pentecost sunday

Post on 14-Dec-2014

480 Views

Category:

Spiritual

6 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Halina, Espiritu Santo!

Ang Pentecostes: Pagdating ng Espirutu Santo sa mga Apostol, kasama si Maria

Araw ng Pagsilang ng Simbahan

Bago umakyat sa langit, sinabi ni Jesus sa kanyang

mga apostol:“Huwag kayong aalis sa

Jerusalem. Aakyat ako sa Ama at hihilingin kong isugo sa inyo ang Espiritu Santo.”

Sinabi ni Jesus:“Pagdating ng Espirutu

Santo, saka ninyo mauunawaan ang lahat

ng itinuro ko sa inyo.”

Sinabi pa ni Jesus:“Pagdating ng Espirutu Santo, marami kayong magagawa, hindi pa sa

aking nagawa.”

Nung araw ng Pentecost, limampong araw

pagkatapos ng Muling Pagkabuhay ni Jesus, ang

Espirutu Santo ay dumating sa mga apostol, katulad ng

pangako ni Jesus.

Bago ang Pentecostes, ang mga apostol ay

pinaghaharian ng takot. Subalit nang dumating na ang Espiritu Santo, nawala ang takot sa kanilang puso.

Ang Espirutu Santo ang ikatlong Persona

ng Iisang Diyos.

Pagdating ng Espiritu Santo, saka lamang naunawaan ng mga unang Kristiyano

na ang Diyos ay may Tatlong Persona,

ang Santisima Trinidad, subalit iisang Diyos pa rin.

Ang Espiritu Santo ay Diyos na totoo,

naroon na siya sa simula ng panahon,

hindi siya nilikha.

Ang Santisima Trinidad ay may kanya-kanyang gawain

subalit iisa pa rin. Ang Ama ang Manglilikha,

ang Anak ang Tagapagligtas, at ang Espirutu Santo ang

Nagpapabanal.

Ang Espiritu Santo ay tinanggap na natin sa Sakramento ng Binyag.

Ang kaloob ng Espirutu Santo ay tinanggap natin sa

Sakramento ng Kumpil.

Tinanggap natin ang Espiritu Santo, kaya nasa atin ang kapangyarihan

ng Espiritu.

Dahil nasa atin ang Espiritu Santo, hindi tayo nag-iisa, kasama natin ang Diyos.

Natitiyak natin na anumang oras tayo tumawag sa

Diyos, naririnig tayo ng Diyos.

Iisa ang Espiritu na tinanggap natin sa

tinanggap ng mga Apostol.Kaya magagawa rin natin

ang nagawa ng mga Apostol.

Ang Espirutu Santo ay hindi natin nakikita, subalit mararanasan

natin ang pagkilos nito sa ating buhay.

Ang Espiritu Santo ay kumikilos sa atin

bilang “inspirasyon” o “paanyaya.”

Pagkilos ng Espirutu Santo…

Inspirasyong magdasal, …magpatawad,

…makipagkasundo sa kaaway, …magmahal, atbp.

Kung saan naghahari ang Espiritu Santo, naghahari

rin ang pagkakaisa at pagmamahalan.

7 Kaloob ng Espirutu Santo

Seven Gifts of the Holy Spirit

WisdomUnderstandingCounselFortitude

KnowledgePietyFear of the Lord

12 Bunga ng Espirutu Santo

12 Fruits of the Holy Spirit1. Charity, 2. Joy, 3. Peace, 4. Patience, 5. Kindness,6. Goodness, 7. Longanimity ,

8. Mildness, 9. Faith, 10.Modesty, 11.Continency, 12. Chastity.

Iba’t iba ang mga kaloob, iba’t iba ang mga gawain, subalit iisang katawan pa

rin ang pinaglilingkuran, ang Simbahan,

ang Katawan ni Kristo.

Katulad ng ating katawan, marami itong bahagi,

bawa’t bahagi ay mahalaga.

Bawat bahagi ay may kanyang gawain tungo sa iisang

pagkilos ng katawan.

Hadlang sa Pagkilos ng Espiritu Santo

Kasalanan Hindi pagpapatawad Pagiging makasarili Kulang ang tiwala sa Diyos

Ano ang dapat gawin? Isuko ang sarili sa Diyos. Talikuran ang kasalanan at

mga bisyo. Tawagan ang Espiritu Santo. Magsimula ng buhay sa

Espiritu Santo.

Ano naman ang mga kasalanan laban sa

Espiritu Santo?

Ang kasalanan laban sa Simbahan ay kasalanan

sa Espiritu Santo, sapagkat ang

Simbahan ang Templo ng Espiritu Santo.

Ang kasalanan sa ating katawan ay kasalanan sa Espiritu Santo.Sa binyag, tinanggap natin ang Espiritu Santo, kaya ang ating

katawan ang naging Templo ng Espiritu Santo.

top related