tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

24
ARALIN 3: Tugon sa Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan edwin planas ada teacher I, dasmarinas west nhs

Upload: edwin-planas-ada

Post on 23-Jan-2018

2.633 views

Category:

Education


260 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

ARALIN 3: Tugon sa MgaIsyu sa Kasarian at Lipunan

edwin planas adateacher I, dasmarinas west nhs

Page 2: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Tugon ng Pandaigdigang Samahansa Karahasan at Diskriminasyon

Page 3: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Gawain 26. Discussion WebBasahin at suriin ang ilang mahalagangimpormasyon tungkol sa Prinsipyo ng Yogyakarta at ang pahayag ng UN Secretary General na si Ban Ki-Moon tungkol sa mga LGBT. Sa kasunod nadiscussion web isulat kung ikaw ay sang-ayon o hindi sa kaniyang pahayag. Pagkatapos, humanapka ng iyong kamag-aral na taliwas o di kaparehong iyong sagot at isulat sa discussion web angkanyang sagot.

Page 4: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang kanilang boses upang tugunan angkanilang mga hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlangpangkasarian (sexual orientation at gender identity o SOGI) nanagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon saYogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sapagkakapantay-pantay ng mga LGBT. Ito ay binubuo ng 29 naprinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga KarapatangPantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mgarekomendasiyon.

Paksa: Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta

Page 5: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)
Page 6: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)
Page 7: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

1. Ano ang dahilan kung bakit ka sang-ayon o di sang-ayonsa pahayag ni UN Sec Gen Ban Ki- Moon?Bakit?

2. Naging madali ba sa inyo ng kapareha mo na makabuo ngkonklusyon sa kabila ng pagkakaiba ng inyong pananawtungkol sa isyu? Bakit?

Pamprosesong mga Tanong

Page 8: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Gawain 27. Ipaglaban Mo!

Sa gawaing ito, matutunghayan mo ang ilan sa mahahalagang prinsipyong Yogyakarta. May 7 prinsipyong napili upang pag- usapan at pagnilayan sa klase. Ang klase ay papangkatin sa pito, bawat pangkat ay may isang prinsipyong susuriin at pagninilayan.Maaring pagtuunan ngpansin sa pagsusuring gagawin kung sumasang-ayon kayo o hindi saprinsipyo at ipaliwanag ang dahilan kung bakit. Bibigyan kayo ng sapatna oras upang ito ay isagawa pagkatapos ilahad sa klase ang nagingresulta ng inyong talakayan sa pamamagitan ng malikhaing paraan gayang dula-dulaan, awit, tula, news reporting at iba pa.

Page 9: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Prinsipyo 1ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG

MGA KARAPATANG PANTAO

Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong

seksuwal at pagkakakilanlangpangkasarian ay nararapat na ganap na

magtamasa ng lahat ng karapatangpantao.

Page 10: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Prinsipyo 2ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT

KALAYAAN SA DISKRIMINASYON

Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ngkarapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-

uugat saoryentasyong seksuwal o pagkakakilanlangpangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang

anumang diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na ibapang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas angganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.

Page 11: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Prinsipyo 4ANG KARAPATAN SA BUHAY

Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang

maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang

dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong

seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang

kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual

sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa

oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

Page 12: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Prinsipyo 12ANG KARAPATAN SA TRABAHO

Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, samakatarungan at

paborableng mga kondisyon sa paggawa, at saproteksyon laban sa disempleyo

atdiskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyongseksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

Page 13: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Prinsipyo 16ANG KARAPATAN SA EDUKASYON

Ang lahat ay may karapatan saedukasyon nang walang

diskriminasiyong nag-uugat at sanhing oryentasyong seksuwal at

pagkakakilanlang pangkasarian.

Page 14: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Prinsipyo 25ANG KARAPATANG LUMAHOK SA

BUHAY-PAMPUBLIKO

Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mgausaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal,

lumahok sa pagbubuo ng mga patakarangmaykinalaman sa kaniyang kapakanan; at upang

mabigyan ngpantayna serbisyo-publiko at trabaho samga pampublikong ahensiya, kabilang ang

pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walangdiskriminasiyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o

pagkakakilanlang pangkasarian.

Page 15: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

1.Ano ang layunin ng mga nagtaguyod ng Prinsipyo ngYogyakarta?

2. May pagkakaiba ba ang mga karapatang nilalayon ng mgaLGBT sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao?

3. Sa iyong palagay, mahalaga bang magkaroon ngseryosong aplikasyon ang mga bansa ng Prinsipyo ngYogyakarta? Ipaliwanag.

Pamprosesong Tanong

Page 16: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Paksa:Convention on the Elimination of

All Forms of Discrimination Against Women

Pagtuunan ng pansin ang mga kasunod na babasahintungkol sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women. Basahin at suriin angteksto.

Page 17: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Ano ang CEDAW?

Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International

Bill for Women, kilala din ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging

internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ngkababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa

aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ngUnited Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979 noong

UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod sa Convention of the

Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na

lumagda o State parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduannoong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan noong 2006, pero

kaunti pa lang ang nakakaalam nito.

Page 18: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Pangkatang Talakayan / Pangkatang Pag-uulat

Pangkat 1: Paano nilalayon ng CEDAW nawakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?

Page 19: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Pangkat 1: Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan angdiskriminasyon sa kababaihan?1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sakababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resultasa buhay ngkababaihan.

2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mgaresponsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaringbawiin.

3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sakababaihan, anumang layunin ng mga ito.

4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sakarapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo.

5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatanng babae, at hinahamon nito ang State parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.

Page 20: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Pangkat 2: Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng

Pilipinas sa CEDAW?

Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin angdiskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State parties naigalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.

Ang mga State parties ay inaasahang:

1.ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;

2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring huminging hustisya ang babae sa paglabag ng kanilan karapatan;

3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbangkondisyon at karampatang aksiyon;at

4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mgaisinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.

Page 21: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Pamprosesong Tanong

1. Sang-ayon ka ba sa paglagda ngPilipinas sa mga probisyon ng CEDAW?

2. Ano ang maitutulong ng CEDAW sakalagayan ng kababaihan sa mundo?

Page 22: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)

Gawain 29. Triple-Burger OrganizerUpang matiyak kung naunawaan mo ang nilalaman ng

CEDAW, punan ng tamang impormasyon ang hinihingi ng

kasunod na burger organizer .

Page 23: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)
Page 24: Tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan (1)