gamitngmodal

Upload: rjvm-net-ca-fe

Post on 03-Jun-2018

285 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

  • 8/11/2019 gamitngmodal

    1/1

    MODAL ay ginagamit na pantulong sa pandiwang nasa panaganong pawatas. Mga modal ang tawagsa salitang DAPAT, KAILANGAN, at BAKA.

    1. 1. Ang salitang DAPAT ay nagsasaad ng sapilitang pagpapatupad ng Gawain.

    Hal.

    1.1 Dapat umiral ang katarungan sa isang bansang demokratiko.

    1.2 Dapat sumunod ang anak sa payo ng kanyang magulang.

    1. 2. Ang KAILANGAN ay nagsasaad ng ibig o gusto, isang tiyak na kilos o pagpapahayag namaaaring magkaroon ng kundisyon o maaaring sapilitan.

    Gamit ng modal:

    1. Bilang malapandiwa Gusto niyang makaahon sa hukay.Ibig ng puno at ng baka na kainin ng tigre ang tao.

    (Ang gusto at ibig ay ginamit bilang malapandiwa subalit di tuladng ganap na pandiwa wala itong aspekto.)

    2. Bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa

    Gusto niyang maglakbay muli.

    (Ang salitang gusto ay nagbibigay turing sa salitang maglakbayna isang pandiwang nasa anyong pawatas. )

    Ibig ng kuneho na makita ang hukay kung saan nahulog ang tigre.

    (Ang salitang ibig ay modal na nagbibigay turing sa salitangmakita na isang pawatas.)

    Narito ang mga uri:

    1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto Mga Halimbawa: Gusto kong mamitas ng bayabas.

    Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap sa buhay.

    2. Sapilitang pagpapatupad Halimbawa: Dapat sundin ang sampung utos ng Panginoon.

    3. Hinihinging mangyari Halimbawa: Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-aaral.

    4. Nagsasaad ng posibilidad Halimbawa: Maaari ka bang makausap mamaya?

    Puwede kang umasenso sa buhay.