interbyu updated

17
S Paano ka magugustuhan ng boss mo?. Apat na sangkap upang makahanap ng trabaho sa kolehiyo.

Upload: laducla

Post on 14-Jun-2015

214 views

Category:

Presentations & Public Speaking


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: Interbyu updated

S

Paano ka magugustuhan ng

boss mo?.Apat na sangkap upang

makahanap ng trabaho sa kolehiyo.

Page 2: Interbyu updated

Introduksyon:

Marami sa ating mga estudyante sa kolehiyo ang nangangailangan ng karagdagang pera para matustusan ang mga pang-araw-araw na gastusin sa eskwela. Talaga namang malaking tulong ang maibibigay ng "part-time jobs" sa mga mag-aaral na katulad natin.

Page 3: Interbyu updated

Ilalahad ko sa inyo ang apat na madadaling hakbang upang magustuhan kayo ng inyong potensyal na boss.

Page 4: Interbyu updated

Una:Dumating sa takdang-oras ng interbyu nang handa at may sapat na lakas.

Page 5: Interbyu updated

Mas madaling masasagot ang mga katanungan kung kayo ay hindi pagod o inaantok.

Makatutulong na dumating nang nakabihis ng “semi-formal” o “business casual.”

Page 6: Interbyu updated

Sa madaling salita, dumating sa interbyu suot ang kasuotang pang negosyo.

Ito ang unang hakbang para maipakita na ikaw ay seryoso sa iyong inaaplayan na trabaho.

Page 7: Interbyu updated

Pangalawa:Alamin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa trabaho na nais pasukan.

Page 8: Interbyu updated

Pangatlo:Kilalanin ang sarili.

Page 9: Interbyu updated

Isa sa mga katanungang laging lumalabas sa mga interbyu ay ang "magpakilala."

Ganoon pa man, marami ang laging hindi handang sagutin ang tanong na ito.

Page 10: Interbyu updated

Tiyakin sa sarili kung ano ang iyong mga malalakas at mabubuting katangian at mga katangiang nangangailangan nang adisyunal na paghuhulma.

Page 11: Interbyu updated

…nang sa ganoon ay maibigay mo ang iyong kasagutan nang maikli ngunit mayaman sa impormasyon.

Mag-ensayo…

Page 12: Interbyu updated

Makadaragdag din ng positibong puntos ang pagdadala ng lagom o resume.

Page 13: Interbyu updated

Pang-apat:Maging kalmado at natural sa pakikipag-usap.

Page 14: Interbyu updated

Personalidad:Ito ang maghihiwalay sa atin mula sa iba pang naghahangad ng trabaho.

Page 15: Interbyu updated

Malalaman ng nagtatanong kung ang persona na ating ipinapakita ay totoo o pagpapanggap lamang.

Page 16: Interbyu updated

Kongklusyon:

Laging tandaan na pumunta sa interbyu nang handa, may lakas, may sapat na kaalaman tungkol sa establisimyentong nais pasukan, kilala ang sarili, at baon ang kalmado at natural na personalidad.

Page 17: Interbyu updated

Sana ay makatulong sa inyo ang maikling presentasyon

na ito.

Magustuhan sana kayo ng prospektib boss ninyo.

Gudlak!