elfilikab21

15
Ibigay ang mga kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. Sinadyang nagbigay na ng isang kasagutan sa bawat salita upang madali mong maunawaan. 1. Narinig ni Camaroncocido mula sa pag-uusap nina Simoun at ng ilang kalalakihan na ang hudyat ng himagsikan ay isang putok. hudyat palatandaan

Upload: ailemar-ulpindo

Post on 22-Feb-2015

30 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: elfilikab21

Ibigay ang mga kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. Sinadyang nagbigay na ng isang kasagutan sa bawat salita upang madali mong maunawaan.

1. Narinig ni Camaroncocido mula sa pag-uusap nina Simoun at ng ilang kalalakihan na ang hudyat ng himagsikan ay isang putok.

hudyat

palatandaan

Page 2: elfilikab21

2. Ang Teatro de Variedades ay napalalamutian

nang mabuti para sa pagtatanghal ng Les Cloches de Corneville

napalalamutian

nadedekorasyunan

Page 3: elfilikab21

3. Sa kabila ng pagbabalatkayo ni Padre Irene nang dumating sa dulaan Variedades ay nakilala rin siya ni Tadeo.

pagbabalatkayo

pagkukunwari

Page 4: elfilikab21

KABANATA XXI

Iba’t-ibang Anyo ng

Maynila

Page 5: elfilikab21

Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro Variedades, ang Les Cloches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos agad ang mga tiket at mahabang-mahaba ang nagsisipasok.

Page 6: elfilikab21
Page 7: elfilikab21

Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ang mamisong mehikano si Camarroncocido. Iisa ang kanilang hanapbuhay:pagdidikit ng mga paskil.

Page 8: elfilikab21

Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwaa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayaroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o kasintahan. Ang wala nama’y sang-ayon sa opera. Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, Quiroga at mga artista.

Page 9: elfilikab21

Ani Camarroncocido kay Kiko: “Ang kalahati ng mga nagsisipasok sa teatro ay manonood dahil sa sinabi ng mga prayle na huwag manood; at ang kalahati pa ay dahil sa pag-aakalang may itinututo ang palabas dahil ipinagbawal ngh mga prayle. Mabuti ang iyong mga paskin nguni’t higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o pagbabawal ng mga pari.”

Page 10: elfilikab21

Nang makaalis si tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari’y umiiwas na mapuna. Anya: “Mga sekreta kaya o magnanakaw?” Kinapa ang sariling mga bulsa . Walang laman. “Ano sa akin sino man sila?” anito at nagkibit-balikat. Isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima bawat pulutong. Pagkatapos ang kagawad ay lumapit sa karwahe at masiglang nakipag-usap sa taong lulan niyon-si Simoun. May narinig ang palaboy na Kastila: Ang hudyat ay isang putok.” At umalis ang karwahe. “May binabalak!” ani Camarroncocido.

Page 11: elfilikab21

Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido: Dalawang tao ang narinig niyang nag-uusap. Anang isa na may hawak na rosaryo at kalmen: “Ang mga kura ay malakas kaysa heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga kura ay naiiwan. At yayaman tayo. Ang hudyat ay isang putok.

Page 12: elfilikab21

Ani Camarroncocido: “Doon ang heneral..... Dito si Padre Salvi. Kaawa-awang bayan ! Ngunit ano sa akin?”

Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang baguhan sa lungsod. Niloloko ni Tadeo kababayang tanga sa pagsasabi ng mga kahanga-hangang kasinungalingan. Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao kahit di totoo. Dumating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si Padre Irene na nakabalatkayo ngunit di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio.

Page 13: elfilikab21

Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig ,Pecson Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati sa apat. May labis na tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio. Inanyayahang pumasok si Tadeo. Di na naghintay ng ikalawang paanyaya si tadeo. Iniwan na ang taga-lalawigan na nag-iisa.

Page 14: elfilikab21

Mga Tulong sa Pag-aaral1. Si Camarroncocido ay may pangalang

ang kahulugan ay “halabos na hipon” dahil mapulang –mapula siya. Siya ang isang Kastilang hindi nagpapahalaga sa kanyang pagiging Kastila. Gyong may pagkadugong-bughaw, nang dumating sa Pilipinas ay naging isa lamang upahan sa pagdidikit ng mga paskin ng mga palabas sa dulaan at mga gawaing kauri nito. Isa siyang kabaligtaran ni Don Custodio na isa lamang layak sa Espanya na nang maparito ay nagsamantala sa pagiging Kastila at naging mayaman at makapangyarihan.

Page 15: elfilikab21

2. Salin ng Les Cloches de Corneville: “Mga Kampana sa Corneville”. Ito’y nagpapahiwatig ng mga mananayaw na babaing may mga sayang maluluwang na parang kampana at pasipa-sipa sa itaas ang mga paa.