modyul 10 sinaunang timog asya

40
Sinaunang Timog Asya

Upload: evalyn-llanera

Post on 12-Jan-2017

1.506 views

Category:

Education


22 download

TRANSCRIPT

Page 1: Modyul 10 sinaunang timog asya

Sinaunang Timog Asya

Page 2: Modyul 10 sinaunang timog asya

Pamamayani ng mga Aryan

• Pagdating ng mga Aryan- may wikang Indo-Europeo- nilisan ang kanilang tirahan sa Siberia at sa rehiyong steppe o tuyong grassland sa hilaga ng Caucasus.- Sa India, nagtatag ang mga Aryan ng bagong sistemang politikal at panlipunan.- Nagtagumpay sa kanilang pananakop dahil sa kanilang husay sa pakikidigma.

Page 3: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Sinakop nila ang buong Indus Valley hanggang sa mga kapatagan ng Ganges at Decan Plateau.

• DRAVIDIAN, isang pangkat ng tao na pinaniniwalang pinagmulan ng mga sinaunang Harappan.

• SANSKRIT, sistema ng pagsulat ng mga Aryan.• Ito ang nagbigay-daan sa pagtala ng isa sa

pinakamahahalagang aklat ng mga Aryan, ang VEDAS.

Page 4: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Ang Vedas- Nakatala ang mga sinaunang datos at impormasyon tungkol sa pamumuhay ng mga Aryan sa India.- Ang mga pangyayari at tradisyong nakapaloob sa Vedas ay itinuturing sa kasaysayan ng India na Panahong Vedic.

• Lipunang Hindu- Isa sa mga impluwensiyang humubog sa pamumuhay ng mga Aryan at mga katutubo ng sinaunang India ay ang HINDUISM.

Page 5: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Tinatawag ang pagpapangkat-pangkat ng tao na SISTEMANG CASTE.

Brahmin- pari; pinangngunahan ang mga

ritwal at seremonyang panrelihiyon

Kshatriya- mandirigma; ipinagtanggol at

pinangalagaan niya ang kapakanan ng lipunang Hindu.

Vaishya- mangangalakal; nakilahok siya sa kalakalan

at komersiyo

Shudra- manggagawa; bumuo sa malaking bahagi ng populasyon ng

lipunang Hindu; karaniwang mga magsasaka at artisano

Page 6: Modyul 10 sinaunang timog asya

- May pangkat ng tao sa lipunang Indian na hindi itinuturing na kabilang sa anumang caste.- Tinawag silang mga “dalit” o untouchable.- Dati silang mga bihag ng digmaan, kriminal, at kasapi ng maliliit na pangkat etnoligguwistiko.- Hindi pinahihintulutan ang mga untouchable na makisalamuha sa mga kasapi ng caste.- Tinatawag din silang OUTCASTE.

Page 7: Modyul 10 sinaunang timog asya

- Karaniwang marurumi at mabababang uri ng gawain tulad ng paglilinis at pag-eembalsamo ng bangkay ang itinakdang tungkulin ng mga untouchable.

Page 8: Modyul 10 sinaunang timog asya

Impluwensiya ng Buddhism at Jainism• Buddhism

- Nakasandig sa mga aral at katuruan ni Siddhartha Gautama na kilala rin bilang “Buddha”.- Maraming aral ni Buddha ang naging katanggap-tanggap sa mga sinaunang tao sa India at nakahikayat sa kanila na maging tagasunod ng Buddhism.- Dalawa sa mga ito ay ang Four Noble Truths at ang Eightfold Path.

Page 9: Modyul 10 sinaunang timog asya

- Pinaniniwalaan din ng mga tagasunod ni Buddha ang kaniyang aral na makakamit ng tao ang NIRVANA o kaligayahang walang hanggan sa isang buong buhay lamang.- Nangangahulugan na hindi na kailangang dumaan ang isang tao sa REINKARNASYON o siklo ng kamatayan at muling pagsilang upang matamo ang nirvana.

Page 10: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Si Mahavira at ang Jainism- Kasabay ng paglaganap ng Buddhism ay ang pagiging tanyag ng mga aral ni Mahavira Vardhamana na nabuhay sa panahoin din ni Buddha.- Hindi nagtagal at isang panibagong relihiyon ang sumibol sa India na batay sa mga katuruan ni Vardhamana – ang JAINISM- Tinangkilik ito dahil sa paniniwalang nararapat igalang ang lahat ng uri ng nilalang.

Page 11: Modyul 10 sinaunang timog asya

- Naniwala rin sila na may kagyat na bunga ang anumang asal o gawi ng isang tao. - Lumaganap ang Jainism sa gitna at kanlurang India ngunit hindi naging kasinlaganap ng Hinduism at Buddhism.

Page 12: Modyul 10 sinaunang timog asya

Mga Imperyo sa India• Pananakop ng mga Dayuhan

- Nahati ang India sa magkakalabang kaharian.- Madaling napasailalim sa kapangyarihan ng mga Persian ang Timog Asya.- Noong panahon ni Cyrus the Great at Darius I, pinagbayad ang mga katutubo ng India ng buwis, ngunit hinayaan ang mga pinunong Indian na manatili sa kanilang katungkulan.

Page 13: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Imperyong Maurya- Pagkatapos ng pananakop ni Alexander, naging makapangyarihan ang isang kaharian sa India sa pamumuno ni Chandragupta Maurya.- Naging kabisera nito ang Pataliputra na matatagpuan sa hilagang bahagi ng India.- May matatag at sentralisadong pamahalaan.- Pinatili ang pagkontrol dito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng hukbo.

Page 14: Modyul 10 sinaunang timog asya

- Hinati ang imperyo sa mga lalawigan na pinangasiwaan ng mga gobernador.- Karaniwan sa mga itinalaga niyang gobernador ay kaniyang mga kamag-anak at mga pinunong militar.- Upang higit na mas mapabilis ang pagpapatupad ng mga kautusan ng hari, hinati ang mga lalawigan sa mas maliliit na yunit o distrito.- Pawang malalapit kay Chandragupta ang naging pinuno ng mga distrito.

Page 15: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Naging umunlad ang ekonomiya.• May mahusay na kalakalan na umabot

hanggang Persia at China.• Nagpagawa ng mga kalsada, pati na rin ng

sistemang pangkoreo na nagpabilis ng komunikasyon sa buong imperyo.

• Tahimik na isinalin ni Chandragupta ang trono sa kanyang anak na si BINDASURA

• Pagkaraan ng kanyang pagiging hari, umakyat sa kapangyarihan si ASOKA, ang apo ni Chanragupta.

Page 16: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Tulad ng kanyang ama at lolo, naging malupit na pinuno ng Maurya si Asoka.

• Ipinagpatuloy ang marahas na pananakop at pagpaslang sa mga sinakop na katutubo.

• Naging madali ang mapasailalim ang malaking bahagi ng Timog Asya sa kaniyang imperyo.

• Nagbago ang marahas na paraan ng pamamahala at pananakop ni Asoka nang matagumpay niyang napabagsak ang kaharian ng Kalinga.

Page 17: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Nagmartsa ang hukbo ni Asoka sa Kalinga na matatagpuan sa timog na hangganan ng Imperyong Maurya.

• Ang madugong labanan na ito na kumitil na marami ay nagdulot ng pighati kay Asoka at ng pagbabago sa paraan ng kaniyang pamamahala.

• Itinakawil ni Asoka ang karahasan at sinubukang pamunuan ang imperyo nang may kabutihan ng puso at pagkamakatwiran.

Page 18: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Naging mabuting tagasunod ng Buddhism si Asoka.• Ipinatupad niya ang mga aral ni Buddha tungkol sa

pagwawaksi sa karahasan at pagkakaroon ng wastong pamumuhay.

• Ipinadala niya ang mga misyonerong Buddhist sa mga karatig lugar ng imperyo upang palaganapin ang mga katuruan ni Buddha.

• Nagpatayo ng mga haliging bato kung saan nakatala ang mga nararapat na maging gawi ng tao ayon kay Buddha.

• Humina ang imperyo pagkaraang mamatay si Asoka.

Page 19: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Bumagsak ang imperyo nang paslangin ang huling pinunong Mauryan nag isa sa kanyang mga opisyal na militar.

• Muling nagkawatak-watak ang India at nagtatag ang ilang pinuno ng maliliiit na kaharian sa Timog Asya.

Page 20: Modyul 10 sinaunang timog asya

CHANDRAGUPTA MAURYA- Namahala sa India mula 322 – 301 B.C.E.- Naging mahigpit na pinuno at malupit sa pagpataw ng parusa sa mga taong hindi sumusunod sa kanya.- Pinangasiwaan niya ang imperyo batay sa aklat na Arthashastra na isinulat ng kaniyang tagapangasiwa at tagapayo na si Kautilya. Nakasaad dito ang mga patakarang pang-ekonomiya at militar, at inilarawan ang mga katangian ng isang nararapat na pinuno, kabilang ang pagiging malupit at nahigpit sa pagpapatupad ng batas.- Marami ang nais pumaslang sa kaniya kung kaya’t bago niya kainin ang pagkain ay ipinapatikim niya muna ito sa kaniyang mga tagapaglingkod. Natutulog din siya sa iba’t-ibang silid upang maiwasan ang mga tangkang pagapslang sa kanya.

ASOKA- Naging hari ng Imperyong Maurya mula 269 B.C.E. hanggang 232 B.C.E.- Kilala bilang “pinakadakila at pinagpipitaganang pinuno ng India”- Naniwala siya na sino man ang may higit na kapangyarihang militar laban sa iba ay nararapat na makipagdigma.- Ang matagumpay na pananakop sa Kalinga ang nagpapabago sa paraan ng kaniyang pamamahala. Itinakwil niya ang karahasan at niyakap ang Buddhism

Page 21: Modyul 10 sinaunang timog asya

Mahahalagang nagawa ni Asoka para sa Imperyong Maurya

• Pinaunlad ang kalakalan at industriya sa imperyo.• Nagpagawa ng malalawak na kalsada para sa mas

madaling transportasyon at komunikasyon sa imperyo.

• Nagpalagay ng mga puno, pahingahan, at balon sa tabi ng mga kalsada para sa mga manlalakbay ng imperyo.

• Pinahina ang impluwensiya ng sistemang caste at itinaguyod ang pagpapahalaga sa bawat tao.

Page 22: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Imperyong Gupta- Bagong kaharian ang umunlad sa gitnang lambak ng Ganges sa India.- Itinatag ni Chandra Gupta I.- Naging kabisera ang dating imperyo ang dating lungsod ng Maurya, ang Pataliputra.- Lumakas ang kapangyarihan ni Chandra Gupta I sa rehiyong Ganges matapos makipag-alayansa sa mga pamilyang namahala sa naturang lugar.

Page 23: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Pinalitan si Chandra Gupta I ng kaniyang anak na si Sumadra Gupta.

• Muling lumawakang imperyo sa pamamagitan ng pagsakop ng mga karatig-lugar nito.

• Dahil sa malakas na pwersang politikal ng imperyo, naging dakilang imperyo rin ang Gupta tulad ng Maurya.

• Noong 375 C.E., naging hari si Chandra Gupta II.• Ang panahon ng kaniyang pamamahal ay

tinagurian sa kasaysayan bilang “Ginintuang Panahon ng India”

Page 24: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Ito ang panahon ng kaunlaran at kapayapaan ng tinatamasa ng mga nasasakupan ng Imperyong Gupta.

• Tumigal ito ng halos 200 taon.• Nagwakas ang matiwasay at masaganang

pamumuhay ng mga Indian sa imperyong Gupta.• Pinahina ang imperyo ng sunod-sunod na

pananalakay ng mga nomadikong Hun mula sa hilagang-kanlurang India.

• Sa pagpanaw ni HARSA, isang pinunong militar na namahala sa Gupta, hindi napigilan ang tuluyang pagbagsak ng imperyo.

Page 25: Modyul 10 sinaunang timog asya

Ginintuang Panahon ng India• Nakamit ng imperyo ang pinakamalawak na

teritoryo.• Masagana ang pamumuhay ng mga Indian.• Naging maunlad ang kalakalan sa pagitan ng

Gupta at mga imperyo sa China, Timog-Silangang Asya, at rehiyong Mediterranean.

• Mayaman sa ginto at pilak ang imperyo dahil sa malawak na minahan nito.

Page 26: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Imperyong Mughal- Sa pagtatapos ng ika-15 siglo C.E., nahati ang Timog Asya sa maliliit na kahariang Hindu at Muslim.- Nakarating ang impluwensiyang Muslim sa rehiyon dahil sa dalawang paraan: pananakop at pakikipagkalakalan.- Dakong 1200, nandayuhan ang mga Turk sa India at nagtatag ng isang sultanato na tumagal ng halos 200 taon.- Naging kabisera nito ang Delhi kung kaya’t kilala ang kahariang Muslim na ito bilang Delhi Sultanate.

Page 27: Modyul 10 sinaunang timog asya

- Ika-16 na siglo, isang bagong pangkat ng mga mandirigmang Muslim ang tumawid sa Khyber Pass at nagtungo sa hilagang India. Kilala ang mga Muslim na ito bilang mga MUGHAL (o Mogul).- Muling napag-isa ang India sa ilalim ng bagong imperyo, ang Imperyong Mughal.

Page 28: Modyul 10 sinaunang timog asya

Pagdating ng mga Muslim sa India- Sa pamamagitan ng pananakop

- Sa pamamagitan ng kalakalan

- Dakong 700 C.E. sinakop ng mga Arab ang ibabang bahagi ng Indus Valley

- Masigla ang pagpapalitan ng produkto ng mga Muslim at Indian sa kanlurang baybayin ng India

Nahikayat man o napilitan lamang, maraming Indian ang naging Muslim.

Page 29: Modyul 10 sinaunang timog asya

Mga Tanyag na Pinuno ng Imperyong Mughal

• BABUR- Anak ng dakilang mananakop na si Tamerlane.- Ang kaniyang ina naman ay nagmula sa lahi ni Genghis Khan. Siya ang nagtatag ng dinastiyang Mughal.- Pinatalsik niya ang huling pinuno ng Delhi Sultanate.- Napalawak ang teritoryo ng imperyo sa pamamagitan ng pagsakop ng mga lupain sa hilagang India hanggang sa maaga niyang kamatayan noong 1530.

Page 30: Modyul 10 sinaunang timog asya

• AKBAR- Apo ni Babur, naging hari noong 1556.- Isang magaling na pinunong mandirigma, pinalawak niya ang nasasakupan mula sa kabundukan ng Himalayas hanggang sa Godavari River sa gitnang India, at mula sa Kashmir hanggang sa mga ilog ng Brahmaputra at Ganges.- Maihahalintulad ang Imperyong Mughal sa nakaraang Imperyong Maurya pagdating sa impluwensiya at kapangyarihan.

Page 31: Modyul 10 sinaunang timog asya

Mga Nagawa ni Akbar• Sa pamahalaan

- Binigyan niya ng pagkakataon ang mga hindi Muslim na humawak ng katungkulan sa pamahalaan.- Ginantimpalaan niya ang mga tapat at mahuhusay na naglilingkod sa kanya.- Pinaliit niya ang binabayarang buwis ng mga mamamayan batay sa halaga ng pangkalahatang ani ng lugar.

Page 32: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Sa ekonomiya- Pinaunlad niya ang kalakalan at paggawa sa imperyo.- Hinimok niya ang mga mangangalakal na makipagpalitan ng produkto sa ibang lugar tulad ng China at Europe.- Pinasigla niya ang pagluwas ng mga tela, pampalasa, produktong agrikultural, at mineral.

Page 33: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Sa relihiyon- Binigyan niya ng kanyang mga nasasakupan ng kalayaang pumili ng relihiyong kaaaniban.- Sa kabila ng pagiging Muslim, tinanggap niya ang iba pang relihiyon tulad ng Hinduism at Buddhism.- Inihinto niya ang hindi makatarungang pagpaparusa sa mga hindi Muslim.

Page 34: Modyul 10 sinaunang timog asya

• JAHANGIR- Anak ni Akbar, naluklok siya sa kapangyarihan nang pumanaw ang kanyang ama noong 1605.- Ipinagpatuloy ang pagkontrol sa malawak na sakop ng Imperyong Mughal. - Humina ang kanyang pamamahala dahil sa mabuting impluwensiya ng isa sa kanyang mga asawa na si Nur Jahan mula sa Persia.- Sinamantala ni Nur Jahan ang kaniyang posisyon bilang emperatris upang payamanin ang kaniyang pamilya.

Page 35: Modyul 10 sinaunang timog asya

• SHAH JAHAN- anak ni Jahangir, naluklok bilang hari noong 1627.- Pinaslang ang kanyang mga kaagaw sa trono upang maging pinuno ng imperyo.- Namahala sa loob ng 30 taon.- Mas pinalawak ang teritoryo ng imperyo sa pamamagitan ng mga matagumpay na kampanya sa talampas ng Deccan at Samarkand sa hilaga ng Hindu Kush.

Page 36: Modyul 10 sinaunang timog asya

- Sa kabila ng kanyang mabubuting nagawa sa Imperyong Mughal, may mga kabiguan si Shah Jahan bilang pinuno. Kabilang dito ang:- Hindi paglutas sa suliraning sa kahirapan ng mga karaniwang tao sa imperyo.- Pagkaubos ng kaban ng yaman sa imperyo dahil sa pagiging maluho ni Nur Jahan.- Lubhang magastos ng mga kampanyang militar at mga proyektong panggusali sa imperyo.- Hindi pagbibigay-pansin sa pagsasaayos ng mga daan at irigasyon.

Page 37: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Nakaapekto rin sa pamumuhay ng mga Indian sa imperyo ang madalas na tagtuyot at taggutom.

• Kalagitnaan ng dekada 1650, nagkaroon ng malubhang sakit si Shah Jahan.

• Ito ay nagbunsod sa pag-aagawan ng kaniyang mga anak sa kapangyarihan.

• Isa sa kanila ay si AURANGZEB na hinatulan ng kamatayan ang kapatid at ipinakulong ang ama.

• Noong 1658, ipinahayag niya ang sarili niya bilang pinuno.

Page 38: Modyul 10 sinaunang timog asya

• AURANGZEB- anak ni Shah Jahan- naging kontrobersyal siyang pinuno dahil sa pagtatangka niyang puksain ang itinuturing niyang mga kasamaan sa lipunan.- ilan dito ay ang pagbabawal sa tradisyong Hindu na SUTTEE (pagsunog sa babaeng balo sa oras ng paglilibing ng kanyang yumaong asawa), hindi makatarungang pagbabayad ng buwis, paglalasing, at pagsusugal.- ang pagiging deboto niyang Muslim ang dahilan upang itanggi niya ang mga tagasunod ng ibang relihiyon.

Page 39: Modyul 10 sinaunang timog asya

- Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pagbabagong kanyang isinagawa:

- Ipinagbawal ang pagpapatayo ng templong Hindu.

- Pinatalsik sa kanyang pamahalaan ang mga hindi Muslim.- Sapilitang ginawang Muslim ang may

ibang pananampalataya.- Pinatawan ng mataas na buwis ang mga Hindu at mamamayang hindi Muslim sa India.

Page 40: Modyul 10 sinaunang timog asya

• Ang hindi makatarungang nararanasan ng mga Hindu at iba pang hindi Muslim ang nagbunga ng mga rebelyon laban kay Aurangzeb.

• Naging malaking pangamba ang mga panloob na kaguluhan at pakikialam ng mga dayuhan sa imperyo.

• Nagpahina rin sa sentralisadong pamamahala ng imperyo ang alitan ng mga kasapi ng pamilya ni Aurangzeb na nagbunsod sa pagsiklab ng mga digmaang sibil sa India.