updated - lope k. santos
DESCRIPTION
Pagtatapat + Sino Ka? Ako'y si..UPDATED VERSION!!g° 27 and 28.TRANSCRIPT
Carmela Suarez, Ethel Viray
LOPE K. SANTOS
PAGTATAPAT
PagtatapatIbig kong kung ikaw ay may iniisip
sa ulo mo'y ako ang buong masilid;
Ibig kong kung iyang mata'y tumititig
sa balintataw mo ako'y mapadikit;
Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig
ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis;
Ibig kong sa bawat pagtibok ng dibdib
bulong ng dibdib ko ang iyong marinig.
PagtatapatHangad kong kung ikaw'y siyang nag-uutos
akung-ako lamang ang makasusunod;
Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog
kaluluwa ko lang ang makapupulot;
Hangad kong sa harap ng iyong alindog
ay diwa ko lamang ang makaluluhod;
Hangad kong sa altar ng iyong pag-irog
kamanyang ko lamang ang naisusuob.
PagtatapatNasa kong kung ikaw'y may tinik sa puso
dini sa puso ko maunang tumimo;
Nasa kong ang iyong tampo't panibugho'y
maluoy sa halik ng aking pagsuyo;
Nasa kong ang bawat hiling mong mabigo
ay mabayaran ko ng libong pangako;
Nasa kong sa bawat luha mong tumulo
ay mga labi ko ang gamiting panyo.
PagtatapatNais kong sa aklat ng aking pagsinta
ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa;
Nais kong sa mukha ng ating ligaya
batik man ng hapis ay walang makita;
Nais kong ang linis ng ating panata'y
huwag marungisan ng munting balisa;
Nais kong sa buhay ng ating pag-asa'y
walang makatagpong anino ng dusa.
PagtatapatMithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y
hamog ng halik mo ang magpapasariwa;
Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala
ay wala nang ulap na makagambala;
Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y
mabaon ko hanggang tabunan ng lupa;
Mithi kong kung ako'y mabalik sa wala
ay sa walang yao'y huwag kang mawala.
Pagtatapat: Analisis• Confession• Pagtatapat ng mga damdamin at ng mga hinihiling niya sa kanyang minamahal• Gumagamit ng pagtutulad• Inihahambing ang pagmamahal sa mga tala, atbp.
• Isa sa maraming halimbawa ng pagpapakita ng pagmamahal
SINO KA? AKO’Y SI..
Sino Ka? Ako’y Si..• Koleksyon ng limang tula tungkol sa pagiging mabuting tao sa iba at para sa bayan
• Binibigyan ng personalidad ang mga di-payak na konsepto
•Gumagamit ng pahambing at mga halimbawa para maunawaan ng nagbabasa
una
AKO’Y SI WIKA
Ako’y Si WikaHangga ngayo’y suliranin kung
saan ako mula;
kung sa bagay, may pasya na
ang maraming dalubhasa,
na ako raw’y unti-unting
nabigkas ng mga dila,
nang ang Tao’y mapilitan sa
takot ay magsalita,
sa paghingi ng saklolo at
tulong ng mga kapwa;
samantalang ang relihiyon,
ayaw pa ring maniwala,
at bigay raw sa magkasing Ada’t Eba ni Bathala,
bilang kawing na pang-ugnay sa kanilang puso’t diwa;
isa pa ring walang linaw’t hangga ngayo’y talinhaga,
kung sa wika ay ang isip ang lumalang at bumugta,
o ang wika ang sa isip ay luminang at may gawa;
sa totoo’y walang isip, pag ang wika ay nawala...
Ako’y Si WikaNguni, ang di-mapupuwing na
nagawa kong himala,
liping-taon’y natubos ko sa
buhay na pamulala,
hanggang siya’y naging hari
ng lahat ng nilikha;
sa bundok ng karunungan sa
palad ko tumatala;
sa yaman kong bumabatis,
lumalangoy ang makata;
sa tamis ko’t kabanguhan,
paraluma’y nagsasawa;
sa tuyo’t na pagsasama’y
panariwang dugo’t dagta;
kasangkapan sa paglupig,
kasangkapan sa paglaya...
Ako’y Si Wika
Kaya, Tao: matuto kang magmahal ng iyong
wika,
ingatan mong parang gulok na may talim na
magkabila;
nagagamit sa mabuti’t nagagamit sa
masama;
bumubuhay at nanatay, bumubuo’t nagigiba.
Ako’y Si Wika: Analisis•Pagmamahal sa sariling wika
•Paggawa ng wika dahil ginagamit ng mga tao
•Unang naging wika dahil nagpakita ng mga
damdamin ng ating mga ninunong Pilipino
•Dapat alagaan dahil magagamit sa magandang o
masamang paraan
•Simbolo ng isip at diwa
pangalawa
AKO’Y SI BAYANI
Ako’y si Bayani Konting putik, konting hangin,
kinipil ng kalikasan, at dinampot ng
Panahon at kung saan binitawan:
Ng sa lupa ay madikit, nagkadiwa,
nagkabuhay, naglumago sa pagtubo,
nagsumupling sa kapal, buntun-buntong
lumaganap sa lawak ng daigdigan,
may lumiit, may lumaki, nangabuhay – nangamatay...
sa gitna ng sangnalikha, tignan niyo’t ako’y iyan:
libu-libo, laksa-laksa, yata-yata, angaw-angaw
na tauhang nagbibigkis ng iisang kapalaran,
iisa lang ang kaluluwa’t iisa rin ang katawan,
sa ligaya’t sa pighati ay iisa rin ang pangdamdam,
kung mabuhay sama-sama’t kung mamatay damay-damay...
Ako’y si Bayani Nguni akong sa taguri ng makata ng Diyos daw, Amang
tangi,
Inang bugtong, sintang Lupang tinubuan,
Madalas din ang ngalan ko’t puri ko’y paglaruan
ng maraming mga tuso sa sariling kapakanan;
di iilang mananaggol ang sa aki’y umaalay;
sa harap ko’y anong daming nagbabaya-bayanihan,
samantala kung oras na ako’y dapat ipaglaban,
isa-isang nawawala’t ako’y tinatalikuran...
Ah, ang TAO! Hindi lahat ng bayani’t mapagkakatiwalaan:
kung ang baya’y nakikita sa panganib ng labanan,
ang bayani ay sa sugat nakikita kung matapang.
Ako’y Si Bayani: Analisis
•Kung walang paghihirap, hindi magkakaroon
ng kalakasan ng loob
•Iisa ang adhikain ng mga bayani sa bansa
•Maraming nagkukuwaring “bayani” na
nawawala a oras ng panganib
•Ang pagiging totoong bayani ay nakikita sa
pagsusubok
pangatlo
AKO’Y SI LAYA
Ako’y si Laya Sa gitna ng kabuhayan, ako’y
kamay
ni Bathalang nagbabatas ng ginhawa sa
palad ng sangnalikha; sa madilim
na piitan ng pag-asa, ako’y diwang
tumatakas, lumilipad, hanggang langit
gumagala, sa likod ng kabundukan ng
Silangang mahiwaga, ako’y mukhang
maliwayway ng Hari ng mga Tala,
pagkatpos na sa laho ay magdamag na pasila,
maghapunang nagsasabog sa Daigdig ng
biyaya; araw-gabi pangarap ng busabos
na timawa, katubusan ng bilanggo’t
pag-asa ng bayang aba, kasintahan ng
Bayani’t paraluman ng makata,
Ako’y si Layakayamanang ang pangtubos ay buhay na
laksa-laksa.. nguni ako! Ibong kulong na
sa hawla’y kumakalawa, paru-parong
dati’y uod na sa supot nagsimula,
halimuyak ng bulaklak na unsyami’y
nanariwa at tubig na nakatagas sa
hadlang ng isang sala...! kung minsan ay
ako na rin ang sa aki’y sumisira!
Ako’y si Layaanong hirap sa sariling ang sarili’y
mag-alaga!... sanggol akong, kung isilang
may kasamang dugo’t luha, kaya dugo at luha
rin ang kasama kung mawawala... Ah, ang tao!
kung mahirap ang umusig sa paglaya, mag-ingat
ng kalayaan ay hindi rin birong gawa:
ang laya ng tao’t baya’y kapalara’t
ginhawa nga, dapwat’t sa di bihasa pa’y
isang gintong tanikala.
Ako’y si Laya: Analisis
•Ang kalayaan ay biyaya ng Diyos na
kailangang alagaan at ingatan
•Ngunit ito’y ipinag-wawalang bahala ng mga
tao
•Pinaghirapan ito at nang ito’y mawala ay
mahihirapan ulit ang tao
•Ito ay karapatan para sa lahat, hindi lang
bagay para sa isa lamang
pang-apat
AKO’Y SI DANGAL
Ako’y si Dangal Anong pakay ng marunong,
anong nais ng mayaman,
Anong layon ng bayani’t anong hanap ng matapang
ang iba naman ay salapi, ang iba’y kasiyahan,
ang lahat na ang sa akin halos nagpapakamatay;
pagka’t ako’y gantimpala ng talino’t kagitingan,
ako’y yamang namamana ng sang-angkat sanlohika,
sa lipunan ako’y tampok at panghuli sa lakaran,
upong bukod na tanghali’t purihin ng karamihan;
ako’y dahon at bulaklak, ginto’t batong makikinang
na sa ulo pagkaputong ay nagiging kabantungan,
ang ngalan ko’t halimuyak, papawirin, alingawngaw,
na kung minsan, di-magkasya na buo mang santinakpan.
Ako’y si Dangal Nguni, ako’y palaging may
isang kaaway,
at may isang sakdal-samang tagapayo’t sanggunian,
kagitingan yan una’t itong huli’y kahambungan;
kapwa sila walang mithi kundi ako’y maihapay,
ang alin man sa dalawa at talagang nangatawan,
nakikitil ang buhay ko sa sangkisapmata lamang
madalas na kahit ako’y sa langit namuhay,
Kaya, Tao: hindi pagkat may putong kang puri’t
dangal, maghahambog at akala’y marangal na habang-buhay
laking hirap, sakdal-luwat mag-impok ng karangalan.
Ako’y si Dangal: Analisis•Integrity
•Ang mabuting dangal ay pinaghihirapan
•Simbulo ng talino’t kagitingan
•Ang mga taong nagiisip bago gumawa ng kani-
kanilang mga desisyon ay mayroon nito
•Gusto ito ng mga mayaman pero mahirap itong
kunin dahil kailangan ng mabubuting asal
•Dapat ingatan dahil madaling mawala
pang-lima
AKO’Y SI TAO
Ako’y si Tao Sa gitna ng kalikasa’y
sinasabing Hari ako,
bukod tanging kalarawan ng Maylikha, diumano;
anang Biblia, ako’y likha sa loob ng paraiso,
ani Darwin, ako’y galing sa lipi ng mag tsongo;
alinman sa dalawa ang totoo’t di-totoo,
katutubong sa daigdig ang isip ko’y nangungulo,
ang lakas ng aking bisig, ang ilaw ng aking noo,
ang lipad ng aking diwa’t ang sa puso kong simbuyo’y
nagbangon ng mga bayan, yaring Diyos ay binago,
gumawa araw-araw ng himalang libu-libo,
samanatalang ang panaho’y nagdaan nang patakbo,
lumilipad kasabay ang nasa ko at talino...
Ngunit akong, ianak sa dampa man o palasyo,
niniyak din, hubo’t hubad, pikit mata’y parang luno
Ako’y si Tao kung mamatay at malibing sa putikan o bato,
uuwi rin sa kalansay at magiging bungo’t buto,
sa agawan ng ginhawa, parating natatalo’y ang marami,
ang iilan ay laging nang nanalo, at kung hindi nasusugpo ang
takaw ng mga tuso kaipala’y malaon nang nabaligtad itong mundo...
kaya, Ako! Ako’y dapat na lumagay sa uri kong hindi hayop,
ni Bathala, ni anuman, kundi TAO:
sa wala na ako galing, wala sa patutungo.
• Kahit gano pa man matagumpay ang isang tao, hindi
dapat maging mapagmalaki at magbuhay para sa sarili
lamang
• Lahat tayo ay galing sa abo, at sa abo rin tayo ibabalik
• Dapat bigyang halaga ang pamumuhay, pero bigyan
ring halaga ang ating pagiging mabuting tao
•
Ako’y si Tao: Analisis