mga teoryang pampanitikan

Post on 21-Jan-2016

2.013 Views

Category:

Documents

27 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

(Mga Dulog sa Panitikan)Sistematikong pag-aaral o

pagsusuri ng mga akdang pampanitikan

FORMALISMOTinutukoy ang nilalaman ng

kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda

May mga elemento ang isang akdang pampanitikan at ang bawat isa ay kaugnay ng iba pang elemento

HUMANISMONagbibigay halaga sa tao dahil

ang tao ang sentro ng daigdigPokus nito ang tao at ang

kanyang saloobin at damdaminPinahahalagahan ang kalayaan

ng isipan, ang mga natatanging talino (intelligence), kakayahan (talent) at kalikasan ng tao (human nature).

EKSISTENSYALISMONagbibigay diin sa kalayaang pantao (human

freedom) at kanyang pananagutan (responsibility)

Malaya ang tao - siya lamang ang maaring magdesisyon kung paano niya gugugulin ang panahon niya habang siya ay buhay.

Responsable ang tao – siya lamang ang responsable sa kanyang buhay kahit pa ang desisyon niya ay para sa kanyang kabutihan o kasamaan.

Indibidwal ang tao – walang isang tao na kaparehas niya. Ang kanyang pag-iisip, damdamin, kaalaman at kamatayan ay kanya lamang.

FEMINISMOAng pananaw na ito ay

naglalayong labanan ang sistemang patriarchal sa kababaihan.

Naglalayon itong mawala ang de-kahong imahe ng isang babae.

Tumutukoy sa kalakasan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o akda.

MARKISMO Inuunawa ang akda batay sa

kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman.

Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang matalo ang nang-aaping lakas.

REALISMONaglalarawan ng

makatotohanang pangyayari sa buhay ng tao

Ang mga tauhan sa kuwento ay nagtataglay ng ordinaryong suliranin sa buhay at ang usapan ay parang natural

Pinaniniwalaan nito na higit mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan

SOSYOLOHIKALBinibigyang diin dito ang

pagtalakay sa suliraning panlipunan (problem in society).

Nagbibigay diin sa usapin tungkol sa kahalagahan at pananagutang panlipunan (social relevance & commitment)

SIKOLOHIKALMakikita rito ang antas ng

kanyang buhay, ano ang kanyang paninindigan (principles), paniniwala (belief) at kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan at kamalayan (consciousness)

ROMANTISISMOHigit na pinahahalagahan dito

ang damdamin kaysa sa paghamon sa pag-iisip ng mambabasa.

MORALISTIKOSinusuri ang panitikan batay sa

pagpahalaga/kaasalan (values).Dapat na pinahahalagahan ang

disiplina, moralidad, at kaayusang nakapaloob sa akda.

Pinapahalagahan sa akda ang aral o leksyon

IMAHISMOAng tuon nito at sa imahe

(image) na pinaniniwalaang nagsasabi ng kahulugan.

Naglalayon itong magpahayag nang malinaw gamit ang tiyak na larawang biswal.

Karaniwang ginagamit sa pagsusuri ng tula

DEKONSTRUKSYON Habang isinusulat ang teksto, ang

kahulugan nito’y nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa mambabasa na.

Ito ay teoryang pampanitikan na maaari mong baguhin ang katapusan o magdagdag ng mga tauhan.

Bakit mahalagang malaman ang iba’t ibang pagdulog sa pagsusuri ng panitikan?

TOA: Pagsusuri sa Takipsilim sa Djakarta

OPumili ng isang pagdulog sa panitikan na maaari mong gamitin upang suriin ang “Takipsilim sa Djakarta”.

OBumuo ng talata sa pagsusuri. OPAMAGAT: Ang Takipsilim sa

Djakarta sa Pananaw na _________________

Inaasahang Pagganap (Performance Task)

O Layunin - Makasulat ng isang pagsusuri ng kuwentong nabasa na gamit ang ilang dulog sa panitikan

O Papel na Ginagampanan - Ikaw ay naatasang magbigay ng isang sulatin sa inyong SEEDS (school publication) ukol sa isang pagsusuri batay sa nabasang kuwento na ginagamitan ng isang dulog ng panitikan.

O Sitwasyon - Ang Kagawaran ng Hayskul Filipino ng SHS-AdC ay nagnanais na malinang ang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral kaya nakipag-ugnayan sila sa staff ng SEEDS na hikayatin ang mga mag-aaral na magsulat ng isang pagsusuri ng isang kuwentong nabasa. Hiniling din sa kanila na gamitan ito ng isang pagdulog sa panitikan.

O Produkto- Isang pagsusuri ng isang kuwentong napili gamit ang isang pagdulog sa panitikan o teorya.

TOA: PT #2- Pagsusuring Pampanitikan

O Pumili ng isang kuwento sa aklat na Pluma III. Basahin ito at suriin

O Pumili ng isang teorya na maaari mong gamitin sa pagsusuri ng kuwento.

O Bumuo ng talata na kinapapalooban ng: I – 5/6 pangungusap, B- 10 o higit pang pangungusap, C – 5-6 pangungusap.

O Pamagat: Ang (pamagat ng kuwentong napili) sa Pananaw na (ang napiling teorya)

O Gawing malinis at maayos ang inyong gawain. O Panatilihin ang katahimikan sapagkat ito ay

indibidwal na gawain. Iwasan ang makipag-usap kahit kanino.

KRAYTERYA:Kaangkupan sa Paksa - 15Wastong Organisasyon - 15Wastong Gramatika - 10Kaayusan at Kalinisan - 10KABUUAN = 50

top related