dyaryo

8
1 TINIG Sa bawat establisyimentong naitatayo, kailangan ng matatag na pundasyon upang ito'y tumagal nang matayog at matagumpay. Ngunit ano nga ba ang tunay na pundasyon? Pundasyon na gawa sa semento't mga bato? o Pundasyong panghababangbuhay na magpapa- natili sa pagkabuhay nito tulad ng mga tao? Noong ika-15 at ika-16 ng Hulyo, dumalo tayo sa ika-35 na pagdiriwang ng pagkatayo ng ating paaralan, Flos Carmeli Institution of Quezon City. Unang tumambad sa atin ang mga naglalakihang mga bulaklak na pinagtulungang ay- usin ng mga mag-aaral. Karamihan doon ay mga banyagang bulaklak na malimit o kadalasa'y 'di nakikita sa ating bansa. Naipapakita sa ba- wat bulaklak na iyon kung gaano kasining ang mga mag-aaral ng nabanggit na paaralan. Matapos ang paradang nagbigay sa lahat ng estudyante ng pagkakataong maka- labas sa paaralan nang sama-sa- ma, nagkaroon ng misa sa loob ng ating eskwelahan na pinamunuan ni Fr. Daniel Allan Samonte. Higit na na-engganyo sa misa ang lahat nang siya'y nagbigay ng pangaral. Kanyang binigyang-diin ang ating pagiging maswerte dahil kung iku- kumpara sa mga kabataang nagla- lakad ng kilo-kilometro para lang makapasok sa paaralan; sa mga ba- tang nais mag-aral ngunit walang pang-matrikula; sa mga hindi na- kakapasok dahil hinang-hina't saki- tin dahil sa kasalatan ng makakain; talagang kami'y lubos na namumu- hay na sa ginhawa. Sa pag-aaral na- tin nang mabuti, nagagawa nating maibalik ang utang na loob natin sa mga sumosoporta sa atin lalo na sa ating mga magulang na nagsisikap para sa atin. Hindi pa doon nagtatapos ang unang araw. Sinimulan ang pang- hapong programa sa pagpapakita ng kalistuhan at katalinuhan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng isang quiz bee na tungkol sa Our Lady of Mount Carmel. Sa bandang huli, matagumpay na naipanalo iyon ni Jovis Malasan na nasa ika- apat na taon sa mataas na paaralan. Ilang sandali lamang, inumpisahan na rin ang patimpalak sa paghah- anap ng "Talentadong Carmelian" na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa preparatorya hanggang sa secondarya. Sina G. Bernard IKA-35 NA TAONG PAGKAKATATAG Ang pambungad na pagsasalita ng punong-guro sa pagsisimula ng pagtatanghal ng mga mag-aaral Ang oras ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay may malaking porsiyento sa araw-araw na pamu- muhay nila. Sa paaralan, nagkaka- roon sila ng pagkakataong matuto, magabayan at madisiplina nang tama. Ang pag-aaral ng mga mag- aaral ay naapektuhan ng pagtuturo ng mga guro sa loob ng apat na sulok na silid sa paaralan kaya mahalaga na makapili nang maayos ang mga mag-aaral, kung saang unibersidad o kolehiyo ang inyong pag-aaralan sa hinaharap. Noong ika-21 ng Hulyo, nag- karoon ng taunang Career Orienta- tion sa ating paaralan, kung saan pumunta ang mga representatib ng iba’t ibang eskuwelahan at mga unibersidad upang manghikayat at ipakilala ang kani-kanilang mga pasilidad at mga kurso na inihah- andog ng kanilang paaralan para sa mga estudyante na magkokolehiyo na. Ang unang eskuwelahan na naglahad ng kanilang AVP, na nag- papakita kung anu-ano ang mga iniaalok nilang mga programa at kurso, ay ang iAcademy na isang ICT na paaralan. Ang sumunod na nagpakilala ay ang mga taga-Uni- CAREER ORIENTATION Ang wika ay tulay sa pag- kakaunawaan ng bawat tao, kahit iba-iba man ang lengguwahe na ginagamit ng mga tao, iyon ay nag- papatunay lang ng pagkakaroon ng sari-sarili nilang kultura. “Sa Pan- gangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal, Talagang Kailangan.” Iyan ang tema ng pinagdiwang natin noong ika-16, 17, 18 at 20 ng Agosto. Ibig nitong iparating na kung hindi natin ma- mahalin at pangangalagaan ang wika at kalikasan, wala na tayong magandang maibabahagi sa mga kabataan sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon. Nung Lunes (Ika-16 ng Agosto, 2010), natunghayan natin ang pag- babasa ng mga lumahok sa pala- tuntunan na masining na pagbasa. Bagamat pare-pareho sila ng piyesa na binasa sa harap ng mga hurado’t mga manonood, nakakitaan pa rin sila ng iba’t iba istilo’t kahusayan. Noong sumunod na araw, na- BUWAN NG WIKA pakinggan natin ang mga awiting may tatak Pilipino ngunit hindi lamang sa wikang Tagalog nabuo. Halimbawa na lang ang mga awit- ing Malinac Lay Labi(Pangasinan), Lawiswis Kawayan(Waray), Atin Cu Pung Singsing(Kapampangan), Manang Biday(Ilokano), Ohoy Alingbangbang(Ilonggo), Dandansoy(Bisaya), at Sarung Banggi(Bikol). Dahil sa husay ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang sa elementarya, sila ang nanalo sa patimpalak na ito. Hindi lang pag-awit ang ini- handa ng mga mag-aaral para sa pagdiriwang ng linggo ng wika. Nung ika-18 ng Agosto, nagkaroon ng pasayaw na interpretasyon na inihandog sa mga nanood para maipakita ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng wika’t kalikasan sa atin. Mas binigyang kabuluhan pa ng palatuntunang ito ang tema ng selebrasyong ito dahil sa pinaki- tang emosyon ng ilan at debosyon sa pagtatanghal para sa mga magi- liw na tagapanood. Bagamat nauntala ang pagdi- riwang sa sumunod na araw dahil THE FLAVORS OF TRESTON Noong ika-16 ng Setyembre, nagkaroon ng promosyonal na pro- grama ang Treston International College sa “Market! Market!”. Sa ka- tunayan, inanyayahan nila ang mga mag-aaral sa ika-apat na antas na magtungo roon at makisali sa pala- tuntunang kanilang inihanda. Ang palatuntunang iyon na pinamaga- tang “The Flavors of Treston”, ay may layuning manghikayat ng mga posibleng mag-aaral na maaring mag-enroll sa kanilang paaralan. Dalawang sasakyan ang ipi- nadala ng Treston Internation- al College para kami’y sunduin, kasama ang dati naming Guidance Counselor na si Gng. Lumanog. Tumagal ng humigit kumulang na tatlong oras ang biyahe namin pap- unta roon pero bakas pa rin sa amin ang kagala- kan dahil kami lang ang tanging inimbitahan at sinundo ng Treston para dumalo roon. Nagsimula ang programa sa pagpa- pakilala ng kanilang paaralan sa mga ma- nunuod. Ang Treston International College ay isa sa mga unang paar- alan sa Pilipinas na bu- mibihasa sa Hospitality Management, Culinary, Business Management and Computer Studies. Entablado ng pinag-ganapan ng programa ng Treston International College (Papapatuloy sa p. 3) (Papapatuloy sa p. 4) (Papapatuloy sa p. 4) (Papapatuloy sa p. 4)

Upload: jovis-malasan

Post on 30-Mar-2015

5.304 views

Category:

Documents


28 download

TRANSCRIPT

Page 1: DYARYO

1TINIG

Sa bawat establisyimentong naitatayo, kailangan ng matatag na pundasyon upang ito'y tumagal nang matayog at matagumpay. Ngunit ano nga ba ang tunay na pundasyon? Pundasyon na gawa sa semento't mga bato? o Pundasyong panghababangbuhay na magpapa-natili sa pagkabuhay nito tulad ng mga tao?

Noong ika-15 at ika-16 ng Hulyo, dumalo tayo sa ika-35 na pagdiriwang ng pagkatayo ng ating paaralan, Flos Carmeli Institution of Quezon City. Unang tumambad sa atin ang mga naglalakihang mga bulaklak na pinagtulungang ay-usin ng mga mag-aaral. Karamihan doon ay mga banyagang bulaklak na malimit o kadalasa'y 'di nakikita sa ating bansa. Naipapakita sa ba-wat bulaklak na iyon kung gaano kasining ang mga mag-aaral ng nabanggit na paaralan. Matapos ang paradang nagbigay sa lahat ng estudyante ng pagkakataong maka-labas sa paaralan nang sama-sa-ma, nagkaroon ng misa sa loob ng ating eskwelahan na pinamunuan ni Fr. Daniel Allan Samonte. Higit na na-engganyo sa misa ang lahat nang siya'y nagbigay ng pangaral. Kanyang binigyang-diin ang ating pagiging maswerte dahil kung iku-

kumpara sa mga kabataang nagla-lakad ng kilo-kilometro para lang makapasok sa paaralan; sa mga ba-tang nais mag-aral ngunit walang pang-matrikula; sa mga hindi na-kakapasok dahil hinang-hina't saki-tin dahil sa kasalatan ng makakain; talagang kami'y lubos na namumu-hay na sa ginhawa. Sa pag-aaral na-tin nang mabuti, nagagawa nating maibalik ang utang na loob natin sa mga sumosoporta sa atin lalo na sa ating mga magulang na nagsisikap para sa atin.

Hindi pa doon nagtatapos ang

unang araw. Sinimulan ang pang-hapong programa sa pagpapakita ng kalistuhan at katalinuhan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng isang quiz bee na tungkol sa Our Lady of Mount Carmel. Sa bandang huli, matagumpay na naipanalo iyon ni Jovis Malasan na nasa ika-apat na taon sa mataas na paaralan. Ilang sandali lamang, inumpisahan na rin ang patimpalak sa paghah-anap ng "Talentadong Carmelian" na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa preparatorya hanggang sa secondarya. Sina G. Bernard

IKA-35 NA TAONG PAGKAKATATAG

Ang pambungad na pagsasalita ng punong-guro sa pagsisimula ng pagtatanghal ng mga mag-aaral

Ang oras ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay may malaking porsiyento sa araw-araw na pamu-muhay nila. Sa paaralan, nagkaka-roon sila ng pagkakataong matuto, magabayan at madisiplina nang tama. Ang pag-aaral ng mga mag-aaral ay naapektuhan ng pagtuturo ng mga guro sa loob ng apat na sulok na silid sa paaralan kaya mahalaga na makapili nang maayos ang mga mag-aaral, kung saang unibersidad o kolehiyo ang inyong pag-aaralan sa hinaharap.

Noong ika-21 ng Hulyo, nag-karoon ng taunang Career Orienta-tion sa ating paaralan, kung saan pumunta ang mga representatib ng iba’t ibang eskuwelahan at mga unibersidad upang manghikayat at ipakilala ang kani-kanilang mga pasilidad at mga kurso na inihah-andog ng kanilang paaralan para sa mga estudyante na magkokolehiyo na.

Ang unang eskuwelahan na naglahad ng kanilang AVP, na nag-papakita kung anu-ano ang mga iniaalok nilang mga programa at kurso, ay ang iAcademy na isang ICT na paaralan. Ang sumunod na nagpakilala ay ang mga taga-Uni-

CAREER ORIENTATION

Ang wika ay tulay sa pag-kakaunawaan ng bawat tao, kahit iba-iba man ang lengguwahe na ginagamit ng mga tao, iyon ay nag-papatunay lang ng pagkakaroon ng sari-sarili nilang kultura. “Sa Pan-gangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal, Talagang Kailangan.” Iyan ang tema ng pinagdiwang natin noong ika-16, 17, 18 at 20 ng Agosto. Ibig nitong iparating na kung hindi natin ma-mahalin at pangangalagaan ang wika at kalikasan, wala na tayong magandang maibabahagi sa mga kabataan sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Nung Lunes (Ika-16 ng Agosto, 2010), natunghayan natin ang pag-babasa ng mga lumahok sa pala-tuntunan na masining na pagbasa. Bagamat pare-pareho sila ng piyesa na binasa sa harap ng mga hurado’t mga manonood, nakakitaan pa rin sila ng iba’t iba istilo’t kahusayan.

Noong sumunod na araw, na-

BUWAN NG WIKA

pakinggan natin ang mga awiting may tatak Pilipino ngunit hindi lamang sa wikang Tagalog nabuo. Halimbawa na lang ang mga awit-ing Malinac Lay Labi(Pangasinan), Lawiswis Kawayan(Waray), Atin Cu Pung Singsing(Kapampangan), Manang Biday(Ilokano), Ohoy A l i n g b a n g b a n g ( I l o n g g o ) , Dandansoy(Bisaya), at Sarung Banggi(Bikol). Dahil sa husay ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang sa elementarya, sila ang nanalo sa patimpalak na ito.

Hindi lang pag-awit ang ini-handa ng mga mag-aaral para sa pagdiriwang ng linggo ng wika. Nung ika-18 ng Agosto, nagkaroon ng pasayaw na interpretasyon na inihandog sa mga nanood para maipakita ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng wika’t kalikasan sa atin. Mas binigyang kabuluhan pa ng palatuntunang ito ang tema ng selebrasyong ito dahil sa pinaki-tang emosyon ng ilan at debosyon sa pagtatanghal para sa mga magi-liw na tagapanood.

Bagamat nauntala ang pagdi-riwang sa sumunod na araw dahil

THE FLAVORS OF

TRESTONNoong ika-16 ng Setyembre,

nagkaroon ng promosyonal na pro-grama ang Treston International College sa “Market! Market!”. Sa ka-tunayan, inanyayahan nila ang mga mag-aaral sa ika-apat na antas na magtungo roon at makisali sa pala-tuntunang kanilang inihanda. Ang

palatuntunang iyon na pinamaga-tang “The Flavors of Treston”, ay may layuning manghikayat ng mga posibleng mag-aaral na maaring mag-enroll sa kanilang paaralan.

Dalawang sasakyan ang ipi-nadala ng Treston Internation-al College para kami’y sunduin, kasama ang dati naming Guidance Counselor na si Gng. Lumanog. Tumagal ng humigit kumulang na tatlong oras ang biyahe namin pap-

unta roon pero bakas pa rin sa amin ang kagala-kan dahil kami lang ang tanging inimbitahan at sinundo ng Treston para dumalo roon.

Nagsimula ang programa sa pagpa-pakilala ng kanilang paaralan sa mga ma-nunuod. Ang Treston International College ay isa sa mga unang paar-alan sa Pilipinas na bu-mibihasa sa Hospitality Management, Culinary, Business Management and Computer Studies.

Entablado ng pinag-ganapan ng programa ng Treston International College

(Papapatuloy sa p. 3) (Papapatuloy sa p. 4)

(Papapatuloy sa p. 4) (Papapatuloy sa p. 4)

Page 2: DYARYO

TINIG2

BOOK WEEK

Ayon kay Jeremy Collier, ang mga libro ay sumumosoporta sa atin sa ating pagiging mag-isa at tinutulungan tayo nito na hindi mabaon sa ating sariling mga prob-lema. Wari’y nakikipag-usap ang mga aklat sa pamamagitan ng mga sulat sa bawat pahina nila. Maaaring ito’y maging mabisa sa mambabasa lamang, o sa takapakinig lamang o sa kahit kanino man dahil ang mga libro ay hindi namimili. Mahalaga rin ang mga libro dahil hindi la-mang nila pinapaunlad ang ima-hinasyon ng mga kabataan, gayun din ang mga matatanda. Kaya ang Scholastic Inc., dala ang mga libro na kanilang pinagbibili ay nagpun-ta sa aming paaralan. Hangarin nil-ang mahikayat ang mga mag-aaral na linangin sila sa pagbabasa ng mga libro. Sa pagtatapos ng isang linggo nilang pamamalagi doon, mahigit 50 na libro ang napagbili at ang karamihan ay binili ng mga mag-aaral sa ikaw-5 na baitang sa elementarya. Nagpaalam ang Scholastic Inc. sa pamamagitan ng isang palatuntunan noong hapon ng ika-24 ng Setyembre.

BSP AT GSP SA FLOS CARMELI

Sa ilalim ng Philippine Com-monwealth Act No. 111, naitatag ang Kapatirang Scout ng Pilipinas o Boy Scouts of the Philippines. Ito ay isang asosasyon ng mga batang lalaki sa Pilipinas na may misyong ipaalam sa kabataan at maging sa mga matatanda ang pagmamahal sa Diyos, sa bayan at sa kapwa Pili-pino. Ngunit hindi lamang kalalaki-han ang may pagkakataong sumapi sa kapatiran na tulad niyon. Maging

ang kababaihan ay maaaring luma-hok sa samahang naitatag sa ilalim ng Commonwealth Act No. 542, na kung tawagin ay Girl Scouts of the Philippines.

Sa unang pagkakataon ngayong dekada, nanghikayat ang aming paaralan ng mga mag-aaral mula sa ika-apat na baitang sa el-ementarya hanggang sa ikalawang antas sa sekondarya ng mga poten-syal na scouts. Ang bilang ng mga

Linya ng mga Boy at Girl Scouts of the Philippines ng FCI sa loob ng paaralan

scouts mula sa FCI na nairehistro ay ___. Sila ay sinasanay na mag-ing handa sa mga bagay na maar-ing dumating sa kanilang buhay at hinuhubog din sila para maging isang ihemplo sa ibang estudyante. Sila ay dinidisiplina sa isip at gawa sa tulong ng mga scout leader na nagsisilbing huwaran sa mga estudyante.

Noong ika-12 at ika-13 ng No-byembre, nagkaroon ng overnight indoor camping ang mga scouts. Ang kanilang pamamalagi sa paar-alan ng buong araw ay nagpatibay pang higit sa kanilang koopera-syon, disiplina, at pagkakawang-gawa. Karanasan ang pinakaim-portante sa kanilang Investiture. Ang karanasan nilang pagluluto sa katutubong paraan at paglalaro ng mga larong nagbubuklod pa lalo sa mga scouts, ang nagturo sa scouts ng mga leksyong hindi nila maii-wan kahit saan pa sila tumungo. Sabi nga sa isang salawikain, Ang karanasan ang pinakamagaling na guro. Sa pagsapi sa asosasyon ng mga scouts, sila ay nagiging mas mapanalig sa Diyos, mas masunu-rin at mas nahuhubog ang kanilang kagandahang asal na dala-dala nila kahit saan pa man sila magpunta.

LAKBAY-ARAL

Ang edukasyon ay hindi la-mang nakukuha sa loob ng apat na sulok na silid sa paaralan kun’di pati rin sa labas ng paaralan. Para mas maging malawak ang kaala-man ng mga mag-aaral, minsan sa isang taon, binibigyan nila ang mga mag-aaral ng pagkakatataong maglakbay sa iba’t ibang tanawin at lugar upang maging mas kaiga-igaya ang kanilang pag-aaral.

Noong ika-1 ng Oktubre, karamihan ng mga mag-aaral sa Flos Carmeli Institution of Quezon City ay sumama sa isang lakbay-aral. Sama-samang naglibang at natuto ang mga mag-aaral, guro at iba pang mga tagapangasiwa ng

paaralan sa paglalakbay na iyon. Sa katunayan, nagkaroon kami ng iba’t ibang pagkakataon sa paglalakbay na iyon, kung saan lahat kami ay may kagalakang sumali.

Sa una naming destinasyon, nakita namin ang kagandahan ng tanawin sa tuktok ng mga bundok sa Tarlac. Kahit na naging mata-gal ang biyahe patungo roon, may magandang naibunga rin iyon dahil sa pagpunta namin doon, natung-hayan at naranasan namin kung paano ginaganap ang misa sa Mon-asteryo de Tarlac. Bagamat malapit na magpaalam ang araw, nagpatu-loy pa kami sa ikalawa naming des-tinasiyon: Ang Zoobic Safari.

Napakaraming atraksyon ang aming nakita sa paglilibot namin sa lugar na iyon. Hindi lang iyon basta-bastang zoo kung saan puro hayop lamang ang aming nakikita.

Nakakita kami ng mga tigre nang malapitan, ng mga aeta na nag-sasayaw sa sarili nilang tugtugin, ng mga artipiko’t mga buto ng mga yu-maong mga hayop, at marami pang iba! Bago kami umuwi’y huminto muna kami sa Royal Duty Free upang mag-last-minute-shopping.

Sa buong araw naming pagla-lakbay, mas nakita namin ang na-kakamanghang mga atraksyon na matatagpuan sa ating bansa. Nag-ing malaking tulong ang lakbay-aral na iyon upang mas makilala pa namin ang heograpiya ng bansa at ang turismo ng bansa. Bilang konk-lusyon, ang lakbay-aral nitong taon ay naging matagumpay sa pagpu-punla ng kaalaman at kaaliwan sa mga mag-aaral na magbibigay ng pagkakataon para sa mga mag-aar-al na magbahagi tungkol sa karana-san nila.

DULA: ANG GURO

Noong ika-15 ng Oktubre, humigit-kumulang na walumpung estudyante ang sumama sa panun-uod ng isang pagtatanghal sa en-tablado ng mga aktres at mga aktor. Ang pagtatanghal na iyon ay isang dulang pinamagatang “Ang Guro” na isinulat ni Paul M. Ballado.

Ayon kay G. Ballado, isinulat niya ang dulang iyon upang mab-igyan ng pagkilala ang dakilang guro niya noong siya’y nasa unang baitang pa lamang, si Gng. Reson-toc. Ibig rin niyang maging inspira-syon ang dulang iyon para sa mga guro, estudyante at mga magulang.

Ang dulang iyon ay patungkol sa isang guro na nagngangalang Amelia, na taos-pusong binibigay ang lahat bilang isang guro. Sa kabila ng kanyang sariling karam-daman, namayani pa rin sa kanyang puso ang pagmamahal niya sa kan-yang mga naging estudyante. Dahil rin sa kanyang pagiging mabuting guro, minahal siya ng lubusan ng kanyang mga naging estudyante.

Makikita sa dulang iyon ang iba’t ibang uri ng guro. May guro na ginagawang tindahan ang loob ng silid; may guro na nais lamang magpaganda, may guro ring iba ang kasarian sa lalaki o babae, at mayroon ding guro na tanging ka-sungitan lamang ang pinapakita. Higit sa lahat, ang kanilang mga pinapakitang pag-uugali ay hindi isang magandang ehemplo sa ka-nilang mga estudyante. Lalo na sa mga mag-aaral na sina Yul, Faye, Clair, Klein, at Myra na may mga sari-sariling problemang kinaha-harap.

Noong ika-17 ng Disyembre, ating ipinagdiwang ang papalapit na kapaskuhan o kapanganakan ni Hesus. Ang pagdiriwang ay pinan-gunahan ng isang misa. Ilang minu-to matapos ang misa, nagsimula na ang palatuntunang pinamunuan ni G. Gregorio Ebron Jr.

Ang mga mag-aaral ng ating paaralan mula sa elementarya hanggang sa sekondarya ay nag-pakita ng iba’t ibang presentasyon , kung saan ang bawat presentasyon ay kakikitaan ng pagpapahalaga sa pasko.

Upang maging mas masaya ang pagdiriwang, ang mascot na si Jollibee ay nagtungo’t nagbigay

aliw sa mga mag-aaral, lalo na sa mga estudyante sa elementarya. Ang ikalawang bahagi ng pagdiri-wang ay ginanap sa kanya-kanyang silid ng mga mag-aaral. May sari-sariling paraan ng pagdiriwang ang bawat klase. Hindi nawala ang paglalaro, kainan, katuwaan at

pagpapalitan ng mga regalo. Ang pagdiriwang na iyon ang nagmar-ka ng simula ng bakasyon upang maidiwang ng lahat ang kaarawan ni Hesus kasama ang kanilang mga pamilya’t mahal sa buhay.

CHRIST-MAS PARTY

Pagbisita ni Jollibee sa paaralan upang magbigay-aliw sa kabataan

Page 3: DYARYO

3TINIGCOMMUNITY SERVICE

Sa kolehiyo, ang mga estudyante ay nagkakaroon ng NSTP. Habang nasa hayskul pa lamang, pinaparanas na sa ilang estudyante ang ilan sa mga gina-gawa sa NSTP, tulad ng paglilinis, pag-aayos ng mga pasilidad ng paaralan, pagkakawang-gawa at iba pa. Iyon ay nagsisilbing pre-parasyon para sa mga estudyante, lalo na sa mga mag-aaral sa ika-ap-at na antas ng mataas na paaralan

dahil sila ay malapit na magkole-hiyo. Ang preparasyon na iyon ay tinatawag na Community Service. Tuwing Sabado, nagtitipon ang mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng mataas na paaralan upang gam-panan nila ang tungkulin nilang maglinis ng paaralan. Ang paglilin-is na iyon ay sumusukat sa sipag ng mga estudyante, sa pagtitiis nila sa arawan, at sa pagiging makaka-likasan nila.

Paglilinis ng mga mag-aaral sa ika-apat na an-tas sa pamamagitan ng pagwawalis

ARAW NG MGA GURO

Ang mga guro ay nagsisilbing pangalawang magulang nating mga estudyante. Sila ay masikap na nagtatrabaho ng mabuti upang tayo’y matuto, bumuti, at maging disiplinado, kaya ating ginugunita ang kanilang kahalagahan. Tuwing ika-5 ng Oktubre, pinagdiriwang natin ang pandaigdigang paggunita sa kadakilaan at propesyonalismo ng mga guro.

Lumipas ang araw na iyon ng walang kahit anong programa sa ating paaralan kaya bumawi kam-ing mga estudyante at naghandog ng isang maliit na pagdaraos noong ika-8 ng Oktubre. Sa bawat baitang, may inihanda silang presentasyon para sa kanilang guro. Ang iba ay nag-alay ng, ang iba’y kumanta’t humimig na nagpaiyak sa ilang guro, at ang iba nama’y sumayaw.

Naipapakita lang doon na malaki ang pagpapahalaga nam-ing mga estudyante sa mga gurong gumagabay at humuhubog sa aming katauhan, hindi lang sa pamamagi-tan ng mga aklat at mga babasahin, kundi sa sarili nilang mga pama-maraan.

PAGMIMISADinala ng mga Espanyol ang

Kristiyanismo sa Pilipinas. Kasama ng impluwensya nilang relihiyon ang kaugaliang pagmimisa. Ito ay isang banal na ritwal kung saan binubuksan natin ang ating puso’t isipan sa Panginoon. Ito rin ay tina-tawag na banal na Eukaristiya kung saan tinatanggap natin si Hesus sa kaanyuan ng banal na tinapay at alak. Bilang isang paaralan na katoliko, ang pagdiriwang ng misa ay isang kasanayan na at ito’y kadalasang idinaraos tuwing unang biyernes ng buwan. Ito’y ginaganap sa loob rin mismo ng paaralan at ang mga par-ing namumuno sa misa ay galing pa sa ibang parokya o simbahan. Ang mga awiting banal ay pinamu-munuang kantahin ng mga mag-aaral sa ika-limang baitang. Ang mga kagamitan naman sa misa ay inihahanda’t inaayos ng mga guro. Bahagi rin ng misa ang pagbibig-ay ng alay-kapwa, kaya ang mga misang nagaganap sa paaralan ay nasisilbing daan sa pagkakawang-gawa ng mga mag-aaral. Dahil sa karunungan at kabutihang-asal na natututunan sa misa, ito ay nagig-ing mahalagang bahagi ng buhay ng mga mag-aaral.

INTRAMURALS 2011Maraming tungkulin ang isang

mag-aaral, maraming proyekto ang kailangang gawin, mga pagsusulit na dapat paghandaan ngunit hindi lamang sa pag-aaral umiikot ang mundo ng isang mag-aaral. Isa pa sa mga dapat bigyang-panahon ng

mga mag-aaral ay ang paglalaro o paglilibang. Pagsapit ng Enero, ka-da-taon, inaabangan ng mga mag-aaral ang isang linggong pahinga sa pag-aaral at pagtutunggalian sa larangan ng isports.

Ang linggong iyon, o ang Intra-murals, ay nilaan para makapagla-ro ang bawat mag-aaral habang na-kikipagtunggali sa ibang mag-aaral mula sa ibang grupo. Ang layunin ng Intramurals ay linangin ang kahusayan ng bawat mag-aaral sa iba’t ibang laro; ang pagtutulungan ng bawat miyembro sa isang grupo; ang patas na paglalaro ng isa’t isa; at ang pagiging positibo sa likod ng mga pagkatalo.

Bilang takda ng pagsisimula ng Intramurals, lumahok ang mga mag-aaral, at mga guro sa parada. Dala-dala ang bandila ng bawat grupo, sama-samang naglakad ang lahat. Pagtapos noon, itinaas

ng mga piling representatibo mula sa bawat grupo ang kanilang mga bandila at bago opisyal na simulan ang mga larong lalahukan ng mga mag-aaral, pinakita muna ng ilang guro ang paglalaro ng volleyball at kickball sa pamamagitan ng Exhi-

bition Game. N a g -

ing masaya ang unang mga araw, at noong ika-28 ng Enero, ang huling araw ng In-t r a m u r a l s , nagpakitang gilas na ang mga mag-aaral sa El-ementarya sa pamamagitan ng ballroom

dancing. Ang mga mag-aaral na-man sa Sekondarya na nahahati sa apat na grupo ay may kanya-kan-yang pagtanghal rin ng cheerdance. Bago matapos ang araw, nawakasan na ang paghihintay at nasuklian na ang pagpapagod ng bawat kupu-nan. Naging mahigpit ang labanan ngunit naging kasabik-sabik ang re-sulta. Masigabong palakpakan ang pinakawalan ng lahat. Binigyan na ng parangal ang mga nanalong in-dibidwal at inanunsyo na ang nana-lo sa paramihan ng puntos. Ang nanalo sa Elementarya ay ang Blue Lycans, sa Sekondarya naman, ang nanalo ay ang Blue Barracudas.

Sa buong linggo, nabuo ang mabuting samahan sa bawat mi-yembro ng mga grupo. Bagamat may ilang araw kung saan ang panaho’y naging sagabal, hindi iyon namagitan sa kagustuhang manalo ng bawat kupunan.

Paglalaro ng mga guro ng volleyball

IKA-35...Flores, Gng. Annie Santiago, Gng. Lizarine Lumanog at si Bb. Cherry Go ang mga hurado na sumuri sa mga talento ng bawat mag-aaral; hindi lamang sa Talentadong Car-melian, pati na rin sa sabayang pagsasayaw.

Sa unang bahagi ng patim-palak sa paghahanap ng Talenta-dong Carmelian, naglaban-laban ang mga kalahok sa elementarya at nanalo ang pambato ng ika-6 na baitang dahil sa kanilang kagi-liw-giliw na pagsayaw. Bagamat lima lamang ang nagtunggali sa ikalawang bahagi na nilahukan ng mga mag-aaral sa hayskul, nakaki-taan pa rin sila ng galing lalo na sa larangan ng musika. Ikinatuwa na-man ng mga estudyante sa ika-apat na taon sa sekondarya ang pagka-

panalo ng kanilang mga kaklase at sa pagwawagi nila ng tropeyo dahil sa kanilang pagpapakitang-gilas sa pagtugtog ng sari-saring mga in-strumento.

Noong ikalawang araw, nasak-

sihan natin ang iba't ibang sayaw na pinaghandaang mabuti ng mga estudyante sa bawat antas. Hindi pa nagtatapos sa pagtatanghal ng mga mag-aaral sa hayskul ang pro-grama dahil hindi magpapatalo ang mga nasa mas mababang departa-mento.

Sa pagtatapos ng selebrasyon ng pagkapundar ng ating paaralan, nakamit ng Grade 5 ang tropeyo na sumisimbolo sa pagkapanalo nila laban sa ibang baitang sa de-partamiyento ng elementarya. Sa-mantala, nagwagi naman ang mga Fourth Year laban sa ibang taon sa sekondarya sa patimpalak na pag-sasayaw, ang Mardi Gras.

Sa kabuuan, naging matagumpay at makabuluhan ang selebrasyon ng Foundation Day ng

Flos Carmeli Institution of Quezon City dahil hindi lamang nagtanghal ang mga mag-aaral dahil kailangan nila, ngunit nagtanghal sila para maipakita kung gaano katatag na ang institution na ito ngayon.

Pagtitipon-tipon ng mga mag-aaral sa quadrangle bago magsimula ang parada

Page 4: DYARYO

TINIG4

Page 5: DYARYO

5TINIG

Page 6: DYARYO

TINIG6

CAREER...versity of the East. Sa unibersidad na nabanggit nagtapos sina Noli de Castro, Alfredo Lim, Carlos Ro-mulo, Ferdinand Marcos, at mara-mi pang iba. Maliban sa payak na panghihikayat nila sa amin, nami-gay din sila ng mga souvenir at mga tatak-UE na mga aksesorya.

Ang ikatlo sa mga unibersi-dad/kolehiyo na nagpakilala ay ang FEU East Asia, na dating kilala bi-lang East Asia College of Informa-tion Technology. Ang CIIT o Cos-mopoint International Institute of Technology, na pang-apat na nag-pakilala sa amin, ay bagong tayo pa lamang sa Pilipinas kaya masugid kaming hinikayat na subukan ang pag-aaral doon. Sa pamamagitan ng isang PowerPoint Presentation, pinakilala naman ng representatib ng Informatics ang paaralan. Ang ika-anim ay ang Treston Interna-tional College na matatagpuan sa Taguig City kung saan ang kanilang espesyalisasyon ay HRM o Hotel Restaurant Management, Culinary at Computer Studies. Ang ika-pito naman ay ang Our Lady of Fatima University o OLFU na mayroon ding tatlong kampus; isa sa Valenzuela, Quezon City at sa Antipolo. Kilala ang OLFU sa pagiging isa sa mga

paaralan na ang pokus ay sa medi-cal na larangan, tulad ng Nursing, Physical Therapy, Occupational Therapy, Medicine at iba pa.

Ang sumunod na nanghikayat ang representatibo ng Colegio de San Juan de Letran na isang priba-

dong paaralang matatagpuan sa loob ng Intamuros, Maynila. Nag-aalok ito ng mga kursong BA Politi-cal Science, BA Journalism, BS Ac-countancy, BS Biology at marami pang iba. Ang ika-siyam ay ang Ly-ceum of the Philippines University

na naitatag ng dating president na si Jose P. Laurel. Sila ay nag-aalok ng mga kursong BS Nursing, Engi-neering, BA Psychology, AB Philip-pine Studies, BS Information Tech-nology at marami pang iba.

Ang ika-sampung paaralang

dumating ay ang MAPUA na isang pribadong eskuwelahan, na may-roong tatlong campus na matatag-puan sa Intramuros, Maynila at sa Makati. Ilan sa mga kursong pinak-ilala nila ay Interior Design, Archi-tecture, Engineering, BS Psychol-

Pagpapakilalang mga pasilidad, mga kurso at iba pa ng mga kolehiyong paaralan

ogy at iba pa. Ang sumunod ay ang tanyag na UST o Unibersidad ng Santo Tomas. Ito’y tinatawag din na The Pontifical and Royal Univer-sity of Santo Tomas, at The Catho-lic University of the Philippines. Ito rin ang pinakamatandang unibersi-dad sa Pilipinas na naitatag noong ika-28 ng Abril 1611. Marami sil-ang inihahandog na mga kurso at programa tulad ng BS Biology, BS Pharmacy, BS Engineering, Fine Arts, Tourism, HRM, Commerce at marami pang iba. Ang pinakahuli naman ay ang CCP o kilala bilang Central Colleges of the Philippines na matatagpuan sa Quezon City. Sila’y nag-aalok ng mga kursong BS Accountancy, Architecture, Arts and Sciences, BS Education, Engi-neering at marami pang iba.

Ang Edukasyon ang sandigan ng bawat tao upang unti-unting makamit ang kanyang mga pan-garap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Laking pasasala-mat namin sa mga taong nakilahok sa taunang oryentasyon na ito dahil sa tulong nila, nagkaroon kami ng ideya at iba’t ibang pagpipilian para sa aming kinabukasan.

THE FLAVORS...Pinatunayan ito sa mga litratong pinakita sa amin, sa mga kasay-sayan ng pagkatayo niyon at sa pagpapakilala ng mga tao na may malaking kaugnayan sa paaralan. Isa na roon si Chef Gerhard Baur.

Nagpasigla sa palatuntunan ang pagsisimula ng isang patim-palak sa pagbibigay- sining sa isang sponge cake. Mula sa mga tagapanood, namili ng pitong kalahok at napabilang doon sina Jovis Malasan at Carmela Ter-rado na mula sa ating paaralan. Nagbigay karangalan sila dahil sa pagkapanalo nila sa patimpalak na iyon. Maliban sa mga palakpak at pagbati, binigyan din sila ng mga premyo.

Nagpakitang-gilas ang mga chef sa palatuntunang iyon sa pamamagitan ng pagluluto pa ng iba’t ibang lutuin. Nagkaroon

BUWAN...inanunsyo ito bilang isang holiday, pinagpatuloy pa rin ang pagdiriwang nung ika-20 ng Agosto. Ipinakilala at nagpakitang husay ang mga kala-hok ng Lakan at Lakambini para sa taong ito. Habang isa-isang nagla-lakad para magpakilala ang mga ka-lahok, sila’y makakikitaan talaga ng kumpiyansa sa sarili, hinhin, ganda at ang kanilang sari-sariling tatak bilang pilipino.

Matapos ang patimpalak, agad na ginawaran ang mga kalahok na nagwagi. Upang ipagpatuloy ang paggunita sa okasyon, naglaro ang

VARSITYAng isang “Varsity” ay pan-

gunahing koponan ng mga man-lalaro na pambato o panlaban ng isang paaralan sa mga paligsahan. Ang mga kasapi sa varsity ay may pisikal na kakayahan at potensyal sa paglalaro. Sa ating paaralan, may dalawang koponan ang nabuo, ngunit sa magkaibang larangan.

Mayroong varsity para sa mga manlalaro ng basketball sa depar-tamento ng hayskul sa FCI. Sila ay binubuo ng labinlimang lalaking manlalaro. Lu-mahok

ang kanilang ko-ponan sa QCAA kung saan, nakalaban nila ang mga paaralang St. Joseph, The Seed Mon-tessori, Sienna College, ADMU, NCBA, JCSGO, at Jubilee Christian Academy. Madalas idaos ang kanilang mga laro sa Tivoli Royale, NCBA o Sienna College.

Ang isa pang varsity na pinan-gangasiwaan din sa FCI ay para sa mga manlalaro ng volleyball sa el-ementarya. Sila ay binubuo ng mga babaeng may potensyal sa paglalaro. Nakipaglaban na rin sila sa ibang paaralan, tulad ng Poveda, Sienna, SSA, St. Joseph, at JCSGO.

Sa mga laro ng mga varsity, nabubuo ang kanilang teamwork, napapatibay ang kanilang kamarad-eryo, nagiging mas kompetitibo ang bawat miyembro at natututo sila sa bawat pagkatalo.

Kalagitnaaan ng laro ng FCI Basketball Varsity

mga mag-aaral ng mga samu’t sar-ing larong Pinoy tulad ng sipa, pa-tintero, at iba pa.

Nagtapos ang pagdiriwang nang payapa. Naging makabulu-han ang araw na iyon dahil ito’y naging isang daan upang mapaala-la sa mga mag-aaral ang kahalaga-han ng wika at ang mga tungkulin natin upang mapanatili’t mapan-galagaan ang wikang gamit natin mula pa noon.

din ng partisipasyon ang mga bata, kasama ang kanilang mga magu-lang. Sila’y pinagdisenyo ng mga cookie ayon sa kanilang gustong anyo. Sa gitna ng mga palatuntu-nan, nagbigay-aliw ang mga mag-aaral sa TIC sa paraang pagtugtog at pagkanta.

Bagamat nagpatuloy pa ang palatuntunan, umalis na kami’t bi-nisita ang mismong paaralan nila. Iyon ay may magandang estruktura at mga makabagong pasilidad. Nili-bot kami sa loob ng mga silid-aral-an, mga silid na wari’y isang kuwar-to sa mga hotel, at kung saan-saan pa. Matapos ang aming paglilibot, in-oryent muli kami tungkol sa scholarship, tuition fee, at iba pa. Bago pa gumabi, inihatid na kami pabalik sa aming paaralan at umu-wi na sa aming sari-sariling bahay.

OKTUBRE: BUWAN NG ROSARYOIsang tradisyon na sa mga

katoliko ang pagrorosaryo. Kadalasang nagrorosaryo ang mga Pilipino pagsapit ng alas-sais ng gabi. Tuwing Ok-tubre naman, buwan ng pa-grorosaryo, ang lahat ng mga mag-aaral sa ating paaralan ay sama-samang nagdarasal tuwing umaga.

Ang araw-araw na sama-samang pagdarasal na iyon ay pinamumunuan kadala-san ng mga mag-aaral na na-katakdang mamuno ng dasal Ang pagdadasal ng rosaryo ay

binubuo ng iba’t ibang panalag-ing tulad ng Sumasampalataya Ako, Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at mga litanya. Karani-wang instrumentong ginagamit sa pagdadasal ay isang rosaryo na nahahati sa limang misteryo.

Sinasabi na ang pagdarasal ng rosaryo ay magiging landas sa pagkaligtas, proteksyon sa pan-ganib, pagiging banal, at iba pa. Ang pagrorosaryo sa paaralan ay isa sa mga paraan ng paaralan upang matuto ang bawat isa sa pagdarasal at mabuting asal.

Page 7: DYARYO

7TINIGMENSAHE MULA SA

EDITORAng pagpapahayag ay hindi

lamang napaparating sa verbal na pag-uusap bagkus sa mas-ining rin na pagsulat. sa pa-mamagitan nito, nailalabas ang mga saloobin, napauunlad ang pagbasa ng mga mambabasa at naipapahayag ang tinig ng mga manunulat. Ang dyaryong ito ay may layunin na ilahad ang tinig ukol sa mga pangyayari sa ating paaralan at iba’t iba pang mga okasyong idinulog sa ating paar-alan tulad ng Foundation Day, Buwan ng Wika, United Nations Day, Teacher’s day, Book Week, at iba pa.

Sa pagsulat kong ito, nais kong pasalamatan ang lahat ng mga mambabasa lalo na ang ak-ing mga kapwa mag-aaral. Sana maging mahalagang bahagi ng inyong mga buhay ang bawat pangyayari sa ating paaralan. Sa pagtapak namin sa kolehiyo, ang lahat ng iyon ay magiging isang

matamis na alaala na lamang na hindi na namin mababalikan. Kung kaya ngayon, pagyamanin niyo na ang bawat saglit niyo na magkakasama dahil may pana-hon pa kayo. Sa isang taon, o sa mga susunod na taon, hindi na sila at tanging sila ang mga ta-ong makakahalubilo mo.

Bilang ate ninyo na ngayo’y may buong pagmamalaking magtatapos na sa hayskul, nais kong mag-iwan ng mensahe para sa inyo:

Kahit gaano kahirap ng mga problema niyo o ang pag-aaral niyo sa FCI, may tatlo kay-ong sanggunian: ang Diyos, ang Pamilya ninyo, at ang mga kai-bigan na nakilala at naging ma-halaga sa’yo.

- Jovis Malasan

DYARYO-IN-THE-MAKING

Noong buwan ng Hulyo kung kailan naganap ang pagdi-riwang ng Foundation Day, at ang Career Orientation para sa mga mag-aaral sa ika-apat na antas, nagsimula na kami sa pagsusulat ng mga artikulo para sa dyaryo na ito.

Noong nakaraang taon, naatasan na rin kaming gumawa ng isang maliit na dyaryo kung saan napapaloob ang lahat ng nangyari sa aming lakbay-aral. Ngayong taon, mas pinalawak ang saklaw ng dyaryo na ito dahil napapaloob dito sa aming gina-wa ang mga pangyayari sa aming paaralan at ang mga kasapian ng mga mag-aaral bilang manlalaro at scouts ng Pilipinas.

Ang mga litratong ginamit rito ay mula sa ritratista ng FCI: si G. Boca. Ang bawat larawan ay magpapakita ng tagpuan o itsura ng inilalarawang okasyon o pangyayari. Mapapansin na

sa bawat larawan, naipapakita ang partisipasyon ng mga mag-aaral.

Sa pagsulat ng dyaryong ito, naging layunin namin ang pag-papahayag ng mga pangunahing pangyayari sa ating paaralan.

Naging mahirap ang pagbuo

ng dyaryong ito dahil maram-ing problema ang pinagdaanan tulad ng kawalan ng Software kung saan ito gagawin, kawalan ng lugar na paglilimbagan, kawalan ng pondo na pampal-imbag, kawalan ng oras sa pag-gawa at iba pang mga bagay na naging balakid sa paggawa ng dyaryong ito. Gayunpaman, nag-ing matagumpay naman kami sa pagtapos ng dyaryong ito, sa tulong ng bawat isa, ng aming guro na si Bb. Ranges at suporta mula sa aming punong-guro na si Gng. Medina.

BB. JESSILYN D. RANGES

Si Bb. Jessilyn Ranges ay nagtapos sa Rizal Tech-nological University sa Man-daluyong City sa kursong BS Secondary Education Major in Filipino. Siya ay may li-mang taong karanasan sa pagtuturo. Kasalukuyan si-yang nagtuturo sa Flos Car-meli Institution of Quezon City bilang isang guro sa Fil-ipino sa mga hayskul (mula sa unang antas hanggang sa ika-apat na antas)at Sibika sa mga elementarya. Kasa-lukuyan rin naman niyang ipinagpapatuloy ang kan-yang pag-aaral sa National Teachers College kung saan siya ay kumukuha ng Mas-teral Degree: MA in Filipi-no.

GNG. MA. BRENILDA S. MEDINA

Si Bb. Ma. Brenilda Me-dina ay nagtapos sa UST sa kursong BSEd: Major in Eng-lish; Minor in Social Science. Siya ay naging propesor sa UST College of Commerce noong taong 1963-1996. Siya rin ay may karanasan sa pagtuturo sa Colegio de San Juan de Le-tran sa Institute of Art and Sci-ences noong taong 1996-1998, siya’y nagturo sa Assumption College sa Makati. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho sa San Carlos Seminary For-mation Department and Phi-losophy Department at bilang punong-guro ng Flos Carmeli Institution of Quezon City. Siya ay nagtuturo ng English grammar, speech, literature and values. Siya rin ay kumuha ng Masteral Degree (Master of Arts in Linguistics).

Page 8: DYARYO

TINIG8