akdang pampanitikan ng bayan kong peñablanca

12
AKDANG PAMPANITIKAN NG BAYAN KONG PEÑABLANCA I. KUWENTO NG PINAGMULAN NG SARILING BAYAN Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo, ang bayan ng Peñablanca ay isa lamang baryo ng Tuguegarao at pinangalanang “Barrio de Bubug” sa kadahilanang ito ay sagana ang puno ng “dapdap” o “Bubug” sa salitang Ybanag. Ang lugar na ito ay itnuturing ng mga Kastila na paraiso ng mga mangangaso. Sa mga gubat nito ay naglipana ang maraming mga usa, mga baboy ramo at iba pang hayop ng hinuhuli ng mga Kastila. Ang unang mga nanirahan dito ay mga grupo ng mangangaso mula sa bayan ng Tuguegarao. Sila ay nagpasimula ng sistemang kaingin sa pagsasaka at sila ay nanirahan sa sentro ng bayan na tinatawag ngayon na Poblacion. Sa huling parte ng siglo, isang Kastilang pari ang inatasang magpalaganap ng Kristiyanismo at siya ding nagmungkahi na pangalanang “Peñablanca” ang lugar dahil sa mga mapuputing baton a matatagpuan dito. Ang Peñablanca ay idineklarang isang bayan noong ika-21 ng Nobyembre, 1896 sa bisa ng Royal Decree ng Hari ng Espanya.

Upload: liezel-lozada

Post on 26-Dec-2015

354 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

stories and poems and other literary works that originated in my hometown, Peñablanca Cagayan

TRANSCRIPT

Page 1: Akdang Pampanitikan Ng Bayan Kong Peñablanca

AKDANG PAMPANITIKAN NG BAYAN KONG PEÑABLANCA

I. KUWENTO NG PINAGMULAN NG SARILING BAYAN

Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo, ang bayan ng Peñablanca ay isa lamang baryo ng Tuguegarao at

pinangalanang “Barrio de Bubug” sa kadahilanang ito ay sagana ang puno ng “dapdap” o

“Bubug” sa salitang Ybanag. Ang lugar na ito ay itnuturing ng mga Kastila na paraiso ng mga

mangangaso. Sa mga gubat nito ay naglipana ang maraming mga usa, mga baboy ramo at iba

pang hayop ng hinuhuli ng mga Kastila.

Ang unang mga nanirahan dito ay mga grupo ng mangangaso mula sa bayan ng Tuguegarao.

Sila ay nagpasimula ng sistemang kaingin sa pagsasaka at sila ay nanirahan sa sentro ng bayan

na tinatawag ngayon na Poblacion. Sa huling parte ng siglo, isang Kastilang pari ang inatasang

magpalaganap ng Kristiyanismo at siya ding nagmungkahi na pangalanang “Peñablanca” ang

lugar dahil sa mga mapuputing baton a matatagpuan dito.

Ang Peñablanca ay idineklarang isang bayan noong ika-21 ng Nobyembre, 1896 sa bisa ng

Royal Decree ng Hari ng Espanya.

Page 2: Akdang Pampanitikan Ng Bayan Kong Peñablanca

II. EPIKO

Ang literatura ng Ibanag, tulad ng iba pang literatura sa ibang rehiyon ay nagpapakita ng mga

nararamdaman ng mga Cagayanos. Marahil ito ay tuwa, kalungkutan, pag-asa, takot,

pagmamahal o di kaya'y hinanakit, ito ay napagpasapasahan na nang isang henerasyon tungo sa

isa. Ang isa sa pinaka tanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at Malana o "Biuag

anni Malana" sa lokal na dayalekto. Ang epiko ay sinimulang isulat sa mga 'bark' ng mga puno at

mga bamboo at kinakanta sa mga importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon

pagkatapos ng mga mahahabang giyera at iba pa at dahil dito ay napagpasa pasahan na ito,

henerasyon sa henerasyon.

SI BIUAG AT MALANA

Si Biuag ay katutubo ng Enrile, ang pinakatimog na bahagi ng Cagayan. Noong siya’y isinilang,

isang di pangkaraniwang dalaga ang dumalaw, at sa pagkakabatid ng ina, ito ay isang diyosa.

Ang ina ay nanikluhod at nagmakaawang pagkalooban ng mahabang buhay ang kaniyang anak.

Hindi umimik ang diyosa, at sa halip, itinali ang tatlong maliliit na bato sa leeg ng bata. Diumano

ang isa nito ay magiging sanggalang niya sa masasama. Minsan siya ay nahulog ngunit hindi

man lamang ito nasasaktan. Nang siya’y lumaki sinubukan niyang lumangoy sa ilog na

tinitirahan ng mga buwaya, subalit walang nangyari sa kanya.

Ang dalawang bato ay bagbigay sa kanya ng kakaibang lakas at bilis. Nagagawa niyang maging

mas mabilis pa sa hangin. Nang siya ay maglalabing-dalawang taong gulang, kamangha-

manghang naihahagis niya ang buong kalabaw sa kanilang burol. May kakayahan siyang bunutin

ang isang punungkahoy sa tulong lamang ng kanyang mga kamay, na wari mo’y damo lamang.

Dahil sa taglay na kapangyarihan nito, siya ay dinayo ng mga tao at sinamba.

Kahit na makapangyarihan si Biuag, siya ay hindi maligaya. Natutuhan niyang mahalin ang

isang dalagang tubong Tuao, isang bayan sa Cagayan. Kung sino ang dalaga ay wala ni isa man

ang nakakaalam. Maging ang kanyang pinagmulan ay hindi nila malaman. Gustuhin man ni

Biuag na limutin ang dalaga ay hindi makakasama ang dilag habangbuhay.

Noon din ay may isang balita ng Malaueg, Rizal, na may isang binata rin katulad ng pagkatao ni

Biuag. Siya ay si Malana. Nong siya’y labing-walong taong gulang, nagkaroon ng bagyo sa

Malaueg, at ito’y nagdulot ng gutom sa mga tao. Ang tanging inaasahang lugar na pagkukunan

ng pagkain ay ang Sto. Niño na malayung-malayo sa kanila. At kinakailangan pang tumawid ng

ilog na tinitirhan ng maraming buwaya.

Page 3: Akdang Pampanitikan Ng Bayan Kong Peñablanca

Bunga nito, si Malana ay gumawa ng paraan. Naglakbay siya hanggang marating ang Sto. Niño,

at sa kanyang paglalakbay ay ipinagdasal ng mga tao ang kanyang tagumpay.

Nang siya’y makabalik, marami siyang dalang bigas, nagbunyi ang mga tao alam nilang hindi

sila magugutom. Matapos niyang maipamahagi ang mga bigas ay nagpasiya na itong umuwi.

Pagdating sa kanilang bahay ay isang pana ang nakita ni Malana. Ang buong pag-aakala niya ay

ang kanyang Ama ang gumawa dito. Dinampot niya ito at ibinato sa hangin, subalit ito ay

bumalik sa kanya. Namangha siya dahil sa dulo nito ay may dalawang batong tulad ng kay

Biuag.

Nakarating sa kaalaman ni Biuag ang pagsamba ng mga tao kay Malana. Ipinagwalang-bahala

ito ni Biuag dahil ang nasa isipan niya’y ang napakagandang dalaga.

Isang araw dinalaw niya ang dalaga. Nakiusap itong hingin ang kanyang kamay upang pakasalan

siya. Ngunit binigo niya si Biuag at sinabi niyang si Malana ang kanyang tanging minamahal.

Nagpanting ang tainga ni Biuag sa narinig. Hindi niya ito tatanggapin. Nagsabi siyang hindi

karapat-dapat si Malana para sa kanya, dako ng kinaroroonan ni Malana. Dinampot ni Malana

ang pana. Tanda ng pagsang-ayon sa hamon ni Biuag.

Sumapit ang takdang araw ng kanilang labanan. Ang mga bundok ay napaligiran ng mga taong

nais sumaksi sa paghahamok na iyon ng dalawa. Sa may di-kalayuan ay ang taga-Malaueg ang

dumating. Sa unahan ay ang matikas at matipunong si Malana. Nang makita si Biuag, siyan’y

nanggalaiti sa matinding galit. Naunang nagsalita si Malana, Alam ko na kung bakit mo ako

hinahamon, sabi ni Malana. Ibig mong agawin ang minamahal ko. Ipinagbabawal ng Diyos ang

pag-agaw na kahit ano na hindi mo pag-aari. Subalit tinatanggap ko ang hamon mo. Kung

nanaisin ng dalagang minamahal ko ay aking ipaglalaban ang pagmamahal ko.

Si Biuag ay sinamahan ng mga taga-Enrile. Siya’y nakatayo sa kabilang bundok tangan ang

pana’t isang punong niyog na binunot. Dinig na dinig niya ang malakas na sigaw ng taga-

Malaueg para kay Malana. Sa isip niya’y gusto niyang patayin lahat ang mga tao ni Malana.

Si Malana naman ay nasa kabilang bundok. Sa kanilang kinalalagyan sa tuktok ng mga kapwa

napansin nila ang pagdating ng isang bangkang tumatawid sa pagitang ng dalawang bundok na

lulan ang dalagang pinag-aawayan. Nalungkot ang dalaga sa mga nagaganap. Subalit sa tingin ng

dalawang magtutuos ay sadyang napakaganda ng dalaga.

Page 4: Akdang Pampanitikan Ng Bayan Kong Peñablanca

Nang mapatapat ang dalaga sa kanila, biglang sumigaw si Biuag Malana, ang babaing kapwa

natin minamahal ay nasa harap natin. Kung sadyang malakas ka ay humanda ka sa aking regalo

na nagbuhat pa sa Enrile, dala ko para sa iyo.

Walang sabi-sabing inihagis ni Biuag ang punong niyog kay Malana. Mabilis ang pagsalo ni

Malana, at hindi sa kalabaw inihagis ang punong niyog kundi sa dako ng nayong Il-Luro sa

bayan ng Rizal.

Pinaniniwalaan na dito nagsisimula ang maraming niyugan sa lugar na iyon.

Lalong nagngitngit sa galit si Biuag. Hinugot ang sibat at gustong ipukol kay Malana na

inaasahang sa puso nito tatamaan. Subalit sa kasamaang-palad, ito’y nagmintis. Hindi sa puso ni

Malana kundi sa ilog tumama ang sibat.

Humanda ka, matikas na Biuag, sigaw ni Malana. Wala nang lahat ang armas mo. Pagkakataon

ko naman ngayon.

Ngunit bago matapos ni Malana ang pagsasPinilit niyang ibuka ang bunganga ng buwaya at

hinamon si Malana na lumukso sa ilog.

Tinanggap ni Malana ang hamong iyon ni Biuag. Sa kanyang paglukso mula sa tuktok ng

bundok ay sinalubong sa himpapawid ng dalaga si Malana. Ito’y ginawa niya upang hindi

mapahamak si Malana. Tiningnan ng dalaga si Biuag at sinabing : Pinatunayan mong isa kang

duwag dahil nagpatulong ka sa isang buwaya. Nais kong ipaalam sa iyo, ako ang anak ng

diyosang nagkaloob sa iyo ng mga kapangyarihan. Hindi ka karapat-dapat sa mga bigay sa iyo

ng aking diyosang Ina.

Sa tulong ng kanyang mahiwagang patpat, ang lahat ng mga taong naroon ay kanyang

binasbasan, maging si Malana, pumaimbulong sila sa kalangitan kung saan naroon ang kaharian

ng hangin at siya ang mahal sa Reyna. Sa tindi naman ng pagkapahiya, nilunod ni Biuag ang

kanyang sarili sa ilog. At siya ay hindi na nasilayan mula noon. Pinaniniwalaan ng mga tagaroon

na ang kaluluwa ni Biuag ay namamahay sa dalawang kakatwang bundok ng Il-Luru.

Alita’y biglang lumukso sa ilog sa ibaba si Biuag. Biglang nagkaroon ng malalaking alon na

humampas sa malalaking bato at ito ang yumugyog sa bundok na kinatatayuan ni Malana. Nang

magpakitang muli si Biuag ay tangan-tangan niya ang pinakamalaking buwaya na siyang

ikinamangha ng mga taong sumaksi sa labanang iyon.

Page 5: Akdang Pampanitikan Ng Bayan Kong Peñablanca

III. MAIKLING KUWENTO

IV. ALAMAT

ANG CALLAO MAN

Noong 2007, isang excavation team na pinamumunuan ni Dr. Armand Mijares ng

Unibersidad ng na salaysay na isinulat ni Mijares noong 2010 tungkol sa kaniyang tuklas.

Pilipinas ang nakatuklas ng isang buto sa paa ng isang tao sa Kuweba ng Callao sa

Peñablanca, Cagayan. Gamit ang teknolohiya ng uranium-series dating, napag-alaman na

ang edad ng buto ay hindi bababa sa 67 000 taon.

V. KUWENTONG BAYAN

VI. SALAWIKAIN

Ari ka maniguru

      Ta sinaddad na kayu

      Ta egga laman Y minafun

      A kutu-kutu nga davvun

      (Trust not in the appearance of tree

      As one sound and healthy

      For who knows if it is infested

      With very harmful pests)

Mas napia Y mattaddday

      Anne ta mevulun ta marake nga tolay

      (It is better to be alone

      Than to be with a bad companion.)

VII. TULA

PAMMAKAKUA

Page 6: Akdang Pampanitikan Ng Bayan Kong Peñablanca

Mapia la y mammakakua

Ta totole maski sinni lara

Mavvugaw paga y karuan

Egga gabbalaman y mabattang.

Ariammu nga appatan,

Y katokatole na karuan

Ta y tiempo la y mapalappa

Ta panguli uli na palapagia.

Annung tam y mammakakua

Ta totole maski nu sinni paga

Nu egga mabba y mappanaki

Awayya na ta y mallilli.

VIII. AWITIN

AYATAT TAKA

Ayatat-taka maski anni ziga-riga ku

Megafu nikaw nga nikamian na futu nikaw

Ta inga lagud ta pakemmimi nga lappaw

Cunna labbe niyo a pagayaya

Nu kemmamatan ka na mata

Chorus:

Tamu e dadan rafutu cao

Ta pawang nenang mgafu nicao

Ta innga lagud

Ta pakalallo nam maya nikaw.

Awan ta logo

Ta kunna ariyakku nga pakkakaturuk

Yoye nga aya ku

Ay pordiy os tu ikallona

Ta kunnaw nga zigariga ku.

IX. KAKAIBANG PAGKAKAKILANLAN NG SARILING BAYAN

Ang bayan ng Peñablanca ay kilala sa kanyang malawak na kagubatan at kasaganaan ng kanyang

mga yamag gubat, yamang tubig at yamang lupa.

Page 7: Akdang Pampanitikan Ng Bayan Kong Peñablanca

Kilala rin ang bayan ng Peñablanca bilang tahanan ng isa sa mga magagandang tanawin sa

buong Pilipinas, ang Callao Cave. Maliban sa Callao Cave, marami pang mga magagandang

tanawin dito gaya ng Sierra Cave, San Carlos Cave, Lapi Falls at ang Blue Lagoon

X. MAGAGANDANG TANAWIN NA MAKIKITA SA BAYAN NG PEÑABLANCA

CALLAO CAVES

Ang Callao Caves ay isang malaking yungib na may pitong lagusan na matatagpuan

sa Peñablanca, Cagayan. Hinango ang pangalan nito sa ibong Kalaw na unang naninirahan dito.

Sa loob nito maraming matatagpuang malilit pang yungib, at mga bato na maaring gawin

semento. Dito sa yungib na ito may matatagpuan ding kapilya na ang liwanag ay nagmumula sa

butas ng kisame, madalas may misa na nagaganap dito para sa mga bumibisita.

Dito rin sa kuwebang ito matatagpuan ang pinakamatandang tao sa Pilipinas ang Callao Man.

Nahanap ang Callao Man na may tandang 67 000 gulang.                                       

Page 8: Akdang Pampanitikan Ng Bayan Kong Peñablanca

THE BLUE LAGOON

Ang Blue Lagoon ay matatagpuan sa Barangay Nannarian sa Peñablnca, Cagayan. Isa itong

napakalinis na ilog at ang paligid nito ay kaaya-aya para sa mga gusting makapagrelaks. Dito rin

makikita ang marami at iba’t ibang uri ng mga paru-paro.

SIERRA CAVE

Page 9: Akdang Pampanitikan Ng Bayan Kong Peñablanca

Ilang kilometro mula sa Callao Caves ay ang Sierra Cave. Ito ay may maliit na lagusan at

sadyang napakadilim sa loob ng kuweba. Sa loob ng kuweba ay makikita ang iba’t ibang uri ng

rock formation.