cavite report

19
CAVITE PANGKAT 4

Upload: krafsman25

Post on 07-Aug-2015

134 views

Category:

Travel


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: Cavite report

CAVITEPANGKAT 4

Page 2: Cavite report

HEROGRAPIYA Ang Cavite ay isang lalawigan sa Pilipinas na

matatagpuan sa katimugang baybayin ng Look ng Maynila sa rehiyon ng CALABARZON sa Luzon, Ito ay 30 kilometro mula sa timog ng Maynila. 

Trece Martires ang kabisera nito at ang nanatiling sentro ng pamahalaang panlalawigan kung saan matatagpuan ang kapitolyo. Pinalilubutan ang Kabite ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa timog. Sa kanluran naman matatagpuan ang Dagat Timog Tsina.

Page 3: Cavite report

Click icon to add picture

Page 4: Cavite report

RELIHIYON 80% ng mga naninirahan sa Cavite

ay mga Katoliko habang 11% ay kasapi sa Aglipay at 4% ang mga miyembro ng Iglesia ni Kristo. At ang natitira pang porsiyento ay para sa iba pang mga relihiyon.

Page 5: Cavite report

POPULASYON Ang populasyon ng Cavite ay tumaas

ng 4.12% mula 2000 hanggang 2010. Ayon sa 2010 sensus ang kabuuang populasyon ng Cavite ay 3,090,691 mula sa dating 2,063,161 noong 2000.

Page 6: Cavite report

MGA KILALANG TAO EMILIO AGUINALDO Y FAMY

Ipinanganak sa Kawit, Cavite noong March 22,1869. Siya ay isang pilipinong heneral, politiko at pinuno ng kalayaan. Siya rin ang naging unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas buhat ng pagkapanalo niya sa botohan sa kumbensyon ng Tejeros. 

Page 7: Cavite report

RAMON ”JOLO” REVILLA III

Ipinanganak noong March15,1988 sa Quezon city siya ay tumakbo bilang kapitan ng Panapan VII sa Bacoor, Cavite noong 2010 at nahalal. Noong 2013 tumakbo naman siya bilang bise gobernador ng Cavite kasama ang kanyang kaalyado na si Jonvic Remulla na tumakbo bilang gobernador ng Cavite.Si Jolo Revilla ang pinakabatang bise-gobernador na nahalal sa kasaysayan ng Pilipinas.

Page 8: Cavite report

JULIAN FELIPE

Ipinanganak si Julian Felipe sa Lungsod ng Cavite. Isang mahusay na guro ng musika at kompositor, itinalaga siya ni Emilio Aguinaldo bilang Direktor ng Pambansang Banda ng Unang Republika ng Pilipinas. Siya rin ang may-katha ng pambansang awit ng Pilipinas na kilala dati sa tawag na “Marcha Nacional Magdalo” na unang tinugtog ng bandang matanda nang iproclama ang kalayaan ng Pilipinas.

Page 9: Cavite report

MGA MAGAGANDANG TANAWIN

Page 10: Cavite report

EMILIO AGUINALDO SHRINE

- Ito ay ang lumang bahay ni Emilio Aguinaldo na kung saan ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12,1898. Dito rin iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa unang pagkakataon. Ang gusali na ito ay talagang pinagsamang impluwensiya ng arkitektura ng mga Baroque, Romanesque, at Malayan. Sa bisa ng Republic Act No. 4039 itinalaga ni Pangulong Diosdado Macapagal na maging national shrine ang bahay ni Aguinaldo.

Page 11: Cavite report

TAGAYTAY RIDGE

- Ang lungsod ng Tagaytay ay kilala bilang ikalawang “Summer Capital ng Pilipinas sunod sa Bagiuo. Ang tanyag na Tagaytay ridge ay talagang parte ng bunganga ng isang napakalumang bulkan na nasira ilang taon nang nakakaraan. Sa loob ng nasirang bulkan na ito ay ang Taal lake at ang Taal volcano. Ang lugar na ito ay nag-aalok ng isang “panoramic visit” na kung saan merong pagpipiknikan, komportableng pasilidad at iba pang paglilibangan.

Page 12: Cavite report

PALSAHINGIN FALLS 

- Ang talon na ito ay may taas na 50 talampakan ng bumubulusok na tubig. Ito rin ay may 4 na kuwebang daanan na makikita sa loob ng talon,na may tatlong metrong kahaba mula sa pasukan

Page 13: Cavite report

TRIVIAAlam niyo ba? Maraming matatandang sa Cavite city at Ternate ang

gumagamit ng salitang Chavacano. Ang Chavacano ay tinatawag ding “Creole Spanish”.

Tinatawag ang Cavite bilang “birthplace of Philippine independence”. Dahil dito unang ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas ni Emilio Aguinaldo

Ang munisipalidad ng Bacoor ang may pinaka-maraming populasyon sa lalawigan ng Cavite noong 2007 dahil sa populasyon nitong 440,000 na tao.

Ang munisipalidad naman ng Amadeo sa Cavite ay tinatawag na “Coffee Capital of the Philippines”.

Page 14: Cavite report

Ang minisipalida naman ng Dasmarinas ang Kaunaunahang nagkaroon ng SM at Robinsons Mall sa Cavite.

Page 15: Cavite report

PRODUKTO

Page 16: Cavite report

TINAPA

Ito ay isang pangunahing produkto ng mga taga- Rosario,Cavite. Ito ay isang isda na pinauusukan at kinakain. Ang tawag sa paraan ng paggawa nito ay tinatawag na “pagtatapa”.

Page 17: Cavite report

GATAS NG KALABAW

Ito naman ay ang pangunahing

produkto ng mga taga- Gen.Trias, Cavite na pwedeng gawing Queso, Pastillas, at marami pang iba.

Page 18: Cavite report

TAHONG Isa sa mga produkto ng

Cavite dahil na rin sa malapit sila sa katubigan kaya is a sa mga hanapbuhay nila ay ang pangingisda.may iba’t ibang luto ang tahong tulad ng: tinolang tahong, sabaw ng tahong at marami pang iba.

Page 19: Cavite report

www.cavite.gov.ph

For more information please visit: