pagtataya at pagtatasa

7
PAGTATAYA AT PAGTATASA AT ILANG HALIMBAWANG GAWAIN AT PAMANTAYAN

Upload: jonathan-paranada

Post on 24-Oct-2014

769 views

Category:

Documents


20 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagtataya at Pagtatasa

PAGTATAYA AT PAGTATASAAT ILANG HALIMBAWANG GAWAIN AT PAMANTAYAN

Page 2: Pagtataya at Pagtatasa

PAGTATASA, HINDI LANG PAGTATAYA Pag-unlad at pagkatuto ang mahalaga--higit

pa kaysa sa marka Maaaring manatiling abstrakto ang marka para

sa mag-aaral, at samakatwid ay hindi tiyak na pagmumulan ng pag-unlad o pagkatuto

Kailangang maiwasto ang anumang pagkakamali; kailangang mapunan ang anumang pagkukulang Ang pagwawastong ito ay tunay na mabisa kung

manggagaling sa mag-aaral at hindi lamang basta ibibigay ng guro

Gayundin, hindi maaaring hayaan lang ang mag-aaral upang umunlad sa kaniyang sariling pagsisikap; kailangang mamagitan ang guro

Page 3: Pagtataya at Pagtatasa

SAPAT NA ORAS PARA SA PAGTATAYA AT PAGTATASA

Ang ikaapat na klase ng bawat linggo ay gagamitin upang mataya kung ano ang kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral

Gayundin, kapag natukoy na ang mga kahinaang ito, gagamitin rin ang ikaapat na klase sa pagtatasa sa mga kahinaan ng mga mag-aaral

Ang mga gawaing ito ay nakabatay sa pangangailangan ng bawat paaralan, bawat klase, bawat mag-aaral; walang iisang lunas dahil hindi lang rin iisa ang mga suliranin

Page 4: Pagtataya at Pagtatasa

ILANG HALIMBAWANG GAWAIN PARA SA PAGBABASAA. ITEM ANALYSIS ng MAIKLING PAGSUBOK/MAHABANG PAGSUSULIT Isa-isahin natin ang mga bilang sa nakaraang kwis. Magtaas ng kamay kung

nagkamali kayo sa bilang na binanggit. Gagawin natin ito upang malaman kung ano pa ang kailangan nating pag-aralan bago dumako sa susunod na leksyon. Makikita rin natin dito ang progreso ninyo sa mga kasanayang gusto kong ituro.

Isa-isahin ang mga bilang. Isulat sa isang papel kung ilan ang nagkamali sa bawat bilang. Kung masyadong marami ang klase at matagal ang magiging pagbibilang, maaaring magpatulong sa estudyante. O di kaya’y isulat na lamang sa papel ang: x kung wala o halos walang nagkamali - kung kaunti ang nagkamali kung maraming nagkamali kung sobrang daming nagkamali

Ngayon, pag-usapan natin ang mga bilang kung saan pinakamarami ang nagkamali. Gagawin natin ito upang maitama ang mga pagkakamali at hindi na maulit ang mga ito sa susunod. Sisikapin kong ipaliwanag sa inyo ang dahilan ng pagkakamali. Huwag kayong hihinto sa pagtatanong hangga’t sa hindi ninyo nauunawaan kung bakit kayo nagkamali.

Ano ang naging sagot ninyo sa bilang na ito? Bakit? Unawain ang pagkakamali sa pag-iisip ng estudyante. Itama na agad ang pag-iisip. Mangyayari rin na makikitang may kaunting mali sa tanong/pagsusulit. Posibleng

maraming sagot. Posibleng iba talaga ang sagot. Posibleng wala roon ang sagot. Kung ang kabatirang ito ay nanggaling sa pag-iisip at pakikipagdiskusyon ng estudyante, tagumpay ito para sa kanilang pagkatuto.

Page 5: Pagtataya at Pagtatasa

ILANG HALIMBAWANG GAWAIN PARA SA PAGSUSULATA. PAGTATASA sa SARILING SULATIN Gamitin ang pamantayan natin sa Pagsusulat upang tasahin

ang sarili mong sulatin. Ano ang markang ibibigay mo sa sarili? Saan ka na magaling? Saan ka na mas magaling kaysa dati? Saan ka pa dapat magsikap?

Maaaring mag-ikot ng klase ang guro upang kausapin ang mga etsudyante at tingnan ang kanilang pagtatasa sa sarili.

Maaari ring hayaang magbahagi ang ilan ng kanilang napagmunihan.

B. PAGTATASA sa SULATIN ng KAKLASE Makipagpalitan ng papel sa isang kaklase. Basahin nang mabuti ang papel na nasa iyo at gamitin ang

Pamantayan sa Pagsusulat upang bigyan ito ng marka. Maging tapat—huwag masyadong mabait at huwag naman masyadong mapanira. Sulatan ng mga papuri at mungkahi ang papel na napunta sa iyo. Ilagay sa ilalim: Minarkahan ni: at pirmahan.

Page 6: Pagtataya at Pagtatasa

PAMANTAYAN SA PAGSUSULATMAHUSAY PUWEDE NA KULANG PA

WASTO ang balarila. Wala o halos walang mali. May ilang pagkakamaling hindi labis na nakaaapekto sa bisa ng sulatin.

May mga pagkakamaling nakaaapekto sa bisa ng sulatin.

IISA ang tinutungo ng bawat pangungusap. Walang pangungusap na sablay sa paksa.

Wala o halos walang mali. May ilang pagkakamaling hindi labis na nakaaapekto sa bisa ng sulatin.

May mga pagkakamaling nakaaapekto sa bisa ng sulatin.

MAAYOS ang daloy. Lohikal ang pagkakasunud-sunod ng pangungusap.

Wala o halos walang mali. May ilang pagkakamaling/ pagkukulang na hindi labis na nakaaapekto sa bisa ng sulatin.

May mga pagkakamaling/ pagkukulang nakaaapekto sa bisa ng sulatin.

MADULAS basahin. Gumamit ng mga angkop na pandugtong na salita.

Wala o halos walang mali. May ilang pagkakamaling/ pagkukulang na hindi labis na nakaaapekto sa bisa ng sulatin.

May mga pagkakamaling/ pagkukulang nakaaapekto sa bisa ng sulatin.

MABISA ang pagkakapahayag sa damdamin at nilalaman ng mensahe sa madlang pinag-uukulan.

Di-malilimutan ang sinabi dahil nakaaantig sa damdamin at tumatatak sa isip.

May mga pagkakataong tumatalab sa damdamin at tumatatak sa isip ang sinabi.

Madaling malimutan ang sinabi dahil wala o halos walang talab sa damdamin at hindi tumatak sa isip.

Page 7: Pagtataya at Pagtatasa

ILANG HALIMBAWANG GAWAIN PARA SA PAGSUSULATPAGSASANAY sa PAGPAPABISA Maaaring magsimula sa paghingi sa mga estudyante ng

pinakaastig nilang pick-up line. Mag-isip ng iba-ibang paraan ng pagsasabi ng mga

sumusunod na mensahe:1. Mahal kita.2. Gusto kita.3. Mali ka.4. May tinga ka.5. Napakaganda/napakaguwapo mo.6. Oo.7. Hindi.

Anong mga paraan ng pagpapabisa ang ginamit natin? Isulat ang mga ito sa pisara.

Gamitin din ang mga paraang nabanggit sa sarili ninyong pagsusulat/pagsasalita.