malikhaing pagtuturo ng wika

15
1 Isang Malikhaing Pagtuturo ng WikaTungo sa Paglinang ng Kasanayang Pangkomunikatibo: Mga Tunguhin at Estratehiya Dr. Leticia Cantal – Pagkalinawan Filipino Language Program University of Michigan I. PANIMULA Ang paksa ng aking panayam ay : Malikhaing Pagtuturo ng Wika Tungo sa Pagdebelop ng Kasanayang Pangkomunikatibo: Mga Tunguhin at Estratehiya. May dalawang mahalagang konsepto o direksyon ang aking panayam, una ang malikhaing pagtuturo ng wika na siyang inaasahan sa mga guro ng wika, at ang madebelop o malinang ang kasanayang pangkomunikatibo na inaasahang naman sa mga estudyante ng wika. Sa pagbuo ng aking papel, isaalang-alang ko ang sumusunod na mga layunin: 1. Matalakay ang mga batayang konseptong may kaugnayan sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. 2. Maipaliwanag ang papel ng guro at estudyante sa isang klasrum pangwika. 3. Makapagbahagi ng ilang estratehiya sa mabisang pagtuturo ng wika 4. Magamit ang mga tinalakay na estratehiya sa pagtuturo ng wika.

Upload: bacalucos8187

Post on 17-Oct-2014

751 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Malikhaing Pagtuturo Ng Wika

1

Isang Malikhaing Pagtuturo ng WikaTungo sa Paglinang ng

Kasanayang Pangkomunikatibo: Mga Tunguhin at Estratehiya

Dr. Leticia Cantal – Pagkalinawan

Filipino Language Program

University of Michigan

I. PANIMULA

Ang paksa ng aking panayam ay : Malikhaing Pagtuturo ng Wika Tungo sa

Pagdebelop ng Kasanayang Pangkomunikatibo: Mga Tunguhin at Estratehiya.

May dalawang mahalagang konsepto o direksyon ang aking panayam, una ang

malikhaing pagtuturo ng wika na siyang inaasahan sa mga guro ng wika, at ang

madebelop o malinang ang kasanayang pangkomunikatibo na inaasahang naman sa mga

estudyante ng wika.

Sa pagbuo ng aking papel, isaalang-alang ko ang sumusunod na mga layunin:

1. Matalakay ang mga batayang konseptong may kaugnayan sa pagtuturo at pagkatuto

ng wika.

2. Maipaliwanag ang papel ng guro at estudyante sa isang klasrum pangwika.

3. Makapagbahagi ng ilang estratehiya sa mabisang pagtuturo ng wika

4. Magamit ang mga tinalakay na estratehiya sa pagtuturo ng wika.

II. PAGLALAHAD

A. Batayang Sanligan/Konsepto sa Pagtuturo at Pagkatuto sa Wika

Ang gawaing pagtuturo ay hindi madaling gawain. Hindi sapat na maituro ng

isang guro kung ano ang mga araling/paksang nakapaloob sa kanyang silabus kundi kung

paano niya ito maituturo at matutunan ng kanyang mga estudyante. Kaya nga sinasabi na

ang kahusayan ng pagtuturo ay nasusukat hindi sa dami ng mga naituro kundi bagkus sa

Page 2: Malikhaing Pagtuturo Ng Wika

dami ng mga natutuhan ng kanyang mga estudyante.

Sa panahon ngayon ng globalisasyon, na ang mga mag-aaral ay nahaharap sa

makabagong teknolohiya gaya ng internet at iba pang makabagong paraan ng

komunikasyon, isa sa nagiging malaking sakit ng ulo ng mga guro ang mapanatili ang

interes at atensyon ng mga estudyante sa aralin sa loob ng klasrum. Sang-ayon sa isang

pag-aaral, ang dating 30-40 minutong tagal ng interes at atensyon ng isang adult learner

ay nagiging 15-20 minuto na lamang . Kaya nga madalas kong marinig sa guro na “ ang

iingay, ang gugulo ng mga estudyante,” hindi kami ganyan noon,” iba na sila sa amin

noon.….at kung anu-anong pang pangkukumpara sa estudyante sa kanila” 2

Naniniwala po ako na ang mga makabagong teknolohiya at kalakaran ng

kapaligiran sa ngayon ay hindi maituturing na BANTA sa isang epektibong pagtuturo

bagkus ito ay magsisilbing HAMON sa isang guro, isang hamon upang makabuo ng

isang malikhaing guro o creative teachers, para makabuo rin ng isang malikhaing

estudyante o creative students at malikhaing klasrum pangwika o creative language

classroom.

Ayon sa mga ekspertong sina Stevick, Curran at mga kasama, ang susi ng

tagumpay sa gawaing pagtuturo at pagkatuto sa loob ng klasrum ay nakasalalay sa

relasyon ng mga guro at estudyante. Madaling natututo ang estudyante kung sila ay

nasisiyahan sa kanilang pag-aaral, at higit na nagaganyak ang guro sa kanyang pagtuturo

kung nakikita niyang nasisiyahan ang kanyang estudyante. Ang ganitong

paniniwala/pananaw ang nagbigay-daan sa paglitaw ng iba’t ibang kaparaanang

pedagodikal sa pag-aaral ng wika sa loob ng klasrum gaya ng interaktibo at

kolaboratibong pag-aaral.

B. Mga Teorya/Konseptong Batayan ng Komunikativong Pagtuturo ng Wika

Pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ang paglinang sa kakayahang

Page 3: Malikhaing Pagtuturo Ng Wika

komunikatibo ng mga estudyante. Binanggit sa Batayang Edukasyon sa Level Sekondari

ng Department of Education ng Pilipinas, na ang isang mabisang komunikeytor sa

Filipino ay yaong nagtataglay ng kasanayang makro – ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita

at pagkikinig. Bukod dito, may kabatiran at kasanayan din siya sa apat na komponent o

sangkap ng kasanayanag komunikatibo gaya ng gramatikal, sosyo-lingwistik, diskorsal

at estratijik (Canale at Swain).

Ang kasanayang gramatikal ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga

estraktura sa wika ayon sa mga tuntunin sa gramatika. Ang kasanayang sosyo-lingwistik

naman ay ang kakayahang magamit ang wika sa isang kontekstong sosyal. Ayon kay

Fantini ( sa Pagkalinawan, 2004) may mga salik-panlipunan dapat isaalang-alang sa

paggamit ng wika, ito ay ang ang ugnayan ng nag-uusap, ang paksa, lugar at iba pa. Ang

mga salik panlipunang ito ay pinaikli at nilagom naman ni Hymes sa akronim na

SPEAKING ( s – setting; p – place; e-ends/layunin; a-act; k-keys; I- instrument; n-norms;

g-genre). Samantala, ang kasanayang diskorsal naman ay tumutukoy sa kakayahang

mabigyang ng wastong interpretasyon ang napakinggang pangungusap/pahayag upang

makabuo ng isang makabuluhang kahulugan. At ang kasanayang istratijik ay ang

kakayahang kung paano niya gagamitin ang wika sa iba’t ibang sitwasyon.

Ayon naman sa teorya Notional –Functional Syllabus ni David Wilkins (Higgs at

Clifford 1992, sa Badayos 1999), upang matamo ang kakayahang komunikatibo

kailangang pantay na isaalang-alaang ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto

at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto.

Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002), ang paglinang sa wika ay nakapokus

sa kapakinabang idudulot nito sa estudyante, na matutuhan ang wika upang sila ay 3

makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa at mapahalagahan nang lubusan

ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan. Sa kabuuan, pangunahing mithiin sa

Page 4: Malikhaing Pagtuturo Ng Wika

pagtuturo ng wika na makabuo ng isang pamayanang marunong, mapanuri, kritikal at

kapaki-pakinabang.

C. Ang Guro at Estudyante sa Klasrum Pangwika

Sa tradisyonal na talakayan sa klasrum, ang guro ang laging sentro ng talakayan,

siya ang may malaking bahagdan ng gawain lalo na sa pagsasalita samantalang ang mga

mag-aaral ay tagapakinig o tagasunod lamang. Ang mahusay na klasrum pangwika ay

yaong may aktibong interaksyon sa pagitan ng guro at estudyante ,at estudyante sa

kanyang kapwa estudyante. Ang guro ang nagsisilbing tagapatnubay/pasiliteytor lamang

sa iba’t ibang gawain sa klasrum at ang mga estudyante naman ay aktibong nakikilahok

sa iba’t ibang gawaing pangkomunikasyon. SA interaksyon ng mga estudyante sa kapwa

estudyante, kailangang bigyan sila ng pantay na pagkakataon na makilahok sa iba’t ibang

gawain upang malinang kani-kanilang kasanayan.

D. Mga Metodo o Dulog sa Pagtuturo Wika

Marami nang paraan o estratehiyang nabuo ang ilang mananaliksik at dalubwika

mabisang sa pagtuturo ng wika, ilan dito ang pamamaraang Audiolingual Direct Method,

Grammar Translation, Content-Based Teaching, Communicative Language Teaching, at

iba pa. May mga aklat na ring nalimbag na naglalaman ng iba’t ibang metodo sa

pagtuturo. Mayroon ding mga website na nagmumungkahi ng iba’t ibang estratehiya sa

pagtuturo ng wika, at iba pa…subalit hanggang sa ngayon patuloy pa rin tayong

naghahanap ng iba pa at “makabagong paraan” o mahusay na estratehiya para maging

mabisa “raw” ang ating pagtuturo.

Naniniwala ako na wala naman talagang makabagong metodo o estratehiya na

epektibo sa pagtuturo ng wika. Ang mga dulog integratibo, interaktibo , kolaboratibo at

iba pa, sa unang pandinig ay waring bago subalit ang totoo, ang mga ito ay matagal nang

ginagamit sa pagtuturo. Maaaring ngayon ay nagkaroon lamang ng panibagong

Page 5: Malikhaing Pagtuturo Ng Wika

katawagan. Anumang estratehiya o metodo ay mabisa kung ito ay naaangkop sa uri

ng aralin, mag-aaral (edad, antas ng pag-aaral, paraan ng pag-aaral, motibasyon at

kahandaang kognitibo at sosyo, emosyonal), kapaligiran at layunin ng pagtuturo.

1. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner- Centered

Teaching)

Binibigyang-halaga ang pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral o

pagkatuto ng mga estudyante.

Sinabi ni Willing (1988; Nunan 1991; Badayos 1999) na ang isang gurong

sensitibo at isinasaalang-alang ang istilo sa pag-aaral ng mga estudyante ay

makatutulong upang magkaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto. Sa 4

pag-aaral ni Willing, pinangkat niya ang mga estudyante sa apat at nagmungkahi

siya ng mga naaangkop na estratehiya sa bawat uri.

Uri ng Estudyante Estratehiya ng Pag-aaral

Estudyanteng

“concrete”

1. mga laro

2. mga larawan

3. VCR tapes

4. Pair work

5. Pagsasanay ng wika sa labas ng

klasrum

Estudyanteng

“analitikal”

1. pag-aaral ng gramtika

2. pag-aaral ng maraming aklat sa wika

Page 6: Malikhaing Pagtuturo Ng Wika

3. pagbabasa ng mga pahayagan

4. pag-aaral nang mag-isa

5. pag-alam sa pagsusuri ng mga kamalian

sa wika

6. pagtuklas ng mga solusyon sa mga

suliraning inilahad ng guro

Estudyanteng

“communicative”

1. pagmamasid at pakikinig sa mga

katutubong nagsasalita ng wika

2. pakikipag-usap sa kaibigan na gamit

ang wikang pinag-aaralan

3. panonood ng programa sa TV sa

wikang pinag-aaralan

4. pag-aaral ng mga bagong salita sa

pamamagitan ng pakikinig dito at

paggamit ng akwal na pakikipag-usap

Estudyanteng

“authority oriented”

1. mas gusto ang magpapaliwanag nang

lahat tungkol sa wika

2. may sariling batayang aklat

3. isinusulat ang lahat ng impormasyon sa

notbuk

4. pinag-aaralan ang balarila

Page 7: Malikhaing Pagtuturo Ng Wika

5. nagbabasa para matuto

6. natutuhan ang mga bagong salita kung

makikita ang mga ito

2. Ang Kooperatibo at Kolaboratibong Pagkatuto

Ang mga gawain sa loob ng klasrum ay nakatuon sa sama-sama at tulungtulong na pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang itinakdang gawain.

Layunin ng KKP ay mabawasan ang kompetisyon at maragdagan ang

kooperasyon ng mga estudyante. Napatunayan sa pag-aaral nina Kagan, Slavin at

Allport ang magagandang bunga ng kooperatibong pag-aaral sa mga pag-aaral

gaya ng mga sumusunod:5

a. na malaki maitutulong ng kooperatibong pag-aaral sa paghubog ng

magandang pag-uugali at pakikipagkapwa ng mga estudyante.

b. Napatataas din ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang

sariling kakayahan.

c. Mataas na pagsulong sa pagkatuto

d. Malilinang ang matalino at mapanuring pag-iisip

e. Nagkakaroon ng positibong atityud sa pag-aaral, mataas na

motibasyon

f. Mas mabuting realasyon ng guro at estudyante; estudyante sa kapwa

estudyante

3. Ang Pagkatutong Interaktibo ( Interactive Learning)

Mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Hindi

lamang pagpapahayag ng sariling ideya ang mahalaga kundi ang pag-unawa sa

mensaheng ipinahahayag ng iba pang kasangkot sa interaksyon. Ayon kay Wells

(sa Rivers 1987), ang interaksyon sa klase ay kinapapalooban ng tatsulok na

ugnayan ng tagapaghatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng

Page 8: Malikhaing Pagtuturo Ng Wika

sitwasyon, maging pasalita o pasulat na komunikasyon. Sa loob ng klasrum, may

tatlong uri ng interaksyon na maaaring lahukan ang estudyante: interaksyon sa

guro, sa kapwa estudyante at sa teksto o kagamitang pampag-aaral.

4. Ang Pagkatutong Integratibo ( Integrative Learning)

Binibigyang-diin dito ang integrasyon ng paksang-aralin sa pag-aaral ng

wika. Ang paglalahad ng wika ay hinahango sa nilalaman o ng paksa. Taliwas ito

sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo nang

hiwalay at malayo sa konteksto ng paggagamitan nito.

Nakapalood din dito ang pagkatutong nakapokus sa estudyante at ang

integrasyon ng apat na kasanayan. Ang mga estratehiyang participative,

facilitative at consultative ay mga katangian ng pag-aaral na integratibo. Dito,

ang guro ay tagapagdaloy lamang ng pagkatuto, ang mga estudyante ang

nagsasagawa ng mga gawain. Ang guro ay tagagawa lamang ng iskrip ng

pagkatuto; konsultant, tagagabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan ng pag-aaral ng

isang aralin, ang estudyante ang sentro o ang bida: Siya ay aktibong nagsasalita,

nakikinig, bumabasa at sumusulat kung kinakailangan. Ginagamit ng estudyante

ang wika sa matalino, mapanuri at malikhaing paraan. Nagiging makabuluhan at

kawili-wili ang pag-aaral at pagkatuto sapagkat aktibong gumagana ang kanilang

pandama at pag-iisip

E. Mga Estratehiya sa Malikhaing Klasrum Pangwika

Ang isang mahusay na guro ng wika ay hindi napapagod na mag-isip, maghanap,

at maghanda ng iba’t ibang estratehiya para maging kasiya-siya sa mga estudyante ang 6

kanilang pag-aaral ng wika. Habang humahaba ang taon niya sa pagtuturo, humahaba rin

dapat ang mga nakalap at naipon niyang pamamaraan o estratehiya sa pagtuturo. At kahit

na tumatanda siya sa pagtuturo, nananatili pa ring sariwa o may novelty (originality or

Page 9: Malikhaing Pagtuturo Ng Wika

freshness) at kapaki-pakinabang o usefulness sa mga estudyante ang kanyang itinuturo.

Ani nga ni Neal Whitman:

“Creative teachers are novel and useful.

Teachers who are novel, but not useful, are charlatans.

Teachers who are useful, but not novel, are pedantic bores.

Teachers who are neither novel or useful are tenured faculty oops, I meant “old

goats.”

Ang guro wika ay nabubuhay para magturo ng wika, at kahit paulit-ulit lamang

ang wikang kanyang itinuturo, nananatiling bago at kawili-wili dahil iba’t ibang sahog

(ingredients) ang inihahalo niya sa araw-araw ng kanyang pagtuturo, kung kaya’t hindi

nakasasawa. Huwag nating hayaang “masuka” ang mga estudyante sa mga nakababagot

na lektyur, bagkus, gumamit tayo ng iba’t ibang kasiya-siyang gawain gaya ng kwento,

pagsasadula o role plays brainstorming, maliliit na pangkatang talakayan o small group

discussions, demonstrations, debate, at mga larong pangwika o language games. Marami

nang pag-aaral na isinagawa tungkol sa paggamit ng mga laro bilang mabisang

estratehiya sa pagtuturo. Lahat sila’y nagkakaisa na mas maraming kabutihan ang

ibinibigay nito kaysa sa di mabubuti. Nagdudulot ito ng mga kabutihang pampisikal,

intelektwal, emosyunal, at sosyal.

IV. KONKLUSYON

Bilang pagwawakas, nais kong balikan ang isa sa pinakapaborito kong kabanata o

bahagi sa nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal, ang tungkol kay Pilosopo Tasyo.

Minsan, may isang binatang lumapit kay Pilosopo Tasyo para subukin ang katalinuhan

niya. Ang sabi ng binata: “Pilosopo Tasyo, sabihin nga ninyo sa akin ang kalagayan ng

ibon na nasa aking palad.” Saglit na tumahimik at nag-isip si Pilosopo Tasyo. Kapag

sinabi sinabi niyang buhay ang ibong nasa palad ng binata, hihigpitan ng binata ang

Page 10: Malikhaing Pagtuturo Ng Wika

pagkakuyom ng kanyang palad para mamatay ito, at kapag sinabi naman niyang patay,

ito ay pakakawalan niya. Nagsalita si Pilosopo Tasyo, at sinabi niya: “Ang kalagayan ng

ibong iyan ay nasa palad mo.” Oo, nakasalalay sa kanyang palad kung mananatiling

buhay o patay ang pinaglalaruan niyang ibon. At ganoon din tayong mga guro.

NAKASALALAY SA ATING MGA KAMAY KUNG MAGIGING BUHAY O PATAY

ANG MGA TALAKAYAN AT PAG-AARAL SA LOOB NG ATING KLASRUM! Nais

ba nating maging masaya, masigla at kawili-wili o kabagut-bagot ang bawat araw ng

ating pagkaklase?7

Mga Sanggunian

Badayos, Paquito B. 1999. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Makati:

Grandwater Publications ang Research Corporation.

Espiritu Clemencia C. (walang petsa) “Interaktibong Pagtuturo ng Filipino”,

Papel na Binasa sa Isang Pambansang Seminar sa Filipino.

Fortunato Teresita F. 1999. “Interaktibong Pagtuturo ng Wika”, Papel na Binasa

sa Pambansang Seminar sa Filipino sa “Pagpapalakas-Tibay sa Pagtuturo:

Nilalaman, Metodo at Riserts.” DLSU-Maynila.

Nunan David. 1990. Designing Tasks for Communicative Classroom: Cambridge:

Cambridge University Press

___________.1999. Second Language Teaching and Learning: Boston,

Massachusetts: Heinle & Heinle Publishers.

Pagkalinawan, Leticia C. 2004. Filipino Para sa Iskolarling Pagpapahayag , 3

rd

edition. Makati: Inkwel Publishing House.

Resuma, Vilma M. “Lapit na Integratibo sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan:

Pokus sa Ilang Mahalagang Kasanayan,” sa Ang Wikang Filipino sa Loob

Page 11: Malikhaing Pagtuturo Ng Wika

at Labas ng Akademya’t Bansa, Benilda S. Sentro Santos (ed.) 2003.

Sentro ng Wikang Filipino-Diliman AT Pambansang Komisyon Para sa

kultura at Sining.

Richards, Jack C. and Willy A. Renandya (ed.). 2003. Methodology in Language

Teaching. Cambridge: Cambridge University Press.

Wright Andrew . 1986. Games For Language Learning. Cambridge: Cambridge

University Press.

Whitman, Neal. “Creative Teaching is Novel and Useful.”

http://www.helium.com/knowledge/268181-good-use-creative-teaching-methods.

____________________________

Paper presented at the 2

nd

International Conference on Filipino as a Global Language, San

Diego, California, January 15-18, 2010.