thesis filipino (3)

21
Kabanata I Ang Suliranin at ang Sanligan Nito Panimula Ang pakikipagnegosasyon online ay nagsimula pa noong 1900 kasabay ng pagdating ng Internet kung saan ang transaksyon ng mga mangangalakal ay natawag ang pansin. Ang pakikipagnegosasyon online ay nagbukas ng pinto ng oportunidad para sa maraming negosyante. Dati, ang mga malalaking negosyo lamang ang may access sa web. Gayunpaman, ngayon, ang puhunan ng mga indibidwal sa pagbubukas ng negosyo gamit ang internet ay nagpapatuloy kaya’t ito ay masasabing pinakapopular na pakikipagsapalaran sa negosyo sa lipunan. Isa ang mga business networking sites sa usong-usong teknolohiya ngayon. Ang mga business networking accounts na kilalang-kilala ngayon ay Ayosdito.com, Sulit.com, Lazada.com at pati sa mga social networking site gaya ng Facebook, Instag

Upload: hillary-valencia

Post on 27-Oct-2015

1.399 views

Category:

Documents


12 download

TRANSCRIPT

Page 1: Thesis Filipino (3)

Kabanata I

Ang Suliranin at ang Sanligan Nito

Panimula

Ang pakikipagnegosasyon online ay nagsimula pa noong 1900 kasabay ng

pagdating ng Internet kung saan ang transaksyon ng mga mangangalakal ay

natawag ang pansin. Ang pakikipagnegosasyon online ay nagbukas ng pinto ng

oportunidad para sa maraming negosyante. Dati, ang mga malalaking negosyo

lamang ang may access sa web. Gayunpaman, ngayon, ang puhunan ng mga

indibidwal sa pagbubukas ng negosyo gamit ang internet ay nagpapatuloy kaya’t

ito ay masasabing pinakapopular na pakikipagsapalaran sa negosyo sa lipunan.

Isa ang mga business networking sites sa usong-usong teknolohiya

ngayon. Ang mga business networking accounts na kilalang-kilala ngayon ay

Ayosdito.com, Sulit.com, Lazada.com at pati sa mga social networking site gaya ng

Facebook, Instag at Twitter ay meron na din nagtatayo negosyo. Marami ang

magagawa sa mga business networking sites tulad ng makipagkomunikasyon,

gumamit ng iba’t-ibang mga application, at makapagsimula ng negosyo. Maaaring

kumita ng pera sa paggamit lang ng online networking o online business. Ang

online business o business networking sites ay kinagigiliwan ng lahat: maging

babae man o lalaki, matanda o bata, mahirap o mayaman. Sa pamamagitan ng

mga online business site ay nagiging mas mabilis at madali ang pagbili ng

produkto subalit hindi nakakasiguro ang mga mamimili na dekalidad ang mga

Page 2: Thesis Filipino (3)

produktong binebenta online. Karamihan sa mga nawiwili sa mga ito ay ang mga

estudyante.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang magbahagi ng karagdagang

kaalaman sa mga estudyante ng Pamantasan ng Silangan-Kalookan na nagbukas

o magbubukas pa lang ng sariling negosyo gamit ang internet. Nais din ng pag-

aaral na ito na ibahagi ang mga epekto ng pagtatayo ng online business sa

mga estudyanteng tulad namin.

Page 3: Thesis Filipino (3)

Pagpapahayag ng suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-anong Online Business ang tinatangkilik ng mga estudyanteng kolehiyo sa

Pamantasan ng Silangan Kalookan?

2. Paano nakakaapekto ang Online Business sa mga estudyante sa Pamantasan

ng Silangan?

3. Anu-ano ang karaniwang tinatangkilik/binibili ng mga estudyante ng Pamantasan

ng Silangan?

4. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit tinatangkilik ng mga estudyante ang Online

Business?

5. Anong kurso ang karaniwang tumatangkilik sa Online Business?

6. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang ng isang negosyanteng magtatayo ng

isang Online Business?

7. Bakit maraming kabataan ang tumatangkilik sa pagbubukas ng negosyo gamit

ang internet?

8. Anong mga edad ng estudyante ang karaniwang tumatangkilik sa mga

produktong Online?

Page 4: Thesis Filipino (3)

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang Pag-aaral na ito ay nagbibigay halaga din sa mga sumusunod:

Mag-aaral

Upang makapagpasya kung dapat nga bang tangkilikin ang Online Business.

Upang malaman kung maganda nga bang simula ng negosyo ang online para sa

mga estudyante.

Guro

Upang mabatid nila ang mga suliranin at epekto ng Online Business sa mag-aaral

at makatulong sa pamamagitan ng paraan ng kanilang pagtuturo.

Negosyante/Mamamayan

Upang malaman nila kung ang Online Business ay isa nga bang magandang uri ng

negosyo.

Upang malaman nila kung ano ang mga epekto ng Online Business.

Page 5: Thesis Filipino (3)

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga estudyante ng Pamantasan ng

Silangan- Kalookan na kasalukuyang nag-aaral ngayong ikalawang semestre taong

pampanuruan 2013-2014.Upang malaman kung ano nga ba ang Online Business at

ang epekto nito sa mga mag-aaral. Sasakupin lamang ng pag-aaral ang mga pananaw,

opinion at damdamin ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Silanagn-kalookan.

Dipinisyon ng mga katawagan

Online Business

Ang Online Business ay isang negosyo na ginagamitan ng teknolohiya o internet.

Internet

Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring

gamitin ng mga tao sa buong mundo.

Web

Ang web ay isang sistema na siyang nagpapagalaw sa Internet.

Teknolohiya

Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang

pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang

tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Page 6: Thesis Filipino (3)

Negosyo

Ang negosyo ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga

mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang kumita.

Negosyante

Negosyante ang tawag sa taong nagbebenta ng iba’t-ibang produkto.

Negosasyon

Ang alternatibong termino ay kalakalan.

Page 7: Thesis Filipino (3)

Kabatana II

Kaugnay na Literatura at Pag – aaral

Kaugnay na Literatura

Lokal:

Ayon kay Steven Solomon sa aklat na Small Business idinepensa niya na “ In

poor developing countries small project are much better than big project “.

Isa ang Pilipinas sa mga papaunlad na bansa, at npagtanto na marami na ang

nag bebenta gamit ang internet. Gamit ang social networking site nakakapag tayo sila

ng Online business na maari magbenta ng mga kakaiba at pangkaraniwang bagay na

ginagamit ng tao. Ito ang paraan nila upang mapaunlad ang kanilang negosyo pati ang

ekonomiya ng bansa. Kahit sino ay pwedeng magnegosyo nito mapalalaki o babae,

mayaman o mahirap, bata o matanda. Isa rin itong magnadang gawin pag wala kang

mahanap na trabaho, at maliit lang na puhunan ang kinakailangan.

Banyaga:

Ayon kay Brian Adams, studymode.com “Trust is probably the single most

important factor in running an Online Business. Although the volume of the use their

credit cards due to many scams, frauds and other-fly-by high operations plaguing the

internet.

Page 8: Thesis Filipino (3)

Mahirap magtiwala sa isang tao lalo na kung tungkol sa pera ang pinaguusapan.

Isa sa mga dahilan kung bakit mahirap magtiwala ay dahil sa kahirapan. Sa mga

kalagayan ng Online Business kinakailangan makuha ang tiwala ng mamimili upang

makabenta ng kanilang produkto. Hindi lang sa kalidad at presyo ng produkto ang

batayan ng mga mamimili kundi pati na rin ang estado at itsura ng business site ng

may-ari nito.

Ayon din kay Chris Brogan (chrisbrogan.com) Oraganizations have a lot to consider

once they decide they want to jump into a social networking and social media. There

are many opportunities to slide off the trails, or worse to let the effort fall into disarray.

Sa ating henerasyon, ang Internet ay isang malaking tulong sa ating lahat.

Napapadali at napapabilis nito ang ating mga gawain. Katulad ng

pakikipagkomunikasyon sa ating minamahal sa buhay na nasa malayong lugar at

pagbebenta ng mga gamit. Ngunit kasabay din nito ang paglabas ng mga mapanlinlang

at mapagsamantalang mamamayan. Kung kaya’t dapat suriin natin at magingat tayong

mabuti.

Page 9: Thesis Filipino (3)

Kaugnay na pagaaral

Lokal:

Isinaad ni Feliciano Fajardo sa aklat na “Peak performance can be obtain through

careful placement, sufficient & necessary information opportunities for participation, and

high standard of performance”

Hinahanap ng mamimili ang dekalidad na produkto. Masasabi rito na kailangan ng

mainam na pakikipagnegosasyon upang mabili ang produktong binibenta sa online.

Ayon rin sa pag-aaral, mas marami ang maaring bumili ng isang bagay sa online. Ayon

rin sa pag-aaral, mas marami ang maaring bumili ng isang bagay online kung ito ay

naiprisinta ng ayos at naayon sa araw o okasyon.

Ayon namn kay Adam, Z.R, (papercamp.com), “The major different type of e-

commerce (B2B) Business to Business, (B2) Business-to-consumer, (B26) Business to

Government, (C2) Consumer to Consumer and M-commerce while is mobile

commerce”

Pinakamadali ang Online Business sites dahil marami ng mapag-pipiliang sites,

produkto, tatak at presyo ang mahahanap dito. Katulad sa kataga ng isa sa mga sikat

ng Online Business na sulit.com na “Hanap, Usap, Deal” masasabi rito na kahit na nasa

bahay o nasang lugar ka man ay maari kang makabili at kikita naman ang nagbebenta.

Page 10: Thesis Filipino (3)

Banyaga:

Ayon kay Mckinsey, “More objects are becoming embaded w/ sensors and gaining

the ability to communicate. The resulting information networks promise to create new

business models, improve business process, and reduce costs and risks” .

Para naman sa ginagawang pananaliksik ni Mckinsey, dahil sa Online Business

sites, nagkaroon ng bagong paraan ang mga supplier upang kumita ng pera, pinababa

rin nito ang presyo at pinalawak ang kapakanan ng mga bumibili, mas napadali na

ngayon ng teknolohiya ang buhay ng mga tao.

Page 11: Thesis Filipino (3)

Sintesis

Ayon sa mga artikulo na nabasa at napagalaman ng mga mananaliksik maraming

tulong ang naiidulot ng teknolohiya sa pangaraw-araw na buhay. Katulad na lamang ng

napiling paksa ng mga mananaliksik na Online Business. Nasasaad sa artiko ng

studymode.com na sa tamang kasaysayan ng komersyo sa pagbebenta ay malaki na

ang naiambag ng teknolohiya sa katunayan, ang teknolohiya ang isa sa mga

pangunahing paraan kung bakit ang pagbili at pagbebenta ay nagiging madali, mabilis

at mabisa. Kung kaya naman napakaraming mga tao ang sumasangguni sa teknolohiya

para sa kanilang pamimili. Ayon rin sa artikulong inilabas ng Fortune Magazine ang

Facebook ay ang numero unong social network ngayon sa buong mundo. Kung kaya’t

ginagamit ito na mga malalaking kompanya para dito ilagay ang kanilang advertisement

at para mas madaling malaman ng mga mamimili ang tungkol sa kanilang mga

produkto hindi lamang ang mga kompanya ang nakikinabang sa ganitong pamamaraan

dahil maging ang mga ordinaryong tao ay ginagamit ang Facebook upang magbenta ng

ilang kagamitan sa pamamagitan ng pag popost ng kanilang nais na ibenta na

produkto. Ang JDNS company ay isa sa mga kumpanyang gumagamit ng online

business site dahil ayon sa kanila ginagawa ang system na ito para sa kumpanya

upang magkaroon ng mahusay na paraan at upang mahawakan ang transakyon,

particular ang pag order na sistema. Gamit ang ipinanukalang sistema, ang isang

customer ay maaring umorder ng produkto ng kumpanya ano mang oras. Kahit saan

dagdag pa dito ay nakaka tulong pa ito na mapabuti ang kahusayan ng kumpanya sa

mga tuntunin ng paghawak ng transaksyon, particular ang kanilang sistema sa pag

order. Bukod dito, dahil ang system ay sa pamamagitan ng online at sa pamamagitan

Page 12: Thesis Filipino (3)

ng SMS, ang prospektib na mga customer ng kumpanya ay tumaas. Kaya ang sistema

ay maaring mag ambag sa pag taas ng benta ng kanilang mga produkto. Napag tanto

ng mga mananaliksik na lumipas na ang maraming dekada at tuluyan na ding binago

ang panahon ang mundo pati na rin ang saloobin ng kaluluwa ng tao sadyang tayo ang

walang kapagurang galuganin ang mga bawat sa posebilidad upang maabot ang

pinakamataas na antas ng pamumuhay. Isinilang ang teknolohiya ayon sa pagkahayok

natin sa pagbabago.

Page 13: Thesis Filipino (3)

Sanggunian:

Studymode.com

Papercamp.com

Social media and social networking starting

Fortune magazine

Mckinsey quarterly

Small business

Cooperatives

Page 14: Thesis Filipino (3)

Kabanata III

Metodolohiya

Disenyo Ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib

na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito

ang pananaw ng mga estudyante ng Pamantasan ng Silangan-Caloocan na bumibili ng

produkto online.

Setting Ng Pag-aaral

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa loob ng Pamantasan ng Silangan Caloocan

Campus dahil maraming mag-aaral ang tumatangkilik at bumibili sa mga produkto

online.

Mga Respondents

Ang mga piniling respondents sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng iba’t-

ibang departamento sa Pamantasan ng Silangan-Calooca mula una hanggang apat na

taon ng kasalukuyang semester taong panuruan 2012 – 2013. Sa unang taon ay

mayroong 25 respondents, sa ikalawang taon ay mayroong 25 respondents. Sa ikatlong

taon ay mayroong 25 respondents at para sa ikaapat na taon ay mayroon ding 25

respondents. Sa kabuuan ay nakahanap ng 100 respondents ang mga mananaliksik.

Instrumentong Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey, kwestyuner

upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa Pamantasan ng Silangan

Caloocan Campus.

Page 15: Thesis Filipino (3)

Upang lalong mapagbuti ang pag-aaral ay minabuti ng mga mananaliksik na

mangalap ng impormasyon sa iba’t – ibang hanguan sa aklatan tulad ng mga libro,

journal, pahayagan at iba pa.

Tritment Ng Mga Datos

Dahil ang pamamaraang pananaliksik na ito ay panimulang pag-aaral lamang at

hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri ay walang ginawang

pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na

istatistika. Tanging pagtatally at pagkuha ng porsyento lamang ang kianakailangang

gawin ng mananaliksik. Ang paraang ginamit ng mananaliksik sa pagkokompyut ng

porsyento sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Page 16: Thesis Filipino (3)

Ang Online Business at ang epekto nito sa mga estudyante ng

Pamantasan ng Silangan Kalookan kampus

Isang pamanahon na iniharap sa mga daluguro ng mga Filipino bilang

isang katuparan sa kahilingan ng kursong Filipino 112.

Ipinasa nina:

Armas, Charlene A.

Sioson, Iris P.

Merin, Rachel M.

Madarang, Gladez Mar S.

Sajulga, Dianne Lae S.

Villaluna, Monique L.