jom, si Lee ito.. LEE”-
si Lee daw. “Halla? Di nga? Ikaw talaga iyan? Nagkabuhol-buhol na utak ko.. ”- naguguluhan kong sabi.
“Kung ayaw mo maniwala e di wag! Magsama kayo ng boyfriend mo!”-Lee? “Boyfriend? Wala naman
a.. Ahm. Kung ikaw talaga si Lee bakit naman.. di mo sinabi agad?”-tanong ko. “Anong hindi? Kanina ko
pa sinasabi, ikaw lang talaga ang makulit at mapilit na ako si Jom!”-si Lee nga! “Galet? Galet? Hindi
pwede mag-sorry? Hmp. Sorry na.. napaka-high blood mo naman ngayon. Meron ka no? Jokejoke!”- ako.
“Tapos na regla ko”-siya. “What? Haahahah nakakatawa ka naman. May regla ka talaga? Hmm..”-ako.
*awkward* Ang shunga ko ba? Bakit hindi ko nga naisip? O nagtatanga-tangahan lang? OO, napansin ko
naman na..Yung boses niya..parang iba. Tapos.. yung mga sinasabi niya.. Pero naka-impose kasi sa utak
ko na si Jom yun kaya dedma ako sa mga clue! Hayst! Ako na talaga si pagong, so slow! E kasi naman,
san niya naman kaya nakuha numero ko? Bakit siya napatawag? Para pag-usapan yung kanina? Naku
naman.. kung ano ano pa nasabi ko tungkol dun.. Baka mas lalo pang nainis sa akin to.. Saka hindi pa
aketch ready sa usaping yun no! O please, sana madeadbat na si celpon para di ko na kelangan i-end ang
call..
Ano na Lj? Harapin na ang realidad! Isipin mabuti ang isasagot ha? Brain cells, cooperate! “Uhm.. sorry
pala kanina.. kung napahiya ka dahil sa akin.. kung hindi ako nakasagot ng matino.. kung umalis ako
bigla.. kung akala ko ikaw si Jom.. sa mga nasabi kong hindi maganda.. ahm.. yun lang kasi yung tingin ko
sa ginawa mo kanina.. biglaan kasi saka uh.. imposible. Kelan mo lang kasi ako nakilala..”-ako. “Time
doesn’t really matter kung talagang mahal mo ang isang tao..”-siya. “Well, that’s your viewpoint.. but
still.. hindi parin magbabago ang isip ko.. it’s too soon to say anything.. Ayaw mo ba akong kilalanin
muna? And then saka mo sabihing mahal mo ako kung talagang kilala mo na ako at alam mo na ugali ko?
Kasi sa totoo lang, magulo kasi akong tao.. baka mamaya may makita ka sa akin na hindi po pala gusto,
yun..”-ako. “Sige pasensya na kung nabigla ka.. kung yan ang gusto mo.. ”-siya
“Oh nice. Good boy hehe. Sige friends?”-ako. “Friends”-si Lee. “Saka sabi rin naman nila.. friends can be
lovers, di ba?”-ako. “Mas naniniwala ako sa lovers can’t be friends”-siya. “Ay taray! O sige ha dude?
Tulog na me, late na kasi.. goodnight!”-ako uli. “Okay Lj.. iloveyou”- Lee. “I love you ka diyan, di ba sabi
ko friends lang muna?”-ako. “E may friends namang nagsasabihan ng ganun ah. Saka gusto ko lang
sabihin yun sayo para maalala mong mahal kita. Sige matulog ka na”-pagdepensa niya... at binaba na
niya.. Kinilig naman ako konti, may elektrisidad na dumaloy sa aking katawan, asus. Lagi talaga niya
akong ginugulat..Well, atleast okay na kami ngayon..
[:Saan ka mas naniniwala? Sa “friends can be lovers” O sa... “Lovers can’t be friends?”]
CHAPTER 20: FREE FOOD
(Miss ko kasi ang free food sa UPB at dahil cute talaga si pikachu :D)
“Pika pika pika pika pika pika” (message alert tone w/matching vibration) Nagsalita na naman ang cute
na si pikachu :D (Na-miss niyo siya no? Ako rin, parang sobra, a lot :P) Matagal-tagal ko ring hindi narinig
ang mahiwagang boses ni pikapi, pano lagi kasing naka-silent ang aking cellphone.. Hmm. Pero the who
naman kaya ang nagtext e ka aga aga naman yata?
*Message from Nel* Wui, si Nelia, ano naman kaya ang dala niyang mensahe? Sus, baka gm lang ‘to.
[Lj, tara dito sa school.. may event] Kaloka. Yun lang pala? Gigisingin ako ni Nelia para sabihing may
ebent ebent o anung eklabu sa skul? E heller? Knows niya naman na di nga ako mahilig.. hmp, ma-
replyan nga.. Ako: Waz new? Lagi naman may event. [Ngaung umaga, may forum na required tayong
puntahan, sa hapon naman film showing and sa gabi.. may live band, ano..game?] Ako: Waits, required?
As in? Why hindi ko na-knows? Waler namang naka-post sa board.. Hayst. O sige, punta ko sa forum.
[Eto naman, wholeday ka na, ngaun lang naman e..]
Ako: A-Y-A-W. [Kahit may FREE FOOD?] Natigilan ako sa sinabi niya. Ako: FREE FOOD????!!! Tara, ano?
Game? Ngayon na? Dali-dali. Ay di pa pala ako nakaligo, saglit. [Haha sabi ko na nga ba basta libre,
nagmumukha ka tuloy pagkain wahaha okay, see you later] Ako: =D Shocks. Free food! Tulad ng ano
naman? Sabagay.. oks lang sa akin kahit ano, basta pagkain.. hindi rin naman kasi ako choosy e, okay na
ako sa pizza or burger :D (sabi sayo e, di ako choosy :DD)
{... Sa School...} Pagpasok ko palang sa gate ay agad na sumalubong sa akin ang free taste ng cloud9.
Naman! Tsokolate!!!~ kaso masyado atang maaga para mag-chocolate.. O’well, libre yan Lj, arte lang?
Dumaan na ako at binigyan nila ako ng apat na maliit na cloud9, syempre nag-thank you naman ako,
sama ko naman kung hindi diba? ..pero parang bitin, daan kaya ako ulit? Kahit mga 50 times lang para
may 200 akong cloud9? :D hahah echoserang froglet.Hmm. Do I have what it takes? Hahha. Saglit..isip
muna ako ng matagal na matagal...As in 10 seconds. *face check* Yan.. makapal naman pala mukha ko
ngayon, O go na ba ako? Wag muna daw agad-agad, palipas ako ng ilang seconds..
[After 1000 seconds..] Daan ako ulit, kunyari walang nangyari.. Ako: Thank you po Oh yes, hahaha
galing ko naman. Isa pa? Syempre papasok ako kaya malamang dadaan ako ulit sa gate diba? Ahem,
*face check* Keri pa naman ng mukha ko, makapal pa konti.. Ayan na.. here I come.. E nahiya ako bigla..
,** Pero inabot na ni Ate sa akin ang cloud9, at pagtingin ko sa mukha niya.. HUh, natatawa siya? Hindi
siya naiinis? Katuwa naman, ipagpatuloy mo yan ate, that’s nice! ‘Di bale ate pagpapalain ka ng Diyos..
ng bonggang bongga, times10!! O siya, tsupi na nga ako, baka bawiin pa ni ate ang free foodXD
Sa labas palang ng audi(auditorium) ay sinalubong na ako ng aking mga ka-org/friends. Shanel: Lj is that
you? Ako: Ay hindi, piktyur ko lang. Oops, kalimutan ko, bawal palang biruin ‘tong si Shan. Ako: Joke
lang :D(sabay ngiti) ofcourse this is me, who else? Nemen e, nepe-english tuloy ako ng di oras haha.
Liwynn: Nakakapanibago ka naman tol, di ba ayaw mong pumunta sa mga event dito sa skul? Hindi ako
sumagot kundi tumingin kay Nel saka kami nag-kindatan(may term bang ganun? Basta kumindat kami sa
isa’t isa :)
Ilary: Wynn, as Journalism major, required tayo na pumunta sa forum this morning, remember? Yea yea,
isa akong Mass Communication student at ang kinuha kong Major ay Journalism. Sabi nila-at marami
sila ang nagsabi na mahirap daw kapag Journ major kasi yung iba nga nag-shift na sa Speech at
Broadcasting.. pero ano ba naman magagawa ko? E shy shy daw ako pagdating sa speaking infront ng
maraming tao.. (o diba? Maka-taglish lang:P) Oo, yah, madaldal ako pero di ko keri ang mga ganiyan
ganiyan no! Kaya kahit naman dugo ilong ako palagi sa aking major ay tinitiis ko, tutal labs ko naman
ang pagsusulat e :D
Wynn: Oo..Sana yung live band na agad. Nel: Yung film showing muna! Balita ko karamihan ng
ipapalabas ay suspense mwahahha. Shanel: Ah guys? Shall we go to the forum now? Ish. Bakit ba kasi
kami required? E di sana mahimbing pa ang tulog ko ngayon..
(Pagpasok namin sa audi..) Oh yes bebe, free fooooooood! Teka, wait.. get a hold of yourself Lj, hindi ka
patay-gutom..May pera ka, ayaw mo lang gumastos. Tamad ka kaya ayaw mong bumili.. Kaya hintayin
mo nalang ang grasya, okay? Hoo. Matagal tagal pa to, bakit kasi may presentation pa silang
nalalaman? Ayoko dito, halika muna consciousness.. drift away muna tayo.. Away, and away.. Let’s think
about yesterday..
“Will you let me cater to you Lj?” Waaah, kakilig ng super duper uberer! Masyado akong natuwa ha,
impernes..Pero pano nga kaya kung sinabi kong “yes?” Malamang ihahatid niya ako at susunduin araw-
araw..Tapos bonding kami, kwentuhan..At tuturuan niya akong magbasketball..Kakain kami sa labas,
papasyal kami..Oh wow, saya siguro nun diba? Tapos masasaksihan ng whole wide world ang panliligaw
niya sa akin..Hay, sarap naman.. SANA. Pero mas okay naman diba kung friends muna kami ngayon?
Aruy! Malay natin magkadevelop-an kami someday, somewhere..Teka.. teka ano ba iniisip ko?? Gusto
ko na ba siya? Cannot be ito Lj, cannot be! Nabibigla ka lang sa mga pangyayari. Hindi mo siya gusto,
kelan lang kayo nagkakilala okaY? Wag kang ganiyan, it’s not healthy for your heart, charing!
Naputol ang pagde-daydream ko nang abutan ako ng tinapay at juice ni Nel. Nel: O yan na hinihintay
mo. OH?that fast?dami nangyari agad? Masaya pala magdaydream e, mabilis oras. Ako: Salamat Nel,
wala na ba ‘tong dagdag? Charot! Agad ko ng nilantakan ang pagkain..And speaking of food, malamang
nagtataka ka kung san napunta ang cloud9 ko. Pero ‘di ko sasabihin no, isa yang sikreto XD
Maya-maya ay hindi ko namalayang hapon na pala.. Pero andito parin ako sa auditorium, nanonood ng
film, pero actually, i would call it “hearing” not watching. Kasi di naman ako nakatingin sa screen,
nakikinig lang ako habang naglalaro ng game sa aking phone :P
Syempre, di mawawala ang free ngayong araw dahil mayroong free coffee! Parang kopiko 3-in-one ang
lasa, sosyal pa naman, may straw. Hmm. Kakaiba tong straw na to a, flat naman.. Kaya kinagat-kagat ko
ang “straw” at narealize na matigas pala siya kaya cannot be na straw siya..E ano to? Nel: Anong
ginagawa mo sa stirrer? Huh? Ano raw yun? Stirrer? Panghalo ganon? You mean hindi ito straw..kundi
panghalo? *tahimik*.... Ay.slow.ko AGAIN!.Pong pagong ikaw ba yan? Ako: Ah wala, ine-exercise ko
lang ngipin ko hihi. Hooh.palusot.com na naman ako. Exercise? Kelan pa naging exercise ang pagkagat
sa ‘mukhang straw na stirrer?’ Ah, eh, ngayon.. dine-declare ko na ganon, o baket, masama? XD Buti na
lang focused si Nel sa panunuod kaya no pansin siya sa sagot ko hehe.
CHAPTER 21: CONFUSED
Malapit nang sumapit ang gabi at narito parin ako sa skul. O’well, napilit nila akong mag-stay pa e..
Kasi.. may free food pa raw mamaya.. sssh.. wag ka maingay ha? :D Kasama ko ang Happiness org at
papunta na kami sa grounds nang bigla kong naalala si Jom.. Kahapon lang.. andito kami sa grounds at
pinakiusapan niya akong samahan siya sa pageant.. Kahapon.. at pagkatapos bigla nalang siyang hindi
namansin..Tss. What did I do? .. Andito kaya siya ngayon? Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, left and
right, right and left..waley! E sa likod ko kaya? Area cleared din..
Ibinalik ko na ang tingin sa harapan ko..And guess what? Siya pala ang nasa harap ko, hindi ko agad
napansin! Saya-saya mo ngayon ha, tawa tawa ka diyan..sus. Lapitan ko kaya? Hmm. Tatanungin ko
lang siya kung anong nangyari sa kaniya kahapon.. Baka nasa mood na siya ngayon..sana, I hope.
Paalam lang muna ako sakanila.
Ako: Uy, pupuntahan ko lang yung kaibigan ko ha? Wynn: Saan tol? Ako: Hayun o!(at tinuro ko si Jom)
Ilary: Hindi mo ba kami ipapakilala? Ako: Syempre ipapakilala,pero mamaya muna ha.. may sasabihin
lang ako sakaniya. At lumapit na nga ako kay Jom, hindi ko alam sinundan pala ako ni Nel. “Jom!”- Ako.
Tumingin si Jom sa akin at napansin kong blanko ang naging expression sa kaniyang face.. Kanina lang..
jolly jolly ka pa..Ano ba to? Fill in the blanks?! Hindi na to nakakatuwa Jomar. Ako: Hi Jom!!! No
comment, no reaction at all. Nice!
Biglang nagsalita si Nel na nasa likod ko na pala.. “Bakit parang hindi ka niya pinansin? Sigurado kang
kaibigan mo siya?” Ako: Oo naman no! Sinamahan ko pa nga yan sa pageant kahapon! Oops. Nadulas
ako.. hindi pala nila alam na pumunta ako, hihi. “Pageant? Pumunta ka?”-Nel. “Ah, eh.. oo eh, hehe
nung wala na kayo kinausap niya kasi ako kahapon na ano.. samahan ko raw siya..”-ako. “ooh. Okay. E
bakit ngayon hindi ka niya pinansin?”-Nel. “eh.. ewan ko diyan.. basta! mahabang kwento e. Sige diyan
ka nalang muna ha.. kukulitin ko lang ‘to”-ako.
“Jom!”- Ako ulit. Wala pa rin ata siyang balak magsalita ah.. Tinignan ko siya na parang nagmamakaawa
at mukhang naawa naman ata ang loko. “Sorry”- Jom. Sorry? Yun lang? For what? Elaborate pls! “Busy
lang talaga ako, sorry..”-Jom. What? Busy? As in.. BEEZEE?Kelan pa? Bakit wala akong natanggap na
notice?! “Iniiwasan mo ba ako Jom?”-ako. “Hindi.. marami lang talaga akong iniisip Lj..”-Jom. “Tungkol
ba ‘to kahapon? Ano ba kasi yon? qdhsdhasdkjasduw. Kakainis ka na ha”-ako. “May mga bagay na
mahirap sabihin..kahit sa isang kaibigan”-malaman niyang tugon. Nge. Ulit.ulit.. NGE? Kalerks, anong
drama itech? “Ganon? E.. tulad ng ano naman? Kilala na kita Jomar, ano pa ba ang hindi ko alam sayo?
Siguro may tinatago kang..ano..”-panghuhuli ko. Ey. Ano ‘to pinagpapawisan siya? Tensed siya?
Kinakabahan? May tinatago nga kaya ‘tong ugok na ‘to? Mukhang sapul siya sa sinabi ko e..
“Malalaman mo rin sa takdang panahon..”-sabi niya. “AAAH?? EEEEH??? IIIIH??OOOOOOH?
UUUUUUH? Big brother ikaw ba yan?”-ako.
“Sige uwi na ako”-pagpapaalam niya. Oh no. Cannot be ito! I will not allow this! Pero pano ko siya
pipigilan? Hindi ko na nga siya mapakiusapan e! Sinundan ko siya palabas ng gate at..AT...Hinawakan ko
ang kamay niya..Napatigil siya at humarap sa akin. Errrr. Easy ka lang Lj.. bakit.. bakit..ako..parang..
ano..kinakabahan.. Why?bakit? Waz the meaning of this???? Explain! Okay Lj, for once, maging seryoso
ka nga..Grr. ‘di ako makapag-isip, ang alam ko lang ngayon e.. hawak ko ang kamay ni Jom. At iba ang
feeling ko..
Nagtagpo ang mga mata namin, at kita ko sa kaniyang mata na..Naguguluhan din siya tulad ko..Buti
nalang at nagsound-check na ang unang banda at binitawan ko na ang kamay niya. *awkward* Walang
sabi-sabi, umalis na siya at lumabas na ng gate..Ako naman, tulala ulit. Mga 5 minutes bago ako
natauhan at bumalik na ako sa mga kaibigan ko.. “Anyare Lj? Nakausap mo ba ng maayos”- Nel. “H-ha?
Ahm.. tutugtog na pala yung banda no?” Pag-iwas ko sakaniyang tanong. As usual..“sinagot ko ang isang
tanong ng isa ring tanong” “Hooooooh!” sigaw ni Wynn sa banda. “Are you okay?” si Shanel. “M-me?
Ofcourse, why not coconut...” ako. “Akala ko ba ipapakilala mo siya sa amin Lj? Asan na siya?” si Ilary.
“Ah..eh.. uuwi na raw siya.. next time ko nalang siya ipapakilala..” ako.
“Eto pampakalma” at inabot sa akin ni Nel ang kape at pagkain, mukhang masarap. “Uhm. salamat” saka
ako ngumiti, pilit. Kumakain ako ng pancit nang nag-vibrate ang phone ko..May text..Si Jom kaya? Ooh.
Unknown number.. Ako: Sino po sila? Mystery person: Is this a joke.. again? Ako: Joke? Anong joke?
Hindi naman ako nagjo-joke. M.P: Kamusta ka na? (Feeling close? Hindi nga kita kilala. ) Ako: Okay
naman, ikaw. M.P: Asan ka ngayon? (Tatay?tatay? Tss. Wala ako sa mood ngayon..) Ako: Sa bundok.
M.P: Oo naman, andito tayo sa bundok. I mean sang lugar dito? (Who are you? Stalker? Shuttup already)
Dinedma ko ang text dahil masyado akong affected sa nangyari kanina.. Ang weird ng feeling.. parang..
sdakjsdtyaudtaiuda. Di ko ma-explain.May translator ba diyan? :D
Hindi ko namalayan ay naubos ko na pala ang pagkain na para pala saming lahat, Halla! Nel: Takaw! Ako:
Uy halla, pasensya na.. hindi ko namalayang, uhm.. naubos ko pala. Pakuha nalang Nel, please? Nel:
AYOKO, ikaw nalang. Ikaw nakaubos e. HA? At kelan pa nag-inarte tong si Nel? Ako raw? E.. baka
matapon ko pa yung pagkain.. masayang.. Ako: Nel.. clumsy ako diba alam mo naman? Nel: O tapos?
Sige na kumuha ka na, gutom pa raw si Shanel. Shanel: No.. I.. I’m not. Ah.. yes.. I am. Ano ba talaga? O
di sige na, ako na, ako na! Wish niyo lang na wag akong matapilok or whatsoever na makakagawa ako
ng eksena. “Ah.. at pakuha na rin ako ng kape” habol ni Nel.
Pumunta na ako sa table at kumuha ng pagkain..sa isang kamay ko ang kape na pinapakuha ni Nel.
Hasdgasduisywasuayus. Dapat mag-ingat ako dito.. Babalik na sana ako sa upuan namin nang pagharap
ko ay natapunan ko ng hawak kong kape ang isang babae. OMG! Me dead already *_* Gurlalu:
sfysetdqwdhajsd. Ano raw? Di ko nagets.. Ako: So sorry miss. Hindi ko sinasadya.. Gurlalu: Dapat kasi
tignan mo naman no! Buti sana kung hindi kape yang hawak mo, e mainit kaya yan! Ako: Pasensya ka na
talaga..Saka ako umalis at dali-daling pumunta kila Nel.
Shanel: Thanks Lj.. Nel: Bakit kalahati nalang tong kape? Uminom ka no? Ako: Actually.. natapunan ko
kasi yung babae.. Ilary: Okay lang ba yung babae? I mean okay ka lang ba Lj? Ako: I think so.. Sige uwi na
ako guys..Bye Nel, Shan, Ilary, Wynn.. Nel, Shan, Ilary: Bye, ingat.. *fistbump* “Rock en roll to the world!
HOOO!” sigaw ni Wynn na hindi namalayan ang pag-alis ko.
Habang pauwi na ako ay chi-neck ko ang cp ko..10 new messages? 3 missed calls? From +63915*******
Sino ba ‘to? Masyado nang epal.. Tumawag siya ulit at pinindot ko ang answer button. Ako: Hello? M.P
na epal: Hi Lj, nakauwi ka na ba?. Ako: Bakit? M.P na epal: Bakit ang sungit mo? Di ba friends na tayo
ngayon?.. Tinignan ko ang number at napansin ko na yun rin ang numero na tumawag sa akin kagabi.. Si
Koreano pala. Hindi ko pa pala na-isave number niya.
Ako: Sorry, may niisip lang ako. Bakit ka pala napatawag? Koreano: Nangangamusta lang naman.. at para
sana marinig boses mo. Ah okay, di ako kinikilig. Ako: Pwede next time nalang? Pagod kasi ako..
Goodnight.. Koreano: Ah.. okay. I love you.
That three-letter word again. Bakit ba parang madali lang sakaniya sabihin yun? It takes guts to say it
you know, a lot of guts. Binaba ko na ang cp at humiga sa kama, iniisip si Jom..
CHAPTER 22: MNEMONICS
(This is a true experience of mine *,- I’m happy to share)
Dumaan ang mga araw ng mabilis.. Hindi na kami nag-usap o nagpansinan pa ni Jom, kapag nakikita ko
siya either umiiwas siya ng daan o ako naman ang “kunyari” na hindi nakakita sakaniya. Nami-miss ko na
si Jom..Pero that’s life, maghihintay nalang ako sa “takdang panahon” na sinasabi niya. Meanwhile, sa
aking buhay “friendship with Koreano..” Ah. Wala lang, syempers kakatuwa din samtayms pero most of
the time ang nagger niya ngay kasi akala mo siya pa yung gurlalu. Makapag-demand lang, akala mo
kami. Ibang klase ‘tong isang ‘to, hindi lang ako makapagtext agad..Bobombahin niya na ng text ang
kaawa-awa kong cellphone! Kung nakakapagsalita lang ang cp ko malamang matagal nang umalma yan
at nagreklamo, tsk. Kaso hindi e, cannot speak si cp kaya silent nalang siya..
Meron pa yung isang gabi..Napuyat ako dahil sa kakatawag niya! Akalain mo yun! Hatinggabi na ayaw pa
magpatulog! Umabot pa nga sa time na madaling-araw na chika to the max parin e! Ayaw ata
magpatulog.. e boarding house kaya ako nakatira? Malamang rinig na rinig ng boardmates ko at
naiistorbo sila diba? Pero syempre mabait naman din ako konti kaya pinagbibigyan ko nalang, ako
nalang ang nag-sosorry sa mga kabahay ko.. Feeling ko tuloy dead na dead siya sakin, feeling ko lang
naman :D
Teka..Ano na naman ba mga pinagsasabi ko? At dito pa talaga ako sa klase nag-isip? “Pst, may hinanda
ka bang mnemonics?” bulong ko kay Harra. Andito kami ngayon sa last subject namin, yung “boring na
subject na may mabait na Prof..” Natural Sciences pa naman at ang topic namin ngayon..Geologic
Record, mga periods, eras, eons, etc. Nasabi ni ma’am last meeting na maghanda ng mnemonics para sa
discussion..E hello???? Large class po ito, hindi naman lahat matatawag.. Pero naghanda parin daw ako,
just in case of emergency :D “Hindi e, tinatamad ako” sagot ni Harra. Mabuti naman para may kasama
ako pag nagkataon..Halla nandamay :P
Maya-maya nagtawag si Ma’am dito sa row namin!! OHGAS, wag naman sana dito,. Er.. or.. yung madali
lang ichorva ang ipagawa samin ni ma’am. Tug.tug.tug. ^tambol ng drum^ Natawag na si Harra!
Tinanong siya kung anong ginawa niyang mnemonics sa epoch ata, ah basta yun! Kinabahan ako for her!
Syempre ang sabi ng lola mo hindi daw siya ready, ako din naman.. isa lang ang ginawan ko.. Nakasagot
naman siya agad, kala mo may hinanda talagang sagot, elibs pre! Kabilis niya mag-isip!! BRAVO!
MAGNIFICO!! “Sabi mo wala kang ginawa” sabi ko sakaniya. “Wala nga, inisip ko lang kanina” sagot niya.
Ah.. AY teka lang te! Magkatabi pala kami ni Harra.. and that means.. AKO NA SUNOD! Sana po yung
period, yung period po ipagawa niyo sakin.. iyown lang ang aking ginawan ng mnemonics. Ma’am V: Lj,
what is your mnemonics for PERIOD? Ohyeah! Jackpot :D Pero teka.. nakakahiya kasi tong gawa ko, ang
cheap..Yung iba kasi kagalang-galang.. yung sakin? Parang echos lang talaga..Nagdalawang-isip muna
ako kung isasagot ko ba yung ginawa ko..E panay kalokohan kasi yun..Pero hmm. Sige na nga! Kesa
naman wala akong maisagot diba?
Ang nasa Period kasi ay..Cambrian, Ordovician, Silurian, Devonian, Mississippian, Pennsylvanian,
Permian..Ako: Coke O Sprite Depende Masarap Parin Pare. Napahinto daw ako sa part na yon! E hindi
pa naman kasi ako tapos.. pero kasi tumatawa sila, nahihiya akow. Ma’am V: Coke o Sprite? Then..
(habang nagsusulat sa board) Grabe lang ma’am, balak mo gawing example? Ako: Uhm. Po? Depende..
Masarap parin pare..At..Tara Join Ca. Para sa Triassic, Jurassic at Cretaceous. Ma’am V: Okay(sabay
smile) how about the T and Q? (Tertiary and Quaternary) Ako: (ngumiti) Hmm. Wag na po, yan nalang
po. Pero syempre pati yun meron ako, ayoko na nga sabihin..Tama na no! T-ampo Q- o. Harra: Haha
maganda yon a, pakopya nga. At inagaw niya notes ko, loko to.. Insulto ba yon o puri? Di bale na nga
atleast nakapagpasaya ako ng tao di ba?
Si kuya din na may girlfriend (ka-row namin), natuwa din ata sa mnemonics ko. Makangiti lang o, abot
langit :D Nakow, cute sana siya e.. kaso may girlfriend.. Ayoko kaya magka-crush sa taong may
girlfriend.. Parang “back off” ang nasasabi ko sa sarili ko. Kaya naman kahit pwede akong magpa-cute
sakaniya any moment ay hindi na ako nagtangka kasi nga taken na siya e.. Sabi ko nga, konti lang ang
“potential jowa-ers” dito sa campus namin, kung hindi bading, may karelasyon naman :D
Buti nalang si Lee..Single and Available, ready to mingle! Pero friends lang kami ha? Friends nga lang
ba?
CHAPTER 23: FRIEND’S/LOVER’S ZONE?
Dahil sa patuloy na pag-iloveyou sa akin ni Koreano..Unti-unti na yata akong nagkakagusto sakaniya!
Shocks no! Pigilan mo sarili mo Lj! “I love you”- siya. Di ako sumagot.. “Anong sasabihin mo?” –siya.
“Ah..okay thank you”- ako. “Yun lang?”- siya. “Oh bakit? Ano bang dapat?” –ako. “Na mahal mo din
ako”- siya. Mahal? As in LOVE? Oh no, sira ulo talaga to. “Mahal? Diba sabi ko nga sayo dati hindi mo pa
ako kilala”- ako. “Kilala na kita. Alam na alam ko ang bilang ng nunal mo sa mukha mo. Malayo ka palang
alam ko na na ikaw yan” Nunal? Natawa naman daw ako dun :D totoo naman kasi na marami akong
nunal. May nagpick-up line pa nga sakin dati dahil don..
Sabi niya...Pinaglihi ka sa paminta no? Kasi ang dami mong nunal.. Or di kaya may kausap ako na bigla
nalang matutulala at biglang sasabihing..Andami mo palang nunal no? At susubukan pang bilangin :D
Sanay naman na ako kasi tanggap ko na rin na madami talaga akong nunal :)
AY may kausap nga pala ako..“E basta hindi mo ako kilala”- ako. “Bahala ka nga”- siya. Nagtampo agad?
Anklase naman neto? Kaarteng lalaki..“Okay”- ako. Saka ko siya binabaan. Nako, hindi na to maganda..
Sa totoo lang kasi..Sa mga nakalipas na araw ay dumadalas na ang away-bati namin, mas malala pa kami
sa magjowa! Konting bagay lang tampo, away..Ano bayieee? Hmp. Nevermind na nga, tulog na ako.
^^Kinabukasan..Kelangan naming pumunta sa auditorium kasi may event something.. basta. Go nalang
ako. Hindi naman lingid sa mga kaibigan ko na may ka-text nga ako na “friend,” pero syempre malakas
pang-amoy ng mga to kaya smell nila na may “something fishy.” E di nagdaldal na ako sakanila habang
nasa auditorium kami..“At yun nga.. sabi niya crush niya ako dati”- ako. At pinakita ko ang piktyur niya..
(Si-nave ko kasi sa phone ko :D) “Ang gwapo tol”- Wynn. “Ang yummy niya!”- Nel. Habang tinitignan ni
Ilary at Shanel ang piktyur ay napansin eto ni Riya, blocmate namin siya pero hindi ko ka-close..kasi
nuon palang hindi ko siya feel.. ewan ko ba..hindi lang talaga. “Patingin nga, sino yan”- Riya. “Bakit ka
may piktyur niya?” dagdag pa niya. At baket? Bawal? Kilala mo? Close kayo? E di kayo naaaa..Hindi ako
sumagot.. alangan namang i-share ko sakaniya e hindi nga kami close! Hindi ako cellophane,
tupperware, nonbiodegradable! In short, HINDI AKO PLASTIC! Kaya di ako magsasabi..
Paglabas namin sa auditorium ay agad akong kinausap ni Riya... “Grabe, crush na crush ko siya Lj!”
“Nililigawan ka ba niya? Kayo na ba?” siya ulet. Ako naman tumahimik nalang. I believe I have the right
to remain silent. “Crush daw niya si Lj, schoolmate sila noon”- si Ilary. What? Ilary? Bakit mo sinabi?
Sometimes kadaldal netong si Ilary e., Ano naman ang iisipin ni Riya? Na pinagyayabang ko na kras ako
ng kras niya? Tss, I hate you for a moment there Ilary. “Talaga? Ikaw na talaga” sabi sakin ni Riya. “Kung
gusto mo sayo na siya”- ako. “Talaga? Totoo ba yan?”- Riya. “Oo, di ko naman yun boyfriend e”-ako.
Totoo naman e.. tss. Tsaka ayoko kasi nung feeling na may naagawan. Oo na, O.A na ako.. crush lang
naman niya..Pero kasi ang balita ko grabe daw talaga siya magka-crush e. Kaya naman sakaniya na
siya! (lee) Tuwang tuwa ang loka.. pero nang magpaalam na siya.. “Aalis na ako ha, bye bye” Naki-
fistbump din daw siya samin..At nung sa akin na...“Ayoko kay Lj” bigla niyang sabi. Huuuwat?
Personalan ganon? Kasalanan ko na crush ako ng crush niya? Tss. “Joke lang” pahabol niya, saka
ngumiti. Pero walang fistbump. Kfinetnxbye.
Pag-uwi ko naman sa bahay at nakatext ko si Koreano ay sinabi ko nga sakaniya ang nangyari..
“Pinamimigay mo na ako?”- siya. “Hindi naman kita pag-aari e kaya pano kita ipapamigay?”- ako.
“Ganiyan ka pala.. binibigay mo ako sa iba”-siya. Natawa ako. Mukha siyang ewan! Di ba hindi naman
kami kaya pano ko siya ibibigay sa iba?
“You don’t choose your feelings. You just find yourself feeling however you feel.”
-mula sa aming readings sa Philosophy, sensya di ko alam sino may akda haha :)
Oh di ba? Para maiba naman! :D
CHAPTER 24: GANG MEMBER
Ligo, palit, konting polbo, pabango, suklay.. pwede na yan! Nagmamadali? Nagmamadali?
Nagmamadali? Nagmamadali? Nagmamadali? Nagmamadali? Oo, oo, oo, oo, oo, oo, oo. Hay ankulet
ng utak ko! Naku, late na naman ako! May hinahabol pa akong deadline ng research paper namin! Agad
akong tumakbo sa computer shop malapit sa amin para magpa-print ng aking paper...Pero ito ay..
SARADO! Naman! Ayaw ako pakisamahan? Nananadya? Nananadya? Nananadya? Nananadya?
Nananadya? Nananadya? Nananadya? (Pst. Brain! wag ka naman makulit, kahit ngayon lang please?)
Hmp. Sa SM na nga lang ako magpapa-print saka magreresearch na din baka may maidagdag pa ako.
Ano ba yan, rush paper na naman ito! Male-late pa ako sa submission, kakainis! Taxi na nga yan!
Kaya pumara na ako ng taxi. “Ma’am ang ganda ng bonnet niyo ah” sabi ni “manong driver na
nagmamaneho ng kulay puti na taxi” O bakit? Nakakita ka na ba ng taxi na.. pink? Green? Blue? Pag
meron, piktyuran mo at patingin ako :D Ay! Oo nga pala, nagbonnet ako kasi hindi ko na nga masyadong
naayos ‘tong buhok ko, para naman hindi masyadong halata hahah. Ngumiti lang ako, iniisip ko kasi
kung tatanggapin kaya ni Ma’am ‘tong paper ko na late. “Ma’am para kang bata. Tsupon na lang ang
kulang at mukha ka nang baby” pangungulit ni kuya. Ako? Be-be-beybi? What kuya? I so like your
common sense hehe. “Hahaha si kuya patawa” sagot ko naman daw. Chika minute na kami ni kuya
habang hindi pa kami nakakarating sa SM. At nung bababa na ako sa taxi ay sinabihan pa niya ako ng..
Ingat! O ha? close na kami no?
Mabilis akong naglakad, tinakbo ang escalator para lang makarating sa fourth floor kung saan ako
magpapa-print. Kung bakit naman kasi sa pinakataas pa naman yung mga computer shop! Inayos ayos
ko pa ang paper ko at nag-research ng kaunti saka nagpa-print. Kulang na lang ay madaliin ko ang printer
dahil few minutes left.. at maaari nang mawala ang pinaghirapan ko. Chos. Syempre pinaghirapan ko
naman daw, yung puyat (kasi kagabi ko lang ginawa), yung gastos, yung distress, yung gutom. Kroo kroo.
Gutom na ako, di pa ko kumain. Di bale pagkatapos nito..
Nagtaxi na ako ulit para mas mabilis akong makarating sa Campus. Nang nasa tapat na ako ng faculty
room ay nagdalawang isip muna ako kung papasok na ako..E kasi naman.. baka mabentongs pa ako ke
Ma’am..Pero.. sayang naman ang efforts ko kung hindi ko maipapasa di ba? Kaya.. binuksan ko na ang
pinto.. “Sorry po Ma’am” agad kong bungad. “Anong gagawin ko sa sorry mo?” sabi ni Ma’am. Patay,
dead na ako. Does this mean..? Teka.. baka naman pwede pa... isang oras LANG naman ako LATE. “Kasi
po late ako Ma’am”-ako. “Ibabawas ko nalang sa grade mo ‘to.. at bakit pink na envelope? Hindi ka ba
nakikinig? Ang sabi ko brown envelope na short” Aruy. Strike two. Di bale na, basta tatanggapin parin.
“Sige po ma’ma bibili po ako”-ako. “Sige bilisan mo.” At tumakbo agad ako sa canteen, nagbabakasakali
na may envelope silang tinda.. Pero wala naman daw.. halla! Saan ako bibili?
Pumunta ako sa 7 11 na malapit sa amin saka tumingin kung may envelope.. Pero wala rin!!! Naku.. Ang
saya naman neto di ba? Buti na lang at meron palang Mini mart dito na malapit.. This is my last chance,
kung wala dito.. sa SM na naman ako pupunta. Hayst. Meron kaya o wala? Yey! Wala. Jokes. Meron
kadi! Sa wakas!! Binili ko na ang envelope saka sumakay na ulit ng taxi dahil pagod na pagod na ako sa
kakatakbo all over! Ayun, takbo ulit hanggang sa naipass ko na ang magastos na research paper ko.
Hooh. Pagod ako at gutom.. kaya naman napagpasyahan kong kumain muna sa canteen ng brunch
(breakfast + lunch) Ite-text ko sana ang mga ka-org ko kaso may klase pala sila..Wala tuloy akong
kakwentuhan, gusto ko pa naman maki-chika. O’well. Kain na nga lang ako.. Nakalahati ko na ang
pagkain ko nang may lumapit na babae at nagtanong.. “May nakaupo ba dito miss?” sabay hawak sa
upuan na nasa tabi ko. “Ah wala” sagot ko. “Do you mind if I sit here with you?”-siya. Ay inglesera.
“Okay lang”- ako. Malapit ko nang maubos ang pagkain ko nang bigla siyang nagsalita.. “Miss.. diba ikaw
yung girl na tumanggi kay Moshy nung pageant?”- siya. Uh-oh. Si Lee ulet? Fan na naman niya ‘to?
Grabe! Hindi na ako magugulat isang araw kung bigla nalang may mangharang sa akin sa daan saka
ako sabunutan. Teka, wag yun, ang brutal naman ata nun.
“Siguro”- ako. “Girl ang taas naman ata ng tingin mo sa sarili mo.. ikaw pa talaga ang tumanggi
sakaniya”- siya. Nawalan na ako ng gana kumain.. imbes na kukuha pa sana ako ulit e.. Bakit ba
madaming pakealamera sa mundo? Wala na ba talagang magawa ang mga tao ngayon sa buhay nila?
Ultimo manghusga ng tao, ginawang libangan na. Kung makapagsalita ‘to akala mo alam niya lahat!
“Kilala mo ba ako miss?”- ako. “Hindi. Why? Are you someone important? I don’t think so”- siya. “O
naman pala e, hindi mo ako kilala so why do you talk to me as if you know me well?”- ako. Aba.
Syempre nilabas ko na ang mga tinago kong ingles hahah di naman ako papatalo no! Hinawakan niya
ako sa braso saka sinabing, “Payo lang, layuan mo na siya kung ayaw mong masaktan.” “Bakit ako
masasaktan? Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko miss, want a demo?”- panakot ko sakaniya. “No- no
way.. You can’t do this to me! Member ako ng sorority, isang tawag ko lang sakanila and you’ll be
finished”- siya. “Oh talaga? Ako member ng gang, yung mga tropa ko mga in and out sa kulungan..
masyado kasi silang marahas at malakas”- ako. “Sino ka ba talaga? Diyan ka na nga”- siya. Saka tumayo
at umalis ng canteen.
Bwahahah. Ang galing ko mag-bluff! Naniwala naman ang loka, syempre hindi totoo yun no! Matino yata
ako :P Kidding aside, ayoko ng ganito..Ayokong may kaaway o makiaway dahil sa lalaki. Hindi ko trip
yon! Baket? Mauubusan ba ng lalaki sa mundo? Ha? Ha? Ha? Ha? Ha? Ha? Ha? Ha? Ha? Sa ngayon, ito
ang naisip ko munang gawin.. ang LUMAYO.
If there is one thing that I am good at..
It is running….
AWAY
CHAPTER 25: AVOIDANCE/ESCAPE
Call me coward. Coward! Coward! Coward! Coward! Coward! Coward! Coward! :D Ilang araw kong
dinedma ang text ni Lee, hindi sinagot ang mga tawag niya.. Isang gabi.. Kausap ko sa cellphone ko si
Mama, nakakapanibago lang kasi sa mga nakaraang araw. Ang lagi kong kausap ay si Lee. Habang
kausap ko si Mother Earth ay nag-text si Lee..[May kausap ka na palang iba] Huh? Siguro sinusubukan
niya akong tawagan..Yaan ko na nga.. iiwas ako.. iiwas. Kaya yun, pagkatapos namin mag-usap ni
Mama ay inalis ko na ang sim card ko. Yung isang sim ko nalang muna ang gagamitin ko..
Hay..Ayoko munang isipin.. kung anong meron kami.. At kung anong maaring magkaroon sa amin..
Dyusko day! Sa dinami-dami ng problema sa mundo, aba hindi ata magandang problemahin ko pa ang
isang bagay na ayaw kong harapin..Napag-isip isip ko na wala akong panahon sa mga ganiyan
ganiyan, isa pa.. masyado pa akong isip- bata para magjowa.. Lagi lang kaming hindi magkakasundo
diba? Hay.. pero.. namimiss ko din naman siya.. kahit papaano.. Yung boses niya, ka-sweetan niya.
At yung mukha niya..Bihira ko na lang din kasi siya makita sa Campus dahil hindi na ako madalas
tumatambay doon. Doon sa isang subject naman namin na magka-klase kami.. Hindi ko siya tinitignan
at lumalabas ako agad diretso uwi na kaya walang time para mag-usap kaming dalawa. Sadya ko yung
ginawa, iwas epek e..
Isang araw.. Hapon nun..Biglang meron kaming make-up class sa History subject namin..Speaking of
make-up.. may naknak ako!!! Galing ‘to sa kapatid kong six years old :D Ahem.. “Make-up ka ba?”
“Kasi mukha kang blush on” Haha ewan ko ba pero natawa ako dito, ikaw ba hindi? Wahhaha. Okay
back to the story na po..
5:00 pm yun at pabalik na ako sa Campus kasama ang mga kaibigan ko. Nagkuwekuwentuhan kami sa
daan..Nang bigla.. napahinto ako.. Nakita ko si Lee! Nakasalubong namin siya, galing siya sa
Campus..Nung nakita ko siya... At nakita niya ata ako..Nagkatitigan kami saglit..At yumuko siya. Hindi ko
gets kung bakit siya napayuko . Pero isa lang ang sigurado ko sa moment na yun..Miss ko na
siya..Pagkalagpas niya ay agad akong kinulit ng mga kaibigan ko..“Di ba si lee yon?” sabay-sabay nilang
sabi, ^sabayang bigkas te? Haha^ “Oo yata”- ako. Feeling ko naman ang tagal ko siyang hindi nakita no?
Yung time kasi na to.. nag-eye to eye contact kami.Saglit lang pero kasi nga yumuko siya..
Habang nasa klase kami ay yun lang ang laman ng isip ko.. hindi ako mapakali na parang kiti-kiti hihi.
Tapos etong si Sir naman, masyadong epal..Bigla biglang may recitation! At sa hanay pa namin
tumawag! Magaling, magaling! Hindi ko pa man din nabasa yung readings. Well, hindi pala.. Hindi ko
talaga binasa yung readings. Hahah. Pag natawag ako dito pahiya na naman ako..60 seconds later...
“Lj, ano ang konteksto ng paghihimagsik ng mga Pilipino sa panahong 1800?” tanong sa akin ni Sir sabay
ngiti. Sabi ko na nga ba, matatawag ako..Wala akong masasagot! Kunyari naman tumingin ako sa notes
ko, e wala namang kalaman-laman haha. Kaya naman..Nginitian ko nalang si Sir. Malay natin epektib
diba? Madala siya sa “cute smile” ko daw. Pero yung ngiti ni Sir biglang napalitan ng ismid. Sumimangot
siya, ay.. di na siya cute! To the rescue naman si Ilary..Dahil katabi ko siya, siya na lang ang
sumagot..Syempre, masipag magbasa si Ilary kaya nasagot niya ng tama! Pero hindi ko matandaan ang
sagot e hehe. Out of this classroom ang utak ko.. Nandoon sa isang lalaki na nakasalubong namin
kanina..Kwan ata, nung nakasalubong ko siya, minagnet niya yung utak ko para sumama sakaniya :/
Hahaha. Pwede kaya yun? Hmm..
Nung natapos na ang klase ay nagpaalam na ako at umuwi na ako agad. Pinag-iisipan ko kasi kung ite-
text ko na ba siya..Ano ba yan? Pag ginawa ko yun..Para ko na rin niloko ang sarili ko di ba? May paiwas-
iwas kuno pa ako..Yun pala bibigay din! Pero kasi.. naman kasi e..Bakit ko pa kasi siya nakasalubong!!
Bakit ko ba siya iniisip! E ayos naman ako na walang lalaki sa buhay ko ah,. Hindi naman as if hindi ako
mabubuhay ng walang lalaki, that’s just so pathetic. Oo inaamin ko, nagpapantasya naman ako sa mga
lalaki, pero not to the point na kulang ang araw ko kapag hindi ko sila nakikita. Hay.. What will I do? Eto
na naman ako, napapa-english haha.
Ano na? Sige na nga! Itetext ko na! Oo na.. Ako na..Ang baliw, magulo ang isip.. [Ganiyan na pala, walang
pansinan] ang sabi ko, kahit na ako pala yung hindi namamansin :D [Galit ako sayo, alam mo ba yun?]
Galit.. sa akin? Ay hindi! Siya, siya! Kasasabi lang di ba? [Ano ba ang ginawa ko?] kunwari walang alam.
[Pagkatapos mo akong iwanan ng ganun ganun lang, itatanong mo kung anong ginawa mo?!] [Hindi
naman kita iniwanan ah.. busy lang naman ako] –ako, liar. At hindi na siya nag-reply..
Nabother naman ako, kaya tinawagan ko siya..Gamit ang bago kong number.. O diba? Asan na ang
purpose ko na magpalit ng number para makaiwas sakaniya?! Wala!! Sa huli, ako rin ang nagpaalam ng
numero ko sakaniya. Baliw lang? Kring kring.. Di niya sinasagot, pinapatay niya! Pakipot lang? Pero alam
ko namang kasalanan ko kasi hindi ako nagparamdam, hindi ako nagtext ng walang paalam.. Bigla nalang
akong nawala, na parang bula..
Sa kabilang banda...Hindi ko naman yata responsibilidad na ipaalam sakaniya lahat ng gagawin ko diba?
O kaya yung pagte-text sa kaniya araw-araw! Because at the first, second and third place, hindi naman
kami. Kung ganun...Bakit ako nagkakaganito? Bakit feeling ko ang sama kong tao? Bakit feeling ko
kailangan kong humingi ng tawad sakaniya? Bakit feeling ko na ...May feelings na ako sakaniya? Teka
nga, mamaya ko na yan iisipin..Ang kelangan ko makausap siya ngayon din! Ora mismo!
Ako: Sagutin mo naman, tatawag ako.. Si Lj to..Hanggang sa..Siya na mismo ang tumawag sa akin at nag-
usap na kami..Lee: Bakit? Ako: Sorry na. Lee: Ayoko. O diba? Babae ata to e, mahilig magpakipot :P
Ako: Sorry na please? Maluha-luha na ako. Teka.. bakit to? Bakit ganito? Ayokong magdrama dito!
Never! Ay. Tumulo na luha ko, it’s too late.. Lee: Bakit anong akala mo sa akin? Aso? Na basta basta mo
nalang iiwanan saka babalikan? Ako: ASO? Hindi.. hindi naman sa ganon.. sorry na oh. Umiiyak na talaga
ako, ang sakit sa dibdib. Ohshocks! Ang O.A ko! Lee: Naiinis talaga ako sayo. Ako: (iyak) Lee: O sige na,
wag ka nang umiyak. Ako: Galit ka pa ba sa akin? Lee: Hindi na.. ang mahalaga kausap na kita..
Ayiee :) Kiligs naman ako. Hmm. Mareresolba na ba ang problema ni Lj? Ano na ang mangyayari
sakanila ni Lee?
AUTHOR’S POV
Haynako. Honestly, nitatamad na ako gawan pa ng ibang chapters ang kuwentong ito. Ang nais ko na
lamang ay matapos na ang sinimulan ko para na rin makapagmove-on na ako. Char :D matagal ko na
yung ginawa no! Pero hanggang hindi pa ‘to natatapos ay hindi ko pa tuluyang malilimutan ang lahat.
Naks!
Well, nais ko lang sabihin na umm. Ang purpose ko talaga kaya ko ‘to sinulat ay para sa sarili ko. Ewan ko
ba, parang naisip ko lang dati na gusto kong gawan ng kuwento ang machorvang love story ko daw. At
para na rin maalala ko someday ang mga experience ko. Sabi nga ng kaibigan ko ay para ko na raw ‘tong
journal. Syempre kasa-kasama ko sila ilan sa mga moments na naikuwento ko dito. Pero hindi lahat ng
nandito ay totoo ha? Pantasya ko lang yung iba dito, napagtrip-an, imahinasyon.
So.. ano na? Syempre itutuloy ko na raw.. Teka ano nga ba yung iniwan kong tanong last chapter? Yung
kung ano ang mangyayari kay Lj at Lee di ba? Well..
Okay naman ang “friendship” namin ni Lee or whatever you call it. Pero as much as possible, inilalayo ko
pa rin ang sarili ko sakaniya. Pero isang umaga.. Nakausap ko siya sa cellphone, sinabi niya sa akin na
may sakit daw siya. E di naawa at nag-alala naman daw ako sakaniya tapos bigla niyang itinanong kung
sasagutin ko na raw ba siya. Sumagot ako ng “oo.” ‘di ko alam kung bangag lang ba ako nun kasi
kagigising or gusto ko talaga. Ewan ko sa sarili ko, naiinis nga ako madalas sa aking self! Kasi hindi ko rin
talaga maintindihan si “ako.” Pero nakasagot na ako e. Yun nga lang, alam ko sa sarili ko na.. Hindi pa
ako handa.
Okay pa naman nung simula pero pagkatapos ng isang linggo. Na-feel ko na hindi ko kaya..Na hindi ko
‘to gusto..Na hindi ako prepared..Na mali ito. Napansin ko rin na hindi na siya madalas mag-effort. Dati
rati ay madalas ang pagtawag niya pero di-naglaon ay ako na yung tumatawag. Hindi naman sa
nagrereklamo, siyempre obligasyon ko rin yun. Kaso nga feeling ko hindi na ‘to maganda. Nasabi ko kasi
sa sarili ko noon na..Ayokong matalo..Na ayokong ako yung masasaktan sa huli. Kaya rin panay ang iwas
ko. At hindi ko masyado inattach ang sarili ko sakaniya. Pero anong nangyari? Ano ako ngayon? Kung
ano yung iniiwasan ko ay yun pa ang nangyari sa akin.
Kaya naman..Wala pa yata kaming isang buwan ay nakipag-break na ako sakaniya. Eto kasi ang mas
tamang gawin kahit na mahirap. Ayoko siyang saktan kasi mabuti rin naman siya. Although may mga
ugali siyang ayaw ko talaga. Pero magmumukha siyang masama kung idedetalye ko lahat di ba? Baka
magka-issue pa. Charot! Anyway, pumayag siya na mag-break kami. Basta ang gulo nung break-up
namin. Hindi kami nagkausap sa personal. Ilang linggo ang lumipas, nabalitaan kong may nililigawan siya.
Nalungkot naman daw ako. Kaya tinext ko siya..Pero walang reply. Ang masaklap pa nun ay kaklase ko
siya e di nakikita ko pa rin siya every other day. Nag-text pa nga ako sakaniya dati na sana tabi kami.
Kasi wala akong kilala sa subject na yun.. Pero ayaw niya. Sinungit-sungitan pa ako at sabing tigilan ko
na raw siya. As if namang hinahabol ko siya! Pahiya ako ng bonggang bongga ha! Gusto ko kasi sana ay
maging friends kami. Hindi ko naman nakalimutan yung sinabi niya dati na.. “Lovers can’t be friends”
Pero naisip ko naman na baka nagbago na ang isip niya. But I was wrong..
Tapos nung December..May nag-text sa aking number. Hindi naka-save sa phone ko..Kinabahan me!
Pero hindi ko inexpect na siya pala yun! Namiss ko rin naman siya at naiisip pa rin.. Syempre, walang
closure ang break-up namin. Magka-text kami nung gabi.. Hanggang sa sumunod na araw. Narinig ko na
naman ang boses niya at mga banat niya, tulad ng, “Parol ka ba? Kasi hanggang ngayon ikaw pa rin ang
nakasabit sa puso ko.” O di ba? Ang corny? Nabasa niya lang daw yun sa board e. Well.. kinilig ako at
napapayag niya na naman ako na kami na. Tanga na nga yata ako kasi hindi na naman ako nag-isip.
Nagpadala nalang ako sa bugso ng aking damdamin.
Hay.. tapos sabi niya pa sa akin na kapag nagpakasal daw kami. Magpapalit daw ako ng
religion..Magkaiba kasi kami e at pinipilit niyang ako yung mag-adjust. Napaka-futuristic niya, super! Ni
hindi ko nga naisip na papakasalan ko siya. Saka bata pa ako no, heller?!
And after that night, para siyang bulang nawala. Oo naman, yes! Ewan kung saan siya napadpad, kung sa
pluto ba o sa jupiter. Isa lang ang alam ko, wala na namang closure yung sa amin. Nung pasukan na ulit,
nakikita ko siya. Parang walang nangyari..Para sa akin, break na kami ulit..E deadma deadma e. Walang
text kahit “hi” man lang.
Pero may hindi pala ako nasabi..Nung kami pa ay nakagawa ako ng kasalanan..Ganito kasi yan, bago siya
dumating sa buhay ko..Meron talaga akong mahal, or gusto pala. Pero yung isa kasing yun bihira lang
magparamdam. Tapos e di napuno na ako, sabi ko sakaniya “bye bye na” kaya nagpalit na rin ako ng
number. Sakto naman nung araw na yun ay dumating si Lee. Yung totoo kasi.. chi-nat niya ako. Uy
walang halong kaechosan to! Sa chat talaga nagsimula ang lahat. Hindi ko nga alam na friend ko pala
siya. Kasi dati accept lang ako ng accept saka add ng add ng friend. Ang unang sabi niya, “Up Baguio ka
din?” O di ba? Tanda ko pa rin, syempers. E di sumagot ako ng, “oo.” Tapos doon na nga nagsimula ang
lahat..
Tungkol naman sa kasalanan ko..Nagkita kasi kami nung sinasabi kong gusto ko dati. Sweet-sweetan
kami kasi namiss namin ang isa’t isa(?) ‘di ko sure sa kaniya ah, pero ako namiss ko siya. Okay sana kaso
nga boyfriend ko na nun si Lee. O di ba? Salawahan lang? Kaya nakarma tuloy ako. As in capital K-A-R-M-
A. Hayst.
At kaya “Start of a dream” ang Title ng story na to..Kasi para sa akin ay para siyang panaginip, bigla
siyang lumitaw pero biglang nawala. Parang ambilis pero hindi ko alam kung totoo ba lahat. Lahat ng
sinabi niya, lahat din ng naramdaman ko. Isa ding factor yung sinabi niyang crush niya ako noon..
Matagal ko na rin kasing wi-nish na sana meron akong ganon.. Yung gusto ko or yung gusto ako nung
bata. Tapos paglaki ay hinanap ako at nagkatuluyan kami, o di ba? Parang sa movies lang? Kaya parang
panaginip rin nung sinabi niya yun, na crush niya ako nung unang panahon. Well, atleast natuto naman
yata ako sa nangyari. At naging masaya rin naman ako panandalian.
*********SECRETS*********************
Eto pa pala ang ilan sa mga KAILANGAN NIYONG MALAMAN.
1. Hindi kami nag-usap ni Lee sa personal, as in never! Pantasya ko lang yung mga sinabi kong
nagkita kami at nag-usap hihi. Pero alam ko na kilala namin ang isa’t isa kasi may piktyur naman
sa fb at nakikita ko siya sa school.
2. Nung tinanong ko yung kaklase ko kung kilala ba niya si Lee(kasi nga diba kine-claim niya na
schoolmate kami before, nung elementary) e ang sabi ng classmate ko hindi raw namin siya
classmate noon. Tsaka may yearbook kasi kami na naitago ko at wala si Lee doon. Pero kilalang-
kilala naman ako ni Lee, pati yung iba naming classmate. Shocks! Hanggang ngayon isang
malaking misteryo para sa akin kung sino ba talaga siya at bakit niya ako kilala.
3. Hindi totoo si Jom, kathang-isip ko lang haha
4. Nage-exist sa totoong buhay ang mga kaibigan ko, si Harra, boardmates at ilan sa H.O
5. Chinese pala si Lee hindi Korean hehe. Akala ko din dati koreano siya e bwahahha
Bago ako tuluyang magpaalam ay nais kong magpasalamat sa lahat ng nagbasa, nagbabasa, at
magbabasa.
Most especially sa Bestfriend ko na si ROLLY JOHN na ubod ang papuri sa akin at pagmamalaki. At sa
pagpa-print pa ng ilang chapters para lang mabasa ito kahit na busy. Isa ka sa mga dahilan kung bakit
pinagpapatuloy ko pa rin ang kuwentong ito, bez :)
Sa kaibigan ko rin na si Jacq at Ina na nagbasa mula sa umpisa (members ng H.O). Salamat kasi napilit ko
kayong basahin ito haha. Salamat sa advice sa ibang chapters at masaya ako kasi natuwa kayo sa
dedication. :)
Para sa akin, hindi lang ‘to ordinaryong kuwento kasi kuwento rin ito ng buhay ko (almost) kaya I value
this much. So overjoyed na talaga ako sa thought palang na tinatangkilik ito.
I don’t care much about the votes, mas matutuwa pa ako sa comments kasi mas obvious na nagbabasa
talaga. Pero kahit wala sa alin man dun, oks na rin kasi nagbasa ka. :D
So this has been the start of a dream,
And this is how it ends.