designer methods ng pagtuturo d 70

23
Ang Mga “Designer Methods” ng Dekada ‘70

Upload: luis-loreno

Post on 15-Apr-2017

354 views

Category:

Education


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: designer methods ng pagtuturo d 70

Ang Mga “Designer Methods” ng Dekada ‘70

Page 2: designer methods ng pagtuturo d 70

Ang Mga “Designer Methods” ng Dekada ‘70

– 1. Ang Community Language Learning (CLL)

– 2. Ang Suggestopedia

– 3. Ang Silent Way

– 4. Ang Total Physical Response (TPR)

– 5. Ang Natural Approach

– 6. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching)

Page 3: designer methods ng pagtuturo d 70

Ang Mga “Designer Methods” ng Dekada ‘70

– 7. Ang Pagkatuto na Tulong-tulong (Cooperative Learning)8. Ang Pagkatutong Interactib (Interactive Learning)9. Ang Whole Language Education

– 10. Content-Centered Education11. Ang Pagkatutong Task-Based

Page 4: designer methods ng pagtuturo d 70

Ang Mga “Designer Methods” ng Dekada ‘70

1. Ang Community Language Learning (CLL)Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin. Ang pamaraan ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni Charles A. Curran na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente na nagsama-sama bilang isang komunidad na binibigyan ng kaukulang pagpapayo.

Page 5: designer methods ng pagtuturo d 70

2. Ang SuggestopediaAng pamaraang ito’y halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba’y isinasagawa ang mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang kalooban ng bawat mag-aaral at relaks ang kanilang isipan.

Page 6: designer methods ng pagtuturo d 70

Mga katangian:

a) Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging panatag ang kalooban b) Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuot at may maririnig na mahinang tugtugin. c) Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang komprehensibo. d) Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika.

Page 7: designer methods ng pagtuturo d 70

Mga katangian:

e) Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension; ang kamalayan (conscious) kung saan nakikinig sa isang binabasaang diyalogo at ang kawalang-kamalayang (sub-conscious) kung saan ang musikang naririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali. f) Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama. g) Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal na pagsubok ang ibinibigay.

Page 8: designer methods ng pagtuturo d 70

3. Ang Silent Way

Ito ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinapaubaya sa mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto. Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan nanatiling tahimik ang guro kaya ang katawagan Silent Way.

Page 9: designer methods ng pagtuturo d 70

4. Ang Total Physical Response (TPR)

– Ang pamamaraang ito’y humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsasabi na ang pakatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aralan.

Page 10: designer methods ng pagtuturo d 70

Mga Katangian:

a) Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mg autos mula sa titser na isinasagawa ng mga mag-aaral. b) May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral-mag-aaral; nagsasalita ang guro, tumutugon ang mga ma-aaral sa pamamatnubay ng guro. c) Binibigyang diin ang komunikasyong pasalita, isinasaalang-alang ang kultura ng mga katutubong tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika.

Page 11: designer methods ng pagtuturo d 70

Mga Katangian:

d) Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang sa pamamagitan ng mga kilos. e) Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mga kamaliang global lamang ang iniwawasto.

Page 12: designer methods ng pagtuturo d 70

5. Ang Natural Approach- Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang lebel ng pagkatuto kung saan mahalaga ang mga “comprehensive input” upang mapasigla ang pagtatamo ng wika. Nilalayon ng Natural approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon gaya ng pakikipag-usap, pamimili, pakikinig sa radyo at iba pa.

Page 13: designer methods ng pagtuturo d 70

– Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t-iba at mga kawili-wiling gawaing pangklasrum gaya ng laro, maikling dula-dulaan at pangkatang gawain.

Page 14: designer methods ng pagtuturo d 70

6. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching)

– Ang katawagang ito’y gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa pagatuturo. Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:

– a) Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral; ang input ng mag-aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.

Page 15: designer methods ng pagtuturo d 70

– b) Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral. (Hal. Pangkalahatang gawain o pagsasanay) c) Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili; d) At kurikulum na may kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.

Page 16: designer methods ng pagtuturo d 70

7. Ang Pagkatuto na Tulong-tulong (Cooperative Learning)

– Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang magbahaginan ng mga impormasyon na laging naroon ang pagtulungan sa isa’t-isa. Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang (collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin

Page 17: designer methods ng pagtuturo d 70

8. Ang Pagkatutong Interactib (Interactive Learning)

– Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa rin s ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon, na lagging may nauunawaan sa isang konteksto.

Page 18: designer methods ng pagtuturo d 70

Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:

a) madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan b) paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito. c) Paglikha ng mga tunay ng wika para sa makabuluhang komunikasyon d) Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktuwal na paggamit ng wika sa “labas” e) Pagpapasulat na totoo ang target audyens

Page 19: designer methods ng pagtuturo d 70

9. Ang Whole Language Education

– Ang katawagang ito’y bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyan-diin: a) Ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw ng pagbabahagi ng wika sa maliliit nitong elemento gaya ng ponema, morpema at sintaks.

Page 20: designer methods ng pagtuturo d 70

– b) Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang pagsulat (pagbasa at pagsulat); at c) Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas na umuunlad, na katulad din ng alituntuning pasalita.

Page 21: designer methods ng pagtuturo d 70

10. Content-Centered Education- Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1989) ang content-centered education ay ang integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalalman sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y ang magkasabay na pag-aaral ng wika at paksang-aralin, na ang anyo at pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng wika ay idinidikta ng nilalaman ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ang itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggamitan nito

Page 22: designer methods ng pagtuturo d 70

11. Ang Pagkatutong Task-Based

– Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo nga mga magsasagawa ng task. Ang task ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit man “malaki” ang saklaw nit kaysa sa teknik.

Page 23: designer methods ng pagtuturo d 70

– Ang pagkatutong task-based ay bagong pamaraan. Binibigyang pokus lamang nito ang tasksa pagtuturo. Tinatanaw nito ang proseso sa pagkatuto bilang isang komunikatib task na tuwirang nakaugnay sa mga layuning pangkagawian at ang mga hangaring nito’y lagpas na nakagawiang pagsasanay ng wika.