araling panlipunan module 1 grade 9

121
 Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mag edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kaga- waran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Modyul para sa Mag-aaral I: He ograpi ya a t mg a Sin a una ng K a biha snan sa D a i gdi g

Upload: hyvethjeshiellepbandoy

Post on 13-Jan-2016

4.842 views

Category:

Documents


38 download

DESCRIPTION

This is a copy of Grade 9 Araling Panlipunan Module 1. This is not originally mine.

TRANSCRIPT

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 1/121

Kasaysayan ng Daigdig

Araling Panlipunan

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mag

edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o

unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan

ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kaga-waran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

Modyul para sa Mag-aaral

I: Heograpiya at mga Sinaunang

Kabihasnan sa Daigdig

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 2/121

Kasaysayan ng Daigdig

Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral

Unang Edisyon, 2014

ISBN: 978-971-9601-67-8

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa

Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pama-

halaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o

tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang

nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay

ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng

produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na

ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa

isang Kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society

(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagma-

may-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga

tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC

Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD

Assistant Secretary: Lorna D. Dino, PhD

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul para sa Mag-aaral

Mag Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C.

Manalo,at Kalenna Lorene S. Asis

Mga Konsultant: 

Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace 

Mga Tagasuri: 

Pablito R. Alay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M.

Pascual, Jeremias E. Arcos

Book Designer: Conrado Viriña, Visual Communication Department, UP College of Fine Arts Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo Jr., EdD, Rosalie B.

Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor

Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc.

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex

Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600

 Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072

E-mail Address: [email protected]

5th Floor Mabini Building, DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 3/121

PAUNANG SALITA

Pangunahing tunguhin ng K - 12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang maka-

hubog ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanagutan, produktibo, maka-kalikasan, makabansa, at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw

at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan.

Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig. Ang

mga kaalaman at mga gawaing sa modyul na ito ay makakatulong upang higit

mong mapahalagahan ang mga pangunahing pangyayaring naganap sa daigdig sa

iba’t ibang lugar sa pagdaraan ng panahon. Mapupukaw ang iyong pag-unawa sa

kahalagahan at epekto nito sa kasalukuyang panahon. Inaasahan ding malilinang

ang iyong kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos, pagsasaliksik, mapanuring

pag-iisip, mabisang komunikasyon at pag-unawa sa heograpiya, kasaysayan,

politika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahonhanggang sa kasalukuyang panahon.

Binubuo ng apat na Yunit ang modyul na ito. Ang bawat yunit ay nahahati

naman sa bawat aralin. Ang Yunit 1 ay nakatuon sa pag-aaral ng Heograpiya at

mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal

na Panahon naman sa Yunit 2. Ang Yunit 3 ay ang Pag-usbong ng Makabagong

Daigdig. Samantalang ang Yunit 4 ay ang Kontemporaryong Daigdig.

Halina at maglakbay sa daigdig sa iba’t ibang panahon at tuklasin ang mga

gintong butil ng kasaysayan. Tara na. Aral na.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 4/121

TALAAN NG NILALAMAN

Modyul I Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan saDaigdig

Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

Mga Aralin at Sakop ng Modyul . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

Panimulang Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4

 Aralin 1  Heograpiya ng Daigdig

 Alamin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 10

Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11

Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 36

Aralin 2  Ang Mga Sinaunang Tao

 Alamin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 39

Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40

Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 49

Aralin 3 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

 Alamin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 53

Paunlarin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 55

Pagnilayan at Unawain . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 110Ilipat at Isabuhay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 112

Talasalitaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 116

Sanggunian . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 117

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 5/121

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 6/121

2

Panimula

Sa Modyul na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan.

Maiisip kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilangkapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad

ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligi-

ran, nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang

kultural na tinawag na kabihasnan.

 Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America,

ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa lahat ng

panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng mga

tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas ang

pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunangkabihasnang nagtagumpay sa mga hamong dulot ng kapaligiran.

Mga Aralin at Sakop ng Modyul

Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan ang sumusunod:

Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig

• Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pag-

unawa sa daigdig

• Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

• Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at

mamamayan sa daigdig, kabilang ang lahi, pangkat-etniko, at relihiyon

MODYUL 1

HEOGRAPIYA AT MGA SINAUNANG

KABIHASNAN SA DAIGDIG

Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa

katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at

pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog

sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 7/121

3

Aralin 2: Ang mga Sinaunang Tao

• Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao sa

daigdig

• Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig

• Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko

Aralin 3: Ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

• Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunangkabihasnan sa daigdig

• Nasusuri ang pinagmulan at batayan ng mga sinaunang kabihasnan sa

daigdig

• Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika,

ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan

• Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnansa daigdig

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 8/121

4

Panimulang Pagtataya

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga

pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng

daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?

 A. lokasyon C. paggalaw 

B. lugar D. rehiyon

2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaa-

gang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan

at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene ?

 A. Mesolitiko C. Neolitiko

B. Metal D. Paleolitiko

3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng

kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon,

mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?

 A. imperyo C. kalinangan

B. kabihasnan D. lungsod

4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar

para sa kaniyang asawa at kabilang sa  Seven Wonders of the Ancient

World?   A. Alexandria C. Pyramid

B. Hanging Gardens D. Ziggurat

5. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 9/121

5

 Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia?

 A. Tropikal na klima C. Buong taon na nagyeyelo

B. Maladisyertong init D Nakararanas ng apat na klima

6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng

maraming wika sa isang bansa?

 A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.

B. Maraming sigalot sa mga bansa.

C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakau-

nawaan.

D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.

7. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong

naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?

I. agrikultura III. labis na pagkain

II. kalakalan IV. pangangaso

 A. IV, I, III, II C. IV, I, II, III

B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV 

8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng

pag-unlad ng tao?

 A. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko.

B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko.

C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng ka-

lakalan.

D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng

metal.

9. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 10/121

6

Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang

umunlad sa Mesopotamia, Egypt, Indus, at China?

 A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.

B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.

D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

10. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop

na dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopo-

tamia.

 A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang

Egyptian noong sinaunang panahon.B. Ang mga alipin at mangangalakal ay may

pantay na karapatan sa Egypt.

C. Mas mataas ang posisyon ng mga paring

Egyptian kaysa sa mga mandirigma.

D. Ang pharaoh, maharlika, at magsasaka

ang nasa mataas na antas ng lipunang

Egyptian.

 w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa

pagitan ng Euphrates at Tigris.

x. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang

ikinabagsak nito.

 y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian.

z. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia

at pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa lugar na iyon. 

 A. w at z C. y at z

B. x at y D. z at w 

11. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram?

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 11/121

7

12. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga

sinaunang tao?

 A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga

kabihasnan sa kasalukuyang panahon.B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung

kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag.

C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang

mga pamanang ito.

D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang mak-

agawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.

13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang

isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?

 A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.

B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.

C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang

mamumuhunan.

D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacifc Ocean, timog ng

Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

14. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t

ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala?

 A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.

B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.

C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang reli-

hiyon.

D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang

relihiyon.

15. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na

pinasimulan ng mga sinaunang tao noong Panahong Neolitiko?

 A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.

B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo

ng sapat na pagkain.

C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao

na magpaamo ng hayop.

D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng

pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 12/121

8

16. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napaki-

kinabangan pa rin sa kasalukuyan?

 A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.

B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.

D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.

17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang

heograpiya-kasaysayan?

 A. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator .

B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang

 bulubundukin.

C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na

nagbigay daan sa pagtatag ng unang imperyo sa daigdig.

D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot

ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa mga lambak nito.

18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan

sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa

iyong lungsod-estado?

 A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling

masakop ang mga teritoryo nito.

B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na

magpapaunlad sa iyong pamumuhay.

C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang

 bagay.

D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng

lungsod.

19. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunladsa Mesoamerica?

 A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.

B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga-

Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa.

C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasa-

lukuyang panahon.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 13/121

9

D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay

na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang

 buhay.

20. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang ini-handog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?

 A. Limitado ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng

mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito.

B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naim-

 bento ng mga sinaunang Tsino.

C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging

asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.

D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunangkabihasnan sa daigdig.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 14/121

10

ARALIN 1

HEOGRAPIYA NG DAIGDIG

Sa araling ito pagtutuunan mo ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daig-

dig. Tatalakayin dito ang malaking bahaging ginampanan ng heograpiya sa

paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon.

Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.

ALAMIN

Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng modyul na

ito, pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong

interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang alam

tungkol sa heograpiya, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat isa

sa mga paksang nakaloob dito. Simulan mo na.

GAWAIN 1: GEOpardy!

Suriin ang kasunod na GEOpardy board . Pagkatapos, bumuo ng tanong na

ang sagot ay salita o larawang makikita sa GEOpardy board . Isulat sa sagutang

papel ang nabuong tanong at ang sagot nito.

Halimbawa: Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig? (Pacifc Ocean)

Pacific Ocean

lahing Austronesian

compass

Antarctica

globo

bagyo

gubat

bundok 

 Tropikal

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 15/121

11

GAWAIN 2: Graffiti Wall  1

Isulat sa Grafti Wall  1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba.

Masasagot ito sa anyo ng pangungusap o guhit. Gawain ito sa sagutang papel.

Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan

ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang

kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng

kapaligiran nito?

Matapos ang pagbabalik-tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa

daigdig, sisimulan ngayon dito ang pagtalakay sa mga konsepto at

klasipikasyon ng heograpiya bilang asignatura. Bukod dito, tatalakayin

ang katangiang heograpikal ng daigdig bilang planeta at tirahan ng

lahat ng organismo, kabilang ang tao. Sasagutan mo rin ang mga

mapanghamong gawaing magbibigay ng karagdagan at wastong

kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.

PAUNLARIN

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 16/121

12

Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya

Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang

panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang pisikal ng lugar

kung saan nanirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang pamu-muhay. Bagama’t hindi maitatangging nagdulot din ang heograpiya ng mapang-

hamong sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang naging

epekto nito sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong

tao hanggang sa tuluyang pagkakamit ng mauunlad na pamayanang tinawag

na kabihasnan.

Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Griyego na geo o daigdig at

graphia o paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa si-

 yentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

Ipinakikita sa Diyagram 1.1 ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya:

Basahin at unawain ang teksto gayon din ang diyagram tungkol sa limang

tema ng heograpiya.

Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang heograpi-

kal sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng Asso-

ciation of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas

madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham

panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan ng taoang daigdig na kaniyang ginagalawan. Unawain ang kasunod na diyagram.

na

saklaw

ang

anyong lupa

at anyong tubiglikas na yaman

klima at panahonflora (plant life )

fauna (animal life )

distribusyon at interaksiyon ng tao at iba pangorganismo sa kapaligiran nito

HEOGRAPIYA

http://digital-vector-maps.com/

WORLD/GL-1068-Asia-Globe.

htm

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 17/121

13

Diyagram 1.2 – Limang Tema ng Heograpiya

Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan

ng mga lugar sa daigdig

na may dalawang

pamamaraan sa pagtukoy

na may dalawang

pamamaraan sa pagtukoy

Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang

natatangi sa isang pook 

Rehiyon: Bahagi ng daigdig na

pinagbubuklod ng magkakatuladna katangiang pisikal o kultural

Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran:

ang kaugnayan ng tao sa pisikal

na katangiang taglay ng kaniyang

kinaroroonan

Paggalaw: ang paglipat ng taomula sa kinagisnang lugar pa

tungo sa ibang lugar; kabilang din

dito ang paglipat ng mga bagay

at likas na pangyayari, tulad ng

hangin at ulan

Lokasyong Absolute  na gamit

ang mga imahinasyong

guhit tulad ng latitude line  atlongitude line  na bumubuo

sa grid . Ang pagkukrus ng

dalawang guhit na ito ang

tumutukoy sa eksaktong

kinaroroonan ng isang lugar sa

daigdig.

Relatibong Lokasyon na ang

batayan ay mga lugar at bagay

na nasa paligid nito. Halimbawa

ang mga anyong lupa at tubig,

at mga estrukturang gawa ngtao

Katangian ng kinaroroonan

tulad ng klima, anyong lupa

at tubig, at likas na yaman

Katangian ng mga taong

naninirahan tulad ng

wika, relihiyon, densidad

o dami ng tao, kultura, at

mga sistemang politikal

Kapaligiran bilang

pinagkukunan ng

pangangailangan ng tao;

gayon din ang pakikiayon

ng tao sa mga pagbabagong

nagaganap sa kaniyang

kapaligiran

may tatlong uri ngdistansiya ang isang lugar

• Linear - Gaano kalayo ang

isang lugar

•  Time - Gaano katagal ang

paglalakbay

• Psychological - Paano

tiningnan ang layo ng lugar

Limang Tema ng Heograpiya

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 18/121

14

GAWAIN 3: Tukoy - Tema - Aplikasyon

Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon na may kinalaman sa

lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran at paggalaw. Pag-

katapos, punan ng inyong pangkat ng kinakailangang impormasyon ang fowerchart sa ibaba.

1. May tropikal na klima ang Pilipinas.

2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacifc Ocean, timog ng Bashi

Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalili-

 butan ng dagat ang bansa.

4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand

upang magtrabaho.5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang

nagbigay daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad

ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa kalungsuran.

7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga

 bansang may magagandang pasyalan.

8. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia.

9. Ang Singapore ay nasa 1º 20́ hilagang latitud at 103º 50́ silangang longhitud.

10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.

Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, pumili ng isang bansa na bibigyang

pansin ng inyong kapangkat. Suriin ang kalagayang heograpikong napiling

 bansa katulad ng mga kongkretong halimbawang naayon sa limang tema ng

heograpiya. Gamitin ang Flower Chart sa pagsagot sa gawain.

Napiling

Bansa

Lugar

Lokasyon Rehiyon

PaggalawInteraksiyon ng

tao at kapaligiran

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 19/121

15

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang

napili ayon sa limang tema nito.

2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral

ng katangiang pisikal ng bansa?

3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa

heograpiya ng isang bansa?

Pagkaraan matutuhan ang heograpiya bilang isang konsepto, susunod

na tatalakayin ang katangiang pisikal ng daigdig. Sa paksang ito, higit

na mauunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa

solar system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay naorganismo. Simulan mo na.

Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Planets2013.jpg

Nasaan ang planetang Daigdig sa solar system? Ano ang iyong ma-

sasabi sa posisyon ng Daigdig sa solar system?

Isa ang Daigdig sa walong planetang umiinog at umiikot sa isang malaking

 bituin, ang Araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat

ng buhay sa Daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula

sa Araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon,

ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng Araw. Mahalaga rin ang sinag

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 20/121

16

ng Araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Sa-

mantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat

ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa Daigdig ay masasabing dulot ng tiyak

na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis

at ang paglalakbay paikot sa Araw bawat taon.

Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang estruktura ng daigdig.

    h

   t   t   p   :    /    /   w   w   w .   s   t   u    d   y   z   o   n   e .   o   r   g    /   t   e   s   t   p   r   e   p    /

   s

   s    5    /    b    /   c   o   m   c   o   n   t   o   c    h   e   m    l .   c    f   m

http://en.wikipedia.org/wiki/

Plate_tectonics

 Tinatawag na core ang kaloob-loobang bahagi

ng Daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng

iron at nickel.Ang Daigdig ay may

plate o malalaking

masa ng solidong bato

na hindi nananatili sa

posisyon. Sa halip, angmga ito ay gumagalaw

na tila mga balsang

inaanod sa mantle.

Ang Daigdig ay may apat na

hating-globo (hemisphere):

Ang Northern Hemisphere

at Southern Hemisphere na

hinahati ng equator, at ang

Eastern Hemisphere at Western

Hemisphere na hinahati ngPrime Meridian.

Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na sa katunayan, umaabot

lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman,

ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas

at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at

pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang

makapagpapaliwanag kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon,

ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nagbabago-bago.

Paano nakaaapekto

ang mga plate sa

pagbabago ng

hitsura ng ibabaw

ng daigdig?

    h   t   t   p   :    /    /   w   w   w .   r   o   c    k   s   a   n    d   m    i   n   e   r   a    l   s    4   u .

   c   o   m    /   e   a   r   t    h   s_

    i   n   t   e   r    i   o   r .    h   t   m    l

Ang Daigdig ay binubuo ng crust, ang matigas

at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot

ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim

mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karaga-

tan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km.

Ang mantle ay isang patong ng mga batong na-

pakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang

bahagi nito.

Estruktura ng Daigdig

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 21/121

17

Talahanayan 1.1: Ilang Mahahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig

 Tinatayang Bigat (mass) 5.9736 x 1 024 kg

 Tinatayang Edad 4.6 bilyong taon

Populasyon (2009) 6 768 167 712

Kabuuang Lawak ng Ibabaw

ng Daigdig

510 066 000 kilometro kuwadrado

(km2)

Lawak ng Kalupaan 148 258 000 km kwd (29.1%) (km2)

Lawak ng Karagatan 335 258 000 km kwd (km2)

Pangkalahatang Lawak ng Katubigan 361 419 00 km kwd (70.9%) (km2)

Uri ng Tubig 97% alat, 3% tabang

Circumference o Kabilugan sa Equator 40 066 km

Circumference o Kabilugan sa Poles 39 992 km

Diyametro sa Equator 12 753 km

Diyametro sa Poles 12 710 km

Radius sa Equator 6 376 km

Radius sa Poles 6 355 km

Bilis ng Pag-ikot Lumiligid ang Daigdig paikot sa Araw

sa bilis na 66 700 milya bawat oras

(mph), 107 320 km bawat oras

Orbit sa Araw Lumiligid ang Daigdig paikot sa Araw

sa loob ng 365 araw, limang oras, 48

minuto at 46 segundo

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 22/121

18

Longitude at Latitude

Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang mabatid

ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa pamamag-

itan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoyang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak.

Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang imahinasyong guhit na matatagpuan

sa mapa o globo.

 Tinatawag na longtitude

ang distansiyang angular  na

nasa pagitan ng dalawang

meridian patungo sa

kanluran ng Prime Meridian.

Ito rin ang mga bilog (greatcircles) na tumatahak mula

sa North Pole patungong

South Pole.

Ang Prime Meridian na

nasa Greenwich sa England

ay itinatalaga bilang zero

degree longitude.

Ang 180 degrees

longitude mula sa Prime

Meridian, pakanluran

man o pasilangan, ang

International Date Line na

matatagpuan sa kalagitnaanng Pacific Ocean.

Nagbabago ang pagtatakda

ng petsa alinsunod sa

pagtawid sa linyang ito,

pasilangan o pakanluran.

h  t  t   p  :   /    /   w  w  w  . l   e  a  r  n  e  r  . o  r   g   /    j   n  o  r  t  h   /   t  m  

 /   

m  c  l   a  s  s   /   G   l   o  s  s  a  r   y  . h  t  m  

l   

http://images.yourdictionary.com/

international-date-line

Longitude

Primemeridian

East (+)West (+)

h  t  t   p  :  /   /   w  w  w  . l   e  a  r  n  e  r  . o  r   g  /    j   n  o  r  t  h  /   t  m  

/   

m  c  l   a  s  s  /   G   l   o  s  s  a  r   y  . h  t  m  

l   

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 23/121

19

 Tinatawag na latitude

ang distansiyang angular  

sa pagitan ng dalawang

parallel patungo sa hilaga o

timog ng equator.

Ang equator ang humahati

sa globo sa hilaga at timog

hemisphere o hemispero.

Ito rin ay itinatakdang zero

degree latitude.

Ang Tropic of Cancer ang

pinakadulong bahagi ng

Northern Hemisphere na

direktang sinisikatan ng

araw. Makikita ito sa 23.5°

hilaga ng equator.

Ang Tropic of Capricorn ay

ang pinakadulong bahagi

ng Southern Hemisphere na

direkta ring sinisikatan ng

araw. Matatagpuan ito sa

23.5° timog ng equator.

http://www.avontrail.ca/

coordinates.html

http://2012books.lardbucket.org/books/regional-ge-ography-of-the-world-globalization-people-and-plac-

es/s04-01-geography-basics.html

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 24/121

20

GAWAIN 4: KKK GeoCard Completion

Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format . Kumpletuhin ang

KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan) GeoCard na may kaugnayan sa katangiang

pisikal ng daigdig. Isulat sa unang bahagi ng KKK GeoCard ang kataga na nasaloob ng kahon. Sa ikalawang bahagi, isulat ang kahulugan ng nakatalang salita.

Sa ikatlong bahagi, itala ang kabuluhan ng naturang kataga sa pamamagitan ng

pagsagot sa tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa papel.

Paano nakaiimpluwensiya/nakaaapekto ang naturang konsepto

sa buhay ng tao at iba pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa

kasalukuyan?

Mga Kataga:

1. Planetang Daigdig

2.  mantle

3.  plate

4. pagligid sa Araw 

5. longtitude at latitudeG

E

O

C

A

R

D

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 25/121

21

Ang Klima

 Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang

makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating pla-

neta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw,init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga

halaman at hayop sa balat ng lupa.

Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon

ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon.

Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig

ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa

latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan,

at taas mula sa sea level .

 Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat nasinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming

habitat  o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at

hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga

rainforest , coral reef , at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at

napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring

mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga

lugar na lubhang napakalamig ng panahon.

GAWAIN 5: Dito sa Amin

Suriing mabuti ang kasunod na diyagram. Tukuyin ang lugar na inilalarawan

sa mapa. Kumpletuhin ang pahayag sa call out . Magsaliksik ng impormasyon

tungkol sa klima at yamang likas ng lugar na kinaroroonan ng diyagram. Buuin

ang pangungusap sa ilalim na bahagi ng diyagram.

http://www.qldaccommodation.com/

tag/alaska

Batay sa taglay na kli-

ma at likas na yaman ng

aming lugar, ang pamu-

muhay dito sa amin ay

_______________________

_______________________

_______________________

Ako si ________________________.

Narito ako sa _________________________

______________________________________

Ang klima dito ay

Ang mga likas

yaman dito ay

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 26/121

22

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang klima?

2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?3. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan

sa lugar?

4. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?

5. Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman

sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon?

Ang mga Kontinente

Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ngdaigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napa-

palibutan ng katubigan.

 Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift

Theory, dati nang magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente

na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato

kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo

ang kasalukuyang mga kontinente.

Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig? Pag-aralan ang Diyagram1.4 na nasa ibaba na tungkol sa Continental Drift Theory.

240 milyong taon – Mayroon lamang isang

super continent  na tinawag na Pangaea

na pinaliligiran ng karagatang tinawag na

Panthalassa Ocean.

200 milyong taon – Nagsimulang maghiwalay

ang kalupaan ng Pangaea hanggang sa mahati

sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at

Gondwana sa Southern Hemisphere.

65 milyong taon – Nagpatuloy ang

paghihiwalay ng mga kalupaan.

Mapapansin ang India na unti-unting

dumidikit sa Asya.

Sa kasalukuyan – Unti-unti ang

paggalaw ng mga kontinente.

 Tinatayang 2.5 sentimetro ang

galaw ng North America at

Europe bawat taon.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 27/121

23

May mga kontinenteng nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May pi-

tong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America,

at South America, at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama

sa Australia ay ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia,

Melanesia, at Polynesia.

Ipinakikita sa Diyagram 1.5 ang mapa at mahahalagang datos ng mga kon-

tinente ng daigdig.

Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng

ginto at diyamante. Naroon din ang Nile River na

pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang

Sahara Desert, na pinakamalaking disyerto. Ang Africa

ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung

ihahambing sa ibang mga kontinente.

Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng

natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng

halos 2 km (1.2 milya). Dahil dito, walang taong

naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang

nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman,

sagana sa mga isda at mammal  ang karagatang

nakapalibot dito.

Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya.

Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa

pinagsamang lupain ng North at South America, at

ang kabuuang sukat nito ay tinatayang sangkatlong

(1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig.

Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking

populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na

pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha

Zone sa Nepal at Tibet sa China.

Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1 /4) na

bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa

pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos

6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 28/121

24

Ang North America ay may hugis na malaking

tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang

bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dala-

wang mahabang kabundukan ang matatagpuansa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains

sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran.

Gayundin, ang South America ay hugis tatsu-

lok na unti-unting nagiging patulis mula sa

bahaging equator hanggang sa Cape Horn

sa katimugan. Ang Andes Mountains na may

habang 7 240 km (4 500 milya) ay sumasakop sa

kabuuang baybayin ng South America.

Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring

kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalili-

butan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at

inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil

sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalayng Australia bilang isang kontinente, may mga

bukod tanging species ng hayop at halaman na

sa Australia lamang matatagpuan. Kabilang dito

ang kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil,

platypus, at iba pa.

Talahanayan 1.2 – Ang Ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente

Kontinente Lawak (km²)Tinatayang Popu-

lasyon (2009)Bilang ng

Bansa

Asya 44 614 000 4 088 647 780 44

Africa 30 218 000 990 189 529 53

Europe 10 505 000 728 227 141 47

North America 24 230 000 534 051 188 23

South America 12 814 000 392 366 329 12

Antarctica 14 245 000 -NA- 0

Australia at Oceania 8 503 000 34 685 745 14

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 29/121

25

Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig,

ipinaliliwanag sa ibaba ang mala- jigsaw puzzle na hugis ng South Amer-

ica at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-daang bulkan sa

rehiyong tinatawag na Pacic Ring of Fire.

phillipriley.comswiki.wikispaces.net

Kung susuriin ang isang

mapa, mapapansing ang

mga baybayin ng silangang

bahagi ng South America at

kanlurang bahagi ng Africa

ay tila lapat at akma sa isa’t

isa na parang mga piraso

ng isang malaking jigsaw

puzzle . Ito ay sa kadahila-

nang dating magkaugnay

ang dalawang lupaing ito.

Habang tumatagal, patu-

loy pa rin ang proseso ng

paglawak ng karagatan sa

pagitan nito at ang paglayo

ng dalawang nasabing kon-

tinente. Ang paliwanag na

ito ay batay sa Continental

Drift Theory.

Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at

South America ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw

nito ang kanlurang hangganan ng South America at NorthAmerica patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska,

pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New

Zealand sa Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil

matindi ang pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito

bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate  o tipak ng

crust  ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang

kontinente.

Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga

ito ay nasa Pacic Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacic Ring of Fire na

pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong 1815 (92 000

ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36 000 ang namatay); at Mt. Pelee noong

1902 (30 000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala

ng malalakas na lindol ay ang China noong 1556 (830 000 ang namatay) at 1976

(242 000 ang namatay); Japan noong 1923 (143 000 ang namatay); Sumatra

noong 2004 (227 898 ang namatay); at Haiti noong 2010 (222 570 ang namatay).

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 30/121

26

GAWAIN 6: Three Words in One

Saang kontinente matatagpuan ang mga pook/hayop na tinutukoy sa bawat

 bilang? Isulat ang sagot sa kahon. Gawin ito sa kwaderno.

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente?

2. Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente?

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga

kontinente ng Daigdig?

1.

3.

5.

2.

4.

6.

Nile River

Kangaroo

Hudson Bay

K-2

Iberian

Peninsula

Balkan

Peninsula

Sahara Desert

Cape Horn

 Tasmanian

Devil

Appalachian

Mountains

Lhotse

Egypt

Argentina

Micronesia

Rocky

Mountains

Andes

Mountains

 Tibet

Italy

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 31/121

27

Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon.

Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang

kapaligiran.Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng

daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak

ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.

 Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na

populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig

ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29 028 talampakan o 8 848 metro).

Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19 340 talampakan o 5 895 metro) at

sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18 510 talampakan o 5 642 metro). Tingnan

ang Talahanayan 1.3.

Talahanayan 1.3: Pinakamataas na Bundok ng Daigdig

 

Bundok Taas (sa metro) Lokasyon

Everest 8 848 Nepal/Tibet

K-2 8 611 Pakistan

Kangchenjunga 8 586 Nepal/India

Lhotse 8 511 Nepal

Makalu 8 463 Nepal/Tibet

Cho Oyu 8 201 Nepal/Tibet

Dhaulagiri 8 167 Nepal

Manaslu 8 163 Nepal

Nanga Parbat 8 125 Pakistan

Annapurna 8 091 Nepal

Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig:

Pacic, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International

Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa

 Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60°s latitude. Tingnan

ang Talahanayan 1.4 ang ilang katangian ng mga karagatan sa daigdig.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 32/121

28

Talahanayan 1.4: Mga Karagatan sa Daigdig

KaragatanLawak (sakilometro

kuwadrado)

Average nalalim (sa

talampakan)

Pinakamalalim na Bahagi(sa talampakan)

Pacific Ocean 155 557 000 12 926 Mariana Trench, 35 840 talam-

pakang lalim

Atlantic Ocean 76 762 000 11 730 Puerto Rico Trench, 28 232 ta-

lampakang lalim

Indian Ocean 68 556 000 12 596 Java Trench, 23 376 talampa-

kang lalim

Southern Ocean 20 327 000 13 100 (4 000 - 5 000 metro) 16 400

talampakang lalim, ang

katimugang dulo ng South

Sandwich Trench, 23 736 talam-

pakang lalim (7 235 metro)

Arctic Ocean 14 056 000 3 407 Eurasia Basin, 17 881 talampa-

kang lalim

Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig,pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang

 bahagi ng Pacifc Ocean. Iba pang malalim na trench ay ang Puerto Rico Trench

sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.

Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang

napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China

Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.

Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo

etal, Edisyon 2012 (pp. 12-20)

Mababasa rin sa AP III Project Effective Alternative Secondary

Education (EASE), Modyul 3 - Heograpiya ng Daigdig, pp. 1-40 upang

higit na mapagyaman ang sariling kaalaman tungkol sa heograpiya ng

daigdig.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 33/121

29

GAWAIN 7: Illustrated World Map

Punan ang mapa ng mga natatanging anyong lupa at tubig ng daigdig na nasa

loob ng kahon. Gamitin ang sumusunod na simbolo: (Talain o i xerox  ang mapa.)

Anyong Lupa

Greenland

Madagascar

Borneo

Mt. Everest

Mt. Kilimanjaro

Sahara Desert

Himalayas Mountain Range

Andes Mountain Range

Appalachian Mountain Range

 Tibetan Plateau

Scandanavian Peninsula

Arabian Peninsula

Anyong Tubig

Nile River

Amazon River

Yangtze River

South China Sea

Mediterranean Sea

Caribbean Sea

Bering Sea

Arabian Sea

Bay of Bengal

Hudson Bay

Gulf of Mexico

Persian Gulf 

bundok 

bulubundukin

disyerto

ilog

dagat, look,

golpo

Source: phillipriley.comswiki.wikispaces.net

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 34/121

30

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang halimbawa ng mga anyong lupa at anyong tubig na makikita

sa mapa?

2. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na

kanilang pinaninirahan?

3. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng

kabuhayan ng tao?

GAWAIN 8:  The Map Dictates…

Gamit ang kasunod na mapa, kumpletuhin ang datos tungkol sa heograpiya

ng daigdig batay sa hinihingi ng sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang

sagot sa papel.

Lagyan ng bituin ang pitong kontinente ng daigdig.

 Tukuyin ang tatlong malalaking pulo, dalawang kapuluan, at isang tangway.

Guhitan ng simbolong alon ( ) ang limang karagatan ng daigdig.

 Tukuyin ang uri ng klima ng mga rehiyong may simbolong KL.

Magbigay ng halimbawa ng partikular na yaman ng mga lugar na may

simbolong YL.

Iguhit ang karaniwang hayop na makikita sa lugar na may simbolong H.

KL

H

H

YLYL

KL

YL

YL

KL

H

KL

H

H

YL

YL

KL

YL

YL

KL

H

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 35/121

31

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang masasabi mo tungkol sa daigdig bilang isang planeta?

2. May epekto ba ang kalagayang pisikal ng daigdig sa mga organismoat tao? Bakit mo ito nasabi?

3. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating kapaligi-

ran at sa heograpiya ng daigdig sa pangkalahatan?

Pagkaraang pag-aralan ang pisikal na heograpiya ng daigdig, isunod

ang pagbibigay-tuon sa ikalawang sangay ng heograpiya – ang heograpi-

 yang pantao. Simulan mo na.

Heograpiyang Pantao

Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika,

relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Wika

Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagka-

kakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7, 105 buhay

na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6 200 000 000 katao. Nakapaloob

ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaug-

nay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong

daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang

ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.5 ang

ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig.

Talahanayan 1.5 Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig

Pamilya ng

Wika

Buhay na

Wika

Bahagdan ng mga

Nagsasalita

Bansang Gumagamit ng Wika

Afro-Asiatic 366 5.81 Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad,

Cyprus, Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia,

Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya,

Mali, Malta, Mauritania, Morocco,

Niger, Nigeria, Oman, Palestine, Saudi

Arabia, Somalia, Sudan, Syria, Tajikistan,

 Tanzania, Tunisia, Turkey, United Arab

Emirates, Uzbekistan, at Yemen

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 36/121

32

Austronesian 1 221 5.55 Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook

Islands, East Timor, Fiji, French Polynesia,

Guam, Indonesia, Kiribati, Madagascar,

Malaysia, Marshall Islands, Mayotte,

Micronesia, Myanmar, Nauru, NewCaledonia, New Zealand, Niue, Northern

Mariana Islands, Palau, Papua New

Guinea, Philippines, Samoa, Solomon

Islands, Suriname, Taiwan, Thailand,

 Tokelau, Tonga, Tuvalu, United States,

Vanuatu, Viet Nam, Wallis at Futuna

Indo-European 436 46.77 Afghanistan, Albania, Armenia, Austria,

Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium,

Bosnia and Herzegovina, Brazil, Bulgaria,

Canada, China, Croatia, Czech Republic,

Denmark, Fiji, Finland, France, Germany,Greece, Iceland, India, Iran, Iraq, Ireland,

Isle of Man, Israel, Italy, Latvia, Lithuania,

Luxembourg, Macedonia, Maldives,

Myanmar, Nepal, Netherlands, Norway,

Oman, Pakistan, Peru, Poland, Portugal,

Romania, Russian Federation, Serbia,

Slovakia, Slovenia, South Africa, Spain, Sri

Lanka, Suriname, Sweden, Switzerland,

 Tajikistan, Turkey, Ukraine, United

Kingdom, United States, Vatican State, at

VenezuelaNiger-Congo 1 524 6.91 Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso,

Burundi, Cameroon, Central African

Republic, Chad, Comoros, Congo, Côte

d’Ivoire, Cuba, Democratic Republic of

the Congo, Equatorial Guinea, Gabon,

Gambia, Ghana, Guinea, Guinea-Bissau,

Kenya, Lesotho, Liberia, Malawi, Mali,

Mayotte, Mozambique, Namibia, Niger,

Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone,

Somalia, South Africa, South Sudan,

Sudan, Swaziland, Tanzania, Togo,Uganda, Zambia, at Zimbabwe

Sino-Tibetan 456 20.34 Bangladesh, Bhutan, China, India,

Kyrgyzstan, Laos, Myanmar, Nepal,

Pakistan, Thailand, at Viet Nam

Pinagkunan: http://www.ethnologue.com/statistics/family

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 37/121

33

Relihiyon

Mabibigyang kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at

rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapang-

 yarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang“buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa

mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan

ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.

Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala

na nagsisilbing gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga

relihiyon sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa

kasaysayan ng daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon

sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking

salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa

kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon.

Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang

 bahagdan ng dami ng tagasunod ng mga ito.

Pinagkunan: The World Factbook 2012

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 38/121

34

Lahi/Pangkat-Etniko

Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging

paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race 

o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundinang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat. Maraming eksperto ang bu-

muo ng iba-ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang

nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito

ng maraming diskriminasyon.

Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na eth-

nos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko

ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon

kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.

Sa hudyat ng guro, sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito

sa pisikal na heograpiya?

2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa.

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?

4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng

indibiduwal o isang pangkat ng tao?

5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng

mga tao sa daigdig?

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 39/121

35

GAWAIN 9: Crossword Puzzle

Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy

sa inilalarawan ng bawat bilang. Gawain ito sa kuwaderno.

1 2

3 4

5 6

7 8

9

10

Pahalang

1. Kaluluwa ng kultura

3. Sistema ng mga paniniwala

at ritwal

7. Pagkakakilanlang bayolohi-

kal ng pangkat ng tao

9. Pamilya ng wikang Filipino

10. Matandang relihiyong

umunlad sa India

Pababa

2. Relihiyong may pinaka-

maraming tagasunod

4. Pamilya ng wikang may

pinakamaraming taonggumagamit

5. Salitang-ugat ng relihiyon

6. Salitang Greek ng mama-

mayan

8. Pangkat ng taong

may iisang kultura at

pinagmulan

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 40/121

36

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa bahaging ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa pisikal na

katangian at heograpiyang pantao ng daigdig ay bibigyan ng malalimna pagtalakay sa tulong ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang

pagbibigay ng kabuluhan sa paghubog ng heograpiya sa kabuhayan at

pamumuhay ng tao.

GAWAIN 10: My Travel Reenactment 

Bumuo ng limang pangkat at sundin ang sumusunod na mga hakbang:

1. Makibahagi sa talakayan ng iyong pangkat tungkol sa hindi malilimutangpaglalakbay sa isang lugar.

2. Pumili ng isang katangi-tanging kuwento ng paglalakbay.

3. Bumuo ng isang pangkatang kuwento.

4. Tiyaking nakapaloob sa kuwento ang mahahalagang konsepto o kaalamang

tinalakay tungkol sa pisikal na heograpiya ng daigdig.

5. Pagkatapos, isadula ang kuwento ng paglalakbay habang isinasalaysay ito.

6. Maaaring gumamit ang pangkat ng improvised props at kasuotan.

7. Isaalang-alang sa pagmamarka ng gawaing ito ang sumusunod na rubric.

Rubric  sa Pagmamarka ng My Travel Reenactment 

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Pagsasalaysay Angkop ang pagsasalaysay sa paksang tinalakay;

nakapaloob ang tatlo o higit pang kaalaman ng aralin;

madaling unawain ang pagkakasulat ng kuwento;

malinaw ang pagbasa ng pagsasalaysay habang

isinasagawa ang pagsasadula

10

Pagsasadula Magaling ang pagsasadula ng kuwento; mahusay na

naipakita ng mga tauhan ang kanilang pag-

arte; kapani-paniwala ang kanilang pagganap

10

Pagkama-

likhain

Gumamit ng angkop na props  at kasuotan sa

pagsasadula; orihinal at makatotohanan ang

ginawang pagsasadula

5

Kabuuan 25

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 41/121

37

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Tungkol saan ang ipinakitang dula ng iyong pangkat?

2. Anong konsepto ang maiuugnay sa binasang kuwento at isinagawang

dula?

3. Paano pinatunayan sa dula ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya

at pamumuhay ng tao?

4. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na

katangian ng daigdig?

5. Anong linya o pahayag sa kuwento ang nakapukaw sa iyong interes?

Bakit naging interesante ito para sa iyo?

GAWAIN 11: Modelo ng Kultura

Bumuo ng anim na pangkat at talakayin ang heograpiyang pantao ng bansang

inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito.

1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan.

2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo

at bagay na tumutukoy sa lahi, wika, at relihiyon ng bansang pinili ng iyong

pangkat.

3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong ka-

suotan.4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show.

5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng ka-

suotang suot ng kapangkat.

6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang gawaing ito batay

sa ibinigay na rubric.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 42/121

38

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na

makikita sa kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa?

2. Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang

pinili ng iyong kapangkat?

3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa napil-

ing bansa batay sa gawain?

4. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa?

5. Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao?

Rubric  sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nilalaman ng

Kasuotan

Wasto ang impormasyong nakasulat at mga

bagay o simbolong nakaguhit sa damit; na-

kapaloob ang tatlo o higit pang konsepto ng

aralin

10

Disenyo ng

Kasuotan

Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay

at laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit;

malinaw ang mensahe batay sa disenyo

10

Pagmomodelo Mahusay ang isinagawang pagmomodelo sa

klase; akma ang kilos sa pangkat-etniko o ban-

sang kinakatawan ng modelo

5

Kabuuan 25

Sa pagtatapos ng aralin na ito, sagutin ang tanong na nasa itaas ng

 bagong Grafti Wall. Pagkatapos ay muling balikan ang naunang Graftti Wall at

paghambingin ang dalawang sagot. Gawin sa kuwaderno.

Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan

ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang

kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng

kapaligiran nito?

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 43/121

39

ARALIN 2

ANG MGA SINAUNANG TAO

ALAMIN

Bago tuluyang maglakbay sa panahon ng mga sinaunang tao, marapat na

 baunin mo ang mga impormasyong dati mo nang alam. Makatutulong

ito sa pag-unawa sa paksang kasunod na pag-aaralan.

GAWAIN 1: Kung Ikaw Kaya?

Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon.Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin mo’y makatutulong sa iyong

pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang dahilan

ng iyong pagpili.

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Alin ang iyong mga pinili?2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili?

3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang

 bagay na pinili? Ipaliwanag ang sagot.

Isunod ngayon ang pagbuo ng I-R-F Chart upang matukoy ang iyong

nalalaman tungkol sa mga sinaunang tao.

apoy bato

kahoy banga

buto ng hayop

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 44/121

40

GAWAIN 2: Initial-Refined-Final Idea (I-R-F) Chart

Isulat sa unang kolum ng tsart ang sariling sagot sa tanong.

Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon?

Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman Ito Na Ang Alam Ko

PAUNLARIN

Pagkatapos masabi ang alam mo ngayon tungkol sa paksa, ay maaari nang

magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito, inaasahangiyong matututuhan ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga sinaunang

tao sa daigdig gamit ang mga teksto, graphic organizers, at mga gawaing

higit na magpapayabong sa iyong kaalaman.

Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno

ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang  Homo species (homo 

na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang kapaligiran at

nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon.

May tatlong pangkat ng Homo species na nabuhay sa daigdig at naging mganinuno ng mga kasalukuyang tao. Pag-aralan ang diyagram tungkol sa Teorya ng

Ebolusyon ng tao mula sa pagiging ape hanggang sa paglitaw ng mga Homo sapiens.

http://www.thejunglestore.com/ape

http://news.nationalgeographic.com/news/2012/10/121026-australopithe-

cus-afarensis-human-evolution-lucy-scapula-science/

http://en.wikipedia.org/wiki/Homo_erectus

Ape – sinasabing

pinagmulan ng

tao

Chimpanzee – pina-

palagay na pinaka-

malapit na kaanak

ng tao, ayon sa mga

siyentista

Australopithecine –

tinatayang ninuno ngmakabagong tao; Ape

na may kakayahang

tumayo nang tuwid

Lucy – pinakatanyag na

Australopithecus afarensis

na natuklasan ang mga

labi noong 1974

Homo habilis, Homoerectus, at Homo sapi-

ens – mga pangkat ng

homo species

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 45/121

41

Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis 

noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong

Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. 

Panahong Paleolitiko

dakong 2 500 000 – 10 000 BCE

• Tinatawag ding “Panahon

ng Lumang Bato” (Old

Stone Age)

• Nagmula ang Paleolitiko sa mga

katagang paleos  o matanda at

lithos  o bato

• Pinakamahabang yugto sa

kasaysayan ng sangkatau-

han

• Maiuugat sa pagsisimula ng

paggamit ng kasangkapang

bato ng mga Hominid

• Unang gumamit ng apoy at

nangaso ang mga sinaunang

tao

Lower Paleolithic Period 

• Nagwakas dakong 120000 taon

na ang nakararaan

• Pinakamaagang pananatili ng

tao sa daigdig

• Hindi pa lumilikha ng mga

kasangkapan

• Ang Homo habilis ay

nangangahulugang able man  o

handy man  dahil sila ang unang

species  ng hominid na marunong

gumawa ng kagamitang bato

• Sinundan ng mga Homo erectus

nang higit na may kakayahan sa

paggawa ng kagamitang bato

Upper Paleolithic Period 

• Dakong 40000 – 8500 taon ang

nakararaan

• Nagkaroon na ng mga unang

pamayanan sa anyong mga

campsite  na kadalasang

matatagpuan sa mga lambak 

• Ang mga yaong Neanderthal aynawala sa panahong ito at na-

palitan ng mga Taong Cro-Mag-

non

• Lumitaw ang mga

komplikadong pagpapangkat

sa lipunan.

Middle Paleolithic Period 

• Dakong 120000 – 40000 taon

ang nakararaan

• Paglitaw ng makabagong tao

noong 100000 taon ang nakalil-

ipas

• Umusbong ang pagiging artis-

tiko ng mga tao sa pagpipintasa katawan at pagguhit sa bato

• Nabuhay ang taong Neander-

thal na natuklasan sa Germany

ang mga labi

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 46/121

42

Mga Tanyag na Prehistorikong Tao

 Ang  Homo sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang Homo

sapiens neanderthalensis (circa 200000 - 30000 CE). Higit na malaki ang utak

ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahu-lugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan.

May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang

ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba.

Homo sapiens  neanderthalensis  Cro-Magnon

ttp://en.wikipedia.org/wiki/File:Homo_

sapiens_neanderthalensis.jpg

http://en.wikipedia.org/wiki/

File:Cro-Magnon.jpg

Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong

tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12000 taon nang

matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad

ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito

ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 47/121

43

Panahong Neolitiko

dakong 10 000 – 4 000 BCE

• Ang huling bahagi ng Pana-

hong Bato ay tinatawag na

Panahong Neolitiko (Neo-

lithic Period) o Panahon ngBagong Bato (New Stone

Age) na

• Hango sa mga salitang Greek na

neos  o bago at lithos  o bato.

• Ang terminong neolitiko ay

ginagamit sa arkeolohiya

at antropolohiya upang

italaga ang isang antas ng

ebolusyong pangkalinangan

o pagbabago sa

pamumuhay at teknolohiya.

• Kilala ang panahong ito sa

paggamit ng makikinis na

kasangkapang bato, perma-

nenteng paninirahan sa pa-mayanan, pagtatanim, pagga-

wa ng palayok at paghahabi.

• Naganap sa panahong ito ang

Rebolusyong Neolitiko o siste-

matikong pagtatanim.

• Isa itong rebolusyong

agrikultural sapagkat natustusan

na ang pangangailangan sa

pagkain.

• Ito rin ang nagbigay-daan sapermanenteng paninirahan sa

isang lugar upang alagaan ang

mga pananim.

• May populasyong mula 3000 –

6000 katao

• Magkakadikit ang mga ding-

ding ng kabahayan at ang

tabing pasukan ng isang

bahay ay mula sa bubungan

pababa sa hagdan

• Inililibing ang mga yumao sa

loob ng kanilang bahay

• May paghahabi, paggawa ng

mga alahas, salamin, at kutsilyo

• Catal Huyuk – Isang

pamayanang Neolitikong

matatagpuan sa kapataganng Konya ng gitnang Anatolia

(Turkey ngayon)

• Isang pamayanang sakahan

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang

tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang

 yari sa metal. Naganap ito dakong 4000 BCE. Inilalarawan sa susunod

na diyagram – ang Panahon ng Metal.

 Teksto mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo etal. Edisyon 2012 pp.12-20

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 48/121

44

Panahong Metal

4 000 BCE – Kasalukuyan

Persian Silver Cup Panahon ng Bakal

• Natuklasan ang bakal ng mga

Hittite, isang pangkat ng Indo-

Europeo na nanirahan sa Kanlu-

rang Asya dakong 1500 BCE.

• Natutuhan nilang magtunaw at

magpanday ng bakal.

• Matagal nilang pinanatiling

lihim ang pagtutunaw at pag-

papanday ng bakal.

• Nang lumaon, lumaganap

ang paggamit ng bakal sa iba

pang kaharian.

Panahon ng Tanso

• Naging mabilis ang pag-un-

lad ng tao dahil sa tanso

subalit patuloy pa rin ang

paggamit sa kagamitang

yari sa bato.

• Nagsimulang gamitin ang

tanso noong 4000 BC sa

ilang lugar sa Asya, at 2000

BCE sa Europe at 1500 BCE

naman sa Egypt.

• Nalinang na mabuti ang

paggawa at pagpapandayng mga kagamitang yari sa

tanso.

http://en.wikipedia.org/wiki/

File:Elam_cool.jpg

Panahon ng Bronse

• Naging malawakan na noon

ang paggamit ng bronse nang

matuklasan ang panibagong

paraan ng pagpapatigas dito.

• Pinaghalo ang tanso at lata

(tin) upang makagawa ng higit

na matigas na bagay,

• Iba’t ibang kagamitan at armas

ang nagagawa mula sa tanso

tulad ng espada, palakol,

kutsilyo, punyal, martilyo, pana,

at sibat,

• Sa panahong ito natutong

makipagkalakalan ang mga tao

sa mga karatig-pook.

 Teksto mula sa Araling Panlipunan III Project EASE Modyul 2

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 49/121

45

GAWAIN 3: I-Tweet Mo!

Bumuo ng anim na pangkat na ang bawat isa ay inaasahang pupunan ng mga

kailangang impormasyon ang “I-Tweet  Mo! Organizer.”

Ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng organizer batay sa pagkaunawa

sa binasa. Nakatakda sa pangkat 1 at 2 ang Panahong Paleolitiko, at sa pangkat 3

at 4 ang Panahong Neolitiko, at sa pangkat 5 at 6 ang Panahon ng Metal. Ibibigay

ng bawat pangkat ang mga hinihinging impormasyon ng organizer sa anyo ng

mga tweet  o maiikling pahayag.

Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat, magbigay ng komento sa mga

pahayag ng mga mag-uulat. Isulat ito sa kapirasong papel at idikit sa bahagi ng

komento ng diyagram.

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng

tao?

2. Paano naganap ang pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay

sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspekto ng pamumuhay?

3. Ano ang iyong mabubuong kongklusyon tungkol sa mga sinaunang

tao?

@Paraan ng Pamumuhay 

 ___Tweet :_______________________________________________

 _______________________________________________________

 _______________________________________________________

Komento

@Paraan ng Pamumuhay 

 ___Tweet :_______________________________________________

 _______________________________________________________

 _______________________________________________________

Komento

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 50/121

46

GAWAIN 4: Tower of Hanoi Chart

Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart  ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng

pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Punan ang ibabang bahagi ng tower  

ng ebidensiyang susuporta sa nakatalang kongklusyon. Gawin ito sa kuwaderno.

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang kaugnayan ng iyong sagot sa nakatalang kongklusyon?2. Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa pamumuhay ng mga sinaunang

tao? Patunayan.

3. Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon ang ginawang ito

ng mga sinaunang tao? Pangatuwiranan.

4. Ano ang gustong ipahiwatig ng mga kongklusyon at ebidensiyang

nakatala sa Tower of Hanoi Chart tungkol sa pag-unlad ng kultura

ng mga sinaunang tao sa daigdig?

Malaki ang epekto ng

heograpiya sa pag-usbong

ng unang pamayanan.

Malaki ang naging

epekto ng agrikultura sa

pamumuhay ng tao.

Higit na umunlad ang

pamumuhay ng tao dahil

sa paggamit ng metal.

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 51/121

47

GAWAIN 5: Ano Ngayon Chart

Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng

pag-unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong

ito sa kasalukuyang pamumuhay. Nararapat din iugnay ang mga pangyayari ngnakaraan sa kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na

kabuluhan ng kasaysayan.

Tukuyin ang kahalagahan sa kasalukuyan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa

iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon Chart.

Paggamit ng

mga kasangkapang

metal

Paggamit

ng apoy

Pag-iimbak ng labis

na pagkain

Pagsasaka

Paggamit ng mgapinatulis na bato

Mga pangyayari sa

iba-ibang yugto ng

pag-unlad

Kahalagahan sa Kasalukuyan

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 52/121

48

Pagtatayo ng

mga permanenteng

tirahan

Pag-aalaga

ng mga hayop

Rubric  sa Pagmamarka ng Ano Ngayon Chart

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Mahusay na nailahad ang kaugnayan ng mga

pangyayari noong sinaunang panahon sa kasalu-

kuyan

10

Ebidensiya Napatunayan ang kaugnayang ito sa tulong ng

mga kongkretong halimbawa

10

Kabuuan 20

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang

panahon?

2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamu-

muhay ng tao?

3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang

may pinakamalaking epekto sa kasalukuyan?

Sa pagkakataong ito, muling balikan ang iyong I-R-F Chart. Muling

sagutin ang tanong na nasa itaas ng chart . Isulat ito sa ikalawang kolum,

sa Refned Idea. Bunga ng mga bagong kaalamang natutuhan mo mula

sa pagbabasa ng mahahalagang teksto at pagsagot sa mga gawaing nag-

payabong ng iyong kaalaman, maiwawasto mo ngayon ang mga konsepto

sa Initial Idea.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 53/121

49

PAGNILAYAN at UNAWAIN

Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.

Higit pang palalalimin at patatatagin sa bahaging ito ang iyong kaalamansa pamamagitan ng kritikal at malikhaing pag-iisip. Isang hamon para sa

iyo na makabuo ng mga konsepto at makapagbahagi ng iyong kaalaman

sa pangkatang gawain sa bahaging ito.

GAWAIN 6:  Archaeologist  at Work 

Bumuo ng apat na pangkat para sa gawaing ito. Isiping miyembro ka ng isang

pangkat ng mga archaeologist  na nakahukay ng mga artifact  sa isang lugar.

Inyong susuriin ang bawat artifact  na nahukay gamit ang Artifact Analysis Worksheet 1. Pagkatapos nito, pag-uusapan ang mga ginawang pagsusuri at

sama-samang sagutan ang Artifact Analysis Worksheet 2.

Task Card 

Kabilang ka sa pangkat ng mga archaeologist mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na kasa-

lukuyang naghuhukay sa Catal Hüyük. Nakapaloob sa task card na ito ang ilang artifact na

natagpuan ng inyong pangkat sa nasabing lugar.

Ang Iyong Misyon

Gamit ang Artifact Analysis Worksheet 1, suriin ang bawat artifact  na nahukay sa Catal Hüyük. Tingnan

ang pisikal na katangian, gamit, at kahalagahan ng mga artifact na ito.

Kaligirang Impormasyon

Ang Catal Hüyük sa kasalukuyan ay isang lugar sa Turkey. Sinasabing umunlad ang sinaunang pa-

mayanan na ito 9000 taon na ang nakararaan. Ang lugar na ito ay may lawak na 32 acres  o halos 24

football fields . Malapit ang Catal Hüyük sa pampang ng Ilog Carsamba.

Artifact Analysis Worksheet 1

1. Ano ang artifact ? Ilarawan ang mga katangian

nito?

  _____________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang gamit nitonoong sinaunang panahon?

  _____________________________________

3. Bakit mahalaga ang artifact  na ito sa

kasalukuyang panahon?

  _____________________________________

4. Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na ito

tungkol sa Catal Hüyük?

  _____________________________________

Artifact Analysis Worksheet 2

1. Ano-ano ang katangian ng Catal Hüyük

batay sa iyong ginawang imbestigasyon?

  _____________________________________

  _____________________________________

2. Ihambing ang paraan ng pamumuhay ng

mga taga-Catal Hüyük sa kasalukuyang

pamumuhay gamit ang sumusunod na

aspekto:

a. pang-araw-araw na gawain

b. paraan ng paglilibing

c. sining

d. pinagkukunan ng pagkain

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 54/121

50

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang kaugnayan ng mga artifact  sa pagtukoy sa kultura ng mga

taong nabuhay sa Catal Hüyük?

2. Ano ang mga patunay na ang Catal Hüyük ay lumitaw noong pana-

hong Neolitiko?

3. Ano ang kongklusyong mabubuo batay sa paghahambing ng buhay

sa Catal Hüyük at sa kasalukuyang pamumuhay?

Rubric  sa Pagmamarka ng Archaeologist at Work 

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Artifact Analy-

sis Worksheet 1

Mahusay na nasuri ang katangian ng bawat arti-

fact; mahusay na natukoy ang gamit at kahala-

gahan ng mga na ito

10

Artifact Analy-

sis Worksheet 2

Mahusay na nailarawan ang mga katangian ng

Catal Hüyük gamit ang mga sinuring artifact;

mahusay na napaghambing ang pamumuhay sa

Catal Hüyük sa kasalukuyang pamumuhay gamit

ang iba’t ibang aspekto

10

Pag-uulat Mahusay ang pagpapaliwanag ng mga inilala-

had na kasagutan; mahusay na nalagom ang

mga impormasyong inilahad

5

Kabuuan 25

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 55/121

51

Mural Painting 

Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.

Louis Community College http://users.

stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html.

Isang Pigurin

Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.

Louis Community College http://users.

stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html.

Ceremonial Flint Dagger 

Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.

Louis Community College http://users.stlcc.

edu/mfuller/catalhuyuk.html.

Obsidian Arrow Head 

Imahe mula kay Prof Michael Fuller, St. Lou-

is Community College http://users.stlcc.edu/

mfuller/catalhuyuk.html.

Mga Palamuti mula sa mga Bato atButo ng Hayop

Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.

Louis Community College http://users.stlcc.

edu/mfuller/catalhuyuk.html.

Labing Nahukay sa Loob ng Bahay saCatal Hüyük

Imahe mula sa Science Museum of Minne-

sota, www.smm.org/catal

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 56/121

52

Pagkatapos talakayin ang mga sagot sa Archaeologist at Work, muling

sagutin ang tanong na nasa I-R-F Chart. Sa puntong ito, ilagay ang sagot

sa huling kolum na  Final Idea. Pagkatapos ay ibahagi sa klase ang lahat

ng iyong kasagutan sa tatlong kolum ng chart .

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 57/121

53

ARALIN 3

MGA SINAUNANG KABIHASNAN

SA DAIGDIG

ALAMIN

Matapos matutuhan ang pagsisikap ng mga sinaunang tao, na

mapaunlad ang kanilang pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan nilang

nakamit ang mataas na antas ng kalinangang kultural. Ito ang pagtatag ng

mga kabihasnang nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa lahat

ng tao sa kasalukuyang panahon.

Halina at pag-aralan ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

GAWAIN 1: Picture Frame

Masdan ang tatlong picture frame at pansining walang laman ang bawat isa.

Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral na guguhit ng larawan mula sa salitang

inilaan ng guro sa bawat frame. Isulat sa papel ang natatanging salitang tumutukoy

sa mga naguhit na larawan.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 58/121

54

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame?

2. Batay sa mga guhit na nasa loob ng tatlong  frame, ano ang iyongpagkakaunawa sa salitang “kabihasnan?”

GAWAIN 2: WQFDiagram

Pumili ng paksa mula sa “Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig” na gagawan ng

 WQF Diagram. Isaalang-alang ang sumusunod na mga panuto sa pagbuo nito:

1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng “W” (words) ang mga salitang maiuug-

nay sa paksa.

2. Sa kahon ng “Q” (questions), bumuo ng 3-5 tanong na nais mong masagottungkol sa paksa.

3. Ipagpaliban ang pagsagot sa bilog “F” ( facts). Babalikan ito pagkatapos ng

Pagnilayan at Unawain.

Pagkatapos lagyan ng mga salita at tanong ang W at Q sa WQF Diagram,

malalaman mo kung wasto ang iyong mga sagot sa pagpapatuloy ng pag-

aaral ng araling ito. Ipagpatuloy natin.

W Q F

Paksa: Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 59/121

55

PAUNLARIN

Sa bahaging ito, tatalakayin ang katuturan ng kabihasnan at ang

impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan.

Gayon din ang mahahalagang pangyayari ng mga sinaunang kabihasnan

sa daigdig. Susuriin din ang mga aspektong humubog sa pamumuhay ng

mga nanirahan sa mga kabihasnang ito.

Maging matalino sa pagsagot ng mga gawain sa bahaging ito simulan

mo na.

Kabihasnan – Katuturan at mga Batayan

a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang ibibigayna kahulugan ng mga kamag-aral.

 b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang may kaugnayan

sa kabihasnan.

c. Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong sariling pagpapakahulugan

ng salitang kabihasnan?

d. Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga pampropsesong tanong.

hp://revphil2011.wordpress.com/2011/07/28/ghng-for-the-crown/ hp://www.shfarming.com/lapia.htmlhp://forum.philboxing.com/viewtopic.php?f=8&t=110850&p=2818140

hp://depositphotos.com/4400538/stock-photo-Ancient-

egypt-hieroglyphics-on-wall.html

hp://listdose.com/top-10-invenons-that-changed-human-lives-forever/

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 60/121

56

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging

ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?

2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong pang-

kabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong

kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?

3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?

4. Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan?

5. Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit malaki ang pakinabang ng

mataas na antas ng agham at teknolohiya?

6. Ano-ano ang sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig, partikular

sa Asya, Africa, at America?

Sa puntong ito, malinaw na ang katuturan ng kabihasnan at ang mga

 batayan upang maituring na kabihasnan ang isang pamayanan. Sa pag-

talakay ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, mahalagang talakayin

ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng mga kabihasnan

noong sinaunang panahon.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 61/121

57

Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang

Kabihasnan

Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Tukuyin ang mga kontinente nito. Lagyan

ang mapa ng bituin (✩

) na kumakatawan sa kinaroroonan ng mga sinaunangkabihasnan sa daigdig.

Mesopotamia (Iraq)

Huang Ho (China) Mesoamerica

Egypt Indus (India at Pakistan)

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa heograpikal na kalagayan

ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Maaari mo nang simulan.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

 Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek nameso o “pagi-

tan” at  potamos o “ilog.” Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulu-gang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog” na inaakalang lunduyan ng unang

kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa

 buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng

tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at

Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang

panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang

lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 62/121

58

Heograpiya ng Mesopotamia

Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga

ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga lung-

sod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia ang lupaingmatatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. Sa kasalu-

kuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Tur-

key. Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile

Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula

sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Med-

iterranean Sea. Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at

Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik

(silt ). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon

na nakabubuti sa pagtatanim. Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya

mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan

din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at

tunggaliang militar.

Sa mga taong 5500 BCE, daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang

matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay

ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng

lipunan sa mga sumunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong

panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapang- yarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang

lungsod sa daigdig.

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

 Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan,

 binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan,

Sri Lanka, Nepal, at Maldives.

 Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung iha-

hambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo na

sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya mai-

tuturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan

ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang

pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay

of Bengal sa silangan. Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang

ginagamit sa rehiyong ito.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 63/121

59

Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga,

nakararanas din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang

mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang

kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian.

Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng India.

Nakahukay nga ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga ninuno

subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang

mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan ng India.

Heograpiya ng Lambak ng Indus

 Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa

lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga

sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang

panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi

ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga lugar na

ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay kasabay

halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 BCE.

Mas malawak ang lupain sa Indus kung iha-

hambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sa-

kop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran

ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing

Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na ito ay

nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang

milenyo BCE. Sa kasalukuyan tinatayang mahigit

1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito

partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.

Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok

ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa

natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900

km.(1800 milya) at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.

Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga

sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo

at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa

at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.

Daan-daang pamayanan ang nanahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng

3000 BCE Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at

maayos na mga kalsada. Ang sumunod na limang siglo, ay nagkaroon din ito

ng mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.

Mapa ng Indus Valley

http://www.mapsofndia.com/history/indus- 

valley-civilization.html

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 64/121

60

Sa kasalukuyan, isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit

kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng si-

naunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

 Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na

pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daig-

dig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na

milenyo na ang nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng

mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala.

 Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng es-

tado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pangnagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspektong politikal,

halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagka-

kawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa

kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong

panahon.

Heograpiya ng Ilog Huang Ho

Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa

tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula

sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Ito ay du-

madaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang

makailang ulit sa mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang

malawak na kapatagan, ang North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay

nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China

Plain, madalas ang pagbabaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyonal ng

China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit

dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulanni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa

ng paraan upang makontrol ang pagbabahang idinudulot ng Huang Ho. Ang

pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga

magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao

sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan

ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na

nangangahulugang Middle Kingdom.

Mapa ng Kabihasnan sa China

http://history.howstuffworks.com/asian-histo-

ry-of-china.htm

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 65/121

61

Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa

Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na

nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay

mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pag-

sapit ng 3100 BCE at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.

Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt

 bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang

paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol

sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng

mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog ng kanlurang

 bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na

ang paninirahang bago pa sumapit 8000 BCE Sinasabing maaaring ang mgakaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula

sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.

Heograpiya ng Egypt

Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt,

mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower

Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung

saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong

Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egyptay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan

Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River

na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay

dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.

Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay

tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung

 wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay ma-

giging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito

ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lu-

gar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng

pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang

pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang

noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam

upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos

ang suplay ng tubig.Mapa ng Egypt

http://egypt-trade.wikidot.com/

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 66/121

62

Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay daan

upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay

nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-iiwan ng matabang lupain

na mainam para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim

sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa

 bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar

na ito ay naging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig

mula rito para sa mga lupang sakahan.

Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang

Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal

upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga

proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na

teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan

magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito.

Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay

na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay

ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkaka-

roon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay

ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil

dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa

loob ng mahabang panahon.

Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o

hunter  ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na

ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North

 America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa

mga kontinente ng north America at South America. Noong ika-13 siglo B.C.E.,

umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa

kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga

Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.

Heograpiya ng Mesoamerica

Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagangmeso  na nangangahulugang “gitna.”

Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central

 America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf

of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 67/121

63

ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay

mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicara-

gua sa Pacifc at sa tangway ng Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng

Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador,

at kanlurang bahagi ng Honduras.

Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng

pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi

ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang unang

paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikul-

tura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking

populasyon ang rehiyong ito.

Mula sa Kasaysayan ng Daigdig

ni Mateo etal., (2012), pp. 75-82

Mababasa rin sa EASE Araling Panlipunan III Modyul 3 – Ang Unang

Kabihasnan pp. 7-15, p.22, p.54 upang higit na mapagyaman ang kaalaman

tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Mapa ng Mesoamericahttp://clccharter.org/aa/projects/ancientcivilizations/

mesoamerica.html

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 68/121

64

GAWAIN 3: Triple Matching Type

Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga

terminolohiya at konsepto batay sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan.

A B C

Egypt

 Tsino

Indus

Mesoamerica

Mesopotamia

Sa pagitan ng mga

ilog

Nasa gitna ng konti-

nente

Biyaya ng Nile

Nasa tangway ng

 Timog Asya

May matabang lupain

sa Huang Ho

Lupain ng

Yucatan Peninsula

 Timog ng

Mediterranean

Nasa kanluran

ng Yellow Sea

Dumadaloy ang

Indus River

Nasa Kanlurang

Asya

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang

may pagkakatulad sa isa’t isa?

2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa

pagtataguyod ng kabihasnan?

3. Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking

impluwensiya sa pamumuhay ng mga taong nanirahan dito? Ipali-

 wanag ang sagot.

GAWAIN 4: Geography Checklist 

Unawain ang sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng checklist  sa ibaba.

1. Makilahok sa iyong pangkat.

2. Bawat pangkat ay may partikular na paksang bibigyang-pansin:

  (1) Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya, (2) Kabihasnang Egyptian, (3)

Kabihasnang Indus, (4) Kabihasnang Tsino, at (5) Kabihasnang Mesoamerica.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 69/121

65

3. Basahin at unawain ang teksto ng paksang nakatalaga sa iyong pangkat.

Pagkatapos ay gumawa ng checklist  (magagawa sa manila paper) sa tulong

ng sumusunod na panuto:

Geography Checklist

Kabihasnan:

Katangiang Heograpikal:

Isulat ang kabihasnangnakatalaga sa pangkat

Magtala ng 5 hanggang 10 katangiang heograpikalng kabihasnang nakatalaga sa pangkat.

4. Kapag kumpleto na ang checklist  ng iyong pangkat, makipag-usap sa ibang

pangkat.

5. Ihambing ang kabihasnan inyong pangkat at sa kabihasnan ng ibang pangkat.

6. Muling gamitin ang checklist  at sundin ang sumusunod na panuto:

Geography Checklist

Kabihasnan:

Katangiang Heograpikal:

Isulat ang pangalawang

kabihasnang ihahambing

Isulat ang pangatlong

kabihasnang ihahambing

Lagyan ng tsek (3) ang kahon kung taglay ng mga

kabihasnang tinukoy ang mga katangiang heograpi-

kal ng kabihasnan ng iyong pangkat.

7. Ipaskil ang ginawang checklist . Iulat sa klase ang output  ng paghahambing

ng mga kabihasnan batay sa mga katangiang heograpikal.

Suriin ang nabuong checklist  ng lahat ng pangkat.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 70/121

66

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan

ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa?

2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal

ang mga sinaunang kabihasnan?

3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng

mga sinaunang tao?

4. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang

kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan? Ipaliwanag ang sagot.

Sa tulong ng natapos na gawain, inaasahang nabigyang linaw ang

kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan

sa daigdig. Sa pagkakataong ito, iisa-isahin ang mahahalagang datos

tungkol sa mga sinaunang kabihasnang umunlad sa mga lambak-ilog at

kontinente ng America.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 71/121

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

 

67

 

Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga ta-

ong nanirahan at nagtatag ng mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang

kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan. Binubuo ang kabihasnangMesopotamia ng mga lungsod-estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng

 Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Sumer (3500 - 2340 BCE)

Ziggurat

• Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mgalupaing sakahan ng lambak ilog.

• Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish,Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang hari.

• Tinawag na Ziggurat ang strukturang nagsilbingtahanan at templo ng mga patron o diyos namakikita sa bawat lungsod.

• Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa naanthropomorphic  o may katangian at pag-uugalingtao.

• Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat naginamitan ng stylus  at clay  o luwad na lapida

• Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing, atbaboy.

• Madalas ang tunggalian ng mga lungsod estadotungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isangmatatag na pamahalaan ang mga Sumerian.

Akkad (2340 - 2100 BCE)

Sargon I

• Sinakop ni Sargon I (2334 - 2279 BCE) ang mga lung-sod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyosa daigdig.

• Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopota-mia sa lungsod-estado ng Akkad o Agade.

• Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia siNaram Sin (2254 - 2218 BCE)

• Noong 2100 B.C.E. panandaliang nabawi ng lung-sod-estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pina-munuan ang Sumer at Akkad.

• Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mgaAmorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng su-munod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sakatimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtung-galian upang makontrol ang rehiyon.

http://www.bible-archaeology.info/ziggurats.htm

http://en.wikipedia.org/wiki/Sar-gon_of_Akkad

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 72/121

68

Babylonian (1792 - 1595BCE)

Code of Hammurabi

• Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Baby-

lon, ang Mesopotamia.

• ang Babylon ay naging kabisera ng Imperyong Baby-

lonia.

• Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Ham-murabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang

kahariang Ashur.

• Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak

ang kaharian ng Babylon.

• Noong 1595 BCE sinalakay ng mga Hittite Anatolia

ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga

lungsod-estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga

dayuhang pinuno.

• Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang-

silangang bahagi ng Black Sea. Lumisan sila at nanirahan sa

Asia Minor (kasalukuyang Turkey).

Assyrian (1813 - 605 BCE)

Ashurbanipal

• Noong 1120 BCE, nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114

- 1076 BCE) ang mga Hittite at naabot ng puwersa

ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang

imperyong Assyrian.

• Noong ika-9 na siglo BCE, nagpadala sila ng

mga ekspedisyong militar pakanluran upang

mapasakamay ang mahahalagang rutang

pangkalakalan at makatanggap ng tributo.

• Isa si Ashurbanipal (circa 668 - 627 BCE) sa mga haring

kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang

panahon.

• Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang

pag-aalsa.

Chaldean (612 - 539 BCE)

Hanging Gardens

• Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) ang nagtatag ng

bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan

ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.

• Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562

B.C.E.), anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo

ng Assyria noong 609 B.C.E.

• Si Nebuchadnezzar II ang pinuno ng imperyo nang

natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang

nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa

kaniyang asawa, kinilala ito ng mga Greek bilang isasa Seven Wonders of the Ancient World.

• Noong 539 BCE, ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni

Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging

bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian

ang Mesopotamia.

Sa silangan ng Mesopotamia, partikular sa kasalukuyang Iran, umunlad ang

pamayanang Persian at tuluyang nakapagtatag ng malakas na imperyo.

http://commons.wikimedia.org/

wiki/File:Code-de-Hammurabi-1.jpg

http://commons.wikimedia.org/

wiki/File:Kinadshburn.JPG

http://en.wikipedia.org/wiki/

File:Hanging_Gardens_of_

Babylon.jpg

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 73/121

69

Persian (539 - 330 BCE)

Cyrus the Great

• Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mgaPersian na tinawag na Imperyong Achaemenid. NasaPersia (kasalukuyang Iran) and sentro ng imperyongito.

• Sa ilalim ni Cyrus the Great (559 - 530 BCE)nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalimnila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia atAsia Minor (kasalukuyang Turkey).

• Darius the Great (521 - 486 BCE) – umabot ang sakophanggang India.

• Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Per-sian sa kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mgalalawigan o satrapy   at pinamahalaan ng gobernadoro  satrap.

• Nagpagawa rin dito ng isang Royal Road natinatayang may habang 1677 milya o 2699 nakilometro mula Sardis hanggang Susa.

• Napatanyag din ng mga Persian ang pagsulong ngrelihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.

GAWAIN 5: Complete It!

 A. Kumpletuhin ang pangalan na tinutukoy na pook. Isulat ang mga akmang

letra sa patlang. Gawain ito sa kuwaderno.

1. ___ ___ M ___ ___ – Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia

2. ___ K ___ ___ ___ – Unang imperyong itinatag sa daigdig

3. ___ ___ ___ ___ L ___ ___ – Kabisera ng Imperyong Babylonia

4. C ___ ___ ___ ___ ___ ___ – Imperyong itinatag ni Nabopolassar

5. ___ ___ T ___ ___ ___ – Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia

6. ___ ___ ___ ___ ___ I ___ – Imperyong itinatag pagkatapos ng

Babylonia

B. Isulat ang impormasyon tungkol sa kabihasnang Mesopotamia upang ma-

kumpleto ang pangungusap.

1. Ang Mesopotamia ay maituturing na kabihasnan dahil ____________

 _________________________________________________.

2. Naging tanyag sa kasaysayan si Haring Sargon I sa kasaysayan nang __

 _________________________________________________.

http://en.wikipedia.org/wiki/Cyrus_the_Great

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 74/121

70

3. Sa panahon ni Hammurabi naganap ang _____________________

 _________________________________________________.

4. Nagwakas ang pamamahala ng mga Chaldean sa Mesopotamia nang ___ _________________________________________________.

5. Isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni Haring Darius the Great sa Im-

peryong Persian ang ___________________________________

 _________________________________________________.

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia?

2. Sino-sino ang mga pinunong namahala sa Imperyo?

3. Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala?

4. Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay “pag-usbong

at pagbagsak ng mga kabihasnan?”

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 75/121

71

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa

mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang ban-

sang India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ngkabihasnang Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro na ipinakikita sa kasunod

na diyagram.

• Natuklasan ang dala-

wang lungsod na ito sa

lambak Indus at tina-

tayang umusbong ito

noong 2700 BCE

• Sinasabing ang mga

Dravidian ang bumuo

ng kabihasnang Indus.

• Planado at malalapad

ang mga kalsada nito.

• Ang mga gusali ay

hugis parisukat at ang

mga kabahayan ay may

malalawak na espasyo.

• Ang pagkakaroon

ng mga palikuran ng

mga kabahayan ay

itinuturing na kauna-

unahang paggamit

sa kasaysayan ng

sistemang alkantarilya o

sewerage system.

Harappa

Natagpuan sa

kasalukuyang Punjab na

bahagi ng Pakistan. May

350 milya ang layo nito

mula sa Mohenjo-Daro

pahilaga.

Mohenjo-Daro

Ang Mohenjo-Daro ay

nasa katimugang bahagi

ng daluyang Indus River.

http://www.thenagain.info/web-

chron/india/harappa.html

http://en.wikipedia.org/wiki/Mo-

henjo-daro

Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay

matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos walang

mapagkukunan ng suplay ng bakal. Ang pagkukulang sa mga kinakailangang

suplay ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan hanggang sa katimugang

Baluchistan sa kanlurang Pakistan. Sa loob ng ilang libong taon, nakakuha sila ng

 bakal, mamahaling bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang mga produkto,

tulad ng bulak, mga butil, at tela.

 Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian. Nag-aalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing. Maaaring sila

rin ang kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit mula

rito. Mayroon din silang masistemang pamantayan para sa mga timbang at sukat

ng butil at ginto. Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso, bronze, at

ginto sa kanilang mga gawain.

 Ang lipunang Indus ay kinakitaan ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng

mga tao. Nakatira sa bahagi ng moog ang mga naghaharing-uri tulad ng mga

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 76/121

72

mangangalakal. May mga bahay ring may tatlong

palapag. Maaaring katibayan ito ng pagkakahati-hati

ng lipunan sa iba’t ibang uri ng tao.

Nagtatag ng mga daungan sa baybayin ng ArabianSea. Ang mga mangangalakal ay naglakbay sa mga

 baybayin patungong Persian Gulf upang dalhin ang

kanilang mga produkto tulad ng telang yari sa bulak,

mga butil, turquoise, at ivory. Natagpuan din sa

Sumer ang selyong Harappan na may pictogram na

representasyon ng isang bagay sa anyong larawan.

Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang

kilalanin ang mga paninda. Patunay lamang ang

kalakalan sa pagitan ng dalawang kabihasnan noon

pa mang 2300 BCE. Kapuna-punang wala ni isa

mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan.

Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang sistema

ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala.

Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000

BCE subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan

at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak.

May iba’t ibang paliwanag tungkol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May

nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at

pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan.

May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta

sa pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 BCE

Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohen-

 jo-Daro at Harappa ay nawasak dahil sa paglusob

ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang

 Asya, kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na

ebidensiya na naglabanan nga ang mga Dravidian at

 Aryan na nagdulot ng wakas sa kabihasnang Indus. Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula

sa steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at

nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pag-

daan sa Khyber Pass. Sila ay mas matatangkad at

mapuputi kung ihahambing sa mga naunang taong

nanirahan sa lambak ng Indus. Dumating ang mga

 Aryan sa panahong mahina na ang kabihasnang

Indus.

Steatite Seal

http://phys.org/news168539680.html

Sewer System

http://www.mitchellteachers.org/WorldHistory/

IndiaUnit/images/mohenjodaro/WaterChan-

nelPic_large.jpg

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 77/121

73

Ang Panahong Vedic (1500 - 500 BCE)

 Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Per-

sia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong

Indo-European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, aynabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad

ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European.

 Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit.

Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi. Ang kaalaman

tungkol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang-

kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas:

ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong

himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga sawikain, at mga salaysay.

Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 BCEhanggang 500 BCE na tinatawag ding panahong Vedic.

Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki

at mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki. Ngunit

unti-unti rin silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran. Hindi na

pagpapastol ang kanilang kabuhayan, natuto silang magsaka.Nakabuo rin

sila ng sistema ng pagsulat. Pagsapit ng 1100 BCE, tuluyang nasakop ng mga

 Aryan ang hilagang bahagi ng India.

 Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: –

maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan.

Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay maaaring makalipat

sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan

at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Malinaw

din ang mga tungkuling nakaatang sa kalalakihan at kababaihan. Subalit ang

pagsakop nila sa Lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa

kanilang pamumuhay. Ang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang

lumaon. Nagtatatag ng kaharian at pagiging pinuno ay nagsimulang mama-

na. Naging mahalaga sa kanilang paniniwala ang mga rituwal at sakripisyo

ng mga pari.

Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang

katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa In-

dia noong ika-16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta  na

nangangahulugang “lahi” o “angkan.”

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 78/121

74

Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat

ng mga tao.

Brahmin

kaparian

Ksatriya

mandirigma

Vaisya

mangangalakal, artisan,

magsasakang may lupa

Sudra

magsasakang walang sariling lupa, Dravidian, inapo

ng Aryan na nakapag-asawa ng hindi Aryan

Pariah

naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay,

nagbibitay sa mga kriminal

 

GAWAIN 6: Tatak-Kabihasnan sa Timog Asya

 A. Iguhit sa loob ng kahon ang tatlong mahahalagang bagay na naglalarawansa pamumuhay ng mga katutubo at dayuhang Aryan na nanirahan sa Timog

 Asya. Pagkatapos, ay isulat sa loob ng bilog ang datos at kahalagahan nito sa

kanilang pamumuhay.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 79/121

75

B. Itala sa unang kolum ng tsart ang mga ambag ng kabihasnang Indus at

Panahong Vedic. Sa pangalawang kolum, itala ang kapakinabangan nito sa

kasalukuyan.

Ambag ng Kabihasnan Kapakinabangan Ngayon

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus?

Ilarawan ang mga ito.

2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic?

3. Ano ang iyong opinyon tungkol sa pagpapangkat-pangkat ng mga

tao sa India batay sa sistemang caste? Ipaliwanag ang sagot.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 80/121

76

Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 BCE - 500 CE)

Mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyon ng Punjab, nagsimulang

tunguhin ng mga Aryan ang bahaging pasilangan. Mga 600 BCE noon at 16 na

pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa kapatagan ng hilagangIndia mula sa kasalukuyang Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang dito

ang Magadha, Kosala, Kuru, at Gandhara.

Pagsapit ng 500 BCE, ang malaking bahagi ng hilagang India ay pinanirahan

at sinaka ng mga Aryan. Ang dating payak na pamamahala ng mga pinuno sa

maliliit na pamayanan ay napalitan ng mas malalaking estadong nasa ilalim ng

monarkiyang namamana. Ang mga umuunlad na estadong ito ay nangailangang

mangolekta ng buwis mula sa mga opisyal, magtatag ng mga hukbo, at magtayo

ng mga bagong lungsod at lansangan.

Isa ang Magadha sa mga pinakamatatag at pinakamasaganang kaharian sa bahagi ng Ganges River. Nagtataglay ito ng mineral na bakal, matabang lupain,

mayamang kagubatan na pinagkukunan ng mga tabla, at elepante na mahalaga

sa panahon ng digmaan at pagsasaka.

Isa sa mahusay na pinuno ng Magadha si Bimbisara (545-494 BCE) Nag-

pagawa siya ng mga kalsada, isinaayos ang pangangasiwa sa mga pamayanan,

at pinalakas ang kaharian kung ihahambing sa mga karatig-lugar. Lalo pang

pinalawig ng sumusunod na pinuno ang teritoryo ng kaharian. Nang lumaon,

nagawang mapamunuan ng Magadha ang kalakhang kapatagan ng Ganges

at buong hilagang India hanggang Punjab. Ito ang naging pinakamalawak nakaharian sa panahong ito. Ang kabisera nito ay nasa Pataliputra na ngayon ay

makabagong Patna sa Bihar.

Halos kasabay ng panahong lumalakas ang Magadha, isang hukbong pina-

munuan ni Cyrus the Great mula Persia ang sumalakay sa hilagang-kanlurang

India. Noong 518 BCE nasakop ni Darius, ang pumalit kay Cyrus, ang mga Lam-

 bak ng Indus at Punjab. Ang bahaging ito ng India ay napasailalim ng Persia sa

loob ng halos dalawang siglo. Ang mga lungsod ng Persia ay naging sentro ng

kaalaman at kultura ang kalalakihan mula sa iba’t ibang kaharian ay maaaring

makapag-aral.

Tinapos ni Alexander the Great ng Macedonia ang kapangyarihan ng Persia.

Tinalo niya ang mga Persian sa mga labanan bago tuluyang tinahak ang landas

patungong India noong 327 BCE. Matapos ang madugong pakikipagtunggalian

ng hukbo ni Alexander sa pinagsamang puwersa ng mga Persian at Indian,

nagawa rin nilang matawid ang Indus River. Subalit dahil sa layo ng kanilang

nilakbay at labis na kapaguran, ang mga tauhan ni Alexander ay nagbantang

mag-alsa laban sa kaniya. Dahil dito, napilitang lisanin ni Alexander ang India.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 81/121

77

Mahalagang Pangyayari

• Ang kabisera ay nanatili sa

Pataliputra.

• Tagapayo ni Chandragupta

Maurya si Kautilya, ang may

akda ng Arthasastra. Naglala-

man ito ng mga kaisipan hinggil

sa pangangasiwa at estratehi-

yang politikal.

• Ang imperyo ay pinamunuan niAshoka o Asoka (269-232 BCE)

ang kinikilalang pinakamahusay

na pinuno ng Maurya at isa sa

mahuhusay na pinuno sa kasay-

sayan ng daigdig. Matapos ang

kaniyang madugong pakikibaka

sa mga kalinga ng Orissa noong

261 BCE na tinatayang 100,000

katao ang nasawi, tinalikdan

niya ang karahasan at sinunod

ang mga turo ni Buddha.

Imperyong Maurya

Pagkatatag

• Noong 322 BCE, nasakop

ni Chandragupta Maurya

ang dating kaharian ng

Magadha at tinungoang mga naiwang lupain

ni Alexander. Sakop ng

imperyo ang hilagang India

at bahagi ng kasalukuyang

Afghanistan.

Pagbagsak

• Nagsimulang humiwalay sa

imperyo ang ilang mga es-

tadong malayo sa kabisera.Sa pagbagsak ng Imperyong

Maurya noong ikalawang

siglo BCE nagtagisan ng

kapangyarihan ang mga

estado ng India. Sa sumunod

na limang siglo, ang hilaga

at gitnang India ay nahati

sa maliliit na kaharian at

estado.

Lions of Sarnath

http://en.wikipedia.org/wiki/Em-

blem_of_india

Mahihinuhang pagod na ang mga tropa at maaaring tinamaan sila ng sakit o ng

sakuna. Bukod dito, kulang na ang pantustos sa kanilang mga pangangailangan.

Sa pagkamatay ni Alexander noong 323 BCE, ang bahagi ng hilagang-kanlurang

India ay naiwang walang mahusay na pinuno.

Pagkatapos nito, iba’t ibang mga imperyo ang naitatag sa India. Tunghayan

ang kasunod na diyagram.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 82/121

78

Mahalagang Pangyayari

• Chandragupta II (Circa 376 - 415 CE).

Nakontrol uli ang hilagang India.Muli, ang kabisera ng imperyo ay

nasa Pataliputra.

• Itinuturing itong panahong klasikal

ng India.

• Naging epektibo ang pangangasiwa

samantalang ang panitikan, sining,

at agham ay yumabong.

• Maunlad ang mga larangan ng

Astronomiya, Matematika, at

Siruhiya (surgery) sa panahong ito.

• Si Kalidasa, ang kinikilalang

pinakamahusay na manunulat at

makata ng India, ay nabuhay sa

panahong ito bagama’t hindi alam

ang eksaktong petsa. Ang dulang

Sakuntala na tinatayang isinulat niya

noong ikaapat o ikalimang siglo CE

ay hango mula sa kaisipang Hindu.

Imperyong Gupta

Pagkatatag

• Ang pangalan nito ay

hango mula sa pangalan ng

naunang imperyo. Itinatag

ito ni Chandragupta I (Circa

319-335 CE)

Pagbagsak

• Sa pagsapit ng ikaanim na

siglo CE, nagsimulang humi-

na at bumagsak ang Guptasa kamay ng panibagong

mananakop, ang mga White

Hun, na maaaring mga Ira-

nian o Turk mula sa Gitnang

Asya.

Si Reyna Kumaradeviat Chandragupta I

http://commons.wikimedia.org/

wiki/File:Queen_Kumaradevi_

and_King_Chandragupta_I_on_a_

coin_of_their_son_Samudragup-

ta_350_380_CE.jpg

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 83/121

79

Mahalagang Pangyayari

• Narating ng imperyo ang tuga-

tog ng kapangyarihan sa ilalim

ni Akbar na namuno sa kabuuan

ng hilagang India mula 1556

hanggang 1605.

• Nagpatupad siya ng kalayaan

sa pananampalataya at

makatarungang pangangasiwa.

• Ilan pang magagaling na pinuno

ang humalili kay Akbar tulad

nina Shah Jahan na nagpatayo

ng Taj Mahal at Aurangzeb

na nagbawal ng sugal, alak,

prostitusyon, at sati (suttee)

o pagsunog ng buhay sa mga

biyuda.

Imperyong Mogul

Pagkatatag

• Itinatag ang Mogul nang

masakop ni Babur ang

hilagang India at Delhi

noong 1526.

Pagbagsak

• Sa pagsapit ng ikaanim na

siglo CE, nagsimulang humi-

na at bumagsak ang Gupta

sa kamay ng panibagong

mananakop, ang mga WHite

Hun, na maaaring mga Ira-

nian o Turk mula sa Gitnang

Asya.

• Labis na humina ang Mogul

dahil na rin sa pagdating ngmakapangyarihang English

sa India.

Taj Mahal

http://commons.wikimedia.org/

wiki/File:Taj_Mahal_2012.jpg

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 84/121

80

GAWAIN 7: Empire Diagram

Kumpletuhin ang diyagram tungkol sa mga imperyong itinatag sa Timog Asya.

Sa mga unang kahon, itala ang mahahalagang datos sa bawat imperyo. Sa mga

ikalawang kahon, isulat ang mga tanyag na pinuno ng imperyo at ilarawan ang bawat isa. Sa huling kahon, magbigay ng isang aral na natutuhan sa mga itinatag

na imperyo sa Timog Asya.

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng kanilang

imperyo?

2. Paano bumagsak ang mga naturang imperyo sa Timog Asya?

3. Ano-ano ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyang

kabihasnan?

Imperyo sa Timog Asya

Maurya Gupta Mogul

Datos:

Pinuno:

Aral na Natutuhan:

Datos:

Pinuno:

Datos:

Pinuno:

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 85/121

81

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

 Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin,

at dagat ang nagbigay daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga

sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3000taon. Suriin ang kasunod na diyagram:

Kabihasnang Tsino

Xia (2000 - 1570 BCE)   • Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang

kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng

Huang Ho.

• Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa

kawalan ng matibay na ebidensiyang arkeolohiya.

Shang (1570 - 1045 BCE)

Oracle Bone

• Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang

gumamit ng bronse sa panahong ito.

• Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda

sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle

bones  o mga tortoise shell  at cattle bone.

• Malimit ang isinasagawang pagsasakripisyo ng

mga tao lalo na sa tuwing may namamatay na

pinuno.

• Pinatalsik ang Shang noong 1045 BCE

Zhou o Chou (1045 - 221 BCE)

  Confucius

• Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o

“Basbas ng Kalangitan” na ang emperador ay

namumuno sa kapahintulutan ng langit. Pinili

siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay

naging masama at mapang-abuso, ay babawiin

ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot,

peste, o digmaan.

• Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang

humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang:

– Confucianism – Layuning magkaroon ng

isang tahimik at organisadong ; ipunan sa

pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at

pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa

lipunan.

– Taoism – Hangad ang balanseng sa kalikasan

at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan.

– Legalism – Ipinanganak ang tao na masama

at makasarili. Subalit sila ay maaaring

mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na

batas at marahas na kaparusahan.

http://en.wikipedia.org/wiki/

File:Orakelknochen.JPG

http://en.wikipedia.org/wiki/File-

Confocius_Tang_Dynas

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 86/121

82

Q’in o Ch’in (221 - 206 BCE)

  Confucius

• Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng

dinastiyang Zhou.

• Sa ilalim ng Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang

pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at

isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’tibang rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili

bilang “Unang Emperador” ng China at kinilala

bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221 - 210

BCE)

• Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo

upang magsilbing tanggulan laban sa mga tribong

nomadiko na nagmula sa hilaga ng China. May

haba itong 2400 kilometro o 1500 milya.

• Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih

Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang

mag-alsa si Lui Bang.

Han (202 BCE - 200 CE)   • Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa

Confucianism.

• Ang pagsulat ng kasaysayan ng China ay isang

napakalaking ambag ng Dinastiyang Han.

Sui (589 - 618 CE)

Grand Canal

• Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang

Sui. Gayon man, nagawa nitong muling pag-isahin

ang watak-watak na teritoryo ng China.

• Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall of China

na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin

ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng

Huang Ho at Yangtze.

T’ang (618 - 907 CE)

  Mapa ng China sa ilalim ng T’ang

• Li Yuan – dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban

sa dinastiya dahil sa mga pang-aabuso. Itinatag

niya ang dinastiyang T’ang.

• Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng

China sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan

ang lupain at mabilis na mga pagbabago sa

larangan ng sining at teknolohiya.

• Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyonsa mga panahong ito ay tinangkilik ng mga

dugong bughaw at mga karaniwang tao.

• Ibinalik ang civil service examination system na naging

mahalga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang

pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han

subalit pinagbuti pa sa panahong T’ang.

• Bumagsak ang dinastiya dahil sa samu’t saring

pag-aalsang naganap sa China.

http://en.wikipedia.org/wiki/

File:The_Great_Wall_of_China_at_

Jinshanling.jpg

http://en.wikipedia.org/wiki/

File:Kaiserkanal01.jpg

http://en.wikipedia.org/wiki/

File:Tang_Dynasty_circa_700_CE.png

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 87/121

83

Song (960 - 1127 CE)   • Itinayo ng isang hukbong imperyal ang dinasti-

yang ito.

• Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil

sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural.

• Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag.

• Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi

ng China kaya napilitan ang Sung na iwanan ang

kabisera nito noong ika-12 siglo.

Yuan (1279 - 1368 CE)   • Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol. Sa

unang pagkakataon para sa mga Tsino, ang ka-

buuang China ay pinamunuan ng mga dayuhang

barbaro.

• Ang mga Mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspek -

tong kultural, tradisyon, at wika. Pinanatili nila

ang kanilang pagkakakilanlan at namuhay nang

hiwalay sa China na hindi nila pinagkatiwalaan.

• Pagkatapos ng mga labanan, dumaan ang

dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o

panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng

komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak

na teritoryong sakop mula Timog-silangang Asya

hanggang silangang Europe.

• Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na

ang isa ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at itina-tag ang dinastiyang Ming.

Ming (1368 - 1644 CE)   • Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa

ilalim ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbid-

den City sa Peking na naging tahanan ng empera-

dor.

• Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa

ng porselana. Naglayag at nakarating sa Indian

Ocean at silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa pamumuno ni Admiral Zheng He.

• Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pam-amaraang movable type . Lumaki rin ang populasyon ng

China na umabot sa 100 milyon.

• Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito

ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan.

Kasama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na

sumalakay sa Korea.

Forbidden City

http://en.wikipedia.org/wiki/File:For-

bidden_City_Courtyard.jpg

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 88/121

84

Qing o Ch’ing (1644 - 1911)

  Mapa ng China sa ilalim ng T’ang

• Itinatag ito ng mga Manchu. Matapos magapi ang

Dinastiyang Ming ng mga semi-nomadic mula sa

hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino

na barbarong dayuhan.

• Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium

laban sa England (1839-1842) at laban sa England

at France (1856-1860) ay malaking dagok sa

imperyo. Tinutulan ng pamahalaang China ang

pagbebenta ng opyo ng Europeo sa China, dahil

nakasisira ito sa moralidad ng tao at kaayusan ng

lipunan.

• Sa pagkatalo ng China, nagkaloob ito ng mga konsesyon

sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain

tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din

sila ng karapatang pakinabangan at pamunuan ang

ilang teritoryo sa China bilang sphere of influence  o mga

rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanangpang-ekonomiya ng nanalong bansa.

• Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865)

at Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin

ang mga Manchu na lubhang mahina at walang

kakayahang labanan ang panghihimasok ng

mga Kanluranin. Nais din ng Rebelyong Taiping

na baguhin ang tradisyonal na lipunang Tsino.

Samantala, sumuporta ang Rebelyong Boxer

(1900) sa mga Manchu sa layuning palayasin ang

mga mapanghimasok na Kanluranin.

• Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang maga-

pi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French(1883-1885) at Digmaang Sino-Japanese (1894-

1895).

• Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya

sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911

na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng

China.

http://www.inquirer.net/

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 89/121

85

GAWAIN 8: Maramihang Pagpili sa Tsart

 A. Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtukoy ng mahahalagang impormasyon

tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang tinutukoy na dinastiya, mga

tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan. Piliin ang sagot sa loobng mga bilog.

Kabihasnang Tsino

Mga Dinastiya: Chou, Ming, Q’ing, Shang, Sui, T’ang, Yuan

Mga Tauhan: Zheng He, Kublai Khan, Confucius, Shi Huangdi

Mga Ambag: Great Wall, Forbidden City, Mandate of Heaven, Taoism

12. Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang emperador

13. Nagsilbing tanggulan ang estrukturang ito laban sa mga tribong noma-

diko sa hilagang China

14. Naging tahanan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming

15. Hangad ng kaisipang ito ang balanseng kalikasan at pakikiayon ng tao

sa kalikasan

1. Nakasulat sa mga oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga sinaunang

 Tsinong nabuhay sa dinastiyang ito

2. Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China

3. Huling dinastiya sa China

4. Yumaong sa dinastiyang ito ang kaisipang humubog sa kamalayang

 Tsino tulad ng Confucianism, Taoism, at Legalism

5. Ipinagawa ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang ito

6. Sa dinastiyang ito nagsimula at lumaganap ang kaisipang Mandate of

Heaven

7. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito

8. Itinuring ang kaniyang sarili bilang “unang emperador”

9. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China

10. Pinangunahan niya ang mga ekspedisyon sa Indian Ocean at silangang

bahagi ng Africa

11. Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 90/121

86

Kabihasnang Egyptian

 Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong

 batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang tumayong pinuno

at hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang mga lihimng langit at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang

nasasakupan. Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh

ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang

sa kaniyang mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa

kalakalan, pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa

kaayusan ng Egypt.

 Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga

Egyptologist. Batay sa ilang tala, mahahati ang kronolohiya ng kasaysayan ng

Egypt sa sumusunod na pagpapanahon:

1 Pre-dynastic

Period

Nauna sa Panahon

ng mga Dinastiya

Nauna sa 3100 BCE

2 Early Dynastic

Period

Panahon ng mga

Unang Dinastiya

Una at Ikalawang Dinastiya

(circa 3100 - 2670 BCE)

3 Old Kingdom Matandang

Kaharian

Ikatlo hanggang Ikaanim na

Dinastiya (circa 2670 - 2150

BCE)

4 First Interme-

diate Period

Unang Interme-

dyang Panahon

Ikapito hanggang Ika-11 Di-

nastiya (circa 2150 - 2040 BCE)

5 Middle

Kingdom

Gitnang Kaharian Ika-12 at Ika-13 Dinastiya (cir-

ca 2040 - 1650 BCE)

6 Second Inter-

mediate Period

Ikalawang Interme-

dyang Panahon

Ika-14 hanggang Ika-17 Di-

nastiya (circa 1650 - 1550 BCE)

7 New Kingdom Bagong Kaharian Ika-18 hanggang Ika-20 Di-

nastiya (circa 1550 - 1070 BCE)

8 Third Interme-

diate Period

Ikatlong Inter-

medyang Panahon

Ika-21 hanggang Ika-25 Di-

nastiya (circa 1070 - 664 BCE)

9 Late Period Huling Panahon Ika-26 hanggang Ika-31 Di-

nastiya (circa 664 - 330 BCE)

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 91/121

87

Nangingibabaw ang bawat dinastiya hangga’t hindi ito napatatalsik o walang

tagapagmana sa trono. Ang mga petsa ng mga pangyayari sa kasaysayan ng

Egypt ay patuloy pa ring paksa ng mga pananaliksik kaya di pa maitakda ang

tiyak na petsa.

Suriin ang kasunod na diyagram upang higit na maunawaan ang daloy ng

sinaunang kasaysayan ng Egypt.

Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya

Nile hieroglyphics nome nomarch

1 2

3 5 7

4 6 8 9

 Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa

Nile. Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokal

na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. Ang mga eskribano ay naka-

paglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hiero-

glyphics o nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek. Ang

sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at pagtatalang mga pangyayari.

Pagsapit ng ikaapat na milenyo BCE, ang ilang pamayanan ay naging sentro

ng pamumuhay sa sinaunang Egypt. Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na

nome o malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan

ng sinaunang estado ng Egypt. Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch, ay

unti-unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng panre-

hiyong pagkakakilanlan.

 Tungkol saan ang larawan?

Bakit mahalaga ang larawan sa buhay ng mga

sinaunang Egyptian?

http://en.wikipedia.org/wiki/

Hieroglyphics

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 92/121

88

 Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay nagtagal ng ilang siglo. Ma-

halagang salik ang pagkakaroon ng mga alyansa sa harap ng mabilis na mga

pagbabago sa aspektong pangkabuhayan at politikal. Unti-unti ring lumaki ang

populasyong nangailangan ng mas intensibong irigasyon para sa mga lupang

sakahan. Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang Upper Egypt

at Lower Egypt. Noong 3100 BCE, isang pinuno ng Upper Egypt, sa katauhan

ni Menes, ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang

lupain sa mahabang panahon. Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa

panahon ng Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang

pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga gobernador sa iba’t ibang lupain. Ang

Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari ni Menes.

Panahon ng mga Unang Dinastiya

Upper Egypt Lower Egypt menes Memphis

1 2

3 5 7

4 6 8 9

Matandang Kaharian

Great Pyramid Khufu Seven Wonders Pepi II

1 2

3 5 7

4 6 8 9

 Tungkol saan ang nasa larawan?

Ano ang nais ipahiwatig nito?

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 93/121

89

 Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt. Ang

mga kahanga-hangang  pyramid  o piramide ng Egypt na itinayo sa panahong

ito ay nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling

hantungan sa kanilang pagpanaw. Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng estruk-

tura ay nangailangan ng husay mula sa mga arkitektong nagdisenyo at sakripisyo

naman mula sa libo-libong taong nagtayo nito. Ang ilan sa halimbawa nito ay

ang Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza na naitayo noong 2600 BCE. Ito

ay may lawak na 5.3 ektarya at may taas na 147 metro.

Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang pagtatayo ng mga piramide.

Sa kabuuan, tinatayang may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga piramide sa

Egypt subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho na. Ang mga piramide ang

tanging estrukturang Egyptian na nananatili sa kasalukuyang panahon. Kabilang

ito sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World na itinala ng mga Greek

na pinakamagandang arkitektura sa mundo.

Bagama’t natigil na ang pagpapagawa ng piramide, itinuon na lamang ng mga

pharaoh ang panahon sa iba pang mga pampublikong gawain. Kabilang dito ang

paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at Red Sea at nang mapabilis

ang kalakalan at transportasyon. Gayundin ang pagsipsip ng mga latian sa Nile

Delta upang maging bagong taniman.

Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na Dinastiya (circa 90

BCE). Pinaniniwalaang tumagal ng 94 na taon ang kaniyang pamumuno na

nangangahulugang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa kasay-

sayan. Anim na taong gulang lamang si Pepi II nang maupo sa trono. Namatay

siya sa edad na 100. Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang pagkamatay. Ang

kaharian ay nagsimulang humina dahil sa laganap na taggutom at mahinang

pamamahala. Nagsimulang hamunin ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang

kapangyarihan ng pharaoh. Dahil dito, nasadlak ang lupain sa kaguluhan sa

loob halos ng dalawang siglo.

Unang Intermedyang Panahon

 Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon ay panahon ng Ikapito hanggangIka-11 Dinastiya ng Egypt. Sa pagsapit ng 2160 BCE, tinangka ng mga paniba-

gong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong

Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo

naman ang Upper Egypt. Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na

dinastiya sa Egypt. Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya

ng pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula sa Thebes

ay pinangalanang Inyotef o Antef.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 94/121

90

 Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Mentuhotep I.

Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang Egypt. Nalipat ang kabisera

sa Itjtawy (ipinapalagay na ngayon ay El-Lisht) sa Lower Egypt. Sa panahon niSenusret I o Sesostris I (1970 - 1926 BCE), nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia.

Noong 1878 BCE, ipinagpatuloy ni Senusret o Sesostris III (1878 - 1842 BCE)

ang kampanyang militar sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang

palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria. Ang pinakamahusay

na pinuno ng panahong ito ay si Amenemhet II (1929 - 1895 BCE) na namayani

sa loob ng 45 taon.

Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga gawain ng karamihan sa mga

naging pinuno ng Ika-12 Dinastiya. Sa halip, maraming ekspedisyon ang nagtungo

sa Nubia, Syria, at Eastern Desert upang tumuklas ng mahahalagang bagay namaaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. Nagkaroon din ng kalakalan

sa pagitan ng Egypt at Crete ng kabihasnang Minoan.

 Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian. Kaguluhan at pagdating

ng mga Hyksos mula sa Asya ang namayani sa panahong ito. Ang katagang Hyksos

ay nangangahulugang “mga prinsipe mula sa dayuhang lupain.” Sinamantala

nila ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang lugar at palawigin ang

kanilang kapangyarihan sa katimugan. Nagsimula ang pamamayani ng mga

Gitnang Panahon

Mentuhotep I Itjtawy Amenemhet II Hyksos

1 2

3 5 7

4 6 8 9

Anong estruktura ang nasa larawan?

Paano inilarawan ng estruktura ang taglay na kabihasnan ngmga sinaunang Egyptian?

http://en.wikipedia.org/wiki/

gizapryramid

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 95/121

91

Hyksos noong 1670 BCE at kanilang napasailalim ang Egypt sa loob ng isang

siglo. Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit ng mga chariot  ay natutuhan din ng

mga Egyptian. Nang lumaon, dahil sa kawalan ng kontrol sa kabisera, nagsimula

ang panibagong panahon sa kasaysayan ng Egypt.

Ikalawang Intermedyang Panahon

Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa alinman

sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang

humina ang kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa mga tala, ang Ika-13 Dinastiya

ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at

katatagan sa pamamahala. Ang Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang baha-

ging Nile Delta. Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang

Ika-16 na Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayanisa Avaris. Nagawang palawigin ng mga pinuno rito ang kanilang kapangyarihan

hanggang sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes. Ang pangingibabaw ng

dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pag-usbong ng Ika-17 Dinastiya. Naga-

 wang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa Egypt.

Bagong Kaharian

Empire Age Ahmose Hatsheput Akhenaton Rameses II

1 2

3 5 7

4 6 8 9

Anong pangkat ng tao ang nasa larawan?

Ano ang bahaging kanilang ginampanan sa kasay-sayan ng sinaunang Egypt?

http://en.wikipedia.org/wiki/

File:Ibscha.jpg

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 96/121

92

 Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng kabi-

hasnang Egyptian. Ito ay pinasimulan ng Ika-18 Dinastiya. Tinatawag din ito

 bilang Empire Age. Naitaboy ni Ahmose (1570 - 1546 BCE) ang mga Hyksos mula

sa Egypt noong 1570 BCE. Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pha-

raoh mula sa Thebes at namayani mula sa Delta hanggang Nubia sa katimugan.

Panahon din ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa kamay ng

malalakas na mga pharaoh. Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia

sa katimugan hanggang sa Euphrates River sa Mesopotamia, sa lupain ng mga

Hittite at Mitanni.

Si Reyna Hatshepsut (1503 - 1483 BCE), asawa ni Pharaoh Thutmose II (1518

- 1504 BCE), ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa kasaysayan.

Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang

mga lupain. Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang pinalawig ni Thutmose III (1504

- 1450 BCE), anak ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt.

Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo BCE ay si Amenophis IV

o Akhenaton (1350 - 1334 BCE). Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng

mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga

tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos. Pinasimulan niya ang bagong relihi-

 yon na nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw.

Sa kasamaang-palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong pagtatangka.

Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan. Siya ay

pinalitan ni Tutankhamen (1334 - 1325 BCE) na noon ay siyam na taong gulang

pa lamang nang maupo sa trono.

 Ang Ika-19 na Dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I (1293 - 1291 BCE).

Siya ay sinundan nina Seti I (1291 - 1279 BCE) at Rameses II (1279 - 1213 BCE).

Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga panahong ito. Sa loob ng

20 taon, kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pu-

mapasok sa silangang bahagi ng Egypt. Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite

nang lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at Hattusilis

III, ang hari ng Hittite. Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa

pagitan ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Pinaniniwalaang ang

Exodus ng mga Jew mula Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli na

namang humina ang pamamahala sa Egypt sa kaniyang pagpanaw.

Ikatlong Intermedyang Panahon

 Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes

(1070 - 1044 BCE) ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari

mula sa Libya na nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya. Ang unang pinuno

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 97/121

93

nito ay si Shoshenq I (946 - 913 BCE) na isang heneral sa ilalim ng nagdaang

dinastiya. Sa mga panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang pangkat ang

nagnanais mapasakamay ang kapangyarihan. Humantong ito sa pagbuo ng Ika-23

Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang kumontrol sa Lower

Nubia. Nang lumaon, isang nagngangalang Piye ang sumalakay pahilaga upang

kalabanin ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang kaniyang kapangyarihan

hanggang sa Memphis. Sumuko nang lumaon ang kaniyang katunggaling si

Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt. Sinimulan niya

ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.

Ano ang nais ipahiwatig ng mapa?

Bakit tinagurian ang Bagong Kaharian bilangEmpire Age?

Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni Psammetichus (664 - 610

BCE). Nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt. Nakontrol niya

ang buong Egypt noong 656 BCE. Sa ilalim ni Apries, isang hukbo ang ipinadala

upang tulungan ang mga taga-Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene.Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang hukbo ay nagdulot ng kaguluhang

sibil na humantong sa paghalili ni Amasis II (570 - 526 BCE). Hindi naglaon,

napasakamay ng mga Persian ang Egypt. Ang pinuno ng mga Persian na si

Cambyses II ang naging unang hari ng Ika-27 Dinastiya.

Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa pagtatapos ng Ika-28 Dinastiya.

Sa pananaw ng Persia, ang Egypt ay isa lamang nagrerebelyong lalawigan nito.

Namuno ang mga Egyptian hanggang sa Ika-30 Dinastiya bagama’t mahihina

Huling Panahon

Psammetichus Alexander the Great Cleopatra VII

1 2

3 5 7

4 6 8 9

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 98/121

94

ang naging pinuno. Panandaliang bumalik sa kapangyarihan ang mga Persian

at itinatag ang Ika-31 Dinastiya.

Noong 332 BCE, sinakop ni Alexander The Great ang Egypt at ginawa itong

 bahagi ng kanyang Imperyong Hellenistic. Malawak ang saklaw ng kaniyangimperyo na umabot ng Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia, Mesopotamia

hanggang Indus Valley sa India. Sa kaniyang pagkamatay noong 323 BCE, naging

satrap o gobernador ng Egypt ang kaniyang kaibigan at heneral na si Ptolemy.

Noong 305 BCE, itinalaga ni Ptolemy ang kaniyang sarili bilang hari ng Egypt

at pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. Ang Dinastiyang Ptolemaic ay naghari

sa loob halos ng tatlong siglo. Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna ng

dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 BCE.

Mula sa Kasaysayan ng Daigdig

ni Mateo et. al (2012), pp. 75-82

Sino ang nasa larawan?

Paano nagwakas ang kabihasnang Egyptian?

GAWAIN 9: Walk to Ancient Egypt 

Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem sa ibaba upang makumpleto ang

dayagram.

Kabihasnang Egyptian

1. Tauhan 8. Tauhan

2. Bagay 7. Bagay

3. Panahon 4. Tauhan 5. Tauhan 6. Panahon

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 99/121

95

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Anong kabihasnan ang umunlad sa Africa?

2. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kabihasnang Egyptian sa

mga kabihasnang umunlad sa Mesopotamia?

3. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian?4. Sino ang mga naging pinuno ng Egypt? Ano ang kanilang naging

papel sa paghubog ng kabihasnan sa Egypt?

5. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa kabihasnang Egyptian?

Hindi lamang sa mga kontinente ng Asya at Africa nakapagtatag ng

mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, kundi maging sa kontinente na

 America, partikular sa Mesoamerica—ang mga Olmec at Teotihuacan.

1. Nagpagawa ng Great Pyramid na pinakamalaki sa buong daigdig

2. Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian

3. Itinuring bilang Empire Age at pinakadakila sa kasaysayan ng si-naunang Egypt

4. Kinilalang isa sa mahuhusay na babaeng pinuno ng sinaunang Egypt

5. Napag-isa sa kaniyang paghahari ang Upper Egypt at Lower Egypt

6. Nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt at panahon ng pagtayo ng

mga pyramid sa Egypt

7. Nagsilbing mga bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at nag-

ing libingan ng mga ito

8. Lumagda sa kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa hari ngmga Hittite

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 100/121

96

Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica

Ang mga Pamayanang Nagsasaka (2000 - 1500 BCE)

Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhaysa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa

Mesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba pang mga

produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz

noon pa mang 3500 BCE. Sa pagsapit ng 1500 BCE, maraming taga-Mesoamerica

ang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang

karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop.

Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang kaayusan sa

Mesoamerica sa pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE. Sa maraming rehiyon, ang

maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno.Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspektong pang-

ekonomiya, pampolitika, at panrehiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong tatag

na lipunan ay ang Olmec.

Ang mga Olmec

 Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural. Ang sistemang irigasyon na itinayo

rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa

ng kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa

hieroglyphics ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining.

Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa pagkukuwenta. Sa kasamaang

palad ang kanilang sulat ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar hang-

gang ngayon. Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec at iba pang mga sinaunang

tao sa America ay hango mula sa iba pang labi ng kanilang panahon. Ang mga

Olmec (1500 - 500 BCE)

• Ang kauna-unahang umusbong sa Central America

(at maaaring maging kabuuang America) ay ang

Olmec.

• Ang katagang Olmec ay nangangahulugang rubber

people  dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng

dagta ng punong rubber o goma.

• Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon ng Gulf

Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig

hanggang Guatemala.

• Ang panahong ito ay halos kasabayan ng Dinastiyang

Shang sa China.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 101/121

97

likhang ito at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking impluwensiya

sa kultura ng mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec.

Kulturang Olmec

Larong Pok-a-tok Ang rituwal sa kanilang paniniwala ay mahalaga sa

pamumuhay ng mga Olmec. Sila ay may panrituwal na

larong tinatawag na Pok-a-tok na tila kahalintulad ng larong

basketbol, subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaring

gumamit ng kanilang kamay upang hawakan ang bolang

yari sa goma. Sa halip, gamit ang mga siko at baywang,

tinatangka ng mga manlalaro na ihulog at ipasok ang bola

sa isang maliit na ring na gawa sa bato at nakalagay sa isang

mataas na pader. Pinaniniwalaan ng mga arkeologo na ang

ilang mga manlalaro ay ginagawang sakripisyo matapos

ang nasabing laro. Nang lumaon, ito ay nilaro sa iba’t ibang

sentro sa buong Mesoamerica.

Lilok ng anyong ulomula sa mga bato

Ang mga Olmec ay kilala rin sa paglilok ng mga

anyong ulo mula sa mga bato. Ang pinakamalaking

ulo ay may taas na siyam na talampakan at may bigat

na 44 libra. Maaari diumanong ang mga lilok na ito

ay hango sa anyo ng kanilang mga pinuno. Sila rin ay

nakagawa ng mga templong hugis piramide sa ibabaw

ng mga umbok na lupa. Ang mga estrukturang ito

ay nagsilbing mga lugar-sambahan ng kanilang mga

diyos.

Hayop na jaguar Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jag-

uar na pinakakintatakutan ng maninila (predator) sa

Central America at South America. Ito ay nagpapa-

kita ng lakas, katusuhan, at kakayahang manirahan

saanmang lugar. Ito rin ay agresibo at matapang. Si-

nasamba ng mga Olmec ang espiritu ng jaguar.

Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta. Ang mga

lugar na ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong

mineral tulad ng jade, obsidian, at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong

lugar tulad ng Costa Rica.

Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang Olmec

ay humina at bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring makihalubilo sa iba pang

mga pangkat na sumakop sa kanila. Gayunpaman, ang mga sinaunang taong

sumunod sa kanila ay nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 102/121

98

Ang mga Teotihuacan

 Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay ng karangyaan, kadakilaan,

at kapangyarihan sa lungsod. Maliban dito, ang mga pinuno nito ay nagawangmakontrol ang malaking bahagi ng lambak ng Mexico. Naging sentrong pagawaan

ang lungsod samantalang ito ay nagkarooon ng monopolyo sa mahahalagang

produkto tulad ng cacao, goma, balahibo, at obsidian. Ang obsidian ay isang

maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na lava. Ginamit ito ng

mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng mga kutsilyo.

Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o nobility ang malaking

 bahagdan ng populasyon. Ito ay naganap sa pamamagitan ng pagkontrol sa

ekonomiya, pag-angkop sa relihiyon, at pagpapasunod nang puwersahan.

 Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang FeatheredSerpent God. Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sa kaniya

nagmula ang iba’t ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan. Kinatawan

din niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin.

Noong 600 C.E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at

sinunog ang Teotihuacan. Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650

C.E. Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatig-lugar,

tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan.

Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig ni

Mateo et al. (2012)

Maaaring tingnan ang sumusunod na Modyul ng Project EASE

( Efective Alternative Secondary Education) AP III para sa karagdagang

impormasyon.

a. Modyul 3 – Ang mga Unang Kabihasnan (pp. 6-48)

 b. Modyul 7 – Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifco (pp. 9-16)

 Teotihuacan

(250 BCE - 650 CE)• Sa pagsapit ng 200 BCE, ang ilan sa mga lugar sa

lambak ng Mexico ay naging mas maunlad dahil sa

ugnayang kalakalan at pagyabong ng ekonomiya

• Isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod sa

panahong ito ay ang Teotihuacan na nangangahu-

lugang “tirahan ng diyos”

• Pagsapit ng 150 CE, ito ay naging isang lungsod na may

halos 12.95 kilometro kuwadrado na mahigit sa 20,000

katao

• Sa pagitan ng 150 CE at 750 CE, ang populasyon

nito ay minsang umabot sa 120,000

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 103/121

99

GAWAIN 10: Tracing the Beginning Chart 

a. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum.

 b. Talakayin ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart.

Ano ang sinaunangkabihasnang umusbong

sa daigdig?

Paano nagsimulaang kasaysayan ngkabihasnang ito?

Ano ang katangian ngmga katutubo nito?

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa

daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito?

2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang

katutubo sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan?

3. Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagtatatag

nila ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag.

4. Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at kakayahan

ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay?

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 104/121

100

GAWAIN 11: Pagbuo ng K-Web Diagram

Unawain ang mga panuntunan sa pagbuo ng “Kabihasnan - Web Diagram.”

1. Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang.

2. Isulat ang bilang at sagot sa kaukulang lugar nito sa web diagram.

Sinaunang

Kabihasnan

Mesopotamia

Mesoamerica

Egypt

Indus

Tsino

1. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian

2. Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus

3. Sagradong aklat ng mga Aryan

4. Tawag sa China na nangangahulugang “Gitnang Kaharian”

5. Kauna-unahang kabihasnang umunlad sa America

6. Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu

7. Bahay-sambahan ng mga Sumerian

8. Pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng sinaunang Egypt

9. Maunlad na lungsod sa Mesoamerica na nangangahulugang “tirahan ng

diyos”

10. Tanyag na gusali sa Babylon; kabilang sa Seven Wonders ng sinaunang daig-

dig

11. Estruktura sa China na nagsilbing harang at proteksiyon laban sa mga ma-

nanakop

12. Tawag sa rehiyon ng America na kinabibilangan ng malaking bahagi ng

Mexico, Guatemala, at El Salvador

13. Taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt

14. Sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit

na pamunuan ang china

15. Tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat sa Egyptian

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 105/121

101

Batay sa mahahalagang impormasyon tungkol sa mga sinaunang kabi-

hasnan sa daigdig, ituon ang isipan sa pagsisimula, paglago, at tuluyang

pagbagsak ng bawat kabihasnan. Makatutulong ang susunod na gawaing

tatalakay pa rin sa kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnan.

GAWAIN 12: Kabihasnan (Pathway Diagram)

1. Makilahok sa iyong pangkat. Unawain ang sumusunod na panuntunan.

a. Bibigyang-pansin ng Pangkat 1 ang Kabihasnang Mesopotamia, Pangkat

2 ang Kabihasnang Indus, Pangkat 3 ang Kabihasnang Tsino, at Pangkat

4 ang Kabihasnang Egyptian.

 b. Batay sa iyong pag-unawa sa pinag-aralang kasaysayan, aktibong makilahoksa iyong pangkat sa pagkumpleto ng Pathway Diagram sa pamamagitan

ng paglalagay ng mahahalagang pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod

ng mga ito. Isulat ang isang pangyayari sa bawat hakbang.

c. Pagkatapos mabuo ang pathway diagram, punan ang mga bilog ng iba

pang impormasyon tungkol sa nakatalagang kabihasnan kabilang ang

ekonomiya, kultura, at lipunan nito.

d. Gawin sa manila paper ang kasunod na diyagram.

e. Pumili ng dalawang kapangkat na mag-uulat sa klase ng nabuong path-

way diagram.

f. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka, gamit ang sumusu-

nod na rubric.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 106/121

102

Rubric  sa Pagmamarka ng K-Pathway Diagram

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Nakapaloob sa diyagram ang 5 o higit pang ma-

hahalagang pangyayari sa nakatalagang kabi-

hasnan; wasto ang pagkakasunod-sunod nito

10

Pag-uulat Mahusay na naipaliwanag ang kasaysayan ng

nakatalagang kabihasnan batay sa nabuong

diyagram

10

Iba pang

impormasyon

Nakapaglahad ng iba pang datos na may kaug-

nayan sa kasaysayan ng nakatalagang kabi-

hasnan

5

Kabuuan 25

2. Batay sa daloy ng talakayan, bumuo ng mga tanong tungkol sa kasaysayan

at iba pang aspekto ng mga iniulat na kabihasnan. Lumahok sa talakayan.

3. Bigyang-pansin ang mga tanyag na pinunong namahala sa iba’t ibang si-

naunang kabihasnan sa daigdig.

GAWAIN 13:  Gallery of Ancient Rulers

1. Unawain ang mga panuntunan sa paglahok sa gawaing ito. Pumili ang pangkat

ng isang pinunong binanggit sa nakaraang aralin.

2. Planuhin ang paggawa ng isang human statue ng napiling pinuno. Isaalang-

alang ang kasunod na mga panuntunan:

a. Pumili ng isang kapangkat na magsisilbing “estatuwa” na kakatawan sa

piniling pinuno.

 b. Ihanda ang posisyon ng “estatuwa” ayon sa katangian at nagawa ng piniling

pinuno.

c. Dikitan ng papel (o manila paper) na may simbolo o mga salitang

maglalarawan sa pinuno ang katawan ng “estatuwa.”

d. Itanghal sa klase ang mga “estatuwa.” Magtalaga ng 1-2 kapangkat na

magpapaliwanag tungkol sa estatuwa.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 107/121

103

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang mahalagang katangian ng napiling pinuno?

2. Bakit siya naging tanyag sa kasaysayan?3. Maipagmamalaki ba ng inyong pangkat ang piniling pinuno? Ipali-

 wanag.

4. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangiang dapat taglayin

ng isang pinuno? Ipaliwanag.

Bibigyan ng marka ang ginawang estatuwa gamit ang kasunod na rubric.

Rubric  sa Pagmamarka ng Gallery of Ancient Rulers

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Gawang

Estatuwa

Angkop ang estatuwa bilang kinatawan ng pini-

ling pinuno ng pangkat; wasto ang mga simbolo

at datos na ikinabit sa estatuwa

10

Pag-uulat Mahusay na ipinakilala ang nakatalagang pinu-

no batay sa estatuwa; naglahad nang higit sa

tatlong impormasyon tungkol sa nasabing pinu-

no

10

Orihinalidad Natatangi ang pagkakabuo ng estatuwa; gu-

mamit ng mga akmang disenyo upang maging

makatotohanan ang hitsura

5

Kabuuan 25

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 108/121

104

Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

 Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kani-

kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan,

husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspekto. Hindinatin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay

maaaring mag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan ng iba’t

ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin

sa mga sinaunang kabihasnang ito. Bilang mag-aaral ng kasaysayan, ikaw ba ay

may nalalamang ambag o kontribusyong nagmula sa mga sinaunang kabihasnan

na kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon?

Mesopotamia

Ziggurat Ang Ziggurat ay estruktura kung saan

pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron

ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang

Ziggurat.

Code of Hammurabi Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na

mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isang

napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman

ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na

aspekto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia.

Cuneiform Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng

pagsulat sa buong daigdig ay nalinang sa Sumer.

Ito ay tinatawag na Cuneiform.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 109/121

105

Epic of Gilgamesh Sa larangan ng literatura, itinuturing ang

Epic of Gilgamesh bilang kauna-unahang

akdang pampanitikan sa buong daigdig.

Ito ay kuwento ni Haring Galgamesh nglungsod-estado ng Uruk sa Sumeria noong

ikatlong siglo BCE. Ang isa sa mga kabanata

ng epikong ito ay kahalintulad sa The Great

Flood ng Bibliya.

Iba pang kontribusyon   • water clock

• paggawa ng unang mapa

• sexagesimal system  o pagbibilang na

nakabatay sa 60

• astronomiya

Indus

Sewerage System May sewerage system  ang Mohenjo-Daro. Bukod

dito, ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala

bilang mga kauna-unahang paninirahang

sumailalim sa tinatawag na urban  o city

planning  o pagpaplanong panlungsod. Ang mga

kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay nakaayos na parang mga

nagsasalubong na guhit o grid pattern .

Arthasastra Isinulat ni Kautilya ang Arthasastra noong

ikatlong siglo BCE. Ito ang kauna-unahang akda

o treatise  hinggil sa pamahalaan at ekonomiya.

Si Kautilya ay tagapayo ni Chandragupta Maurya,

ang tagapagtatag ng Imperyong Maurya.

Ayurveda Ang Ayurveda o “Agham ng Buhay’’ ay isang

mahalagang kaisipang pangmedisina ng

sinaunang India. Tinawag itong “Agham ng

Buhay’’ sapagkat binigyang-tuon nito ang

pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa

mga karamdaman.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 110/121

106

Ramayana at Mahabharata Ang dalawang epikong pamana ng India sa

larangan ng panitikan. Ang Mahabharata ay isang

salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng

dalawang pamilya na magkakamag-anak – angmga Pandava na kumakatawan sa kaguluhan

at kasamaan. Ang Ramayana naman ay isang

salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at

ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita, ang kaniyang

asawa, na sapilitang kinuha ni Ravana, isang

demonyong hari.

Iba pang kontribusyon   • Pamantayan ng bigat at sukat

• Decimal system

• Paggamot at pagbubunot ng ngipin

• Halaga ng pi (3.1416)

• Taj Mahal

• Pinagmulan ng mga relihiyon (Hinduism,

Buddhism, Jainism, at Sikhism)

Tsino

Great Wall of China Sa panahon ng Qin, tinatayang isang mil-yongkatao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo

ang Great Wall ng China. Ito ay nagsilbing

simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng

mahabang panahon.

I Ching at Bing Fa Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay ngperspektiba at pamamaraan ng prediksyon ukol

sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao.

Samantala, ang Bing Fa (Art of War) ay itinuturing

na isa sa mga kauna-unahan at pinakatanyag na

aklat ukol sa estratehiyang militar na isinulat ni

Sun Zi o Sun Tzu noong 510 BCE.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 111/121

107

Feng Shui Ang paniniwala sa Feng shui o Geomancy ay

nagmula rin sa China. Ang kaisipang ito ay ukol

sa tamang pagbalanse ng yin at yang upang

makapagdulot ng magandang hinaharapsa sinuman. Ang yin ay sumisimbolo sa

kababaihan—malambot at kalmado. Samantala

ang yang ay tumutukoy sa kalalakihan—matigas

at masigla.

Iba pang kontribusyon   • Paggamit ng silk o seda

• Kalendaryo

• Star map

• magnetic compass

• seismograph

• wheel barrow

• water clock 

• sundial

• chopsticks

• abacus

• pamaypay

• payong

Egypt

Pyramid Ang mga piramide ay hitik sa mga

simbolismong relihiyoso. Libingan ito ngpharaoh kung kaya sinisimbolo nito ang

kapangyarihan ng mamuno. Gayundin,

pinatunayan nito ang paniniwala sa

buhay matapos ang kamatayan. Lahat ng

kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay

makikita sa piramide bilang paghahanda sa

kabilang buhay.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 112/121

108

Mummification Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa

isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa

isang prosesong tinatawag na mummification ,

ang mga Egyptian ay gumagamit ng kemikalupang patuyuin ang bangkay. Matapos nito,

ang isang mummy o embalsamadong bangkay

ay pinipintahan, binabalutan ng linen, at

pinapalamutian ng alahas.

Hieroglyphics May sistema ng pagsusulat din ang mga Egyptian

na tinatawag na hieroglyphics. Sa simula, ang

isang larawan ay sumasagisag sa isang kaisipan.

Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamangsa mga papel kundi nakaukit din sa mga

pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta

sa luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay naging

mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga

rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa

malatambong halaman na tinatawag na papyrus.

Iba pang kontribusyon   • Geometry

• Medisina tulad ng pagsasaayos ng naba-

ling buto• Kalendaryo na may 365 araw

• Sagradong pagdiriwang

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 113/121

109

GAWAIN 14: K-A-K Organizer 

Unawain ang sumusunod sa pagbuo ng organizer.

a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng Kabihasnan-Am-

 bag-Kabuluhan (K-A-K) Organizer.

 b. Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan, sa pangalawang hugis ang

ambag, at pangatlong hugis ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang tao.

c. Ibahagi sa klase ang mga nabuong kaisipan batay sa ginawang organizer.

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Ano-ano ang pamana/ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa

daigdig?

2. Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng

mga sinaunang taong nanirahan sa kani-kanilang kabihasnan?

3. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito?

Kabihasnan Ambag Kabuluhan

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 114/121

110

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa yugtong ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa impluwensiyang

heograpikal at mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay bibigyan ng malalimna pagtalakay sa pamamagitan ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito

ang pagbibigay-kabuluhan sa impluwensiya ng heograpiya at pamana ng

mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang pamumuhay ng tao.

GAWAIN 15: Thank You Letter 

Sundin ang sumusunod.

1. Batay sa natutuhan tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad ng

mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, sumulat ng isang liham pasasalamat.

2. Isaalang-alang ang sumusunod na hakbang sa gawaing ito:

a. Pumili ng isang anyong lupa, anyong tubig o kahit anong bagay na may

kaugnayan sa heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na nais mong

gawan ng liham pasasalamat.

 b. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na

ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao hanggang sa kasalukuyan.

c. Gawing batayan ang kasunod na rubric sa pagmamarka ng iyong liham.

Rubric  sa Pagmamarka ng Thank You Letter

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Mahusay na naipaliwanag ang bahaging

ginampanan ng heograpiya sa buhay ng mga

sinaunang tao; nakapagbigay ng halimbawang

magpapatunay sa papel na ginampanan nito sa

mga sinaunang tao

12

 Teknikal naPagbuo ng

Liham

Wasto ang paggamit ng mga bantas, baybay ngmga salita, at maayos ang mga bahagi ng isang

liham

8

Anyo at

Disenyo

Malinis at maayos ang pagkakasulat; naglagay

ng malilikhaing bagay at simbolo; angkop ang

kulay ng disenyo

5

Kabuuan 25

d. Ibahagi ang liham sa iyong mga kamag-aral.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 115/121

111

GAWAIN 16: Maimpluwensiyang Kabihasnan

Kumpletuhin ang kasunod na diyagram. Itala ang pamana ng mga sinaunang

kabihasnan at ang impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at sa ating bansa

sa kasalukuyang panahon.

Impluwensiya sa Daigdig

Impluwensiya sa Pilipinas

Pamana ng Sinaunang Kabihasnan

?   Pamprosesong mga Tanong

1. Sa anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino maiuugnay ang

pamanang tinukoy sa diyagram?

2. Ano ang kapakinabangang dulot ng naturang pamana sa mga Pili-

pino? Magbigay ng halimbawa.

3. Bakit maimpluwensiya ang piniling pamana sa mga tao?

4. Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang nagkaloob ng nasabing pama-

na, ano ang iyong reaksiyon?

5. Ano ang iba pang bagay na maituturing na pamana ng mga sinaunang

tao sa kasalukuyang kabihasnan? Bakit mo ito itinuring na isang

pamana?

Balikan ang WQF  Diagram at punan ang kolum ng F ( facts) ng mga

 bago at wastong kaalaman tungkol sa paksa.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 116/121

112

ILIPAT AT ISABUHAY

Sa pagkakataong ito, isagawa ang huling yugto ng Modyul 1, angILIPAT. Gamit ang kaalamang natutuhan mula sa pag-unawa ng teksto

at pagsasagawa sa mga gawain, ihanda ang sarili sa pagbuo ng susunod

na proyekto.

GAWAIN 17:  POKUS NGAYON: Preserbasyon ng mga Pamana ngmga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig

Isiping tagapangulo ka ng National Committee on the Preservation of Cultural

Heritage ng iyong bansa na isa sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Na-

katanggap ka ng liham mula sa United Nations na humihingi ng panukalang

proyektong may layuning ipreserba ang mga dakilang pamanang mula sa iyong

 bansa.

 Ang iyong komite ay nagtakda ng pulong na unang bubuo ng isang panukalang

proyekto para sa nabanggit na layunin. Isaalang-alang ang mga panuntunan sa

pagbuo ng panukalang proyekto:

1. Sa tulong ng guro, hahatiin ang klase sa mga pangkat ayon sa sumusunod:

Pangkat 1 – Iraq para sa Kabihasnang Mesopotamia

Pangkat 2 – Iran para sa Sinaunang Persia

Pangkat 3 – Egypt para sa Kabihasnang Egyptian

Pangkat 4 – India at Pakistan para sa Kabihasnang Indus

Pangkat 5 – China para sa Kabihasnang Tsino

Pangkat 6 – Mexico para sa Kabihasnan sa Mesoamerica

2. Kung ikaw ang “tagapangulo ng iyong komite” na nabanggit sa itaas, tiyakingmakibahagi ang lahat ng miyembro ng iyong pangkat sa pagtalakay sa

itinakdang kabihasnan na bibigyang-tuon sa gagawing panukalang proyekto.

a. Bigyan ang bawat pares na miyembro ng pamana na nararapat na ipreserba:

Pares 1 – isang estruktura o landmark, Pares 2 – isang tradisyon/kaugalian,

at Pares 3 – isang sinaunang bagay 

 b. Sa papel, gawin ang format  ng panukalang proyekto. Gawing gabay ang

kasunod na template.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 117/121

113

Bansang nakatalaga sa pangkat: __________________________

National Committee on the Preservation of Cultural Heritage

UNANG BAHAGI:

a. Pamagat ng proyekto: __________________________________________

b. Kinaroroonan ng isasagawang proyekto: _________________________

c. Petsa ng simula at wakas ng pagpapatupad ng proyekto: __________

d. Halagang gugugulin sa proyekto: _______________________________

Ahensiya ng pamahalaang kaakibat sa proyekto: _____________________

IKALAWANG BAHAGI:

a. Panimula (Tungkol saan ang panukalang proyekto?)

b. Katuturan (Mahalaga bang isagawa ang proyekto? Bakit?)

c. Kapakinabangan (Sino ang makikinabang nito? Sa paanong

paraan?)

IKATLONG BAHAGI:

a. Mga hakbang sa pagkamit ng layunin (Ano-ano ang dapat gawin

upang magtagumpay sa hangarin ng pangkat?)

b. Pondo ng proyekto (Paano makakukuha ng salaping gagastusin sa

proyekto?)

c. Pagsasanay (Sino at paano sasanayin ang mga tauhan sa pagkamit

ng proyekto?)

d. Kagamitan (Ano-ano ang kagamitan upang magawa ang proyek-

to?)

IKAAPAT NA BAHAGI:

a. Inaasahang bunga (Ano-ano ang inaasahang bunga o resulta kungisasagawa ang proyekto?)

b. Mensahe sa kinauukulan at sa taong-bayan (Ano ang nais mong

sabihin upang maging matagumpay ang preserbasyon ng mga si-

naunang ambag at pamana ng bansa?)

c. Guhit ng isasakatuparang proyekto (Ano ang hitsura ng kalalabasan

ng gagawing proyekto?)

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 118/121

114

c. Talakayin ng iyong pangkat ang bubuuing panukala.

d. Kumpletuhin ang template para sa gagawing panukala.

e. Iulat sa klase ang ginawang panukala.

3. Gamitin ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito.

Kraytirya 4 3 2 1

Nilalaman ng

Panukalang

Proyekto

Kumpleto ang

nilalaman ng

panukalang

proyekto;

100% na wasto

ang itinala

sa panukala;makatotohanan

ang lahat ng

sagot sa tanong;

may kabuluhan

ang gawang

panukala;

mahusay ang

iginuhit sa

magiging bunga

ng proyekto

May 1-2 ang

nawala sa

panukalang

proyekto; hindi

bababa sa

75% ang may

wastong itinalasa panukala;

makatotohanan

ang mahigit 75%

sagot sa tanong;

may kabuluhan

ang gawang

panukala;

mahusay ang

iginuhit sa

magiging bunga

ng proyekto na

may 1-2 aspekto

ng guhit ang

kailangang

isaayos

Mahigit sa 50%

ang nawala sa

panukalang

proyekto;

mahigit sa 50%

ang hindi wasto

sa mga itinalasa panukala;

may 50% sa

nilalaman ng

panukala ay hindi

makatotohanan;

may pag-

aalinlangan sa

kabuluhan

ang gawang

panukala;

hindi gaanong

malinaw ang

guhit

Mahigit sa 50%

ang nawala sa

nilalaman ng

panukalang

proyekto;

mahigit sa 50%

ang hindi wastosa mga itinala sa

panukala; hindi

maka-totohanan

ang panukala;

hindi maipakita

ang kaugnayan

ng guhit sa

panukala

Pinagkunan ng

Datos

Ibinatay sa 3

o higit pang

sanggunian angdatos na kabilang

sa panukalang

proyekto (aklat,

pahayagan, video

clip, internet, at

iba pa)

Ibinatay sa 2

sanggunian ang

datos

Ibinatay lamang

ang sanggunian

sa batayang aklat

Walang batayang

pinagkunan

at gawa-gawalamang ang mga

impormasyon

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 119/121

115

Presentasyon

ng Panukalang

Proyekto

Mahusay ang

paglahad sa

presentasyon;

malinaw atmalakas ang

boses ng

tagapagsalita;

lubos na

naipaliwanag

ang bawat aytem

sa panukala

Maayos ang

paglahad sa

presentasyon;

may ilangkinabahan at

mahinang boses;

naipaliwanag

ang higit sa 75%

ng kabuuang

aytem sa

panukala

Karaniwan ang

paglahad sa

presentasyon;

maikli at hindibinigyan ng

pansin ang

maraming bahagi

ng panukala;

hindi gaanong

maunawaan

ang pagsasalita;

mahigit sa

50% ang hindi

naipaliwanag sa

panukala

Hindi malinaw

ang paglahad sa

presentasyon;

hindinaipaliwanag

ang maraming

bahagi ng

panukala; hindi

maunawaan

ang pagsasalita;

kaunti

lamang ang

naipaliwanag

 TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODYUL

Tinalakay sa modyul na ito ang heograpiya ng daigdig. Ang mga saklaw nito

tulad ng mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman ay tunay na may

malaking impluwensiya sa paghubog ng kasaysayan ng mga sinaunang tao.

Nakasalalay ang pamumuhay ng mga prehistorikong tao sa kanilang mahusay

na pakikiayon sa idinikta ng kanilang kapaligiran.

 Ang kanilang talino at kakayahan ang naging instrumento upang maging

matagumpay sila sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-daan upang

higit na mapabuti ang kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag sila ng

mga mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan.

 Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa larangan ng politi-

ka, relihiyon, ekonomiya, kultura, at maging sa agham at teknolohiya ay lubos

na may kapakinabangan hindi lamang sa kanilang panahon kundi sa lahat ng

panahon.

Sa susunod na modyul, pag-aaralan mo ang mga dakilang kabihasnang

klasikal ng Greece at Rome. Idagdag pa rito ang pakikipagsapalaran ng mga

Europeo noong Gitnang Panahon, ang mga kabihasnan sa iba pang panig ng

daigdig hanggang sa pagbubukang-liwayway ng Makabagong Panahon.

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 120/121

116

 TALASALITAAN

Ahimsa – doktrina ng pag-iwas sa pananakit ng anumang may buhay na organismo

Caste  – pagkakahati-hati ng tao sa lipunang Hindu noong Panahong Vedic

Core – pinakamalalim na bahagi ng daigdig; binubuo ng inner core at outer core; halos 1380

milya ang kapal ng outer core

Crust  – pinakaibabaw na bahagi ng daigdig; matigas at mabatong bahagi ng planeta

Dinastiya – pamamahala ng mga miyembrong nagmula sa iisang pamilya o angkan

Hellenistic  – nagmula sa salitang Greek na nangangahulugang “to imitate Greeks”; tumutukoy

sa kasaysayan, panahon, imperyo, kultura, at sining na may impluwensiyang Greek

pagkaraan ni Alexander the Great

Heograpiya – pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at interaksiyon ng tao sa kapaligiran

Heograpiyang pantao – sangay ng heograpiya na tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon,

lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

Hominid – miyembro ng pamilya ng mga mammal na may kakayahang tumayo sa dalawang paa

kabilang ang tao, gorilya, chimpanzee, at orangutan

Khanate – estadong nasa hurisdiksyon ng isang khan (pinunong lokal ng ilang bansa sa gitnang

Asya)

Klima – kalagayan o kondisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malaking rehiyon o lugar sa

matagal na panahon

Kontinente – pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig

Khyber Pass – lagusan o daanan sa kabundukan sa pagitan ng Afghanistan at Pakistan na nag-

uugnay sa Timog Asya at Kanlurang Asya

Mantle – binubuo ng makakapal at maiinit na tunaw na bato; halos 1800 milya ang kapal

Nome – malalayang pamayanan ng sinaunang Egypt

Nomarch – pinuno ng nome

Oracle bone – tawag sa mga tortoise shell at cattle bone  na ginagamit upang mabatid ang

mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino

7/18/2019 Araling Panlipunan Module 1 Grade 9

http://slidepdf.com/reader/full/araling-panlipunan-module-1-grade-9 121/121

Pacific Ring of Fire – rehiyong nakapaligid sa Pacific Ocean na katatagpuan ng mga aktibong

bulkan

Plate – malaking masa ng solidong bato

Satrap – gobernador o pinuno ng satrapy

Satrapy  – lalawigan ng Imperyong Persian

Steppe – malawak na damuhang lupain na may kakaunting puno; matatagpuan sa silangang

Europe at Asya

Terra-cotta – anumang bagay (tulad ng banga, pigurin o estatwa) na yari sa pinainitang luwad

Vedas – sagradong aklat para sa mga Hindu; binubuo ng mga himnong pandigma, ritwal at mga

salaysay.

SANGGUNIAN

A. Aklat

  Mateo, PhD Grace Estela C, Kasaysayan ng Daigdig, edisyon 2012

B. Module

  EASE Module Araling Panlipunan III, Modyul 2

  EASE Module Araling Panlipunan III, Modyul 3