2-6 digmaan timog asya

6
1 Mga Malalaking Digmaan na Naganap sa Timog Asya Simula Ika-20 na Siglo Hanggang Kasalukuyan 1947: Unang Digmaang Indo-Pakistani 1962: Digmaang Sino-India 1965: Pangalawang Digmaang Indo-Pakistani 1971: Digmaan Tungo sa Kasarinlan ng Bangladesh 1983: Digmaang Sibil sa Sri Lanka 1995: Digmaang Sibil sa Nepal 1999: Digmaan sa Kargil Panimulang Kaalaman Malaki ang nasakop ng Britanya sa Timog Asya noong Panahon ng Kolonisasyon at ito ay makikita sa mapa sa ibaba. Ang malaking lupain na ito ay hinati-hati at may mga napunta sa India, Pakistan, at Tsina. Ang hatian ng mga maliliit na rehiyon ay ipinaubaya sa mga bagong-buong estado at naging magulo ang hatian ng mga lugar na nasa hangganan (border) ng mga magkakadikit na bansa. Ang suliraning ito ay ilang beses na nagdulot ng digmaan. Makikita sa susunod na pahina ang isang detalyadong mapa ng mga pinag-aawayang teritoryo sa Timog Asya. Ang karamihan sa mga susunod na diskusyon ng ay nakabase sa mga lugar na ito kaya sumanggi lamang sa mapa na ito. Unang Digmaang Indo-Pakistani (Unang Digmaan Para sa Kashmir) Kashmir – malawak na rehiyon sa pinakahilagang-kanlurang bahagi ng Timog Asya Indian Independence Act of 1947 – pagbubuo ng “Union of India” at “Dominion of Pakistan”; ang mga maliliit na estado ay malayang pumili ng kasarinlan o pagsanib sa India o Pakistan Suliranin sa Kashmir – Muslim ang populasyon ngunit Hindu ang naitalagang mamuno (India:Hindu, Pakistan:Muslim) Mga sangkot sa digmaan: India laban sa Pakistan Kelan: ika-21 ng Oktubre hanggang ika-31 ng Disyembre 1948 Mga Mahahalagang Pangyayari sa Digmaan 1. Oktubre 1947: Ang mga tribong Pakistani (“Azad Kashmir Forces ”, AZK) galing Dir at ang mga Muslim sa Kanlurang Kashmir ay pumasok at nag-alsa laban sa namumuno ng Kashmir na si Maharaja Hari Singh. 2. ika-27 ng Oktubre 1947: Napilitan ang Maharaja na humingi ng tulong- militar sa bansang India. Sa kadahilanang ito, pumayag na ang Maharaja at nilagdaan ang “Instrument of Accession ”. Opisyal na napasailalim ang Kashmir sa India. 3. ika-31 ng Disyembre 1948: Nagtakda ng tigil-digmaan (cease-fire) ang UN. Resulta ng Digmaan Napagkasunduan sa kompromisong nakasulat sa “United Nations Military Observer Group in India and Pakistan ” (UNCIP). Napasanib ng Pakistan ang 2/5 ng Jammu at Kashmir samantalang napasailalim sa India ang natitirang 3/5 ng lugar kasama ang Kashmir Valley at ang karamihan ng populasyon ng estado.

Upload: mark-dennis-c-retrato

Post on 02-Apr-2015

2.169 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: 2-6 Digmaan Timog Asya

1

Mga Malalaking Digmaan na Naganap sa Timog Asya Simula Ika-20 na Siglo Hanggang Kasalukuyan

1947: Unang Digmaang Indo-Pakistani 1962: Digmaang Sino-India 1965: Pangalawang Digmaang Indo-Pakistani 1971: Digmaan Tungo sa Kasarinlan ng Bangladesh 1983: Digmaang Sibil sa Sri Lanka 1995: Digmaang Sibil sa Nepal 1999: Digmaan sa Kargil Panimulang Kaalaman

Malaki ang nasakop ng Britanya sa Timog Asya noong Panahon ng Kolonisasyon at ito ay makikita sa mapa sa ibaba.

Ang malaking lupain na ito ay hinati-hati at may mga napunta sa India, Pakistan, at Tsina. Ang hatian ng mga maliliit na rehiyon ay ipinaubaya sa mga bagong-buong estado at naging magulo ang hatian ng mga lugar na nasa hangganan (border) ng mga magkakadikit na bansa. Ang suliraning ito ay ilang beses na nagdulot ng digmaan.

Makikita sa susunod na pahina ang isang detalyadong mapa ng mga pinag-aawayang teritoryo sa Timog Asya. Ang karamihan sa mga susunod na diskusyon ng ay nakabase sa mga lugar na ito kaya sumanggi lamang sa mapa na ito.

Unang Digmaang Indo-Pakistani (Unang Digmaan Para sa Kashmir)

Kashmir – malawak na rehiyon sa pinakahilagang-kanlurang bahagi ng Timog Asya

Indian Independence Act of 1947 – pagbubuo ng “Union of India” at “Dominion of Pakistan”; ang mga maliliit na estado ay malayang pumili ng kasarinlan o pagsanib sa India o Pakistan

Suliranin sa Kashmir – Muslim ang populasyon ngunit Hindu ang naitalagang mamuno (India:Hindu, Pakistan:Muslim)

Mga sangkot sa digmaan: India laban sa Pakistan Kelan: ika-21 ng Oktubre hanggang ika-31 ng Disyembre 1948

Mga Mahahalagang Pangyayari sa Digmaan

1. Oktubre 1947: Ang mga tribong Pakistani (“Azad Kashmir Forces”, AZK) galing Dir at ang mga Muslim sa Kanlurang Kashmir ay pumasok at nag-alsa laban sa namumuno ng Kashmir na si Maharaja Hari Singh.

2. ika-27 ng Oktubre 1947: Napilitan ang Maharaja na humingi ng tulong-militar sa bansang India. Sa kadahilanang ito, pumayag na ang Maharaja at nilagdaan ang “Instrument of Accession”. Opisyal na napasailalim ang Kashmir sa India.

3. ika-31 ng Disyembre 1948: Nagtakda ng tigil-digmaan (cease-fire) ang UN.

Resulta ng Digmaan

Napagkasunduan sa kompromisong nakasulat sa “United Nations Military Observer Group in India and Pakistan” (UNCIP).

Napasanib ng Pakistan ang 2/5 ng Jammu at Kashmir samantalang napasailalim sa India ang natitirang 3/5 ng lugar kasama ang Kashmir Valley at ang karamihan ng populasyon ng estado.

Page 2: 2-6 Digmaan Timog Asya

2

Umabot sa 1100 na militar galing India ang nasawi at 1500 naman galing Pakistan. Nasa tatlong libo naman ang pinagsamang bilang ng mga nasawing sibilyan at militar ng Kashmir.

Digmaang Sino-India (bahagi ng Cold War)

Pinag-digmaan ng India at Tsina kung kanino dapat mapupunta ang Aksai Chin (ngayon Timog Xinjiang) at Aranuchal Pradesh (Timog Tibet at North-East Frontier Agency) simula ng ika-20 ng Oktubre 1962 hanggang ika-21 ng Nobyembre 1962 Mga Mahahalagang Pangyayari (sumangguni sa sususnod na mapa)

1. 1865: Johnson Line – nagtaguyod ng hangganan sa pagitan ng Tsina at Kashmir at ipinaloob ang Aksai Chin sa Kashmir

2. 1899: MacCartney-Macdonald Line – kapalit ng Johnson Line, ipinaloob nito ang Aksai Chin bilang bahagi ng Xinjiang sa Tsina

3. 1911: Xinhai Revolution – pag-aalsa sa loob ng Tsina; humina ang interes ng Tsina sa away teritoryo at itinuon pansin dito

4. 1913: Macmahon Line – nagtaguyod ng hangganan sa pagitan ng Tibet, Tsina at India na pinagkasunduan sa Simla Accord.

5. 1947: Lumaya na ang India at sinama ang Aksai Chin sa teritoryo nito. 6. 1956: Nagtayo ng mga daan patunong Aksai Chin ang mga Tsino.

Naging mas madaling puntahan galing Tsina kumpara sa India. 7. 1961: Forward Policy - nagtakda ng mas agresibong katayuan ang India

sa away ukol sa teritoryo; nagpadala at dinagdagan ang lakas-militar sa mga lugar na pinag-aawayan

8. ika-20 ng Oktubre 1962: Sinimulan ng Tsina ang paglusob sa dalawang lugar: Chip Chap Valley ng Aksai Chin at Namka Chu sa silangang bahagi. Mabilis na napataob ang mga pwersa ng India; 80,000 sundalong pinadala ng Tsina laban sa 12,000 ng India.

Resulta ng Digmaan

Ang “Line of Actual Control” ngayon ang nagtatayong tagahati sa bansang Tsina at India.

Itinatayang umabot sa 1400 ang namatay na mga sundalong Indian samantalang nasa 700 lang ang nasawi sa mga Tsino. Tinatayang nasa 5700 din na Indian ang nawawala at nahuli ng kalaban (Prisoners of War).

Ang Punong Ministro ng India na si Jawaharlal Nehru ay nagsulong ng bukas at mapagkaibigang relasyon tungo sa Tsina subalit kabaligtaran ito ng agresibong pamumuno ni Mao Zedong. Ito ang naging sanhi ng mabilis na tagumpay ng Tsina sa digmaan.

Ang mga nabanggit na lugar ay makikita sa susunod na mapa.

Pangalawang Digmaan para sa Kashmir (Pangalawang Digmaang Indo-Pakistani)

Ang pangalawang beses na pinag-awayan ng India at Pakistan ang rehiyon ng Kashmir. Nagtagal ang digmaan simula ika-5 ng Agosto hanggang ika-23 ng Setyembre 1965. Mga Mahahalagang Pangyayari

1. ika-20 ng Marso 1965: Nagkaroon ng maliit na sagupaan sa hangganang Rann of Kutch noong na pasimuno ng Pakistan. Tumibay ang loob ng Pakistan na agawin ulit ang lugar ng Kashmir sa mga kadahilanang:

Page 3: 2-6 Digmaan Timog Asya

3

a) Panalo sa engkwentro sa Rann of Kutch b) Pinakita ng Tsina ang kahinaan ng India sa lakas-militar noong

Digmaang Sino-India c) Pinaniniwalaang hindi kontento ang mga Muslim sa pamumuno ng

India sa Kashmir d) Magiging madali lang simulan ang isang rebolusyon sa loob ng

Kashmir dahil sa mga nabanggit sa taas 2. ika-5 ng Agosto 1965: nasa 30,000 na sundalong Pakistani ang pumasok

ng Kashmir na nakadamit sibilyan (Operation Gibraltar) ngunit nagpalya dahil sa pagkalap ng impormasyon ng India

3. ika-1 ng Setyembre 1965: bumawi ang Pakistan (Operation Grand Slam) sa palpak na Operation Gibraltar

4. Setyembre 1965: anim na buwan na ang nakalipas at tabla pa rin ang digmaan

5. ika-23 ng Setyembre 1965: nakialam ang Estados Unidos at Soviet Union kaya natigil ang digmaan

Resulta ng Digmaan

Nagsimula ang digmaan at ang ikinaiba nito sa naunang Digmaang Indo-Pakistani ay ang lawak at kapangyarihan na ipinadalang lakas-militar ng dalawang bansa.

May ilang pitong libong sundalo ang dumalo sa digmaan at naipamalas rin ng 2 bansa ang mga lakas ng tangke, eroplano, at barko na may malaking epekto sa pagpapatuloy ng bakbakan. Walang nabuong kalamangan sa isang panig ng digmaan at matagal na nasa pantay na katayuan ang laban.

Itinatayang may 3000 sundalong Indian ang nasawi samantalang umabot ang bilang ng nasawing sundalong Pakistani sa 3800. Halos tig-200 na tangke ang nasira sa digmaan. Digmaan Tungo sa Kasarinlan ng Bangladesh (Bengali War of Independence/Bangladesh Liberation War/Pangatlong Digmaang Indo-Pakistani)

Ang bagong-layang Pakistan noong 1947 ay nahati sa 2 magkabilang bahagi kung saan napagitna ang India.

Ang Kanlurang Pakistan ang naging sentro ng pulitika at pinaniniwalaang sinasamantala lamang ang ekonomiya ng Silangang Pakistan o Silangang Bengal.

Higit sa doble ang natatanggap na budget ng Kanlurang Pakistan kumpara sa Silangang Bengal subalit mas madami ng onti ang populasyon ng Silangang Pakistan.

Mga sangkot: Silangang Pakistan at India laban sa Kanlurang Pakistan Kelan: ika-26 ng Marso 1971 hanggang ika-16 ng Disyembre 1971 Mukti Bahini – tawag sa malaking populasyon ng mga sibilyan na sumama sa digmaan

Mga Mahahalagang Pangyayari

1. ika-7 ng Marso 1971: Ang mga binitawang salita ni Sheikh Mujibur Rahman, "Our struggle is for our freedom. Our struggle is for our independence.", ang naghikayat na magsi-alsa ang bawat mamamayan ng Silangang Bengal upang ipaglaban ang kanilang kalayaan at kasarinlan.

2. ika-25 ng Marso 1971: Operation Searchlight – isinagawang misyon ng Kanlurang Pakistan upang matigil ang nasyonalismo na tumitibay sa Silangang Bengal. Madaming sinirang mga imprastrakturang Hindu at madaming ginawang sistematikong pagpapatay sa karamihan sa

Page 4: 2-6 Digmaan Timog Asya

4

mamayan ng Silangang Bengal. Ang mga kaganapang ito ay lalo lang ikinagalit ng mga Bengali.

3. ika-26 ng Marso 1971: Dahil sa mga karahasan na nangyari, idineklara ni Sheikh Mujib ang kasarinlan ng Silangang Pakistan . Ito ay nailabas sa radyo ni Major Ziaur Rahman at ito ang tinuturing Araw ng Kasarinlan ng Bangladesh (ang pangalang Bangladesh ay sinimulang gamitin nung araw ding iyon).

4. Disyembre 1971: Naglunsad ng “pre-emptive strike” ang Pakistani Air Force sa India. Dahil dito, opisyal na idineklara ng India ang digmaan kontra sa Pakistan. Nataob ang digmaan sa pabor ng Bangladesh dahil sa malakas na dagdag ng India sa suportang militar sa Bangladesh.

5. ika-16 ng Disyembre 1971: Sumuko ang Kanlurang Pakistan. Resulta ng Digmaan:

Sa kasunod na taon, nilagdaan ng India at Pakistan ang Simla Agreement na nagsasaad ng pagkilala ng Pakistan sa kasarinlan ng Bangladesh kapalit ng pagpapalaya sa 90,000 na Pakistani “Prisoners of War”.

Itinatalang nasa 30,000 sundalo galing Bangladesh ang namatay kumpara sa 18,000 galing Pakistan. Ang mga estima sa namatay na sibilyan simula ng Operation Searchlight ay nasa 300,000 – 3,000,000.

Digmaang Sibil sa Sri Lanka (Eelam War)

Ang mga militanteng grupo sa Sri Lanka na naglalayong mapahiwalay sa bansa ay nakipaglaban sa pamahalaan sa loob ng 26 na taon simula ika-23 ng July 1983 hanggang ika-18 ng Mayo 2009.

Sinhalese laban sa Tamil – dalawang grupong-etniko na madaming hindi napagkasunduan sa pagbuo ng konstitusyon

Mga Mahahalagang Pangyayari

1. 1936: Lanka Sama Samaja Party – itinulak ang paggamit ng wikang Ingles sa Sinhala at Tamil

2. Nobyembre 1936: Ibinalik ng State Council ang paggamit ng wikang bernakyular

3. 1944: Itinulak ulit ang wikang Ingles na gamitin sa Sinhala

4. 1956: Idineklara ni Punong Ministrong S.W.R.D. Bandaranaike ang “Sinhala Only Act”. Dito na nagsimula ang kaguluhan

5. 1972: Tamil New Tigers – mga kabataang Tamil ay nagsasama para sa isang kolektiba; mga kabataang malaki ang populasyon na may kauting edukasyon at mga walang trabaho

6. 1976: nabuo ang Tamil United Liberation Front at nagpalit pangalan sa Liberation Tigers of Tamil Eelam (LTTE) ang dating Tamil New Tigers

7. 1975: Nagsimula ang operasyon ng LTTE sa pagpapatay ng mga taong matataas ang katungkulan sa gobyerno

8. Hulyo 1983: Sinugod ng LTTE ang militar sa hilaga at napatay nila ang 13 sundalo. Bumawi ang pamahalaan, at minasaker ang 400-3000 na Tamil sa Colombo. Simula ng digmaang sibil

9. Mayo 1987: Ang unang pagsugod (Operation Liberation) ng pamahalaan ay naganap nang nilusob nila ang tangway ng Jaffna at matagumpay na naibalik ang kontrol ng lugar na ito sa pamahalaan.

10. Hulyo 1987: isinagawa ng LTTE ang unang “suicide attack” sa pamamagitan ng pagsugod ng isang truck na puno ng pasabog sa kampo ng mga sundalo. Ito ang kanilang naging tatak at sa 170 na atake, sila ang may pinakamadaming naitalang “suicide attacks” sa lahat ng organisasyon sa buong mundo.

11. ika-29 ng Hulyo 1987: Indian Peace Keeping Force – lakas-militar na pinadala ng India bilang tulong sa pamahalaan. Ito ay pumalya laban sa lakas ng LTTE.

12. ika-16 ng Mayo 2009: Inanunsyo na ni Heneral Fonseka ang tagumpay. 13. ika-17 ng Mayo 2009: Opisyal na dineklara ng LTTE ang pagsuko . 14. ika-18 ng Mayo 2009: Napatay ang lider ng TLLE na si Velupillai

Prabhakaran. Resulta ng Digmaan

Nagpatuloy ang digmaan sa higit 20 taon at madaming nabulilyasong pagtatangka na magkaroon na ng “cease-fire”.

Unti-unting humina ang lakas ng LTTE at naubusan na rin ito ng supply ng armas, pagkain at gamot.

Tinatayang umabot sa 80,000-100,000 ang mga nasawi lahat lahat sa matagal na digmaang ito.

Digmaang Sibil sa Nepal (People’s War by the Maoists)

Nilabanan ng mga rebeldeng Maoist ang monarkiya ng Nepal upang palitan ito ng demokrakitong sistema. Nagtagal ang pag-aalsa simula ika-13 ng Pebrero 1996 hanggang ika-21 ng Nobyembre 2006. Mga Mahahalagang Pangyayari

1. 1990: United National People’s Movement (UNPM) – humingi ng eleksyon para sa Constitutional Assembly

Page 5: 2-6 Digmaan Timog Asya

5

2. Nobyembre 1990: Communist Party of Nepal (Unity Center) – may katulad na layunin sa UNPM at ang ilang kasapi ng naunang partido ay nasa CPN(UC) din. Bukas sa ideya ng madahas na paglaban sa pamahalaan.

3. 1994: nabiyak ang CPN(UC) at naging Communist Party of Nepal (Maoists) ang militanteng grupo na handa sa armadong pakikibaka.

4. 2002: Ang pag-atake ng mga rebelde sa isang barracks sa Dang District ang naging sanhi ng pagbibigay-tulong ng mga militar sa pamahalaan.

5. 2004: Tinanggihan ang hiling ng CPN(M) sa direktang negosasyon kay Haring Gyanendra.

6. 2005: Pinuntirya na ng mga rebelde ang Kathmandu, ang kabisera ng Nepal, kung saan nakalagay ang karamihan ng lakas-militar ng Nepal.

7. Pebrero 2005: Ipinatigil ng Haring Gyanendra ang suporta galing sa ibang bansa at kinuha ang buong pamumuno sa bansa. [Tuloy-tuloy dati ang suporta galing Estados Unidos, India, at “European Nation” sa pamahalaan ng Nepal.]

8. ika-22 ng Nobyembre 2005: napagkasunduan ng CNP(M) at United People’s Front na ang pagtataguyod ng demokrasya ang solusyon sa problema ng bansa. Lalong lumakas ang oposisyon habang humihina ang pwersa at supply sa pamahalaan.

9. ika-21 ng Nobyembre 2006: pinirmahan ang Comprehensive Peace Accord nina Punong Minsitro Koirala at ang pinuno ng CPN(M) na si Prachanda. Pinayagan nitong dumalo sa pamahalaan ang mga Maoists.

Resulta ng Digmaan

Tinatayang umabot sa 12,700 ang lahat lahat ng namatay sa nasabing pag-aalsa.

Naging People’s Republic of Nepal at patuloy pa rin ang pagbabantay ng UN sa aktibidad ng militanteng grupo.

Digmaan sa Kargil (Pang-Apat na Digmaang Indo-Pakistani) Ang rehiyon ng Kargil ay matatagpuan sa ilalim na bahagi ng napagkasunduang Line of Control. Kaunti ang populasyon sa nasabing lugar at may mga nakatayong “military outpost” dito na nasa 5,000 metro ang taas. Dahil dito, ang pagmamay-ari ng lugar na ito ay magbibigay ng napakalaking kalamangan sa digmaan.

Tumaas ang tensiyon sa Kashmir dahil sa mga sumusunod: 1. mga Muslim na naglalayong humiwalay sa pamumuno ng India 2. suporta ng Pakistan sa mga militanteng grupo 3. sinusulong na nuclear tests ng parehong bansa

Ang lugar na ito ay pinaglabanan ng India at Pakistan simula Mayo hanggang Hulyo ng taong 1999.

Mga Mahahalagang Pangyayari

1. Pebrero 1999: inokupa ng mga sundalong Pakistani ang mga poste na bahagi na ng teritoryo ng India

2. Mayo 1999: tinambangan ang isang grupo galing India na pinadala upang magronda sa Kargil

3. Hunyo 1999: rumesponde na ang pamahalaan ng India at sinimulan ang pagpapadala ng lakas-

militar kasama ang mga sumusunod: 30,000 sundalo, mga eroplano, at mga barkong pandigma. Operation Vijay – operasyon sa lupa, at Operation Safed Sagar – operasyon sa ere.

4. Hunyo 1999: hindi naging madali ang pagsugod ng India sa lugar dahil sa taas ng lugar at sa napakalamig na klima. Hindi gaanong epektibo ang mga eroplano dahil sa napakalamig na panahon doon sa tuktok.

5. ikaw-4 ng Hulyo 1999: Washington accord – iniurong na ang mga sundalong Pakistani na umukopa ng

Page 6: 2-6 Digmaan Timog Asya

6

teritoryong lagpas sa Line of Control 6. ika-26 ng Hulyo 1999: “Kargil Victory Day” sa India – opisyal nang

inanunsyo ang pagtatapos ng digmaan Resulta ng Digmaan

Dahil maikling panahon lang ang nasakop ng digmaan, umabot lamang ng 1,000 lahat lahat ang bilang ng mga nasawing sundalo.

Nagwagi ang India at dahil dito, tumaas ang stock market ng bansa ng 30% sa sumunod na taon.

Ang sariwang digmaang ito ay naging malaking suliranin ng buong mundo sapagkat mayroong nakahandang “nuclear weapons” ang mga nag-aaway na bansa.

Dahil naganap ang digmaan sa modernong panahon, mataas rin ang naging takot sa paggamit ng “weapons of wass destruction” at iba pang “biological and chemical warfare” ng parehong bansa.

Mga Nagamit na Batis

1. Scaruffi, Piero. Wars and Genocides of the 20th Century. http://www.scaruffi.com/politics/massacre.html

2. Anonymous. Major Wars and Conflicts of the 20th Century. http://www.historyguy.com/major_wars_20th_century.htm

3. Wikipedia. History of Bangladesh. http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_bangladesh

4. Wikipedia. History of Bhutan. http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_bhutan

5. Wikipedia. History of India. http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_india

6. Wikipedia. Partition of India. http://en.wikipedia.org/wiki/India_partition

7. Wikipedia. Indo-Pakistani wars and conflicts. http://en.wikipedia.org/wiki/Indo-Pakistani_wars_and_conflicts

8. Wikipedia. Indo-Pakistani War of 1947. http://en.wikipedia.org/wiki/Indo-Pakistani_War_of_1947

9. Wikipedia. Indo-Pakistani War of 1965. http://en.wikipedia.org/wiki/Indo-Pakistani_War_of_1965

10. Wikipedia. Sino-Indian War. http://en.wikipedia.org/wiki/Sino-Indian_War

11. Wikipedia. Kashmir Conflict. http://en.wikipedia.org/wiki/Kashmir_conflict

12. Anonymous. Indo-China War of 1962. http://www.globalsecurity.org/military/world/war/indo-prc_1962.htm

13. Wikipedia. History of Maldives. http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_maldives

14. Wikipedia. History of Nepal. http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_nepal

15. Wikipedia. Nepalese Civil War. http://en.wikipedia.org/wiki/Nepal_Civil_War

16. Wikipedia. History of Pakistan. http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_pakistan

17. Wikipedia. History of Sri Lanka. http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_sri_lanka

18. Wikipedia. Sri Lankan Civil War. http://en.wikipedia.org/wiki/Sri_lanka_civil_war

Inihanda ni Hykinel Bon D. Guarte para sa rekisitos na Hand-Out sa asignaturang Kasaysayan 2 sa patnubay ni Ma. Luisa R. De Leon-Bolinao, Ph.D.