uso ang pag-ibig

26
Uso ang Pag-Ibig juan ekis

Upload: others

Post on 01-Oct-2021

13 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Uso ang Pag-Ibig

Uso ang Pag-Ibigjuan ekis

Page 2: Uso ang Pag-Ibig

Uso ang Pag-ibigKarapatang-ari © 2019ni Christian R. Vallez

Reserbado ang lahat ng karapatan.

Disenyo ng aklat ni X VallezConsultant sa Disenyo, Greg Rodriguez IIIAklat Ekis Libris

Hindi maaaring kopyahin ang anumang bahagi ng aklat na ito sa alinmang paraan—grapiko, elektroniko, o mekanikal—nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari.

Page 3: Uso ang Pag-Ibig

NilalamanMemory SurgerySakuraMay NabuoKung Pisngi Mo’y Tae PasmaSanay TayoAng ErmitanyoAng MakatalàBisperas ng TaglagasSa Isang Parallel UniverseMontageA Love Scene

5678910141518192224

Page 4: Uso ang Pag-Ibig
Page 5: Uso ang Pag-Ibig

Uso Ang Pag-Ibig 5

Memory SurgeryAnesthesia ang alakSa pagbiyak ng utak’Pagkat sabi ng duktor,Alaala mo’y tumor.

Page 6: Uso ang Pag-Ibig

6 Juan Ekis

SakuraBiglang dumapoAng palad kong malamigSa iyong batokNa gawa sa niyebe—Magnanakaw ng halik.

Page 7: Uso ang Pag-Ibig

Uso Ang Pag-Ibig 7

May Nabuoano itongnabuosa pagitannatin,

sa panaka-nakang pagnanakaw ng kasalanan sa pagitan ng pagkurap ng malayang Pag-ibig?

dinala mongtaongunit iniluwal mong tulang

umuuha,

walang luha,puro salita.

Page 8: Uso ang Pag-Ibig

8 Juan Ekis

Kung Pisngi Mo’y TaeKung pisngi mo’y tae, ang labi ko’y langaw,Pag-ibig sa iyo’y umaalingasaw.Kahit ’finlush ko na ang ’yong alaala,Nagbabalik pa rin sa aking kubeta.Kahit na magbara sa aking damdamin,Ipasisipsip ko ang pagkahumaling.

Kahit na mabantot at nakasusuka,Patawarin mo na, pagkat mahal kita.Ang pag-ibig nama’y di lang naaamoy,Kundi isang haplos na di maitaboy.Kumbaga sa tibi na puno ng bangaw,Ang aking pag-ibig, di mo mabubugaw.

Page 9: Uso ang Pag-Ibig

Uso Ang Pag-Ibig 9

PasmaMay lawang bumukal sa ‘ting mga paladNang minsang nagdaop, ating mga hawak.Di ko napigilan, pawis sa pagdanak,Kaya’t nandiri ka’t umalpas sa yakap.

Agad kong ‘pinahid sa suot kong maong,Sabay hinugasan ng ethyl alcohol.Palad ko’y nanuyò sa palad mong kuyom,At dahil natuyo, haplos ang ‘yong tugon.

Ngunit ang lunggati ay di mapipigil,Naglalawang muli pagkat nanggigigil.Bukal ay dagat na sa pagitan natin,Pagkat pinapasma tuwing ika’y akin.

Page 10: Uso ang Pag-Ibig

10 Juan Ekis

Sanay TayoSanay tayo,Na tuwing nais nating malamanKung sino ang magiging taya,Na ipaubayaAng tadhanaSa bulag na pananampalatayaNg ating magkapatong na kamay.Sanay ka sa gaspangAt mabalahibo kong balatAt sanay ako sa bigat ng kawalanNg muwang ng iyong palad,Habang bumubulalas Ng pompiyang na orasyonAng pananabik ng ating mga hawak.

Sanay tayoNa magkalingkis ang ating mga daliriUpang hindi madaling makalagNg duktor na tayaAng pagnanasa nating Hindi na maging bata.Magkukunwari tayong may sakitNa naghahanap ng lunas

Page 11: Uso ang Pag-Ibig

Uso Ang Pag-Ibig 11

Sa pagkakabuhol at pagkakadikitNg ating mga kamay at bisig.Tatawagin natin ang huwadNa manggagamot na magpapalimotSa ating walang malisyaAt laro lamang ito,Sa sandaling paghiwalayin niya tayoAt habulin upang itakdaAng susunod na taya.

Sanay tayo,Nang pagkatandaan na natinAng sawsaw-suka,Na maghawakan ng kamaySa mga hindi na laroTulad ng pagtawid ng kalsada,Pag bababa ka na ng dyip,O pag ika’y magpapasamaDahil takot kang mag-isa. Sanay kang magkubli ng pangambaSa yakap ng kamay kongPuro kalyo at sugat.Sanay akong inaakay

Page 12: Uso ang Pag-Ibig

12 Juan Ekis

Ang haplos mong walang gasgasSa landas na pareho pa nating tinutuklas.

Sanay Tayo,Na tuwing mananalanginNg “Ama Namin” sa misa,Na apuhapin ang marurupok na balatNg isa’t isa at ipahayagSa harap ng MaylikhaAng kahinaan ng ating pananampalataya. Sanay kang haplusinAng pasmado kong pangangatal.Sanay akong pinatatahanNg hindi mo pagbitaw.

Ngunit hindi ka sanaySa biglang pagluha ng kamay koDahil sa pagnanasaNg pulso kong sumanibSa pintig mong Sanay Na walang halayAng mga hawak nating Walang malay. At hindi ako sanaySa biglang pagbitaw moDahil sa hindi mo makilalang

Page 13: Uso ang Pag-Ibig

PagkabasaNg mga palad natingHindi na naglalaro,Hindi na tumatawid,Hindi na nananalangin.

Titingin ka sa akinNang may pagtatakaKung bakit hindi na madalingHawakan ang isa’t isa:“Sanay tayo, hindi ba?Sanay tayong maghawakan.”

Sasagot ako ng“Sana’y tayo.

Mahal ko. Sana’y tayo’y maghawakan.”

Page 14: Uso ang Pag-Ibig

14 Juan Ekis

Ang ErmitanyoInakyat ng dila koAng ermitanyong nakatiraSa tarik ng dibdibMoUpang tanunginKung ano ang amoyNg paglimot.

Ang tugon niya:

May yungib sa ibaba,Sa pagitan ng hita,Hindi pa nasisiraNg sangsang ng gunita.

Page 15: Uso ang Pag-Ibig

Uso Ang Pag-Ibig 15

Ang Makatalà

“Ano’ng gagawin mo diyan?”

“Papandayin ko upang maging tula.”

Naghihintay ng hatinggabi ang Makatalà upang maka-huli siya ng bituwin gamit lamang ang kanyang mga kamay.

“Para saan?” Tanong ng diwata ng dagat.

“Para ihandog sa iyo tuwing umaga.”

Matagal nang pinangarap ng diwatang makita ang pagsikat ng araw. Masyadong maliwanag ang mga sila-his nito para sa kanyang mga mata. Ito ang dahilan ng kanyang walang hanggang lungkot. Batid ng Makatalà na ang mga handog niyang tula ang magpipinta ng sikat ng araw sa haraya ng diwata.

Kaya tuwing hapon, aakyatin ng Makatalà ang pinaka-matarik na dalisdis. Pagpatak ng hatinggabi, aabutin niya ang langit upang manghuli ng bituwin. Hindi ito

Page 16: Uso ang Pag-Ibig

16 Juan Ekis

madali. Sa tuwing siya’y makahuhuli, magniningas ang kanyang mga kamay. At tuwing papandayin niya ang bituwin upang maging tula, pumapalag ang mga dagitab nito na nagpapatigas sa kanyang puso at nag-papamanhid sa kanyang kaluluwa. Pagsikat ng araw, pupunta siya sa aplaya upang hintayin ang diwata.

Doon, iaalay niya sa diwata ang talang naging tula.

“Ano’ng nangyari sa mga kamay mo?”

“Huwag mong alalahanin. Heto. Sana’y maibigan mo.”

Isinubo ng diwata ang tulang inialay ng Makatalà. “Salamat. Napakarikit na tula.” At sa paglisan ng Makatalà, dinig ng diwata ang tibok ng puso nito—umiibig siya.

Gabi-gabi, nagniningas ang mga kamay ng Makatalà sa panghuhuli ng bituwin. Nakikipagtunggali siya sa bawat kislap habang pinapanday niya ang mga ito upang maging pinakamaririkit na mga tula. Ngunit sa bawat tulang malilikha, tumitigas ang kanyang puso, at kumukupas ang kanyang kaluluwa.

Makalipas ang isanlibong tula, naimumulat na ng diwata ang kanyang mga mata. Ihinanda ng mga tula

Page 17: Uso ang Pag-Ibig

Uso Ang Pag-Ibig 17

ang kanyang mata sa pagtunghay sa talinghaga ng pagsikat ng araw. Lumuha siya sa tuwa.

Matapos niyang matunghayan ang talinghaga ng araw, dali-dali siyang dumaong sa dalampasigan upang ibida sa Makatalà ang kanyang nasilayan.

Nasumpungan niya ang Makatalà sa aplaya, nakatitig sa abot-tanaw. Walang buhay ang mga mata.

“Salamat sa mga tula mo, nakikita ko na ang pagsikat ng araw.”

Tahimik.

“Wala ka bang bagong tula para sa akin?”

“Para saan? Natatanaw mo na ang sikat ng araw.” Ng-initian niya ang diwata bago siya umalis.

Sa kanyang pag-alis, nakita ng diwata na wala nang mga kamay ang makata. Wala na ring siyang tibok ng pusong naririnig.

Page 18: Uso ang Pag-Ibig

18 Juan Ekis

Bisperas ng Taglagas

Hiniling mongMahulog ako sa sangaKahapon.Habambuhay hinabolNg dahon ang lupa.

Page 19: Uso ang Pag-Ibig

Uso Ang Pag-Ibig 19

Sa Isang Parallel UniverseSa isang parallel universe, tayo siguro Ang sidhing sumabog na naging simula

Ng sansinukob. Kapwa tayo hindi na makapagtimpi. Kaya natin pinalaya ang mga sarili upang ang tibok

Ng puso natin ang maging pintig ng mga pulsars, At ang lunggati nati’y maging gravity na hihila sa lahat

Upang maiayos nila ang mga sarili ayon sa batas Na ididikta ng tinig mong sumanib sa aking paghinga.

Sa isang parallel universe, tayo siguroAng pagyanig ng daigdig, ang pangangatal

Ng kalawakang may iba’t ibang frequency ng pag-iral;Ang paglindol ng kalamnan ng santinakpan

Na parang panginginig ng mga labi nating gumuguhitNg konstelasyon sa balat ng isa’t isa.

Sa isang parallel universe, tayo siguroAng tanging hantungan ng lahat ng ginawa nating tama,

At ang kapatawaran ng lahat ng ginawa nating mali;Tayo ang nasa pagitan ng lahat ng sub-atomic at celestial,

Page 20: Uso ang Pag-Ibig

20 Juan Ekis

Ang humahawak sa igtingan ng lahat ng nilalang, Ang higgs field na magpapanatiling hanggang

Bingit lamang ng pagkawasak ang lahat. Hindi tayo Naghahanap ng ibang parallel universe, hindi tayo

Nangangarap ng ibang particle configuration, hindi tayo Naghahanap ng higgs-boson na nagbibigay ng bigat sa lahat.

Sa isang parallel universe, tayo siguroAng kamatayan ng mga tala, tayo siguro

Ang black hole na hihigop sa nakaraan Upang ito’y maging kasalukuyan, tayo siguro

Ang singularity na hihila sa buong universe pabalik Sa kanyang pinagmulan, tayo siguro

Ang pagtigil ng oras, tayo siguroAng kaganapan ng sinaunang big bang, tayo siguro

Ang katapusan ng lahat ng pag-iisa.

Sa isang parallel universe, tayo siguro.

Page 21: Uso ang Pag-Ibig
Page 22: Uso ang Pag-Ibig

22 Juan Ekis

MontageSometimes I imagine That we are intercuttingScenes in a movie.

I watch in my head the parallel cutOf my feet searchingThe wet asphalt

For memories I might have dropped,And your feet slowly marchingTowards the altar

Where we would utterOur vows of goodbyes, separately. Of course, they are both

Just movie clips in my head. I imagine an L-cut, your faceIntruding in the rhymes

Of my reverie, or a J-cut whereYour voice disrupts the wet silenceOf the asphalt street where we first met.

Page 23: Uso ang Pag-Ibig

Uso Ang Pag-Ibig 23

There are no dissolvesBecause everything between usAre cuts and cutaways.

We were intercuttingScenes in a movie.Sometimes I imagine

That we are separateLong takes longingTo converge at the climax.

The cuts will wound usBecause it juxtaposes you and ITowards the inevitable fade to black.

Page 24: Uso ang Pag-Ibig

24 Juan Ekis

A Love SceneThe universe was bornFrom an explosionInsideYour mouthWhich caughtMy tongue.

You declared it a mortal sinTo utter any intelligible soundAnd your mouth was a sin eater.

Words are black holesAnd poetry is anti-matter,And I’d ratherWatch quietlyThe universe be born againAnd again.

The universe will endFrom an implosionBetween

Page 25: Uso ang Pag-Ibig

Uso Ang Pag-Ibig 25

Our se pa ra ting kiss.

Because I am the original sinner.

My tongueWill bend the fiber of the universeInside your mouthTo slow down time,To beg for forgiveness,And to convince the sin eaterThat what I uttered was no sinBut a profession of faith.

Page 26: Uso ang Pag-Ibig