komposisyong personal - filipino

33
MGA KOMPOSISYONG PERSONAL

Upload: kj-zamora

Post on 16-Apr-2017

499 views

Category:

Education


25 download

TRANSCRIPT

Page 1: Komposisyong Personal - Filipino

MGA KOMPOSISYONG PERSONAL

Page 2: Komposisyong Personal - Filipino

TALAARAWAN Naglalaman ng personal na pangyayari sa

araw-araw na buhay ng indibiduwal. Bawat araw ay tinatala niya ang mahahalagang pangyayari na naranasan niya. Isang sagradong pag-aari ng indibiduwal ang talaarawan, kaya’t ito’y kaniyang itinatago. Lumalabas lamang ito kapag hinihingi ng pagkakataon.

Page 3: Komposisyong Personal - Filipino
Page 4: Komposisyong Personal - Filipino

DYORNAL(JOURNAL) Sa isang mag-aaral, mahalaga ang dyornal. Dito

niya naipapaliwanag ang mga tagumpay niya sa partikular na gawain kaugnay ng kaniyang pag-aaral. Maaring maglaman din ito ng mga naging kabiguan niya sa ilang bagay na kaugnay pa rin ng kaniyang pag-aaral. Isinusulat din ng mag-aaral sa dyornal ang hindi niya makayang sabihin sa guro a kamag-aral tulad ng hindi gaanong naintindihan ang leksiyon ng guro na sana ay ulitin nya ang pagtuturo sa bahaging iyon. Maaari namang napahiya siya dahil hindi tama ang naging sagot niya sa tanong ng guro kaugnay ng aralin. Sa bahagi naman ng kamag-aral, maaaring may kinainisan siya o ikinatuwa naman dahil sa naging kontribusyon niya sa kolaboratibong gawain.

Page 5: Komposisyong Personal - Filipino

Sa simpleng pahayag, ang dyornal ay naglalaman ng damdamin ng isang indibiduwal tungkol sa mga naranasan niya.

Karaniwan ang dyornal ay isinasama sa portfolio na naglalaman ng mga kinalabasan ng gawain ng mga mag-aaral sa isang klase.

Page 6: Komposisyong Personal - Filipino

AUTOBIOGRAPI Naglalaman ng sariling tala ng buhay ng tao.

Nakalahad dito ang tungkol sa kaniyang kapanganakan, mga magulang, kapatid, mga pag-aaral at natamong tagumpay, pilosopiya sa buhay at iba pa.

Page 7: Komposisyong Personal - Filipino

ALAALA Naglalaman ng magagandang alala

sapgkat naging makabuluhan ito. Karaniwan may mga larawan o bagay na matibay na makakapagpapagunita sa mga nasabing alaala. Nagdudulot ng kasiyahan sa isang indibiduwal ang muli niyang pagbasa at pagtingin sa mga alaalang naisulat at nagawa niya.

Page 8: Komposisyong Personal - Filipino

HUGOT LINESMakabagong paraan ng pagpapahayag ng mga emosyon gamit ang social networking sites. Sabi nga ng mga kabataan sa kasalukuyan, ito raw ay para sa mga laging madrama at may pinaghuhugutan.

Page 9: Komposisyong Personal - Filipino
Page 10: Komposisyong Personal - Filipino
Page 11: Komposisyong Personal - Filipino
Page 12: Komposisyong Personal - Filipino

MGA KOMPOSISYONG EKSPOSITORI AT ARGUMENTATIB

Page 13: Komposisyong Personal - Filipino

KOMPOSISYON MULA SA INTERBYUKaraniwan na ang ginagawang

interbyu sa isang tao pangkat ng tao ay isinusulat. Ang bunga ng isinusulat na ito ay tinatawag na komposisyon.

Page 14: Komposisyong Personal - Filipino

PAGPAPAKAHULUGANKadalasan, sa pakikipag-usap

sa isang tao, kailangang bigyang paliwanag ang sinasabi na patungo na sa pagpapakahulugan nito. Mahalaga na tama ang inilahad na pagpapakahulugan.

Page 15: Komposisyong Personal - Filipino

SULATING PAMAMAHAYAGAng sulating pamamahayag ay

mga komposisyong isinusulat sa diyaryo, magasin na ang layon ay maghatid ng iba’t ibang impormasyon ay para sa bansa lamang o maaari namang makakuha ng mga impormasyon sa labas ng bansa.

Page 16: Komposisyong Personal - Filipino
Page 17: Komposisyong Personal - Filipino

ARTIKULONG MAY HUMAN INTERES Hindi lamang mga artikulo tungkol sa

himala o kababalaghan ang masasabing human interes. Anumang kakaiba na kumukuha ng interes sa isang indibiduwal nakakagising ng kaniyang damdamin, tunay na napapanahon at kailangang pag-usapan ay maaaring sabihin na may human interes.

Page 18: Komposisyong Personal - Filipino

PANITIKAN O LITERARI

Page 19: Komposisyong Personal - Filipino

NOBELA Ang nobela, akdang-

buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Page 20: Komposisyong Personal - Filipino

HALIMBAWA NG MGA NOBELA:

Ang Huling Timawa Ang Magpapawid Ang Monghita Ang Probinsiyana Ang Singsing ng Dalagang Marmol Bagong Kristo Bayang Nagpatiwakal Bulaklak ng Bagong Panahon Daluyong El filibusterismo

Page 21: Komposisyong Personal - Filipino

DULAAng dula ay isang uri ng panitikan.

Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Page 22: Komposisyong Personal - Filipino

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan

Page 23: Komposisyong Personal - Filipino

MAIKLING KWENTO ay isang maigsing salaysay hinggil sa

isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

Page 24: Komposisyong Personal - Filipino

SANDOSENANG SAPATOSNI LUIS GATMAITAN

Page 25: Komposisyong Personal - Filipino

SANAYSAYAng sanaysay ay isang maiksing

komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda

Page 26: Komposisyong Personal - Filipino

DALAWANG URI NG SANAYSAYPormal o Maanyo Ang sanaysay na pormal o baguhan sanaysay na

tinatawag din naimpersonal kung ito'y maimpormasyon. katulad ng naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitanng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapilingpaksang tinatalakay. Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingatna pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikankasi kaya makahulugan,matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaway obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso,paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.

Page 27: Komposisyong Personal - Filipino

Impormal o Di-pormal Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-lungkot, nagbibigay-lugod sa pamamagitanng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal o isyung maaaringmagpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Idinidiinnito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ngpersonalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya.Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan angmay-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madalingmaintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ayunang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akdaang pananaw

Page 28: Komposisyong Personal - Filipino

KOMIKS Ang komiks ay isang grapikong midyum na

kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon

Page 29: Komposisyong Personal - Filipino
Page 30: Komposisyong Personal - Filipino

TULAAng Tula ay isang anyo ng sining

o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.

Page 31: Komposisyong Personal - Filipino

BULAG KA, JUANNI: ARIANA TRINIDADBumaon sa tao,Kuko ng pangako,At ngiti ng pulitiko,Na plantsado pati kwelyo.

Sa eleksyon lang nakita, Ang kumag na kongresista,Pagkat nakatago sa lungga,Ng kaniyang malamig na kuta.

Tahimik sa buong taonMaingay sa eleksyonParang naghahamonWala kasing laman ang garapon.

Ang bulsa ng pagkataoNg hayop sa Kongreso,Ay nakadepositoSa bituka ng bangko.

Inumit na salapiWalang makapagsabiKahit na piping saksiKalat-kalat kasi.

Bundat ang bulsikotSa pangungurakot,Ang kaban: sinimot.Sinaid pati ipot.

Tuso si HudasPlanado ang lahatWalang mga pekasKahit isang bakas.

Ang hahatol ay bulagBingi ang katuladKaya nakaligtasAng lider na huwad.

Kailan ititigil ni JuanAng pakikipagbolahanSa bingo ng gahamanAt roleta ng kasakiman?

Page 32: Komposisyong Personal - Filipino

AWITAng awit ay isang uri ng tulang

pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan (aaaa, bbbb, cccc, at iba pa).

Page 33: Komposisyong Personal - Filipino

Karaniwang paksa ng awit ang pakikipagsapalaran ng bayani, ngunit ang iba'y tumatalakay din sa mga alamat at relihiyosong tula. Sa pag-aaral ng batikang mananaliksik Damiana L. Eugenio, ang "awit" ay walang ikinaiba sa "korido", maliban lamang sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang awit, gaya ng korido, ay nagtataglay ng tatlong elemento. Una, ang pag-iibigan. Ikalawa, ang relihiyoso at pangangaral. At ikatlo, ang kahima-himala at kagila-gilalas.

Inilalahad ng awit ang pag-ibig ng magsintahan o magkabiyak, ang pag-ibig ng anak sa magulang, at ang pag-ibig sa lupang sinilangan.