yunit 2 - araling panlipunan grade 10
TRANSCRIPT
Panimula:
Ang pagsusuri sa ekonomiks ay nagsisimula sa pag-aaral ng pag-uugali ng tao sa loob ng pamilihan; ang mamimili at ang nagtitinda. Ang mamimili ay bumubuo at nagsasagawa ng mga desisyon patungkol sa pagbili at pagkonsumo ng mga produkto. Ito ang bumubuo sa economic cycle.
Economic CycleProduction
paglikha ng kalakal
Distributionpagbebenta o pamamahagi ng kalakal
ConsumptionPaggamit ng kalakal
BREAK MUNAAlin sa mga sumusunod ang pipiliin mo?
Kalakal BRAND Bakit?Sabon Safeguard o
Green Cross
Toothpaste Colgate o Hapee
Kape Nescafe o Great Taste
Suka Silver Swan o Datu Puti
DemandAng kagustuhan ng mga mamimili na
bumili ng isang kalakal o paglilingkod.Dami ng produkto na nais bilhin ng
mga konsyumer sa isang takdang presyo.
BATAS NG DEMAND
Mataas ang demand ng isang kalakal kung mababa ang presyo nito.
Bumababa ang demand ng kalakal kung tumataas ang presyo. Ceteris Paribus
Ano ang Ceteris Paribus?
Nangangahulugan na lahat ng ibang salik ay hindi nagbago.
May mga kalakal na kahit mataas ang presyo ay hindi pa rin nagbabago ang demand nito.
Demand Schedule ng Big Nero’s Pizza
Price (P) Demand Quantity (Q)
10.00 1,000
20.00 800
30.00 500
40.00 200
Paglipat ng Demand Curve
Nagkakaroon ng paglipat ng demand curve kung nagkakaroon ng pagbabago sa demand ng isang kalakal.
Lumilipat ang demand curve pakaliwa kung bumababa ang demand ng kalakal. Lumilipat naman ang demand curve pakanan kung tumataas ang demand ng kalakal.
Demand Schedule ng Big Nero’s Pizza
Price (P) Lumang Demand (D1)
Bagong Demand (D2)
10.00 1,000 1,200
20.00 800 1000
30.00 500 700
40.00 200 250
Demand Schedule ng Big Nero’s Pizza
Price (P) Lumang Demand (D1)
Bagong Demand (D2)
10.00 1,000 800
20.00 800 650
30.00 500 498
40.00 200 176
Salik na nagpapabago sa Demand
Presyo Di-Presyong Salik
Kita ng Mamimili Populasyon Presyo ng mga
Kaugnay o Kapalit na Produkto
Panlasa Inaasahan ng mga
Mamimili
Matalinong Pagpapasya, pagtugon sa pabago-bagong demand. Mas makabubuti kung hindi agad susunod
sa uso upang hindi agad magkaroon ng malaking pagbabago sa demand.
Matutung tipirin ang kita. Ang labis na paggastos ay hindi mainam.
Bago bumili ng kalakal, humanap at tignan ang presyo ng kahalili at kaugnay na kalakal.
TANDAAN! Ang tamang paggasta
at pagkonsumo ay nakakatulong upang maging matatag ang presyo ng kalakal sa pamilihan.
References:
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Balik-aral: Ang demand ay ang kagustuhan ng mga
mamimili na bumili ng isang kalakal o paglilingkod. Ito rin ang dami ng produkto na nais bilhin ng mga konsyumer sa isang takdang presyo.
Ayon sa BATAS NG DEMAND, mataas ang demand ng isang kalakal kung mababa ang presyo nito.Bumababa ang demand ng kalakal kung tumataas ang presyo.
Subukang Isipin: Kung tumaas nang .20 bawat
litro ng diesel, magkano ang itataas ng pamasahe?
Kung madoble ang presyo ng sigarilyo dahil sa buwis, mababawasan kaya ang dami ng naninigarilyo?
Kung tumaas ng 20% ang presyo ng bigas, mababawasan kaya ang bumibili nito?
Break Muna!
Nagkaroon ng 10% na pagtaas sa presyo ng mga produkto na nakalista sa ibaba. Sa kabila nito, walang pagbabago sa suweldo mo. Magbigay ng anim (6) na produkto na bibilhin mo kahit na tumaas ang presyo nito.Bigas Gamot Sabong PanlabaCellphone Asukal SigarilyoLoad ng CP AsinLoad ng Internet TubigSoftdrinks MantikaChocolate Tinapay
Pamproseson Tanong: Ano ang iyong batayan sa pagpili ng mga
produkto? Nahirapan ka ba sa pagpili ng mga produkto?
Ipaliwanag. Anong mga konsepto ng ekonomiks ang iyong
naging batayan sa pagpili ng mga produkto. Paano mo ito ginamit sa pagpili ng produkto?
Panimula:
Maraming salik ang nakapagpapabago sa demand at isa na rito ang presyo. Kung marunong tayong magsuri, magiging matalino ang ating pagtugon dito. Subalit pare-pareho kaya ang pagtugon ng tao sa pagbabago ng presyo ng iba’t ibang uri ng produkto? Masusukat kaya natin ang mga naging pagtugon ng mamimili?
Ano ang elasticity ? Ito ay tumutukoy sa
bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand o supply batay sa pagbabago sa presyo.
Ipinakilala ni Alfred Marshall ang konsepto ng elasticity sa ekonomiks.
Price Elasticity ng Demand Tugon ng mamimili sa pabago-bagong
presyo ng mga produkto at serbisyo batay sa konsepto ng batas ng demand.
Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano ang magiging pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo nito.
Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing may pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo gamit ang formula na nasa ibaba.
ɛd = %ΔQd %ΔP
Bahagdan ng pagbabago sa Qd o %ΔQd ang tumatayong dependent variable at ang bahagdan sa pagbabago sa presyo o %ΔP naman ang independent variable. Nangangahulugan ito na ang demand elasticity ay palaging negatibo dahil ang Qd ay may salungat (inverse) na relasyon sa presyo. Para mas maayos ang interpretasyon, gagamitin natin ang absolute value ng formula nito.
Kung saan: ɛd = price elasticity of demand %ΔQd = bahagdan ng pagbabago sa Qd %ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Elastic Ang demand ay masasabing price elastic
kapag mas malaki ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Sa maliit na bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang mga mamimili ay nagiging sensitibo sa pagbili o naghahanap ng kapalit na kalakal.
%ΔQd > %ΔP or |ε| > 1
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Elastic Ang pagiging sensitibo sa quantity demanded sa
pagbabago ng presyo ay bunga ng mga sumusunod na dahilan:
Maaring marami ang substitute sa produkto. Ang produkto ay hindi pinaglalaanan ng malaki sa
badyet sapagkat hindi naman ito masyadong kailangan.
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Inelastic Ang demand ay masasabing price
inelastic kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo. Ipinahihiwatig nito na kahit malaki ang bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang mga mamimili ay hindi sensitibo sa pagbili o patuloy na binibili ang kalakal.
|ε| < 1
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Inelastic Ang hindi pagiging sensitibo ng quantity demanded
sa pagbabago ng presyo ay maaaring ipaliwanag ng sumusunod:
Halos walang malapit na substitute sa isang produkto.
Ang produkto ay pangunahing pangangailangan.
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Unitary o Unit Elastic Pareho ang bahagdan ng pagbabago
ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded. Ang pagbabago ng demand ay ayon sa pagbabago ng presyo batay sa batas ng demand.
%ΔQd = %ΔP or |ε| = 1
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Perfectly elastic o Ganap na elastic Nangangahulugan ito na anumang
pagbabago sa presyo ay magdudulot ng infinite na pagbabago sa quantity demanded. Ipinapakita rito na sa iisang presyo, ang demanded ay hindi matanto o mabilang.
|ε| = ∞
Uri ng Price Elasticity ng Demand
Perfectly inelastic o Ganap na inelastic Nangangahulugan ito na ang quantity
demanded ay hindi tutugon sa pagbabago ng presyo. Ang produktong ito ay napakahalaga na kahit na anong presyo nito ay bibilhin parin sa kaparehong dami.
|ε| = 0
Buod: Uri ng Price Elasticity ng Demand
Elastic |ε| > 1
Inelastic |ε| < 1
Unitary |ε| = 1
Ganap na Elastic |ε| = ∞
Ganap na Inelastic
|ε| = 0
MAG-COMPUTE TAYO!
Suriin ang sitwasyon. Gamit ang formula, kompyutin ang price elasticity of demand at tukuyin kung anong uri ng price elasticity ito.
Mayroon kang ubo at sipon. Ang gamot na nakagagaling sa iyo ay nagkakahalaga dati ng Php10 bawat isang piraso at bumili ka ng 10 piraso. Ngayon ang presyo ay Php15 bawat piraso. Bumili ka na lamang ng 8 piraso.
MAG-COMPUTE TAYO!
Suriin ang sitwasyon. Gamit ang formula, kompyutin ang price elasticity of demand at tukuyin kung anong uri ng price elasticity ito.
Sa halagang Php30 ay nakabili ka ng 2 bareta ng nakaugaliang brand ng sabon. Nang bumaba ang presyo nito sa Php25, nakabili ka ng 5 bareta ng sabon.
• Kung ikaw ay prodyuser ng produkto na
may inelastic na demand, marapat bang
isipin lang ang kumita ng malaking tubo?
Bakit?
PAGPAPAHALAGA
References:
Ekonomiks LM Yunit 2, Department of Education Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Panimula: Tungkulin ng bahay-kalakal (business firms)
ang lumikha ng mga kalakal. Sa plano ng produksyon maitatakda ng bahay-kalakal ang uri at dami ng produkto na dapat likhain.
Break Muna! Pagmasdan ang
iyong paligid. Maglista ng sampung (10) kalakal na madalas ibenta sa inyong lugar. Magkano ang kadalasang presyo nito.
SUPPLY Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo
na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon .
Nais magbenta ng mga negosyante ng isang kalakal o serbisyo kung mataas ang halaga nito. Kung mataas ang presyo, marami ang supply.
Mga Salik na nagpapabago sa Supply
Presyo Di-presyo
Pagbabago sa teknolohiya Pagbabago sa Halaga ng Produksyon Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda Pagbabago sa presyo ng mga kaugnay na
produkto Inaasahan ng mga negosyante
Batas ng Supply Mataas ang supply ng kalakal kung mataas ang
presyo nito. Bumababa ang supply ng kalakal kung bumababa ang presyo nito. Ceteris Paribus
Supply Schedule Isang talaan na nagpapakita ng dami
ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo
Supply Schedule ng KendiPrice (P) Quantity Supplied (Qs)
5 504 403 302 201 100 0
Paglipat ng Supply Curve
Ang pagtaas ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa kanan. Mangyayari ang paglipat ng kurba ng supply sa kanan kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagtaas ng supply. Ang pagbaba ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng supply sa kaliwa kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagbaba ng supply.
Supply Function
Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:
Qs = f (P) Ang Qs o quantity supplied ang
tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qs sa pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang ipagbili ng mga producer.
Supply Function Isa pang paraan ng pagpapakita ng
supply function ay sa equation na: Qs = c + dP
Kung saan: Qs= dami ng supply P = presyo c = intercept (ang bilang ng Qs kung
ang presyo ay 0) d = slope = ΔQs
ΔP Nagpapakita ang slope ng pagbabago
sa dami ng supply sa bawat pisong pagbabago sa presyo.
Supply Function Qs = c + dP
P=1 Qs=? P=5 Qs=? Qs = 0 + 10P Qs = 0 + 10P Qs = 0 + 10(1) Qs = 0 + 10(5) Qs = 0 + 10 Qs = 0 + 50 Qs = 10 piraso Qs = 50 piraso
Kompyutin ang nawawalang datos sa talahanayan.
Supply Function na Qs = 0 + 5P
Price (P) Quantity Supplied (Qs)
220
640
10
Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa Pagbabago ng Supply
Dapat bigyang-pansin ng mga prodyuser ang mabisang produksyon upang hindi madagdagan ang gastos sa pagbuo ng produkto.
Pagtuuan ng masusing pag-aaral bago pumasok sa isang negosyo.
Magplano sa inaasahang natural na kalamidad. Bigyang-pansin ang kapakanan ng mga
konsyumer, lalo na ang mga mahihirap.
• Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, anong
negosyo ang nais mong itayo. Anong kalakal o
serbisyo ang iyong ipapakilala sa mga
mamimili.
PAGPAPAHALAGA
References:
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Balik-aral: Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng kalakal
na handang bilhin ng mga mamimili sa isang takdang panahon.
Ang Supply ay tumutukoy sa dami ng kalakal na handang ipagbili ng mga negosyante sa magkakaibang presyo sa isang takdang panahon.
Ano ang Pamilihan? Ito ay isang mekanismo kung
saan ang mamimili at nagbebenta ay nagkakaroon ng transaksiyon upang magkaroon ng bentahan.
Ito rin ang nagsasaayos ng nagtutunggaliang interes ng mamimili at bahay –kalakal.
Puwersa ng Pamilihan (Market Forces)
Tumutukoy sa ugnayan ng supply at demand. Ang mamimili ay bumibili nang marami sa
mababang presyo samantalang marami namang ipinagbibili ang bahay-kalakal sa mataas na presyo.
Nag-uugnayan ang mamimili at bahay-kalakal sa pamamagitan ng pagtatakda ng presyo.
Batas ng Demand at Supply (Law of Supply and Demand)
Kung mataas ang presyo ng kalakal, tumataas ang supply, nagiging dahilan ito ng pagbaba ng presyo, nasiyang nagpapataas ng demand.
Ano ang ekwilibriyo?
Ang ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan. Ekwilibriyong presyo ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser at ekwilibriyong dami naman ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.
Ano ang presyong ekwilibriyo ng graph?
Ano ang ekwilibriyong dami ng graph? Sa anong presyo nagkakaroon ng
surplus (kalabisan)? Sa anong presyo nagkakaroon ng
shortage (kakapusan)?
Mga Salik na Nagpapabago ng Puwersa ng Pamilihan
Pagmahal ng mga salik ng produksyon Pagtaas ng kita ng mamimili Mahusay na pagsasanay sa mga
manggagawa Panic buying ng mga mamimili
BUOD: Hinuhubog ng pamilihan ang mga puwersa ng
demand at suplay. Ang ekilibriyong presyo ang nagtatakda ng
ekilibriyong dami ng produkto. Ang kakulangan at kalabisan ang pangunahing
suliranin ng pamilihan. Nalulutas ito ng sistema ng pamilihan.
Nagagamit ang pamilihan upang masinop ang paggamit ng pinagkukunang-yaman. Ito ay tinatawag na allocative role ng pamilihan.
Pamprosesong Tanong: Tungkol saan ang ipinahihiwatig ng mga larawan?
Isa-isahin ang mga simbolismong ginamit at ipaliwanag ang mensahe ng mga ito.
References:
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Ano ang pamilihan? Isang kalagayan kung saan may inter-
aksyon ang mga mamimili at nagtitinda. Ang mga nagtitinda ay nagpapaligsahan
upang mahikayat ang mga mamimili na bumili sa kanila.
Istruktura ng PamilihanGanap na
KompetisyonDi-Ganap na Kopetisyon
Monopoly
Monopolistic Competition
Oligopoly
Monopsony
Ganap na Kompetisyon Walang sinumang nagtitinda at mamimili ang
maaring magkontrol sa presyo ng kalakal. Ang mga ipinagbibiling produkto ay walang
pagkakaiba. Madaling pumasok sa pamilihan ang mga nais
magsimula ng negosyo.
Katangian ng Ganap na Kompetisyon
Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser Magkakatulad ang produkto (Homogenous) Malayang paggalaw ng sangkap ng
produksiyon Malayang pagpasok at paglabas sa industriya Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan
Di-Ganap na Kompetisyon Anumang kondisyon na hindi kakakitaan ng mga
katangian ng ganap na kompetisyon. Monopoly Monopolistic Competition Oligopoly Monopsony
Monopoly Isa lang ang nagtitinda sa pamilihan. Ito ang nagtatakda ng presyo at walang
magagawa ang mga mamimili.
Monopolistic Competition Marami ang nagtitinda ngunit may isang
komokontrol sa pamilihan. Maari nitong impluwensyan ang presyo ng
kalakal.
Oligopoly (Cartel) Marami ang nagtitinda ngunit walang
kompetisyon. Ang presyo ng kalakal ay walang pagkakaiba.
Monopsony Marami ang nagtitinda ngunit isa o isang grupo
lamang ang mamimili. Sa ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang
konsyumer na maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. Ang presyo ng kalakal ay nasa kontrol ng bumibili.
Buod:
Anyo ng Pamilihan
Balakid sa
Nagtitinda
Bilang ng Nagtitinda
Balakid sa
Mamimili
Bilang ng Mamimili
Perfect Competition
Wala Marami Wala Marami
Monopolistic competition
Wala Marami Wala Marami
Oligopoly OO Kakaunti Wala Marami
Monopoly Wala Isa OO Marami
Monopsony
OO Marami Wala Isa
• Sa iyong palagay, anong uri ng
pamilihan ang nagbibigay ng higit na
kapakinabangan sa mga mamimili.
Ipaliwanag ang inyong sagot.
PAGPAPAHALAGA
References:
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
ONCE UPON A TIME!
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at bumuo ng maaaring kahinatnan nito batay sa iyong sariling pagkaunawa. Isulat ang iyong kasagutan sa notebook. Matagal nang magsasaka si Mang
Francisco. Isang araw ay nabalitaan niyang ang presyo ng kaniyang produktong palay ay binibili lamang sa murang halaga. Ang presyo ay hindi kayang mabawi kahit puhunan niya sa binhi at fertilizer. Ano kaya ang maaaring mangyari kay Mang Francisco?
ONCE UPON A TIME!
Ang Gitnang Luzon ay sinalanta ng bagyo. Maraming palayan ang nasira. Ano kaya ang maaaring ibunga nito?
Dahil sa katatapos pa lamang na bagyo nabalitaan ng pamahalaan na maraming mga negosyante ang nanamantala sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo. Ano kaya ang maaaring gawin ng pamahalaan?
Pamprosesong Tanong:1. Paano ka nakabuo ng maaaring
kahinatnan ng pangyayari?2. Alin sa mga sitwasyon ang nahirapan
kang bumuo ng maaaring kahinatnan? Bakit?
Nicholas Gregory Mankiw
Government can sometimes improve market outcomes. Principles of EconomicsBagama’t ang pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya, may mga pagkakataong nahaharap ito sa pagkabigo o market failure. Sa ganitong pagkakataon, kinakailangan ang pakikialam ng pamahalaan sa takbo ng pamilihan.
Balik-aral:
Ang pamilihan nagsasaayos ng nagtutunggaliang interes ng mamimili at bahay – kalakal.
Ang mamimili ay bumibili nang marami sa mababang presyo samantalang marami namang ipinagbibili ang bahay-kalakal sa mataas na presyo.
Ang napagkasundunang presyo ng mamimili at bahay-kalakal ay tinatawag na presyong ekwilibriyo.
Bagong Presyong Ekwilibriyo
Tuwing nagkakaroon ng paglipat sa kurba ng suplay o demand, nagkakaroon din ng pagbabago sa presyong ekwilibriyo.
P
QD1
S
800
300
D2
950
Bagong Presyong Ekwilibriyo
Ano ang presyong ekwilibriyo para sa D1?
Ano ang presyong ekwilibriyo para sa D2?
Anong uri ng pagbabago ang naganap sa demand curve?
800
300
P
QD2
S
D1
950
Pagtatakda ng Batas sa Presyo ng Kalakal(Price Control)
Kung minsan, itinatakda ng pamahalaan ang presyo ng kalakal upang maiwasan ang pang-aabuso sa panig ng nagtitinda o ng mamimili.
Price Ceiling – ang pinakamataas na presyo na maaring ibenta ang produkto.
Price Floor – ang pinamababang presyo na maaring ibenta ang produkto.
Price Ceiling
• Ang price ceiling na
mas mataas sa presyong ekwilibriyo ay walang epekto sa pamilihan.
Hindi malulugi ang
mga nagtitinda.
P
QD
S
800
300
Price Ceiling1000
P
QD
S
800
Price Ceiling500
250 400
Shortage
Price Ceiling
• Ang pagtatakda ng price ceiling na mas mababa sa presyong ekwilibriyo ang makakaiwas sa pagkalugi ng mga negosyante.
Price Floor• Ang pagtatakda ng Price
Floor na mas mababa sa presyong ekwilibriyo ay
walang epekto sa presyo ng mga kalakal.
P
QD
S
400
500
Price floor300
P
DD
S
400
Price Floor500
400 550
Labor Surplus
Price Floor
• Ang pagtatakda ng Price Floor na mas mataas sa presyong ekwilibriyo ay magdudulot ng mataas
na presyo ng mga kalakal.
Epekto ng pagkakaroon ng Price Ceiling
Mabuti: Mababang presyo ng mga bilihin. Kasiguruhan sa mga mamimili.
Di-mabuti: Pagbaba ng Supply Nagiging dahilan ng Kakulangan Nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga
ilegal na pamilihan (black market)
Epekto ng pagkakaroon ng Price Floor
Mabuti: Mas mataas na sahod sa mga manggagawa Mas malaking tubo sa mga nagtitinda
Di-mabuti: Mas mataas na presyo ng bilihin Maaring maging dahilan ng kalabisan ng
kalakal. Mas mababang demand ng mga bilihin
Suggested Retail Price (SRP)
Presyong itinakda ng pamahalaan para sa isang kalakal.
Mahigpit na binabantayan ang mga produkto nakabilang sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, asukal, kape, harina, tinapay, itlog, at instant noodles
Ang patakarang ito ay isang pamamaraan upang mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng nasabing produkto.
Price Freeze Pagbabawal sa pagtataas ng presyo sa
pamilihan. Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang
mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto.
Labag sa Anti- Profiteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na presyo.
Price support
Ito ay paraan ng pamahalaan na bigyan ng tulong ang mga negosyante upang maiwasan ang pagkalugi o mabawasan ang kita.
Kabilang dito ang mga subsidy, tax exemption o tax deduction, discount at bonus.
Layunin nito na mapanatili ang mababang halaga ng produksyon upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
Seatwork:Anong presyo ang napagkasunduan ng suplayer at konsyumer sa mga sumusunod:
Unang kurba ng supply
Ikalawang kurba ng supply
Seatwork:Sa anong presyo maaring ipataw ang sumusunod:
Price ceiling sa unang kurba ng supply
Price floor sa unang kurba ng supply
Price ceiling sa ikalawang kurba ng supply
Price floor sa ikalawang kurba ng supply
• Sa iyong palagay, ano ang mas madalas
na mangyari sa mga kalakal sa Pilipinas.
Nakakatulong ba ito sa ekonomiya ng
bansa?
PAGPAPAHALAGA
References:
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI